For The One I Love

By winry_elrick

4.5M 67.4K 6K

When Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved More

All Rights Reserved
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 57
Chapter 56
Chapter 58 (Final Chapter)

Chapter 42

37.2K 967 93
By winry_elrick

Jennifer

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.  Si Faith ba talaga itong dumating at gustong pigilan ang kasal namin ni Dustin?  Bakit siya nandito at paanong buhay pa siya?

Tulad ko ay makikita rin ang labis na pagkagulat sa mukha ng mga bisita.  Nagkatinginan kami ni Dustin at pareho kami ngayong hindi maipinta ang hitsura.  Huminga ako ng malalim upang ihanda ang aking sarili sa isang malaking komprontasyon.  Pero bago ang lahat ay nilapitan ko ang mga magulang ko at nakiusap sa mga ito na ilabas muna ang mga bata.  Nang masiguro kong nakalabas na ng chapel sina Angel at ang iba pa ay nilapitan ko na si Faith. 

"Faith, talaga bang ikaw 'yan?" tanong ko sa kaniya.

"Nagulat ka 'no, hindi ka nagkakamali, Miss Genius.  Ako ito, si Misis Faith Villaverde," sagot niya habang suot ang nakakalokong mga ngiti.  Ngunit nawala rin ang ngiting iyon nang sampalin ko siya.

"Para nga pala 'yan sa ginawa mong pagkalbo sa'kin no'ng high school," mariin kong sabi.  Matapos ang unang sampal ay pinakawalan ko na agad ang ikalawa.  "Para naman 'yan sa ilang beses mong pagtatangka na sirain ang relasyon namin ni Dustin noon."  Dahil sa mga ginawa noon ni Faith ay muntik na silang ma-engaged ni Dustin.  Sa ikatlong pagkakataon ay muli ko siyang sinampal ng malakas.  "At 'yan naman ay para pagpapahiyang ginawa mo sa'kin no'ng wedding reception niyo ni Dustin."  No'ng gabing iyon ay labis na kahihiyan at sakit ang inabot ko sa kamay ni Faith, sa katunayan ay sinampal niya ako noon ng apat na beses.  Ngayon ay oras na upang ibalik ko sa kaniya ang mga sampal na iyon.  Inipon ko ang lahat ng lakas na mayroon ako upang pakawalan ang huli at ikaapat kong sampal sa pagmumukha ng demonyong babae na ito.  "At 'yan..."  Sa puntong ito ay tumulo na ang mga luha sa mata ko, gayonman ay hindi ako nagpatinag at nagpatuloy lang sa pagsasalita.  "Para 'yan sa walong taon na nawalay sa'kin si Dustin dahil sa pagiging makasarili mo!  Alam mo, Faith, hindi ko alam kung saang libro ko hahanapin ang tamang salita na dapat itawag sa'yo.  Makuha mo lang ang lalaking mahal mo ay nakahanda kang manakit ng kapwa.  May ebidensya ka na maaring makatulong na mapawalang sala ako, pero ginamit mo ang ebidensyang 'yon para i-blackmail si Dustin dahil alam mong hindi niya 'ko matitiis.  Kapalit no'ng ebidensya ay pinilit mo siyang pakasalan ka.  Pinakasalan ka niya hindi dahil mahal ka niya, kundi dahil mahal niya 'ko!" 

Halos mapaos ako dahil sa ginawa kong pagsigaw.  Mabait ako pero hindi 'yon dahilan para hindi ako makaramdam ng galit, lalo na sa taong naging dahilan ng pinagdaanan kong pagdurusa.  Ilang saglit pa ay biglang umugong sa buong chapel ang malakas at mapang-asar na pagtawa ni Faith.  

"Tapos ka na ba, Jen?  Kung tapos ka na, baka puwedeng ako naman ang magsalita?  Una sa lahat, tatanungin kita.  Sino ka at sino ako sa buhay ni Dustin?  Genius ka kaya siguradong alam mo ang sagot sa tanong na 'yan.  Well, ako lang naman ang legal na asawa niya!  Kung ako ang legal na asawa, ikaw, ano naman ang tawag sa'yo?  Hindi ko na kailangang hanapin sa libro ang tamang salita na itatawag sa'yo dahil kahit hindi nakapag-aral ay alam kung ano ang tawag sa isang babaeng may relasyon sa lalaking kasal na.  Pero baka hindi mo alam, kaya sasabihin ko na rin.  Alam mo ba, Jen kung ano ka?  Isa ka lang kabet!  Naintindihan mo ba?  Kaya huwag kang magmalaki diyan, dahil kabit ka lang!"  Inangat ni Faith ang kamay niya para sampalin ako pero naharang agad 'yon ni Dustin.

"Hindi ako papayag na saktan at lalo na ang insultuhin mo si Jen!  Kasal nga tayo pero hindi na 'yon magtatagal because I will file an annulment."  Galit na pahayag ni Dustin saka marahas na binitiwan ang kamay ni Faith.

"Anong sabi mo, hihiwalayan mo 'ko?  Dustin, hindi ako nagpakahirap tumakas mula sa impiyernong pinanggalingan ko para lang marinig 'yan.  Hindi mo alam kung anong klaseng paghihirap ang pinagdaanan ko sa loob ng tatlong taon, halos mabaliw na 'ko!  Pero pinilit ko pa ring mabuhay para makauwi at mabuo ulit ang pamilya natin.  Kaya hinding-hindi ako makakapayag sa gusto mong mangyari.  Hindi ako papayag na hiwalayan mo 'ko para sa babaeng 'yan!"  Pagkatapos magsisigaw ni Faith ay bigla niya akong sinugod pero humarang ulit si Dustin kaya hindi niya ako nahawakan man lang.  Kahit inaawat na siya ni Dustin ay hindi pa rin siya tumigil sa pagwawala at pagsasalita ng kung anu-ano laban sa'kin.  Maya-maya pa ay dumating si Freedom na kasama ang naka-uniform pa nitong driver at magkatulong nilang inilabas ng chapel si Faith.

"Beh, okay lang?" nag-aalalang tanong ni Dustin na hindi ko na nasagot dahil nahilo ako at biglang nawalan ng malay.

Continue Reading

You'll Also Like

212K 7.6K 97
Sabi nga nila, marriage will always be far different from dating. Sa dating, puro kilig lang. Sa dating, puro cheesy lines. Sa dating, puro keme. Sa...
1.3M 4 1
Improving yourself is the best revenge to those people who left you... -Yuki_archenemy
68.9K 5.7K 30
Kuwento ng isang makulit na Aristokrata at ng crush na crush niyang Mr. Principal. Latest Book Cover: Coverymyst Image Credits: Jeon Ji-hyun and Lee...
579K 16K 56
He is Ric. No, she is Ric. Ah - he/she - whatever - but meet Ric and the life that tricked everyone. She was saved from death and changed her life in...