The Kiss of Poison Venus

By AnjSmykynyze

4.4M 80.4K 8.7K

When two opposite lives intertwine--one being a moody frustrated policeman and the other a naughty virgin mob... More

PROLOGUE
Chapter One - Lucky Seven Club
Chapter Three - Semira Ernestine
Chapter Four - Resisting Her Moves
Chapter Five - Each Other's Spy
Chapter Six - Cat and Dog
Chapter Seven - Poochie and Patootie
Chapter Eight - Chief Marcus
Chapter Nine - Getting Closer
Chapter Ten - Sexy Thing
Chapter Eleven - Curiousity
Chapter Twelve - Amano-kai Assassins
Chapter Thirteen - Life's Worth
Chapter Fourteen - Wedding Blues
Chapter Fifteen - What's Love
Chapter Sixteen - The Bet
Chapter Seventeen - The Longing
Chapter Eighteen - The Trap for Amir
Chapter Nineteen - Cold Shower
Chapter Twenty - The Blue Pill
Chapter Twenty-One - Unexplained Heat
Chapter Twenty-Two - Sexperience
Chapter Twenty-Three - Unspoken Desires
Chapter Twenty-Four - Seduction Class
Chapter Twenty-Five-Possession or Obsession?
Chapter Twenty-Six-Knowing What He Feels
Chapter Twenty-Seven-The Escape Plan
Chapter Twenty-Eight-One Sexy Night
Chapter Twenty-Nine-Cool Off
Chapter Thirty-Catching His Attention
Chapter Thirty-One-Surveillance Camera
Chapter Thirty- Two-Make-over
Chapter Thirty-Three-Missing Him
Chapter Thirty-Four-Glimpse
Chapter Thirty-Five-Back to Zero
Chapter Thirty-Six-Therapy Partners
Chapter Thirty-Seven-Breathe Out
Chapter Thirty-Eight-First Date
Chapter Thirty-Nine-Exposure Therapy
Chapter Forty-Baby Shower
Chapter Forty-one-Baby Valderama
Chapter Forty-Two-Basashi Dinner
Chapter Forty-Three-Revelations
Chapter Forty-Four-Her Surrender
Chapter Forty-Five-All-In
Chapter Forty-Six-Keeping It Secret
Chapter Forty-Seven-Office Adventure
Chapter Forty-Eight-The Pretend Wife
Chapter Forty-Nine-Daegan's back
Chapter Fifty-Car Wash
Chapter Fifty-One-Poison Venus
Chapter Fifty-Two-Joining Forces
Chapter Fifty-Three-On the Mission
Chapter Fifty-Four-The Last Bomb
Chapter Fifty-Five-Self-sacrifice
Final Chapter
Special Chapter 1-Daegan Ross
Special Chapter 2: No Other Version

Chapter Two - The Raid

81.8K 1.6K 54
By AnjSmykynyze

Nakabibinging ingay ang sumalubong kay Vyn nang pumasok siya sa club. Hindi naman ito ang unang beses na pumasok siya sa mga ganitong lugar kaya hindi na siya nagulat nang may agad na lumapit sa kanyang babae.

"Hi, pogi, gusto mo ng ka-table?"

"Mamaya." 'Yan lagi ang sinasagot niya sa tuwing may lumalapit sa kanya para mag-alok ng panandaliang ligaya. Ayaw niya sa mga ganoong klaseng babae.

Minsan nga ay pinagtawanan siya ng mga kasamahan noong may pinapain sa kanyang babae. Hindi niya talaga ito pinatulan kaya inis na umalis ang babae sabay sabing, "Duwag!"

Umupo siya sa isang madilim na sulok ng club habang minamanmanan ang mga kilos ng mga tao sa paligid. Tahimik siyang nagsalin ng inumin sa baso nang magsimula ang palabas sa entablado.

Sanay na siya sa mga babaeng sumasayaw at naghuhubad sa entablado pero hindi niya maintindihan kung bakit napako ang tingin niya sa babaeng may hawak na apoy sa tigkabilang kamay. Tulad ng isang karaniwang mananayaw, ang babaeng nasa entablado ay nakasuot ng seksing damit, may highlights sa buhok, at makapal ang makeup. Ngunit kakaiba ang kilos niya. Hindi malaswa ang galaw niya. Pulido itong gumalaw sa dancing pole.

"Kung ako sa 'yo," biglang may tumabing lalaki, "huwag 'yan ang pagnasahan mo."

"Jumil." Tumango siya sa lalaki. "Nandito ka rin pala."

"Oo," saad ng kausap. "May operasyon kasi kami dito."

"Talaga?" tanong niya.

"Matagal na kaming nagmanman sa club na ito." Tumungga ng inumin ang kausap. "At napag-alaman naming may mga minor de edad silang binibenta dito bilang prostitutes."

Bumalik ang tingin niya sa babaeng sumasayaw sa entablado. "Bakit mo nasabing huwag kong pagnasahan 'yan?"

"Hindi mo kakayanin ang presyo niyan," saad ni Jumil. "Saka, hindi ko pa 'yan nakikitang nakikipag-table ng customers dito. Sige pare, pupuwesto lang ako."

Napukaw ang interes ni Vyn sa sinasabing babae. Gusto niyang malaman kung bakit ito mapili sa customer.

"Pogi." Lumapit ang isang babaeng alkawete. "May napili ka na ba?"

"Gusto ko 'yan," saad niya sabay turo niya sa babaeng sumasayaw.

"Naku, pasensya na po," saad ng babae. "Iba na lang po ang piliin mo."

Nilabas ni Vyn ang limang libo. "Sa 'yo na 'yan basta hanapan mo ako ng paraan para makausap ko siya."

"Pasensya po," parang takot na saad ng babae. "Mas pipiliin ko ang buhay ko kaysa tanggapin ang perang 'yan."

Lalong napaisip si Vyn habang napakunot naman ang kanyang noo. Maraming tanong ang nabuo sa isip at unang-una nito ay ang dahilan kung bakit takot ang alkawete na ma-involve sa babaeng nasa entablado.

"Kakausapin ko lang siya." Nagdagdag ng limang libo si Vyn.

"Hindi po 'yan nakikihalubilo sa amin," saad ng alkawete. "Kahit ako, hindi ko siya nakakausap."

Kinuha ni Dee-vyn ang pera para sana itago ngunit pinigilan ng babae ang kamay niya. "P-Pero, pwede kitang ihatid sa dressing room niya. Hanggang 'yan lang ang pwede kong gawin."

"Sige," matabang niyang sagot.

"Pero huwag mong ipagsabi ang tungkol dito," kinakabahang saad ng alkawete. "Wala pa talagang nakakakilala kay Semira. Dumarating lang siya dito para sumayaw saka manatili sa kanyang silid. Tanging si Daegan lang at si Godfather ang nakakasalamuha niya dito."

"Godfather?" wala sa sarili niyang nasambit.

"Si Godfather ang tunay na may-ari ng club," anas sa kanya ng alkawete. "At tanging si Daegan lang at si Semira ang nakakita sa kanya."

Nakita nilang bumaba na sa entablado si Semira kaya agad siyang tumayo upang sundan ang alkawete. Dumaan sila sa isang dressing room kung saan may maraming mga babaeng abala sa pag-aayos ng mga sarili. Narating nila ang isang kwarto saka pumihit ang alkawete.

"Hanggang dito na lang ako. Ikaw na ang bahalang mamroblema kung paano makapasok sa kwartong ito."

_______________________________

Alam mo bang gabi-gabi kitang inaabangan sa club na 'to? saad ng isang sulat na natanggap ni Semira.

Ibibigay ko ang lahat na gusto mo, pagbigyan mo lang akong makasama ka ng isang gabi, alok ng isang regalo.

Ako na siguro ang pinakamaswerteng lalaki kung mapipili mo akong ka-table ngayong gabi, laman naman ng isang liham na kasama ng isang regalo.

Naaliw siya sa pagbabasa hanggang sa nakarinig siya ng hiyawan sa labas. Alam niya ang protocol kaya agad niyang naisipang dumaan sa kabilang pinto kung saan dito ang daan patungo sa fire exit ngunit bago pa man niya mabuksan ito ay iniluwal na nito ang isang lalaking ngayon lang niya nakitang napadpad sa club. Mabilis siyang pumihit upang sa kabilang pinto dumaan ngunit agad siyang hinawakan ng lalaki sa kanyang palapulsuhan.

"Huwag ka nang magtangkang tumakbo dahil napaligiran na ang buong club."

Alam niyang wala siyang kawala kaya agad siyang napaisip ng sasabihin. "M-Maawa po kayo," pagpapanggap niya bilang karaniwang pananayaw lang, "Naghahanapbuhay lang naman ako dito."

"Sa presinto ka na magpaliwanag."

Kinabahan siya sa narinig niya. Alam niyang ito ang magiging katapusan ng buhay niya kapag mangyari ito.

"S-Sandali," agad siyang nag-isip ng lusot. "Huwag n'yo na lang po akong dalhin sa presinto."

"Ano?!" bulyaw sa kanya ng lalaki.

"S-Sarhento, papaligayahin kita," palusot niya. "Sa bahay mo na lang ako dalhin. Libre na ang serbisyo ko," suhestiyon niya habang iniisip kung paano matakasan ang sitwasyon niya.

"Tsk," paklang napangiti ang sarhento. "Hindi ako pumapatol sa mga babaeng katulad mo!"

"Grabe ka naman." Nagpanggap siyang isang babaeng walang pinag-aralan. "Hindi ka ba nadadala sa alindog ko?"

"Asa ka pang pagnanasahan kita," saad nito. Napangiti si Semira sa sinabi ng sarhento dahil isang hamon ito para sa kanya. "Sa presinto ka na magpaliwanag."

"Sarhento . . ." Kunwari ay isa siyang walang kalaban-laban na babae habang inaaral niya ang kapaligiran. Alam niyang dehado siya kung manlaban siya kaya inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid upang makita kung isa ba sa mga nahuli si Daegan. Hindi niya ito nakita. Marahil ay nakaalis na ito kasama si Jao Min Phong bago pa nagsimula ang raid. Ibig sabihin nito, kailangan niyang gumawa ng sariling deskarte upang makawala sa kapahamakan.

Narating na nila ang labas ng club at nakita niyang sa iisang van lang isinakay ang mga nahuling kababaihan. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Naalala niya ang kwento ng tutor niya sa Chemistry.

Si Divo Rosch, ang unang babaeng itinalagang magiging asawa ni Daegan. Kasing edad lang ito ni Daegan at tulad niya, dumaan din ito sa isang matinding pagsasanay ngunit sa kasamaang palad ay napunta siya sa kamay ng awtoridad. Isang panuntunan, na tanging elite members lang ng Amano-Kai ang nakakaalam, ay ang sinumang Amano-Kai member na mahuli ng awtoridad ay isang matinding paglabag. Kapag mangyari ito, kailangang makawala ang miyembro bago sila mapatawan ng kamatayan.

Sa nangyari kay Divo, kahit siya ang itinuturing na prinsesa ng Amano-Kai noong panahong iyon, ipinataw pa rin ni Godfather ang kamatayan sa kanya at sa kanyang mga kasamahan. Ginagawa ito ni Godfather upang masigurong mananatiling sekreto ang lahat na misyon ng Amano-Kai.

"Sarhento," saad niya nang nakaisip siya ng paraan. "Sasama ako sa 'yo sa presinto, huwag mo lang akong isakay sa van na 'yan."

"At saan naman kita isasakay?" galit na nilingon siya ng sarhento.

"Sa kotse mo na lang ako sasakay," agad niyang suhestiyon habang halata ang takot sa kanyang mga mata.

"Ano ka? Sinuswete?" muling bulyaw sa kanya ng lalaki. "Kung nasanay ka sa special treatment sa club n'yo, puwes, huwag mong asahang magkakaroon ka rin ng special treatment sa 'kin."

Maraming eksena ang naglalaro sa utak niya habang papalapit na sila sa van. Hindi naman tumigil ang mga mata niya sa kakahanap ng lusot upang matakasan niya ang sitwasyon.

"Pare, nabingwit mo pala si star dancer," salubong sa kanila ng isang pulis.

Naramdaman naman niya ang bahagyang pagluwag sa pagkahawak sa kanya kaya nakakuha siya ng tiyempo upang itulak ang sarhento sa kausap nito saka nagmadaling tumakbo palayo.

"Ako na ang bahala sa kanya," saad ni Vyn sa kasama. "Sa presinto na tayo magkita."

Akala ni Semira ay makakalayo na siya ngunit biglang may humarang na sasakyan sa harap niya at nawalan siya ng balanse kaya agad siyang nahuli ng sarhento.

"Pinagod mo ako, ha!" galit na saad ni Sarhento.

"D-Dapat lang 'yan, sarhento," agad niyang sagot. "Para nakapag-warm-up na tayo."

"Huwag ka nang managinip ng gising!" inis na saad ng sarhento. "Hindi isang katulad mo ang ikakama ko!" Mahigpit siya nitong hinawakan saka tinanggal ang isang posas bago siya ipinasok sa sasakyan. Hindi naman niya inakalang ikakabit ang isang posas sa manibela.

Alam niyang nanganganib ang buhay niya kaya ang tanging naisip niyang paraan ay ang magtago sa ilalim ng headboard upang hindi siya makita ng ibang tauhan ni Godfather.

"Bakit ka nakayuko?" tanong ng sarhento nang mapansin siyang nakayuko sa shotgun seat. "Umupo ka—"

BOOM! Isang malakas na pagsabog.

SCREEEEEECCHHH . . . Napasurang-surang ang sasakyan nila at sa hindi niya malamang dahilan, may kakaibang takot siyang nararamdaman. Isang klaseng takot na parang naramdaman na niya dati. Hindi man niya maipaliwanag pero kasabay ng pagdilim ng kanyang paningin ay ang paglitaw ng mga mukha ng mga taong hindi niya kilala pero alam niyang nagkaroon ng malaking parte ng kanyang buhay.

"Daegan," nasambit niya bago niya naipikit ang kanyang mga mata. "Hanapin mo ako."

_______________________________

Tahimik na pinagmasdan ni Vyn ang babaeng nasa kama ng ospital. Mula noong hinimatay ito dahil sa pagkabangga nila, hindi niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito, lalo na't bahagyang naging hysterical ito nang minsang nagising. Nasabi ng doktor na baka nagkaroon ito ng kaunting trauma kaya napagpasyahan niyang ipa-confine muna ito sa ospital.

"Valderama." Pumasok ang kasamahan niyang si Archer Galiza.

"May nakuha ka na bang impormasyon?" Agad siyang tumayo para harapin si Archer.

"Wala akong makitang files tungkol kay Daegan Ross, kahit birth certificate, wala din siya," sagot ng kanyang kausap.

"Eh, itong babaeng 'to." Bahagya siyang tumingin sa gawi ng babae. "Ano'ng nakalap n'yong impormasyon tungkol sa kanya?"

"Maliban sa regular siyang nagtatanghal sa Lucky Seven Club, wala na akong nakalap na impormasyon tungkol sa kanya," saad ng kausap niya. "Wala siyang record, kahit sa NSO, walang nakapangalang Semira Ernistine."

Namaywang siya saka niya nilingon ang babaeng mahimbing pang natutulog. "Wala bang nakakakilala sa kanya?"

"Wala." Tumabi si Archer sa kaibigan. "Baka stage name lang niya ang Semira Ernistine? Baka may iba siyang pangalan?"

"'Yon din ang nasa isip ko," seryosong saad ni Vyn. "Pero ang nakakapagtataka, parang alam niyang may masamang mangyayari sa mga kasamahan niyang sakay sa van."

"Tungkol sa sumabog na van," sabat ni Archer. "Napag-alamang mga tauhan ng Amano-Kai ang nagpasabog nito. Ginamitan ng bazooka at hindi pa sila nakuntento, pinaulanan pa nila ito ng bala."

"Talagang siniguro nilang walang buhay," umiiling na saad ni Vyn.

"Nga pala." Tumapik sa kanya si Archer. "Parating si Chief, mukhang mainit ang ulo."

"Tch! Hayaan mo na 'yon," saad ni Vyn. "Matutuwa rin naman 'yon sa impormasyong ibibigay ko sa kanya."

"Valderama!" Galit na pumasok ang kanilang chief superintendent. "Kumilos ka na naman nang walang pahintulot. 'Di ba, na-warning-an na kita tungkol sa pagsunod ng tamang protocol?"

"Pasensya na, Chief." Napakamot sa batok si Vyn.

"You are taking this case too personal, Valderama," ma-awtoridad na saad ng chief. "Ni hindi ka na nga nagpapasa ng report."

"Ire-report ko naman ang mga nalalaman ko pero siniguro ko munang tama ito," katuwiran ni Vyn.

"Diyan kayo napapahamak," saad ng chief. "Ang kumilos na walang paalam. Ano ang nakalap mong impormasyon?"

"It was confirmed na ang Lucky Seven Club ay isa sa frontline clubs ng Amano-Kai. Sa labas na anyo, maituturing siyang karaniwang club ngunit maliban sa prostitusyon, ang underground activity nito ay ang illegal na pangangalakal ng mga armas, droga, at human trafficking," pagsisiwalat ni Vyn.

"Nalaman ko na rin ang pangalan ng isa sa mga nakilala nilang pinuno," dagdag ni Vyn. "Daegan Ross ang pangalan nito ngunit pinapbackground check ko na siya. Ang nakakapagtataka, wala siyang files kahit sa NSO. Gano'n din ang babaeng ito," saad niya saka tinignan si Semira.

"We're thinking that they are using pseudo names at sadyang itinago ang tunay nilang mga pagkatao. Pinapakunan ko na ng DNA samples ang mga nasa sumabog na van. Wala rin kasi tayong nakikitang records sa mga isinumiteng pangalan nila kaya naisip na baka sa pamamagitan ng DNA samples, malalaman natin ang mga tunay nilang pagkatao. Pero matatagalan pa raw bago natin makuha ang mga resulta ng lab," sabat ni Archer.

"Ano pa ang nalalaman n'yo?" tanong ng chief.

"Napansin naming iniiwasan ng sindikato na may mahuli sa kanilang tauhan. We traced all our records and found out that all our captives either escaped or are slain before they reached our precinct," saad ni Archer.

"Iniiwasan nilang may mahuli tayong buhay para wala tayong ma-interrogate," saad ni Vyn.

"So ang ibig sabihin nito," napatingin ang chief sa babaeng nakahiga sa kama, "posibleng nanganganib ang buhay ng babaeng 'yan."

"That is why I'm recommending that we offer her protection and in return, she will give us information," suhestiyon ni Vyn.

"Siguraduhin mo munang makikipagtulungan siya sa atin," saad ng chief.

"Si Valderama na ang bahala niyan, Chief," pabirong saad ni Archer. "Halatang may gusto ang babaeng 'yan sa kanya. Siya lang kasi ang hinahanap at mukhang siya lang din ang pinagkakatiwalaan."

"Sige, ikaw na ang bahala sa kanya," saad ng chief. "I'm relieving you from this case at mula ngayon, nasa kamay mo na ang kaligtasan ng babaeng ito."

"Chief, huwag naman kayong magbiro ng ganyan," saad ni Vyn. "Asset ako ng team na naka-assign sa kasong 'to. Ako ang may maraming alam tungkol sa Amano-Kai."

"At 'yan din ang dahilan ko kung bakit ikaw ang itatalaga kong magbabantay sa kanya," saad ni Chief. "Nagtitiwala akong kaya mong alamin ang lahat na tungkol sa Amano-Kai sa pamamagitan ng babaeng ito."

"Pero, Ch—"

"That's an order, Valderama!" Hindi pinatapos ng chief ang dapat sanang pagtutol ni Vyn.

Tahimik na inihatid ni Vyn ang kanyang superior sa pintuan ng silid ngunit nang makalabas na sila ng silid, muli itong pumihit upang harapin siya.

"Valderama," malungkot na saad ng chief. "Sampung taon na ang lumipas nang may mga batang babae ang nawawala. Nais kong balikan mo ang kasong ito. May duda ako na may kinalaman ang Amano-Kai sa pagkawala ng mga batang ito. Sa tingin ko may dahilan kung bakit wala tayong makuhang impormasyon tungkol sa babaeng nasa loob."

"Bakit n'yo po nasabi?" tanong ni Vyn.

"Isa sa mga nawalang bata ay ang nag-iisa kong anak na babae," malungkot na sagot ng chief. "Nang makita ko ang babae sa loob, natantya kong kasing edad niya ang anak ko."

"Huwag po kayong mag-alala." Tumayo nang tuwid si Vyn. "Ire-review ko ang kaso at hahanapin ko ang anak mo."

_______________________________

Nakaramdam ng matinding sakit ng ulo si Semira nang mabalik ang kanyang diwa ngunit minabuti niyang manmanan muna ang paligid bago idilat ang kanyang mga mata. Naging tama ang desisyon niya dahil narinig niyang may pumasok sa silid kung saan siya nakahiga. Nagpanggap siyang wala pa ring malay upang mapagtanto niya ang kanyang sitwasyon.

"Eh, itong babaeng 'to." Narinig niya ang isang pamilyar na tinig. "Anong nakalap n'yong impormasyon tungkol sa kanila."

Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang banggitin ng isang pulis ang kanyang pangalan. Ipinagbabawal sa Amano-Kai na malaman ng awtoridad ang kanilang mga pangalan. Kahit siya ang tinaguriang prinsesa ng Amano-Kai, wala pa ring kasiguruhang hindi gagawin ni Godfather sa kanya ang dating pagpaslang na ginawa ni Godfather sa unang babaeng dapat sana'y maging asawa ni Daegan dahil lang sa naging bihag ito ng mga pulis. Mabuti na lang at tanging trabaho niya lang sa Lucky Seven club ang alam ng mga nag-uusap na pulis. Mas lalo pang nawala ang pag-alala niya nang marinig niyang iniisip ng dalawang pulis na baka hindi niya tunay na pangalan ang Semira Ernistine.

"Matutuwa rin naman 'yon sa impormasyong ibibigay ko sa kanya," narinig niyang saad ng sarhento kaya mas lalo niyang itinutok ang atensyon sa dalawang nag-uusap. Kailangan niyang malaman kung ano ang mga alam ng mga ito upang makapagbigay babala siya sa Amano-Kai.

"Valderama!" May ibang taong pumasok sa silid. Sa tinig at tono nito, napagtanto niyang marahil ito ang tinatawag nilang chief. "Kumilos ka na naman ng walang pahintulot. 'Di ba nawarningan na kita tungkol sa pagsunod ng tamang protocol?"

"Pasensya na, Chief."

"You are taking this case too personal, Valderama, ni hindi ka na nga nagpapasa ng report." Mas lalong napukaw ang interes niya nang marinig niya ang saad ng chief.

"It was confirmed na ang Lucky Seven Club ay isa sa frontline clubs ng Amano-Kai."

Kinabahan siya sa narinig niya.

Ano ang alam niya sa Amano-Kai? tanong niya sa isip. Kalahati ng buhay niya ay umikot na sa Amano-Kai kaya ganoon na lang ang pagmamalasakit niya sa grupo.

"Sa labas na anyo, maituturing siyang karaniwang club ngunit maliban sa prostitusyon, ang underground activity nito ay ang illegal na pangangalakal ng mga armas."

Hindi siya makapaniwalang nalaman na pala ng awtoridad ang istilo ng group. Naisip niyang kailangan niyang ipaalam kay Godfather na may nakakaalam na sa kanilang mga lihim na transaksyon.

"Nalaman ko na rin ang pangalan ng isa sa mga nakilala nilang pinuno. Daegan Ross ang pangalan nito ngunit pina-background check ko na siya. Ang nakakapagtataka, wala siyang files kahit sa NSO. Gano'n din ang babaeng ito."

Pinigilan niya ang sariling hindi mag-react nang marinig ang pangalan ni Daegan. Isa lang ang ibig sabihin nito, nanganganib ang buhay ni Daegan dahil nakilala na siya ng pulisya.

Naisip niyang kailangan niyang malaman ang lahat na alam ng sarhento upang mapaghandaan niya ito at mapigil ang paglaganap ng impormasyon. Hindi man niya alam ang tunay na hangarin ni Godfather, handa naman siyang isugal ang sariling buhay para sa taong nagbigay sa kanya ng pangalawang pagkakataong mabuhay.

"Napansin namin na iniiwasan ng sindikato na may mahuli sa kanilang tauhan. We traced all our records and found out that all our captives either escaped or are slain before they reached our precinct."

"Iniiwasan nilang may mahuli tayong buhay para wala tayong ma-interrogate," sagot ng pulis na nasa tabi niya.

"So, ang ibig sabihin nito, posibleng nanganganib ang buhay ng babaeng 'yan," narinig niyang saad ng chief.

"That is why I'm recommending that we offer her protection and in return, she will give us information," narinig niyang suhestiyon ng isang pulis.

"Siguraduhin mo munang makikipagtulungan siya sa atin," saad ng chief.

"Si Valderama na ang bahala niyan, Chief. Halatang may gusto ang babaeng 'yan sa kanya. Siya lang kasi ang hinahanap at mukhang siya lang din ang pinagkakatiwalaan."

Gusto niyang matawa sa narinig niyang saad ng pulis.

Lakas ng bilib sa mga sarili, inis niyang naisip.

"Sige, ikaw na ang bahala sa kanya. I'm relieving you from this case at mula ngayon, nasa kamay mo na ang kaligtasan ng babaeng ito."

Gusto niya sanang tumutol pero nagbago ang isip niya nang marinig niya ang saad ng pulis na magbabantay sa kanya.

"Chief, huwag naman kayong magbiro ng ganyan. Asset ako ng team na naka-assign sa kasong 'to. Ako ang may maraming alam tungkol sa Amano-Kai."

Hindi isang katulad mo ang bubuwag sa Amano-Kai, saad niya sa isip niya. Hindi ka magtatagumpay, not when Semira Ernestine is around.

Narinig niyang palabas na ang chief kaya nagpanggap siyang gigising.

"M-Miss?" tanong ng isang pulis na natira sa silid. "O-Okay ka lang?"

Matamis siyang ngumiti saka mabilis na binasa ang name tag nito na nakasaad na Archer Galiza.

"Nauuhaw ako," malambing niyang saad kay Archer.

"H-Huh?" Natarantang lumingon si Archer sa gilid ng kama kaya lihim siyang napangiti dahil alam niyang apektado ang pulis sa ginawa niya. Hindi naman nagtagal ang pag-abot sa kanya ng isang bottled mineral water.

"Salamat." Sinadya niyang mahawakan ang kamay ni Archer nang tanggapin niya ang tubig saka bahagyang kinagat ang labi.

Alam niyang pinapanood siya ni Archer kaya dahan-dahan lang niyang ininom ang tubig habang hinayaang may ilang butil nito ang kumawala sa gilid ng kanyang labi dahilan para ito ay tumulo sa kanyang leeg. Lihim naman niyang tiningnan si Archer na ngayon ay nakailang lunok na saka dinilaan ang labi.

"Gising ka na pala," walang emosyong saad ng kakapasok na pulis na sa tingin niya ang siyang tinatawag nilang Valderama.

"P-Pare, nauhaw raw siya kaya binigay ko sa kanya ang tubig mo," paliwanag ni Archer sa kasama.

Tinapik ni Valderama si Archer sa balikat saka siya kinausap. "Nahihilo ka pa rin ba?"

Umiling siya. "Hindi na."

"Good," malimit na saad ng pulis. "Lalabas tayo ng ospital ngayon dahil delikadong matunton ka dito."

"Saan tayo pupunta?" tanong niya habang pasimpleng sinilip ang name tag ng kausap. Nakita niyang Dee-vyn Serge Valderama ang pangalan nito.

"Sa ngayon, wala pang naihandang safe house para sa 'yo kaya iuuwi kita sa bahay," paliwanag ni Vyn habang abalang nagliligpit ng gamit mula sa side table.

"Itatanan mo na ako?" pilya niyang nginitian si Vyn.

"Wow, hanep pare!" Natuwang tinapik ni Archer si Vyn. "Tanan agad?"

"Umayos ka nga, Archer!" Inirapan ni Vyn ang kasama. "Mabuti pa'y ayusin mo na ang papeles upang makalabas na kami ng ospital."

"Sige," nakangiting saad ni Archer. "Solohin mo na si Miss Byutipol."

Hindi man niya alam ang lahat ngunit sa kinikilos ni Archer, alam niyang ilang sa mga babae ang naiwang pulis. Lihim siyang napangiti dahil tingin niya ay alam na niya ang kahinaan ng kanyang kalaban.

"Magbihis ka na," utos sa kanya ni Vyn.

"Anong isusuot ko?" tanong niya.

"Natural!" supladong sagot nito. "Damit."

"Oo nga." Inilahad niya ang kanyang kamay sa magkabilang gilid saka yumuko upang matingnan ang sarili. "Alangan namang itong hospital gown ang susuotin ko palabas ng ospital. Tinatanong ko lang naman kung ano susuotin ko dahil hindi ko alam kung saan mo nilagay ang damit ko."

"Tch!" Pumihit si Vyn upang kunin ang damit na nakahanda sa upuan. "Oh 'yan." Nilagay ni Vyn sa gilid ni Semira ang damit.

"Shit!" Agad na napamura si Vyn sabay talikod nang walang pakundangang tinanggal ni Semira ang suot na hospital gown.

"Huwag ka nang magpaka-inosente," saad ni Semira habang kinuha ang kanyang blusa upang isuot ito. "Nakita mo na akong sumayaw na naka-undies lang, ngayon ka pa ba tatalikod?"

"Hindi kita pinanood noong sumayaw ka," inis na sagot ni Vyn.

"Talaga?" Tumaas ang kilay ni Semira habang nakatingin sa likod ni Vyn. "Hindi ka talaga nanood?"

"Hindi ako mahilig manood ng ganoong palabas." Namaywang si Vyn.

"Okay." Nagkibit-balikat si Semira saka nagpatuloy sa pagsuot ng kanyang damit. "Nasaan pala 'yong red undies ko?"

"Anong red?" tanong ni Vyn habang nakatalikod pa rin.

"''Yong suot kong red na undies. Lucky charm ko 'yon, eh," saad ni Semira.

"Wala akong alam sa red undies na 'yan," saad ni Vyn na hindi lumingon kay Semira. "Saka black naman ang suot mo."

"Sinilipan mo ako?" Kunwari ay nagulat si Semira.

"Anong—?" Hindi alam ni Vyn kung paano ipaliwanag ang sasabihin. "Hindi kita sinisilipan. Nakatalikod nga ako, 'di ba?"

"Eh, bakit alam mong itim na undies ang suot ko?" tanong ni Semira.

"Nakalimutan mo bang itim ang suot mo no'ng sumayaw ka na may dalang—" Napahinto si Vyn nang marinig niya ang tawa ni Semira.

"Hindi pala nanood, ha." Tumayo sa gilid ni Vyn si Semira. "Sarhento." Umaktong binaril ni Semira si Vyn sabay sabing. "Huli ka!"

"Tch! Umayos ka nga!" Inis na kinuha ni Vyn ang gamit sa side table. "Alis na tayo."

"After you," nag-salute si Semira. "Sarhento."

Continue Reading

You'll Also Like

102K 3.3K 40
There are some kinds of love that never really die. Kahit gaano kalayo, kahit gaano na katagal ang panahong lumipas ay iyon pa rin ang pag-ibig na bi...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

104K 2.8K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
1.1M 2.6K 8
Marcus Alfonso and Mikaela Salvatore Will you love the one you hate or will you hate the one you love? Hate love? Love hate? We cannot choose the per...
1.1M 84.7K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...