MILK / seventeen

By saltypastry

219K 9.7K 5.8K

In which Park Soonbyul applied as Seventeen's personal assistant to get closer to Vernon, only to find out th... More

000
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
Epilogue
Postscript
♥♥♥
♡♡♡

039

2.5K 133 66
By saltypastry

' Oo Vernon. Mahal din kita .. '

--

Milk's POV

Noona,

Si Seungmin po ito. Nakatulog na po kasi si Minhee kakaisip kung ano pong ibibigay namin sayo kaya ako nalang po ang nagsulat dito.

Happy birthday po Noona ! Salamat po kasi dumating ka sa buhay naming dalawa. Kahit na wala po kaming magulang, pinaramdam nyo po samin na may kasama kami. Palagi nyo po kaming napapasaya. Hindi na nga po namin naiisip na nasa ampunan kami. Pakiramdam po kasi namin, may pamilya na kami. Kayo po yun. Ngayon lang po may nagpahalaga samin ng ganyan.

Noona, hindi ko po alam kung hanggang kailan nyo pa po kami makakasama ni Minhee. May mga nagbabalak na po kasing umampon sa amin. Pero magkahiwalay. Alam ko naman pong wala akong magagawa at mas gaganda po yung buhay namin sa labas ng ampunan pero hindi ko padin maiwasang malungkot.

Pero kahit na po ganoon, salamat kasi nakasama ka po namin habang magkasama pa kaming dalawa ni Minhee. Sana po makagala pa po tayo ulit ng kumpleto.

Happy birthday ulit Noona ! Sana po magtagal kayo ni Joshua hyung.

Love, Seungmin

--

Nakahiga ako dito sa kama ko habang hawak-hawak yung sulat galing kina Seungmin.

Hindi ko maintinihan ..

Bakit kailangan pa silang paglayuin dalawa ? Hindi ba pwedeng magkasama nalang silang lumaki ?

Nakakapanghinayang isipin na magkakalayo silang dalawa.

Yung feeling na yung nakasanayan mo na, bigla nalang aalisin sayo.

Nagpagulong-gulong ako sa kama. Naiinis ako ! Akala ko pa naman forever na silang dalawa !

Hay. Pero nagbabalak palang naman yung mga aampon diba ? Sana magbago isip nila.

Parang ayokong bumangon sa pagkakahiga ko. May kung ano kasi na nagsasabi sakin na may mangyayaring hindi maganda ngayon.

Napatingin ako sa oras sa phone ko. Malapit nang mag-lunch. Malapit nang may kumatok na member sa pinto ko at sabihing kakain na.

Gamitin ko kaya ulit yung psychic powers ko ? Chos.

Kapag mula sa Hip Hop Team yung kumatok, may hindi magandang mangyayari.

Kapag naman sa Vocal Team galing, walang mangyayaring masama.

Kapag naman Performance Team, ibig sabihin paranoid lang talaga ako.

Okay. Settled na. Ang kailangan ko nalang gawin ay maghintay.

*knock knock*

Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.

' Noona, kakain na daw '

Napahawak ako ng mahigpit dun sa letter nila Seungmin.

Boses yun ni Wonwoo.

Hip Hop Team sya ..

So ibig sabihin ..

' Noona ! '

' Ah oo ! Sandali lang '- sabi ko tapos bumangon na ako.

Nag-ayos ako sandali ng sarili bago ako lumabas ng apartment at nakita ko doon si Wonwoo.

' Asan si Mingyu ? '- tanong ko sa kanya. Usually kasi magkasama sila na sumusundo sakin.

' Hanapan ba ako ng nawawalang negro ? '- sabi nya.

Ah okay. LQ pala sila kaya hindi sila magkasama.

' Sungit. Tara na nga '- sabi ko sa kanya.

Pagkadating namin sa dorm, naabutan namin silang kumakain na.

Tahimik lang kami habang kumakain. Parang may mali talaga. Alam kong may hindi magandang mangyayari ngayon.

Pagkatapos namin kumain, hinugasan ko na yung mga pinagkainan tapos nagkulong ako sa apartment ko.

Nasa kalagitnaan ako ng panghuhula ng password ng Wifi ng Seventeen nang biglang may kumatok sa pinto.

' Bukas yan '- sabi ko.

Bumukas yung pinto at pumasok si Vernon.

' Uy Vernon, bakit ka nandito ? '- tanong ko sa kanya.

' Uhm .. diba sabi ko sayo magco-confess ako ngayon kay Y ? '- sabi nya.

Oo nga pala.

' Bat nandito ka pa ? Magpapatulong ka sa pagko-confess ? '- tanong ko.

Umiling sya.

' Hindi ako magpapatulong sayo Noona. Nandito ako para mag-confess '- sabi nya.

Ha ?

Naupo sya sa tabi ko at inabot sakin yung phone nya. Kahit naguguluhan ako, kinuha ko padin yun at tiningnan yung screen.

Naka-bukas sya sa gallery.

T-Teka ..

P-Puro pictures ko to ah ?

Lahat stolen. Wala man lang akong picture na nakaharap sa camera.

Kinukuhanan nya ako ng litrato ng pasikreto ?

' H-Hansol, b-bakit .. '

' Hindi ko alam kong manhid ka o sadyang torpe lang ako. Matagal na kitang gusto Milk '- sabi nya.

Nagulat ako sa sinabi nya.

Ako ? Matagal na nyang gusto ?

' A-Akala ko .. s-si Y yung gusto mo ? '

' Oo nga. You. Ikaw si Y. Gusto kita Milk. Sobra '

Para akong binuhusan ng malaming na tubig nang sabihin nya yon. Ganun na ganun din ang sinabi sakin ni Joshua ..

Pero di nga ? Ako talaga si Y ? You din ang ibig sabihin nung Y ni Vernon ?

' P-Pero sabi mo .. mas matanda sayo si Y ? '- naguguluhang tanong ko.

' Mas matanda ka sakin ng isang araw. Kahapon ang birthday mo, ngayon naman ako '

Gusto kong batukan ang sarili ko. Bakit hindi ko naisip yun ?!

Siguro kasi busy ako sa pagpapaniwala sa sarili ko na hindi ako yung Y na yan. Masakit kasi umasa.

Pero all this time, hanap ako ng hanap kung sino yang Y na yan. Nadamay pa si Manager Yumi tapos ako lang pala ?

' Kahit na girlfriend ka ng hyung ko, ewan ko ba pero hindi ko magawang layuan ka. Ilang beses ko nang sinasabi sa sarili kong wala na akong magagawa kasi nagmamahalan kayo pero kasi .. mahal talaga kita '- sabi nya.

May kakaiba akong naramdaman.

Kasi yun naman talaga yung mission ko diba ? Si Vernon ang dahilan kung bakit ako namasukan bilang PA nila.

' Naalala mo ba dati noong hiniram ko yung laptop mo ? Akala mo nanonood lang ako ng mga videos namin pero hindi. May nakita ako doon na folder na walang pangalan. Na-curious ako kaya pinindot ko yun '

T-Teka .. wag mong sabihing yun y-yung ..

' Pagkabukas ko nung folder, may folder ulit sa loob. Tapos meron ulit folder dun. Basta mga nakasampung folder ata yun. Tapos sa pinakahuling folder, may note dun. Alam kong alam mo kung anong nakasulat doon sa note na yun Milk '

Napayuko ako. Oo, alam na alam ko. Malamang, ako ang gumawa eh.

Dear Vernon's future girlfriend,

Everytime you hold his hand, please handle it with care because by that time, you are holding my whole world.

Yan yung nakasulat dun sa note. Matagal nang nakalagay yun doon. Hindi pa ata ako nagiging PA nila, nandoon na yung note na yun.

' Milk deretsuhan na. Mahal mo din ba ako ? '- sabi nya.

Nag-dalawang isip pa ako kung aamin na ako sa kanya o hindi kaso naisip kong eto na siguro yung panahon para sabihin ko sa kanya.

Wala na ding magagawa kung itatago ko pa.

' Oo Vernon. Mahal din kita .. '

Nagulat sya. Yung kaninang kaba sa mga mata nya, napalitan ng saya.

Pero hindi pa ako tapos.

' Pero .. '

Natigilan sya.

' Dati yun .. '

I saw how his aura changed fast. Wala na. Nasaktan ko na sya.

' Ang totoo nga nyan, kaya ako namasukan sa trabahong to dahil gusto kong mapalapit sayo. But you never showed any interest in me. At alam ko na kung anong dahilan kung bakit di ka nagpapakita ng motibo. Dahil sa akala mong kami ni Joshua '

' Kasalanan ko din naman kasi. Akala ko kapag pumayag ako sa plano nila Seungkwan na magkunwaring kami ni Joshua, magseselos ka '- sabi ko habang nakaiwas ng tingin.

' H-Hindi totoo yung relasyon nyo ni hyung ? G-Ginawa nyo lang yun para pagselosin ako ? '- hindi makapaniwalang tanong nya.

' Oo Vernon. Kunwari lang yung relasyon namin ni Joshua para pagselosin ka. Walang nakakaalam bukod sa SquadBalls at kay Dino. Pero dati yon. Kasi ngayon, totoo na '

Hindi sya makapaniwala. Gusto kong sabunutan yung sarili ko nang may makita akong luhang tumulo sa mata nya.

' Sa isip ko akala ko napapalapit ako sayo. Pero ang hindi ko alam, kay Joshua pala ako napapalapit '- nakayukong sabi ko.

Yan din yung sinabi sakin ni Joshua. Habang tinutulungan nya akong mapalapit kay Vernon, sya naman daw ang napapalapit sakin.

' Siguro kung ako pa yung dating Milk, makakaramdam ako ng sobrang panghihinayang ngayon nang malaman kong mahal mo din ako. Kasi dahil sa pagpayag ko sa fake relationship na yun, hindi nagkaroon ng chance na maging kami ng lalaking matagal ko nang pinapangarap '- sabi ko habang pinipigilan na tumulo yung luha ko.

' Pero hindi eh. Ewan ko ba pero hindi ako nakaramdam ng kahit na kaunting panghihinayang. Siguro kasi natutunan ko nang buksan yung puso ko sa ibang tao at hindi lang sayo. Hindi ako nagsisising pinasok ko tong pagpapanggap. Kasi natutunan kong mahalin si Joshua '- sabi ko pero this time nakatingin na ako sa kanya.

' Oo ako yung babaeng sinasabi ko sayo dati na baliw na baliw sayo. At nagkatotoo na nga yung sinabi kong baka magustuhan mo ako kung kailan sumuko na ako sayo '

Nakayuko lang sya. Ang sakit din pala kahit papaano na makita ko syang nagkakaganito.

' Our story could have been perfect. Mahal kita, mahal mo ako. Pero hindi nagkaroon na matupad ang happy ending na iniisip at pinapangarap nating dalawa. Siguro hindi lang talaga tayo para sa isa't-isa '- sabi ko.

Isa to sa mga kinakatakot ko. Yung magustuhan nya ako sa panahong hindi ko na sya gusto.

' I'm sorry Vernon. Mahal ko na si Joshua. I'm really sorry '- huling sabi ko bago ko punasan yung luhang tumulo sa mata ko.

Malungkot syang humarap sakin.

Gusto ko talagang sampalin at sabunutan yung sarili ko. Nasaktan ko sya. Ang sama ko.

' Ayos lang Noona. Alam ko na din naman na ganito yung kahihinatnan ng pagko-confess ko sayo '- sabi nya.

' Dati pinagtutulakan ako ni Dino na mag-confess sayo. Kasi alam pala nya na kunwari lang yung relasyon nyo para pagselosin ako. Kaya nagtaka ako nung isang beses na pigilan nya ako sa pagko-confess sayo. Nalaman nya palang totoo na yung relasyon nyo '

Napayuko nalang ako. Kaya pala nagulat si Dino noong sinabi ko sa kanya na totoo na kami ni Joshua.

' Sorry Noona kung pinagulo ko yung isip mo. Hayaan mo, susubukan ko nalang na kalimutan yung nararamdaman ko sayo. Sana magtagal pa kayo ni hyung. Happy birthday sakin ' - huling sabi nya bago sya lumabas ng apartment ko.

Continue Reading

You'll Also Like

440 125 61
Aine De Leon is a self-proclaimed prodigy. Aside from being an academic achiever, she is also aware of the talents that she has; her singing ability...
14.8K 906 71
"It's just a game, and you're my toy. Nothing more, nothing less." - She just wants to have a simple life, but everything turns upside down when the...
192K 3.8K 48
(COMPLETED) Hera is a strong and independent lady who grew up in the US. Sa murang edad, natutunan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. But her l...
441 97 11
Date Started: 01/10/24 Date Ended: 01/14/24 [PART 1]