QUINRA [Volume 1]

By NowhereGray

535K 27.7K 5.7K

Volume 1 of Quinra series Matapos ang isang daang libong taon ay nagising si Avanie mula sa mahimbing na pagk... More

Author's note!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
***Author's horrifying note***
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Author's note
Quick sketch: Avanie & Fegari

Chapter 13

8.6K 395 47
By NowhereGray

Kinuha ni Avanie ang mga limiter at isa-isang isinuot yun. Nang matapos ay humarap siya sa lahat ng nasa loob ng silid, puno ng determinasyon sa mga mata at nakangiti.

"Ang sunod na destinasyon, Heirengrad!"

Natutuwa si Draul na makitang malaki ang determinasyon ng kanilang prinsesa para hanapin ang kaharian ng Rohanoro ngunit may mga bagay pa rin itong hindi alam tunkol sa mundo ng Iriantal.

Simula kasi nang mawala ang Rohanoro, unti-unti na rin naiba ang takbo ng buong mundo ng Iriantal hanggang sa tuluyan na itong nagbago.

"Bago ang lahat, may kailangan ka munang malaman Avanie-hana."

Tango lang ang nakuhang tugon ni Draul mula kay Avanie.

"Nagkalat ang mga halimaw dito sa Iriantal. Mga halimaw na marunong mag-isip at hindi pangkaraniwan. Mga Ginx kung tawagin."

"Oo alam ko ang tungkol sa kanila." Sabi ni Avanie.

"Klase ng halimaw na marunong umunawa ng ginagawa ng ibang nilalang. May abilidad silang gayahin ang gingawa ng ibang nilalang na nakikita nila at hindi limitado ang kakayahang yon sa mga Nindertal." Paliwanag ni Draul. Matagal ng alam nila Feer ang tungkol dito at importanteng malaman ito ni Avanie. "May tatlong level ang mga Ginx; una ang mababang level, pangkaraniwang halimaw. Ikalawa mga Ginx na marunong umunawa at nakakasunod sa galaw ng iba pa. At ang ikatlo at pinaka delikado ay ang mga Ginx na tinuruan ng ibang mga nilalang kung pa'no lumaban."

"M-May ganung klase ng Ginx?" Hindi makapaniwalang tanong ni Avanie.

Tumango si Draul. "Hindi maiiwasan sa isang mundo ang pagkakaroon ng masasamang nilalang, at dahil na rin matalino at nakakaintindi ang mga Ginx maaari silang gamitin ng kahit sino. Subalit, mahirap paamuhin ang mga Ginx kaya ang matatapang na Nindertal lang ang may kayang magturo sa kanila. Gayunpaman, halimaw pa rin ang mga Ginx kaya naman hindi pinapayagan ng pamahalaan ang pag-aalaga sa kanila sa loob ng kahit anong kaharian. Dahil dito ang mga gumagamit sa kanila ay bumaba rin sa mababang uri ng mga Nindertal.

Mga magnanakaw,

Pirata,

At mga nilalang na mapagsamantala."

Hindi alam ni Avanie ang sasabihin. Sa pagkakaalam niya, naituro na ni Yushka-dia ang tungkol sa mga Ginx pero abala siya sa pagdo-drawing sa papel niya at hindi nakikinig sa kung anong sinasabi nito. Inulit ito ni Draul kaya siguradong alam nito na hindi siya nakikinig sa mga aralin nila ni Yushka.

"Pero ano namang kinalaman ng mga Ginx sa pagpunta ko ng Heirengrad?" nagtatakang tanong ni Avanie.

"Bago makapasok sa Heirengrad ang isang Nindertal kailangan munang dumaan sa tatlong pagsusulit. Ang unang pagsusulit: kailangang maabot ng isang nilalang ang itinakdang porsiyento ng Shi. Pag naipasa mo 'yon didiretso ka na sa pangalawa, simple lang ang ikalawa, ang kailangan mo lang gawin ay sagutan ang mga tanong nila."

"Ano naman ang ikatlo?"

"Tawirin ang bundok ng Chunan na pinamumugaran ng iba't-ibang klase ng Ginx."

Kurap kurap ng kaunti...

'YUNG TOTOO! May galit ba sa kanya si Draul kaya gusto siya nitong papuntahin sa lugar na puro halimaw? Wala sanang problema pero meron siyang limiter at hindi siya pwedeng gumamit ng Shi kahit konti!

Pa'no pa siya nito gustong mabuhay?

"Avanie-hana hindi ka pwedeng gumamit ng kapangyarihan kaya ang pwede mo lang gamitin ay ang lakas mo sa pakikipaglaban gamit ang katawan."

'Sabi na may galit 'to sa akin e. Gusto niya akong makipagsuntukan sa sandamakmak na halimaw na tanging ang diyos lang ang nakakaalam kung ga'no sila ka dami! Baka kalansay ko na lang ang makarating sa Heirengrad pag nagkataon!'

"May isang bagay pa."

"Meron pa?" Ayawan na. Pwede bang umurong? Mas gugustuhin pang maglakbay ni Avanie kesa makasagupa ang mga halimaw na yon.

"May isang armas na ginagamit para pigilan ang Shi ng isang nilalang. Vanquir kung tawagin. Hindi ko alam kung saan ito nagmula at kung sino ang gumawa. Ginagamit ang armas na 'to para pigilan ang mga delikadong nilalang dito sa Iriantal. Oras na matamaan ng Vanquir ang isang Nindertal, dulot nito ay pagkasira ng bato sa loob ng katawan na tumatanggap ng Shi galing sa Formica System. Ibig sabihin walang Shi, walang Maji."

Napanganga si Avanie sa sinabi ni Draul. Hindi niya alam na may gano'ng ka delikadong armas dito sa mundo ng Iriantal. Ibig sabihin pag natamaan ka ng Vanquir para ka na ring namatay!

Pero iba ang epekto nito sa Kaivan at kay Avanie. Kapag natamaan ng Vanquir ang mga Kaivan, hindi sila makakagamit ng Shi sa loob ng isang linggo subalit pag sa Quinra ito ginamit. Wag ka ng umasa, wala kang mapapala.

'Mukhang nagising yata ako sa nakakatakot na era ng mundong ito ah..'

Kahit anong gawin niya hindi siya uurong! Para lang makabalik sa Rohanoro, kailangan niyang pagdaanan lahat kahit pa ang ibig sabihin nito ay makipag suntukan sa sandamakmak na kalaban.

"Maghanda ka Avanie-hana. Nakatakda kang umalis sa loob ng tatlong araw."

✴✴✴

Patak ng tubig.

Bukod sa ingay ng mga nagtatakbuhang daga, maririnig din ang patak ng tubig sa lugar na 'yon. Tila ba ginagaya nito ang tunog ng segundo sa orasan at bawat pagpatak ay maaaring senyales na binibilang na ang araw niya sa mundo ng Iriantal.

Iyon ang unang naramdaman ni Levic Venrior nang dalhin siya ng kambal sa Eldeter at ikulong sa ilalim ng mansyon ni Duke Vhan Rusgard.

Pakiramdam niya, numinipis ang hangin na pumapasok sa maliit na bintana kada oras sa madilim at malamig na lugar na yon. At nawawalan na siya ng pag-asang makatakas dahil kahit anong gawin niyang pagsira sa makapal na rehas na nakapalibot sa kanya, hindi ito matinag.

"Ah... ang tanga ko naman!"

Ang akala niya isang pangkaraniwang Nindertal lang ang babaeng kanyang nakalaban pero mukhang nagkamali siya ng binangga. Hindi lang 'yon, pamangkin pala ito ng kinatatakutang duke sa buong Iriantal!

Duke Draul Vhan Rusgard. Ang tinaguriang kampon ng kadiliman na nagbabalat anghel. Ayon sa mga narinig niya, hindi pa natatalo kahit kailan ang Duke sa kahit anong laban at wala itong kinatatakutan kahit pa ang sariling Hari ng bansa nito. kumpara sa ibang Duke sa Iriantal, di hamak na mas bata si Vhan Rusgard. Isang Platina. Kilalang tuso at kayang magpabagsak ng kalaban ng hindi man lang naaakusahan.

Marami na itong napatumbang maharlika at karamihan sa mga ito ay kilalang may galit sa Duke. Subalit wala kahit isa ang sumisi sa Duke at hindi alam ni Levic kung bakit at pa'no nito 'yon ginagawa.

At isa siyang malaking baliw.

Inakala niya na kahit kailan ay hindi magku-krus ang landas nila ng kinatatakutang Duke. Kagabi niya pa sinimulan magdasal na kung papatayin man siya nito, sana... hayaan muna siyang makapagbakasyon kahit isang araw lang. Gusto niyang maligo sa bukal at kumain ng maraming pagkain hanggang sa hindi na siya makahinga. O kaya naman hayaan siyang matulog kasama ng sampung magagandang babae.

Naaasar na ginulo ni Levic ang buhok niya.

"Gising ka na." Sabi ng isang tinig.

Napaatras siya sa biglaang pagsulpot nito.

'Duke Draul Vhan Rusgard!' Yumukod siya tanda ng pagbibigay galang.

"Mukhang maganda ang magiging lagay ng panahon sa mga susunod na araw. Walang ulan at maganda rin ang ihip ng hangin."

'Hindi naman siguro siya nagpunta dito para magbigay ng ulat ng panahon.'

"Pupunta ng Heirengrad ang aming prinsesa pagkalipas ng tatlong araw, sa tingin mo dapat ba akong magpahanda ng maraming pagkain para sa pag-alis niya?"

Hindi maintindihan ni Levic ang gustong iparating ni Draul. Di kaya papatayin na siya nito pagkaalis ng tinatawag nilang prinsesa?

"May alam ka tungkol sa Quinra." Hindi ito isang tanong kundi kumpirmasyon. "Sabihin mo sa'kin kung anong nalalaman mo at bakit ito hinahanap ni Bernon."

"O-Opo," nagsisimula nang manginig ang katawan ni Levic. "Ginamit ni Bernon ang nangyaring gulo sa sariling palasyo para sa sarili niyang ambisyon. Pero hindi ako naging kuntento sa paliwanag na 'yon kaya inimbestigahan ko siya at nalaman ko na hinahanap niya ang anak ng dalawang diyos. Hinahanap niya ang Quinra, pero hindi ko po alam kung bakit at sa anong dahilan niya hinahanap ito. Ginamit niya ang pagpaslang namin bilang pain para mapalabas ang Quinra."

"Hmmm... interesante talaga ang bakulaw na haring 'yon. Sa tingin mo?"

'Bakulaw?' "O-Opo!"

"Alam niya na kusang hahanapin ng Quinra ang kaharian nito."

Dahil pinapatay nila ang mga nilalang na nagkaka-interes sa kahariang yon, wala na sa mga Nindertal ang may lakas ng loob na pag-usapan ang Rohanoro pero, makalipas ang ilang taon may isang babaeng interesado rito ang mismong lumapit sa grupo nila.

Kakaiba ang babaeng 'yon. Ito mismo ang lumapit at kakaiba ang interes nito sa nawawalang kaharian.

Teka sandali, ibig sabihin...

Marahas na napatingala siya sa kaharap para lang makita ang nakakatakot na ngiti nito.

"Mukhang alam mo na."

Ang Quinra! Ang babaeng yon ang Quinra! Wala siyang kaalam-alam na diyos na pala ang nilalabanan niya. Pero pa'no nito naitatago ang sarili na parang pangkaraniwang Nindertal lang?

"P-Papatayin m-mo ba ako?"

"Hmmm..."

"Bago niyo ako patayin pwede bang pagbigyan niyo ang aking isang kahilingan?"

Tumaas ang isang kilay ni Draul. "Anong kahilingan?"

"Gusto kong magbakasyon! Maraming babae at maraming pagkain!"

'Kailan pa naging isa ang tatlo? At ano bang akala sa'kin ng batang ito? Diwata?'

Napabuntong hininga si Draul. "Hindi ko ugaling tumapos ng buhay ng mga Nindertal na wala namang atraso sa'kin. Isa pa, wala akong mapapala kapag pinatay kita. Pero mukhang mapakikinabangan kita."

"Gagawin ko po ang lahat sa abot ng aking makakaya!"

"Bago ang lahat... ...di ba totoong mukhang bakulaw si Bernon Zeis?"

"....?"

"Walang wala siya sa kagandahan ko. At ang mga Nindertal na kagaya niya ang dapat maunang binubura sa mundong ito HAHAHAHAHA!"

"..."

At nang oras na 'yon, napatunayan ni Levic na hindi lang pala kampon ng kadiliman ang Duke... ...mukhang malakas rin ang tama nito sa ulo.

✴✴✴

Maraming Nindertal at halo-halo ang ingay ng mga ito sa paliparan ng Eldeter. May mga kararating lang at marami rin ang umaalis. Gaya ng sinabi ni Draul pagkalipas nga ng tatlong araw, inihatid sila nito sa lugar kung saan sila sasakay ng Aeroblaze patungo sa isla ng Idlanoa.

Masaya si Avanie dahil sa wakas! Matutupad na ang inaasam niyang pagsakay sa Aeroblaze! Ang sasakyan na lagi niya lang tinatanaw sa malayo. Nanguna pa siya sa paghahanap ng cabin nila sa loob at hinayaan niya lang na sumunod sa kanya ang kambal na Dal. Hindi na sumama ang iba pa dahil marami daw silang kailangang gawin.

Makalipas ang isang oras, lumipad na ang Aeroblaze at nagsimula ng dumagsa ang mga pasahero sa parte ng sasakyan na nababalutan lang ng salamin para tingnan ang mga tanawin sa labas.

Samantala si Avanie...

"Bleeeeegh!" Dumukwang siya sa balde at inilabas lahat ng kinain niya. Akala niya masaya pero nang magsimula nang umandar ang sasakyan nagsimula na rin umikot ang sikmura niya! "Urgh! Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ibalik niyo ko sa lupa..."

Naluluhang niyakap niya ang maliit na balde habang pinapakiramdaman ang sarili.

Marami siyang dalang gamot pero walang gamot para sa pagkalula. Isa pa hindi naman alam ni Avanie na ganito ang magiging epekto sa kanya ng pagsakay sa Aeroblaze. Hindi niya naman kasi akalain na parang hinahatak palabas ang lamang loob mo pag sumakay ka dito. Di gaya kapag sumakay ka sa Dragon, malalasap mo ang masarap na hangin, kulob sa loob ng Aeroblaze kaya pakiramdam niya may umuugong sa loob ng kanyang tenga.

Marahas na bumukas ang pintuan at pumasok ang kambal na Dal. Ngiting ngiti si Fegari samantalang mukhang inaantok naman si Satari.

"Fegari, wag kang manira ng pinto." nanghihinang saway dito ni Avanie.

"Avanie-hana!" Hindi niya na napigilan si Fegari nang lumapit ito at yumakap. "May ipapakita ako sa'yo, bilis! Bilis!"

'Ang hina talaga makakuha ng isang 'to! Di ba niya nakikitang nahihirapan yong kasama niya dito?'

"Ayoko, masama ang pakiramdam ko." Sabi niya rito.

"E kasi, wala kang nakikita kaya pakiramdam mo nasa loob ka ng isang kahon kaya natural lang na mahilo ka." Ipinasan ni Fegari si Avanie sa likuran nito kahit na todo ang pagtanggi ng dalaga.

Dumiretso sila sa labas at nagtuloy-tuloy sa parte ng sasakyan na napapalibutan lang ng salamin. Kusang pumikit ang mga mata ni Avanie nang tamaan ito ng matinding liwanag.

"Avanie-Hana tingnan mo." Boses iyon ni Satari.

Dahan-dahan siyang nagmulat hanggang sa nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita.

LUMILIPAD ANG AEROBLAZE SA IBABAW NG KARAGATAN!

Kulay asul ang buong karagatan at nagkalat ang puting ulap sa malawak na kalangitan. Hindi lang 'yon, maraming Idulan ang nakikilipad sa sinasakyan nila.

Ang Idulan ay isang uri ng balyena na kayang lumipad ng may ilang talampakan ang taas mula sa tubig. May mahahabang palikpik ang mga ito na parang belo sa magkabilang tagiliran at may mahahabang katawan. May batik batik na puti sa asul na katawan nito pati na rin sa malapad na buntot. Sa ibaba naman ng mga Idulan ay magkakasamang lumalangoy ang mga malalaking Buong (stingray). Nagkukulay pilak ang malalapad na likod ng mga Buong sa tuwing nasisikatan ng araw kaya nagliliwanag at kumikinang ang tubig.

"Ang ganda!" Manghang turan ni Avanie.

"'Di ba?" Tumawa si Fegari. "Maraming hindi nakitang magagandang tanawin ang kamahalan dahil sa pagtatago nyo sa loob ng cabin."

"Ilang minuto na lang mararating na natin ang isla." Sabi naman ni Satari. "Dumito muna kayo pansamantala. Tiyak na mahihilo na naman kayo 'pag bumalik kayo sa loob ng cabin."

Nakangiting pinagmasdan ni Avanie ang tanawin sa labas ng salamin. Manghang mangha siya kaya hindi niya na napigilan ang mahinang pagtawa. Noon sa tuwing lumilipad siya, hindi niya naaabutan ang grupo ng mga idulan. Pangarap niya kasing lumipad kasama ng mga ito kaya para kay Avanie isa itong panaginip na nagkatotoo. Sa ngayon, gusto niyang basagin ang salamin at sakyan ang mga lumilipad na balyena.

Alerto naman ang kambal na Dal dahil may tyansang gawin nga yon ng kanilang amo.

"Sa tingin mo gagawin niya?" tanong ni Fegari sa kakambal.

"Pag ginawa niya, tumakbo na tayo tapos kunwari di natin siya kilala."

"Pagagalitan tayo ni Draul, bunsoy."

"Hayaan mo na kuya. Hindi naman niya malalaman na tumakbo tayo."

"Aah...." hindi malaman ni Fegari kung gising pa ba o tulog na ang kausap niya.

✴✴✴

Humigit kumulang sampung minuto ang lumipas bago nila narating ang port kung saan lalapag ang Aeroblaze. Sa malayo pa lang ay kita na ang mga nagkalat na nagtitinda at mga mangangalakal sa port na malamang galing sa iba't-ibang kaharian. Meron din maliliit na bangka sa paligid. Ginagamit ang mga yon para tawirin ang iba pang maliliit na isla sa paligid ng Idlanoa.

Isang neutral na lugar ang Idlanoa at walang kaharian ang nagmamay-ari dito kaya naman (ayon kay Yushka-dia) malayang nakakapagtayo ng mga maliliit na tindahan dito ang iba't-ibang nilalang.

"Hanggang dito na lang kami Avanie-Hana."

"Tawagin niyo lang po kami kapag may kailangan kayo kamahalan."

Tinanguan ni Avanie ang kambal at pareho nang naging bilog ang mga ito at pumasok sa loob ng kwintas niya. Mahigpit ang bilin ni Draul na wag gagamit ng kapangyarihan at hwag ilalabas ang kambal na Dal kung hindi naman kinakailangan.

Tumingala si Avanie, mula sa kinatatayuan niya isang mataas na bundok ang matatanaw. Makapal ang dahon ng mga punong nakatayo rito, balot rin ito ng makapal na hamog kaya hindi makita ang tuktok.

"Ang bundok ng Chunan."

Bukas nakatakda siyang kumuha ng pagsusulit at kailangang tawirin niya ang bundok na ito.

SAMANTALA...

"Kumpleto na ba ang lahat ng mga gamit natin?" tanong ni Riviel kay Regenni na may bitbit na isang malaking bag at may hila pang isang ... malaking bag.

Gaano ba karami ang dinala nitong gamit? Oras naman na makapasok sila sa Heirengrad, may mga Nindertal na pupunta sa kaharian para kuhanin ang lahat nang kakailanganin nila.

"Kamahalan, tutuloy muna tayo sa isang hotel dito bago dumiretso sa peek ng bundok Chunan. Nakapag pa reserba na ako ng tutuluyan, kailangan na lang nating hintayin ang sasakyan na maghahatid sa'tin sa hotel." Imporma sa kanya ni Regenni.

Tinalikuran lang ni Riviel ang pinsan. Wala siyang pakialam kahit ano pang gawin nito. Ideya naman ni Regenni ang lahat kaya hahayaan niya na lang ito.

Ang tanging interes ngayon ni Riviel ay ang bundok ng Chunan na pinamumugaran ng mga Ginx.

'Kailangan kong maipasa ang pagsusulit ng hindi gumagamit ng Shi.'

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 197 8
Cordellia Rodrigo loves reading novels, and her favorite? A happily ever after ending. So when her latest read, The Lady amidst the Beasts ends in th...
Soulless Corpse By ꪀic

Mystery / Thriller

58.8K 2.5K 31
"The biggest risk, is not taking any risk. So... tara?" I said while slowly opening the car's door and tightly gripping the crowbar in hand. A wave o...
28.2K 812 53
[ PHANTASIA ACADEMY: MADISON'S SECRET ] After residing in the mortal realms ever since she was fourteen years old, Madison Serenity Sinclair finally...
4.8K 216 47
[KINGDOM SERIES #1] "The Beginning." Can you sense something even it is miles? Are you a master of minds? Can you teleport to other dimensions? Or a...