HATBABE?! Season1

hunnydew

885K 20.3K 4.2K

*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may... Еще

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
END...
Published by Life Is Beautiful (LIB)

Forty-One

11.5K 306 43
hunnydew

Malaking issue sa pamilya ko nung naging Section 2 ako pagpasok ng fourth year. Pati ako hindi makapaniwala. Pumunta pa nga si Kuya Chuck sa admin para lang siguraduhing hindi sila nagkamali sa section ko eh. Tapos sila Papa, kulang nalang magpamisa sa sobrang tuwa.

Nakakahawa pala talaga ang katalinuhan noh? Sabi ko nga kila Chan-Chan noon, sana sa college magkakasama pa rin kami para mahatak ulit nila ‘yung grades ko. Pero sempre hindi naman pede yon. Sa ibang school na kasi mag-aaral si Chang, tas sa Canada naman si bespren. Bukod dun, alam ko namang hindi dapat ako laging umasa sa kanila. Tsaka tumatanda na rin naman kami, dapat matuto na akong maging independent, diba?

Sa sobrang di yata makapaniwala ni Mason, nasabihan niya pati si Nile. Nagteks tuloy:

From: ^_^NileRiver

Charlie!! Congrats! Balita ko, section 2 ka ah. Galing naman. Pagbutihin mo ah. San ka pala magte-take ng entrance exam?

 

Edi sabi ko sa kanya, gusto ko UAAP school din para makapaglaro pa rin ako ng softball. Kumuha ako ng application form sa UST, FEU, UE, Adamson tsaka National University. Sabi ni Kuya Mac-Mac, mag-try din daw ako sa Ateneo o kaya sa La Salle. Ayoto nga. Ang mahal kaya ng tuition dun. Kahit pa pinangako nilang tatlo nila Kuya Marcus tsaka Kuya Chino na sila ang magpapaaral sa’kin, ayoko namang maging pabigat sa kanila noh. Hindi naman kailangang sa mamahaling school ako mag-aral. Mas marami silang mapaggagamitan ng pera. Ipunin nalang nila.

Tas si Mason naman, pinangkuha din ako ng form sa UP. Wala naman daw masama kung susubukan ko kahit parehas naming alam na malabong makapasa ako dun. Mga tulad niyang alien lang ang nakakapasa dun eh, hehehe. Pero tama nga naman siya, malay natin kung may anong himala bigla akong pumasa dun, hahaha.

“’Nak, nakaisip ka na ba course mo? Malapit na ‘yung entrance exams, diba?” paalala ni Mama ko.

Sa totoo lang, wala pa rin talaga akong naiisip. Ang lumabas kasi sa career orientation, sa music, sports tsaka performance daw ako bagay kasi dun naman daw ako magaling. Ayoko namang ‘yun lang ang alam kong gawin. Tsaka wala namang pera dun. Gusto ko rin makatulong kila Mama pagka-graduate ko tulad ng ginagawa ni Kuya Mac-Mac. Tsaka tumatanda na sila ni Papa para magbanat ng buto.

Tsaka gusto ko sana maganda ring pakinggan ‘yung course ko pero dapat hindi katulad nung kahit kanino kila Kuya. Si Kuya Marcus, medicine; law naman si Kuya Chino; si Kuya Mac-Mac, Business Ad; Educ naman si Kuya Chuck tapos Accountancy si Mason.

“Besprens, anong course ang ilalagay niyo sa application forms?” tanong ko kila Chan-Chan at Louie.

Engineering daw si Chang. Si Louie naman, pinag-iisipan kung magdo-doktor o mag-i-engineering din sa Canada.

At dahil wala akong maisip at nainggit din ako kasi parehas silang Engineering, ‘yun na rin ang nilagay ko sa forms, hehe. Anong klaseng engineering? Dahil mahilig akong mag-computer, edi Computer Engineering!

 

Pinagtinginan talaga ako nila Papa nung nakita nila ‘yung forms na pinirmahan ko. Sigurado raw ba ako kasi mahirap daw ‘yun. Ayos lang naman daw sa kanila na HRM ang kunin ko, o kaya Mass Comm, o kaya Tourism.

“Tourism?! Eh ang liit-liit niyan?!” sabi naman ni Kuya Mac-Mac at inirapan ko nalang.

Tapos sabi ni Kuya Chuckie, mag-artista nalang daw ako, bagay naman daw sa’kin kasi bibo ako. Pinagtitripan na naman nila ako, huhu.

“Edi maganda!” sabi naman ni Mama. “Kumpleto na tayo niyan! May Doctor Pelaez, Attorney Pelaez, Business Tycoon Pelaez, Dean Pelaez, CPA Pelaez, O diba?” Naaalala ko pa rin kung paano ako tinignan ni Mama nun nang nakangiti. “Ituloy mo lang yan ‘nak. Kahit walang boards ang computer engineering, Engineer Pelaez ka pa rin para sa’kin. ‘Wag mong pakinggan sila Kuya mo.”

Kaya ni-pass ko na ‘yung mga forms. Wala nang atrasan! Huehuehue. Kakayanin ko ‘to! Ako yata si Super Charlie!

Kaya sineryoso din nila kuya ang pagre-review sa’kin para sa entrance exam. Si Kuya Marcus ang nagtuturo sa’kin pagdating sa Science, si Kuya Chino sa Logic, si Kuya Mac sa essay, si Kuya Chuckie sa English tsaka Filipino, tas si Mason sa Math. Galing noh? Kahit hirap na hirap ang utak kong intindihin ‘yung sinasabi nila, pinilit ko talaga. Para sa kinabukasan ko naman eh.

Sabi nga nila, kapag may tiyaga, may nilaga. Kaya habang nag-aaral kami, kailangang may pagkain akong kaharap. Napansin kasi nilang mas nakakapag-isip ako kapag may kaharap na pagkain, hehe.

Tsaka diba? Astig pakinggan. Pag-graduate ko ng college, tatawagin akong…

Engineer Charlie Pelaez.

Big time!

Продолжить чтение

Вам также понравится

Cigarettes and Regrets Mari 🌻

Подростковая литература

80K 3.2K 69
🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Casti...
The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation) Tina Lata

Подростковая литература

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
129K 1K 100
Part 1/2 Just sharing the story that I read. Hope you like it Highest Rank #3 - best
A Royal Disguise Nerdyirel

Любовные романы

5.6K 300 23
Growing up as part of the Royal Family makes life harder for Princess Cordelia. Ever since she learned how to speak, she was taught how to behave and...