Fifth Section (Completed)

Oleh simplestabBer

90K 2.6K 151

Paano haharapin ng isang buong klase ang matinding suliranin dulot ng paghihiganti mula sa nakaraan? Labing-w... Lebih Banyak

Foreword
Prologue
chapter 01 | hellcome
chapter 02 | the game of emo
chapter 03 | savior's key
chapter 04 | opprobium
chapter 05 | forsaken
chapter 06 | the possible suspects
chapter 07 | high-and-mighty
chapter 08 | forthcoming death
chapter 09 | unlucky seven
chapter 10 | melodic fear
chapter 11 | encounter
chapter 12 | the newbies
chapter 13 | secrets to be unfold
chapter 14 | press it
chapter 15 | red rose
Chapter 16: Voiceless
Chapter 17: Agreement
Chapter 18: Betrayal
Chapter 19: Conspirator
Chapter 20: Dreadful celebration
Chapter 21: The girl who betrayed the most
Chapter 22: The newest member from Hell
Chapter 23: Blame on Flames
Chapter 24: Blind Reality
Chapter 25: His Secret
Chapter 26: The Burn Agenda.
Chapter 28: To drink or to live?
Chapter 29: Bumped to the reality.
Chapter 30: Hatred and Vengeance
Chapter 31: Revival from the past
Chapter 32: False Alarm
Chapter 33: Incognito
Chapter 34: Friend slash Foe
Chapter 35: The Vengeful War
Chapter 36: Jailbreak
Chapter 37: Deceitful Truth
Chapter 38: Devil around me
Chapter 39: Case closed
Chapter 40: Color Coding
Chapter 41: The Rebel's Fall
Chapter 42: Unmasked
Chapter 43: What love can do
Chapter 44: One of the answers
Chapter 45: She may be the answer
Chapter 46: Pick one and sacrifice
Chapter 47: Doomed Discovery
Chapter 48: Hide and Seek (1.2)
Chapter 48: Hide and Seek (2.2)
Chapter 49: Payback
Chapter 50: It Ends Tonight
Epilogue
Note
Stabbuh's note
Plug once again.

Chapter 27: Farewell, lover boy!

1.1K 37 3
Oleh simplestabBer

Chapter 27:
Farewell, lover boy!
Third Person’s POV

“Emmanuelle, Riyalyn, Louisse at Irah, pumunta daw kayo sa Office.” Muli silang napatingin sa direksyon ng pintuan kung saan naroroon ang kaklase nilang si Carl. Nagkatinginan ang tatlong sina Irah, Louisse at Emmanuelle. Maya-maya’y, nalipat ang mga tinging iyon kay Riyalyn.

“’Wag ka nang sumama, Riyalyn,” sabi ng kadadating lang na guro na si Ms. Reynes habang seryosong-seryoso na nakatingin sa dalaga. Agad itong bumalik sa kinauupuan at tumingin muli sa Screen habang kinakabahan hindi lamang sa nangyayaring pinapanuod maging sa dahilan kung bakit pinatawag ang kanyang mga kaklase sa Office.

“’Wag naman sana,” bulong niya sa kanyang sarili nang may maisip siyang dahilan kung bakit pinatawag ang mga dalaga niyang kaklase.

Padabog na lumabas ng silid-aralan ang tatlo habang sinusundan iyon ng tingin ni Riyalyn. Sinamahan ng gurong si Ms. Reynes ang tatlo sa opisina kung saan, kakausapin sila sa hindi nila malamang dahilan.

Wala naman silang nagawang mali. Iyon ang pagkakaalam nila.

Halata sa mukha nilang tatlo ang inis. Mas lalo pa silang nagalit nang marinig na hindi napasama si Riyalyn sa Office. Bakit ba palagi na lamang pinupuri ang babaeng iyon? Isip-isip nila habang tahimik na naglalakad papunta sa opisina kung saan nandoon ang maraming guro at ang principal ng paaralan.

Hindi naman maipaliwanag ang palihim na pagngiti ng kanilang kasamang guro na si Ms. Reynes habang naglalakad din ng tahimik. Nasa likuran niya ang tatlong magkakaklase habang namumuo parin ang katahimikan sa kanila. Wala siyang pakialam kung hanggang kailan ito tatahimik. Ang kanya lamang ay ‘wag sanang maging ganito sila kapag kaharap na ang punongguro.

Umakyat sila at nakarating sa Principal’s Office. Binuksan naman nila agad ang doorknob nito at agad bumulaga sa kanila ang principal na si Mr. Ortega at ang isang babaeng nakasuot ng pulang bistida habang nakakatakot ang matatalim nitong tingin sa kanila. Pero hindi nila ipinakita ang kahinang-loob kundi bagkus itinaas pa nila ang mga kilay na para bang nagsasabing hindi sila natatakot sa babaeng iyon.

“Maupo kayo,” sabi ni Mr. Ortega at sumenyas na umupo silang tatlo. Umupo sila sa unahan ng punongguro habang hindi parin alam kung bakit sila pinatawag dito. Wala din silang maintindihan kung bakit kasama ng principal ang isang babaeng ngayon lamang nila nakita ngunit bakit parang napakapamilyar ng mukha?

“Bakit po kami nandito?” tanong ni Irah. Napairap bigla ang babaeng nakapulang bistida nang magsalita ito. Masyadong matapang ang dalaga para siya mismo ang magtanong kung bakit nga ba.

“Dahil may kaso kayo, bullying,” sagot ng principal. Nagkatinginan ang tatlo sa naging sagot nito. Parang wala naman silang matandaan na may binully sila sa mga kaklase nila. Tahimik lamang ang kasama nilang guro na si Ms. Reynes pati ang babaeng katabi ng principal. Tila hinihintay nila ang pagpapaliwanag ng tatlong mag-aaral na inakusahan ng pambubully.

“Kanino?” pabalang na tanong ni Emmanuelle na may halong pagtataka at pagkainis ang mukha. Ngumiti ang punongguro bago sinagot ang dalaga.

“Hindi niyo ba kilala? Eh ilang beses siyang pinagtulungan. Pati ang ibang seksyon, alam din ang nangyayaring iyon,” wika ni Mr. Ortega habang seryoso ang tingin nito sa mga kaharap niya na siyang nagdagdag ng tensyon sa pagitan nila. Napabuntong-hininga si Louisse nang malaman niya kung sino ang tinutukoy nito.

“Ang babaeng mahina, si Riyalyn. Tss.” Umirap pa ito at nagtawanan ang tatlo.

“Oo nga, masyado kasi siyang outcast,” ani Irah.

“Trouble maker talaga siya. Nakakainis!” sabat naman ni Emmanuelle. Mas lalong nainis ang kanilang principal. Bahagya itong umayos sa pag-upo at mas lalong binigyan ng matalim na tingin ang tatlo.

“Bakit ganyan ka makatingin? ‘Di ba pera lamang ang gusto mo sa amin? Pwes, ibibigay ko sa’yo ang hinahanap mo,” lakas-loob na sabi ni Irah na siyang ikinahalakhak ng kanyang mga kasama sa loob ng opisina.

***

Irvin’s POV

Nakatingin parin kami sa screen na ngayon ay blangko na naman matapos ang napakabrutal na ginawa kay Barren. Honestly, I didn’t feel the exposure of all of those new exchange students in this school year. Taon-taon, laging may dumadating na bagong students at lahat ng iyon ay namamatay din. At dahil doon, hindi na kami nagugulat kapag nakakakita ng mga kaklase naming nasa kapahamakan lalo na kung transferee ito.

“Hindi ako natatakot sa kanya. Kung tutuusin, siya pa ang duwag dahil nagtatago pa siya sa maskara niya. Bakit hindi pa niya ilabas kung sino ba talaga siya? Natatakot siya dahil baka magbago ang tingin natin sa kanya? Tss,” wika ni Valerie na ngayon ay nakayukom ang kamao na parang balak na namang makipag-away. Isa pa siya sa mga baguhan na hindi sigurado kung ano ang magiging katapusan niya.

Minsan, naiisip ko din na ang hirap pala ng walang sinasamahang kaibigan. Oo nga, ako ang first honor ng klase pero natanong ko din sa sarili ko kung masaya ba ako? Noon kasi, iniisip ko na magiging bad influence at sagabal lamang ang kaibigan para sa akin. Pero bakit ngayon, parang gustong-gusto ko na ng kaibigan lalo na’t nasa gitna kami ng kaguluhang ito?

“Kailan kaya matitigil ‘to?” tanong sa akin ni Blaze. Sa totoo lang, siya lamang ang itinuturing kong pinakaclose na kaklase ko dito siguro’y dahil narin sa kadorm ko siya. Pero hindi ko parin masasabi na isa ko siyang kaibigan dahil alam ko namang marami siyang kaibigan na mas gugustuhin pa niyang samahan kaysa sa akin.

“Gusto ko na nga ding matapos e,” tanging nasabi ko matapos magkibit-balikat. Muli naming tiningnan ang nangyayari sa monitor nang makarinig kami ng isang nakakapangilabot na tunog mula sa speaker.

Pero wala parin namang nakaflash sa monitor. Tanging ang speaker lamang ang tumutunog.

“Kamusta, mga minamahal kong kaklase?!” Pinakinggan kong mabuti ang isang pamilyar na boses. Kanino nga ba ang boses na ito? Siguradong-sigurado ako na narinig ko na ito noon pero hindi ko lang matandaan kung kanino.

“At sa mga demonyong nagtatago sa kanyang maskarang anghel,” dagdag niya habang natahimik kaming lahat dahil kinikilatis namin ang boses na iyon.

“Nagbabalik ako para sabihin sa pumapatay na si—“

Biglang naputol ang boses nito nang biglang bumukas ang monitor at nagsalita ang misteryosong tao na nakasuot ng maskara. Siya ang pumatay kanina kina Ian at Barren at ngayon ay hawak naman niya ang isa pa naming kaklase na si Kennedy. Sa kanilang tatlo, siya lang ang hindi ko nakikitang magexpose dito sa klaseng ito. Madami din ang nagsasabi na snob daw siya.

“Nagbabalik ako,” aniya habang hawak-hawak ang isang bote na hindi namin malaman kung ano ang laman. Isa itong kulay puting bote na may kalakihan at paniguradong hindi maganda ang laman nito.

“Gusto ko lamang parusahan ang snobber na ito,” dagdag pa nito. Mas lalo kaming tumitig nang binuksan niya ang kanyang hawak na bote at ipinatong ito sa lamesang katabi niya. Hindi parin namin alam kung ano ang laman nito pero ngayon ay kitang-kita namin ang kaawa-awang itsura ni Kennedy na halatang takot na takot sa kanyang kaharap.

“Bakit mo naman siya parurusahan? Ano namang nagawa niya sa ‘yo?” napatingin kaming lahat kay Trixie na biglang sumigaw. Ngayon ko lang siya nakitang maglakas-loob na gumawa ng atensyon sa harap ng karamihan. Isa lang siyang hamak na kaklase namin na talagang kakaiba at pawang may nalalaman sa mga nangyayari dito.

Siguro ay dahil din sa nakaraan.

“Huh! Gusto mo ba talagang malaman? Baka kasi hindi niyo matanggap,” sarkastiko niyang sabi habang umiikot-ikot sa gilid ni Kennedy na siyang nagbigay sa amin ng kaba sa tuwing magsasalita siya.

“Kinausap niya, isang araw ang isa niyong kaklase. Pilit niyang pinapatunayan na si Irah ang killer ng inyong klase. Nang makita niya ako, hindi man lamang niya nagawang magbigay galang sa akin dahil alam na alam niya kung sino ako. Akala niya, matutuwa ako sa ginawa niya pero hindi, hindi dapat siya nagsalita agad noon. Simula noon, tinatanggi na niya na nakipag-usap siya sa taong iyon. Marami siyang sikreto na sinabi doon tungkol sa inyong lahat na hindi ko na iisa-isahin pang banggkitin. Masyado naman kayong sinuswerto kung ganon. Nakakatamad din naman. Kaya isa lang ang masasabi ko. Alam niya lahat ang sikreto niyo at pinagsabi niya iyon sa isa niyo pang kaklase na hanggang ngayon ay pilit na nananahimik,” paliwanag niya. Nagsimulang magalit ang ilan lalo na’t pinagbintangan pa si Irah.

Kung ganon, may isa pang nakakaalam ng sikreto ko? Ng sikreto namin? Sino naman kaya iyon?

“At simulan na natin ang isang magandang palabas.” Matapos niyang sabihin ‘yun ay biglang nawalan ng tunog ang speaker. Tanging ang video lamang ang nakikita namin at wala na kaming marinig na kahit anong boses. Parang sinadya talaga.

Kinuha niya ang kaninang hawak niyang bote. Ipinakita niya muna iyon sa amin na siyang ikinagulat naming lahat—asido.

Itinaas niya iyon at dali-daling ibinuhos sa mukha ni Kennedy. Kitang-kita namin ang pagmamakaawa niya kahit wala kaming nadidinig na boses sapagkat nakamute ito. Tila nasusunog na ang kanyang mukha at parang tuwang-tuwa pa ang misteryosong tao sa kanyang ginagawa.

May kinuha siya sa katabi niyang lamesa—isang baril. Itinutok niya iyon kay Kennedy. Napalunok ako nang ilapit niya iyon sa kanya at ipinasok sa bibig ni Kennedy na parang balak nitong pasabugin ang lalalamunan ng kaklase namin. Napakasama talaga ng taong ito.

Muling nagkaroon ng tunog ang speaker kung saan, katakot-takot na paghalakhak ang aming narinig. Napapikit na lamang ako bigla nang pindutin niya ang trigger ng baril at paniguradong agad sumabog ang lalamunan nito.

Napadilat ako at kitang-kita ko ang mga dugong tumalsok sa leeg ng killer habang masaya pa siya sa ginagawa niya. Isang demonyo talaga. Walang kasing-sama.

Humarap siya sa amin. Ibinato na lamang niya kung saan ang baril at agad itong nagsalita.

“One to go!”

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

GOOD BYE LOVER BOY.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

605K 38.8K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...
5.2K 202 31
Demons vs. Demons There are 4 demonic symbols around the world, heart, club, spade and the most powerful of all, DIAMOND. Their unity can change the...
LANDIAN Oleh A

Cerita Pendek

59.9K 646 43
"Larong kinagigiliwan ng lahat ngunit libo libo ang nasasaktan." -landian. Started:102418 Ended: 122218 ⒸDar3yn2018
1.3M 36.7K 164
NOW Published under Pop Fiction! ---- Sa mundo natin, maraming mga kababalaghang nangyayari... Di naman kailangan pang pahirapan ang sarili. Maniwal...