"NABASA KO NA YAN"

By mgahangal

70.5K 1.1K 584

(Isang nakakaaliw at kakaibang story description na magiging dahilan upang mahikayat ka at hindi mapigilan na... More

"NABASA KO NA YAN"
Chapter 1: The Development of Accounting Profession
Chapter 2: MANOK
Chapter 3: Arrozcaldo ni Karen
Chapter 4: Nobody
Chapter 5: AUTOLOADMAX
Chapter 6: Unlimited
Chapter 7: Cinderella
Chapter 8: Remembering Sunday
Chapter 9: ILONG
Chapter 11: Sudoku
Chapter 12: Pinky Promise
Chapter 13: Hatred
Chapter 14: Karne
Chapter 15: The Sims
Chapter 16 part 1: The Party
Chapter 16 part 2: The Overnight
Chapter 17: Not Bad
NABASA KO NA YAN: CHRISTMAS EDITION
Chapter 18: Langgam
Chapter 19: Some Things are better left unsaid.
Chapter 20: Hey, Mr. Cool Cool
Chapter 21: Invisible Ties
Chapter 22: Good Luck
Chapter 23: Love Pollution
Chapter 24: Please Don't Go
Chapter Undefined: Gidaba eskerembojo

Chapter 10: Love Story

1.7K 18 8
By mgahangal

Hey, wanna know some tips from the master? :DD

- Having a conversation with someone and not sure they're interested? Fold your arms. If they do the same, they probably are.

- Kapag nakikipagargue ka sa isang tao at nagsimula kang tumawa, mas lalong silang magagalit sayo. This is a great way para manalo ka sa isang trivial argument. :)

-Applying lemon kuice to freckles fades them, and can even make them disappear!

- May maze? (game or real). touch your hand on the right wall and keep walking like that. you will eventually reach the exit.

- ALWAYS be ten minutes early to everything, no matter what; once it's a habit, you'll never stress about being late again.

I don't always give tips,

but when I do, I make sure, they're not from love quotes. :)))))))

( YEHEY!! TEN CHAPTERS NA! CHEERS! SHARE LANG. LOL)

*** Gusto ko mahaba itong chapter na ito. I dunno. May kachat kasi ako eh. Hahaha. Konek?

And I'm sure you'll relate to this scene:

ON CHAT---

Endless talking......

IN PERSON ---

...Uhmm....

... Awkward.....

I dunno, but i can relate. Often, we gain our confidence through internet and cellphone kasi hindi naman nila tayo makita or maramdaman. Nasasabi natin yung mga gusto natin sabihin sa kanila with ease. Oh sorry, was it confidence? I think, it would be better if i say, we often gain masks and another personality through internet or cellphone.

We can't show our true personality in the internet. Kapag galit ka, anung gagawin mo? CAPS LOCK TO DEATH? ( wag ka magagalit ah. LOL)

Mas panget naman kung magsorry ka sa internet. Oh kaya naman maghayag ka ng nararamdaman mo for another person na tinago for some time. Malay ko ba kung nahack yung account mo or pinanganak ka talaga para mangtrip ng tao. >,<

Panliligaw through internet? Facebook? WHAT THE FUDGE?!

And the worst part is, some people take it seriously! Kapag nasaktan, they'll make a status of how they are very broken and that's where emos are born. (loljk. emo din naman ako minsan)

In any case, do your actions personally. It's is very great having wireless communication. Just don't abuse it.

Malay mo,

In the later years,

May ikasal na through internet? =))

HOW FUN IS THAT?

Really, pero paano kung masira ang social networking sites for atleast two to three days?

Siguro,

makikita mo na ang sikat ng araw,

lalabas ang mga tao sa kalsada,

magkikita kayo ng mga tunay mong kaibigan,

magsasaya kayo..

makakausap mo na yung kachat mo lang dati..

at lastly,

MAKAKALIGO KA NA! YEHEY!! HAHAHA.

Uhhhhhhh.....

uuuggghhh. . . . . . . 

Bakit ba ganito ang buhay? Walang magawa!!

Andaming naglalakad na tao, may mga nagtitinda ng kung anu-ano, may couple, may family at meron din naman, loner. Siyempre, isa na ako dun. HAHAHA!!

Wala akong pasok ngayon, pero binigyan ako ng baon. Kunwari may pasok. HAHAHA. Eh malayo kasi yung school ko sa bahay namin kaya naisipan ko na lang na mamamasyal alone. T.T

Ginagawa ko to every week. Hindi naman kasi five days a week kapag college na. Sayang naman yung allowance kaya pumapasok ako kahit wala. :)) Ansama ko na noh? :P

Hindi ko pa pala nasasabi kung nasaan ako. Uhmm.. nasa mall lang ako. Nakaupo dun sa fountain sa ground floor. May fountain kasi sa ground floor ng mall na to. Dito nagpapahinga yung mga pagod ng kakashopping kasi may foodcourt din sa baba. May mga rides din na pambata at may mini-tiangge na nagtitnda ng mga murang sapatos, cellphone, damit at kung anu-ano pa.

Wala akong ginagawa dun. Inoobserbahan ko lahat ng mapansin kong interesting. Binibilang ko kung ilang minuto bago lumabas yung tubig sa gitna nung fountain kasi patigil-tigl yung paglabas. Nakikita ko yung mga china phone na halos kahawig ng original ng cellphone na tinitinda sa murang halaga. Mahina ang aircon dito. Mas prioritize ng management ng mall yung mga tao sa upper level ng mall. May mga kaninan din naman kasi sa taas. Mahal nga lang.

Kahit sa mall, makikita pa din ang pagkakaiba ng pamumuhay ng isang tao. Nung nasa 2nd floor ako kanina at nagwiwindow shopping, may nakita akong pamilya, mga bata pa yung mga anak nila kaya siguro kahit school days andito sila. Andami nilang dala-dala. Mukhang spoiled ang mga paslit. HAHA.

Tapos nung nandito na ako sa baba, yung katabi kong stall, may bumili na mag-ina. Tumitingin ng laptop. Akala ko silang dalawa lang. Tapos dumating yung mga maliliit na bata kasama yung ama nila. 1...2....3.. WHAT THE FUDGE?! 10? Sampu anak nila? Tapos bibili pa ng cellphone?

Sabi nung ina, "Wala na bang itatawad yan?"

sabi nung tindera, "Nako, iyan na po ang pinakamura dito, kung sa taas ka bibili triple ang presyo niyan."

Hindi naman sa pinangungunahan ko sila, pero bakit nila kailangan bumili ng laptop, eh mukhang malnourished yung mga anak niya...

Bakit ba gusto ng taong sumunod sa uso?

Siguro natural instinct na ng karamihan ito para makasabay sa panahon ngayon.

Siguro, mali lang ako at maykaya naman pala sila.

Siguro nainggit lang sila sa kapitbahay nila kaya gusto din nila makigaya.

Siguro, may tinatago silang yaman at nagpapanggap lang na mahirap.

Siguro, natitimang na sila para bumili ng hindi naman kailangan.

Minsan, nung pauwi na kami ni Karson bigla kaming nagutom. At dahil feel namin ang magfoodtrip. Kahit anong pagkain na nakakabusog pinuntahan namin.

"Tara dun tayo, bente lang ulam at kanin na." sabi ni Karson

"Baka naman konti lang yan."

"Subukan na lang natin."

pumunta na kami sa karinderya, iddescribe ko para sa inyo; maliit, may mga upuan at lamesa na maliit, may mga iba't ibang ulam at maraming kumakain kahit maliit. (puro maliit. eh yun kasi yung napapansin namin) tapos may.....

double door refrigerator?

Da fudge? LOL. 

wait there's more!

meron pang..

LCD TV?

HAHAHAHA. ANG TINDI NETO. XD

Parang ano, hindi bagay. Para saan ba yung lcd tv? para makapanuod yung mga customers on a wide and clear tv. WOW! that is so thoughtful <3

Bakit ba ganun? (dami ko na tanung noh? hindi ba kayo naiinis sa akin? sorry na. mag-isa kaya ako.mahirap kaya)

Sa mga squatters dito sa Pilipinas, may napapansin ba kayo?

Kumpleto yan. HAHA.

Kumpleto sa lahat ng gamit. Kapag nasa labas ka ng bahay nila na gawa sa bubong at sira-sirang sako, pagpasok mo naman... YARI KA... HAHAHA.

Mas marami pang appliances kaysa sa amin eh! Yung iba may antenna pa ng cable! LOL.

Eto kasi yung logic:

-kahit na hindi sa kanila ang lupa, nagtatayo pa din sila ng bahay. at hindi na nakakabalik pa sa kanilang mg probinsiya. bakit nga ba? sabi nga nila...

"Akala nila maganda sa Maynila"

Okay. Sino ba ang may kasalanan? Ako ba ako ba?

.

.

.

Ahhhh. YUNG PAMAHALAAN DAW EH. HAHA.

TAPOS MAGRARALLY SILA AT MAGREREKLAMO.

MAPAPALITAN ANG PANGULO AT THE CYCLE GOES AGAIN AND AGAIN.

.

.

.

.

.

IN THE END, MAHIRAP PA DIN SILA. XDDDDD

Yan ang hirap sa mga Pilipino. PURO REKLAMO. WALA NAMAN GAWA. HAHAHA. (totoo naman diba?)

Hindi naman yumaman si Bill Gates sa lotto eh.

Hindi yumaman si Henry Sy ( owner ng SM, baka hindi mo alam) sa pagpunta sa ibang bansa at magpaalipin sa ibang lahi.

( No offense sa mga OFW, pero this is based on my observations. Kahit na aso ako, hindi lang naman nonsense yung napapansin ko. Peace!)

Life has shortcuts.

But they will NEVER be the best option. :DD

" Kuya, kuya." parang may tumatawag sa akin.

"Kuya, kuya." parang boses ng bata.

"Hmmm?" 

" KUUUUYYYYYAAAAAAA!!!" da fudge? makasigaw tong bata to ah!

"Bakeet? Anong kailangan mo bata?" tanung ko.

"Kuya, nawawala ako." hala, bakit ako nilapitan neto? tapos may luha pa sa kanyang mga mata.

"Err. Teka, kanina ka pa ba nawawala?"

"Opo. Yung kapatid ko po kasi, busy sa pagsshopping kaya naman nakalimutan na niya ako."

"Aba't ang sama naman ng kapatid mo! Ano nga palang pangalan mo?"

"Levi po pangalan ko ko."

"Saan ka nagpunta? Bakit  ka iniwan ng ate mo?"

"Eh kasi po ang bitter niya eh."

Potek. Daming alam ng batang to ah.

"Teka bata,paano mo naman nasabi na bitter ate mo?"

Levi nga po pangalan ko, eh kasi, basta ang chismoso mo naman kuya."

"Aba't?! Hayy... sige sasamahan na lang kita doon sa customer service para maanounce yung pagkawala mo."

"Huwag na kuya, makikita din niya ako."

May topak ata to ah. Paano naman siya makikita sa ganitong mataong lugar?

"Kuya..." sabi nung basta, este Levi.

"Bakit?"

"Naiihi ako eh. Samahan mo naman ako."

"Hmm.. At ngayon naging babysitter mo na ako?"

"Sige na hindi ko na mapigilan ito... samahan mo na po ako."

"Hmmm. Sige na nga tutal wala din naman akong ginagawa dito."

"Yehey!" tapos hinila na niya yung kamay ko.

"Teka alam mo ba kung saan yung CR?"

"Uhh.. hindi po."

"Tara na nga, dito yung CR."

Then, sinamahan ko siya sa CR. Hindi pa niya abo't yung cubicle kaya naman doon sa may bowl umihi. Antagal niya grabe. Tumatae ba ito? Tapos kumakanta pa. Sabagay masarap naman umihi. Pero angtagal na niya grabe!

"Levi hindi ka pa din ba tapos? Tandaan mo hinahanap ka din ng ate mo."

"Paano mo naman nasabi kuya?" ayun nakalabas na siya at inaayos yung zipper.

"Wala lang, feeling ko naman hindi masamang ate yung ate mo."

"Kuya."

"Bakit?"

"Mas marunong ka pa sa akin? Ako mas nakakakilala sa ate ko eh."

"......"

"Kuya! Samahan mo ako!"

"Huh? Saan?"

"Dito! Tara!"

Potek sabi na eh. Hindi ko naman kasi pwedeng iwan yung bata, nung sinamahan ko siyang magCR parang I took the responsibility para sa kanya. At ngayon, nandito kami sa..

Worlds of Fun. YEAH. HAHAHA. Ayokong gumastos ngayong araw na ito kaya hindi ako pumupunta dito every Tuesday. Baka magpalibre pa sa akin 'to.

Caloy 10:13 am

Parang hindi naman.

Travis 10:14pm

Oh. Bigla ka na lang sumusulpot mushroom boy.

Caloy 10:15pm

Baka kasi namimiss na ako ng fans mo eh. Kakagaling ko lang sa World Tour ko.

Travis 10:16pm

What the?! Anung world tour ka diyan? Rock star ka ba?

Caloy 10:17pm

Oo hindi ko lang nasabi sayo kasi sobrang busy mo!

Travis 10:18pm

GRABE NAMAN. Konsensiya lang kita ah. Paano ka naging rock star? Hahaha.

Caloy 10:18pm

Kasalanan mo din ito eh. Nabuo ako dahil sayo abnormal mong pag-iisip tapos ako sisisihin mo? GRABE KA RIN. HAHA.

Travis 10:19pm

Eh bakit naman si Bruno normal na konsensiya ko lang siya? Tapos ikaw, you are over the limits of being my conscience!

Caloy 10:20pm

Says who?

Travis 10:21pm

Says me.

Caloy 10:22pm

Che.

Travis 10:23pm

Tae ka Caloy, susulpot ka lang para makipag-away?

Caloy 10:24pm

Tintulungan lang kita mag-isip tungkol doon sa kasama mong bata.

Travis 10:25pm

Sige, setting aside the world tour thing, ano bang gusto mong sabihin?

Caloy 10:26pm

Haha. Mukhang mayaman si Levi oh.

Travis 10:27pm

Hala, naglabas siya ng 100 pesos at bumili ng ticket. Wow.

Caloy 10:28pm

O kitams. Mukhang okay lang sa kanya ang mawala kasi may pera naman pala siya.

Travis 10:29pm

Pero bata pa din siya. Ang kinakatakot ko eh baka hindi na siya makita ng ate niya.

Caloy 10:30pm 

Nakalimutan mo na ba yung sinabi ni Levi sa'yo kanina?

Travis 10:31pm

Ano yun?

Caloy 10:32pm

Sabi niya, "Tiwala lang." Magtiwala ka lang sa kanya.

Travis 10:33pm

Pero, kasi naman bata lang siya!

Caloy 10:34pm

Huwag mong maliitin ang kahit sino o kahit ano. Minsan kailangan mo lang ibigay ang buo mong tiwala para sa kanyang ikabubuti.

Travis 10:35pm

Parang andrama nung sinabi mo. Pero sige, magtitiwala  na lang ako sa kanya.

Caloy 10:36pm

Ayan! That's the Travis I know. Sige aalis na muna ako. May press conference pa kami mamaya eh.

Travis10:37pm

Whatever Caloy. Whatever. Hahaha.

Caloy is offline.

Hmmm.. Pinapanuod ko lang maglaro yung bata. Mukhang madami din siyang alam sa mga laro dito. Naglaro na siya ng mga video games na nilalaro ko din minsan. Tapos sumakay siya sa parang sasakyan ng gumagalaw kapag nilagayan mo ng pera. Grabe, parang ansaya niya. Parang hindi siya nawawala. Haha!

Bigla siyang pumunta doon sa may basketball. Hindi pa niya abot yung ring dun kaya may naisip ako.

"Levi. Angkas ka sa likod ko." sabi ko sa kanya.

"Okay lang kuya? Baka mabigatan ka sakin."

"Dali na. Okay lang yan. sayang yung token mo oh."

"Yehey!"

Nagshoot na nga siya. Parang ang saya-saya. Haha. Kasi ang saya niya habang nagsshoot siya kahit yung bia hindi pumapasok. Nakailang rounds din kami. Parang gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata, at kung kanina, naiinis ako sa kanya, ngayon parang komportable na ako sa kanya. Haha...

After hours of playing ang laughing, napagod na si Levi. Nakasakay siya sa likod ko. Nakatulog na nga siya eh. Hahaha. Masaya magkaroon ng little brother like him. Natutuwa ako. Hindi ako nabore ngayong araw na ito. Hahaha. :)

Nagpasiya akong bumalik kung saan ko siya nakita para doon magpahinga. Medyo mabigat din si Levi. Pero kayang kaya ko naman! Ako pa! HAHAHA.

Habang papalapit na ako doon sa spot kung saan ko siya makita...

"Kuya, may nakita ka bang maliit na bata na medyo cute at magulo?" tanong nung babae, haha. Kita mo nga naman ang pagkakataon oh! YEAH!!

"Ahhh. Wala eh. Mukhang nahihirapan ka na ata, Lucy."

"Huh? Paanong---- T-travis? Ikaw pala yan! Sorry ha hindi ko napansin, may hinahanap kasi akong bata eh."

"Yung kapatid mo? Siya ba to?" tapos pinakita ko sa kanya si Levi.

"Nakoo. Levi! Andito ka lang pala!"

"Shhhh..... wag ka maingay, tulog na siya."

"Ahh.. okay." sabi ni Lucy.

Umupo muna kami sa fountain, si Levi pinahiga ko sa lap ko. Tapos si Lucy tumabi sa akin.

ALAM MO BA YUNG NARARAMDAMAN KO NUN? GRABE!

MASAYA NA AKO KANINA, TAPOS NGAYON SOBRANG SAYA KO NA!

HAHAHA!!

PWEDENG NANG MAGKAZOMBIE APOCALYPSE NGAYON. :))

At ngayon, parang ang awkward ng situation ko. Hindi ko alam pero parang may kakaiba akong feeling...

"Travis." panimula ni Lucy.

"Oh Bakit?" sagot ko naman.

"Nakulitan ka ba sa kapatid ko? Paano mo nakita si Levi? Bakit naangkas siya sayo?"

"Teka, teka, isa-isa lang ang tanong please?"

"Sorry. Kinabahan lang kasi ako nung nawala siya sa paningin ko."

"Umiyak ka ba?"

"Err.. hindi ah! Okay lang ako. haha"

Yeah. One of the stupidest lies in the world. Fine daw sila oh. :)

"Mukhang close na close kayo ni Levi ah. Kasi kanina, hindi siya natatakot na mawala. Sabi pa nga niya sa akin, magtiwala lang ako."

"Haha. Sinabi niya yun sa'yo? Yep. Very close kami niyan. Kahit malaki yung gap naming dalawa, mas gusto ko siyang kasama  kaysa sa ibang mga kaedad ko."

"Halata nga. Masaya nga siya kasama. Nakakatuwa nga eh."

"Baliw. HIndi ka ba nakulitan diyan?"

"Haha hindi naman! Kayang kaya ko naman siyempre.. teka bakit nga pala nawala si Levi? Sabi niya ang bitter mo daw."

"Ahh yun ba? Uhm..............." hindi siya makapgsalita..ano kaya yun?

"Tara lunch na oh. Ttreat ko kayo ni Levi, pagkagising neto magugutom to." sabi ko na lang.

Pumunta kami sa pinakamalapit ng kainan. Nasa likod ko pa din sa Levi natutulog. Well, what do you think? Sa KFC lang kami kumain. Infinite gravy kasi doon eh. Kaya naman excited na akong kumain. Haha!!

"Oh anong gusto mo?" tanung ko.

"Ahh eh.. ako na bibili. Ikaw na nga yung naabala ko tapos ikaw pa manlilibre."

Siyempre, hindi ako magpapatalo.

"Ako na lang, huwag ka na umangal, maghanap ka na lang ng mauupuan para kay Levi. Hahaha."

"Pero, sige na nga. Ikaw nagsabi niyang ah! Basta ako kahit ano kakainin ko. :)"

"Hahaha. Osige." sabi ko.

Umorder na ako. Kaya naman ng funds ko ang manlibre eh. Haha. Tsaka andito si Lucy. Wala ng dalawang isip pa yun! Hahaha!

Ang dami palang kumakain dito kahit na may pasok yung iba. May magkasintahan. May family. May loner. (HAHA. Hindi na ako Loner!!) Tapos may kuhaan ng straw sa may counter. Kaya kumuha ako... ng madami. Haha! Wala lang gusto ko lang ubusin yung straw nila. LOL.

Nakuha ko na yung order ko, at hinanap si Lucy, ayun! Nakita ko na siya. Mukhang gising na si Levi.

"Kuya! Sabi sayo eh, makikita din niya ako. Haha!" sabi ni Levi,

"Oo na, tama ka na, kaya umupo ka na lang diyan, tapos kumain ka na." sabi ko.

"Nako, Levi umaabuso ka na, magpasalamat ka naman kay Travis."

"Aba ate, kilala mo pala siya? What a coincidence ate! Haha!"

"Oo coincidence nga, kaya magthank you ka na!"

"Maraming salamat po kuya Travis." sabi ni Levi.

"Haha. Walang anuman, pero wala naguguluhan pa din ako. Bakit ka nawala Levi?"

"Ate, sabihin mo na kaya!" sabi ni Levi kay Lucy.

"Kumain muna tayo." sabi ni Lucy.

"Nako, nakita mo lang yung ex mo eh." sabi ni Levi.

"Levi!" tapos tinakpan niya yung bibg ni Levi,

"Ahh.. nakita mo yung ex mo.. and then?" tanung ko.

"Wala lang yun. Nagkita lang kami, nagkamustahan, tapos umalis na siya.

"Hindi yun totoo kuya, nagusap sila ng matagal, kaya naman nabagot na ako at umalis."

"Well, kids don't lie." Sabi ko kay Lucy.

"Hay, oo na po. Eh wala lang naman yun. Kinamusta lang niya ako. Tsaka past is past diba?"

Yung saya ko kanina parang naubos bigla, parang hinigupan ako ng lakas. Grabe. Yun ba yung tinatawag na selos? Aw. Ansakit.

Kumain na muna kami, parang nawalan ako ng lakas doon, kaya naman binuhos ko lahat sa pagkain ko. Hayy... nakakadepress? ewan ko. hindi ko alam. Badterp!

"Bibili lang ako ng extra rice." sabi ni Levi.

"Hindi ka pa busog?" tanung ko.

"Hindi pa eh. Sige bibili na ako."

At umalis na nga siya papunta sa counter.

"Mukhang hindi pa kayo ayos ng ex mo ah." sabi ko kay Lucy.

"Hindi naman sa ganun, friends naman kami, ang awkward nga lang kasi, matagal na kaming hindi nagkakausap."

"May nararamdaman ka pa ba sa kanya?" tsk, bakit ko ba natanung to?

"Wala. Wala na noon pa. Matagal na din yun, kaya nga minsan natatakot na ako eh."

"Natatakot?" tanung ko.

"Oo, natatakot na akong magmahal. Haha. Andrama ko na noh?"

"Hahaha. Medyo lang naman. Pero nakakatuwa kasi nasabi mo sa akin yun."

"Haha. Ikaw kasi masyadong matanong!" nakangiti na siya.

"Nag-aalala lang naman ako sa'yo. Mas maganda kung mailabas mo na agad yan."

"Salamat. Sa totoo lang andami mo ng nagawa sa akin ngayon. Salamat talaga ah."

"Wala yun, ganito talaga ako, kapag espesyal yung tao sa akin."

"Ha?"

"Ahhhhh (anung sinabi ko?) i mean, ano, espesyal, kasi classmate kita tapos close naman tayo diba? Hehe."

"Weird mo. Haha. May gusto nga pala akong sabihin sayo, dapat kanina ko pa to sinabi sayo eh."

"Ha? Ano naman yun?"

"Uhm... kase..."

Dalian mo habang wala pa si Levi! LOL. Ano bang pinagsasabi ko?

Ano bang sasabihin niya? Bakit ko ba kasi nasabi na espesyal siya? Tae ka Travis!!

Antagal naman oh. Nasaan na yung quotation marks? HIndi pa ba siya magsasalita?

.

.

.

.

.

Bakti puro dot nalang? Matatapos na ba tong chapter na 'to? Tae!! Wag muna!

"Uhh.. Travis ok ka lang? Parang nakatulala ka sa hangin." tanong ni Lucy.

"Ahh. Eh wala yun." tae, badtrip kase akala ko matatapos na!

"Ayan, extra rice for everyone!" sumulpot na si Levi.

"Ang yaman mo talagang bata ka ah." sabi ko.

"Haha. Ipon niya yan ginagamit niya. Binibigyan kasi siya ng pera if he is a good boy." sabi ni Lucy.

"And based sa nakikita ko, you're such a good boy after all. Haha." sabi ko.

"Nag-english ka pa kuya. Huwag ka nga magpahawa sa kanya!"

"Hahaha! Galing mo talaga mambara." sabi ko.

Ayaw ng kumain ni Lucy kaya naman binigay na niya kay Levi yung extra rice niya. Ang ganda talaga ni Lucy. Hindi ko alam kung anong masasbi ko. Pero hindi ko maiwasang tumingin sa kanya.. Lagi na lang akong ganito kapag kasama ko siya. Masaya na ko na makausap siya.

Nung natapos na kami kumain, hapon na, medyo nagtagal din kami sa KFC kasi ang daldal ni Levi. Haha. Nakakatuwa.

"Nako, hinahanap na pala tayo ni mommy Levi, we need to go."

"Okay pero magccr muna ako kaya hintayin niyo ako dyan." sabi ni Levi.

"Okay po master." sabi ko.

"Haha. Close na din kayo ni Levi?"

"Oo naman! Nakakatuwa siyang kasama eh."

"Haha. Ang adik mo, yung iba naiinis sa kanya eh."

"Eh iba naman kasi ako sa kanila. Haha! Nga pala, may sasabihin ka sa akin diba kanina?"

"Ahh.. yun? Kasi.."

"Sige sabihin mo lang." oh yeah!! anggaling ko magsingit!

"Okay, sasabihin ko na..."

"Okay.. ano un?"

.

.

.

.

.

ARE YOU KIDDING ME?! -_-

.

.

wag naman oh, niloloko mo ata ako eh. hindi pa naman end ng chapter diba?

.

.

.

okay, okay cut that crap and continue the story!

.

.

.

:))

Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
6.9K 457 18
In which a girl named Sana always receives letters from her obsessed secret admirer but her heart already belongs to someone else- but fate always ha...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...