Indulgent Geoff (TTMT #3)

Oleh FGirlWriter

4M 110K 10.1K

Geoffrey Lucas "Geoff" Martin was forced to marry Zoey. Ngunit pursigido naman si Zoey na ma-in love sa kany... Lebih Banyak

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty-One

108K 3.5K 370
Oleh FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-ONE

NAGISING si Zoey dahil sa mga mahihinang tinig na naririnig niyang nag-uusap. She opened her eyes slowly.

                  "Gising na siya! Salamat sa Diyos!" bulalas ni Lola Mina at saka siya dinaluhan.

                  Kumurap-kurap si Zoey at hindi umimik. Awtomatikong lumapat ang kamay niya sa tiyan. Napapikit siya. She's still there. Baby Zofiya's still there... napahikbi siya.

                  "Jona, call the doctors, please," tarantang sabi ni Lola Mina habang pinapatahan siya. "It's alright, hija. Everything's okay. Walang nangyaring masama sa baby."

Hinaplus-haplos nito ang kanyang buhok. "Malakas ang kapit ng bata, huwag ka nang mag-alala."

                  Zoey knew that she felt the relief. Kahit malungkot ang buong pakiramdam niya ngayon, isang malaking ginhawa na malamang walang nangyaring masama sa baby niya.

                  "B-Bakit nandito po tayo? I-I want to go home..." iyak niya at saka nagpalinga-linga. "Where's Geoff?"

                  Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at humahangos na dumating si Geoff. Hinihingal pa ito na parang nagmadaling tumakbo o ano.

                  Agad itong nakalapit sa gilid ng kama niya at marahan siyang kinulong sa mga bisig nito. She cried inside his arms.

"I'm sorry, Geoff..." Muntik nang mapahamak ang baby.

"No... it's not your fault, darling. Walang nangyari. The baby's fine," he softly said while gently rubbing her back.

"The bleeding occurred because of too much tension inside your body. Maliban doon, wala namang ibang problema. It eventually stopped when you fainted."

                  Yumakap lang siya rito nang mahigpit at hindi bumitaw kahit pa dumating ang isang doktor para i-check siya.

Anim na oras siyang nakatulog. Hindi naman siya naka-confine o ano. But she was kept in the hospital para ma-monitor. Dumating din ang OB-GYN at psychiatrist niya.

                  Ayaw niyang makipag-usap sa mga ito. "Let's go home now, please?" she pleaded Geoff.

                  "You can take her home now," the doctor said. "Wala naman nang problema. The rest of the needed treatment will be according to her psychiatrist."

                  May sinimulan nang sabihin ang psychiatrist niyang si Dra. Prado but Zoey didn't listen. She's too upset to listen to anything. She stayed inside Geoff's arms, resting the comfort and security she found in there.

                  "Eight weeks na lang ang pregnancy niya. Mas magandang mas matutukan pa siya. According to her treatments, she is able to handle her depressive episode well," Dr. Prado said. "May antidepressant naman siyang safe na inumin. She'll stay sad but not totally depressed like the last time. She'll be calm..."

                  Marami pang sinasabi si Dr. Prado na hindi naman na pinakinggan ni Zoey. Si Geoff ang naging attentive sa pakikinig pati sa payo ng OB. After that, they went home to the Quintero's.

                  Lolo Gus, Tito Gino, and Greg are all waiting for them. Lalapitan at kukumustahin sana siya ng mga ito ngunit umiwas siya at halos magtago sa likod ni Geoff.

                  "Halika, hija. Ihahatid na kita sa kuwarto mo," masuyong sabi ni Lola Mina sa kanya. Nasa likod nito si Jona habang bitbit ang mga gamit niya.

                  Umiling lang siya at mas lalong kumapit kay Geoff.

                  "I'll take care of her, Grandma," he said. Inabot ni Jona rito ang bag at saka umakyat na sila sa kuwartong nakalaan para sa kanya.

                  "Can I stay in your room?" mahinang tanong niya.

                  Tumango ito at pumihit sila papunta sa kuwarto nito na nasa kabilang dulo ng pasilyo.

                  Pagkarating nila doon ay umupo lang siya sa gilid ng higaan nito. Niyuko niya ang malaking tiyan at saka hinaplus-haplos iyon. Hindi niya talaga mapapatawad ang sarili niya kung may nangyaring masama kay Zofiya. Mabuti na lang at malakas ang kapit nito.

                  You're very strong, baby... Please, bear with Mommy. I'll try to be strong, too.

                  "Do you want to take a rest? Or take a bath?" tanong ni Geoff. "How about eat some snacks?"

                  Umiling lang siya. "S-Sorry. I don't feel like doing anything..."

                  Marahang tumango ito. "I understand."

Biglang tumunog ang telepono nito. Napakunot-noo ito at nag-excuse sandali.

                  "Hello, Frances? Yes, I can't go to the meeting tomorrow. Hindi ako makaluluwas ngayon ng Isabela. Kindly reschedule it. No, not next week. Maybe, next month." He paused. "Can you finish the reports for me? I don't want to face work for a while. Mas may importante akong kailangang gawin."

                  Pagkatapos ng tawag ay bumalik ito sa tabi niya. "That's my secretary," anito kahit hindi niya tinatanong.

                  "You're not working?"

                  Umiling ito. "Gusto kong ikaw lang ang iniintindi ko."

                  "I won't do anything stupid naman. Hindi dapat tumitigil ang mundo mo sa'kin sa tuwing nasa ganitong state ako." Nagsalubong ang mga kilay niya. "Hindi ko gagawan ng masama ang sarili ko. Hindi ko sasaktan si Zofiya."

                  "Zoey, hindi ganoon ang ibig kong sabihin." Napabuntong-hininga ito. "Anyway, let's just chill."

                  "I can't." Kumuyom ang mga kamay niya. "My stepmother's around here somewhere. Hindi mapupunta ang singsing sa bahay nang ganoon lang."

                  Tinitigan siya nito. "What? What's with the ring?"

                  "It's Lucille's ring! Bigay sa kanya iyon ni Papa. Alam kong kanya iyon. Tandang-tanda ko ang itsura niyon! And I can differentiate it from any other diamond ring!"

                  "Darling, calm down..."

                  "How can I? My life's on danger! The fact that the ring is in my house means Lucille knows where I am. And she's going to make me pay for all the things I've done."

Nangilid ang luha sa mga mata niya. "G-Geoff... I know she's here in Isabela. I can feel it..."

                  Bigla niyang naalala na gusto siyang kausapin ng pinsan niya. Sasabihin kaya nito na nakalusot si Lucille sa kasong isinampa ng pamilya nila laban dito?

                  "My stepmother is a devil-incarnate, Geoff. She'll drag me down to hell with her!"

                  May dumaang emosyon sa mga mata nito na agad na nawala. "What happened to you and to your stepmother, Zoey? Bakit ganyan ang takot mo?"

                  "I was a battered child, Geoff," pag-amin niya. "Mula nang mamatay si Papa, I was under the care of my stepmom. Akala ko mabait siya. Akala ko mahal niya rin ako na parang totoong anak... B-but... But, when my father's gone..." Nahinto si Zoey sa pagkukuwento at naiyak nang tuluyan. No great shrink can make her overcome her past and fears.

                  "Darling..." masuyo siyang kinabig ni Geoff payakap. "Don't tell me anymore. No need to—"

                  "I'm scared..." she cried and clutched his polo-shirt. Sumubsob siya sa dibdib nito. "Sinasaktan niya 'ko sa lahat ng paraan... She punched, kicked, slapped, and even close to burning my face to a stove..." pagsusumbong niya na parang bata. "Walang araw na hindi niya 'ko ginugulpi. Kahit tahimik lang ako sa isang tabi, magagalit siya sa'kin. Sasabihan ng kung anu-ano..."

                  She cried her heart out to him. Kahit ilang beses niya nang nasabi sa mga doktor, sa mga pulis, sa mga kamag-anak ang pinagdaanan—hindi man lang lumuwag ang pakiramdam niya. Hindi man lang nabawasan lahat ng sakit na dinadala.

                  "Lahat na yata ng puwedeng ihampas o ipalo sa'kin, nagamit niya na. Hinahampas niya ang ulo ko sa pader... Sinusunog niya ang balat ko. Her c-cigarette would burn me here, here, and here..." Tinuro niya ang braso, ang balikat, ang palad, ang mga daliri.

                  Dati ay puno siya ng mga malalaking peklat at sunog na balat. But her cousins made her undergo a plastic skin surgery, just to clean off her skin.

Akala ng mga ito, kapag nawala ang mga sugat niya sa katawan at bumalik iyon sa katulad ng dati ay makatutulong iyon sa pagre-recover niya.

                  Oo, nagagawa niyang hindi pansinin ang mga alaala sa tuwing masayang-masaya siya. Pero sa tuwing inaatake na siya ng depresyon ay biglang parang ibabalik siya sa nakaraan. She can feel the torture all over again.

                  Nagsimula siyang manginig sa pinaghalong sakit at galit. "S-Sabi niya, wala daw akong kuwenta, baliw, walang silbi, pabigat, puta, tanga..." nakalabing sabi niya. "B-Baliw daw ako katulad ni M-Mama..."

                  The pain. The anger. The urge to kill her. The guilt of killing someone, accidentally...

                  "H-hindi ko na k-kaya..."

Kung saan-saan na siya nagpagamot para mawala ang trauma. But it never subsided. "From my body to my heart, it badly stings..."

Napahagulgol siya sa dibdib nito. "I wanted out of this, Geoff. But my past is so horribly scary and hurting. It's so dark out there. It still creeps my whole system. It was so bad, Geoff."

                  Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya at ang pagsapo ng kamay nito sa likod ng ulo niya.

                  "As long as I'm here, no one can hurt you," he defiantly said. "Kung nandito man si Lucille, hinding-hindi ko hahayaang makalapit siya sa'yo."

                  "You might get hurt, too..." natatakot niyang sabi.

                  Niyuko siya nito at tinitigan sa mga mata. "I'm not afraid to get hurt as long as I can protect you. Kahit pa ipain ko ang buhay ko, huwag ka lang masaktan ulit."

                  She softly gasped at the braveness of his voice. "Please, no. I need you, G-Geoff... Hindi ko rin kaya kapag nasaktan ka. Iiyak ako..."

                  "Oh, darling." Niyakap siya nito nang mahigpit at hinalikan sa noo.

                  Yumakap din siya nang mahigpit na mahigpit rito. Nawala ang panginginig niya at habang nasa dibdib nito ay nakaramdam siya ng antok.

                  Gumising siya kinagabihan. Kahit walang gana ay pilit kumain sa tulong ni Geoff. Kailangan ni Zofiya ang nutrisyon. Sumunod lang siya sa lahat ng ipagagawa ng nobyo. Kumain, uminom ng vitamins at ng gatas, at magpahinga.

                  Hindi nagtatrabaho si Geoff kapag gising siya. Hindi humihiwalay sa kanya. Kulang na lang ay sumama siya sa banyo kapag kailangan nitong gumamit niyon.

                  Days passed. One. Two. Three...

                  Weeks have passed by so fast, too. One. Two. Three...

                  Zoey is still sad. Kahit nakailang balik na sila para sa psychotherapies niya, her mood never shifted back.

                  "Whole province manhunt search..." basa ni Zoey isang araw sa nakitang papel sa ibabaw ng working desk ni Geoff. Nanlaki ang mata niya nang makita ang picture ng madrasta doon.

                  Hinahanap na ito ng buong kapulisan ng Isabela! So, is she really here?! Kaya ba dumoble ang bilang ng mga security guard sa buong farm ng Quintero?

                  "Darling, let's go for a walk," tawag ni Geoff pagkalabas nito ng banyo. He was topless and was about to wear his favorite white shirt.

                  Agad niyang inalis ang tingin sa papel. "T-tinatamad ako. I just want to stay here," matamlay niyang sabi.

                  Nasuot na nito ang damit. "Come on, darling. You need this. Sumasakit na naman kagabi ang balakang mo, hindi ba? Kulang ka sa exercise."

                  "M-Mabigat na kasi si Zofiya..."

                  "Come on," pangungulit pa rin nito sabay hawak ng kamay niya. Wala na siyang nagawa kundi magpahila rito.

                  Sinulyapan niyang muli ang papel bago sila tuluyang makalabas ng kuwarto.

                  "Five weeks more..." nakangiting sabi ni Geoff habang naglalakad sila. "Five weeks and we will be able to see Zofiya."

                  Hindi maitatago ang excitement sa tinig nito. She's excited, too. Hindi nga lang niya ramdam ngayon. Sometimes, she felt bad for not talking to baby Zofiya, anymore. Galit na galit pa siya kapag nasasaktan siya dahil sa pagsipa nito.

                  Kung wala si Geoff sa tabi niya parati, baka ano nang ginawa niya sa sarili at sa ipinagbubuntis. She can handle her sadness, but not her anger.

                  Madalas siyang iritado at naiinis. Pero walang nakakapansin. Dahil tahimik lang siya at hindi palaimik.

Magugulat na lang minsan si Geoff sa biglang pag-iyak niya na walang dahilan. Ngunit parang sanay naman na ito.

                  "Are you still falling in love with me whenever I'm on this state?" tanong niya na lang bigla. "Is it possible for you to love the unlovable in me?"

                  Napahinto ito sa paglalakad at kunot-noong niyuko siya. "What are you saying? Of course, I can still fall for you. Whether you're too happy or too sad."

Tumingin ito sa kapatagan na nasa harap nila. "Kapag nagmahal ako, minamahal ko ang buong pagkatao. You can't love truly, if you can't accept one's flaws fully."

                  Sinubukan niya pa ito. "Remember Cameron?"

                  He wrinkled his nose. "Your first love?"

                  Nag-iwas siya ng tingin at bumitiw sa hawak nito. "I killed him." Accidentally.

                  Naghintay siya nang sasabihin nito. Lumingon siya upang makita ang reaksyon nito. But to her surprise, Geoff still looked calm!

                  "I'm not kidding," seryosong sabi niya.

                  Matapang nitong sinalubong ang tingin niya. "Is that your darkest secret, darling?"

                  Nangilid ang luha sa mga mata niya. How can he be so calm? "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Nakapatay ako ng tao, Geoff!"

                  Nagtagis ang bagang nito. "Sinadya mo ba?"

                  "Si Lucille ang gusto kong patayin. Handa akong patayin siya noon!" pag-amin niya. There's no reason to keep anything from Geoff. "Pero si Cameron ang nasaksak ko. Sa puso. His heart bled. K-Kumalat ang d-dugo sa b-baga niya..."

                  "Then it's not on purpose."

                  "But I can kill on purpose! If I have killed Lucille, I won't even regret it." Umatras siya nang tangkang hahawakan siya nito. "Hindi mo ba naiintindihan, Geoff? Kaya kong pumatay!"

                  Nahagip nito ang palapulsuhan niya. "Have you killed someone unintentionally aside from Cameron?"

                  Napayuko siya. "I can kill intentionally." Kapag hindi niya kayang kontrolin ang sarili. Kapag wala siyang proper psychological treatment, being in a depressive episode can harm other people.

                  He intensely looked at her eyes. "Have you killed intentionally after Cameron? Tell me, Zoey!" Humigpit ang hawak nito sa palapulsuhan niya.

                  Her darkest secret... Napabulalas ng iyak si Zoey.

Niyakap siya ni Geoff at inalalayan nang makabalik sa mansyon. Dumiretso sila sa kuwarto.

                  "I'm sorry..." bulong ni Geoff. "I'm sorry, darling. Did I scare you? Did I make you cry?" nag-aalalang tanong pa nito.

                  Nagpatuloy siya sa paghagulgol.

                  Napabuntong-hininga si Geoff at hinalikan ang likod ng kamay niya. "I'm sorry..." Inangat pa nito ang isa pa at hinalikan rin iyon. "I'm sorry."

                  Hindi naman siya natakot rito. Natakot siya sa sagot sa tanong nito.

                  Tumalikod siya rito at patagilid na humiga. Naramdaman niya ang pagsakit ng tiyan dahil sa pagsipa ng baby. Mahina siyang napadaing.

Sumipa-sipa ulit si Zofiya. Naramdaman niya ang paglapat ng mga kamay ni Geoff sa tiyan niya. Hinaplus-haplos nito iyon. Hanggang sa matigil ang pagsipa ng bata.

Nagagalit na siguro sa kanya ang anak dahil wala na siyang ginawa kundi ang umiyak, ang malungkot, ang matakot...

"Remember what I said before?" marahang bulong ng nobyo sa kanya. "I wanted to be with you no matter what you are. I'm keeping you, whatever dark things I got to know about you. I can learn to accept it, darling. I can. I will always choose to look beyond your past..."

"G-Geoff..."

Pinaling nito ang mukha niya paharap rito. May emosyon sa mga mata nitong hindi niya matukoy kung ano ngunit... nagawa nitong haplusin ang puso niya.

"I will be with you, now. I will be with you, always." Pinalis nito ang mga luha niya sa pisngi. "I got you, Zoey. I won't let any memory, any fear, any person steal you away from me."

Napapikit siya nang yumuko ito at abutin ang mga labi niya. "You don't have to fear anything or anyone, as well."

Unti-unti siyang dumilat at tinignan ito ng diretso sa mga mata. Inabot niya ang mukha nitong nakatunghay sa kanya. "I love you, Geoff. Ayoko na talagang matakot. Pero sa tuwing naaalala ko kung anong nangyari sa'kin dahil kay Lucille, hindi ko na rin kayang tingnan ang sarili ko. Ang hirap maniwala na kaya mo 'kong tanggapin. Na kaya mong sikmurain na makasama ang isang katulad ko..."

"Zoey, what are you saying?"

"I killed someone after Cameron. Intentionally." Here goes her darkest secret. "I was molested by a group of men. Five of them."

Napakurap ito. "W-What?"

                  Napapikit siya. "I was not raped. But it's close to being raped! Inutusan sila ni Lucille! Alam ko! Ang isa sa kanila, lalaki niya."

She clutched his shirt. "Cameron came to save me. At nang wala na si Cameron, naulit iyon! Naulit iyon. Naulit iyon, Geoff!"

She shivered. "Hindi ko kayang babuyin nila ako ng ganoon. Wala nang magliligtas sa'kin. Kailangan ko nang iligtas ang sarili ko!"

                  Napaawang ang mga labi ni Geoff at napakurap-kurap ito. Napatuwid ito ng upo pagkatapos. "You... defended yourself?"

                  Hinarang niya ang mga kamay sa mukha. "I killed them! I stabbed them all! May dalawang nakatakas! May tatlong napatay 'ko!"

                  Hindi niya na matandaan kung paanong ang isang babaeng katulad niya ay nagawang manlaban ng ganoon sa limang malalaking lalaki na halos babuyin siya.

Her anger took over. Naging madilim ang lahat. She killed three men. Maraming saksak ang tatlo, ayon sa report.

                  Nang aksidenteng napatay niya si Cameron, hindi siya ikinulong dahil menor-de-edad pa siya. Nilagay na lang siya sa isang teenage rehabilitation center. Pero kinuha siya ni Lucille doon. At sinimulan ulit ang pagpapahirap sa kanya.

                  "H-Hindi ako nakulong sa pagpatay sa tatlong lalaking iyon. Pero dinala na 'ko sa mental hospital. Mas pinahirapan ako doon, Geoff... Binayaran sila ni Lucille. 'Yung mga nurse, hindi nila ako pinapainom ng gamot. Hinahayaan nilang sirain ako ng sarili kong sakit!

                  "Hindi ako makakaalis doon kung hindi ako nakagawa ng paraan na ma-contact ang mga pinsan ko dito sa Pilipinas. Sila Ate Trisha, sila ang nag-ayos ng lahat."

Bumangon siya at unti-unting tinanggal ang mga kamay sa mukha. "Hindi ako puwedeng ilabas ng Canada dahil sa murder cases ko. Sila ang pumunta doon. Inalis nila ako sa mental hospital, binigyan ng private nurse, nang okay na 'ko, nakapasok ulit ako ng school... Nakulong si Lucille. Hindi ko alam kung anong ginawa ng mga kamag-anak ko."

                  Nayakap niya ang sarili at tinignan si Geoff na nakatitig lang sa kanya ng mataman. Wala nang kahit anong ekspresyon ang mukha nito.

                  "But, Lucille came back after I finished college, nauto niya 'ko by making me feel guilty about Cameron's death..."

                  Kalahating taon rin siyang pinahirapan muli ng madrasta dahil nagpadala siya sa pangongonsensya nito. Nawala siya sa pagpapagamot dahil sa tingin niya ay wala namang nagiging tulong iyon.

But her relatives redeemed her. Nakuha na siya ng mga ito at nagawang iuwi sa Pilipinas. And she decided to live here in Isabela. Peacefully.

                  Akala niya malaya na siya sa bagong buhay. Kasama si Geoff at ang magiging anak nila pero...

"Kahit tapos na ang lahat, hinahabol pa rin ako ng nakaraan. She can still control me. She can still trigger me. Alam niyang kapag nasa ganitong episode ako, the past can torture me."

                  She felt so helpless and hopeless now. Naramdaman niya ang pagkirot ng puso.

                  "Ang sakit pa rin ng lahat. Ang laki-laki ng iniwan sa'king sugat." Napayuko siya saktong pumatak muli ang kanyang mga luha. "B-Bakit naging ganoon ang buhay ko? Am I really a bad girl? B-Bakit ako naging ganito?"

                  "Zoey..." Inabot nito ang kamay niya.

                  "G-Geoff... kaya mo pa ba 'kong t-tanggapin?" she cried. "K-Kaya mo pa 'kong m-mahalin? Ayoko na sanang malaman mo ang tungkol dito para wala kang rason para talikuran ako...p-pero, hindi ko pala kayang itago 'to ng tuluyan. H-hindi ko na k-kayang magsinungaling sa'yo..."

May kung anong parang tumatarak sa puso niya dahil sa napagtanto niya sa sariling katauhan.

"I'm not just all sweet and happy. I'm all damaged and lonely."

                  Tuluyan na siyang napahagulgol at napasubsob ang mukha sa mga palad.

"D-Darling..." narinig niya na tila garagal ang boses ni Geoff.

                  Pagtingin niya rito ay napasinghap siya nang makitang nakayuko rin ito at... May pumatak na luha sa likod ng kamay niya. Ngunit hindi galing sa kanya.

                  "L-Let me..." Unti-unti itong nag-angat ng tingin at kumislap ang butil ng luha sa mga mata nito. "Let me kiss all your pain away, darling."

                  Napahikbi siya. "Y-You still want m-me? Y-You'll still t-take me?"

                  "Sweet and happy. Damaged and lonely. I'll keep all of you with me, Zoey," madamdaming sabi nito. Geoff's voice broke. "You'll overcome this fear, darling. We'll overcome this together."

                  "Geoff..."

                  Dinantay nito ang noo sa noo niya. "No one can touch you, can harm you, and can scare you. As long as I'm here," mariin at matatag nitong sabi. "You got me."

                  Sumubsob siya at lalong napahagulgol.

                  Niyakap siya nito nang walang kasinghigpit.

"You got me, Mommy Zoey."

***

Social Media Accounts:

FB Page: C.D. de Guzman / FGirlWriter

FB Group: CDisciples

Twitter: FGirlWriter

IG: fgirlwriter

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

4.6M 114K 33
Eugene Arguelles-a kind-hearted, gorgeous, serious, and irresistible single father. Nakilala niya ang babaeng babago sa kanyang buhay. Tanya Aragon-g...
7.2K 306 5
WARNING: MATURE SCENES AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK. Ronerico Dardenne of The Love Investment Expectations over expectations, Ronerico Dardenne used...
7.5M 184K 45
"A woman who knows what she wants gets what she wants."
3.1M 82K 33
Matthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang...