Indulgent Geoff (TTMT #3)

By FGirlWriter

4M 110K 10.1K

Geoffrey Lucas "Geoff" Martin was forced to marry Zoey. Ngunit pursigido naman si Zoey na ma-in love sa kany... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty-Two

101K 2.9K 207
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-TWO

HINDI mahinto sa pag-iyak si Zoey. Aalis daw si Geoff at uuwi ng Manila dahil may kailangan daw asikasuhin sa kompanya doon.

                  "No! Don't leave me alone! I'm begging you..." hagulgol niya.

                  He cupped her face. "Darling, I'm going home the day after tomorrow. You don't need to cry. I won't be long..." he softly said.

                  Umiling-iling siya. "No... b-baka hindi mo na 'ko balikan. Iiwan mo rin ako..." iyak niya na parang bata.

                  He brushed his lips to hers. "That's not true, Mommy Zoey. I'm going back for you. Just wait for me. Just one day..." malambing na sabi nito.

                  Ang tigas pa rin ng iling ni Zoey. Hindi na siya nakikinig sa resonableng parte ng isip niya. Mas nangingibabaw ang emosyon na takot. Kahit isang araw, hindi niya kayang hindi makita si Geoff.

                  Zoey, put some sense in your head! May sariling buhay si Geoff. Hayaan mo siyang asikasuhin ang trabaho niya!

                  Umiling-iling siya. No! Bigla niyang naisip ang pagtawag ni Eunice kaninang umaga...

                  Napasinghap siya at tinulak ito. "Makikipagkita ka lang kay Eunice! You're going to see your ex! Pinagpapalit mo kami ni Zofiya sa kanya!"

                  Nanlaki ang mga mata nito. "What? No! Hindi si Eunice ang—"

                  "Kung aalis ka, isama mo 'ko!"

                  "Zoey, darling... come on. It's just a day." Inabot siya nito. "I'll be back—"

                  "I want to come! I want to come!" sigaw niya na dumagundong yata sa buong mansyon. "Isama mo 'ko kung totoo ngang hindi ka makikipagkita kay Eunice!" she demanded.

                  Napanganga na lang sa kanya ito. Hindi na alam kung paano pa siya ko-kontrolin. Gustong sampalin ni Zoey ang sarili sa inaakto. Pero hindi niya kayang labanan ang emosyon na muling umaalipin sa buo niyang isip, bibig, at katawan.

                  "Ayokong makipagkita ka sa kanya! Ako lang dapat ang girl mo! Kami lang dapat ni Zofiya ang mahalaga sa'yo!"

                  Nahilamos ni Geoff ang mukha. "Zoey, listen—"

                  "Ano? Isang tawag lang sa'yo ni Eunice, bigla ka nang pupunta sa Manila?"

                  "Walang kinalaman 'to sa kanya. Leave her out of this!" mahina ngunit mariing wika nito.

                  "Kung ganoon, isama mo 'ko! O huwag kang umalis!"

                  Nakita niya ang pagkuyom ng mga kamay ni Geoff sa gilid nito at ang pagtagis ng mga bagang.

                  Napaatras siya at dinamba ng takot. Biglang lumiit ang kanyang tinig. "P-Please, don't hit me..."

                  Bigla siyang naging maamo at napayuko na lang ng ulo. She sobbed. Galit na sa kanya si Geoff...

                  "I'm s-sorry, Geoff... please don't h-hit me."

                  "Zoey..." lumambot na rin ang tinig nito.

                  Pagtingala niya ay saktong kinabig siya nito nang yakap. He deeply sighed and faced her.

                  "Okay. You'll come with me. But you'll just stay at my condo in Manila with the bodyguards."

                  Mabilis siyang tumango. "Okay. I'll just stay in your condo."

                  Mataman siya nitong tinignan. "Promise me..."

                  "Promise."

***

PAGKADATING ng dalawa sa Maynila ay naging abala na si Geoff. Umagang-umaga pa lang ay umalis na ito ng condo upang magtrabaho. Naiwan si Zoey buong araw doon, kasama ang ilang bodyguards.

                  She waited patiently for Geoff. Umiiyak siya buong hapon. Hindi kasi sinagot ng nobyo ang mga tawag niya. Nakipagkita siguro ito kay Eunice!

                  "Anong ginawa mo buong araw?" malumanay na tanong ni Geoff pagkauwi nito kinagabihan. "Did you give your bodyguards a headache?"

                  She shook her head.

                  "Kumain ka na ba?" Dumiretso ito ng kusina habang nagtatanggal ng coat. "Come here, darling. I'll make something for you."

                  Sumunod siya sa loob ng kusina at nakita ang likod nito habang abala sa paghahanap ng pagkain sa loob ng refrigerator. "Have you drank your medicines earlier?"

                  "No."

                  He sighed and faced her. "Why?"

                  Lumabi siya. "You didn't answer my call. You didn't call..."

                  "I was busy." He shrugged. "Anyway, don't miss your medicines this evening," Sinara na nito ang refrigerator nang walang mapili doon. "Magpa-deliver na lang tayo."

                  Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya. "So, what did you do all day?" tanong na naman nito.

                  "Umiyak. Nothing new..." matamlay na sabi niya.

                  He sighed when she said nothing more. Lumayo na ito sa kanya at saka hinugot ang cellphone nito. She heard him called for a food delivery.

                  Wala pang thirty minutes ay may dumating nang pagkain mula sa isang sikat na restaurant. Hindi na siya inimik ulit ni Geoff. Pero binantayan siya sa pagkain.

                  When she managed to eat well, she drank her vitamins.

                  "I'm going to sleep," pagod na sabi ni Geoff at saka mabilis na pumasok ng kuwarto.

                  "Geoff," pigil niya sabay hila sa kamay nito. "D-Did you meet Eunice today?"

                  He looked at her with tired eyes. "No, Zoey. Ikaw lang naman ang nag-iisip niyan." Binawi na nito ang kamay at tuluyan na siyang tinalikuran.

                  Sumunod din siya rito sa loob ng kuwarto. Nakita niyang pagod na binagsak nito ang sarili sa kama.

                  "I'm sorry, Geoff..." sabi niya habang nakayuko.

                  "Magpahinga ka na, Zoey. Nagpa-schedule ako ng appointment sa OB para sa'yo bukas. After that, babalik na tayo ng Isabela."

                  "Galit ka sa'kin..."

                  Sinubsob nito ang mukha sa unan. "I'm not. I'm just tired."

                   "S-Sorry... h-hindi ko ma-kontrol ang sarili ko." Napasinghot siya. "Sorry, G-Geoff... I-if you don't want to l-love me anymore, I'll understand. It's hard, isn't it? To handle a girl like me?" Sunud-sunod na ang pagpatak ng kanyang mga luha.

                  "Kung wala naman si Zofiya, you don't have to put up with me. I will understand kung iyong isang side ko lang ang gusto mo. Kasi ako, iyon lang din naman ang gusto ko sa sarili ko..." iyak niya. "S-Sandali lang, ah? Hintayin mong mag-shift ulit ang mood ko, please? Huwag mo 'kong i-iwan, Geoff..."

                  Nanatiling walang imik ito ngunit alam niyang gising pa ito.

                  "N-Napapagod ka na ba sa'kin?" nasasaktang tanong niya.

                  Bumangon ito at napabuga ng hangin. "Yes."

                  Tumango siya at tumalikod. That hurt her. Umasa siya nang ibang sagot mula rito. Dahil ito naman ang nag-umpisang sabihin sa kanya na tanggap nito ang lahat sa kanya.

Pero dahil first hand na nitong naranasan ang topak niya sa mga nakalipas na araw, hindi na siya magtataka if he'll pull back.

                  "I'm tired of you. But I still want to be with you, Zoey."

                  She gasped when she felt Geoff from behind. Pumaikot ang mga braso nito sa kanya mula sa likod.

                  "I'm just tired of you now. But I'll just rest for a short while. Dahil hindi ko naman kayang sukuan ka," bulong nito. "Hindi ko rin naman kayang iwan ka. Hindi ko gusto. Hindi ko gagawin."

                  Hinaplos niya ang kamay nito. "I'm sorry..."

                  His soft lips kissed her shoulder. "Nahihirapan pa rin akong intindihin ka minsan. But even so, I won't let you go."

                  Napahikbi siya. Totoo ba ang mga sinasabi nito?

                  Hinila na siya nito sa kama at maayos na silang humiga. He cuddled her from the back and gently caressed her big tummy.

                  Naiiyak pa rin siya. "I love you, G-Geoff..." nasambit niya na lang kung anong pinakatotoong nilalaman ng puso niya. Lahat ng takot niya mula pa kanina ay pumutok lahat na parang bula.

                  Happy or sad, she loves him. She loves the daddy of her child truly.

                  "Zoey..."

                  Pumikit siya. Biglang nakaramdam na siya agad ng antok. Bumigat ang talukap ng mga mata niya. Napahikab siya.

                  May binulong si Geoff na hindi niya naintindihan.

                  "Hmm?" inaantok na wika niya.

                  "Je t'aime."

                  Before she could hear it, tuluyan na siyang nakatulog.

                  Pagkagising ni Zoey kinabukasan ay ang gaan ng pakiramdam niya. Mula sa bintana ay natamaan siya ng mga sinag ng araw.

                  The heat of the sun rays on her skin blended with the cold temperature inside the room.

Outside the window, all things are bright and beautiful...

                  Napasinghap si Zoey. Bright and beautiful?

                  Napangiti siya at agad na napabangon. "Yes! Yes! Yes!" Napahawak siya sa malaking tiyan. "Hello, baby! Good morning!"

                  She's back!

Well, her happy self perhaps.

                  "Daddy Geoff!" Nagmadali siya palabas ng kuwarto.

                  Nakita niya si Geoff na umiinom ng kape habang nagbabasa ng diyaryo.

                  "Daddy Geoff! Oh my gosh! I'm baaack!" Tinaas niya ang mga kamay  at iwinagayway. "This is Zoe Yelena Gregorio happy version three-point-oh! Give it to me, I'm worth it!"

                  Napahagikgik siya nang makitang nakatulala na lang sa kanya si Geoff.

Nginitian niya ito nang matamis at saka dinukwang ng halik.

Ah! Na-miss niyang halikan ito!

Kapag kasi nasa depressive episode siya, parang bigla siyang nagiging back to virgin. No kiss, no touch.

                  "Good morning, Daddy!"

                  Napakurap-kurap muna ito. Pagkatapos ay unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi.

"Good morning, Mommy."

                  Kumandong siya rito at yumapos sa leeg nito. Geoff chuckled and pulled her head closer for a sweet morning French kiss.

***

NAPAPALAKPAK na lang si Zoey nang sabihin ng OB na wala namang problema kay Baby Zofiya. Sadyang mabilis lang daw ang paglaki ng baby. Malikot pa kaya sipa nang sipa.

                  "Buti sa nakalipas na isang buwan na depressed ako, walang nangyaring masama kay Zofiya. Sana hindi muna ako biglang mag-shift ng mood na naman," aniya habang tinititigan ang panibagong sonogram picture ng baby nila ni Geoff.

                  And wow! Kita na ang nakapikit na mata ni Zofiya. At ang tangos ng ilong! Perfect! Mana sa daddy! Sabi niya na nga ba, isang diyosa ang pinagbubuntis niya!

                  "Hi, baby! Kaunti na lang, lalabas ka na. Maki-kiss na kita at saka maha-hug..." nakangiting pagkausap niya sa picture habang hinihimas ang malaking tiyan.

                  Napupuno ng sobrang saya ang puso ni Zoey habang nakatingin sa picture. Nakasara pa ang mga maliit na kamay ni Zofiya. Nakatapat iyon sa labi nito. Tila himbing na himbing ang baby girl niya.

                  "Sa tingin ko, super strong ni Zofiya. Ilang moods ko na ang napagdaanan niya pero lagi lang malakas ang kapit niya. Hindi niya 'ko iniiwan. Love na love siguro ako ni Zofiya!"

                  "Of course, she loves you."

                  Napangiti siya at napalingon kay Geoff na abala sa phone nito. "Ako rin ba love mo?"

                  Napaangat ito ng tingin mula sa phone. "Hindi rin kita iniiwan. So, what do you think?"

                  Namula ang magkabilang pisngi niya. "Do you love me now?"

                  Nahuli niya ang pagngiti nito na agad nitong itinago. "You didn't hear me last night..." pabulong na wika nito.

                  "Bakit po? Ano pong sinabi niyo kagabi?" nagtatakang tanong niya. Basta ang naalala lang niya ay 'yung mga sinabi nito noong nagda-drama siya...

Ihhh! Daddy Geoff iz zo zweet.

                  Napailing-iling na lang ito at saka hinawakan ang kamay niya. "Come now. Dadaan pa tayo sa opisina bago umuwi ng Isabela."

                  Yey! Makikita niya na ang office ni Geoff!

                  Mabilis lang silang nakarating sa isang napakalaking building sa Pasig.

Pagpasok nila doon ay maraming bumati kay Geoff. Mga empleyado siguro.  Na-amaze si Zoey dahil lahat ay nginingitian ni Geoff, kinakawayan, at binabati pabalik! Woooow! Mr. Congeniality pala ito!

                  Kumapit siya sa braso nito at nginitian din ang mga tao. Umakyat sila sa opisina nito at nakilala niya ang sekretarya nitong si Frances. Pagkatapos ng kalahating oras nang pagbibilin ni Geoff ay umalis na rin sila.

                  "Where will we go next?" tanong niya kay Geoff.

Hinapit siya nito sa baywang. "We're going to church, darling."

                  Ay, wow. Church! "Kahit hindi Sunday ngayon?"

                  "Yes. May nag-imbita sa'tin."

Pagkarating nila sa isang Christian church ay agad napansin ni Zoey ang isang friendly at light atmosphere sa loob. Actually, it does not look like a classic church with all those statues, figurines, and such.

                  "Geoff!"

                  Sabay silang napalingon sa tumawag kay Geoff. Natulala si Zoey sa kagandahan ng babaeng tumatakbo palapit sa kanila. And she looks familiar.

                  "Eunice," nakangiting bati ni Geoff rito.

                  "Hi! I'm glad you made it!" natutuwang sabi nito at saka niyakap si Geoff.

                  Huhu. Sabi na, eh! Ang ganda ni Eunice sa personal. Mas maganda pa sa larawan. She's so beautiful!

                  Napatago na lang siya sa likod ni Geoff habang nagpapalinga-linga. Baka naman lahat ng tao doon ay magaganda't guwapo? Baka siya lang ang naligaw na cute?

"Is she Zoey?" baling sa kanya ni Eunice. Nakangiting nag-alok ito ng kamay. "Hi, Zoey! I'm Eunice. Matagal na kitang gustong makilala."

Inabot niya ang kamay nito. Napakalambot! "H-Hi, Eunice... y-you're... you're beautiful."

"Oh. Thank you!" Bahagyang namula ang magkabilang pisngi nito. "You, too. Blooming ka..." Bumaba ang tingin nito sa tiyan niya. Napansin niya ang pagdaan ng kung anong emosyon sa mga mata nito.

                  Napahaplos siya sa tiyan. "Ahm, is there something wrong?"

                  "Where's your husband, Eunice?" biglang tanong ni Geoff rito.

                  Napakurap si Eunice at napatingin rito. "He's somewhere here. Sandali, hahanapin ko si Terrence. Pasok na kayo sa hall, find a seat. Susunod ako."

                  "Bakit bigla siyang na-sad?" tanong niya habang inaakay siya ni Geoff papasok sa isang hall.

                  "She lost her baby two months ago."

                  Gulat na napalingon siya rito. "What?!"

                  "Sshh. May pregnancy problem si Eunice. Dapat yata sabay kayong buntis. Nanganak siya ng maaga dahil hindi na kaya ng matris niya. Something like that."

                  Napahawak siya sa tiyan. Grabe. Hindi niya kaya kapag may nangyaring masama kay Baby Zofiya. Buti na lang lagi itong malusog at malakas. Kahit ano man ang mood niya.

                  Bigla siyang nakaramdam ng awa para kay Eunice. Nako. Promise talaga, hinding-hindi niya pagseselosan ito at kung ano pa man.

                  "Pero.. how can she still smile like that? Parang kanina?"

                  "I asked her the same question once." Diretso ang tingin ni Geoff sa harap kung saan may naka-set up na stage. "She told me, God's love is the reason that even in pain, she can still hope and smile."

                  Napakunot-noo siya. "That's weird."

                  Napabaling sa kanya si Geoff. "I think it's not."

                  "Well, bakit namatay ang baby niya? Hindi ba sabi nila, makapangyarihan daw si God? Eh, bakit hindi niligtas ang baby niya?"

                  "Zoey, we don't blame God when He allowed us to experience pain."

                  "Eh, why did He allowed us to experience pain in the first place, anyway? Akala ko ba love Niya tayo?"

***

Social Media Accounts:

FB Page: C.D. de Guzman / FGirlWriter

FB Group: CDisciples

Twitter: FGirlWriter

IG: fgirlwriter

Continue Reading

You'll Also Like

5.4M 349K 75
[To Be PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"
6K 609 5
Five years ago, Serenity Gonzales married the French man, Etienne Cartier, in Paris, France. They weren't even friends. They met at a party and after...
529K 21.7K 19
Delos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapatawad ang isang Santino Pierre Delos Sant...
4M 72.5K 28
Dear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2...