Indulgent Geoff (TTMT #3)

By FGirlWriter

4M 110K 10.1K

Geoffrey Lucas "Geoff" Martin was forced to marry Zoey. Ngunit pursigido naman si Zoey na ma-in love sa kany... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty-Seven

106K 3.2K 254
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-SEVEN

HANGGANG sa ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Geoff na... heto na, may anak na siya.

                  Hindi maalis ang titig niya sa munting sanggol na nakabalot ng puting lampin. Inaasikaso ito ng mga nurse sa loob ng nursery.

                  Napangiti siya. Such an angel peacefully sleeping. He still can't believe it!

Zofiya is the most incredible...ugh! This is his daughter, his own child... parang lumalaki ang puso ni Geoff sa nakikita.

                  Unang beses niyang magmamahal ng dalawang babae ng magkasabay. Una si Zoey at sunod ay ang kanilang anak.

Now, it's truly possible to love two girls and not sinning at all.

                  Kinapa niya ang bulsa ng pantalon para kunin sana ang cellphone. He'll take some pictures and post it in his social accounts with that hashtag "proud daddy" on the caption.

He's excited for the whole world to see how wonderful Zofiya is.

                  "Where is it?" nabulong niya sa sarili nang walang makapa na cellphone. Naiwan niya ba iyon kahapon sa pagmamadali?

No. Alam niyang dala niya iyon nang isugod niya si Zoey sa ospital. "Tsk. Nevermind."

                  Baka naiwan niyang talaga sa bahay. Ipapadala na lang niya mamaya sa pinsang si Greg.

                  "Zofiya's a girl version of you, anak," natutuwang sabi ng Mama niya nang dumating ito kasama ang Papa niya. Sumunod na rin ang grandparents niya.

                  "Napakagandang tunay ng batang ito. Naalagaan niyong mabuti ni Zoey," his grandma said.

                  He proudly smiled. "She's our daughter, of course!" Umiinit ang puso niya.

Ganito pala ang pakiramdam kapag sa kanya mana ang anak! Mata, ilong, labi...lahat! Pati hulma ng mukha! One-day old pa lang si Zofiya pero halatang-halata na kung kanino nagmana.

                  "Hindi ka pa ba uuwi?" his grandma asked him. "Si Jona na ang magbabantay kay Zoey ngayon."

                  "Tama ang lola mo," singit ng grandpa niya. "Go home first. Magpahinga ka."

                  Umiling lang siya. "I'll stay. Baka magising na ulit si Zoey maya-maya. I promised to guard her."

                  Napangiti ang Mama niya. "I raised a romantic guy. Oh, come on, anak! Kailangan mo munang umuwi at maligo!"

                  "What? I don't stink, Ma!" Pasimple niyang inamoy ang sarili. Napangiwi siya. Crap! He stinks!

                  Nagtawanan ang mga ito nang makita ang reaksyon niya.

Damn. He badly needs a bath. Kahapon pa pala siya walang ligo dahil sa pagkataranta.

                  "Sige na. Go home for a while, Geoff," usig ng lolo niya. "Mahigpit naman ang security ng ospital, idagdag pang may apat na bodyguard sa labas ng kuwarto ni Zoey, may dalawang bodyguards para kay Zofiya at may bodyguard pa pati sa baba."

                  "Kulang na lang ay lagyan mo ng bodyguards ang bawat palapag ng ospital na 'to!" biro ng Mama niya.

                  "Gagawin kong talaga iyon kundi lang ako pinigilan ng administration ng ospital," seryosong sabi niya.

Hanggang sa ngayon ay pakalat-kalat pa rin ang madrasta ni Zoey. Walang makuhang lead ang magagaling na agents na kinuha niya.

                  Magaling magtago ang babaeng iyon. O alam nitong masyadong mahigpit ang seguridad na pinalibot niya kay Zoey kaya't hindi ito nagtatangka?

Naalala niyang sinubukan nitong makipagnegosasyon sa kanya.

But no! Lucille can't have Zoey.

Never!

                  Maraming nahalukay sa pag-iimbestiga ang mga kinuha niyang NBI agents na sina Emil, Felix, Michael, at Ivan. It crushed his heart when he found out about the report.

                  Hindi totoong namatay sa panganganak ang ina ni Zoey. Hindi rin totoong namatay sa heart attack ang ama nito.

                  There was a foul play in both deaths. Hindi iyon alam ng Zoey niya.

                  And Lucille was behind all of it! She's a hardcore manipulator and a liar. Ito ang tunay na mamamatay-tao!

                  "Magbilin ka na lang sa mga bodyguards, Geoff. Ikaw lang rin naman ang sinusunod nila," sabi pa ng lola niya.

                  Tumango siya. Okay, it's better if he'll go home for a while and take a bath. Iidlip lang rin siguro siya sandali at babalik agad.

                  Sinulyapan niyang muli ang anak bago nagtungo sa hospital room ni Zoey. Pagdating niya roon ay tulog na tulog pa rin ito. The doctor said it's normal. Mahabang pahinga ang kailangan nito para mabawi ang lakas mula sa panganganak.

                  He saw how painful it was for Zoey to give birth to Zofiya. Abot-abot langit ang takot at kaba niya habang nanganganak ito.

Wala siyang magawa para maalis ang sakit na nararamdaman nito. He can only pray and he stayed to encourage her and hold her hand. He promised to himself that's the only painful thing that Zoey will feel—giving birth.

                  Maybe Zoey won't mind if giving birth again to two more babies, right? He's planning to have two more children once they got married.

                  Hinalikan niya sa noo ang natutulog na dalaga. "I'll go home for a while, darling. I love you," bulong niya rito.

                  "Take care of her, Jona."

                  Ngumiti ang dalaga at nag-thumbs up. "Walang problema! Gustung-gusto ko namang inaalagaan 'tong si Zoey. Huwag kang mag-alala."

                  Tumango siya. "Call me when she wakes up. Tell her, I just took a bath."

                  "Sige. Magpahinga ka na rin. Mas gusto ni Zoey iyon."

                  Ngumisi siya. Halata ba masyado na wala pa siyang tulog mula kahapon?

                  Hinalikan niya pa ulit si Zoey bago lumabas. Binilinan niya ang apat na bagong bodyguard na padala ng isang sikat na security agency.

Pagkababa niya ay binilinan niya rin ang mga bodyguards doon.

                  When he got home, he did everything that everyone told him to do. Nagpahinga, kumain, at naligo.

                  "Señorito, may mga naghahanap po sa inyo sa baba," katok ng isang katulong habang inaayos niya ang mga gamit na dadalhin pabalik sa ospital.

                  Iniwan niya ang ginagawa at bumaba. He saw the four agents he's been working with.

                  "Nandito ka nga," bungad agad ni Agent Michael Casimiro—one of the top NBI agent that he hired to hunt Lucille.

                  Kumunot ang noo ni Agent Emil Aguinaldo—the operations' leader. "Anong nangyari? Nahuli na ba si Lucille?"

                  "Huh?" nagtatakang sambit niya. "Si Lucille?"

                  Agent Ivan Basco—another NBI agent, turned to him. "Hindi ba? Sabi mo sa'min. Kaya kami napasugod rito. Dahil sabi mo, nandito siya at nagkakagulo."

                  "Kaya kami nagmamadaling pumunta rito." Agent Felix Casas—the last member of the group, said. Ginala nito ang paningin. "Pero wala naman akong naramdamang may nangyaring gulo rito."

                  "What?" gulung-gulong wika niya. "What are you saying? Ngayon ko pa lang kayo nakausap ulit. At walang gulo rito."

                  Nagkatinginan ang apat. Lahat nagsalubong ang mga kilay.

                  "You texted us," sabi ni Emil.

                  Siya naman ang nagsalubong ang mga kilay.

"Hindi ko pa nahahawakan ang phone ko mula kahapon. Nanganak na si Zoey. Sinugod ko siya sa ospital kahapon."

                  Napamura si Felix. "Where's your phone?" seryosong tanong nito.

                  Bigla siyang natigilan. Hindi niya alam.

"Wait a second." Mabilis siyang bumalik ng kuwarto. Kung hindi niya dala iyon sa ospital, siguradong nasa kuwarto iyon.

                  Maingat siya sa gamit at hindi lang basta nakakaiwan o nakakalimot kung saan-saan. He cursed when he cannot find his phone anywhere.

Kumabog ng malakas ang dibdib niya.

                  "Something's not right," Ivan said when he told them that he lost his phone.

Nilabas nito ang sariling cellphone at ipinakita ang text "niya" daw sa mga ito.

                  LUCILLE'S HERE! THE GUARDS ARE CAPTURING HER. HELP US!

                  The number was his number indeed. Kinabahan na siya. "I don't text like that. And if Lucille's really here, I'll call you. Not send you a message!"

                  "Fuck."

                  Napatingin ang lahat kay Emil.

                  "Kung nandito si Matthew, nakutuban niyang hindi totoo ang text," anito at napailing.

                  "Hindi nawala ang phone. May kumuha," Michael concluded. "And it's fooling us."

                  Nagtagis ang mga bagang niya. Geoff started to hate himself for not noticing.

Nag-iisa lang ang cellphone niya dahil masyado siyang abala para magkaroon pa ng maraming numero. He's not into spare phones and numbers.

"Lucille got through, didn't she?" Nagmamadali siyang lumabas.

                  Kailangan niya nang bumalik ng ospital!

                  "Geoff?"

                  Nakasalubong niya palabas ang mga magulang. Even his grandparents.

                  "What are you doing here?" gulat na tanong niya sa mga ito.

                  "Kami dapat ang nagtatanong sa'yo niyan," sabi ng Lola niya. "Nag-text ka sa'min. Sabi mo ay nasa ospital ka na at mabilis mo kaming pinapauwi dahil sabi mo ay may panganib!"

                  "You texted us that Zoey's stepmother is there. Nautusan mo na ang mga bodyguard na protektahan sina Zoey kaya kami naman ay pinauwi mo agad para hindi na masali pa sa gulo," sabi naman ng Mama niya. "Sumunod kami sa utos mo dahil akala namin ay nandoon ka para sa mag-ina mo."

                  "No! Wala akong sinasabing ganyan! I lost my phone!" Marahas siyang napalingon sa apat. "We need to get to the hospital! Damn it!"

                  Mabilis na kumilos ang apat at sumakay ng sasakyan.

                  "Geoff, what's happening?"

                  "Stay here! Advise the guards!" bilin niya sa mga magulang at abuelo. Ayaw niya nang madamay pa ang mga ito.

                  Sumakay sila sa isang van at matuling nagmaneho si Ivan. Habang may mga kausap na sa kanya-kanyang phone sina Michael at Felix.

                  "Lucille is manipulating us! The bitch is doing it again!" natataranta niya nang sabi.

"Can I borrow your phone? I need to talk to the bodyguards! Sila na lang ang kasama ng mag-ina ko sa ospital!" Then he started cursing in French.

                  "Tumahimik ka!" saway ni Emil. "Hindi ka namin maintindihan! Walang maitutulong ang pagkataranta mo."

                  "Shit!" Michael muttered. "Basco, bilisan mo! We need to get to the hospital fast!"

                  Napamura na rin si Felix pagkatapos ibaba ang telepono nito. "Wala ang mga bodyguards mo, Mr. Martin! The leader received a message from your number, ordering them to go to your house. Immediately."

                  Parang tinakasan ng kaluluwa si Geoff. Nagsimula siyang mamutla. Kung wala na ang mga bodyguards sa ospital, ibig sabihin ay...

                  "Faster!" pasigaw na utos niya.

                  He can't imagine what's going on now. That Lucille... she planned this and manipulated all of them!

                  Ngayon lang nakaramdam si Geoff ng ganitong takot! Takot na takot. Para sa mag-ina niya.

                  Pagkarating nila sa ospital ay halos tumalon na siya palabas ng van. The hospital crowd looked peaceful. Nagmamadali siyang umakyat at napahinto.

                  Sino ang uunahin niyang puntahan? Is it Zoey or Zofiya?

                  Damn, damn, damn! Bakit ngayon pa nangyari 'to?! Hindi niya alam ang uunahin!

                  "Go and check your child, ako ang titingin kay Zoey," utos ni Emil na nakasunod pala sa kanya. Nagmamadali itong umakyat ng hagdan.

                  Matulin din siyang umakyat at agad na dumiretso sa nursery kahit ang utak niya ay gustong unang makita si Zoey.

                  He felt relieved when he saw that Zofiya is still there with the other new-born babies. Nandoon din ang dalawang bodyguards na itinalaga niya.

                  "Hindi ba kayo nakakuha ng text message mula sa'kin?"

                  Nagkatinginan ang dalawa. "Wala po, Sir. Mayroon po ba kayong bagong utos?"

                  Hindi dinamay ni Lucille si Zofiya.

                  Umiling siya. "Okay. Keep an eye on my daughter. Kapag may natanggap kayong texts mula sa'kin, it's not mine. I lost my phone. Huwag kayong aalis rito hangga't sa hindi ko personal na sinasabi sa inyo. Understand?"

                  Agad na tumango ang dalawa at bumalik sa puwesto ng mga ito. Tumakbo na siya papunta sa kuwarto ni Zoey.

                  Nakita niyang buhat ni Greg si Jona na walang malay.

                  "What happened?!"

                  "Ako dapat ang nagtatanong niyan?! Pagkarating ko, ganito na! Anong nangyari?!" galit na galit na sabi nito. "Walang malay si Jona nang makita ko sa loob. Nakagapos ang kamay at paa niya sa CR. And Zoey's not here!"

                  Tila huminto ang ikot ng mundo at bumagsak iyon kay Geoff. Hindi siya makakilos.

This can't be! No, no, no....

                  "Nahuli tayo," tiim-bagang na wika ni Emil na lumabas mula sa kuwarto. May dala na itong used injection na binalot nito sa panyo. "I'll call Ivan and the rest. Kailangang makausap ang admin ng ospital. We need some CCTV footage."

                  May sinabi si Emil kay Greg. Umalis na ang pinsan niya habang nagtatawag ito ng nurse para kay Jona.

                  Nanatili siyang nakatayo sa kinatatayuan. Hindi niya magawang kumilos. His heart is wrenching in pain. He cursed himself!

                  Hindi niya naprotektahan si Zoey! Nahuli siya!

Paanong hindi niya napansin na kumikilos na si Lucille? Paanong masyado siyang nagpakampante sa mga bodyguards?

                  Dapat hindi na lang siya umalis. Dapat hindi na lang siya umuwi!

Nadamay pa si Jona. She's a close friend of Zoey and his cousin's love. Zoey must have hate him.

He was not able to protect her!

                  God, what should he do now?!

                  "We'll alert the hospital about this. Michael's calling the Isabela's chief of police. Para hindi makalabas ng probinsiya si Lucille. We'll be calling for back up. We'll trace where Lucille might take Zoey."

                  "W-What should I do?" Napayuko si Geoff.

He's a failure for a protector. Ayaw niya nang makaranas pa ng kahit anong sakit si Zoey. Pero, may magagawa ba siya?

                  He doesn't know where the hell Lucille is! Hindi niya alam kung saan nito posibleng dinala si Zoey. Hindi niya alam... Anong magagawa niya?!

                  Ang protektahan ang babaeng minamahal ang tangi niyang kayang gawin, hindi niya pa nagawa ng tama!

                  Muli niyang naramdaman ang pagpisil sa dibdib. Napalunok siya. For a guy, he must admit, he's too soft-hearted.

"A-Anong gagawin ko ngayon? 'Yung h-hindi p-papalpak..." his voice cracked.

                  Seryoso siyang tiningnan ni Emil. Napabuntong-hininga ito at naglayo ng tingin. "Naniniwala ka sa Diyos?"

                  He nodded.

                  "Kung ganoon..." Tumingin ulit ito sa kanya. "Magdasal ka. Iyon ang pinaka-kailangan sa oras na 'to."

***

GEOFF always believed in the power of God.

Since he was a kid, he knew and believed that God exists. That someone up there is holding the whole universe, that the One responsible for unexplained events, miracles, and goodness is real and true.

                  Then, Eunice, of all people, nang makipagbalikan ito sa asawa ay natutunan niyang iba ang "alam" mong may Diyos sa "pagkilala" mo kung sino ang Diyos.

                  Maraming may alam na may Diyos. Pero dahil daw hindi naman lahat ay sinubukang kilalanin kung sino ang Diyos, hindi nagagawa ng ibang tao na magtiwala ng buo sa kapangyarihan Nito.

                  At dahil hindi sinusubukan ng iba na kilalanin ng mas malalim ang Diyos, hindi nagagawang makabuo ng relasyon sa pagitan nito at ng Diyos.

                  "It is not enough that you believe that God exists. You need to have Him. You need to know Him deeper and better. Dapat alam mong hindi Siya nagpaparusa ngunit nagdidisiplina. God is not just kind, but He is always good. You need to build a personal relationship with Him. Because it reflects on how you respond to the world, to the people around you, and to the wordly temptations that's been deceiving you," Eunice preached.

                  That made sense. And well, his heart was touched by that thought.

                  Bago niya makilala si Zoey, he's starting that kind of relationship. Although, he still fall into temptation a lot of times, sin a lot of times... but God would really show him how awesome He is. That building a relationship with Him was not easy, but it's going to be worth it.

                  Mag-isa siya ngayon sa loob ng chapel ng ospital habang naghihintay ng balita mula sa pagkilos ng top security team na kinuha niya.

                  Now, Geoff is on his bended knees. His hands clasped together. His head bowed down.

                  Prayers are always free, wireless, and unlimited. A prayer is always directed to God and God alone. It's an everyday conversation with Him.

                  "Conversation? Paano mo naman maririnig ang sagot ng Diyos kung ikaw lang ang nagsasalita sa prayer?" Geoff asked Eunice.

                  Eunice smiled and hand him a Bible. "Dito Siya sumasagot. Kaya ang pagdadasal, may kasamang pagbabasa ng Bible. They always go together. Through the Bible, you can find definite answers and guidance from God."

                  Hindi pa rin matanggal ang takot at pag-aalala sa puso ni Geoff. His mind is still racing to what is going on now with Zoey.

                  But, he tried his best to calm his emotions and his mind.

                  "Lord God, I don't really know why You let things like this to happen. I don't really know why people like Lucille exists in the first place. But although I really don't know, I won't ask you why. I'll just trust in You," he started his prayer.

                  "God, please protect Zoey from any harm. She'd been through a lot and I failed to protect her but I know that You won't. Let Your mighty presence shield her from the hands of her stepmother. Whatever happens, I know that You won't let anything happen without a reason, without a lesson, without a good result. You are always sovereign and in control. You always mean good and nothing else. Lord God, save the woman I love..." his voice shook and shed a tear.

                  "Natatakot po ako," he admitted. "Natatakot po ako sa puwedeng mangyari kay Zoey habang hindi ko pa siya nakikita. God, I'm so afraid. Because I don't know what will I do if something bad happens to her. I love her so much, Lord God. I love her that I can't bare to lose her. I love her so much that I just have to trust everything in You. God, take away this fear. Replace it with confidence in You."

                  He continued to pray and pray.

                  Pagkatapos niyon ay napatingin siya sa relong pambising. It's been five hours since Zoey was taken away. Alam na ng ospital ang nangyari. They surrendered all the CCTV cameras. Naalerto na rin ang mga pulis.

                  Ngunit wala pa ring balita kung nasaan si Lucille at kung saan nito posibleng dinala si Zoey.

                  Napabuntong-hininga si Geoff. Napatitig siya sa Bible na nasa harap ng altar. Kusa siyang napatayo at kinuha iyon. Makita niya kaya ang sagot doon? There's no harm in trying anyway.

                  Saan siya magsisimula? His hands were still trembling a little. Nabalik ang isipan niya kay Zoey. Mas natatakot siya para rito.

                  Napapikit siya at muling bumulong ng maikling dasal. Then, he opened the Bible. He was just scanning the words but the next verse hit his heart.

                  Peace is what I leave with you; it is my own peace that I give you. I do not give it as the world does.

Do not be worried and upset; do not be afraid.

                  Nanlaki ang mga mata ni Geoff. What the...

                  Lalo siyang nanginig. Nasara niya ang libro.

Napalunok siya.

Did God just answered...? Dahan-dahan niyang binuksan muli ang libro sa ibang pahina.

                  He felt goose bumps when he read what was written.

                  So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God.  I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.

                  He gasped. God answers!

                  "Geoff!"

                  Napalingon siya at nakita si Felix. "We found where Lucille is. We found Zoey!"

***

"MAY isang bodyguard mo ang hindi umalis agad sa ospital pagkatanggap ng akala nilang text mula sa'yo. Nasa parking lot siya nang makita niyang sinasakay si Zoey sa isang kotse nang walang malay," imporma ni Michael habang papunta na sila sa bahay ni Zoey sa Dinapigue.

                  Actually, Lucille lives in another house, three houses away from Zoey.

                  "Nanlaban siya sa parking lot pero maraming kasama si Lucille kaya agad siyang napatumba. Pero nakalapit pa siya sa sasakyan at binato sa loob ang singsing niyang may tracking device bago siya mawalan ng malay dahil sa hampas ng kung ano. Nakita siya nina Ivan habang naglilibot kanina. Hinintay naming magising siya at sinabi niya ang tungkol sa tracking device. Activated iyon sa phone niya. There, we easily tracked them down."

                  Tumangu-tango siya. He'll take note to give that bodyguard a reward. He's been a very big help.

                  Pagkarating nila sa isang bahay—o sa isang bodega yata iyon, nasa labas nga ang sasakyan na pinaghihinalaang ginamit nina Lucille.

                  "Huwag ka na sanang lumabas pa rito," pakiusap ni Emil kay Geoff. "Hindi kasama sa protocol na puwede kang sumama, pero isinama ka pa rin namin. Please cooperate with us, Mr. Martin."

                  "I need to see Zoey!"

                  "Ibabalik namin siya ng matiwasay kung hindi ka aalis dito. We need you safe, too," ani Ivan. "Part of the job since we're working for you."

                  Lumabas na ang mga ito at iniwan siya sa loob. Nakita niya rin ang iba pang pulis na pinalibutan ang buong lugar.

                  Hindi kaya ni Geoff na manatili roon at manood lang. He bravely stepped out the van.

Wala na siyang pakialam kung masaktan man siya! Kailangang makita niya agad si Zoey.

                  Napamura nang malakas si Emil nang makita siya. "Bakit ka lumabas?!"

                  Napangiwi siya nang sinuntok nito ang isang kalaban at pinilipit ang braso.

                  "Dapa!" sigaw nito na agad niyang ginawa.

                  Hinugot nito ang baril at nagpaputok sa likod niya. May kalaban pala roon! Napatumba nito kaagad iyon.

                  "Sorry! But I just need to save Zoey personally!" Tumayo siya. "Give me a gun!"

                  Nagtagis ang bagang nito. "Napakatigas naman talaga ng ulo niyong mayayaman," sabay hagis nito ng baril sa kanya.

                  He was trained to use a gun, anyway. Tumakbo siya sa pinakaloob at nakita si Ivan na nakikipagsuntukan. Sinipa nito ang isang lalaki at mabilis na nasuntok ang isa pa.

                  "Anong ginagawa mo dito?!" galit ding wika nito nang makita siya.

                  "Where's Zoey?" aniya at saka ginala ang paningin. Isa nga 'yung bodega pero ginawang bahay dahil sa mga kagamitan.

                  "Basement!" sagot naman nito habang may tinadyakan pang isa, sinuntok sa mukha, at saka pinilipit ang braso. Nawalan iyon ng malay.

                  Sabay silang napadapa nang may malakas na nagpaputok mula sa kung saan. May mga lalaking tinutukan sila ng baril mula sa malayo but Emil, Felix, and Michael came on time and shot those bastards first.

                  Nagkaroon sila ng oras para makapagtago sa isang malaking lamesang nakatumba.

                  "Target's escaping!" bulong ni Felix at saka mabilis na tumakbo.

                  Nakita niyang may mga lalaking nakaalalay kay Lucille habang palabas sa likuran. Hindi puwedeng makatakas si Lucille! She needs to pay for all her crimes!

                  "Where's the girl?" narining niyang tanong ng isang lalaki rito.

                  "Killing herself."

                  No! "You, bastards!" sigaw niya at bago pa siya makapagpaputok ay naunahan na siya nina Emil.

                  "Kami nang bahala rito! Babain mo si Zoey!"

                  Nagpaputok na rin ang ilang kalaban. Mas umingay pa lalo ang pagpapalitan ng putukan nang lumabas na si Ivan at Michael.

                  "We'll cover you! Go and save your girl!"

Mabilis na tumakbo si Geoff sa isang hagdan pababa sa kung saan habang nasa likod siya ng dalawa. Sunud-sunod ang pagputok ng baril ng mga ito.

Walang nagbabantay sa nag-iisang pinto doon. It was locked! Nandoon marahil si Zoey.

                  Binitawan niya ang hawak na baril. Kinalabog niya ang pinto at pilit na dinadamba.

                  "Zoey, are you there?! Darling!"

                  Ngunit dahil na rin sa kalumaan ng pinto ay agad iyong nagiba.

                  Geoff froze when he saw Zoey with a cut and blood in her face, messy hair, tied feet—wearing dirty clothes, and tears... tears in her eyes while holding a knife.

The knife against her pulse.

                  Is she about to cut herself? Magpapakamatay ito? Anong ginawa ni Lucille dito?!

                  Nahulog ang kutsilyo na hawak nito. "Geoff..."

                  His heart crashed while looking at her.

His poor Zoey... His Zoey looking helpless and tormented.

Lalong sumakit ang dibdib ni Geoff.

                  Tinakbo niya ang pagitan nila at mabilis itong niyakap. He cried instantly when he felt her inside his arms.

                  "I'm sorry, Zoey... I'm sorry..."

He's so sorry that he was not able to protect her. He was sorry that he came in a bit late that she has to be hurt by Lucille.

He was sorry that Zoey had to go through all of these again, dahil lang hindi niya napansin ang pagkilos ni Lucille nang palihim.

                  Wala siyang narinig mula rito. He looked at her. 

But her face... was blank. Void of any emotions. Even the way she looked at him.

                  Hindi niya muna pinansin iyon.

                  "Zoey, are you about to kill yourself? Don't do that. I'm sorry, I came late. But, I'm here now, darling..." masuyo niyang sabi.

                  Yumuko ito at hindi nagsalita. But she was shaking. Maybe, she was still in shock. Hindi niya muna ipipilit.

                  Hinubad niya ang jacket at sinuot niya rito. Binuhat niya ito at hinalikan sa noo. "You're safe now, darling..."

                  Hindi pa rin nagsasalita si Zoey. Hinilig lang nito ang ulo sa balikat niya.

                  Natigil na ang putukan sa itaas at narinig niya ang boses ni Felix na nag-uutos sa ilang pulis.

                  Bumaba si Michael. "Is she okay?"

                  Tinignan niya si Zoey na nakapikit na. "I think so. Kailangan na natin siyang ibalik sa ospital. She has a cut on her face. At sabi ng doktor kanina, posibleng mabinat siya. Ano nang nangyari sa itaas?"

                  "The police and NBI have her." Tipid itong ngumiti. "We caught Lucille. Finally."

***

Social Media Accounts:

FB Page: C.D. de Guzman / FGirlWriter

FB Group: CDisciples

Twitter: FGirlWriter

IG: fgirlwriter

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 62.9K 42
Mona likes Felix. Mona has liked Felix ever since she met him. She knew that he's way out of her league, but she still took a chance. Inunahan na niy...
529K 21.7K 19
Delos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapatawad ang isang Santino Pierre Delos Sant...
10.5M 188K 36
Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? L...
12.3K 339 7
Leo and Cali. Leo and Cali are childhood best friends. Everything is fine until Cali felt butterflies in her stomach whenever she sees Leo. She deci...