Don't Say You Love Me [EDITIN...

Por marielicious

3.3M 22.8K 4K

X10 Series: Kent Xavier Ignazio and Brent Xander Ignazio From rugs to riches. From ugly ducklings turned into... Mais

Don't Say You Love Me [Short Story]
1. Malling

2. Adoption

258K 5.9K 1.4K
Por marielicious

Chapter 2: ADOPTION

LOVELY'S POV

Ang tahimik namin dalawa ni Sandy. Nagpapakiramdaman kasi kami. Pinagmamasdan pa namin ang buong kwarto. Ang ganda ng buong kwarto. Halatang puro imported ang mga gamit. Kaya nga kami ni coushin, parang nadikit ang wetpaks namin sa kama. Ayaw naming maglilikot-likot kasi baka may masira o mabasag kami dito sa mansion ni Tita Vernia! Wala kaming pambayad. Sigurado, mas mahal pa sa buhay namin ang mga piguring dito.

(wetpaks= butt) (piguring= figurines)

Nagkatinginan kami ni Sandy. Sabay din kaming tumango bilang senyas.

"Wan, tu, tri!"

Sumalampak kami sa kama. Ang lambot-lambot! Parang lulubog kami sa sobrang lambot ng kama.

"Lovely, ang sarap sa likod... Ang lambot..."

Tumayo ako sa ibabaw ng kama at nagtatatalon. "Kyaaaaaahh! Ang sarap dito!"

"Pasali!"

Ayun nagtalunan kami sa ibabaw ng kama. Tumigil nalang kami nung napagod kaming dalawa. Jusko. Ang laki naman ng kwarto na 'to! Triple ang laki nito sa aming munting bahay. Eh yung mismong bahay namin, kasing laki lang ng banyo ng kwarto na 'to eh.

"Sandy, taralets dito!"

Lumapit naman si Sandy sa akin at sumilip din sa banyo. "Ang laki ng banyo 'no? May swimming pool pa na maliit. May shower din. Hindi na tayo magbobomba sa poso. Lumalaki ang braso ko dun eh."

"Kaya nga eh! Pero Lovely, hindi ka ba nagtataka kung bakit tayo inuwi dito sa mansion ni Tita Vernia?" Bumalik ulit kami dun sa kama. Grabeng laki din ng kama. Kasya ang anim na tao!

"Malay ko! Hindi naman na tayo tumanggi diba?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi kaya holdap 'to?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Uwaaah! Holdap??? Tapos, kukunin ang mga lamang-loob natin? Ayokoooooo, Sandy! Alis na tayo!!!"

"Waaaaaaah! Oo nga, tara na't umalis bago mahuli ang lahat!"

Tumakbo na kami papunta dun sa pinto na may gintong buksanan nang biglang bumukas ito ng kusa at iniluwa nun sina Tita Vernia at Alex.

"Oh, saan kayo pupunta, girls?"

Nagkatinginan lang kami saglit ni Sandy sabay yakap namin sa isa't-isa. Kyaaaaah! WALA NAAA~ Kukunin na ang mga atay namin at puso ko na nagmamahal kay Brent. Opo, I'm crushing Brent. Isa po siya sa mga nagbantay sa amin noong bakasyon kaso naging masalimuot ang pangyayaring yun.

"T-Tita, parang awa niyo na po~ Pakawalan niyo na po kami!" Oh tokwa~ Ngumangawa na si coushin Sandy ko.

"Tita, huwag niyo po kaming holdapin! Iba nalang po~" segunda ko naman.

Bigla namang tumawa itong si Alex sa likuran ni Tita Vernia. "What are you girls talking about? Holdap? Baka kidnap?"

Ay, kidnap ba ang tawag dun?

"Ganun na rin po yun! Parehas lang may ap yun! Uwaaah! Pakawalan niyo po kami~" Si Sandy oh! May luha talaga.

"Hey. Calm down, girls. Wala akong balak gawing masama sa inyo." Inakay niya kami pabalik ng kama. Umupo siya sa gitna namin samantalang si Alex ay nananatiling nakatayo.

"Eh bakit niyo po kami inuwi dito?" tanong ko naman. Grabe, nanginginig na ako sa lamig dahil sa lakas ng erkon. (erkon= aircon)

"I have something to tell you, girls. Naikwento niyo naman sa akin ang nangyari sa inyo diba? So, yeah... Because I got so interested to you both, I told Alex to do a research about your profiles. Not that I don't trust you huh? I just wanted to know everything..."

Wala akong naintindihan sa ingles niya. Oh my! Level 56 na yung ingles niya eh.

"I'll get this straight to the point." Umakbay siya sa amin ni Sandy. "I want to adopt you, girls. I want you to be my own girls."

KATAHIMIKAN...

"What do you think, girls?" tanong niya ulit.

Nagkatinginan naman kami ni Lovely. Lumabi siya sa akin na para bang sinasabi na may naintindihan ka? Ako wala eh. Ganun din naman ako. Hirap naman ng ingles spokening oh!

"Ah Tita, excuse ma lang po," sabi ni Alex kaya tumingin kami sa kanya. "Ako nalang po ang magpapaliwanag sa kanila, kung pwede po?"

Tumango-tango naman si Tita Vernia at tumayo na. "Okay, sorry masyado akong excited. Goodnight, girls ha? Matutulog na ako... If you need something, may intercom dyan sa gilid ng kama niyo. Bahala na si Alex na magturo sa inyo kung paano niyo magagamit yan." Bakit naging malungkot ang ngiti ni Tita Vernia?

"Ah, sige po Tita."

"I'm waiting for their answer, Alex." Yun ang huling sinabi ni Tita bago siya lumabas na ng kwarto.

"Alex, p...pwede b...bang h...hinaan a..a..ang e..er..k..kon?" Sabi ko habang nangangatal ang mga labi ko sa sobrang lamig.

Tumango naman siya sabay pindot dun ng kung ano sa erkon. Siniko naman ako ni Sandy kaya tinignan ko siya. "Eklat ka talaga, Lovely. Okay ngang malamig eh~ Pampaputi kaya yan ng balat."

"Weh?"

"Oo, tignan mo mga porenjer. Ang memestisa nila kasi malamig sa bansa nila."

(porenjer=foreigner)

Ay sayang, pampaputi pala yun. Pero kasi nilalamig na ako eh.

"So, let's get started." Bumalik na ulit si Alex sa harapan namin. Sa sobrang tangkad niya, nakaangat talaga ang mga ulo namin sa kanya. "Tatagalugin ko ang sinabi ni Tita Vernia kanina ha?"

Napabuntong-hininga ako. Thank you! Hindi na kami manonosebleeding.

"Ganito kasi yun, pinaimbestigahan kayo ni Tita Vernia. Actually, ako ang nag-imbestiga sa inyo. Sandy at Lovely Macapuno... Nakatira sa Lipa, Batangas... Natuklasan ko na naghiwalay na ang madrasta at ang tatay ni Lovely. May bago na ulit siyang kinakasama. Si Sandy naman, ulilang lubos na. Dahil nga sa kalagayan niyo at dahil na rin sa napakalagayang loob niyo si Tita Vernia sa loob ng isang araw, naging interesado siya sa inyong dalawa... Sa madaling salita, gusto niya kayong i-adopt."

Adopt...

Adopt...

Adopt...

Napakurap ako sabay kamot sa ulo ko. "ANONG ADOPT?" Ano yun, badap?

Ngumiti si Alex. "Gusto niya kayong ampunin. Gusto niyang maging anak kayo ng legal."

Nagkatinginan kami ni Sandy na nanlalaki ang mga mata. Uwaaaaah! AMPON??????

"Pabor naman sa akin yun kasi in-encourage ko naman si Tita na ampunin kayo. Alam niyo bang todo-puri ko sa inyo sa kanya para ampunin kayo?" Lumapit pa siya sa amin sabay gulo sa buhok namin dalawa ni Lovely. "Isipin niyo, pag pumayag kayo na magpa-ampon kay Tita, iiwanan niyo na ang mahirap na buhay niyo. Dito na kayo titira. Kahit anong gustuhin niyo, mabibili niyo. Bukod sa yayaman kayo eh, maswerte pa kayo kay Tita kasi napakabait na nanay yan."

Napanganga nalang kaming dalawa.

"Sana i-consider niyo ang offer namin sa inyo. Once in a lifetime opportunity ito eh. Sana rin ay pagbigyan niyo ang gusto ni Tita kasi may sakit siya." Huminto saglit si Alex sabay buntong-hininga. "Breast cancer... Gusto niya lang sumaya."

"Breast? Ano yun?" tanong ni Sandy. Alam naman namin ang cancer, pero breast? Hindi ako pamilyar dun.

Napahawak sa baba niya si Alex. Parang nag-iisip. "Cancer sa dibdib."

Ahhh.. Kaya pala malaki ang dyug-dyug ni Tita. May sakit pala siya.

Bumulong sa akin si Sandy, "Pag-isipan muna natin. Gamitin ang utak." Tumango naman ako sa kanya.

"Alex, we are think it muna ha?"

Ngumiti siya pero yung tipong natatawa siya? "Why? Am I joke?"

Umiling naman siya. "Sure. Sige, maiwan ko na kayo dyan. Kapag may kailangan kayo, katukin niyo lang ako sa kabilang kwarto sa kaliwa. Dito muna ako mag-i-stay habang nagdedesisyon kayo."

Palabas na siya ng pinto nang magkatinginan kami ni Sandy. Mga matang nangungusap nga naman.

"ALEX!" Sabay na tawag namin kaya naman lumingon siya.

"Bakit?"

Tumango-tango kami ni Sandy. "PAYAG NA KAMI!"

***

~2 months later~

"Oh God, thank you dear. You're really an angel, Alex."

"It's nothing, Tita."

Dalawang buwan na rin ang nakalipas nang pumayag kami na magpaampon kay Tita Vernia. Simula noon, pinaramdam sa amin ni Tita na hindi namin talaga pagsisisihan na pumayag kami. Oopps, Mama na pala ang tawag namin sa kanya. Mama na mabilis ang bigkas. PANGMAYAMAN! Ang bait niya! SOBRA! Ang dating tuyo na ulam namin, naging salmon~ Ang adobong kangkong, naging chicken and pork adobo~ Ang kape, naging milk.

Kasalukuyan kaming nasa home office ni Mama. Ewan ko kung bakit. Basta ang nakikita namin ay maraming papeles sa ibabaw ng lamesa.

"Girls, good news!"

Sabay kaming tumingin kay Mama. "Ano po yun?"

Ngumiti siya ng malapad. "Legal na anak ko na kayo. Here's your birth certificate. From now on, dala-dala niyo na ang apelyido ng asawa ko. You're now Sandy and Lovely Vasquez."

***

"SANDY AND LOVELY VASQUEZ..." Kanina pa bigkas ng bigkas si Sandy sa bagong pangalan namin. Ang ganda sa pandinig. Hindi na katawa-tawa. "Couz, hindi na tayo pagtatawanan!!!"

"Oo nga. Tunog mayaman!" Segunda ko naman sabay yakap sa kanya. Inferness, pumuti at kuminis ang kutis namin. Bukod kasi sa naka-erkon kami eh, mamahalin ang sabon at lotion na ginagamit namin. Meron pa nga kaming toner at moschuway— Ano ba yun? Nakakabulol ang tawag.

"Pero couz, matanong lang kita," sumeryoso bigla si Sandy kaya naman tinignan ko lang siya. "Ayos lang ba talaga sayo na kalimutan na ang amang mo? Ako kasi, wala na talagang magulang. Eh ikaw, may tatay ka pa."

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Oo naman. Mas pipiliin ko nang makasama si Tita Vernia kesa sa tunay kong amang. Wala naman siyang ginawa kundi ang saktan ako. Kahit kailan 'di ko naramdaman na tatay ko siya." Muntik pa nga akong pagsamantalahan nun eh. Tsk! Ayoko na ngang maalala.

Ngumiti siya pabalik sa akin. "Simula ngayong araw, pinanganak na ang bagong tayo. Vasquez cousins!!!"

Dahil sa tuwa namin, nagtatatalon-talon na naman kami sa kama. Nang mapagod na kami eh humiga na kami ulit.

"Couz, baba tayo? Nagugutom ako eh," sabi ko sa kanya habang hinahagod ang tiyan kong kumukulo na. Anong oras na ba? Oras na para magmiryenda ah.

"Sige, taralets, sis. Sis na tayo eh! Magkapatid na~"

Hawak-kamay kaming bumaba sa hagdan. Syempre, pinagsilbihan kami ng mga maids. Nag-alok sila ng iba't-ibang pagkain. May cake, sandwich at cupcakes. Ang pinili namin ay yung chocolate cake na binake ni Mama kanina.

"Yaya, pwedeng sa pool area nalang yan dalhin?" sabi ni Sandy. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na mayaman na kami. DONYA!

"Sige po, senyorita..."

Nauna na kaming pumunta sa pool area. Kaso, napahinto kami nang makitang may dalawang lalaki dun. Pamilyar ang tindig nila sa akin. Pero, teka sino ba sila? Bakit sila nandito sa mansion ni Mama?

Lumapit sa amin ang isa sa mga maid na may dalang tray ng miryenda namin. "Yaya, sino sila?"

"Sila po? Mga bisita ho ni Senyorito Alex. Sina senyorito Kent at Brent po."

Nagkatinginan kami ni Sandy nang bigkasin ni Yaya ang pangalan ng dalawang lalaking iyon. Uwaaaaaah! Si Brent my kras ba yun?

"Kambal po ba sila?" Paninigurado ni Sandy.

"Opo..."

Bigla naman akong niyugyog ni Sandy sa braso. "Couz, yung kambal oh. Sayang, dapat kasama si Kurtmylabs pati si Wayne the pogi. Tara, lapitan na natin sila!"

"Uyy, Sandy! Nakakahiya..." Hinila niya na ako.

"Hindi yan. Mabait naman sila noon sa atin eh!"

Pagkalapit namin, sakto namang tumingin sa amin ang kambal. Uwaaaah! Bat ang pogi ni Brent ko? Yuko ka lang, Lovely.

"Hello! Anong ginagawa niyo dito?"

Nagkatinginan naman silang kambal tapos bigla ba namang tumawa. Anong meron?

"Kayo ang dapat naming tanungin niyan. What are you two doing here?" tanong naman ni Kent. Grabe, nakakainggit naman ang kutis nila.

Ngumiti si Sandy at inakbayan pa ako. "DITO KAMI NAKATIRA! Ang saya diba?"

Humagalpak sila ng tawa. "I get it. Katulong kayo dito?"

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Brent. Katulong?!

"Duh! Hindi 'no? Senyorita kaya kami dito. Tanong mo pa kay Kuya Alex e!" Naasar na ako kaya sumagot na ako. Nga pala, sabi ni Kuya Alex, e kuya na ang itawag namin sa kanya kasi naman magpinsan na daw kami.

Tumawa na naman sila ng nakakaloko. Pigilan niyo ako! Kahit na gwapo ang mga 'to, masasapak ko sila sa ilong.

"Sige lang. Tumawa kayo. Totoo naman kasi na senyorita na kami dito. Hindi ba halata sa itsura namin ngayon?" Mataray na sabi ko. Gusto ko sanang umingles kaso sabi ni Mama, next time nalang daw. Pag-aaralin pa raw niya kami muna.

"Anong klaseng itsura yan?"

Nagpameywang na ako sabay taas ng isang kilay. "Itong itsura namin? Syempre, maganda!"

"Kayo? Maganda? Saan banda?" si Kent.

"Maganda? Saan kayo nakakakuha ng lakas ng loob? Bigyan mo naman kami. Nasobrahan kayo, e." si Brent.

Ang hambog naman ng mga ito! Sarap paluin ng dos por dos sa mukha!

Tumalak na si Sandy. "KAPAG KAMI GUMANDA, WHO YOU KAYO SA AMIN!!!"

Tinignan naman nila kami mula ulo hanggang paa sabay tawa na naman. "BWAHAHAHAHAH!! ITULOG NIYO NALANG YAN!! THAT'LL NEVER HAPPEN. WALANG PAG-ASA!"

Napanguso nalang kami ni Sandy. Ang sakit naman nila magsalita. Porket gwapo sila, ang lakas nilang makainsulto.

Tinapat ko sa pagmumukha nila ang kamao ko. "MGA HAMBOG! GWAPO NGA KAYO, ANG SASAMA NAMAN NG MGA UGALI NINYO! TSE!" sabay walk out ko kasunod si Sandy.

Dahil nga nabadtrip na kami ni Lovely sa kambal na yun ay napagpasyahan nalang namin na kumain nalang sa kwarto namin. Lamon kung lamon! Badtrip e!

"Bwisit yang kambal na yan! May araw din yan sa atin!" Naiinis na bulyaw ni Sandy habang sumusubo ng cake.

"Kainis nga! Sarap ingudngod ng mukha nila sa sahig. Ang sakit-sakit magsalita!"


KENT'S POV

Kent Xavier Ignazio is the name at may kambal ako sa kasamaang palad. Siya si Brent Xander Ignazio. Gwapo ng pangalan namin, no? Aba, bagay lang sa amin. Gwapo naman kasi talaga kami. Anyway, kami ay seventeen years old na. 10 minutes older ako kay Brent. Simula nang isilang kami sa mundo, hindi na kami naghiwalay. Ayaw kasi ni Mama na maghiwalay kami e. Ang gusto niya, sabay kaming mag-aasawa para sa ganun, dun na kami maghihiwalay. Mahal na mahal ko ang kambal ko. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, lagi kaming nagbabasagan ng mukha.

Nandito kami ngayon sa Vasquez mansion para puntahan si Alex. Balita ko kasi eh dito siya pansamantalang umuuwi. Malay ko kung anong dahilan. Baka LQ sila ng tatay niya.

"Tagal ni Alex," sambit ni Brent.

"Oo nga eh... Puntahan na kaya natin sa taas? Ay, wag nalang. Baka maligaw tayo. Laki ng mansion e!" Bakit nga ba namin hinahanap si Alex? Aba kasi naman, bigtime yun eh! Anak siya ng may-ari ng isa sa mga sikat na airlines dito sa Pilipinas. Kaya eto kami ngayon, hihiramin ang private chopper nila. Pinapahiram kasi kami ni Mama sa kanya. Parang nanghihiram lang ng nailcutter sa kapit-bahay.

Ilang minuto rin kaming naghintay dun nang may marinig kaming kung ano mula sa likuran namin. Syempre, sabay kami lumingon ng kambal ko. Gwapo kami eh.

Oh, bat nandito ang Macapuno girls?

"Hello! Anong ginagawa niyo dito?" tanong nitong si Sandy. Kumpara dati, mas mukha na silang tao ngayon.

Nagkatinginan naman kami ni Brent sabay hagalpak ng tawa.

"Kayo ang dapat naming tanungin niyan. What are you two doing here?" tanong ko.

"DITO KAMI NAKATIRA! Ang saya diba?"

Anong masaya dun? Yung mukha mo? Natawa tuloy kaming dalawa ni Brent.

"I get it. Katulong kayo dito?" Brent asked.

"Duh! Hindi 'no? Senyorita kaya kami dito. Tanong mo pa kay Kuya Alex e! Amp!"

Sumabog na kami sa kakatawa. Laftrip talaga 'tong dalawa na ito. Ambisyosa!

"Sige lang, tumawa kayo. Totoo naman kasi na senyorita na kami dito eh. Hindi ba halata sa itsura namin ngayon?"

"Anong klaseng itsura yan?" Tanong ko habang nagpipiit ng tawa.

"Itong itsura namin? Syempre, maganda!"

"Kayo? Maganda? Saan banda?"

"Maganda? Saan kayo nakakakuha ng lakas ng loob? Bigyan mo naman kami. Nasobrahan kayo, e."

Ooppss. I think we just hit a button. Mukhang silang bulkan na sasabog na anytime.

"KAPAG KAMI GUMANDA, WHO YOU KAYO SA AMIN!!!"

Tinignan namin sila mula ulo hanggang paa sabay tawa na naman. Shit! Yang itsurang yan, senyorita dito?! Nyahahaha! Parang sinabi niya naman na Presidente na ako ng Pilipinas. In other words, IMPOSIBLE!

"BWAHAHAHAHAH!! ITULOG NIYO NALANG YAN!! THAT'LL NEVER HAPPEN. WALANG PAG-ASA!"

Nagpout silang dalawa. Luuuh... Mukhang na-offend yata namin.

Naningkit lalo ang mga singkit naming mata ni kambal nang itapat ni Lovely sa mukha namin ang maliit niyang kamao. "MGA HAMBOG! GWAPO NGA KAYO, ANG SASAMA NAMAN NG MGA UGALI NINYO! TSE!"

At ayun, nagwalk out na sila. Natahimik kami ni Brent. Sumobra yata kami. Luuuuh! Nakakaguilty.

"Kent, lagot tayo. Iiyak na yun." Tignan mo 'tong si Brent. Lakas makakonsensya! Siniko ko nga sa tagiliran.

"Gago. Anong gagawin natin?" :3

Nagkibit-balikat lang siya. "Malay ko. Bigti ka nalang. Una paa! Pero 'di nga Kent, naniniwala kang senyorita na raw sila?"

Napailing nalang ako at napatawa. "Paano naman mangyayari yun? Ano sila saging para maging senyorita?"

"Ewan! Pero dude, chicks naman yung dalawang yun diba?" Umoo nalang ako sa kanya. Chicks naman talaga yung dalawa eh. Maganda sana kaso nasasapawan ng kaengotan.

"Chicks sana kung magaling magdamit at may utak. Kaso, hindi eh... Hindi ko kayang pagtiyagaan ang mga ganyang klaseng babae. Iniisip ko pa lang, sabaw na agad utak ko." Inakbayan ko siya. "Kaya kambal, ngayon pa lang sinasabi ko na, kailanman hindi ko magugustuhan ang isa sa kanila. Sila yung tipo ng babae na hindi pwedeng i-display sa madla eh."

Ngumisi siya. "Bad mo, kambal... Pero I agree. Yucky! Dirty!" sabay fist bump namin.

See? Kahit madalas na nagbabangasan at nagtatalo kami ni Brent tungkol sa isang bagay o tao, sa huli naman, lagi kaming nagkakasundo. That's what twin brothers are for.

"Hey, kanina pa kayo?"

Maraming salamat at bumaba na rin si Alex. Ang tagal eh!

"Kanina pa, dude. Alex, peram daw ng private plane sabi ni Mama..."


SANDY'S POV

-THE NEXT DAY-

Nagising kami ni Lovely sa pagtililing ng kung anumang bell. Syempre, nagmulat na kami ni Lovely at tumingin dun sa nagtitililing.

"Rise and shine pretty girls! Breakfast in bed! Hope you like what I cooked for you." Si Mama pala yun at may hawak siyang malaking tray. Syempre, lafang yun.

"Salamat po!"

Tinignan muna namin ang pagkain na niluto sa amin ni Mama. Wow! May hotdog, bacons, itlog, fried rice at kung ano-ano pa. Alam na nga pala namin ang tamang tawag sa mga pagkain na ganyan. Tinama kasi ni Mama dati ang hambunggeng, puklong at porchap namin. Mali pala yun! Pinagsisigawan pa naman namin yun dati! Kahiya!

"Kain na, girls. May sasabihin pati kasi ako sa inyo na importanteng bagay," sabi ni Mama habang nakangiti sa amin. Lagi talaga siyang palangiti! Kaya mukhang bata eh. Akala namin dati na nasa trenta anyos lang siya?? Yun pala, kwarenta'y kwatro na siya. So, unbelibebel!

"Ano po yun?" tanong ko. Si Lovely, nagsisimula nang kumain.

"Dahil sa legal ko na kayong mga anak at ayos na rin lahat ng papers niyo para magtravel ay isasama ko kayo sa work ko." Pinunasan niya ang bibig ko ng table napkin saka siya tumingin naman kay Lovely. "Mawawala tayo nang matagal. Pupunta tayo ng Europe para asikasuhin ko ang business ko dun and at the same time ay para i-enrol kayo sa school of etiquette."

"Po?" Wala kaming magetching.

Tumawa siya nang mahina. "Pupunta tayo ng ibang bansa, sa Paris to be exact. Sa susunod na taon na tayo makakauwi dito dahil marami pa tayong bansang pupuntahan."

Kung posibleng kumikinang ang mga mata, malamang kumikinang nga ang mga mata namin ni Sandy.

"Sasakay po tayo ng eroplano?!"

"May snow po?"

"Oo. Next week na tayo aalis kaya get yourselves ready. Ipapangako ko na pagbalik natin dito sa Pilipinas, ibang-iba na kayo."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lovely at napatili. OH MY GULAAAAAAAAY! ANG SWERTE-SWERTE TALAGA NAMIN! MAG-AABROAD NA KAMI!

Continuar a ler

Também vai Gostar

9.9M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...
18.8K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
348K 23.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...