Dahil Alam Ko Na (PS #2)

By misstiaradoll

296K 8K 498

"Maraming namamatay sa maling akala." Love. Hate. Decisions. Complications. Is it real... More

Prologue
Dahil Alam Ko Na
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18 ⭐ CLAY
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26 ⭐ SHAY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
lhaine's note β˜€
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33 ⭐ MIKE
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39 ⭐ BEA
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49 ⭐ AUBREY
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
lhaine's noteβ˜€
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57 ⭐ MIKE
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62 ⭐ CHARD
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70 ⭐ KIM/SHAY
CHAPTER 71 ⭐ ANNE
CHAPTER 72 ⭐ BEA
CHAPTER 73 ⭐ REX
CHAPTER 74 ⭐ MIKE
CHAPTER 75 ⭐ MIKE
Epilogue
Lhaine's Note 🌹
SPECIAL CHAPTER ❀

CHAPTER 54

2.9K 86 31
By misstiaradoll

#54: Tadhana

- - - ¤ - - -

I got suspended.

Kumusta naman ang masuspend sa second to the last day mo ng OJT?

"Kim? What happened? Narinig kong pinatawag ka raw sa office tapos may security pa." Nag-aalalang tanong ni Aubrey habang nakatingin saakin.

Alas tres na at tapos na ang shift namin at sa may main lobby kami nagkita-kita. Hindi na ako nakabalik sa trabaho dahil suspended nga ako. I have no say to what happened dahil malinaw raw sa video plus nakita pa sa bulsa ko 'yung kwintas.

Napakunot ako ng noo.

"Inakusahan siyang nagnakaw ng kwintas ng isang guest. Siya raw kasi ang naglinis sa room tapos nakita rin sa pocket niya 'yung kwintas mismo." Sagot ni Ima sa tanong niya.

"What? Kim wouldn't do such a thing! Plus kaya ngang bilhin nina Kim ang buong hotel na 'to!"

"Oo nga eh. Pero wala raw siyang ebidensya and the evidences all points to her kaya suspended siya tapos 'yun na nga, stain sa record niya." Kita ko ang frustration sa mukha ni Ima kagaya ko at ni Aubrey.

"Actually, I was supposed to be kicked out from the hotel already but the sanction given to me was only suspension since kakilala ko raw ang CEO na si Kuya Seb. Kung guilty man ako, I know na unfair 'yung connection ko na 'yun. But girls, I'm innocent so buti nalang nga." Sabay buntong hininga ko.

"Sino ba 'yung guest na 'yun?" Iritang tanong ni Aubrey.

"'Yung sa CR sa may resto. 'Yung sabi mong bad news." Sagot ko.

"What?! That girl? I knew it! Wala talagang magandang dala 'yung babaeng 'yun. Kung si twin lang ako, I will really pull a prank on her."

"B, naalala mo ba 'yung lumabas ka sa cubicle? May suot ba siyang kwintas 'nun?" I asked her dahil limot ko na kung meron ba. Kasi ang alam ko, suot niya 'yun ng pumasok siya sa CR.

"As far as I remember.. wala. 'Yun nga 'yung napansin kong kulang sa kumikinang na mga abubot niya." Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang reaksyon ko. "Oh my gahd. You mean.."

Tumango ako.

"She framed me up." I concluded.

-

.

"Oppa, kalma ka lang please?"

["Anong kalma? How would you expect me to calm down when my own sister has been accused of thievery?"]

I sighed. Nakarating na nga kay oppa ang nangyari. Marahil si Kuya Seb ang tumawag sa kanya dahil kinausap ako mismo ni kuya kanina. Syempre I told him my side, the truth, and he said na iimbestigahan pa raw ang nangyari. Nakakabagabag ang nangyari pero dahil naniniwala naman sina Kuya Seb na wala akong kinalaman sa kwintas, nakagaan na rin ng loob.

"Oppa, nag-iimbestiga naman na sila. Suspended palang naman ako. Hindi naman ako nakulong. The truth will set me free." I joked to ease the tension pero hindi kumagat si oppa.

["What's the name of that girl who accused you?"]

"Ugh. Oppa, hindi na kailangan"

["No one messes with a Perez. Sebastian needs to get to the bottom of this fast. If you don't want to tell me the girl's name, then I will find it in my power myself."]

Hindi talaga siya maawat eh. Hays, manang mana talaga kay mommy.

"Thank you oppa. Pero sana naman 'wag mo siyang isumpa o ipatapon sa Mars. Baka.. Baka may rason naman siya why she framed me"

["No! Alam ba niya ang expense ng ginawa niya? That girl should learn her lesson. Who knows she might do it again to another victim. I will make sure that she'll learn not to mess most especially with my little sister."]

"Aww oppa, I'm so touched. Mamimiss ko 'yan." Pagdradrama ko. Parang noon lang ng bata pa ako at sinasave niya ako sa mga bully.

["Little sis, even if I'm married, I will still protect you. Kahit pa magkaanak na kami, you will always be my first princess and I will always be your knight in shining armour."]

"Oppa naman, papaiyakin mo naman ako dito eh. Pero seryoso, I don't want you to do anything to her. Let karma do its job. Basta ba maclear ako sa kasalanang hindi ko ginawa, okay na ako 'dun. Let's not make this any bigger, shall we?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

["Alright. You always have a heart even to a bad person, don't you? Wala ka ba talagang balak magmadre?"]

I chuckled. Madre? Saan galing 'yun?

"Pwedeng sadyang mabait lang ako, oppa? Hindi ako magmamadre dahil magkakaanak pa kami ni Mike ng tatlo!"

["What the? Naunahan mo pa kami ni Patty kong magplano ng anak."] Natawa siya ng bahagya. ["Anyway, uuwi ka na ba? Nandyan na ba si Manong Rey? You know, gusto ko ngang ako ang sumundo sa'yo para makausap ko 'yang-"]

"Oopa 'di ba nasa floralist kayo nina Ate Patty? 'Wag na. At saka 'di pa naman ako uuwi eh. Aayusan ko si Aubrey para sa lakad niya mamaya kaya sasabay ako sa kanila ni Audrey. Mamaya, magpapasundo nalang ako."

["Okay. Basta ha? When something else happen, don't forget to tell me. And I'll be asking Seb about the case from time to time. Let us handle this. Just take care sis. Bye."]

"Okay oppa. Love you!"

["Love you too, princess."]

I sighed in relief ng maibaba ko na ang tawag. I knew he would act like this kaya nga hindi ko na muna sinabi hangga't hindi pa nareresolve. Pero Kuya Seb beat me kaya wala na akong magagawa.

Bumalik na ako sa may lobby kung saan naghihintay sina Aubrey at Ima. I'm so thankful rin sa kanila dahil hindi nila ako iniwan the whole time lalo na si Ima. Kahit marami siyang trabaho, hindi niya nakalimytang icomfort ako. And also si Yasmin na pinagtanggol pa ako kanina.

"So, how does it go?" Asked Ima.

"How did your kuya took it?" Tanong ni Aubrey na nakaupo sa kabila ko.

"Hay, he took it like how he tooks it. Ayun, nagalit at balak pa atang ipahunting 'yung si Violet."

"Oh bakit ganyan ang mukha mo? You should be rejoicing, Kim. Your kuya already got your back at siguradong si Mr. CEO rin. Bukas niyan malinis na ang record mo."

"Eh kasi B, ayoko na ng gulo. Nagtataka lang ako kung ano bang naging atraso ko 'dun kay Violet, kung 'yun ba talaga ang pangalan niya. Eh hindi ko naman siya kilala."

"Insecure lang 'yun sa beauty mo, Kim. 'Wag mo ng isipin pa 'yun." Ngumiti si Ima at tumango.

"Ah guys, I need to go na pala. Magreready pa ako sa family affair namin mamaya eh. 'Yung kinwento ko sainyo. Kim, balitaan mo nalang ako, ha? I'm sure magiging okay na rin 'yan sooner." Tumayo na si Ima at sinukbit sa balikat ang sling bag niya.

Tumayo na rin kami ni Aubrey.

"Ah sige Ima. I will update you nalang. Salamat sa pagconsole mo sa'kin kanina. Ingat!" Sabi ko sabay ngiti.

"Bye Ima! See you tomorrow!" Sabi ni Aubrey ng nakangiti kay Ima. Ngumiti si Ima at tumango.

"See you tomorrow!" Kumaway siya saamin bago lumabas ng building.

Humarap saakin si Aubrey.

"Come on. Hintayin natin si twin sa labas. Galing siya sa racing arena kasama sina Colton at LA eh. Nagdare ata ang dalawa para sa kanya." Sabay ngisi ni Aubrey.

"Haba ng hair." Sabi ko sabay tawa namin.

Sabi nga ni Rex.. Smile.. And don't let them get to you. Magkakawrinkles nga lang ako. Kaya mas mabuti pang ngumiti o tumawa nalang kahit may problema.

Hay Rex.. Asan ka ba kasi? Bakit ang hirap mong hanapin? Saan ang.. OMG! I just had an idea ng tumingin ako kay Aubrey.

"Aubrey!" Tumaas ng bahagya ang boses ko. Nagulat nga si Aubrey pero I needed her to answer my question. Bakit ko ba ngayon lang 'to naisip? "Kilala mo ang band manager ng Prizm, 'di ba?"

"Yeah why?"

"Siya! Siya ang sagot sa tanong ko! Pwede natin siyang tanungin kung saan nagsstay ang Prizm!" Nanlaki rin ang mga mata ni Aubrey sa sinabi ko.

"Shoot! Why didn't I think of that? Of course Psyche knows!"

"Psyche?"

"Oo. Psyche Monreal, their manager." Nanlaki pa lalo ang mga mata ko. Then bigla kong napagtagpi-tagpi ang lahat.

Psyche Monreal, band manager, Vibe Records.. tapos.. 'Yung grocery niya..

"Well, I have five huge pigs to feed back at our condo so yes.."

Five. Ibig sabihin, kasali doon si Rex. Tapos ang alam ko ay sa penthouse ng condo ni Alfie si Psyche at mga alaga niya nakatira.

"Are you okay, Kim?" Napatingin ako kay Aubrey at tumango.

"Aubrey, hindi na natin kailangang tanungin si Psyche dahil alam ko na."

"What? But how?"

"Basta, mahabang kwento. Ang kailangan ko nalang ay ang number ni Psyche. Pwede ko bang mahingi?"

"Sure. But wait, kilala mo siya?"

"Oo! Dalawang beses na kaming nagkita sa grocery. Kaya pala may malalaking bouncers 'dun sa condo ni Alfie eh! Sa kanila 'yun!"

"Huh? So you mean"

Peepeep!

"Hoy twin! Kim! Hop in. Bilis!"

Sabay kaming napalingon kay Audrey na nakarating na pala. Sakay siya ng isang pulang Mercedez Benz na convertible at tila nagmamadali. Nakashades pa siya at tank top at nakalugay ang buhok kaya sumisigaw ang kanyang asul na buhok sa dulo. Nagkatinginan kami ni Aubrey at saka naglakad na papunta sa sasakyan.

Hindi ko na kailangang ikumpirma pa 'yun. Dahil sigurado na akong nasa Howards Condominium ang Prizm.. at the penthouse.. plus kasama nila si Rex.

Malapit na.. Malapit na malapit na Rex.

***

.

Mapaglaro rin talaga ang tadhana noh?

May panahong akala mo talo ka na.. 'yun pala umpisa palang panalo ka na dahil naisahan ka lang at wala kang kaalam-alam.

Akala mo hindi kayo ang para isa't isa pero kapag dumating ang panahong handa ka nang sumuko, saka naman may sisibol na isipang may pag-asa pa.

Tapos ngayon.. Akalain mong nasa paligid ko lang pala si Rex. Sa sobrang lapit ay halos mawindang na ako on how come I never had a chance to come across him even once. Ni anino nga niya ay hindi ko nakita man lang sa dalawang malalaking gusali na 'yun. Well, only sa labas lang at hindi na rin naulit pa.

Pero bakit pa ba ako nagtatanong? Of course, si Rex 'yun. Kagaya ni bes Bea, mautak 'yun. Marami siyang alam.. He has a lot in his sleeves at gagawin niya ang lahat 'wag lang magtagpo ang landas namin. Dahil kung gusto niya, edi sana naman noon pa siya bumalik, right? But no. And that makes me think really hard.

Why?

I know kasabwat niya ang buong Prizm lalo na sina Clay at Bench. The look I saw in their eyes when they first saw me a month ago explains why. Alam ko ring naguiguilty sila sa pagtatago saakin ng malaking katotohanan but what can they do? It's a bro code. And I know how sacred that code is to them kaya alam kong wala akong laban.

Pero hindi ako susuko. Isa akong Perez at hindi ako basta-basta sumusuko. At ngayon pa ba ako susuko kung kailan alam kong malapit na ako? They won't outwit me. Just wait and see. Lalaban ako hanggang sa huli.

"Ayos ka lang ba, Baby Boo?"

Naputol ako sa pag-iisip ng magsalita si Mike sa gilid ko. Agad akong napatingin sa kanya at tumango sabay ngiti ng tipid.

Nasa bahay nila ako after kong ayusan si Aubrey sa kanila. Aalis na kasi sila Mike on Monday papuntang US so bonding time na talaga kami to the max. Hay. Tanging si Mico lang ang maiiwan dito dahil si Tita Elaine ay may business conference pala sa Cagayan de Oro. Wala akong alam sa ganyan basta ang alam ko ay shipping line ang business ng family nina tita. 'Yun ang sabi ni Bagyo eh.

Speaking of Bagyo, kailangan ko rin siyang makausap. Hindi ko pa alam 'yung tungkol kay Tamara.

"You sure?" Pag-uulit niya ng tanong. Tumango ako at binalik ang tingin sa TV. Nagmovie marathon pala kami pero lumilipad naman ang isip ko habang nakatingin sa screen. Hindi nalang ako nagpahalata at sana hindi talaga niya ako nahalata. Madali pa naman niya akong mabasa. Si Mike pa ba? Eh kahit ata utot ko ay kilala niya eh.

"Oo naman, Boo. Si Mico pala? Kanina ko pa hindi nakikita eh." Pag-iiba ko ng usapan. At nagtataka rin naman ako kaya natanong ko. Kami lang kasi ang nandito eh bukod sa ilang katulong nila.

Lalong humigpit ang yakap ni Mike saakin dahil sumandal ako sa kanya.

"Out with his friends. He said he'll be home by six." Tumango ako. "By the way, kumusta 'yung kaso? Okay na raw ba? That girl should be punished."

Oh boy. He sounded like oppa.

"Sabi ni oppa sila na raw bahala eh. Malinis naman ang kunsensya ko kaya alam kong lalabas din ang katotohanan. Kalimutan na natin 'yun, Boo."

"Tss. Pasalamat siya mabait ka. Kundi baka pinakulong ko na 'yun. I'm sure Kuya Kyle also wants to punish her. Whatever he wants to do with her, I will definitely support him."

"Aish. 'Wag niyo na ngang isipin pa 'yang punish punish na 'yan. Naniniwala ako sa Law of Karma kaya hayaan na natin." Sabi ko. Ayoko na kasi talaga ng gulo pa. Ang importante ay malinis ang record ko.

Nagpakawala nalang siya ng isang malalim na buntong hininga.

"Alam mo Boo, hindi na nakikipagSkype si Bea sa'min ni Anne. Puro tawag nalang tapos hindi nga kami nagtatagal sa phone eh." Kwento ko ng maalala ko si bes.

"Really? Maybe busy lang siya. Ano bang sinabi niya?"

"Same. Na busy siya sa fashion show tapos pagod na siya para makipag-usap ng matagal. Pero hindi ako naniniwala, Boo. May tinatago siya."

Naghintay ako sa sasabihin niya pero hindi siya nagsalita kaya umupo ako at tumingin sa kanya. Doon ko nakita na tila may malalim siyang iniisip.

"Boo, ayos ka lang ba?" Agad siyang napatingin saakin.

"Huh? Ahh.. Oo." Hinila niya ako pabalik sa mga braso niya pero narinig ko siyang may sinabi ng pabulong. Hindi ko lang naintindihan pero hindi ko na rin tinanong.

We cuddle for a few more minutes. Halos makatulog na nga ako dahil I felt so relaxed in his arms. Hay, if only I can go with him sa US o kaya ay 'wag na siyang tumuloy. Nakakalungkot lang isipin ang isang buwang wala siya.

"Boo, 'wag ka nalang umalis." Hinigpitan ko pa ang yakap ko kay Mike and inamoy ang paborito kong pabango niya.

"I won't go if you insist."

"Hala! Joke lang naman 'yun eh. I mean oo, ayokong umalis ka. Pero para 'to sa future mo kaya I will let you go." Pagdradrama ko habang sinisiksik pa lalo ang ulo ko sa dibdib niya.

"No, it's for our future. But I can tell dad na hindi na muna ako sasama" Marahas akong umiling habang nakayakap pa rin.

"No no no, no need Boo. Ayokong hindi ka sumama dahil lang sa kaartehan ko." I looked at him in the eyes. "You wanna make your dad proud, right? You need this. Basta ba palagi tayong mag-uusap at magsSkype ha? Mamimiss kitang sobra Boo." Sabay yakap ko ulit sa kanya ng mahigpit.

Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim. I know na ayaw niya ring mahiwalay sa'kin pero hindi iyon magandang gawin eh. We have our priorities kaya dapat alam namin kung ano ang dapat gawin. We need to set our priorities straight.

"I will miss you so dαmn much too. Is there really any way we can do to not be away that long? I think it will drive me crazy not being with you that long."

"I think none, Boo. Imagine, longest time natin 'tong hindi magkasama kapag nagkataon. Kasi noon kahit hindi mo ako pinapansin, madalas ka namang kasama nina James at Kirby sa lakad ng barkada 'di ba?"

"Well, let's just say na pinlano ko nga 'yung mga lakad na 'yun."

"Eh?! Ikaw ang nagplano?!" Gulat kong tanong sabay tingin sa kanya. Nakita ko siyang ngumisi.

"Well, mostly. Eh miss na kita eh. Anong magagawa ko? 'Di mo lang alam.." Impit akong napatili.

"Oo, 'di ko lang alam na may stalker pala ako." Sabay tawa ko. Feeling ko naman hindi rin ako stalker? Haha.

"Sino kaya sa'tin ang nagkukunwari pang pusa para makita ang abs ko?"

"Hoy grabe ka naman! Abs talaga? Pwedeng ang hot mo lang kasi talaga kapag pinagpapawisan? At saka nakajersey ka pa kaya habang naglalaro!" Angal ko sabay hampas ng mahina sa dibdib niya. Kinulong niya ang dalawa kong kamay at tumawa siya ng malakas.

"So you admit I'm hot? Kahit pa noon?" He has this sexy smirk that makes him even more hotter! Jusko! Naka-off ba ang aircon? Bakit ang init naman dito? Eh nakasleeveless pa nga ako eh.

"Oo naman! Lalo na ngayon. Tingnan mo oh, ang init na dito Boo. Kaya lumayu-layo ka naman muna sa'kin at naiinitan ako." Sabay tayo ko at lalayo sana pero hinigit niya ang bewang ko kaya napaupo ako sa lap niya at napapulupot ang braso ko sa leeg niya.

Shemay! Lalong uminit ang paligid! Help! Mga bumbero!

"Oops! Remember you're all mine tonight 'til the next day?"

Inilayo ko ang mukha ko at bumaba ako mula sa pakakakandong niya at umupo sa tabi niya. Hay, salamat naman at hindi na niya ako pinigilan pa. Mahihimatay na ako sa kilig eh! Hmp!

"Oo na, Boo. Pero pakibawasan ang pagpapakilig ha? Mamimiss ko lang 'yan lalo kapag wala ka na eh." Sabay nguso ko.

"Alright." Sabay ngiti niya ng malapad. "But.." Kinuha niya ang kamay ko at hinila papunta sa kanya. Niyakap niya ulit ako and I embraced him too. "Stay in my arms for now. We still have hours to spare before this day ends. Dito ka na rin magdinner."

Natawa ako. Ang sweet naman kasi eh. Hmp.

"Eh Boo, pano kung dumating na si Mico? Nakakahiya naman kung abutan niya tayong ganito." Nakakahiya pa rin noh. Kahit pa hug lang 'to, ang intimate pa rin tingnan.

"Hayaan mo siya. Para magkagirlfriend na rin 'yun. Allergic ata sa babae eh."

"Oo nga Boo! Sayang ng genes niyo noh. Ang gwapo pa naman ng kapatid mong 'yun." Parang si Storm lang eh. Napangiti ako ng may pumasok na ideya sa isip ko. "Painggitin natin siya, Boo. Para magsail na ang ship kong MayCo!" Ano kaya kung papuntahin rin namin dito si Mayen?

"Hindi ka pa rin talaga tumitigil sa kanila ni Mayen. Do you really think they'll like each other? Kabaliktaran ang nakikita ng lahat eh."

"Boo, sa umpisa lang 'yan. Mahuhulog rin sila sa isa't isa. Remember us?"

"Pero iba ang kaso nilang dalawa. Can't you see how they wanna rip each other's throat when they bet on something?"

"I believe in the saying.. 'The more you hate, the more you love.' Sila ang perfect example. You'll see Boo-Ay!" Napatalon ako ng may nagring. Nasa may center table iyon at cellphone ko pala dahil umiilaw ito.

I got my phone and read the message.

From: Bagyo
Where are you? Call me. I have something to tell you.

"Sinong Bagyo?"

Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng magsalita si Mike. Shems! Nabasa niya kaya?

Malamang Kim, nakatingin siya di ba?

"A-Ah.. Si Storm. Ano, pinsan ni Ate Patty tapos asawa ng kaibigan ni oppa ang ate niya. Partner ko rin siya sa kasal ni oppa. 'Di ba sinabi ko na sa'yong nameet ko na ang partner ko sa kasal. Siya 'to, Boo."

"Why is he asking where you are?" May nakita akong dumaan sa mga mata niyang emosyon pero agad namang nawala. Basta alam kong hindi maganda iyon. "At anong sasabihin niya? I never knew you two were in texting or calling terms. Gano na ba kayo kaclose?"

Hindi agad ako nakapagsalita. Takte naman kasi si Bagyo at wrong timing magtext! Ano na ngayon ang sasabihin ko?

Isip Kim, isip!

"Boo, kasi.. nagkasama na kami with his sister eh. Tapos ayun, hiningi niya 'yung number ko. May ano.. tinanong kasi ako sa kanya kaya nagkakausap kami. Tapos tinutulungan pa niya ako hanggang ngayon kaya ayun." Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Hindi naman ako nagsinungaling aside sa paghingi niya ng number ko. Pero naglilihim pa rin ako sa kanya and that hurts.

Nagkasalubong ang mga kilay niya.

"Help about what? Why are you asking his help? I can help you with everything and you know that."

Apparently not everything, Mike.

Yumuko ako at bumuntong hininga.

"Remember what I told you sa may park? Sabi ko, hindi ko pa masasabi sa ngayon, Boo. Inaayos ko pa.. and in order to do that, I needed his help." Sabi ko. Sinalubong ko ang naguguluhan niyang mga mata.

"But why do you need his help? Anong kaya niyang gawin na hindi ko kaya?" Bakas ang frustration sa boses niya.

"Hindi naman sa ganon 'yun, Boo. Hindi pa kasi talaga ngayon ang tamang panahon para malaman mo ang tungkol sa kung ano man 'yun. Please, malapit na. I assure you, masasabi ko na rin sa'yo. Baka nga bago ka umalis, masasabi ko na. Just please?" I pleaded. Nakipagtitigan siya bago nagpakawala ng malalim na hininga.

I think that's a sigh in defeat.

I know how frustrating it is to know that someone you love is hiding something from you. But what choice do I have? It's for the best.

Hay.. Kailan ba aayon ang tadhana sa'kin?

-

.

Hinatid na ako sa bahay ni Mike ng alas otso na. Soon na nga ako nagdinner pero bukas, balak kong sa bahay naman namin siya tapos ipagluluto ko siya ng paborito niyang kaldereta ala Kim. Syempre pati sina Marky, Ate Patty at Dylan ay papatikim ko rin ang specialty ko. Exciting!

Narinig ko na ang sasakyan ni Mike na papalayo at papasok na sana ako sa bahay ng magring ang phone ko. It was a text from Bagyo.

From: Bagyo
Come back outside. I'm here.

Eh? Si Bagyo! Oo nga pala, hindi ko siya nareplyan kanina. Kaya naman dali-dali akong lumabas ng gate namin at sinabi sa guard na may kikitain lang ako sa labas ng gate.

Nagulat ako dahil walang big bike kundi isang Camaro na itim sa labas ng gate namin. I know cars dahil kina Mike at Kirby kaya alam ko ito. Nakasandal siya sa sasakyan niya at nakapamulsa. Naka V-neck shirt lang siyang puti at dark pants. Suot niya ang kanyang kwintas na may singsing as pendant. Pareho iyon kulay silver at pansin kong palagi niyang suot 'yun.

"Bagyo! Anong ginagawa mo dito? At in fairness ah, level up ka na. Hindi na nakakamatay na big bike. I like this better."

"My bike's in the auto shop kaya ito ang gamit ko ngayon. Haven't used this for two months now."

"Eh? Ano bang nangyari sa bike mo?"

"Mission." Simple niyang sagot.

"Ahh. Classified na naman noh?" Ngumiti siya at alam ko na ang sagot. "So, may sasabihin ka? Pasensya na pala kanina. Kasama ko kasi boyfriend ko kaya nakalimutan ko nang magreply. Hindi ka na rin nagtext ulit eh."

"I figured that out actually kaya hindi na ako nagtext ulit."

"Ano? Alam mo kung nasaan ako?"

"Yeah. Your GPS is on so I was able to easily track you down, kitten."

"Creepy stalker." Sabay belat ko sa kanya. Tumawa siya at natawa rin ako.

"Adorable kitten." Sabi niya sabay ngisi. Ngumuso ako. Ayan na naman siya sa kitten niya na 'yan.

"Anyway, I'm here to tell you about Tamara." Nagbago ang ihip ng hangin at naging seryoso ako ng marinig ko ang pangalang 'yun.

"Anong balita? Nasaan siya ngayon? Spain pa rin ba?" Sunod-sunod kong tanong.

"I've found some records na nasa Davao siya ngayon. She's with her dad pero sa tingin ko ay nagbabakasyon lang siya dito."

"Ano? So nandito na siya sa Pilipinas? May balak kaya siyang bumalik dito sa ciudad? Kailangan ko siyang makausap tungkol kay Rex dahil malinaw na hindi niya napatay si Rex. I wanna know everything!" Naalala ko pa 'yung confession ni Tamara sa ginawa niyang pagtulak kay Rex mula sa rooftop. Kung hindi, ano 'yung sinabi ni Tamara? Naghahallucinate lang ba siya that time? Lasing lang?

"Easy, kitten. You'll know everything.. pero hindi pa ngayon. I still need to gather some information to know everything accurately. Besides, I think hinahanap ka na sa bahay niyo. Get some rest."

Humalukipkip ako.

"Tinataboy mo na ba ako?"

"Hindi ba obvious?" Sabay ngisi niya.

"Eh may sasabihin pa ako eh!" Ginaya niya ako at humalukipkip rin siya, naghihintay ng sasabihin ko. "Pwede mo bang alamin ang schedule ni Psyche bukas? Bukas ko na isasakatuparan ang plano ko." Lalong lumaki ang ngisi niya and it turned to a grin.

Nasabi ko na kasi kanina 'yun eh ng nakay Aubrey ako. Hiningi ko na ang number ni Psyche kay Aubrey pero mas maganda kasi kung personal. That way, pwede ko pa siyang sundan kung umayaw siya.

Who knows kasabwat rin siya nila.

"Ang rami mo ng pinapagawa ah. Mahal na ang bayad mo sa'kin nito." Ngumuso ako.

"Oo na. Akala ko ba naman tinutulungan mo ako dahil may likas kang kabaitan."

Tumawa siya bigla sa sinabi ko.

"I was just kidding. But you know, a treat always sounds nice." Sabay kindat niya.

"Oo na nga. Bibilhan kita ng isang galong ice cream. I bet enough na 'yun para sa'yo?"

"I think sa'yo, enough 'yun. Ikaw ang mukhang ice cream sa'tin eh. But an ice cream will do for a hot weather." He winked. Mukhang ice cream? Pati ba naman siya? Pano naman ako mukhang ice cream eh wala namang mukha ang ice cream?

"So okay na ha? Bukas.. Operation: Make Psyche Bring Me to Their Unit." Sabi ko in a game-on face.

"That's a very weird case name, you know."

"'Wag ka ng umangal. Basta bukas ha?"

"Oo na. Will just send you the info." Ngumiti ako at hindi ko na napigilang yakapin siya.

"Thank you Bagyo!" Ramdam ko ang paninigas niya sa bigla kong pagyakap. Agad naman akong kumalas. "Sige ha? Pasok na 'ko. Goodnight Bagyo!"

Kumaway ako sa kanya habang naglalakad papuntang gate. Nakita ko siyang nakabalik sa huwisyo at tumango saakin sabay ngumisi. Napangiti ako ng malapad ng makapasok na ako sa gate.

You never know what tomorrow will bring. But there's just one thing I'm sure about..

Na makikita ko na si Rex at malalaman ko na kung ano ang dahilan niya sa paglayo.

***

.

"Hay, last day na natin ngayon. Better make the most out of it." Sabi ko the next day.

Nasa CR na naman kami before we go to have our lunch. Inalis ko muna sa isip ko ang maaaring mangyari mamaya at nagfocus muna ako sa trabaho. Tutal, everything was okay na. I'm cleared na!

"Buti nalang mga at napasawalang sala ako just in time. Imagine kung magkakastain ang records ko dahil lang sa frame-up. Hay, buti nalang at kilala ako ni Kuya Seb. Napaamin nila ni oppa 'yung si Violet na hindi ko 'yun ninakaw pero hindi naman sinabi kung bakit niyaEh? Ano bang problema niyo?"

Kanina pa 'to pero hindi ko na muna pinansin at baka antok lang sila or what. Pero parang may iba eh. At halata na ngayon. Ang awkward ng atmosphere eh.

"Aubrey, Ima? Did something happened last night?" Kasi kahapon bago kami maghiwalay ay maayos pa sila eh. Ano kayang nangyari sa date with Key's family ni Aubrey at family dinner nina Ima? Pareho sila walang imik eh.

Ima looked blank, her look when she's pissed, nagtatampo or frustrated. Si Ima naman ay hindi makatingin saamin ng diretso like she's avoiding something. Ano ba 'to?

"Oh something really happened. Nakakagulat talaga, Kim." Sabi ni Aubrey sabay tingin kay Ima. Nag-iwas naman ng tingin si Ima, looking guilty.

"Eh ano ba 'yun?"

"Why don't you ask Ima, Kim." Tumingin ako kay Ima na may pagtatanong.

"Ima?"

She pursed her lips.

"Okay. I'm say it na. I'm Ima Hagiwara, Kim." Alam ko. So? "I'm the sister of Key Hagiwara." Ah, 'yun lang naman pala eh. Kapatid siya ni—

"What?!"

"Finally." Murmured Aubrey sabay halukipkip.

"Sorry! Hindi ko kasi masabi because I have reasons."

"Pero alam mo namang kakilala na namin si Key, 'di ba? We're part of their concert tour at si Kim, friends siya ng mga kabanda ni Key. You can tell us! Hindi naman kami isa sa mga crazy fans nila eh. You should've trusted us!"

"But you don't understand, Aubrey. I have reasons just like you for hiding your relationship with my brother." Asik ni Ima. Doon napatahimik si Aubrey. I just listened. "I just.. I don't wanna be the little sister of a famous rockstar. Ayokong mabuhay sa anino ni kuya. I love my brother but I hate it when people use me to get to him. Na napapansin lang nila ako dahil sa kanya. Na pinaplastic lang nila ako just to get his number, his picture, his autograph.. I'm sick of it!"

"Kaya ka lumipat ng school?" I suddenly asked ng mapagtagpi-tagpi ako ang pangyayari. Kaya pala siya lumipat sa alanganing panahon. Kaya pala siya aloof sa tao. Kaya pala mas ginusto niya pang maging outcast kesa pagkaguluhan ng dahil lang sa connection niya sa kapatid.

She nodded.

"I don't wanna hide things from you since we became friends, trust me. Pero palaging bumabalik sa isip ko ang mga nangyari for the past years. I got scared kahit wala namang basehan. Naisip kong wala namang nakakaalam at nasimulan ko na so I better just play with it. I'm so sorry girls." May tumakas na luha sa mata niya. I suddenly got teary lalo na ng may tumulo pang isa.

"Ima.." Niyakap ko si Ima. "Ima, naiintindihan kita. 'Wag ka ng umiyak. Naipit ka lang. And your intention's not bad naman so I forgive you. We all have our reasons for lying. A lie is a lie but sometimes, we have to forgive for the right reason. At pinapatawad kita for the right one. Tahan na." Humagulhol na siya at niyakap pa ako lalo.

"Thank.. you, Kim." Hinagod ko ang likod niya. Ramdam ko ang dinadala niya at alam kong mabigat ito. Like I always have when I lie. Alam kong may ibang dahilan pa siya sa pagtatago ng identity niya sa tao but I won't pry. Nandito lang ako para makinig.

Tiningnan ko ng makahulugan si Aubrey. Mabait naman si Aubrey kaya alam kong matatauhan rin siya. She just hates being fooled dahil marami na siyang karanasan sa ganon. Ginamit pa siya ng kakambal niya to fool other people kaya naiintindihan ko rin ang pinagdaraanan niya.

We both have our issues but we should always not let them get through us. We're better than that. We should learn from it.

Kumalas ako sa yakap at pinahid ko ang mga luha ni Ima gamit ang mga kamay ko. I never thought na may mabigat pala siyang pinagdaraanan.

"I forgive you too." Sabay kaming napalingon kay Aubrey. She cracked a smile and opened her arms and Ima jumped at her and crushed into her. Nakisali na rin ako at nakiyakap sa kanila. Natawa kaming tatlo sa eksena lalo na ng may biglang pumasok na staff.

Finally, buo na ulit ang IT Girls—Intercontinental Trio Girls. Bago pa man kami magkahiwa-hiwalay na.

***

.

From: Bagyo
Vibe Records 4PM Conference Room 6th floor. She's in QC now and will be back tom.

Aba, kumpleto ah. Ibang klase talaga 'tong si Bagyo. Agent Romanoff lang ang peg.

I quickly replied.

To: Bagyo
Hindi mo na ako sasamahan? :(

Nakangiti akong naghintay sa reply niya. Nang-aasar lang ako pero ako lang ang naasar sa reply niya.

From: Bagyo
Pwede. My big bike's fixed anyway. Wanna ride with me again, kitten? ;)

Mabilis pa sa alas cuatro akong nagreply.

To: Bagyo
Neknek mo! >:P

From: Bagyo
What's neknek?

I burst out laughing. Inglesero kasi eh. Calix and ZG lang eh. Matripan nga.

To: Bagyo
That's tagalog for neck. Neknek. So neknek mo means 'your neck'. You just have to say it twice.

Walang kwenta ang sinabi ko pero natawa pa rin ako. Excited kong binasa ang sagot niya.

From: Bagyo
What the? I thought leeg was the tagalog of neck? And what does my neck has to do with you riding my bike?

To: Bagyo
Sorry, classified.

Natawa na naman ako. Nababaliw na ata ako. eh. Blame this guy!

From: Bagyo
You're making fun of me, kitten.

To: Bagyo
Glad you know ;)

At natawa na naman ako. Hay nako, tama na nga 'to at kailangan ko pang mag-isip ng plano pagpunta ko sa Vibe to see Psyche. And eventually, to see Rex.

I turned on my laptop that night. Binuksan ko ang facebook account kong matagal ko ng hindi naoopen. I wanna look for Rex' account. So I typed his name, or new name: Frey Anderson. Timofrey Rex Watson sounds better. Hay.

Pero walang account na lumabas. Puro ibang tao. Of course, ano pa bang aasahan ko? Isa lang naman akong desperadong tao na hindi na nakakapag-isip ng maayos. Ugh. I need to come up with a plan tomorrow.

First, I need to cancel pala our date ni Mike kung itutuloy ko 'to. Hay, shame. Second, kailangan kong umarte para mapaniwala si Psyche. I just hope she doesn't know about Rex and I. Sana talaga because if yes, I will have to ask for Bagyo's help again. Hihiram ako ng tracker chip niya!

Napabalik ako sa huwisyo ng may nagpop sa screen. May nagmessage pala. Ang dami ko ng notifs at friend requests pero hindi ko pinansin. I checked the message at—Hennie?

Hennie Castillo 8:00PM
Ate Kim! Add me now na!

Si Hennie ba talaga 'to?

I checked her account at siya nga! May account na siya? Agad kong ni-click ang friend requests at hinanap ang pangalan niya. I needed to scroll down para lang makita ang pangalan ni Hennie and finally, nakita ko na at agad kong pinindot ang Accept.

She's just six and she already have an account. Kids these days nga naman.

Then an idea popped in my mind. I grinned.

Finally umaayon na ang tadhana sa'kin.

• ♡ •

A/N:

Ima Hagiwara is Ayami Nakajo. So pretty, right? ♡♡♡

Unedited TTHL. Finally nakaupdate rin. Ayoko na talaga. Huhu. Ayoko ng magsulat nito haha! Gusto ko na sa book 3! I wanna be in Kish' mind more. Nasimulan ko na kasi *wink*. Push pa more para matapos na 'to!

The BIG REVEAL on the next chapter! Thank gahd.

Comment and vote to support! ⭐

Laters :*

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
2.3M 67.8K 75
NOTE: The King's trilogy is still unpolished. Please forgive me for being too lazy to edit this work of mine and please accept my gratitude for readi...
1.2M 18.7K 91
For Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao...