Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

I : Aftermath

112K 4.5K 1.8K
By Serialsleeper

Chapter 1 : Aftermath

Dana's POV



"Diana Flavier ano bang problema mo?!"


Napasinghap ako nang matagpuan ko ang sarili kong nakatayo parin sa diving board at nakatitig sa kulay asul na tubig ng indoor swimming pool dito sa campus. Lahat ng mga kaklase ko ay nag-uunahan na sa paglangoy samantalang ako, heto at parang tangang hindi makagalaw. Gusto kong gumalaw pero napakabigat ng pakiramdam ko. Sa sobrang bigat, para akong napaparalisa.


"I... I can't do it." Sabi ko na lamang saka tinanggal ang goggles at swimming cap ko. Bago pa man ako mapagalitan ay bumaba na lamang ako sa diving board upang kunin ang bath robe ko. Hindi pa ako nababasa ng tubig pero giniginaw na ako dahil dito sa suot naming one-piece swimsuit.


"I'm not feeling well ma'am." Bulalas ko agad sabay suot ng bath robe ko nang makita kong naglalakad na papalapit sakin ang PE instructor na parang inis na inis na.


"Ms. Flavier you've been saying that for a month. If you'll keep up with those lame excuses, I have no other choice but to fail you." Pagbabanta niya kaya ngumiti na lamang ako ng tipid at tumango-tango.


One month huh? One month na pala mula nang mangyari ang bangungot na 'yon. Shit naman, one month na ang lumipas Dana, pigilan mo yang luha mo. Hindi ka pwedeng maging mahina. May instructor pa sa harapan mo, 'wag kang maging maarte.


"Ms. Flavier are you crying?" Kunot-noo niyang sambit kaya agad akong napahawak sa pisngi ko at nagulat ako nang mapansing basa na pala ang pisngi ko.


"Courtesy of the flu. Pupunta nalang po ako ng clinic after ko magbihis." Pagsisinungaling ko na lamang para may rason na akong umalis. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay muling siyang nagsalita.


"Dana akala ko ba gusto mong mag-ensayo para makasali sa varsity team? Dana sa ginagawa mong 'to, parang binabalewala mo na rin ang pinaghirapan mo." Paalala niya dahilan para tuluyan akong matigil sa paglalakad.


Oo nga pala. Before that whole skunk situation happened, varsity swimming team was my ultimate target aside sa mag-trabaho doon sa forensics laboratory. And the reason why I wanted to be in the team so bad? Kasi gusto kong ipagmalaki kay Cielo na hindi ko siya kailangan para gumaling sa paglangoy.


Back when we were kids, nangako kami ni Cielo sa isa't-isa na sabay kaming matututong lumangoy. Parating busy ang mga magulang namin kaya minsan tumatakas kami ni Cielo at pumupunta kami sa beach para mag-practice. Kaso dahil nga pareho kaming walang alam, wala talaga kaming natutunan at wala kaming ibang ginawa kundi maglaro na lamang sa pinakamababaw na parte.


My disappointment became my motivation. When Cielo left, I practiced hard to be a good swimmer, to be the best.


Gumaling nga akong lumangoy pero wala naman akong nagawa nang gabing kayang-kaya kong mailigtas si Cielo. I could've followed her into that dark abyss. I could've jumped right after her but all I ever did was cry in that bridge.


*****


Nakasandal lamang ako sa malamig na tiles habang nasa ilalim ng malakas na shower. Hinahayaan kong bumuhos ang luha ko kasabay ng pagtama ng tubig sa ulo at mukha ko. Sa mga pagkakataong 'to, hindi ko na pinipigilan ang sarili kong umiyak at maging mahina. Wala rin naman kasing saysay kung magsisinungaling ako sa sarili ko.


"Dana? You there?"


Narinig ko ang boses ni Mira kaya sumagot ako habang pilit na itinatago ang luha ko.


"Hindi ka na naman lumangoy no?" Tanong pa niya kaya tumawa na lamang ako.


"Not in the mood Mira." Sabi ko.


"Nga pala, nag-text si Raze sa akin, nagtatanong siya kung kamusta ka na raw. Hindi mo parin ba kayang makipag-usap sa kanya?" Tanong ni Mira pero hindi na ako sumagot, "One month nang hindi pumapasok si Raze, pati si Shem hindi ko narin nakikita. Si Ha—"


"Say that name and I will make you eat soap." Banta ko agad kay Mira. Marinig ko pa lamang ang pangalan ng babaeng 'yon sumisikip na ang dibdib ko't kinakain na ako ng galit. Wala akong ibang gustong gawin kundi saktan siya. Wala akong ibang hinihiling sa kanya kundi kapahamakan kaso totoo nga ata ang kasabihang ang masamang damo, matagal mamatay.


Mira knows what happened even after siya mismo ay mamatay. Sa kanya ko sinabi ang lahat ng mga nangyari dahil magkasama kami nang araw na magsimula ang lahat. Magkasama rin kaming nagtago at nakipagsapalaran sa imburnal na 'yon pero napahamak siya at muntikan pang pinatay si Cielo.


****


"Hi Dana!" Bati sa akin ng mga babaeng nakasalubong ko sa hallway kaya ngumiti na lamang ako ng tipid at nagpatuloy lang sa paglalakad habang inaayos ang sleeves ng suot kong kulay asul na polo.


"Ba't bigla siyang naging weird?" Narinig kong sambit ng isa. Sa totoo lang gusto kong batuhin ang babaeng 'yon ng hawak kong biology book kaso kung andito si Cielo, for sure pagagalitan ako nun kaya 'wag nalang.


Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang cellphone ko. May missed calls, akala ko galing kay Raze pero galing pala kay Chief Razon. Ano kayang kailangan niya?


Nang makuha ang mga gamit ko ay isinara ko na agad ang pinto ng locker pero laking gulat ko nang biglang bumungad sa tabi ko ang isang pamilyar na mukha. Nakatayo lamang siya sa tabi ko, nakasandal sa locker habang naka-ekis ang braso.


"Sup?" Taas-noo niyang sambit nang may ngisi sa kanyang labi.


Sa sobrang gulat ko'y wala akong ibang magawa kundi ngumiwi. Okay, pogi siya. Super pogi niya. Pero what the hell? Nakakapangilabot 'tong asta niya and to think ngayon lang kami nagkita after one month. He looks so manly with his plaid blue polo and black inner shirt pero alam ko na kasi ang tungkol sa pagka-tililing niya kaya so wala paring appeal para sa akin.


"And what are you doing here?" Tanong ko na lamang.


"Ano bang ginagawa sa skwelahan D?" Aniya kaya lalo pa akong napangiwi.


"D? It's Dana you creep." Sarkastiko ko na lamang na sambit sa kanya. Ewan ko ba pero bigla akong nailang sa presensya ni Wacky. Hindi gaya ng dati, hindi ko na kayang tumitig ng matagal sa mga mata niya... At ang mga mata niya, parang lumalim at mas madilim ang korte. Para siyang ilang araw nang hindi natutulog.


"Uuwi ka na? Sabayan na kita." Aniya kaya sarkastiko na lamang akong tumawa.


"Go hang out with Churchill or buy some new socks." Pang-aasar ko na lamang para naman bahagyang mawala 'tong ilang at asiwa na nararamdaman ko.


"Bago na 'tong mga medyas ko! Tingnan mo pa!" Aniya at laking gulat ko nang bigla na lamang niyang hinubad ang kaliwang sapatos niya at pinagmayabang sa akin ang kulay itim niyang medyas. Wala siyang pakialam kahit unti-unti nang napapatingin ang mga dumadaan sa amin.


Come to think of it parang ang laki ng pinagbago ni Wacky. But then again, isang beses lang naman kaming nagkakilala at sa isa pang sitwasyon na wala kaming ibang ginawa kundi tumakbo at magtago.


"Would you please stop following me?" Pakiusap ko nang mapansing kong nakabuntot parin siya sa akin kahit papalabas na ako ng campus building.


"Kain tayo sa labas! Libre mo ako!" Natatawa niyang sambit habang hinihimas ang tuktok ng ilong niya gamit ang hintuturo. Lalo akong kinikilabutan sa kanya kaya nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.


Nagulat ako nang biglang hinigit ni Wacky ang kamay ko dahilan para agad akong mapaharap sa kanya. Napakalamig ng kamay niya at nanginginig pa ito. Bigla akong kinabahan kaya otomatiko akong napatingin sa mga mata niya.


Hindi ko alam pero parang nag-iba ang mga mata ni Wacky. Mula sa kanina na punong-puno ng angas at kayabangan, parang punong-puno na ng takot ang mga mata niya.


"H-hindi..." Mahina niyang sambit kaya agad nakunot ang noo ko.


"W-wacky nasasaktan ako." Iginalaw ko ang kamay ko nang maramdaman kong papahigpit nang papahigpit ang hawak niya sa akin.


"Diana hija..." Bigla kong narinig ang boses ni Chief Razon kaya dali-dali akong napalingon sa likod ko.


"T-tito.." Bulalas ko na lamang. Napansin kong unti-unting napapabitaw si Wacky mula sakin kaya unti-unti naring nawala ang kaba ko.


"Sige D, mauna na ako." Biglang paalam ni Wacky saka ngumisi. And with that ay umalis na agad siya at pumasok sa loob ng campus.


"Boyfriend mo?" Pang-aasar sa akin ng Papa ni Raze habang patawa-tawa pa kaya pabiro na lamang akong ngumiwi at gaya ng kagawian ay sumakay sa kotse niya.


****


"Magkagalit ba kayo ni Raze?" Biglang tanong ni Tito sa kalagitnaan ng byahe namin patungo sa bahay.


"M-matagal na po kaming hindi nagkikita." Sabi ko na lamang kasi ito naman ang totoo.


"Pansin ko nga. Noon kasi parati ka namang dumadaan sa coffee shop namin para makikain pero ngayon hindi na." Pang-aasar ulit ni Toto kaya pabiro ko na lamang siyang sinimangutan.


"Kamusta na po si Raze?" Pangungumusta ko. Kahit hindi ko pa kayang makipag-usap o makita siya, may pakialam parin naman ako.


Biglang napabuntong-hininga si Tito, bakas sa mukha niya ang pamomroblema, "Sa totoo lang nag-aalala na talaga ako sa panganay ko. Mula nang mawala si Cielo lagi nalang siyang nagmumukmok o di kaya wala sa bahay. Napakamalihim na niya ngayon."


"He's not the only one..." Mahina kong sambit.


"Hija may kulto ba sa eskwelahan niyo o kung anong satanista o ano?" Naguguluhang sambit ni Tito kaya maging ako ay naguluhan rin.


"W-wala naman ho." Lolo lang ni Cielo ang alam ko, "Bakit niyo po naitanong?" Usisa ko pa.


"Nung isang araw kasi napansin kong may binili si Raze na mga libro tungkol sa kung ano-anong demonyo at kababalaghan. Ewan ko saan niya 'yon nakuha. Tapos nung isang araw naman, tinanong niya ako kung anong meron sa impyerno. Naninibago talaga ako sa kanya." Aniya kaya tumango-tango na lamang ako. Hindi kaya naghahanap si Raze ng paraan para maibalik si Cielo?


END OF CHAPTER 1

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Continue Reading

You'll Also Like

The Hardest Thing By L

General Fiction

105K 2.8K 43
© 2018 - The hardest thing I have to do was live without you. [Completed]
4.2K 121 27
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...
100K 6.1K 60
Tarra Claridad have always known the right path for her, she became a trainee at fourteen, and dreamed to be an idol since then. Few more steps and s...
658K 47K 71
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...