Living With my Ex-boyfriend [...

By minswaega

396K 19.4K 12K

"PAGKATAPOS MO AKO IWAN MAKIKITIRA KA SA AKIN?! ABA, GANUN NA BA KAHIRAP IWANAN ANG ABS KO?!" -Jimin --- Bang... More

p r o l o g u e
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
e p i l o g u e
Author's Note
10 Facts about LWMEBF
Alternative Ending

Chapter 23

9.7K 506 278
By minswaega

Dedic sayo! Thank you talaga sa bagong cover! Ang ganda, parang ikaw ahha. Labyu hihi.

***

Beg

"WAAA! ANONG GINAWA KONG MALI?!" sigaw ni Rona sabay bato ng unan sa akin. "BINIGAY KO NAMAN ANG LAHAT! ANO PA BA ANG KULANG?!"

"Rona, kalma."

"HINDDDIII! HUHUHU!" sigaw niya ulit. Hala, na-ulol na yata ito.

"Rona. Tumigil ka o hahalikan kita." bigla naman siyang tumigil. Hala. Ang daya. Paiyakin niyo ulit.

"Pakyu Park Jimin." sabi niya habang pinupunasan ang mata niya. Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya.

"Rona, makinig ka sa akin. Gagawa ako ng paraan. Makakagawa tayo ng paraan. Intindihan mo?" tumango siya at niyakap ko siya. Akala ko tutulakin niya ako palayo dahil naiilang siya pero niyakap lang niya ako pabalik.

Namiss ko to. Sana palagi nalang kaming ganito.

"Matulog ka na. Kakausapin pa natin yung dean bukas." sinunod naman niya ako at bago pumasok sa kwarto ko, tumingin muna siya sa akin sabay ngiti.

"Thank you, Chimchim." sabi niya at tuluyan ng pumasok. Tangina, kinikilig nanaman abs ko dito.

Bago ako tuluyang mawala sa sarili, naalala ko bigla yung dapat kong gawin. Kinuha ko ang cellphone ko tinawagan yung di tumutupad sa usapan.

["Uy, Minnie, napatawag ka."]

"Putangina mo Hani. Wag mo akong tawaging ganyan."

["Ano nanaman ba? Namiss mo ako kaya tumawag ka? Enebe Jemen, hihi."] landi neto tangina.

"Pakyu ka. Ba't mo tinanggal scholarship ni Rona ah?!"

["Ha? Hinde ah! Hehe."]

"Umayos ka Hani! Tumutupad naman ako sa usapan natin ah!"

["Oo nga. Pero di ko gusto ang pinaggagawa mo sa akin para lumayo ako sayo."]

"Edi sana ako ang pinaalis mo sa school hindi siya!"

["Siya naman yung dahilan kung bakit ginagawa mo yun eh. Wrong move, Jimin."]

"Ibalik mo yun, pakyu!"

["Depende."] binabaan naman niya ako ng telepono.

Tangina. Nasasaktan nanaman si Rona dahil sa akin. Babawi talaga ako sa kanya.

[Rona's POV]

"UY SIR CHOI NAMAN! ANO ANG GINAWA KONG MALI?" sigaw ko sa dean.

"Ms. Lee, maupo muna kayo at kumalma."

"SIR NAMAN EH! PAANO AKO KAKALMA KUNG MAGTETEXT NALANG BIGLA KAYO SA AKIN NA WALA NA AKONG SCHOLARSHIP?!"

"Ms. Lee Rona kuma--"

"Kuma? Kumamon?" sabi bigla ng isang lalaki. Paglingon ko, muntikan na ako masilaw dahil sa liwanag ng gilagid ni Yoongi.

"Yoongi?"

"Sweg."

"Mr. Min, bakit ka nanaman nasa office ko?" tanong ni Sir Choi sa kanya.

"Nakatulog kasi ako sa klase tapos nahuli ako ni ma'am. Sabi niya, 'MIN YOONGI! ANG GWAPO MO KYAAH!'" sagot ni Yoongi sabay ngiti.

"Wag mo akong pinagloloko Mr. Min."

"Tss. Sabi ni ma'am, 'MIN YOONGI, NATUTULOG KA NANAMAN SA LASE KO! PUMUNTA KA SA OFFICE NG DEAN, NOW!' Kaya ngayon Sir Choi, may kama ba kayo dito? Baka pinapapunta ako ni ma'am dito para dito nalang ako matulog."

Ay shet. Ang cool ni Yoongi. Sweg. Idol ko to puta.

"Mr. Min, may pinag-uusapan pa kami ni Ms. Lee di--"

"Oh talaga? I don't give a shit. I don't give a fuck."

"MIN YOONGI! MAUPO KA NGA MUNA SA SOFA NA YUN!" galit na sigaw ng dean namin.

"Doon ako matutulog? Sige sir, salamat. Sweg out." sabi ni Yoongi at natulog na sa sofa ng dean.

"Aish Min Yoongi. Okay. Where are we again?" tanong ni sir.

"Nasa school pa rin." sagot ko. Teka, asan na si Jimin? Akala ko ba sasamahan niya ako? Tangina, baka pinaasa nanaman ako nun.

"Ah okay, about your scho--"

"SIR IBALIK NIYO PLEASE! MATATAAS NAMAN ANG MGA GRADES KO AH! MAY BUMABABA BA?! SIR CHOI!"

"Ms. Lee, wala na tayong magagawa tungkol doon. Kahit anong pagmamakaawa at pagpilit ang gawin niyo, hindi na babalik ang scholarship niyo."

"Pero sir..." naiiyak kong sabi.

"May mga bagay talaga na kahit anong pilit mo, hinding-hindi na babalik lalo na't hindi ito para sayo. Pag pinagpatuloy mo pa yang ginagawa mo, mas masasaktan ka lang sa huli."

"Sir bakit kayo biglang humugot? Pakyu." sabi ko. Tumayo na ako at lumabas na ng room. Walang kwenta ang ginawa kong effort. At si Jimin, tangina niya. Paasa. Sasamahan daw ako pero ako mag-isa akong pumunta.

Aalis na sana ako ng school dahil hindi na rin yata ako kasama dito nang nakita ko si Jimin na parang may inaabang. Lalapit na sana ako sa kanya nang biglang dumating si Hani at nagyakapan sila.

Wow. PDA, as in Putangina ang Drama Amputa.

"Jimin." tawag ko kaya napalingon siya sa akin. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Wow.

"Ano?" iritado niyang sabi.

"Langhiya ka, akala ko ba sasamahan mo ako? Mag-isa lang akong pumunta doon! Paasa ka!"

"Tapos ka na? Pwede ka na bang umalis?" sabi niya na ikinagulat ko naman.

"Jimin anong problema mo? Akala ko ba okay na tayo?" naguguluhan kong tanong. Kinakabahan ako, di ko alam bakit. Alam kong may mali. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Tinitigan lang niya ako. Blanko ang mukha niya pero yung mata niya, parang may sinasabi.

"Umalis ka na." sabi niya. Bumalik nanaman siya sa dati. I hate him.

"Fine! Aalis na ako!" sabi ko sa kanya sabay sampal. Umalis na rin ako pagkatapos.

Dumiretso kaagad ako sa bahay niya at inayos na mga gamit ko. Aalis na talaga ako pakyu.

Saan ako didiretso? Nakahanap na ako ng apartment kung saan kakasya lahat ng ipon ko. Maayos naman yung lugar kaya pwede na yun. Basta gusto ko lang pumunta sa lugar kung saan hindi ako makikita at mahahanap nung pandak.

Saka pinareserve ko na rin yun para sa akin kaya pwede na akong dumiretso doon. Pagkadating ko, inayos ko ang gamit ko at natulog.

Wala na yung scholarship ko kaya paano na ako makakapag-aral niyan? Bahala na. Hihinto nalang siguro ako. Magleleave na rin yata ako sa trabaho ko. Hahanap nalang ako ng bago, kahit mahirap.

[Jimin's POV]

"Uy Gela, alam mo kung asan si Rona?"

["Ha? Bakit? Diba dapat magkasama kayo? Malay ko doon. Baka may ginawa ka nanaman?"] sabi ni Angela.

"Ah sige, salamat nalang." sabi ko at binaba ang phone.

"Uy Hara, magkasama ba kayo ni Rona?" bungad ko sa kanya.

["Jimin. Hindi. Magkasama ba kayo ni Hoseok?"]

"Hindi rin. Salamat nalang din." sabi ko at binaba na ang tawag. Hindi rin kasama ng Bangungot si Rona, saan na kasi yun? Ilang beses ko na rin siyang tinawagan pero purong cannot be reach. Nag-aalala na ako sa kanya.

"TANGINA NAMAN EH! KASALANAN KO NANAMAN ITO!" sigaw ko sabay bato ng kung ano mang bagay mahawakan ko. "ANG TANGA MO PARK JIMIN!"

Ang gago ko. Nauto nanaman ako ni Hani. Sinabihan niya akong kung gusto kong mabalik ang scholarship niya, kailangan kong bumalik sa pagiging cold kay Rona at maging sweet sa kanya.

Inayos ko muna ang kalat na ginawa ko at pagkatapos ay humiga na ako sa kama sabay kuha ng isang picture sa pitaka ko. Yung picture namin ni Rona na paborito niya at naiwan dito dati.

Oo, nasa akin talaga yun. Tinago ko nang makita ko. Bakit? Kasi mahalaga yun sa akin at mahal ko pa rin siya.

"Rona. Sorry na. Oo, alam kong gago ko. Bumalik ka lang please. Hindi na talaga kita sasaktan ulit. Please. Nagmamaka-awa ko." sabi ko at sinubukang matulog pero di ko kaya.

Tangina, paano ba ito?



Continue Reading

You'll Also Like

35.6K 1.3K 64
A Tagalog-English JJK fanfic✔ Stared : April 14, 2020 Published : May 2, 2020 Ended : August 16, 2021
111K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
18.6K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
5.1M 58K 106
Kanina may nakita akong DYOSA~ Nung nilapitan ko Naumpog ako.... - Shuteng inerns SALAMIN LANG PALA! - #DyosaProblems #LoveProblems #InCrushProblems...