The Act

By EiArEs

824 200 300

[ C O M P L E T E D ] - [ S H O R T S T O R Y ] Date Started: March 8, 2016 Date Ended: M... More

The Act
Untitled
Known
Unknown

Entitled

219 44 80
By EiArEs

The Act.......

Entitled:
MAGLEV

Hindi ko mapigilang tumawa. Sino bang hindi tatawa kung may isang hampaslupang nagtatakbo sa hallway na basang basa na nakatapis lang, nakatakip rin ang kanyang mga mata at natali ang kanyang mga kamay?

Lahat ng tao nakatingin at tumatawa sa kanya. Siya ang may gusto niyan. She wants attention. Or should I say, she is a famewhore. At etong nangyayari sa kanya, bagay na bagay lang yan sa kanya. At dahil gusto niya yan, ibinigay ko naman siya kanya. Mabait kasi ako.

"Tulong!" Psh! Nakakarindi yung sigaw niya. Dapat pala pati bunganga niya tinakpan ko.

"KURT!" How dare her! Wala siyang kaparatang tawagin si Prince ng Kurt lang. Ako nga, hindi ko matawag ng Kurt si Prince. What the hell!

I can't help it. Ako lang dapat ang tumatawag sa kanya ng ganyan. Argh! Pinuntahan ko sya gitna ng madla. Sinadya kong lakasan ang bawat yabag ng paa ko. Para makuha ko ang atensyon nya.

"K-kurt? I-ikaw ba yan?" Napairap ako sa hangin at hinila ko ang buhok nya.

"Nope. But I'm your biggest nightmare." Hinigpitan ko ang hawak ko sa buhok niya. Ang sarap kasing tanggalin. Good thing, nakatali ang nga kamay nya. Palaban pa naman tong babaeng ito.

"S-steffany?"

"Yes! You got it! Hindi ka lang pala gold digger, manghuhula ka rin pala. Siguro, may lahi kang mangkukulam. Ginayuma mo si Prince para mapa-ibig mo siya. Psh!" And syempre, tawanan ang ang crowd.

"Ala–"

"Nu-uh! Wag ka nang magsalita pa at mapapahiya ka lang." Nagtawanan ang madla sa pinagsasabi ko sa kanya.

"By the wat, Kiray. Mukhang kailangan mo pang magpalamig. Natutuyo ka na kasi eh." Sabi ko at sinenyasan ako ang mga alipores ko na dalhin ang isang timba na naglalaman ng malansang tubig. Nang makalapit sila ay agad kong binitawan si Kiray at lumayo sa kanila.

"Go." Sabi ko sa mga alipores ko at sinimulan na nilang tapunan si Kiray ng malansang tubig. Todo sigaw naman sya at todo tawa naman ang nasa crowd.

"Bagay lang yan sayo, Kiray." I said and I'm about to walk away nang biglang may tumawag ng maganda kong pangalan.

"Steffany! Ano nanaman ang ginawa mo?" Here we go again. Pinatatanggol nanaman nya ang hampaslupang yan. Ginayuma nga ng babaeng yan ang Prince Ko'. It's time na para sabihin ko sa madla na iwasan ang mangkukulam na yan.

"What? Wala naman akong ginawa sa kanya."

"Steffany, would you please stop this kind of mess? Tigilan mo na tong–"

"Pangbubully ko sa kanya? She deserves that. Panira lang siya ng reputasyon ng pamilya nyo. You're my fiançe at mas pinili mo pa siya kaysa sa karangyaan ng buhay mo. Look at yourself Prince. Para ka nang isang mahirap ngayon dahil sa babaeng yan. Pinalayas ka ng mga magulang mo because of her. Dahil sa kanya–"

"Steffany! Mahal ko siya kaya ko siya pinili. Maha–"

"Bakit yang bang pagmamahal na yan ay iaahon kayo sa hirap? Mapapakain ba ng pagmamahal na yan ang mga– Argh!– mga anak niyo? Hindi naman, diba? Mas lalo lang kayo maghihirap dahil sa pesteng pagmamahal na yan." Tahimik ang paligid. Naririnig ko lang ay ang hikbi ng nakakainis na babaeng yun.

And, hindi ko na rin kakayanin na magstay pa dito. Nasasaktan lang ako dito. Nasasaktan ako dahil mas pinili niya yung babaeng kakikilala palang niya kasya sa akin na matagal na nyang kilala. I love Prince higit pa sa pagkakaibigan namin. I really love him. Then, nang biglang dumating yang hampaslupang yan, nag-iba siya. Nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Mas nagkaroon siya ng time sa babaeng yun kaysa sa akin. Because of her, nawala ang lalaking alam kong para sa akin.

"Kung iuungkat mo nanaman ang sa atin. Tigilan mo na. At ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na hindi kita mahal, hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo sa akin. Matalik na kaibigan lang ang turing ko sayo, Steffany." With that, tumalikod na ako dahil nagbabadya nang lumabas ang mga luha ko sa mata.

...

"CUT!"

Huminga ako nang malalim. Sa wakas, tinapos na ni direk ang scene. Akala ko iiyak pa talaga ako. Masisira pa yung make up ko, sayang naman. Hehehe.

Lumapit naman sa aming apat si direk slash ang prof namin.

"MAGLEV! Ang galing mo talagang umarte. Bagay na bagay talaga sa iyo ang pagiging kontrabida." Masayang sabi ng bakla naming prof. Psh!

Minsan naisip ko, sana maging bida naman ako sa ginagawa naming play. Lagi nalang akong ginagawang kontrabida. Minsan kasi, nakakasawa ng maging kontrabida. Paano hindi ka magsasawa kung yung mga fans ng mga bida ay inaaway ka? Oh, diba? Lagi nila akong binabash. Puro panlalait na lang ang lagi kong naririnig patungkol sa akin.

"ROYGBIV! Ang knight shining armor ng ating bida. Ang gwapo na nga, magaling pang-umarte." Ang landi ng prof namin may payakap yakap pang nalalaman. Iniwan ko naman sila at pumasok sa back stage para makapagpalit na at makapag-ayos. Pero, hindi pa naman ako nakakapasok ay may biglang umakbay sa akin.

"Magdalene Levera! Ang bestfriend kong ubod ng ganda at magaling umarte. Kamusta ka naman?" Pakantang sabi ni Lester a.k.a. LIMA(Tanyag sya sa pangalan na yan), Bestfriend ko. Gwapo rin to eh at ang ganda pa ng boses kapag kumakanta. Daming fans din yan. And guess what? Galit din ito sa akin.

"Best, hands off please?"

"Bakit? Ayaw mo narin bang lumalapit ako sayo katulad ng pinsan ko. Dito na ba matatapos ang pagkakaibigan natin? Ayaw mo na ba sa akin?" Sabi nito sa akin. Mangiyak ngiyak ito at nakapout pa siya. Edi siya na ang cute!

"Baka kapag hindi mo pa tatanggalin ang pagkakayakap mo sa akin ay mamatay ako sa talim ng mga tingin sa akin ng mga fans mo."

"Ano ka ba, best. Don't mind them. Inggit lang sila sayo dahil may kasama kang gwapong katulad ko." Nanliit ang mga mata ng tumingin ako sa kanya.

"Alam mo? Nahahawa ka na sa pinsan mong mayabang." Sabi ko sa kanya at agad na pumasok sa loob ng back stage. Hindi ko na keri ang talim ng ng tingin nila sa akin.

Pagkapasok ko.

"May nagpapabigay sayo oh!" Bungad sa akin isang classmate kong lalaki. Inaabot niya sa akin ang isang red rose. At kinuha ko naman ito.

"Sino?" Gulat kong tanong. Imbis sagutin nya ang tanong ko ay agad syang umalis. Aba't bastos tong lalaking to, ah!

"Iniwan mo naman ako dun sa labas." Bigla namang sulpot ni Lester sa gilid ko. Nagulat naman ako kaya nahampas ko siya ng wala sa oras. May oras kasi ng paghampas sa kanya.

"ARAY KO NAMAN! May lihim ka bang galit sa akin. Kung makahampas ka." Reklamo nya habang hawak hawak niya ang kanyang braso na nahampas ko.

"Bakit ka ba kasi sulpot ng sulpot?" Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay agad nyang kinuha yung isang pirasong bulaklak na hawak ko. Bakit ba ang babastos ng mga tao ngayon?

"Merun ka nanamang natanggap na bulaklak? Pang-ilan na to?" Tanong nya habang sinusuri yung bulaklak.

"Pangli–"

"Alam mo nawe-weirduhan ako sa lalaking nagbibigay sayo nito? Alam mo kung bakit? Syempre hindi. Malamang hindi ko pa sinasabi sayo." Napamental face-palm nalang ako. Tanong nya, sagot nya.

"Kasi... sa lahat ba naman ng babaeng bibigyan niya ng ganitong bulaklak, ikaw pa. Diba, tomboy ka? Baka naman mali lang ang napapagbigyan niya at hindi ikaw ta– ARAY!" Napasimangot naman siya sa ginawa kong paghampas sa kanya.

"Sinabing hindi ako tomboy, eh."

"Talaga? Hindi halata, eh." Sabi niya at tumawa na parang walang bukas. Psh! Agad ko namang kinuha yung bulaklak ko sa kanya. Iniwan ko naman siya dun at pumunta sa table ko na kung nasaan yung mga gamit ko.

"FIVE!" Nagulat naman ako sa biglang pagsigaw na nagmula sa likuran. Kilalang kilala ko siya. Isa pa siya sa panira ng araw ko.

"Anong ginagawa mong kumag dito?" Tinignan ko siya ng masama.

"Edi, para manggulo." He said and he smirked. Agad naman nyang kinuha ang limang roses na nakalagay sa table ko.

"Nakakalima ka na. Nakakapagtaka lang kung sino mang lalaking nagbibigay sayo ng mga ganito." Pinanliitan ko naman sya ng mga mata. Nakakainis talaga siya. Hindi ko masikmura ang pagmumukha niya, yung ugali niya. Basta, I hate him, but mas hindi ko gusto ang sariling kong–

"Hindi ka naman maganda. Ang liit mong tao. Ang payat payat mo pa, at..." Sabi niya. Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa. Nang-aasar yung pagtingin niya sa akin. At ang mas lalong nakaka-asar ay yung pagpipigil niya ng tawa.

"At yang katawan mo, flat na flat, mula ulo hanggang paa." Sabi niya sabay tawa ng malakas. Bwisit!

"Pwede ba, Roy? Kung–"

"Kung manggugulo lang ako. Mas maganda nang umalis na ako kung masisikmuraan mo ako. Alam na alam ko na ang mga dialogue mong gany–"

"Alam mo naman pala eh." Sabi ko at agad ko suyang sinikmuraan. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sahig at namimilipit sa akin. Bagay lang yan sa kanya.

Napairap ako sa kanya at kinuha ko yung bulalak na nahulog dahil sa ginawa ko sa kanya. Tumalikod ako sa kanya at inilagay ko sa table ko ang limang rosas. Muli akong humarap sa kanya. Pero nagulat ako ng biglang nasa harapan ko na siya.

Magkalapit ang mga mukha namin. Halos maduling ako dahil sa sobra lapit ng mukha namin. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit. Nakadilat kaming parehas. Nakatitig lang ako sa mga mata nya at ganun din siya. Tumama ang tingin sa aking labi. Ramdam ko ang pagngiti niya at pagdila niya sa kanyang labi. Pumikit naman siya at unting unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Naduduling na ako sa ginagawa niya hanggang sa napapikit na lang ako at hinihintay na may mangyari.

"Akala mo siguro hahalikan kita. Hindi mangyayari yun, MAGLEV. Hindi ko type ang mga katulad mo. Masyado kang plain. Wala kang kadating dating. Masisira lang ang image ko kapag magkasama tayo." Malamig na bulong nito sa akin. Habang binubulungan niya ako, ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang hininga ngunit mabango ito. Iba sa pakiramdam ko ang bulong nyang yun. Parang–

Napadilat ako bigla ng mapagtanto ang kanyang mga sinabi. Nakita ko naman ang kanyang likuran na naglalakad palayo sa akin.

"BWISIT KA TALAGA SA BUHAY KO, ROYGIN BIVERE." Nakapikit kong sigaw. Argh! Nakakainis talaga siya kahit kailan.

Busy ako sa pagsusumpa sa kanya mula sa isip ko ng biglang may pumitik sa noo ko. Kaya naman napadilat ako at nakita ko naman ang bestfriend kong pinsan ng kumag na yun.

"Ano nanaman ang ginagawa ng pinsan ko sayo at nagsisigaw ka dyan?" Tanong nito.

"Wag mo nang ipalala sa akin at mabibiwisit lang ako sayo." Sabi ko at ngumiti lang ito. Kinuha naman niya ang kamay ko at may kapirasong papel na nilagay. Umalis naman ito agad nang walang ni'isang salita.

Naupo naman ako sa upuan ko at nakaharap sa salamin ng table ko. Tinignan ko naman yung binigay sa akin ni Lester na kapirasong papel. Binuksan ko ito. Napailing at napangiti nalang ako nang mabasa ko yung nakasulat dito.

'Much' -- yang ang nakasulat papel.

Sa bawat nagbibigay sa akin ng bulalak ay si Lester naman ang nagbibigay sa akin ng ganitong papel. Hindi ko alam kung may gusto ba talaga sa akin si Lester o biro niya lang to? Pero kung gusto niya talaga ako. Kung maaari ay lang ay itigil na nya ito. Dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya sa akin. Wala akong ibang nararamdaman sa kanya. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. At hindi na hihigit pa dun.

Napailing nalang ako at napasimangot dahil alam kong masasaktan lang si Lester nang dahil sa akin.

"I'm sorry, Lester."

~~~

Ilang araw narin ang nakalipas ng pagpra-praktis namin sa gagawin naming play. At ngayon na ang araw na ito ay pag-a-act na namin sa harap ng maraming tao sa entablado.

Medyo kinakabahan ako. Pero hindi katulad dati na sobrang kaba ako noon. Sanay na kaming umarte ng live sa harap ng maraming tao. Pero hindi maiwasan na maalala yung nakaraan.

Bata palang ako ay lagi na akong sumasali sa ganitong pagtatanghal. Pero sa kasamaang palad ay madalas ang hindi nakukuha. At kung minsan ay nakakapasok nga ako lagi naman ang binabato ng mga kamag-aral ko nun ng mga kamatis at kung ano-ano dahil ang pangit ko daw umarte. Hindi daw bagay sa akin yung ginaganapan kong tauhan ng kwento. Everytime na matatapos ang pagtatanghal namin ay lagi akong umiiyak nun, dahil sa pangbubully sa akin ng mga kamag-aral ko. Pati sa room namin kapag walang kaming guro ay binubully nila ako. Hindi ko naman magawang magsumbong sa mga guro namin. Hindi ko rin alam kung bakit.

Hanggang sa naging kolehiyala ako at eto naging isa sa mga pinakamagaling sa pag-arte ng departamento namin at ng batch namin. Yun nga lang, ang daming galit sa akin dahil ang laging napupunta sa aking tauhan at yung kontrabida ng play. Ako at ako yun.

Napapikit ako. "Kailan kaya ako magiging bida sa mga kwentong gagawin pa namin?" Mahina kong bulong.

"MAGLEV! Magready ka na, lalabas ka na sa play." Sabi ni Ken, ang siyang gumawa mismo ng kwentong itatanghal namin. Agad naman akong nag-ayos.

~~~

'I love you very much from the bottom of my heart and my mind, from your prince charmjng,'

Napangiti ako sa effort na ginawa ni Lester. 18 roses at 18 na piraso ng papel, at yan yung nakasulat. Napailing nalang ako. Pero, hindi ko mapigilang maging malungkot dahil si Lester ang may gawa nitong lahat. Nalulungkot at nasasaktan ako dahil alam kong masasaktan ko siya.

Tapos na ang papel ko sa entablado. Ganun naman kapag kontrabida, diba? Saglitan ka lang lumabas sa isang pagtatanghal. Pero kapag bida, maraming papel sa entablado, sa kanya iikot ang kwento. Pero kapag kontrabida, kapag natalo na siya ng bida, talo na talaga siya at wala na siyang magagawa pa upang lumaban. Napailing nalang ako at pinagmasdan ang mukha ko sa salamin na nasa table ko.

"Mag, tara na. Dalian mo at tapos na ang pagtatanghal natin at kailangan na nating sabay sabay na magbow sa mga nanunuod." Biglang sabi ni Kayla, siya pala si Kiray, yung bida sa kwento. Ngumiti naman ako sa kanya at agad na sumunod sa kanya.

Pagkapasok namin sa entablado. Ganun parin ang mga tao nakaupo sa ibaba. Sobrang dami pa din nila. At kitang kita sa mukha nila na gustong gusto nila ang kanilang napanuod.

Isa-isa namang pinakilala ang mga tauhan at sila'y nagbow. Then, umalis agad ng entablado. Nagtaka naman ako dahil wala naman yun sa plano pero hindi ko naman iyon pinagtuunan ng pansin. Naki-ride on nalang ako.

Natapos na ang ibang tauhan at ako nalang ang natitira sa entablado. Kaya time ko na para ipakilala ng prof namin sa madla.

"Ms. Magdalene Levera a.k.a steffany, ang ating kontrabida." Nakangiti naman ako sabay bow. Pagkabow ko ay biglang may ng boo at nagbato sa akin ng kamatis. Napatungo ako at lahat sila ay pinagbabato na ako ng kamatis. Hindi ko maiwasan na maiyak sa nangyari sa akin.

Patakbo na sana ako papaalis ng entablado ay biglang namatay lahat ng ilaw at naging madilim ang buong paligid. Napaupo ako sa kinatatayuan ko at napahagulgol na ako.

Pagod na pagod na akong maging kontrabida. Hindi ako masaya sa pagiging kontrabida ko. Lagi nalang silang may galit sa akin na wala naman akong ginagawa sa kanilang masama. Pagod na pagod na ako.
Nakarinig naman ako ng mga yapag ng mga paa. Pinakiramdaman ko ito dahil hindi ko siya makita dahil sa kadilimang nababalot sa paligid.

Naramdaman ko namang naupo ito sa harapan ko. Bigla namang may umilaw at nakita ko si Lester sa harapan. Hawak hawak nito ang phone niyang may flashlight. Bahagya niyang itinapat ang flashlight sa mukha ko.

Pinunasan niya ang mga kamatis sa mukha ko at ang mga luha kong nagwawaldas sa aking mga mata.

"Lester!" Sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Mas napahagulgol ako sa ginagawa niya sa akin. Yung pag-aalala nya sa akin. Mas lalo akong naiiyak dahil alam kong masasaktan ko siya.

"Tahan na, Mag. Tahan na." Sabi niya habang tinatapik niya ang likod ko.

"Alam mo, Mag. Wag kang mapapagod na maging kontrabida sa isang kwento. Dahil kapag walang kontrabida sa isang kwento, hindi naman mabubuhay ang bida at wala ring buhay ang isang kwento." Sa sinabi nyang yun ay medyo gumaan ang aking pakiramdaman. Bumitaw naman siya sa pagkakayakap ko sa kanya.

"At ito ang laging tatandaan mo, ang bawat tao sa mundo ay may kanya kanyang kwento. At sa kwento mo, ikaw ang laging bida." Sabi nya at ngumiti sa akin ng pagkatamis-tamis.

"S-salamat, Lester." Sabi ko at sinuklian ko din siya ng matamis na ngiti.

Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko pero nanatili siyang nakaupo dun. May kung ano siyang kinukuha sa kanyang bulsa. Nang makuha niya iyon ay agad siyang tumingin sa akin at itinaas ang kanyang kamay. Pinakita nya ang isang kapirasong papel sa akin.

"Kuhain mo at buksan mo, best." Sabi niya at nanatili siyang nakaupo.

Agad ko naman kinuha yung kapirasong papel at binuklat ko ito. Naiyak ako sa nakita ko. Naiyak ako dahil nasasaktan ako para sa kanya. Nasasaktan ako dahil sa oras na ito ay masasaktan ko siya.

"Oh! Bakit ka umiiyak?" Tanong niya na agad syang tumayo.

"Lester, hindi ko matatanggap tong singsing na ito." Sabi ko at ibinabalik ko yung singsing sa kanya.

"Ano ka ba, Mag. Para sayo yan. Kaya tanggapin mo yan." Sabi nya at hindi kinuha yung singsing.

"Pero..."

"Pero, ano?"

"Pero, hindi ko kayang saktan ang bestfriend ko dahil wala akong nararamdaman para sa kanya. Le–" natigilan ako ng bigla siyang tumawa ng bahagya.

"May nagpapabigay lang yan sa akin para sayo. Sabi niya ako na daw magbigay nyan." Sabi niya sa akin at nagtaka naman ako. Ano naman ang ibigsabihin niya? At ang isa pang ipinagtataka ko ay biglang bumukas ang spotlight at nakatutok ito sa amin.

"Nga pala, ikaw ang tanging nag-iisang bida sa kanyang puso." Nakangiting sabi nito.

"Ano nanamang kalokohan to, Lester?"

"Tumingin ka sa likuran mo." Pinanliitan ko suya ng mga mata. At nagkibit balikat lang sya. Kaya naman ay napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa likuran.

"A 19th rose for you." Sabi nya at agad ko naman siyang hinampas.

"ARAY AH! Ikaw na nga tong binibigyan ng bulaklak. Ikaw pa tong nanghahampas." Reklamo nya.

"Ano tong kalokohan na to?" Mataray kong sabi sa kanya. Pero hindi naman sya sumagot.

"Kung nangbwibwisit ka lang, Roy. Tigilan mo nga tong kalokohan na to. Hindi ako natutuwa–" Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nya akong hinalikan sa labi. Biglang umilaw ang paligid, at nagsigawan at nagtilian ang mga tao.

"Ang ingay mo naman. Pwede bang tumahimik ka muna?" Para naman akong nahipnotize sa ginagawa nyang paghalik sa akin. Kaya napatango naman ako. Ang lambot ng labi nya. Kinilig ako kasi ang labi niyang gusto kong halikan ay nahalikan ko na.

"Matagal na tayong magkasama. Mula bata palang magkasama na tayo. Sabay tayong lumaki pero ngayon ko lang napagtanto na ang MANHID mo pala. Hindi mo man lang maramdaman ang pagmamahal ko sayo mula pagkabata hanggang sa ngayon." Nairap naman ako sa kanya.

"Kaysa naman sayo. Ang ganda kasi ng pangliligaw mo, eh. Ang asarin ako araw-araw. And sorry, ah! Ang TORPE mo kasi kaya naging MANHID ako."

"Magliligawan ba kayo o magbabangayan lang kayo dalawa?" Biglang singit ni Lester.

"Eto na nga, eh. Wag ka ngang masyadong atat, insan" sabi ni Roy sabay hablot ng singsing na hawak ko. Oo, hablot talaga ang ginawa niya. Bwisit talaga tong lalaking to.

"MAGLEV! Can you be my girl?" Sabi niya nang hindi man lang lumuluhod.

"HOY! ROYGBIV. Anong your girl agad? Hindi ka pa nga nanliligaw, eh!"

"Ang dami namang arte. Doon din naman patutunguhan nun."
And nagsimula na kaming magbangayan. Ganyan kasi kami maglambingan.

~~~

Bida o kontrabida ka man sa isang kwento. Hindi mo parin maipagkakakila na ang bawat tao sa mundo ay may kwento. May sari-sariling kwento. Kontrabida ka man sa paningin nang iba. Bida ka naman sa sarili mong kwento.

Yan ang natutunan ko kay Roy. Kaya eto ngayon magkasama kami ngayon ng lalaking bwisit sa buhay ko pero siya din ang bumubuo ng araw ko. Magkasama kaming umaarte bilang parte sa pag-aakto bilang kontrabida sa bagong naming itatanghal sa madla.

Muli, ako si Magdalene Levera

a.k.a. MAGLEV. At eto ang kwento ko.

-End-

Signed by:
Ei Ar Es

Published:
March 15, 2016

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
8.1M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
8.9M 324K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...