7th Unit

By purpleyhan

6.4M 142K 11.8K

Standalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different fro... More

front matter
7th Unit
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
End

Chapter 14

136K 3.4K 435
By purpleyhan


"Ang tahimik mo yata, Ms. Trashtalker?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Manahimik ka d'yan, Mr. Torpe," sabi ko naman at tumingin rin siya sa akin nang masama.

As usual, nagbangayan na naman kami bago pumasok sa klase at hindi ko alam kung saan namin napulot ang nickname namin sa isa't isa. Ako pa ang trashtalker, ha? Sino kaya ang laging may sinasabing kung anu-ano? Tss.

Hindi ko na lang siya pinansin pero napatingin na naman ako sa kalendaryo. That day of the year again . . . pero wait, midterm exams na pala next week! Ang bilis!

"Tss. Exams lang pinoproblema pa," sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Dun? Exams 'yon! Di lang 'yon quiz, 'no!"

Nandito kami ngayon sa canteen dahil lunch break namin. Ewan ko ba kung bakit magkasama kami ngayon. Sa katunayan, nagsasawa na nga ako sa mukha niya dahil mas marami pa 'yong oras na nakikita ko siya kaysa hindi.

"Di 'ba sila 'yong nag-kiss kahapon?"

"Ahh, sila na kaya?"

"Siguro. Dylan kissed her. Ando'n nga rin sina James at Mei, sa pagkakaalam ko."

Napatigil naman ako sa pagkain nang narinig 'yon at hindi ko alam kung ano ang nagawa kong expression dahil do'n. Bigla ko tuloy naalala 'yon at hindi ko sigurado kung ano ang dapat kong maramdaman, pero nangibabaw ang pangingilabot.

"Badtrip," bulong ko.

"Tss. Ikaw lang ba badtrip?" mahina naman niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sino bang may kasalanan? May nalalaman ka pang ganon-ganon. 'Di na lang kasi umamin. Torpe talaga."

"Bakit naman ako aamin sa gano'ng sitwasyon? Ano ako, tanga?"

"Oo. Torpeng tanga."

Para na kaming sira ro'n dahil kahit nagbabangayan kami ay pabulong lang. Baka kasi may marinig na naman 'tong mga tsismosang 'to. But wait, isn't that a good thing for me? I mean, malalaman nila na naipit lang ako sa sitwasyon.

Sa kakaisip ko kung paano makakatakas sa tsismis ay lalo lang akong na-stress to the point na gusto ko nang sapakin 'tong Dylan na 'to.

"Hot topic tuloy tayo sa campus. Nakakairita."

"Ayaw mo no'n? Sikat ka na rin?"

"Duh? Ayokong maging kagaya n'yo. 'Di ako mahilig sa mga tao."

"Anong tawag mo sa'kin? Diyos?"

"Hayop."

As usual, nauwi na naman sa walang katapusang asaran ang pag-uusap namin pero napahinto ako dahil sa nakita ko. Oh, no. This is not good.

Kinalabit ko si Dylan pero hindi ako pinapansin ng loko dahil sa pang-aasar ko kanina.

"Dylan, Dylan, Dylan!"

"What?!" bulyaw niya dahil sa sunud-sunod kong pangangalabit. Pasimple ko namang tinuro 'yong tatlong babaeng palapit.

Yes. Those girls who trespassed in our unit before.

"Dylan!" bati ng isang froglet pero nawala ang ngiti niya nang nakita niya ako. "Oh, kasama mo rin pala 'tong flirt na 'to."

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko pero hindi agad ako nakapagreact dahil sa dami ng taong nakatingin na sa amin. Bakit ba lagi na lang akong naiipit sa ganitong sitwasyon?!

"Pwede ba? Umalis nalang kayo?" iritadong sagot ni Dylan pero hindi pa rin natinag ang tatlo at sa akin pa rin sila nakatingin.

"'Di ka pa nakuntento sa bahay niya ha? Sumunod ka pa hanggang canteen."

Aba talaga naman! At excuse me? That's my apartment! Mine!

"So? Inggit ka?" sagot ko naman dahil umabot na sa limit ang pasensya ko. Nagulat naman ako nang hinatak ako ni froglet kaya napatayo ako.

She's a bit taller than me but I don't care. I glared at her without showing any fear. Ever since high school, I was an easy target by bullies and that was why I worked hard to learn self-defense and basic martial arts.

"Sumasagot ka? Gusto mo ba talagang mapahiya?"

"I said leave us alone!" Dylan yelled. "Ano—"

"Hayaan mo siya, Dylan" I said, cutting him off. "Mapilit 'tong palakang bundat na 'to, eh."

Pagkasabi ko no'n ay may narinig akong nagtawanan sa likuran at nakita ko ang pagkunot ng mukha ni froglet. Hindi naman ako nagpaapekto dahil naiinis pa rin ako sa ginawa niya. Isa pa, nalukot ang damit ko dahil sa paghatak niya. Ang hirap-hirap magplantsa tapos magugusot lang dahil sa kanya? Unforgivable!

"At least, hindi ako katulad mong malandi," sabi naman niya at bigla siyang tumingin sa mga tao sa paligid. "Alam n'yo bang nasa apartment siya ni Dylan kagabi? Sa loob pa ng kwarto ha? Kung hindi ka malandi, anong tawag mo 'ron?"

Pinilit kong kumalma kahit na gusto ko na lang lumubog. Ang ayoko sa lahat ay 'yong nagiging sentro ng atensyon ng mga tao, lalo na kung mali naman ang magiging interpretation nila. Tinignan ko si froglet at ngumiti.

"Really? Paano mo naman nasabi 'yan? Don't tell me you're stalking him. Grabe, gabing-gabi na pero sinusundan mo pa 'yong lalaki. That was downright creepy."

And that was the cue. She raised her hand and was about to slap me but I caught her arm in midair. I smirked at her and she looked like she's going to explode any minute now. Pulang-pula na ang mukha niya kaya naman nginitian ko pa siya lalo para asarin.

"Siguro malandi rin yung nanay mo kaya ka ganyan 'no? Bwisit ka!" sigaw niya.

Biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Maybe she said that out of frustration but she stepped out of the line. I gripped her arm hard enough to make her whimper in pain.

"Ouch! Let me go!" piglas niya pero hindi ko pa rin siya binitiwan.

"Huwag na huwag mong idadamay ang magulang ko sa dumi ng bibig mo," I growled while glaring at her.

"Bakit? Dahil totoo?! Like mother, like daughter! Malandi!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Imbes na sampalin ko siya ay sinuntok ko ang mukha niya. Wala na akong pakialam sa mga nanonood sa amin. She cried in pain but I can't see anything anymore besides her face. I punched her again and her knees collapsed.

"Lyka, that's enough!"

Ni hindi ko napansin na nakayakap na sa akin si Dylan para pigilan ako sa paglapit ko sa babaeng 'yon. 'Yong dalawa pang babae ay tinulungan siyang makatayo pero nanginginig siya habang nakatingin sa akin.

"Bitiwan mo ako!" sigaw ko pero lalo niya lang hinigpitan ang yakap niya sa akin.

"Lyka, calm down," bulong niya sa tenga ko. "Marami nang nakatingin sa atin. Please, calm down first."

Pagkarinig ko no'n ay napatingin ako sa paligid at halos nakatingin na nga sa amin lahat ng nasa canteen at mukhang tinawag na ng ilang estudyante ang guard. Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili ko. Tumingin naman si Dylan sa babaeng 'yon.

"Bea, are you alright?" he asked. So Bea pala ang pangalan niya? Hindi bagay.

"M-mukha ba akong okay? Pagsabihan mo 'yang malanding 'yan—!"

"Isa pang tawag mo sa kanya n'yan at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," he said with a serious expression and that made me, as well as those three, go rigid.

"B-bakit mo ba siya pinagtatanggol?!" sigaw ni Bea. "Ano mo ba 'yang babaeng 'yan?!"

Gusto ko ulit suntukin ang mukha niya dahil sa mga pinagsasabi niya pero nang sinubukan kong pumiglas ay mas lalong humigpit ang hawak sa akin ni Dylan.

"Bitiwan mo nga ako para maturuan ko ng leksyon 'yang babae—"

"Stop it, Lyka," sabi naman niya habang nakatingin sa akin. Napatigil agad ako dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa pero tumingin ulit siya kay Bea. "She's my girlfriend," bigla niyang sabi at hindi ko alam kung sino ang mas nagulat—si Bea o ako.

"G-girlfriend?"

"Yes. Kaya huwag na huwag mo siyang sisiraan sa akin dahil mas kilala ko siya kaysa sa'yo."

Pagkasabi niya no'n ay parang ako naman ang sinuntok sa mukha dahil hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Hinatak niya rin ako palabas sa canteen at hindi na ako nagpumilit na pumiglas dahil parang nakalutang na ang isip ko sa kawalan.

Anong sinabi niya?

Patuloy lang siyang naglakad habang hinahatak ako. Maya-maya lang ay nasa harap na kami ng unit at hindi ko man lang namalayan na nakauwi na pala kami.

Ano nga ulit ang sinabi niya?

Pagpasok namin sa loob ay agad niyang binitiwan ang kamay ko. Nakatulala lang ako at parang hindi pa rin gumagana ang utak ko dahil sa mga nangyari.

"Ano bang pinaggagawa mo, Lyka?" he yelled and I flinched.

Nagulat ako sa pagsigaw niya at ngayon ko lang siya nakitang galit na galit. Hindi ako nakaimik dahil nakakatakot siya. Ibang-iba sa kilala kong Dylan.

"Alam mo bang dahil sa ginawa mo ay lalo ka lang magkakaproblema dahil pag-uusapan ka na naman?"

"S-siya naman ang nauna!" sagot ko kahit natatakot ako sa kanya ngayon. "Ginantihan ko lang siya."

"Yes, I understand that, but why do you have to punch her?!"

Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. I tried hard to hold back my tears and I don't want to cry in front of him.

"She started it! Dinamay niya pa ang magulang ko!"

"Lyka naman. Kung hindi 'yon totoo, dapat hindi mo na pinatulan!"

"Pero anong gagawin ko?! Tutunganga lang? Tatanggapin lahat ng sinasabi niya?"

"Dapat nga hindi mo na lang pinatulan!"

Hindi ko na kinaya at sumabog na ang sama ng loob ko, kasabay ng luhang pinipigilan ko kanina pa.

"She's already dead, Dylan! My parents died four years ago! At alam mo kung bakit gano'n ako kasensitive? Kasi death anniversary nila bukas. Anong gusto mong gawin ko? Manahimik lang habang iniinsulto niya ang nanay ko? Wala siyang karapatan para sabihin 'yon sa harap ko. At ikaw, wala ka ring karapatang sabihan ako ng dapat kong gawin kapag tungkol na sa pamilya ko ang usapan. Hindi mo naman kasi naiintindihan. Ikaw, may pamilya ka pa. Ako, sabay na nawala ang magulang ko at si Kuya na lang ang pamilya ko. Kaya wala kayong karapatang lahat na magsalita tungkol sa kanila! Wala!"

Napaupo ako sa sahig habang humihikbi dahil naalala ko na naman ang nangyari sa kanila. Ang hirap nang bigla na lang mawawala sa isang iglap ang mahal mo sa buhay. It was painful and horrifying. I miss them so much. Kung nandito lang sana sila ngayon, hindi nila hahayaang umiyak ako nang ganito.

"Sorry," he whispered as he hugged me. Lalo lang akong naiyak sa ginawa niya. "I'm really sorry."

"W-wala na sila," sabi ko habang humihikbi. "A-akala ko tanggap ko na, pero hindi pa rin pala."

"Lyka . . ." He caressed my hair and pulled me closer. Napayakap na rin ako sa kanya at nabasa ko na ang damit niya.

"N-ni hindi ko man lang sila nayakap noong araw na 'yon. S-sana . . . sana ako na lang ang naaksidente. Sana buhay pa sila ngayon. Sana . . ."

"Don't say that. Tingin mo ba matutuwa sila sa sinasabi mo? Sa ginagawa mo sa sarili mo? I know it's hard but you need to be strong for them . . . for your brother. So please . . ." Humiwalay naman siya at hinarap niya ako sa kanya. He wiped my tears off my face. "Stop crying," he pleaded while cupping my face.

I did the opposite. I hugged him and cried on his shoulders until I got exhausted. Buti na lang nandito siya. Siguro, mababaliw ako kung mag-isa lang ako at walang nagcocomfort sa akin ngayon. Ilang minuto rin ang lumipas bago ako tuluyang kumalma. Sobrang sakit ng mga mata ko at pagod na rin ang utak ko.

"Pagod na ako," bulong ko at naramdaman ko ang paglingon niya dahil nagtama ang pisngi namin. I felt his hands on my hair and back.

"You should rest," sabi naman niya at bigla akong napahawak sa damit niya. Natatakot akong humiwalay sa kanya. Ayokong mag-isa ngayon.

"Ayoko . . ."

"Don't worry, I'm just here. Close your eyes and sleep. I won't leave you alone."

Pagkasabi niya no'n ay pinikit ko ang mga mata ko at agad din akong nakatulog habang nakayakap pa rin sa kanya.

Thank you, Dylan.


***

Continue Reading

You'll Also Like

25.7K 1.5K 8
Breakfree: Igniting passion, Chasing freedom Simply, one writes to be heard. Whether it be by a person you most dear, people you bear grudge agains...
20.1M 838K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
436K 21.8K 22
Get to know Orion aka Lucifer who got bored on hell so he decided to take a vacation in the human realm. (Image used for the cover is not mine. Credi...
1.1M 20.9K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...