Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

II : Weakling

111K 4.3K 1.3K
By Serialsleeper


CHAPTER II:

WEAKLING

DANA'S POV


Huminga ako ng malalim at unti-unting idinilat ang mga mata ko. Habang nakalebel ang dalawa kong nakakuyom na kamao sa mukha ay hindi na ako nagpaligoy-ligo'y pa't sinipa si Sonya. Gusto kong tamaan ang tagiliran niya ngunit laking gulat ko nang bigla niyang mahawakan ang paa ko't mahila ito dahilan para bumagsak ako sa malambot na sahig.


"Bwisit!" Idinaan ko sa napakalakas na sigaw ang labis na inis at sakit.


"What a cheap move little girl. Is that what I taught you?" Sambit ni Sonya na may ngisi sa kanyang labi na mas lalo ko pang ikinainis. I don't hate Sonya, I actually admire her. She's almost in her thirties, tough, pretty and not a woman to be messed with.


Natanggal ang tali sa mahaba kong buhok kaya naman gulong-gulo ito nang tumakip sa mukha ko. Isinandal ko ang palad sa sahig at sinubukang tumayo ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang niyang inapakan ang kaliwang kamay ko.... and the worst part, sobrang kapal at bigat ng suot niyang sapatos.


"Ouch! Get-off me! Get-off me! Time-out!" Sumigaw ako ng sumigaw dahil sa labis na sakit pero imbes na pakawalan ito ay lalo lamang niya itong inapakan na para bang handa siyang durugin ang bawat buto ng daliri ko.


"Ang hina mo talaga Dana! Ang hina-hina mo!" Sigaw niya habang pinagtatawanan ako. Dali-dali akong umiling, gustuhin ko mang mag-protesta, gustuhin ko mang mangatwirang malakas ako ay hindi ko na magawa lalo na't muling bumalik sa isipan ko ang mga nangyari noon—Ang pagtakbo namin ni Harper palayo habang binalikan nina Raze si Shem na naiwan kasama si Boris sa imburnal, ang pagtatanggol sa amin ni Axel, ang walang tigil kong pagtakbo, ang pagtatago ko sa ilalim ng puno, ang pagpapaiwan ni Shem kasama si Boris para lang mailigtas ako at higit sa lahat, ang pagbitaw ko sa kamay ni Cielo—Who am I kidding? All I did was cry, run, hide and bitch around... I'm weak and that's the truth.


"I'm weak..." Bigla ko itong naibulalas kasabay ng pagpatak ng luha mula sa mga mata ko.


"You're weak and proud?" Panunuya pa ni Sonya at lalo pang inapakan ang paa ko.


"But not anymore!" Para bang nagsiklab ang galit na matagal ko nang kinikimkim sa kalooban ko. Hindi ko inakalang makakaya ko 'yon, pero gamit ang malaya kong kanang kamay ay nahawakan ko ang paa niya ng napakahigpit sabay hugot ng kaliwang kamay kong kasalukuyan niyang inaapakan.


Next thing I know, nakadapa na sa sahig si Sonya, nakadagan ako sa likod niya habang sinasakal siya sa pamamagitan ng pagpulupot braso ko sa leeg niya. Naririnig ko siyang umuungol sa labis na sakit at sumisinghap dahil sa hirap sa paghinga. Dumudugo ang kamay ko dahil sa pang-aapak ni Sonya at paghigit ko rito pero hindi ko ito iniinda, para ngang hindi ko nararamdaman ang sakit dahil sa sobrang panggigigil.


"Say it bitch! Say it! Say that I'm not weak!" Paulit-ulit akong sumisigaw habang mas hinihigpitan pa ang pananakal sa kanya. Nakikita kong hirap na hirap na siya at pulang-pula ang mukha ngunit sa kabila nito ay may ngisi parin siya sa kanyang mukha.


Sa isang iglap ay bigla na lamang tumama ang isang matigas na bagay sa ilong at pagmumukha ko, paulit-ulit. Para akong nabingi, namilipit ako sa labis na sakit at nahilo dahilan para mapabitaw ako sa kanya.


"Dana do not forget the blind spots! Don't forget how adrenaline rush improves a person's strength and flexibility!" Panay man ang pag-ubo at paghangos, may ngisi parin siya habang tinuturo ang siko niyang pulang-pula narin. Nakalimutan ko pala ang parteng ito kaya nagawa niya akong masiko ng paulit-ulit sa mukha.


Naramdaman kong may tumutulo na pababa ng ilong ko at nang mapahawak ako rito'y napagtanto kong dumudugo na pala ang ilong ko. Gusto kong huminga ngunit nahihirapan na ako, parang sasabog na ang puso ko sa pagod at bibigay na ang baga ko. Nasusuka ako na ewan.


"Do you want me to stop little girl?" Aniya kaya dali-dali akong umiling.


"I don't want to be weak anymore..." Mahina kong sambit.


When we were being chased by skunks, there was no time out, we couldn't tap out. All we did was run, hide and protect each other. We tried to fight but we lost someone along the way. Sacrifices were made, we lost so much and it seemed like the end. If I stop now, para narin akong nagpahuli sa mga skunks na 'yon.


"Bring it on bitch." Ngumisi ako pinilit ang sarili kong tumayo. Ikinuyom ko ang kamao ko at unti-unti itong itinaas upang mailebel sa mukha ko.


****


"Bakit hanggang ngayon buhay ka pa?!" Napakahapdi na ng lalamunan ko pero pinilit kong sumigaw sa abot ng makakaya kasabay ng paulit-ulit na paghagis ng mga punyal patungo sa direksyon ng dummy na inilagay malayo mula sa kinatatayuan ko.


Tagaktak ang pawis at hingal na hingal na ako kaya naman nang maubos ko ang hawak na punyal ay napaupo na lamang ako sa sahig.


"Kung nakamamatay lang ang salita, for sure matagal nang pinaglalamayan ang kaaaway mo. Go home Dana, magsasara na ako." Narinig kong sambit ni Sonya na kasalukuyang abala sa pamumulot ng mga kalat na naiwan ng iba pang mga gaya ko ay sumasailalim sa classes niya—Self-defense, target, sharp-shooting at modern martial arts to be exact.


"Do you really think I'm weak?" Hindi ko mapigilang mapatanong.


"You're weak because you think what I say matters." Aniya at lumapit sa akin dala ang isang first aid kit.

"Everyone has their own weakness. We're mortals, we die in the end, we are all weak." Dagdag pa niya at hinagis sa akin ang isang benda para sa kamay kong hindi pa pala nagagamot.


"You really don't know how to give compliments do you?" Biro ko na lamang. Sonya is a tough woman, others would even call her cold-hearted but she's definitely not. I've been attending her classes for weeks. After school, dito agad ako sa gym niya dumidiretso. She's a role model, she may not be a sisterly or motherly loving type, marami naman akong natutunan sa kanya.


"Why do you attend my classes Dana? Balita ko girl-next-door ang reputasyon mo sa campus. Smart, popular, sassy at parang galing sa isang fashion magazine kung manamit. What happened to you?" Aniya kaya ako naman ang bahagyang natawa.


"They say that about me? I'm aware that I'm smart and popular though." Biro ko na lamang, "I just don't want to be weak anymore." Sabi ko na lamang at nagsimula nang tumayo.


*****


Sa pag-apak ko sa loob ng elevator ay napatingin agad ako sa relo ko. It's almost 9pm at pauwi pa lang ako, for sure pag-aawayan na naman namin 'to nina Mommy at Daddy. Hay, sana sa umaga nalang nila ako pagalitan kasi pagod na pagod pa ako.


Napasandal na lamang ako sa at dahan-dahang napapikit. Sobrang sakit ng buong katawan ko lalo na ng mukha ko. Sa lakas ng paniniko sakin ni Sonya kanina, for sure mamamaga tong mukha ko at another problem na naman, sana kasi nagsuot nalang ako ng head gear.


Biglang tumunog ang elevator hudyat na nasa ground floor na ako. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko pero laking gulat ko nang mapagtantong nasa floor na ulit ako ng gym ni Sonya.


"What the hell?" Muli ko na lamang pinindot ang elevator button.


Nang muling sumara ang pinto ay muli rin akong napasandal sa gilid pero laking gulat ko nang bigla akong may makitang isang guhit sa dingding—guhit na napakapamilyar sa akin.


Para itong isang apoy at sa loob nito ay nakasulat naman ang "R38"


Bigla akong kinilabutan ng makita ito. Hindi ko na maalala kung ano ang ibig sabihin nito pero alam kong mahalaga ito para sa akin—napakahalaga nito.


Lumabas ako ng elevator na naguguluhan. Pilit kong inaalala kung saan ko ito nakita noon pero hindi ko magawang mapirmi ang pag-iisip ko.


"Dana..."


Sa paglabas ko ng mismong building ay nagulat ako nang makita ko si Raze na nakatayo sa labas ng sasakyan niya at para bang hinihintay ako. Wala na, hindi na ako makakaiwas pa.


*****


"Anong nangyari sa mukha mo?" Bigla niyang tanong sakin habang hinihintay namin ang mga inorder naming kape at kakanin.


"I should ask you that too. Anong klaseng bag yan? Jansport?" Sarkastiko ko na lamang na ganti sabay turo sa eyebags ng mukha niya. Para siyang stressed na stress, malalim ang mata at para bang ilang araw nang hindi nakakapagpahinga. Yung totoo? Pareho ba sila ng pinagkakaabalahan ni Wacky? Iba lang ng konti ang mukha ni Wacky kasi kahit stressed, mukha naman siyang malakas at myembro ng isang rock metal band.


"Tumawag ang mama mo, nag-aalala na siya sayo." Aniya kaya bahagya akong natawa.


"Well pinuntahan ako ng dad mo sa school kahapon. Mas nag-aalala siya sa'yo." Ganti ko naman sabay ganti ng pilit na ngiti, "Looks like all of us aren't okay, guess that's fair." Biro ko na lamang.


Biglang dumating ang waitress dala ang mga inorder namin. Nang makaalis siya ay biglang namayani sa pagitan namin ni Raze ang nakakailang na katahimikan. Add the fact na kaming dalawa lang ang customer dito sa coffee shop lalo pa't gabing-gabi na, wow na wow sa awkward levels.


Napabuntong hininga ako't napaekis na lamang ng braso ko, "If may sasabihin ka—"


"Sinisisi mo ba ako sa pagkawala ni Cielo?" Biglang tanong ni Raze at nang mapatingin ako sa kanya ay kitang-kita ko ang labis na lungkot at panlulumo sa mukha niya. Gusto kong magtaray gaya ng dati para maitago ang pagiging mahina ng emosyon ko kaso nagbago na kasi ang sitwasyon.


"You want the truth?" Bahagya akong ngumiti at napabuntong-hininga, "you remind me so much of Cielo everytime I see you. I love Cielo but remembering her hurts like hell."


"Hindi ko na dapat siya kinumbinsi...." Aniya habang nakatingin sa kawalan at nakita ko ang unti-unting pagpatak ng luha niya.


Nasapo ko ang ulo ko sa inis at hindi ko narin napigilan pa ang sarili kong maluha. Para kaming mga tanga ni Raze, tahimik na lumuluha.


"Cielo's gone... Raze tanggapin nalang natin..." Pakiusap ko kasabay ng lalo pang pagbuhos ng luha ko. Masakit itong tanggapin pero ito kasi ang totoo, wala na si Cielo.


"P-paano mo nasasabi yan?" Gulat na sambit ni Raze.


"This all happened because Harper tried to bring back her parents... Raze alam kong naghahanap ka ng paraan para maibalik si Cielo pero baka may mapahamak na naman, baka may skunks na naman na makabalik. Raze tama na... Raze siguradong ito rin ang gusto ni Cielo." Hindi madaling sabihin ang lahat ng 'to pero at some point, kailangan rin naming harapin at tanggapin ang mga nangyari.


I love Cielo but I have to accept the truth even if it breaks my heart.


"Pero hindi mo alam kung nasaan si Cielo!" Bigla niyang giit kaya bahagya akong napakagat sa labi ko.


"You're right," ngumiti ako ng tipid, "I don't know where she is but for sure she's at peace now, wherever she may be. It hurts but this is real, death is real, we have to cope even if it breaks our hearts. We have to accept the fact that we'll never see her again." And with that kinuha ko na agad ang bag ko, umalis at iniwan si Raze mag-isa.


****


Mag-isa akong naglakad sa gilid ng daan. Hindi naman ako natatakot kasi nasa main highway ako, marami ang mga dumaraang sasakyan, lightpost at shop na nakabukas pa.


Nakakarelax sa pakiramdam ang ganito, naglalakad lang habang dinadama ang malamig na hanging dala ng gabi. I zipped up the green coat that I'm wearing and slipped my hands on both of its pockets.


Bigla kong nadaanan ang isang nakabukas pang convenience store kaya pumasok ako rito para bumili ng malamig na inumin. Hindi ako nauuhaw, sadyang naghahanap lang ako ng mailalapat sa kamay at mukha kong napakasakit parin.


Habang kumukuha ako ng malamig na softdrink ay bigla kong naalala si Wacky at ang unang pagkakakilala namin. It was embarrassing but technically, hindi na nangyari 'yon kasi binago na namin ang nakaraan. When we woke up, Churchill's party never happened so technically we haven't even met Wacky or Axel yet.


"Andun na naman yung singkit! Nakita ko siyang lumabas mula sa imburnal!"

"Baliw siguro 'yon no?"

"Diba siya yung nagde-deliver lagi ng tubig dito? Anyare sa kanya?"


Parang napatnig ang tenga ko dahil sa pag-uusap nila. Alam ko kung sino ang ibig nilang sabihin kaya agad kong ibinalik ang softdrink na hawak ko at dali-daling lumabas ng convenience store.


Hindi ko alam kung saang direksyon nila nakita si Shem kaya nilibot ko ang paningin ko hanggang sa may mamataan akong isang pamilyar na mukha.


Nakita ko siya. Malayo man siya mula sa akin, iisang sidewalk lang ang inaapakan namin. Nakatayo siya tapat ng isang poste ng ilaw, nakatutok sa kanya ang mala kulay dilaw nitong liwanag kaya kitang-kita ko ang mukha niya... kitang-kita ko ang ngiti sa mukha niya kasabay ng pagtaas ng kanyang kamay na para bang kinakawayan ako.


"Cielo!" Kasabay ng pagsigaw ko ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.


Biglang nanginig ang mga kamay at paa ko. Hindi ako makagalaw at bumilis lalo ang tibok ng puso ko dahil sa labis na pananabik. Umiiyak man ako ngayon, alam ko sa sarili ko kung ano 'tong nararamdaman ko—labis na saya.


Nakita ko ang paggalaw ng labi niya, may sinabi siya ngunit hindi ko man lang nabasa ang galaw ng labi niya. Nagulat na lamang ako dahil sa isang iglap ay bigla na lamang siyang tumakbo na para bang pinagt-tripan ako.


"Cielo!" Hindi ko na napigilan pa ang pagkurba ng ngiti ko. Para akong timang dahil nang muli akong makagalaw, tumakbo ako, hinabol ko si Cielo habang patuloy parin ang pagragasa ng luha ko.


"Cielo hayop ka! Sandali!" Tawang-tawa ako sa sarili ko habang hinahabol si Cielo. Siguro mukha akong isang tanga ngayon kasi umiiyak at tumatawa habang tumatakbo.


Tuluyan akong napagod sa pagtakbo kaya naman saglit akong huminto. Isinandal ko ang magkabila kong palad sa tuhod ko at paulit-ulit na huminga ng malalim. Napapaubo pa ako habang nakatingin sa sahig.


"Ano ba 'yan Dana! Pagod ka na nun?! Payakap nga!" Narinig ko ang sigaw ni Cielo kasabay ng nakakainis niyang pagtawa. Napatingin ako sa direksyon niya at nakita kong tumigil narin pala siya sa pagtakbo at malapit na ako sa kanya.


"Snowy why you so bitchy?!" Ganti ko na lamang saka nagsimulang humakbang patungo sa direksyon niya pero laking gulat ko nang bigla ko na lamang maramdamang may humila sa akin ng napakalakas. Sa sobrang lakas ay nawalan ako ng balanse sa sarili ko't bumagsak sa sahig.


Sa sobrang lakas ng pagbagsak ko ay agad akong nahilo at napapikit na lamang. Parang na-blanko ang isipan ko't nabingi ako sa paligid.


Sa isang iglap ay bigla kong naramdaman ang isang palad na tumatapik sa pisngi ko kaya naman unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Labis akong nagulat at naguluhan nang makita ko ang mukha ni Shem sa harapan ko, hindi ko maintindihan pero para siyang inis na inis. May sinisigaw siya pero hindi ko pa ito lubos na marinig.


Makaraan ang ilang sandali ay dahan-dahan akong naupo sa alalay narin ni Shem.


"Nababaliw ka ba?! Magpapakamatay ka ba?!" Nagulat ako sa narinig mula kay Shem.


"Ha? Anong? Nasaan si Cielo?" Naguguluhan man, dali-dali akong napalingon sa direksyon kung nasaan ko siya nakatayo pero wala na akong ibang nakita kundi naglalakihang mga truck at sasakyan na dumadaan.


"Cielo!" Napatili ako at sinubukang gumapang pero muli akong hinigit ni Shem.


"Anong Cielo?! Dana walang Cielo?! Dana nakita kitang lumabas ng convenience store! Walang Cielo! Narinig kitang sumisisigaw at may hinahabol pero Dana wala akong nakitang Cielo! Dana hindi mo ba nakita ang mga sasakyang dumadaan?!"


Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig mula kay Shem. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nasa tabi pala kami ng isang traffic light na ngayo'y kulay berde na. Kung hindi ako hinila ni Shem, siguro nasagasaan na ako.


"S-si Cielo... Shem nakita ko si Cielo..." Halos wala nang lumabas na boses na lumabas mula sa bibig ko dahil sa labis kong pag-iyak.


"Dana walang Cielo... Hindi ko nakita si Cielo." Giit ni Shem kaya lalo pa akong naiyak.


"Hindi! Nakita ko siya! Shem nakita ko si Cielo!" Napatingin ako sa kabilang dulo ng daan ngunit dahil sa dami ng mga sasakyan ay hirap akong hanapin si Cielo. Siguro hindi pa siya nakakalayo, siguro nandoon parin siya kaya kailangan ko nang tumawid.


"Dana tama na! Dana namamalikmata ka lang!" Muling sigaw ni Shem at pinigilan ako nang sinubukan kong tumayo.


"Nakita ko siya..." Napahagulgol ako lalo.


"Dana nami-miss mo lang siya..." Nanlulumo niyang sambit kaya muli akong napaupo sa sahig at umiyak na lamang ng umiyak. 


END OF CHAPTER 2!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

874K 69.5K 76
An Epistolary Thriller ✉ | Steven is ecstatic when Celestine Elora, the dreamy new girl in town, agrees to go out with him. He thinks he's finally li...
32.2K 1.9K 43
"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong...
9M 155K 62
"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa an...
Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...