A True Love

By AngAlamat

1.9K 46 5

More

Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
. Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16:
Last Chapter:

A True Love

488 2 0
By AngAlamat

Isang babaeng nakaitim ang naglalakad sa kahabaan ng Pasig Cemetery. Tila ba siya ay may kung anong hinahanap ditong puntod. Isang puntod na tila ba sa kanya ay napakahalaga. Habang naglalakad sa naturang sementeryo ay napapatingin pa siya sa ibang mga nitso't puntod. Nabatid niyang ang karamihan sa mga puntod na ito ay nasa naturang sementeryo na n

oon pa mang panahon ng mga Kastila at Hapon. Sa pakiwari niya ay tila ba ang mga nakahimlay sa mga puntod na ito ay ang mga unang mamamayan ng Pasig. Napatingin din siya sa ilang mga mausoleum sa naturang sementeryo at labis siyang naaliw sa disenyo ng mga ito. Tila ba maihahalintulad ang mga mausoleum na ito sa mga gusali sa Ancient Rome o di kaya ay sa pamosong Taj Mahal na maituturing na pinakamagandang mausoleum sa buong mundo. Sa isip niya ay kay sarap pagmasdan ng mga mausoleum na ito na para bang isang architectural wonder, pero para sa mga kamag-anak ng mga nakahimlay sa mausoleum na ito ay tila isang masakit na alaala ang hatid sa kanila ng gusaling ito na tila sumisimbolo sa kinahahantungan ng mga natatapos ng buhay sa mundong ibabaw.

Sandaling natigilan sa paglalakad ang babae at tila ba naguguluhang napalinga-linga sa paligid.

"Saan dito? Naliligaw na yata ako ha!", ang tila natatarantang nasabi ng babae.

Sa gitna ng tila kalituhang ito ng babae ay labis siyang nagulat nang may bigla na lamang dumapong paru-paro sa kanyang balikat. Mula sa pagdapo ng paru-paro sa balikat ng babae ay bigla itong lumipad sa pakaliwang direksiyon. Hindi man maintindihan ng babae, pero sinundan niya ang direksiyong tinatahak ng lumilipad-lipad na paru-paro. Tila ba may kung anong kaliwanagan siyang matatagpuan sa direksiyong tinatahak ng lumilipad-lipad na paru-paro. Ilang sandali pa ng pagsunod ng babae sa lumilipad na paru-paro ay nakarating siya sa isang magarang puntod na nasa lugar sa sementeryo kung saan ay puro mga de-kenedi ang mga nitsong naririto. Sa pagdating ng babae sa puntod na ito ay natigilan siya at bigla ay tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. At bigla ay may kung ano siyang nagunita. Isang tila kahapong may kakaibang lungkot at pighating dala sa kanyang damdamin...

Continue Reading

You'll Also Like

290K 17.4K 43
π’πœπžπ§π­ 𝐎𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 β˜†|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
469K 39.4K 48
For as long as Niharika could remember, she led a simple life overshadowed by her own misery. Despite belonging to a well-established family and bein...
1.4M 77.2K 80
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
155K 3K 30
I took a shaky breath to prepare myself to beg my wife to fuck me. "P-please... please Mommy....." Ashley lifted my head with her finger under my ch...