HOW DID I FALL IN LOVE WITH Y...

By Pink1207

998 53 8

More

SYNOPSIS
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE

CHAPTER TEN

84 5 0
By Pink1207

     “ W-Why only me? I don’t want to go,”

     “ Because she want you to be there with me,”

     “ If I don’t want to go?”

     “ I’ll force you to go,”

     “ L-lin---,”

     “ Don’t be scared. I will never leave your side. I promise,”

Nanahimik siya ng ilang sandali.

    “ So strange,” halos pabulong niyang bulalas.

    “ Why?”

    “ Why does she want me there?”

    “ She want to introduce you to some people,”

    “ Who are they?”

Nagkibit-balikat lamang si Lin. “ Anyway, I’m starving. Can you find a restaurant for us?” nice way of avoiding the subject? 

hmmmnnn....

Akala niya ba ay ayaw sa kanya ni Mrs. Ming? Bakit pa siya…

    “ Hey! What are you thinking?” tinig ni Lin ang gumulat sa kanya.

Napatingin siya sa lalaki na noon ay abalang ayusin ang pagkaing in-order nila. Dinulot pa nito sa harapan niya ang pagkain niya. Pati kutsara’t-tinidor. Pati ang tissue at juice niya. Pagkatapos ay tsaka lang inasikaso ang sariling pagkain.

      “ Lin, your mother doesn’t like me, right?”

      “ Maybe,” maikling sagot nito sa pagitan ng pagsubo.

      “ So, it’s okay if I don’t go,right?”

Napahinto sa pagsubo si Lin at tumitig sa kanya.

      “ I’m sure that your wife also will be there,too. Of course you have to escort her all night long. You know, I told you already, I don’t want to be like some other woman,” malumanay niyang pangungumbinsi sa lalaki.

Natawa itong nagdaan sa ilong. “ You’re thinking too much, honey. You won’t be my mistress. And you definitely can’t be my mistress. So, please go?

    “ I’m not used to parties, you know?” one more try. Baka sakali lang namang makumbinsi niya ang lalaki. 

    “ I can see that,”

    “ So, I don’t know what to wear,” try again.

    “ Leave that thing to me, okay?”

    “ Can I just stay home?” she asked desperately with her puppy dog eyes. But still...

    “ No,” was his immediate answer.

    “ Please?”

    “ No! your food is getting cold,” anitong may finality sa tinig at pinagpatuloy ang pagkain.

Samantalang siya’y nakasimangot at tila nagdadabog na kumain. Sa kaabalahan ng pag-iisip sa nalalapit na party ng ina ni Lin ay hindi niya na napansin ang mga pigil na ngiting pilit na sumisilay sa mga labi ni Lin, habang pinagmamasdan ang sambakol niyang mukha.

Nakakapagod, nasambit niya sa sarili. Nahahapo ang isip niya at katawan. Sa tuwinang pumapasok sa isipan niya si Lin. Ang pamilya nito. Ang asawa at anak nito. maraming mga tanong ang naiipon sa utak niya. Kung susuriin niyang mabuti ay parang may mga bagay na salungat sa mga inaasahan niyang mangyari. Tulad ng imbitasyon ni Mrs. Ming sa nalalapit nitong kaarawan. Di nga ba ay ayaw nitong umibig siya kay Lin? Ibig sabihin ay ayaw nito sa kanya. Bakit pa siya nito gustong makita sa mismong kaarawan pa nito na kung tutuusin ay pam-pamilyang salu-salo lamang o di kaya’y malalapit lamang na mga kaibigan? Hindi kaya ay may pina-plano itong hindi maganda nang sa gayon ay tuluyan niya ng layuan ang anak nito?

At ano ang sinabi sa kanya ni Lin? May ipapakilala daw ang ginang sa kanya? Sino naman? May isa pang gumugulo sa isip niya…..

Si Liezel at Rui Xi. Bakit pinapayagan ni Liezel na silang dalawa lamang ni Lin sa bahay? Asawa siya diba? Bakit nasa hotel sila? At ang mga mata ni Rui Xi? Pinaglihi nga lang kaya ito sa mga mata ng kano at tila langit ang mga mata ng bata sa kaasulan? O, baka naman mixed blood si Liezel? American-chinese?

Sumisingit din sa isipan niya ang babala ni Mrs. Ming sa kanya tungkol kay Liezel. Nasaan ang sinasabi ni Mrs. Ming na mataray daw ito? Wala siyang nasasalamin ni katiting na kamalditahan sa asawa ni Lin.

Ahhh!!!! Ang daming tanong….

Mailap sa kanya ang mga sagot…..

It was a simple but elegant royal blue dress. Pareho ang lalim ng ukab ng v-shape neckline nito sa likuran at sa harapan. Sleeveless iyon na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba kung saan naka-emphasize ang mahaba at mahugis niyang mga paa. Humahakab ang malambot na material na ginamit sa impis niyang tiyan, maliit na baywang at bilugang pang-upo niya.

Nangiti siya sa harap ng salamin sa loob ng toilet sa opisina ni Lin. Pilit na pinasukat sa kanya ang damit na ayon dito ay pinabili pa niya sa isang kaibigang galing Singapore. Natutuwa siya sa sariling repleksiyon. Walang sawa siyang umikot-ikot hanggang marinig niya ang sunud-sunod na katok sa may pintuan ng banyo. Nakalimutan niyang sinabihan nga pala siya ni Lin na gusto nitong makita sa katawan niya ang damit. Napalunok si Amanda. Nahihiya siyang lumabas ng banyo. Ang lalim kasi ng ukab sa dibdib. Nakadungaw ang maputi at makinis na cleavage niya. Subalit batid niyang sinadyang i-design iyon sa ganuong fashion.

Inayos niya ang sarili. Huminga ng malalim bago tuluyang lumabas.

Nakaupo sa swivel cahir si Lin nang malabasan niya. Hindi siya nito kaagad napansin dahil nakapikit ito at nagpapahinga.

      “ L-lin,” aniya nang walang ingay siyang nakalapit sa lalaki.

Nakita niyang dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. At naghinang ang paningin nila. Nakita niya rin na napaawang ang bibig nito na tila namamangha.

Nakaramdam ng pagkailang si Amanda. At napatungo. Nag-angat lamang siya ng paningin nang maramdamang papalapit si Lin sa kinatatayuan niya. Nagniningning ang mga matang ngumiti ito sa kanya.

     “ You looked stunningly beautiful in that dress, honey,” puri nito sabay gagap sa dalawang kamay niya.

Napilitan siyang ngumiti. Pakiramdam niya’y nag-blush siya sa papuri nito. “ T-Thank you. B-But--,”

Mga labi ni Lin ang humarang sa anumang sasabihin ni Amanda.

Napapikit siya. Noon niya lang napagtanto na na-miss niya ang mga halik ng lalaki. Iginiya ni Lin ang dalawang kamay niya sa batok nito at hinapit siya nito sa baywang.

     “ I missed you,” bulong ni Lin sa kanya habang titig na titig sa mga mata niya.

Gusto niyang sabihing “ I missed you, too” subalit pinigilan niya ang sarili.

     “ You see me everyday,” sa halip ay sagot niya.

Natawa si Lin. “ You know what I mean, right?”

     “ You know you cannot do this, right?”

Nawawalan ng pasensiyang humugot ito ng isang malalim na bunting-hininga at napatingala sa kisame.

     “ There you are again,” anitong muling ginagap ang dalawang kamay niya sa batok at hinawakan ang mga iyon ng mahigpit.

     “ Lin, why do you keep on insisting this thing to me?”

     “ Why do other people understands that I love you while you don’t?”

Gusto niyang umiyak. Nahihirapan na nga siyang pigilin ang damdamin niya’y lalo pang pinahihirapan ni Lin. “ Those people who understands you are spoiling you too much,” matatag niyang sagot.

Umiiling na napapangiti si Lin. Muli nitong iginiya ang mga kamay niya payakap sa lalaki tsaka ikunulong siya sa mga bisig nito ng mahigpit. Naramdaman pa niyang hinahaplos-haplos nito ang mahabang buhok niya.

     “ In this family, I’m the most independent one. I’ve been travelling from one country to another. I lived my life on my own, Amanda. Nobody has been spoiling me,”

Napapikit siya. Dinama ang malapad nitong dibdib kung saan ramdam niya ang bawat tibok ng puso nito. Gusto niya ang pakiramdam na nakakulong sa mga bisig nito. Dahil doon lamang siya nakakadama ng kapayapaan.

     “ Don’t make it hard on me, Lin. I only understand one thing. And that is…  no matter how much I love you,too, I cannot ruin a family. I don’t want to be the evil one here. So, please, let me go while I’m still in my sane mind,”

Naramdaman niyang bumuntong-hininga ang lalaki.

    “ Okay. Let’s have a truce,”

    “ Okay,” bulong niya sa dibdib nito. 

    “ You can tell me all these words after my mother’s birthday. If you still can ask me to let go of you, I promise, you won’t see me ever again. But then, from this moment on, you are my girl until my mother’s party. Is that fine with you?”

      “ How can you do this to Liezel?”

     “ Being my girl, officially, you are not allowed to talk about Liezel. This is about you and me, Amanda,”

Kumalas siya ng yakap sa lalaki at patingalang tumitig siya sa mga mata nito.

      “ When did you start loving me?”

Ngumiti si Lin sa tanong niya. “ When did I start loving you? How did I fall in love with you is.... definitely, I don’t know. I was just wondering myself why I felt so jealous the day we caught you flirting with that ex of yours,”

Naramdaman niyang nag-blush siya nang maalala ang unang pagtatagpo nila.

     “ Was it the first time you met me?”

Nag-isip si Lin. “ I think so,” anitong tumatango.

      “ Why do you love me?” 

Lin snorted at her and bent down his head and level his eyes to hers.

     “ Maybe because you are the most insecured girl I’ve ever known,”

Saglit siyang nawalan ng sasabihin pagkatapos ay ngumiti. Pagkatapos ay muling yumakap kay Lin.

     “ I love you, Amanda,” bulong ni Lin sa ibabaw ng ulo niya.

Lihim siyang napangiti. Isang mas mahigpit na yakap ang tanging naisagot niya kay Lin. Please, don’t let me go, gusto niyang sabihin kay Lin tsaka tuluyang pumatak ang luha niya.

Sunud-sunod na katok ang narinig ni Amanda mula sa pintuan ng silid niya.

Actually, ay kanina pa siya bihis. Naayos niya na rin ang sarili niya. Kahit papa’no naman ay marunong siyang mag-make up. Mula eye shadow, mascara, manipis na blush on at lipstick. Hinayaan niya lamang na nakalugay ang mahaba at malambot na buhok.

    “ Amanda, honey!? Naiinip na marahil si Lin sa kanya.

Kanina pa kasi siya sa loob ng silid. Nahihiya siyang lumabas at kinakabahan. Gayun pa man ay batid niyang kailangan ng matapos ang gabing ito. Pagkatapos ng gabing ito ay tsaka niya malalaman kung saan hahantong ang lahat tungkol sa kanilang dalawa ni Lin. Nitong mga huling araw ay inseparable sila ng nobyo. Pinilit niyang hindi mag-usisa sa kung anu-anong mga bagay. Di siya nag-usisa about Liezel. O, kung ano’ng meron ngayong gabi. Di na rin siya nagkaroon ng pagkakataong muling makadaupang palad ang ina ni Lin. Pinagpasalamat niya na lamang niya na nitong mga nakaraang araw ay tahimik ang lahat sa kanila ng nobyo.

Sa kabila ng tensiyon at kaba sa dibdib ay kumilos si Amanda. Lakas-loob niyang tinungo ang pintuan. Mahigpit na hinawakan ang doorknob at huminga ng malalim bago pinabuksan ang kumakatok sa pintuan.

Napaawang ang bibig niya nang magitla siya sa kaguapuhan ni Lin sa harapan niya. Spikey hair, na may ilang hiblang bahagyang tumatakip sa kaliwang mata nito. Bagay na bagay sa lalaki ang suot nitong light blue na longsleeve na tinernuhan ng gray na slacks at itim na sapatos.

    “ Hi. Shall we go?” nakangiting tanong nito. Nakangiti sa kanya.

Tila nagugulumihan siya nang magsalita.

    “ Y-yeah. I’m ready. L-let’s go,” aniya at nilampasan ang lalaki.

Nakakailang hakbang pa lamang siya nang maramdaman niya ang banayad na kamay na paghaklit nito sa braso niya. Mula sa braso niya ay dumausdos ang kamay nito sa mga palad niya.

    “ You’re so cold,” puna nito at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nagkalat sa mukha niya. Totoong nanlalamig ang buong katawan niya sa tensiyon.

    “ I- I’m nervous, Lin. D-do I really have to go?” nanginginig ang tinig na tanong niya. Tila pangangapusan pa siya hininga sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya.

Isang manipis na halik sa labi ang isinagot ni Lin na buong puso niya ring sinalubong.

    “ Tonight, you can get all the answers to all the questions in your mind, honey. I want to erase all the doubts in your heart. And I want you to see how much I love you. After this night, I promise, you’ll be free from all your worries, okay?”

Hindi man siya kumbinsido kung paano mangyayari iyon ay tumango na lamang siya ng sunud-sunod.

      “ Now, I want you to close your eyes,” anitong titig na titig sa mga mata niya at nakangiti.

Kulurot ang mga mata niyang inirapan ang nobyo.

      “ Why?”

      “ Just close your eyes,” alam niyang nagiging impatient na ito sa sobrang kakulitan niya.

Matalim ang titig na pinukol niya sa nobyo. Pagdaka ay sumunod na rin.

Isang manipis na halik ang nagpamulat ng mga mata niya.

     “ How many times in a day do you want me to tell you how much I love you?” sabay na binuksan ni Lin ang munting kahon na naglalaman ng isang singsing na may blue diamond sa gitna. Mula sa liwanag ng ilaw ang nakita ni Amanda kung paano ito nangislap.

     “ L-Lin, what’s this?”

Nakangiting tinanggal ni Lin sa kahon ang singsing at ginagap ang kaliwang kamay niya sinuot sa palasingsingan niya.

    “ It’s just a gift, honey. It’s up to you if you want it to be our engagement ring as long as I see it in your finger everyday we meet,”

    “ B-But, Lin---,”

Muling sinakop ni Lin ang mga labi niya upang hindi na makapag-protesta. “ Shall we, honey?”

Napapalunok na lamang siya at napatango.

Sa malawak na bakurang ng mga Ming ginanap ang handaan. Marami na ang bisita nang makarating sila ng nobyo doon. Nanginginig ang mga tuhod niya nang bumaba ng sasakyan. At marahil ay hindi lingid iyon kay Lin kaya inalalayan siya nito sa paglalakad. Abala ang lahat kaya walang nakapansin sa pagdating nila. Iginiya siya ng nobyo sa waiter na nagsi-serve ng maiinom. Kumuha si Lin ng dalawang kopita ng alak at ibinigay sa kanya ang isa. “ It can make you feel better,” bulong nito sa kanya.

Actually, never na nagkaroon ng appeal sa kanya ang lasa ng alak subalit batid niyang kailangan niya iyon ngayon.

      “ Let’s go find my mother,” hinawakan siya nito sa siko.

Hahakbang pa lamang sila palayo nang:

      “ Lin!” anang lalaking tumawag sa likuran nila.

      “ Kylle! It’s you! I thought you are in Singapore?” kinamayan ni Lin ang lalaking singtangkad lang yata ng nobyo.

      “ Just came back this morning,” sagot ng Kylle.

      “ Is Reece with you?” luminga-linga pa si Lin.

      “ Oh, yeah. She’s---,”

      “ Kylle, sweetheart, I’m here,” automatikong umangkla ang magandang babae sa braso ni Kylle. Possessive? Naisip ni Amanda.

      “ Reece, how are you? When is your due?” si Lin ulit na humalik sa pisngi ng Reece na sa tingin ni Amanda ay nasa pitong buwan na ang tiyan.

     “ Still a month to go, Lin,” masayang sagot ni Reece.

     “ Ehmmmn… she must be Amanda?” si Kylle na nakapansin sa kanya.

Natawa si Lin. “ Oh, yeah! Amanda,honey, he is one of Lei’s bestfriend, Kylle. And Kylle, she is Amanda,”

Inilahad ni Kylle ang kamay na inabot naman ni Amanda.

     “ Nice meeting you, Kylle,” ani Amanda na nakangiti.

     “ Same here. And I want you meet Reece, my wife,”

Nginitian niya si Reece na naglahad din ng kamay sa kanya.

     “ Hi, Amanda. Kumusta ka na?”

Nagulat man si Amanda’y pinilt niyang huwag ipahalata.

     “ T-tagalog ka?” manghang tanong niya.

     “ Opo. Di ba ako mukhang Pinay?” natatawang tanong ni Reece.

Umiling si Amanda. “ Akala ko kanina ay Amerikana ka.  A-asawa mo siya?” si Kylle ang tinutukoy niya na noon ay masayang nakikipag-kuentuhan kay Lin.

Masayang tumango si Reece sabay hawak sa maumbok na tiyan.

Galing naman, aniya sa sarili. Nakaramdam siya ng panibugho.

    “ Mabuti na lang at isinama ka ni Lin. At least may makakasama ako. Alam mo naman ang mga lalaki, kapag nagsama-sama na ay nakakalimutan na tayong mga babae. Halika ka. Doon tayo sa table doon,”

Napalingon siya kay Lin na nakikipag-usap pa ri kay Kylle at isa pang tila bagong dating lalaki.

     “ O, hayan na nga at dumating pa si Patrick. Wala na ‘yan. Halika na,” inakay siya ni Reece.

Napasunod na lamang siya sa bagong kakilala. Malapit na sila sa sinasabing table ni Reece nang sa may malapit sa buffet table ay maagaw ng isang bulto ang atensiyon niya. Napahinto siya upang suriing mabuti kung hindi siya nagkakamali ng nakikita. Pero hindi talaga siya dinadaya ng paningin niya.

Si Liezel iyon. At sino naman ang amerikanong may karga kay Rui Xi? At nakaakbay kay Liezel.

     “ Si Liezel ba ang tinitingnan mo?” si Reece na inabutan siya ng juice na hindi naman niya tinanggihan.

      “ O-OO. Kilala mo ba?”

      “ Yeah! Di ba siya pinakilala ni Lin sa ‘yo? Iyan ‘yung childhood bestfriend ni Lin. At ‘yung amerikano ang asawa niya. ang cute nga ng anak nila,e. Kulay blue ang mata. Mana sa ama,”

Biglang nasamid si Amanda. Buti na lamang at nagawa niyang lunukin muna ang juice sa bibig bago siya inabutan ng dalahit ng ubo.

     “ O, bakit?” ani Reece na hinagod ang likuran niya.

     “ S-Sigurado ka ba?” hindi makapaniwalang tanong niya. Ganti ba ito ni Lin sa kanya nang hayaan niya itong isipin na anak niya si James?

      “ Oo, naman. Hayaan mo mamaya, ipapakilala ka rin ni Lin kay Liezel. Balita ko ay nagbabakasyon lamang sila dito sa Brunei dahil hindi pa nakakauwi dito ang asawa. Doon na kasi sa LA nagpakasal ang mga iyan at doon na rin pinanganak si Rui xi,”

Nakatingin lamang si Amanda kay Reece. Nabibingi siya sa mga sinasabi nito. So,iyon ang dahilan kung bakit sa hotel pansamantalang naka-check in ang mag-ina. Iyon din ang sagot sa tanong niya sa isip about Rui Xi’s blue eyes. Pero bakit hinayaan siya ni Lin na mag-isip ng iba? Pinaglalaruan ba siya nito? Bahagyang nanikip ang dibdib niyang napahawak ng mahigpit sa kopita ng juice at bahagyang sumimsim na lamang siya ng natitirang laman nito.

    “ Amanda, are you okay?” si Reece iyon.

    “ Oo, naman. N-nagulat lang ako,” nakangiting sagot niya.

    “ Oh! Halika na,” yaya nito at inakay sa mesa sa isang sulok.

Paupo pa lamang sila ni Reece nang lapitan sila ni Lei. Tulad ng kapatid ay guapo rin ito sa suot niyang light yellow na longsleeve at itim na slacks.

    “ Reece, where is Kylle?” tanong nitong humalik sa pisngi ni Reece.

    “ With Patrick and Lin over there,”

    “ Hey! Amanda, you’re so beautiful tonight,” pansin nito sa kanya at humalik rin sa pisngi niya.

     “ Thank you,” nakangiting sagot niya.

     “ You should meet my wife. Wait for a minute here, okay?”

Hindi na inantay pang sumagot siya at nagmamadali na itong tumalikod sa kanila.

     “ Maganda ang asawa ni Lei. Mabait pa,” nagmamalaking sabi ni Reece.

Di pa nakakapag-salita si Amanda ay natanawan na nilang parating si Lei at asawa nito. Tama si Reece. Parang diosa itong bumaba sa lupa sa kagandahan. Napaka-slim. Sabagay, madalang lang ang Chinese na mataba sa ganitong edad, aniya sa sarili. Kulay pink ang sleeveless dress nito na hanggang lampas tuhod. Makinis ang mamula-mamula at maputing balat. Tuwid na tuwid ang itim na buhok. Exotic Chinese beauty, naibulong niya sa sarili.

     “ Amanda, meet my wife, Andrea. Andrea, baby, this is Amanda, Koko’s fiancée,”

 Koko’s fiancée? Namula yata siya doon.

    “ Hello, Amanda. Sa wakas ay nakilala rin kita!” anang Andrea na humalik din sa pisngi niya.

    “ Huh?! T-Tagalog ka rin?” bulong ni Amanda kay Andrea.

Humagikgik si Andrea at naupo sa tabi ni Reece. Pagkatapos ay binalingan si Lei.

    “ Baby, I’ll be alright here,” pagtataboy ni Andrea sa asawa.

    “ Okay. Enjoy yourselves! Excuse me, ladies,” ani Lei at humalik pa muna sa labi ng asawa bago tuluyang lumayo sa kanila.

    “ So. You two been introduced?” tanong ni Andy sa dalawa na sabay lang na nakangiting tumango bilang sagot.

    “ Welcome to the family, Amanda,” nakangiting baling ni Andy sa kanya.

Napangiwi siya. “ A..e.. iyon ba ang sinabi ni Lin sa inyo?” tila nahihiya pa niyang tanong.

Nagkatinginan si Andy at Reece. Bakas sa mukha ang pagtataka.

     “ No. Not Lin. Mama told us,” sagot ni Andy na tila nagtatanong ang mga mata.

Imposible! Sigaw ng utak niya. Malayang naiparating ni Mrs. Ming sa kanya ang pagka-disgusto nito sa kanya. Kita niya na rin na nagsinungaling pa ang ginang na ayaw nitong may pumasok na ibang lahi sa pamilya nito samantalang narito si Andy sa harapan niya na kabilang na sa pamilya ng mga Ming?

      “ Hindi kaya nagkakamali ka lang, Andrea? An-ano kasi,e---,” nagdadalawang isip siya kung sasabihin kay Andrea ang mga pakiusap ni Mrs. Ming sa kanya. “ Ahmmmnnn…”

    “ Look! Auntie is coming!”  si Reece iyon na napatayo upang salubungin ang may celebrant.

Napatayo na rin si Andy. At sa nanginginig na mga tuhod ay napasunod na rin siya.

   “ Happy birthday, ma!” si Andrea na humalik sa magkabilang pisngi ni Mrs. Ming.

    “ Happy Birthday, Auntie,” sunod ni Reece. At kagaya ni Andrea ay humalik din ito sa ginang.

   “ Thank you, Andy. And Reece, when is your due, darling?” magiliw nitong tanong.

   “ One more month, auntie,” sagot ni Reece ng nakangiti.

Abot-abot naman ang kaba sa dibdib ni Amanda nang mapansin ni Mrs. Ming. Actually, hindi niya alam kung ano ang tamang ikikilos niya. So, ang sabi niya sa sarili’y mabati man lang niya ito’y sapat na sa mga oras na iyon.

     “ H-Happy birthday, ma’m,” tila nahihiya pang bungad niya sa ginang na noon ay nakangiti sa kanya.

    “ Thank you for coming, Amanda. Come to me,now,” anitong inilahad ang dalawang kamay sa kanya. Tila wini-welcome siya nito?

Napatingin siya kay Andrea at Reece na sabay na sumenyas na lumapit na siya kay Mrs. Ming.

Nakangiting nanginginig ang mga tuhod na pilit niyang humakbang palapit kay Mrs. Ming. At sukat doon ay mahigpit siya nitong niyakap.

    “ Thank you for bringing my son back on my side, Amanda. Promise me, don’t break his heart,” bulong ni Mrs. Ming sa taynga niya.

    “ M-ma’m?” naguguluhan yata siya at nabibingi sa tibok ng puso niya. totoo ba? O, nanaginip lamng siya?

    “ Call me mama from now on, please?” kumalas ng yakap ang ginang at muling ngumiti sa kanya. “ Welcome to the family, Amanda,”

Saglit pa siyang natulala sa mga nangyayari. Subalit nagawa pa rin niyang tumango at alanganing napangiti. “ T-thank you, m-ma,” di niya napigilan ang sariling yakapin ang ginang na tinanggap naman nito. “ Thank you. I promise, I will love your son for the rest of my life,” bulong nito sa ginang na tinapik ang balikat niya.

     “ All right! Everything’s okay now. Let’s party, ladies. I’ll  leave you all here now. I have to attend my relatives from Indonesia. Enjoy the night, girls! Bye!” Masaya itong tumalikod sa kanila.

    “ Indonesian si Mrs. Ming?” manghang tanong ni Amanda.

    “ Yes!” sabay na sagot ni Andy at Reece.

Natatawang muling naupo sa mga upuan nila si Reece at Andy.

   “ Sa wakas ay for good na si Lin,” si Reece.

   “ At least, now that Amanda is here, hindi na siya hahanapin ni mama kung saan-saan,” dugtong ni Andy.

   “ B-Bakit naman?” ang tanong niya.
   “ Ewan ko ba diyan kay Lin. Parang napapaso sa bahay kapag nauwi dito sa Brunei. Dalawa o tatlong araw ay nasa ibang bansa na naman,” ani Reece.

Napa-oh!lamang siya sa narinig. Samantalang tumatango lamang si Andy na tila sumasang-ayon. Marami pa siyang nalaman tungkol kay Lin mula kay Reece at Andy. Nabanggit din ng mga ito na may kapatid pa silang babae. Na Ah-mei ang pangalan. Sayang daw at wala dito sa Brunei dahil kasama ngayon ng papa nila sa ibang bansa para sa training nito sa pamamalakad ng mga negosyo nila abroad. Subalit isa lang ang malinaw sa isip niya ngayon. Malaya na siyang mahalin ang lalaking tinikis niya sa loob ng mahabang panahon.

Naging abala si Reece at Andy sa mga asawa nila makaraan ang ilang oras nilang pagkukuentuhan. Hindi naman siya komportableng maupo mag-isa sa mesa kaya minabuti niyang lumayo pansamantala sa karamihan ng tao.

Tinunton ng mga paa niya ang parking lot. Hinanap ang dalang sasakyan. Mabuti na lamang at hindi kinuha ni Lin sa kanya ang susi kaya malaya siyang nakapasok doon. Pasalyang itinapon ang sarili sa passenger’s seat. Tila pagod na pagod na sinandal ang likod doon. Gusto niyang magpahinga. Pumikit siya. Nahahapo siya sa mga nalaman.

Maiidlip na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng driver’s seat. Nakalimutan niyang i-lock iyon.

    “ L-Lin, what are you doing here?” agad niyang bungad sa…nobyo ba? O, fiancé ba?

     “ Can you answer the same question for me?” galit na naman ba ito? Napapagod na siya.

Ngumiti pa rin siya. “ I suddenly feel tired,” bulong niya.

    “ You know you cannot rest inside the car. It’s dangerous,” anitong bumaba at umikot sa pintuan niya. Binuksan iyon at inalalayan siya sa braso palabas ng kotse. Kinuha nito sa kanya ang susi at inakay sa loob ng bahay. Dinala siya nito sa isa sa mga silid ng bahay.

     “ Why you didn’t tell me about Liezel and Rui Xi?” aniyang nahahapong napasandal sa dahon ng pinto.

Mula sa pag-aayos ng higaan sana niya at hinarap siya ng binata.

   “ Mama was playing games with you. So, I just played along,”

   “ You knew it!”

   “ Amanda----,”

   “ I’m tired. I want to sleep now,” putol niya sa sasabihin ni Lin. “ I know everything now, Lin,” iyon lang humakbang na siya sa naghihintay na kama. Subalit bago pa siya makarating sa higaan ay nahaklit siya ni Lin sa baywang at pilit siyang pinaharap dito.

    “ Nobody’s sleeping until everything is cleared between us, Amanda,” titig na titig ito sa mga mata niya.

Ilang saglit din siyang nakatingala at nakipag-titigan kay Lin. Pagkatapos ay kusang pumulupot ang dalawang kamay niya sa batok nito at tumingkayad at ginawaran ng halik sa labi si Lin.

    “ I love you,” bulong niyang napapahikbi. Kanina pa namiminto ang mga luhang noon lamang nagkaroon ng layang umalpas sa mga mata niya. Mga luha ng kaligayahang umaapaw sa puso niya.

Mga sabik na labi ni Lin ang sumalubong sa mga labi niya.

   “ I love you,too, honey. I will always love you,” anang binata sa pagitan ng mga halik. Niyakap siya ni Lin ng mahigpit na halos mapupugto na ang hininga niya. Isinandig naman niya ang kabilang pisngi niya sa dibdib nito. Nagsilbing musika sa pandinig niya ang bawat tibok ng puso ng binata. Napapikit siyang lalo pang sinisiksik ang katawan sa lalaki.

    “ I’m so tired,” bulong niya.

    “ Was it because of all the revelations?

    “ Maybe. They hit me like a storm,”

    “ I’m sorry, honey,”

    “ Did you know that all these things could make me go away?"

    “ With your pride? I know you can’t do that. You won’t leave me because you owed me something,”

    “ So, you used it to make me stay while enjoying playing games on me?”

    “ I just want to know until when you can hold back yourself from loving me, Amanda,”

Wala siyang makapang sasabihin.

    “ And since your only problem with me is my status, I need all these people to clear it for me. Now that you already know that we are a mixed family and I’m very much single, can I proceed with what I want to do now?

    “ What do you want to do?”

    “ Since, you can’t be my mistress, can you be my wife, Amanda?”

   “ Are you proposing?”

   “ I am,”

Natawa siya sa dibdib nito. “ I don’t think I still can back out. All your family down there welcomed me as the new member of your family. Especially, your unpredictable mother,”

    “ I still want to hear it from you. Will you marry me, Amanda?”

    “ Only if you sing that song for me,” aniyang naglalambing.

    “ Honey---,”

    “ Please?”

Naramdaman niyang huminga muna ng malalim si Lin. At sinimulan ni Lin na isayaw siya habang yakap siya nito mahigpit.

      What can I do to make you mine?

      Falling so fast, so hard, this time,

      What did I say, what did you do?

      How did I fall in love with you…

Iyon ang mga huling sandaling naalala niya bago talunin ng antok ang

Pagod niyang katawan at isipan. Hindi niya na narinig ang paggising ni Lin sa kanya. Nangingiti na lamang ang binata nang kargahin siyang parang bata at dahan-dahang ilapag sa kama. Hinubad ng binata ang sapatos niya at kinumutan pagkatapos itong mahiga na rin sa tabi niya.

 

                         END

      

  


Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
20.5M 506K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...