The Game of Love

By Aheysu

18.3K 65 38

Love is a game, you just have to play serious. More

The Game of Love
Chapter I "one thousand"
Chapter II "let the game begin!"
Chapter III "the 2 players"
Chapter IV "the secret player"
Chapter V "the one thousand hit secret combo"
Chapter VI "level up!"
Chapter VII "bedtime stories"
Chapter VIII "who's that girl?"
Chapter IX "game difficulty: HARD"
Chapter X "1 on 1"
Chapter XI "emergency kiss"
Chapter XIII "the Laiflirts"
Chapter XIV "a dream of reality"
Chapter XIV "a dream of reality" (part II)
Chapter XV "unknown"
chapter XVI "deja vu"
i'm sorry
Chapter XVII "back to zero"

Chapter XII "Princess over Queen"

871 3 2
By Aheysu

Jiro's POV

first subject pa lang wala na ko sa mood, parang wala ako sa sarili ko, wala akong ganang pumasok ngayon sa school,

dalawang araw ng hindi pumapasok si Hannah, siguro hindi parin sya nakaka'recover ng maayos,

nakaka'tamad palang pumasok kapag absent yung taong gusto mong makita sa school,

gusto ko sanang itanong dun sa Claire and Jayne kung kamusta na si Hannah, kaso nahihiya ako, hindi naman kasi kami close,

parang ang bagal talaga ng oras, pakiramdam ko 5 hours kada subject,

ANG TAGAL MATAPOS EE!

pumunta kaagad ako sa canteen nung lunch break na para kumain,

wala ding akong ganang kumain kahit nagugutom na ko, pero pinilit kong kumain para hindi ako mawalan ng focus sa klase,

burger at strawberry shake na lang yung in'order ko,

naubos ko kaagad yung burger, hinalo-halo ko yung shake tapos sinandal ko yung ulo ko sa table,

lalo kong namimiss si Hannah dahil sa strawberry shake a binili ko,

"hayy!"

NAKAKA'TAMAD TALAGA!

"strawberry shake huh?"

biglang may nagsalita, nilingon ko kung sino,

si Dragon pala,

naka'ngiti sya na parang natutuwa sa strawberry shake na binili ko,

"anong meron sa strawerry shake?" tanong ko kay Dragon,

"aa.. wala naman, may naalala lang ako na may favorite din sa strawberry shake" sabi ni Dragon, naka'ngiti parin sya,

medyo tinagilid ko yun ulo ko habang naka'tingin sa kanya,

T E K A ?

alam din kaya nya na favorite din ni Hannah tong strawberry shake??

L A G O T !

issue na naman to,

"wala na kasing mabili" sagot ko kay Dragon, inayos ko yung buhok ko sa likod tapos tumingin na lang ako sa ibang dereksyon,

"nabalitaan ko pala yung nangyari kay Hannah" napatingin ako kay Dragon dahil sa sinabi nya, tapos umupo din sya sa bakanteng seat sa table ko,

"how is she?" tanong ni Dragon,

"hindi ko alam" sagot ko sa kanya,

"hindi pa ba sya pumapasok?"

"hindi pa"

"mukang wala ka sa mood ha? siguro dahil absent si Hannah"

"puyat lang ako"

"okay, sabi mo ee" sabi ni Dragon tapos nakakatitig lang sya sakin na parang pinapaamin ako,

ano na naman bang problema nya?

"so? what brought you here?" tanong ko sa kanya para maiba na yung usapan,

"nag'message ako sayo sa facebook pero hindi ka parin nagre'reply so I decided na kausapin ka na lang in person" sagot ni Dragon,

oo nga pala, nag'message nga pala sya sakin sa facebook,

"something wrong?" tanong ko ulit sa kanya,

"wala naman, birthday ko na kasi sa saturday, baka gusto mong sirain ulit?" natatawang sagot ni Dragon,

"shut up" medyo asar na sagot ko sa kanya,

"haha, so? you're coming?" tanong ni Dragon,

"hindi"

"bakit hindi??"

"hindi naman kasi ako invited ee,"

"huh!? what am I doing here!? idiot!"

"joke lang," natatawang sagot ko sa kanya,

"ang lakas mo talaga mang'asar!" sabi ni Dragon tapos nag'pout sya,

"here, take this" sabi ni Dragon tapos may inabot sya sakin, kinuha ko tapos binasa, invitation card pala, teka,

debut na pala nya??

"nandyan na lahat ng kailangan mong malaman,"

7pm sa isang 5 star hotel,

"ang aga naman ata?" tanong ko sa kanya,

"ang hirap kasing magpa'book ngmagandang schedule sa isang 5 star hotel ee, yan na yung pinaka pwede," sagot ni Dragon,

"and one more thing pa pala!" sabi ni Dragon

napa'tingin lang ako sa kanya, hinihintay ko syang mag'salita,

"I want you to bring Hannah Flores, okay!? she's going to be your date on my birthday," masayang sabi ni Dragon,

"A N O ! ?" gulat na tanong ko sa kanya,

"I like her so I want you to bring her on my birthday, lagot ka sakin kapag hindi mo sya sinama! do you copy!?" seryoso na sabi ni Dragon,

mukang naka'dragon mode na naman sya ngayon,

"yes mam!" naka'ngiting sagot ko sa kanya,

"thanks Jiro!" sabi ni Dragon, tumayo sya tapos lumapit sakin then hinalikan na naman ako sa cheeks,

singilin ko kaya sya?

nakaka'rami na ee, (-_-")

"bye! alis na ko, thanks ulit!" sabi ni Dragon tapos umalis na,

pano ko naman kaya yayayain si Hannah sa birthday nya??

IBANG KLASE!

bumalik na din ako kaagad sa classroom since malapit ng matapos yung lunch break,

pagtapos ng lahat ng mga klase sa school umuwi kaagad ako, wala kasi talaga akong ganang gumala ngayon,

tapos hindi ko pa alam kung pano ko yayayain si Hannah sa birthday ni Dragon, papayag naman kaya yun? sana pumayag sya, gusto ko din syang makasama,

pero pano?

hindi nga saya pumasok ee, dalawang araw na, baka next week pa sya pumasok ee sa sabado na yung birthday ni Dragon,

teka?

nag'send nga pala ako sa kanya facebook,

binuksan ko kagad yung laptop ko para i'check yung facebook account ko, may isang notification,

Hannah Flores accepted your friend request

YES

tinignan ko kagad sa chat kung online sya, kaso hindi, nung monday pa pala nya inaccept yung friend request ko, hindi na kasi ako masyado nakakapag facebook, naging busy na kasi ako simula nung nag'aral ulit ako,

naisip ko na lang na mag'message kay Hannah,

"thanks sa pag'accept ng friend request, umm.. kamusta ka na? kelan ka ulit papasok?"

ganyan yung message ko kay Hannah,

sinara ko yung laptop ko tapos humiga, 8pm pa lang pero inaantok na ko,

Hannah's POV

(same day)

"oo Jayne, im fine na kaso sabi ni mom sa monday na daw ako pumasok" sagot ko kay Claire,

"okay dear, wala naman tayong mga naging quiz this past few days, puro lessons lang, im sure makakahabol ka din kaagad, bye na, next time na lang ulit tayo magusap para makapag pahinga ka pa ng maayos, I love you" sabi ni Claire sakin

"same to you" sagot ko sa kanya tapos I ended the call, halos araw-araw kung tumawag si Jayne and Claire, alam kong nag aalala lang sila pero im okay na naman ee,

nilapag ko yung phone ko sa kama ko tapos napa'tingin ako kay Strawberry Sundae, kinuha ko ulit sya tapos nakatitig lang ako sa kanya,

naisip ko na naman si Jiro, ano kayang ginagawa nya ngayon? namimiss ko na talaga sya,

nung nag check ako ng facebook account ko last monday tsaka ko lang nalaman na nag'send pala sya saken ng friend request, which means na inignore nya yung nauna kong friend request ko s kanya,

how mean! >.

pero hindi pa kasi kami masyado close nun kaya siguro hindi nya inaccept,

inignore nya tapos magse'send sya ng friend request,

he's acting weird again, whew!

after nung friend request na yung almost every night ko ng inaabangan na mag'online si Jiro pero never syang nag'onlne, hindi pa kasi ako pumapasok since monday kaya inaabangan ko na lang sa facebook si JIro para maka'usap,

tinatamad na ko dito sa room ko, tapos sa monday pa ako pinapapasok ni mom,

im so effing bored here! >.

wait?

gusto ba nya ako maka'usap?

I think so, hindi naman siguro sya magse'send ng friend request sakin kung ayaw nya akong maka'usap di ba?

kaso hindi naman kasi sya nag o'online ee, pano ko sya makaka'usap, hayy

"mam Hannah, 7:30 na po, kumain na po kayo ng dinner para maka'inom na kayo ng mga gamot nyo," sigaw ni yaya sa labas ng room ko,

"okay po yaya, bababa na po ako," I replied,

binalik ko na si Strawberry Sundae sa kinalalagyan nya tapos bumababa na ako sa kitchen para kumain,

"where's Micko yaya?" tanong ko kay Yaya,

"nasa kwarto nya po, hindi pa daw sya nagugutom" sagot ni yaya,

"aa .. okay" mahinang sagot ko,

chicken curry yung ulam, hindi madami yung kinain ko kasi papapak naman ako ng veggy salad mamaya, pagtapos kong kumain ininom ko na lahat ng mga gamot ko tapos kumuha na ko ng veggy salad sa fridge then umupo sa sofa para manood ng TV sa living room,

Glee yung pinanood ko, replay lang yung episode pero pinanood ko parin, maganda naman kasi tsaka hindi nakakasawa,

after kong manood sa TV bumalik na ulit ako sa room ko since almost 10:30pm na,

humiga na kaagad ako sa kama ko by the time na nakarating na ako sa room ko, pero hindi pa ako inaantok since puro tulog ako dito kasi hindi naman ako pumapasok,

so I decided to surf the net,

ang dami na namang friend request galing sa mga strangers, nakaka'pagod din kayang mag'ignore,

"oops!?" may bagong message, i'ts from...

from J-Jiro!?!? 0_0

"thanks sa pag'accept ng friend request, umm.. kamusta ka na? kelan ka ulit papasok?"

yan yung message sakin ni Jiro,

"umm.. im fine na, thanks talaga for saving me, palagi mo na lang akong nililigtas, baka sa monday pa ako maka'pasok ee, why??"

yan naman yun reply ko sa kanya,

iche'check ko naman sana yung myspace account ko nung bigang may nag pop-up sa chat ng facebook,

"bakit sa monday pa!?" it's from..

from J-Jiro!?!?

he's online,

OMG!

anong gagawin ko?

anong sasabihin ko??

bakit ako kinakabahan???

JIro: hey!?

Jiro: still there!?

ay, nakalimutan kong mag'reply, natataranta na kasi ako, someone help me! T.T

Jiro's POV

bigla akong nagising, dahil siguro sa gutom, nakatulog pala ako hindi ko namalayan napapadalas na kasi yung pagpupuyat ko,

10pm na pala,

lumabas na ako sa kwarto ko para pumunta sa kitchen, binuksan ko yung fridge para tignan kung anong pwedeng kainin,

unfortunately,

wala akong nakita,

sa labas na kasi ako palagi kumakain this past few days, kaso wala nga ako sa mood gumala kanina kaya hindi ako nakakain sa labas,

bumili na lang ako ng instant noodles and soda sa 24hours convinience store sa baba ng building ng condo unit ko,

umakyat ulit ako pagtapos kong bumili tapos niluto yung instant noodles tapos kumain na,

dahil kakagising ko lang siguradong mamaya pa ako ulit aantukin nito, kaya nag'surf muna ulit ako sa net, wala sana akong balak mag'facebook this time, manood lang sana ako ng mga vids sa youtube kaso may na'recieve akong message sa facebook, and it's from Hannah Flores,

ang mahiwagang babae,

"umm.. im fine na, thanks talaga for saving me, palagi mo na lang akong nililigtas, baka sa monday pa ako maka'pasok ee, why??"

yan yung message nya sakin, huh!? bakit sa lunes pa? pano na to!?

chineck ko kung online sya,

and

yes she is!

online sya,

"bakit sa monday pa!?" yan yung pang bungad na chat ko sa kanya, pano ko sya kakausapin ng maayos nito?

patay ako kay Dragon nito kapag hindi ko sya nasama,

teka nga!

online naman sa aa? bakit ang tagal nyang magreply??

Jiro: hey!?

JIro: still there!?

bakit ba ang tagal nyang magreply??

Hannah: yeah, sorry, just doing some stuffs,

Jiro: busy ka ba?

Hannah: no, hindi na,

Jiro: masama pa ba pakiramdam mo? bakit sa monday ka pa papasok??

Hannah: nope, hindi na, im okay na, yung kasi sabi ng mom ko ee, sa monday na lang daw ako pumasok,

Jiro: you sure!?

Hannah: yup! thanks! :))))))

Jiro: buti naman, pero.. umm..

Hannah: what?

Jiro: pwede ka ba sa sabado? again?

Hannah: why? anong meron sa sabado?

Jiro: naaalala mo pa ba si Casey?

Hannah: yup! yung new yorker na friend mo, hehe.. why?

Jiro: its her debut kasi sa sabado, we're invited,

Hannah: we're?

Jiro: yeah, we are, isama daw kita, pwede ka ba?

Hannah: wait..

Jiro: P L E A S E ! ?

Hannah: le'methink.. umm.. okay! ^_^

Jiro: I'll pick you at 11am okay?

Hannah: wait!? 11am?

Jiro: yeah

Hannah: ang aga naman ata?

Hannah: it's kinda weird para sa debut right?

jiro: bibili pa tayo ng susuotin mo, tsaka ng gift natin sa kanya,

Hannah: susuotin ko??

Jiro: oo, bawal mini-skirt dun,

Hannah: ewan ko sayo! hmp!

Jiro: just kiddng hehe

Jiro: so, are we good?

Hannah: aa.. yup.. but..

Jiro: but?

Hannah: ang aga parin naman ata?

Jiro: I asked you to come not to complaine

Hannah: okay, sungit! :p

Jiro: bakit gising ka pa?

Hannah: I sleep all day kasi, well, almost, kaya hindi pa ako inaantok,

Hannah: ee ikaw?

Jiro: kakagising ko pa lang

Hannah: ha!? almost 11pm na kakagising mo pa lang?

Jiro: yeah, bawal ba yun?

Hannah: hindi naman, just asking po! hmp!

jiro: hindi naman pala ee..

Hannah: san mo pala ako susunduin?

Jiro: dyan na lang sa inyo,

Hannah: ahh okay, 11am right!?

JIro: Yeah, wag na wag kang male'late OKAY!?

Hannah: opo!

JIro: or else I'll leave you,

Hannah: hindi nga po di ba, SUNGIT! >.

wala na akong maisip na i'reply,

pano to?

Hannah: I miss you Jiro

H U H ! ?

ano daw?? namiss nya ako!? bakit naman kaya? nagco'confess ba sya?

Jiro: sige tulog ka na, wag ka ng mag puyat para mas mabilis kang makapag'recover, night,

Hannah: wait! hindi pa ako inaantok ee!

Jiro: (logged out)

nag log-out na lang ako kasi hindi ko alam kung paano magre'react sa sinabi nya,

hindi ko inaasahang sasabihin nya yun,

I miss you too,

yan sana yung ire'reply ko, pero..

hindi ko lang kayang sabihin pero sa tingin ko yun yung nararadam ko ngayon at masaya akong naka'usap ko sya kasi matagal ka na ding hindi pumapasok,

nato'torpe ako,

D A M N !

Hannah's POV

Jiro: sige tulog ka na, wag ka ng mag puyat para mas mabilis kang makapag'recover, night,

Hannah: wait! hindi pa ako inaantok ee!

Jiro: (loged-out)

loged-out!?

ano kaya yun?

nagu'usap kami tapos bigla na lang syang mag a'out?

what's wrong with him?

dahil kaya sa sinabi ko??

pero yun naman kasi talaga yung totoo ee, namimiss ko na talaga sya ng sobra, pero kung kelan naman kami nagka'usap tsaka naman nya ako iniwan sa ere,

kung hindi lang ako isusumbong ni yaya kay Mommy papasok na ako bukas ee, kaso hindi pwede kasi sasabihin yun ni yaya kay Mom for sure, hayy,

I REALLY MISS MY GUARDIAN ANGEL! >.

Jiro's POV

(saturday morning)

maaga akong umalis sa bahay para sunduin si Hannah sa subdivision nila, mga 10:50am ako naka'rating sa bahay nila, hindi ako lumalabas sa kotse ko, naka'park lang ako sa tapat ng gate nila, lalabas naman siguro sya para hintayin ako di ba? kaya nag'hintay na lang ako, pero..

quarter to 12 na wala parin sya!

W T H ! ?

na play ko na lang ng CD na dala ko dito sa kotse ko pero wala paring sign ng anino ni Hannah, ang mahiwagang babae,

biglang may lumabas sa gate nila Hannah, akala ko sya pero matandang babae yung lumabas,

nasa 40-50 yrs old siguro,

mom ba nya yun?

bakit hindi nya kamuka?

ang layo ng itsura nila, masyadong maganda si Hannah para maging mom nya to,

baka naman adopted lang sya?

who cares,

biglang may kumatok sa window ng kotse ko, isang..

security guard!?!?

WHAT THE F*CK!?

anong ginawa ko?

pinatay ko yung stereo sa car ko tapos binaba kong yung window ng car ko,

"good morning po sir," sabi nung guard tapos humawak sya sa service weapon nya,

"ano bang problema!?" medyo inis na tanong ko sa guard,

"pwede po bang lumabas muna kayo sa kotse nyo? SIR!" utos nung guard sakin,

lumabas ako tapos lumapit yung matandang babae dun sa guard,

"sya yun kuya Bernard, kanina pa naka'park yung kotse nya dito sa tapat ng gate namin, tinanong ko sya kanina kung anong kailangan nya pero hindi sya sumasagot kaya tumawag na ako ng security" sabi nung matandang babae dun sa guard,

huh!? malay ko bang tinanong na nya pala ako kanina, nakikinig ako ng music ee,

"totoo po ba yun sir?" tanong nung guard sakin,

"oo, kanina pa nga ko naka'park dito pero hindi ko napansin na tinatanong na nya pala ako kanina kasi nakikinig ako ng music sa kotse ko," medyo malakas na sagot ko sa guard,

naiinis na talaga ako sa nangyayari, anong akala nila sakin??

magnanakaw?

anak ng tokwa naman oh!

"bakit po ba kayo dito nag'park sa tapat ng Flores residence sir?" tanong ulit nung guard sakin,

"hinihintay ko lang si Hannah Flores na lumabas kasi may lakad kami" sagot ko sa guard,

"huh!? bakit mo naman hinihintay si mam Hannah!?" tanong nung matandang babae sakin,

mam Hannah!?

aa! now I know, maid siguro nila tong babae na to, no wonder kung bakit hindi sila magka'muka ni Hannah,

"kasi nga may lakad kami," sagot ko dun sa maid nila,

"may ID po ba kayo?" tanong nung guard sakin,

ilalabas ko na sana yung driver's license ko pero may biglang tumawag sa pangalan ko,

"KUYA JIROOOOOOO!"

pagtingin ko sa gate nila Hannah si Micko pala,

"teka yaya!!? bakit nandito si kuya Bernard?" tanong ni Micko dun sa yaya nila,

"ito kasing Jiro na to kanina pa naka'park sa tapat ng gate natin, baka magnanakaw kaya tumawag na ako ng security" sagot ng yaya ni Micko sa kanya,

"ANO!?" pikon na tanong ko sa yaya nila, ako magnanakaw! naiinis na talaga ako sa yaya nila,

"ano ka ba yaya! hindi sya magnanakaw! boyfriend sya ni ate Hannah!" sagot ni Micko sa yaya nila,

"boyfriend!?" gulat na tanong nung yaya nila kay Micko,

"oh pano mam, mukang nagkaroon lang tayo ng misunderstanding dito?" sabi nung guard sa yaya nila Micko,

"pasensya na po sa abala sir" sabi naman sakin nung guard, sumakay na sya sa bike nya tapos umalis na,

"tara kuya Jiro pasok ka sa loob laro tayo ng tekken!" sabi sakin ni Micko tapos hinatak na nya ako sa loob ng bahay nila,

"pasensya ka na hijo" sabi nung yaya nila sakin bago kami maka'pasok sa gate nila,

"don't mention it" sagot ko sa kanya,

tama lang naman siguro yung ginawa nya, pero..

ako!?

magnanakaw!?

OH C'MON!

pinaupo kaagad ako ni Micko sa sofa nila sa living room tapos nagmamadaling tumakbo,

"hintayin mo ako dito kuya Jiro! kukunin ko lang yung PS3 sa room ko," sabi ni Micko tapos umalis na,

ang laki pala ng bahay nila Hannah, hatalang sobrang yaman nila, 2 storey house na medyo old western yung style,

"gusto nyo bang gisingin ko si mam Hannah?" tanong sakin nung yaya nila, hindi ko sya napansin kasi umiikot yung mata ko sa loob ng bahay nila Hannah,

ano!? tulog pa si Hannah!?

"aa.. hindi na" sagot ko sa kanya, ang bait nya ngayon aa, kanina lang grabe sya kung pagbintangan ako,

after a while dumating na din si Micko, bitbit-bitbit na nya yung PS3 nya tapos sinet-up na nya sa 47' LCD TV set nila sa living room,

"oh kuya Jiro, eto sayo" sabi ni Micko sakin habang inaabot yung isang joystick sakin,

habang naglalaro kami ni Micko sa living room hinandaan na din kami ng yaya nila ng snack para may kinakain kami habang naglalaro,

mabait naman pala talaga yung yaya, over protected nga lang, OA na nga ee,

teka!?

bakit parang silang tatlo lang dito sa bahay nila? wala ba yung parents nila? well,

who cares,

nakaka'ilang game na din kami ni Micko, at hindi parin sya nananalo sakin,

"hindi mo naman ako tinuturuaan ee! palagi mo na lang akong pinupugo!" sabi ni Micko

-pinupugo means tinatalo ng walang kahirap hirap-

"just watch and learn, pinapakita ko na nga yung mga moves na pang expert lang ee, akala ko ba magaling ka?" medyo natatawang sabi k kay Micko,

sa totoo lang, kung sa edad ni Micko, masasabi kong may talent talaga sya, masyado lang talaga akong magaling para sa kanya,

mga 1:30pm na nun, tulog parin si Hannah, ano ba kasing ginawa nya last night!? bakit tulog parin sya??

"OH EM GIEEEEEEEEEE!!!!!!"

biglang may sumigaw ng napakalakas sa bandang 2nd floor ng bahay nila Hannah kaya natigilan ako sa paglalaro, hindi ako sigurado kung si Hannah yun,

"Y E S S S S ! I beat you kuya Jiro!" sabi ni Micko, pero hindi ko na lang sya pinansin, matatalo talaga ako kung hindi ako lumalaban,

Hannah's POV

(friday night)

bukas na yung birthday ni Casey, im very excited,

I CAN'T SLEEP!

kanina pa akong nagsu'surf sa net hoping that Jiro will be online tonight pero he's not!

almost 2am na nung pinatay ko yung loptop ko tapos humiga,

ano kayang mangyayari sa birthday ni Casey?

ano kayang susuotin ko?

pero sabi ni Jiro bibili daw kami ng damit ko di ba?

anong heels kaya susuotin ko?

anong accesories kaya susuotin ko?

waaaaaaa!!

im freaking out here!

hindi ako maka'tulog, ang daming tumatakbo sa isip ko, someone help me pleaseee! T.T

malapit ng mag 4am, and im still wide awake!

-----------------

-----------------

nagising ako, naka'tulog na pala ako, buti naman, tinignan ko kung anong oras na,

8am pa lang pala, so I decided na matulog ulit saglit kasi inaantok pa ko since late na ako naka'tulog kanina,

----------------

----------------

nagising ulit ako, bumangon ako sa bed ko to check what time it is,

with all my surprise..

"OH EM GIEEEEEEEEEE!!!!!!"

past 1am na!

now Im dead! T.T

nagmadali kaagad akong lumabas ng room ko tapos bumababa to take a quick shower, but..

may nakita akong hindi ko inaasahan,

nasa living room namin si J-Jiro!?

"J-Jiro!?" gulat na gulat na sabi ko with my eyes like this! ====> @_@

kasama nyang naglalaro ng PS3 si Micko, naka'tingin lang sakin ng seryoso si Jiro na parang may lalabas ng laser beam sa mga eyes nya, ganun sya kasama tumingin, oh God, help me please! send me another guardian angel! just kidding! hehe,

hindi parin nagsa'salita si Jiro, nakatitig lang kami sa isa't isa,

"umm.. im s-sorry" sabi ko sa kanya tapos yumuko ako,

"it's okay, bilisan mo na lang" sabi ni Jiro, napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya, sya ba talaga yan?

bakit ang bait nya ata ngayon??

"anong okay!? hindi kaya okay yun, napagkamalan pang house robber si kuya Jiro kakahintay sayo sa labas ng house natin dahil late kang nagising," sabi Micko,

"what!?" gulat na tanong ko kay Micko,

"muntik na syang hulihin ni kuya Bernard dahil sayo! buti na lang dumating ako, ang galing ko talaga," sigaw ni Micko sakin,

napatingin ako kay Jiro dahil sa mga sinabi ni Micko, walang reaction yung face nya, yung literal na Jiro,

"im really sorry" sabi ko kay jiro, napayuko ulit ako pagtapos kong mag'sorry kay Jiro, lalo akong nahihiya sa kanya, pinaghintay ko na nga sya napagkamalan pa syang house robber,

"lalo tayong male'late kung magso'sorry ka lang ng magso'sorry" sabi ni Jiro sakin,

nag'pout lang ako sa kanya dahil sa sinabi nya, hindi mo malaman kung galit ba sya o kung okay lang sya kanya,

ang hirap nya talaga basahin! hayy

"okay, just wait me here! I'll just take a quick shower then we can go na," sabi ko sa kanya, nag nod lang sya saken tapos pumunta na ako sa bathroom para maligo,

pagtapos kong mag'shower nagbihis kagad ako then nagpaalam kay yaya tapos umalis na kami ni Jiro,

"hindi ka pa nagla'lunch nuh?" tanong sakin ni Jiro habang nagda'drive sya,

I just shook my head,

"nagugutom ka na?" tanong nya ulit sakin,

nag nod lang ako sa kanya,

pagdating namin sa mall hindi umiimik si Jiro, dinala nya ako sa isang fine dining restaurant, umupo na kami sa bakanteng table sa loob, may lumapit ng waiter samin tapos kinuha nya yung order namin,

"dalawang wagyu beaf steak tsaka soda and" sabi Jiro sa waiter sabay tingin sakin na parang tinatanong kung anong drinks ang gusto ko,

"aa! umm.. 4 seasons" sabi ko kay jiro, tapos tumingin ulit sya sa waiter,

"and 4 seasons" dugtong pa ni Jiro sa order namin,

wagyu beaf pa talaga inorder nya, sabagay, mayaman naman sya ee,

after a while dumating na yung inoder namin then kumain na kami ni Jiro, buti hindi dalawang spoon gamit nya ngayon, lols

at tulad ng inaasahan..

ANG SARAAAAAAP!!! wagyu beaf ee! napaka juicy and sobrang tender,

tahimik lang na kumakain si Jiro, and? it means that I have to break the ice, again,

"umm.. anong oras ka dumating sa bahay?" tanong ko kay Jiro,

hindi sya sumasagot, tuloy-tuloy lang sya sa pag kain nya,

"hey?" tawag ko kay Jiro,

tumingin sya sakin pero hindi sya umiimik,

"something wrong?" tanong ko ulit sa kanya,

"you know what Hannah?" sabi ni Jiro,

"what?" nagtatakang tanong ko sa kanya,

"I don't ussually talk while im eating, hope you understand" supladong sagot ni Jiro tapos tinuloy na nya yung kinakain nya,

"aa.. okay, im sorry," mahinang sagot ko sa kanya tapos yumuko ako,

ano na naman bang ginawa ko?

bakit active na naman yung barrier nya?? hayy

pagtapos naming kumain, lumapit na yung waiter na kumuha ng order namin kanina tapos binigay na yung bill namin, pagtingin ko kay Jiro, nakahawak sa pocket nya na parang kinakapa-kapa yung wallet nya, tapos nakatitig lang sya sakin,

hindi ulit sya umiimik, basta nakatitig lang sya sakin,

bakit naman kaya??

O M G ! ?

hindi kaya?

naiwan na naman nya yung wallet nya??

"can I talk to your manager?" request ni Jiro dun sa waiter,

"im sorry sir but he's busy right now, he's your bill sir, and you have to pay for this" medyo sarcastic na sabi nung waiter,

"I KNOW YOU IDIOT!" pasigaw na sabi ni Jiro sa waiter,

galit na si Jiro,

ngayon ko lang sya nakitang nagalit ng ganito, im a little bit scared right now,

"umm Jiro, may dala naman akong pera dito, ako muna ang magbabayad," suggest ko kay Jiro,

"N O !" mabilis sa sagot ni Jiro, hatalang very pissed off na sya,

lumapit na samin yung guard ng restaurant,

napapatingin na din samin yung ibang kumakain sa restaurant,

kinakabahan na ako, baka kung anong mangyari,

"anong problema dito sir?" tanong nung guard,

"I just want to talk to the manager of this restaurant!" galit na medyo malakas na sagot ni Jiro,

"tawagin mo na si manager, babantayan ko na lang sila," sabi nung guard sa waiter,

"thank you," maidin sa respond ni Jiro,

naka tingin lang ako kay Jiro, ano kayang balak nya? bakit nya gustong kausapin yung manager?

after a while dumating na yung manager kasama yung waiter,

"ano bang nangyari dito?" tanong nung manager sa waiter,

pero bago pa sumagot yung waiter inunahan na sya ni Jiro magsalita,

"good afternoon Mr.McLaine" bati ni Jiro sa manager,

wait!?

"aa.. ikaw pala Mr.Reyes" sagot nung manager kay Jiro,

don't tell me, kilala ni Jiro yung manager??

"anong bang nangyari Mr.Reyes?" tanong nung manager kay Jiro,

now I know,

pagtingin ko dun sa waiter namumutla na sya sa takot, parang anytime maiihi na sya sa kaba, lols

"nakalimutan ko kasi yung wallet ko, pero tong gung-gong na to pinagmumukang wala akong balak mag'bayad" medyo inis sa sagot ni Jiro sa manager,

"aa.. yun lang ba? no problem Mr.Reyes, you can pay whenever you like" sagot ni nung manager kay Jiro,

ano daw!? pwede syang magbayad kahit kelan nya gusto??

mukang hindi ko pa talaga kilala si Jiro, tsk tsk

"thank you Mr.McLaine" sagot ni Jiro sa manager,

"and you, we'll talk later" sabi nung manager sa waiter, lalong namutla sa takot yung waiter, dapat lang sa kanya yun, ang yabang nya kasi ee! hmp!

"N O !" biglang sabi ni Jiro, kaya napatingin kami sa kanya.

"I want this idiot to be fired right now, ayoko na syang makita ulit sa susunod na kakain ako dito," dugtong pa ni Jiro,

nagulat ako sa sinabi ni Jiro, pero mas nagulat ata yung manager,

hindi naman makapag salita sa takot yung waiter,

"hindi maganda na may ganyang klaseng waiter sa ganitong klaseng restaurant, nakaka'sira ng image" dugtong pa ni JIro,

"well, if that's the case, I think you're right Mr.Reyes," sagot naman nung manager kay Jiro,

what!? ganun lang yung?? ni hindi man lang sya nag oppose sa sinabi ni Jiro?

W O W !

"thank you again Mr.McLaine" sabi ni Jiro sa manager

nag nod lang sa kanya yung manager tapos umalis sya kasama yung mayabang na waiter,

"sorry Hannah, tara na?" tanong sakin ni Jiro, nag'nod lang ako tapos lumabas na kami ng restaurant,

"balik muna tayo sa condo ko, kunin ko lang yung wallet ko," sabi ni Jiro habang naglalakad kami pabalik sa parking lot, hindi sya umiimik, unless tinanong ko sya,

"are you okay Jiro?" tanong ko sa kanya,

"oo naman," nakangiting sagot ni Jiro,

and now he's smiling??

hanep talaga sa mood swing!

"matagal na kasi talaga akong inis sa waiter na yun," dugtong pa ni Jiro,

"matagal na? you mean madalas kang kumain dun?" tanong ko kau Jiro,

"yeah" sagot nya,

"aa okay" I replied,

pagdating namin sa parking lot sumakay na kagad kami sa car nya,

"can I ask you something?" sabi ko kay Jiro,

"ano yun?"

"bakit ka sinunod nung manager kanina?"

"tito ko kasi yung may ari nung restaurant" sagot sakin ni Jiro habang nagda'drive,

"really!?" gulat na tanong ko,

"yeah, pati yung buong mall" dugtong pa nya,

W H A T ! ?

"you serious!? pati yung buong mall!?!?" mas gulat na taong ko,

"oo nga, do I look like im kidding? para ka namang reporter, ang dami mo na namang tanong," sagot ni Jiro,

hindi ko na sya kinausap para hindi na sya lalong mainis, hmp! >.

oo nga pala, Reyes Group of Companies(RGC) nga pala yung may may'ari nung mall na yun, and Reyes yung last name ni Jiro, im pretty sure na pati yung condo unit nya galing din sa tito nya kasi RGC din may ari nun condo tower na yun,

what a rich boy!

wala akong masabi,

"dito ka lang, babalik din kaagad ako" sabi ni Jiro nung nasa parking lot na lami sa condo unit nya, nag nod lang ako sa kanya tapos umalis na sya,

hindi nga sya nagtagal, wala pang 10 minutes naka'balik na kaagad sya, umalis na kami para bumalik ng mall, almost 4am na nung nakarating kami ng mall, dumiretso kami sa isang sikat na bilihan ng mga mamahalin na jewelries,

"you need to help me na pumili ng necklace na magugustuhan ni Casey" sabi sakin ni jiro,

"hindi ka ba muna magbabayad dun sa restaurant" tanong ko kay Jiro,

"okay lang kahit hindi ako magbayad dun," sagot nya sakin,

"huh!? pano naman naging okay yun?" tanong ko sa kanya,

"ako ng bahala dun, tulungan mo na lang ako pumili, okay!?" sagot sya sakin,

"umm.. okay..." sagot ko sa kanya tapos nag'pout ako,

sinimulan na naming pumili ng gift na magugustuhan ni Casey,

I mean, sinimulan ko pala, ee pano ba naman kasi ako lang yung namimili, si Jiro naka'upo lang, hmp!

buti na lang may isang girl staff nung store na nag ga'guide sakin para pumili,

napansin kong may mga babaeng lumalapit kay Jiro, yung iba naman halatang kinikilig kahit nakatingin lang sa kanya, akala ata korean actor sya, hayy

"hey! Jiro! may napili na ko!" sigaw ko kay Jiro tapos lumapit sya sakin,

medyo simple lang yung pinili ko para hindi masyado mahal,

"eto oh, kaso simple lang sya, okay na ba yan sayo?" sabi ko kay Jiro sabay turo dun sa napili ko,

"sige kunin mo na" sagot nya sakin sakin without looking dun sa necklace na napili ko, hmp!

"miss kukunin ko na po to" sabi ko dun sa girl na staff nung store,

"umm.. thank you mam, please wait a while" sabi nung girl staff tapos kumuha na sya ng stacked piece nung necklace,

"here's your necklace mam, it's worth 700,000 pesos" sabi nung girl na staff,

W H A T ! ?

halos hindi ako makapag'react sa sinabi nung staff, tinignan ko lang si Jiro, may nilabas syang card, im not sure kung credit card ba yun o bank account card, binigay nya dun sa girl na staff, chineck nung girl staff yung card tapos she swiped it then binalik na kay Jiro,

"okay na po Sir, thank you please come again," sabi nung girl kay Jiro,

nakakatitig lang ako kay Jiro all this time, 7 hundred thousand bucks yung binili nya right?

he's just an 18 years old teenager and he purchased a 700,000 peso diamond necklace,

isn't amazing?

"oh, ikaw na humawak nito, mauna ka ng lumabas, may gagawin lang ako" sabi sakin ni Jiro, nag nod lang ako sa kanya tapos kinuha ko yung paper bag na lalagyanan nung necklace then lumabas na kong jewelry store,

ano naman kayang gagawin nya sa loob?

after a while lumabas na si Jiro, may hawak hawak na syang isa pang paper bag, bumili ulit sya? para kanino naman kaya yun?

"tara na," sabi sakin ni Jiro tapos nagsimula na syang maglakad kaya sinundan ko na lang sya,

"hey? san ba tayo pupunta?" tanong ko kay Jiro,

"magpapalit na ng damit," mabilis na sagot ni Jiro,

"huh!? ano??" takang takang tanong ko sa kanya,

"sumunod ka na lang," medyo inis na sagot nya, I guess,

bakit ba napapadalas yung pagiging mainitin ng ulo nya?? hmp!

dinala nya ako sa isang beauty salon,

mukang pang mga celebrity tong beauty salon na pinuntahan namin, wala akong masyadong alam sa mga ganitong topic, hindi naman kasi ako masyado mahilig mag'ayos, konting make-up lang and that's it!

"JIRO!!" bati sa kanya nung isang girl stylist sa loob nung beauty salon,

maganda yung girl stylist, short hair, medyo mistisa, nasa 25-30 yrs old na siguro sya,

kilala sya nung stylist na yun? no wonder kung bakit maayos na maayos yung style ng hair nya, dito siguro sa nagpapa'gupit,

nag nod lang si Jiro sa kanya,

"anong gagawin? magpapa'gupit ka ulit?" tanong sa kanya nung stylist,

"hindi ako, sya" sagot nya sa girl sabay turo sakin,

huh!? ako?? @_@

"me!?" gulat na tanong ko kay Jiro habang nakaturo sa sarili ko,

"ow, I see, new girlfriend?" tanong ulit sa kanya nung girl stylist, nag smile lang si jiro sa kanya,

what's that smile for?

pina'upo na ako nung girl para maayusan na nya ako,

"ikaw ng bahala ha, balik na lang ako after 20mins" sabi ni Jiro sa girl stylist tapos umalis sya,

"wait Jiro! san ka pupunta!?" tanong ko sa kanya, pero hindi sya humarap, tinaas lang nya yung right hand nya tapos umalis na ng tuluyan,

suplado! >.

"anong bang event pupunthan nyo ni Jiro?" tanong sakin nung girl stylist,

"umm, debut po," sagot ko kanya,

"ahh, okay, gusto mo ba ng haircut?" tanong ulit sakin ung stylist,

"ay! wag po! ok na po sakin yung ganyan kahaba," sagot ko sa kanay habang nagwe'wave yung kamay ko as a sign of disaproval,

nobody touches my long hair! got it!? GOOD!

"oh sige, ano palang pangalan mo?"

"Hannah po"

"okay, alam mo Hannah, sayang yung ganda mo kung palagi ka lang naka pony-tail, ayos lang siguro kung sa school pero wag naman palagi," sabi nung stylist tapos nag'smile sya sakin,

tama sya, palagi nga akong naka pony-tail, hindi naman kasi talaga ako maarte mag'ayos ee,

tinanggal nya yung tali ko sa buhok tapos shinampoo nya yung hair ko then pinatuyo bago ayusan, simple lang yung style na ginawa nya sa buhok ko pero may dating, halatang professional hair-stylist nga sya, bagsak lang na may konting wave,

after nung hair ko tsaka nya ako nilagyan ng make-up, nakapikit lang ako all the time habang nilalagayan nya ako ng make-up,

"okay, you're ready na Hannah," sabi nya sakin tapos dumilat na ko,

OH

EM

GIE

a-ako ba to?? @_@

grabeng make-over yung ginawa nya sakin pero masasabing kong bagay sya sakin, hindi sya katulad nung make-up ni Sofie na OA ang dating, para na akong contestant sa America's next top model,

naka'smile lang sakin yung stylist nung napatingin ako sa kanya,

"do you like it?" tanong nya habang naka'smile parin,

"o-opo," nauutal na sagot ko sa kanya,

I really cannot believe it,

ako na ba talaga to??

"tara," sabi sakin nung girl stylist,

"san po"

"debut yung pupuntahan nyo di ba?"

"opo"

"hindi naman pwedeng ganyan lang yung suot mo" sabi nya sakin habang hatak hatak nya ako sa kamay,

sabagay, hindi na lang ako nagrekalamo,

"here, ito isuot mo," sabi nya sakin habang may inaabot na pink dress,

pink?

simple lang yung design ng dress pero im pretty sure na mahal sya dahil sa brand,

"ikaw din po ba namili nyan??" takang takang tanong ko kasi saktong pink pa talagakasi yung dress,

"medyo," naka'smile na sagot nya sakin,

"medyo? panong medyo po?" nagtatakang tanong ko ulit sa kanya,

"ako yung namili ng design pero si Jiro namili ng color, nung friday nya binili yan" sabi nung girl stylist tapos tinulak na nya ako sa loob ng dressing booth,

talaga?

si Jiro namili nito?

hindi ko namalayan pero nakasmile na pala ako, I feel very happy,

lumabas na ako pagtapos kong magbihis,

"tapos na kayo?" saktong tanong ni Jiro paglabas ko,

si J-Jiro, OMG!

naka ayos na din sya, naka long sleeves na gray na medyo fited na polo tapos half folded yung sleeves, black na semi-skinny jeans and black leather shoes, naka wax na din yung mahaba nyang hair,

he's so handsome, I SWEAR!

para syang isang prince, and i want to be his princess,

first time ko syang makita na ganun yung attire, palagi na lang kasi naka hoody jacket, jeans and chucks yung porma nya, hindi ko lang alam kung sya yung namili nung attire nya o baka ibang stylist, nagulat talaga ako sa attire nya,

pero mukang mas nagulat sya,

kahit hindi masyado expressive yung facial reaction ni Jiro obvious na nagulat din sya sa kinalabasan nung paga'ayos sakin nung stylist,

lumapit sakin si Jiro, hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan talaga ako,

"isuot m din to" sabi sakin ni Jiro habang inaabot yung paper bag kanina na galing dun sa jewelry shop na pinagbilihan namin ng gift para kay Casey,

binuksan ko para tignan,

. . . . . . .

. . . . . . .

. . . . . . .

isang...

isang set ng diamond accesories!!!!!!

ito siguro yung binili nya kanina kaya nya ako pinaunang lumabas, @_@

"s-sakin to!?" tanong ko kay Jiro,

"oo! bilisan mo male-late na tayo, malayo pa yung venue ng party Casey," medyo inis na naman na sagot nya sakin, ano na naman bang ginawa ko?

sinuot ko na yung MGA binili nya, may necklace na may pendant, beacelet, earings tsaka isang ring,

magkano kaya to? hmmmm..

"thanks Anna, alis na kami" sabi nya dun sa stylist by the time tapos ko ng isuot yung mga alahas,

nag'smile lang and nag'wave samin yung stylist tapos lumabas na kami ng beauty salon ng hindi na naman nagbabayad, tsk tsk

habang naglalakad kami papuntang parking lot napansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya medyo nakayuko ako habang naglalakad, grabe naman kasi yung ayos namin ni Jiro para sa mga pupunta lang ng mall,

"Jiro wait!" tawag ko kay Jiro kasi medyo nauuna na sya sakin, tsaka bitbit-bitbit ko pa yung plastic bag na pinaglagyan nung mga damit na pinagpalitan ko kanina,

humarap sakin si JIro, hindi maganda yung mood nya kung ibabase sa facial expression, lumamit sya sakin, kinuha nya lahat ng mga dala kong gamit tapos,

he hold my hand,

OMG!

ang bilis ng heartbeat ko,

hawak hawak nya yung left hand ko habang naglalakad kami sa mall, sa kanya lang ako nakatingin, parang walang ibang tao akong nakikita habang naglalakad kami,

sa isang bagay lang ako sigurado ngayon,

im really very happy right now,

HHWW

Jiro's POV

ano bang problema ng mga tao dito sa mall? bakit ba nila kami pinagtitinginan? kaasar! binilisan ko na lang yung paglalakad ko para mas mabilis kaming makarating sa parking lot,

"jiro wait!" sigaw ni Hannah,

lumingon ako a likod ko, medyo nahuhuli na pala sya, lumapit ako sa kanya para kunin lahat ng mga bitbit nyang gamit tapos hinawakan ko na sya sa kamay para mapabilis yung paglalakad nya, teka..

okay lang ba sya?

BAKIT SOBRANG LAMIG NG KAMAY NYA??

nung nilingon ko sya nakatulala lang sya sakin habang naglalakad kami,

ano bang nangyayari sa kanya? tss!

nung nakarating na kami sa parking lot pumasok na kami sa loob ng kotse tapos nilagay ko na sa likod lahat ng mga gamit namin,

nung napatingin ako kay Hannah parang wala parin sya sa sarili nya, nakatitig lang sya sa magkahawak nyang mga kamay,

ano ba talagang problema nya?

"are you okay??" tanong ko sa kanya,

"aa.. ee.. y-yeah!" nauutal na sagot nya sakin tapos tumingin sya side window ng kotse,

ano yun??

nagmadali na lang akong magdrive kasi almost 6pm na tapos more than 1 hour drive mula dito yung venue ng debut ni Casey, aabot pa sana kami kaso nagkaroon ng isang malupit na problema,

H E A V Y - T R A F F I C !

lagot na naman ako nito kay Dragon,

20 minutes na kaming hindi gumagalaw,

kaasar talaga,

nung tinignan ko si Hannah mukang bumalik na sya sa sarili nya, dahil siguro sa heavy traffic, binuksan ko na lang yung radio sa kotse para hindi sya ma'bore, baka kasi maingayan lang sya sa mga dala kong CD albums,

now playing: Passenger Seat by Stephen Speaks

"I look at her and have to smile as we go driving for a while"

ayos din anG timing aa!

sabay nanlaki yung mga mata namin dahil sa lyrics nung song, walang umiimik samin ni Hannah habang nagpe'play yung song, parehas lang kaming nakikinig,

"I've got all what I need right here in the passenger seat"

gusto ko sanang ilipat yung radio station kasi parang ano, umm,, kasi aa.. ee..

ewan!

hindi ko na lang nilipat, baka isipan nya affected ako sa lyrics!!!

"and I can't keep my eyes on the road, knowing that she's inches from me,"

ang awkward talaga ng aura dito sa loob ng kotse, parang hindi kami magkakilala ni Hannah, wala talaga kaming imikan hanggang natapos yung kanta, tsk!

after 1 hour and 50 minutes natapos na din yung paghihirap namin sa heavy traffic, may nagbanggaan palang motor cycle, taxi and bus,

mga quarter to 9 na kami nakarating sa venue ng debut party ni Casey,

siguradong bumubuga na ng apoy si Dragon,

Hannah's POV

buti naman nakarating na din kami, halos hindi na ako makahinga kanina sa car nung nag'play yung passenger seat na song, parang sapul sapul kami ni Jiro sa lyrics ee!

mga quarter to 9 na kami nakarating sa venue ng debut party ni Casey,

"una ka na sa loob, sunod na lang ako" sabi sakin ni Jiro habang inaabot yung invatation letter and yung gift namin para kay Casey,

"huh? bakit?" tanong ko sa kanya,

"basta! mauna ka na lang, susunod kaagad ako," sagot ni Jiro,

nag pout lang ako sa kanya tapos pumasok na sa loob, grabe naman yung security ng party nya, ang higpit mag K-9 unit pa,

pagpasok ko sa loob sinalubong kaagad ako ni Casey,

"HANNAAAAAAAH!' malakas na sigaw ni Casey kaya nakita ko kaagad sya, sobrang ganda nya, para syang isang princess sa attire nya, no a queen rather,

"here's our gift pala, ako namili nyan pero Jiro purchased it, sabi kay Casey tapos inabot ko na yung gift namin ni Jiro,

"thanks sweety! im sure maganda to since you choose it," sabi ni Casey tapos she smiled,

"sorry we're late sobrang heavy kasi nung traffic papunta dito ee," sabi ko kay Casey,

"ahh ganun ba? akala ko hindi na kayo pupunta ni.. wait.. where's Jiro??" tanong ni Casey,

"aa.. yun ba? nasa labas, mauna na daw ako sabi nya,"

"huh!? bakit mo iniwan magisa yun??"

"bakit? hindi ko ba syang pwedeng iwan??"

"no, umm, what I mean is takot yung sa aso kaya hindi talaga papasok yung dito sa loob! haha"

"for real!??"

"yeah! takot nga sa Shih Tzu yun ee! sa Rottweiler pa kaya?" natatawang sabi ni Casey,

yung masungit na yun takot sa Shih Tzu?? oh c'mon!?

"just wait me here okay? susunduin ko lang yung duwag na yun," sabi sakin ni Casey, nag nod lang ako sa kanya tapos lumabas na sya para sunduin si JIro,

magisa na lang akong nakaupo sa isang bakanteng table, hindi ganun kadami yung bisita pero puro mga mayayaman lahat, may mga foreigners pa, hanep din sa set-up, halatang pinag gatusan,

"hi miss" bati sakin nung isang guy na lumapit sakin,

"aa.. h-hello" I replied

"bakit magisa ka lang? wala ka bang date?" tanong nya sakin,

"meron, ako! B A K I T ! ?"

nilingon ko kung sino yung nagsalita,

si Jiro pala! @_@

kasama nya si Casey,

seryoso syang nakatingin dun sa guy na kumausap sakin,

medyo tinaas lang nung guy hands nya tapos umalis na,

"how sweet naman" sabi Casey tapos naka'smile,

"shut up," mabilis naman na sagot ni Jiro,

"okay.. okay.. guys bahala na kayo sa food nyo aa! tawagin nyo lang yung waiter, aasikasuhin ko lang muna yung mga friends ko from US" sabi ni Casey, nag smile sya tapos umalis na,

"nagugutom ka na?" tanong sakin ni Jiro,

nag nod ako sa kanya tapos tinawag na nya yung waiter, para umorder ng pagkain namin, pagtapos naming kumain hindi na naman kami nag iimikan ni Jiro,

yung mga ibang tao napapansin kong naka'tingin sakin, hindi ko marinig yung mga sinasabi nila since medyo malakas yung music, pero mukang hindi naman masama yung sinasabi nila about me kasi nag smile naman sila kapag nagkakatinginan kami,

nahihiya na tuloy ako, someone help me! T.T

after a while biglang tumigil yung music tapos may nagsalita sa microphone,

"good evening friends!"

si Casey pala, nabaling sa kanya ang lahat ng attention dun sa hall,

"first of all I would like to thank you guys for coming" cheerful na sinabi ni Casey,

"and also God, my parents and of course, my boyfriend, Lance, I love you baby!" sabi ni Casey tapos nag flying kiss sya sa boyfriend nya then nagpalakpakan kaming lahat,

"umm.. kaya ako nagsalita dito kasi I have this one friend, we're just new friends but I really like her!" sabi ni Casey,

new friend?

her?

kinakabahan na ko aa!

"she is Hannah! she's just right there!" sabi ni Casey sabay turo sakin kaya napatingin lahat sakin ng friends nya,

"please come here sweety!" request sakin ni Casey, kahit na ayoko dahil sa sobrang hiya lumapit parin ako sa kanya, nakakahiya naman kung tatanggi ako, tinititigan nila akong lahat habang naglalakad ako papunta kay Casey sa harap,

"she's very pretty right!? mas maganda pa nga sya sakin ee," sabi ni Casey

"uy Casey, hindi aa!" nahihiya na ako, hindi ako sanay sa mga gaitong klaseng situation,

"it's my birthday right!?" tanong sakin ni Casey,

"yeah.." mabagal na sabi kasi nagtataka ako kung bakit nya tinatanong sakin yun,

"can you do me a favor?" sabi sakin ni Casey,

nakakatitig lang ako sa kanya, ano kayang favor yun? grabe, sobrang bilis na talaga ng heartbeat ko,

"umm.. sure?" sabi ko sa kanya sabay kagat sa lower lip ko,

it's her birthday naman ee, pero kinakabahan na talaga ako,

"can you sing runaway by the Corrs? it's my favorite song kasi ee, and Jiro said to me na you can sing it brillantly" sabi sakin ni Casey, nagulat ako sa sinabi nya,

napatiingin ako kay Jiro, hindi sya nakatingin sakin,

He's guilty! >.

mukang pinagplanuhan nya to aa!

"pleaseeeeeee!!" sabi ulit sakin ni Casey tapos nag smile sya sakin,

ano pa bang magagawa ko? hayy,

"owwwkayyyy" sagot ko kay Casey,

"THANK YOU SWEETY!" sabi ni Casey tapos she hugged me,

"lets give her a round of applause guys!" sabi ni Casey, nagpalakpakan sila tapos iniwan na ko ni Casey then nag play na yung minus one ng runaway,

it's all well planned! >.

"say it's true, there's nothin' like me and you"

unang sentence pa lang nag'react kagad yung mga friends ni Casey,

"wow"

"nice vioce"

"singer ba sya?"

narinig kong sani ng mga friends ni Casey, nung napatingin ako kay Casey naka'smile sya sakin tapos magkahwak yung dalawa nyang kamay tapos napansin nag thank you sya sakin base on her lips movement, si Jiro naman walang reaction na nakikinig sakin,

"I would runaway, I would runaway yeah, I would runaway with you"

nakatingin parin ako kay Jiro habang kumakanta,

" 'cos I have fallin' in love with you, no, im never gonna stop fallin' in love with you"

hindi ko to kinakanta para kay Casey, im singing this for you Jiro, so listen you idiot!

after kong kumanta nagpalakpakan silang lahat except Jiro, hmp!

si Casey naman lumapit kaagad sakin then she hug me soooooo tight!

"thank you so much sweety!' sabi nya sakin tapos napansin kong naluluha sya,

"hey? why are you crying?" tanong ko sa kanya tapos I wipped her tears,

"ang galing mo kasing kumanta ee," sabi nya sakin,

ano namang nakaka iyak dun? but it's okay, masaya na akong napasaya ko si Casey sa birthday nya,

after nung consert ko(joke! hehe) bumalik na ko sa table namin ni Jiro, nagkatinginan kami habang papalapit ako sa table namin tapos medyo nag'smile sya,

after nun wala na naman kaming imikan ni Jiro hanggan matapos yung party ni Casey,

"bye Jiro, bye Hannah!" sabi samin ni Casey nung pauwi na kami,

"happy birthday ulit" I replied,

"thank you talaga Hannah, you made my 18th birthday very special!" maluha-luhang sabi ni Casey sabay hawak sa mga kamay ko,

"naku! ano ka ba, wala yun!" sabi ko sa kanya tapos I smiled at her, itong si Jiro naman wala na namang reaction,

maybe he's on his mute mode right now,

"oh pano Jiro! hatid mo ng maayos si Hannah ha! or else I'll kill you! just kidding! sige, asikasuhin ko pa yung iba kong friends" sabi Casey, binitawan na nya yung kamay ko tapos nag'beso sya sakin then umalis na sya,

"tara na?" tanong sakin ni Jiro,

nag nod lang ako sa kanya tapos pumasok na kami sa loob ng kotse nya,

buong byahe namin pauwi hindi kami nag'usap ni Jiro, ano naman kayang problema nya?? hmp!

pagdating namin sa tapat ng gate ng bahay namin tinanggal ko na yung seat-belt ko, almost midnight na nun,

"sige Jiro, ingat ka pauwi," sabi ko sa kanya pero he didn't react kaya bumaba na lang ako,

may nagawa na naman ba akong mali?? pinakanta na nga nya ako di ba? tapos hindi pa nya ako papasinin?

hayyyyyy.. :(

bago ako makapasok sa gate namin, biglang may humawak sa kamay ko, nung nilingon ko kung sino si...

si J-Jiro pala??

nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa, wala nagsasalita, walang gumagalaw, then he suddenly pulled me tapos niyakap nya ako,

?

?

?

anong nangyayari?? @_@

"thank you Hannah" slowly and sincerely na sabi sakin ni Jiro, ramdam ko yun, hindi ako pwedeng magkamali, seryoso sya,

kaya niyakap ko din sya,

now our hands were around each other, im hugging my guardian angel and he's also hugging me too,

magkayakap kami habang nakasandal yun ulo ko sa kanya, habang inaamoy ko yung pabango nya,

it feels like I can't pull off,

"sige, uwi ka na, gabi na," sabi sakin ni Jiro tapos bumitaw sya sapagkakayakap nya sakin,

nag nod ako tapos nag smile sa kanya,

ayoko na sanang matapos yun kaso hindi naman pwede,

he smiled back at me tapos pumasok na ako sa loob ng bahay namin, kahit si Casey yung may birthday pakiramdam ko mas masaya ako ngayon araw na to, first he held my hand in a public place then he hugged me in the middle of the night,

I love my guardian angel,

I love Jiro,

end of chapter twelve

sorry guys, natagalan na naman ako sa update ko, naging sobrang busy kasi last week dahil sa midterm, hinabaan ko na lang ng soooobra para sulit, hehe, S A L A M A T ! :)

and sorry pala kay missTaken19, wednesday naako nakapag update hindi tuesday, sana hindi ka po nagalit, nagkaroon lang ng technical difficulties, hehe,

next: Chapter XIII "the Laiflirts'

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...