HATBABE?! Season1

By hunnydew

885K 20.3K 4.2K

*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may... More

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
END...
Published by Life Is Beautiful (LIB)

Forty-Two

11.7K 306 56
By hunnydew

Bukod sa madugong pagre-review ko para sa papalapit na entrance exam, nadagdagan pa ang mga alalahanin ko.

Binoto kasi akong class president ng Section 2.

 

Hindi ko rin alam kung pa’no nanyare. Last year kasi na-nominate akong maging representative ng batch namin para sa Student Council. Pero wala pa sa bente ang bumoto sa’kin kaya akala ko joke time lang ulit nung na-nominate ako sa pagiging president. Tumatawa pa nga akong pumunta sa harap eh, tas kinikindatan ko pa ‘yung mga kaklase ko o kaya binabaril-baril sila sabay kindat-nganga.

Wala pang ibang nano-nominate nung may sumigaw ng: “Ma’am! I move that the nomination for the position of President be closed!”

 

Nag-second the motion lahat! Napanganga talaga ako habang tumatawang sinusulat ng teacher namin ‘yung pangalan ko sa blackboard.

 

“Charlie! Charlie! Charlie!!!” sabay-sabay na pag-cheer ng mga kaklase ko habang sumusuntok sa ere.

“NUUUUUUUUUUUUUUUUU!” malakas na pagtutol ko na nakalapat sa magkabilang pisngi ‘yung parehas na kamay ko. Pakiramdam ko pinagtripan ako ng mga kaklase ko.

Kaso kinampihan ng teacher namin ‘yung mga kaklase ko. Majority wins daw kasi. Tsaka maganda raw na maranasan kong maging officer kasi officer daw parehas ng besprens ko. Dapat daw ako rin.

Tss. ‘Yun pala ang mahirap ‘pag parehas na matalino at achiever ang mga besprens noh? Kailangang tularan sila. Di bale, beterano naman sila besprens sa pagiging officer. Si Chan-Chan nga President ng Student Council eh, ilan kaming estudyanteng pamumunuan niya. Tas si Louie, officer sa iba’t-ibang club. Samantalang ako, isang klase lang. Dapat kayanin ko, diba?

CLASSMAAAATTTES!!! QUIEEEETTT!!!” madalas kong sigaw kapag wala ‘yung teacher. May dala pa akong plastik na martilyong tumutunog at ipupukpok ko sa desk nung teacher. Maraming teacher kasi ang nagsasabing kami ang pinakamaingay na section. Siguro dahil maingay ako kaya maingay rin ‘yung mga kaklase ko?

Kung minsan, sinasabihan nila akong umarte o kaya kumanta para tumahimik sila. At dahil hindi sila nakikinig sa’kin, ginagawa ko nalang. May isang salita naman sila eh kaya ayos lang.

“Ehem ehem. Classmates, malapit na ang Linggo ng Wika! Sino ang ilalaban natin sa story-telling?” malakas na tanong ko sa kanila.

“Charlie, ikaw na lang!” may nagsabi sa bandang likod tapos nagsunud-sunod na sila.

Aangal na naman dapat ako pero may nagsalita na naman. “Ikaw na lang Charlie! Magaling ka namang mag-story-telling! Kapag pumayag ka, ipapanalo namin ‘yung Sabayang Pagbigkas!”

“Oo nga! Ikaw nalang! Take one for the team! Charlie! Charlie! Charlie!!!” pagsigaw na naman nila.

Haaay. Doon ko naintindihan ‘yung sinabi sa’kin ni Chan nung nanalo siya sa botohan para maging President ng Student Council. Na madalas, kailangang magsakripisyo ng pinuno para sa ikabubuti ng lahat.

Sobrang naging busy-busy-han talaga ako nun kasi kailangan kong i-memorize ‘yung kwento, tapos kailangan ko ring siguraduhin na maayos ‘yung sabayang-pagbigkas ng mga kaklase ko. Tapos linggo-linggo pang nagpapa-meeting si Chan-Chan sa aming mga presidente ng lahat ng klase mula first year hanggang fourth year. Tas may practice pa ako ng softball pagtapos ng klase. Tapos, pag-uwi ko sa bahay, madalas may ‘Speak-in-English’ na rule si Kuya Chuckie. Ang parusa niya kapag may isang Tagalog word akong nasabi, katumbas ng isang araw na hindi paglalaro ng PS3. Dalawang buwan kaya akong hindi nakapaglaro nun! Huhu. Pero, impernes… ehem.. to be fair sa kanya, umayos ang English ko, mehehehe.

Dumoble pa ‘yung pagiging busy ko nung sinabay sa Linggo ng Wika ‘yung paghahati sa mga students para sa intrams sa September. Sa unang linggo pa lang ng August, nagbunutan na kaming lahat para malaman kung anong team kami. Swerte nga dahil Blue team kami pareho ni bespren Louie eh. Si Chang naman, walang team kasi Student Council nga. Neutral daw sila.

‘Yun nga lang, sa sobrang kaingayan ko, ako na naman ang ginawang head cheer leader ng Blue Team at Team Captain ng softball team namin.

‘Dugong Bughaw’ ‘yung pangalan nung Blue Team. At dahil mga mahaharlika lang ang tinatawag na dugong-bughaw, binansagan nila ako ng ‘Mahal na Pinuno’. Enko sa kanila, diba dapat prinsesa, prinsipe o kaya hari tsaka reyna ang tawag? Pero di ko na kinontra. Ayos na yon.

Pero kahit sobrang nakakapagod, nasiyahan naman ako kasi marami akong nakilala. Kaya sabi ko sa sarili ko, pagbubutihin ko talaga ang pagiging pinuno ko. Kahit pa sa simpleng pagchi-cheer sa mga practice games lang, dapat taos-puso lagi.

Hala! Bakit ganito na ako mag-isip ngayon?! Anyare?!

===

A/N: Sabi po pala ng Communication prof ko nung college.. mali daw yung expression na ‘In Fairness’.. ang tama daw ay ‘to be fair’. ^_^V

Umaayos na ngang magsalita si Tarlie noh? Hehehe. Magdiwaaaannng!

Continue Reading

You'll Also Like

134K 8.4K 34
PUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING.
2.7K 366 47
Wattys 2022 and 2023 Shortlisted "'Wag muna," mahina niyang pakiusap habang nakatulala sa harapan. Nakatitig lamang siya sa kawalan. "'Wag muna, plea...
1.4K 109 43
"I guess LANY is right. Good guys never win." ~~***~~ Jazmine Neriah Wong loves to date bad boys. There's just something in them that attracts her. B...
866 80 41
In a collision of worlds, Callie's nine-year crush unsettles Kaja's studious life as an aspiring doctor. Despite Kaja's initial resistance due to pas...