Fire and Ice (Revamping)

By forgottenglimmer

828K 18.1K 4.6K

Symphony of Frost and Flame. Fire and Ice. NOTICE: There will be no new chapters until Ber-months! Just reupl... More

NOTICE!
Prologue (July 01, 2013)
Chapter 01 - Be My Servant (July 02, 2013)
Chapter 02 - She's my girlfriend (July 14, 2013)
Chapter 04 - Jellyfish under the Rain (August 18, 2013)
Chapter 05 - Love Jeep (September 01, 2013)
Chapter 06 - Taro Leaf Princess (September 15, 2013)
Chapter 07- Sexbomb (September 29, 2013)
Chapter 08 - The Prophecy (March 14, 2015)
Chapter 09 - Flowers and Proteins (March 15, 2015)
Chapter 10 - Future Mother of the Nation (March 18, 2015)
Chapter 11 - Plucking of Maidens (March 21, 2015)
Chapter 12 - His 19th Royal Nameday (March 29, 2015)

Chapter 03 - Stray cat (July 28, 2013)

45.1K 1.3K 294
By forgottenglimmer

Chapter 03 - Stray cat

"Mom..." halos walang boses si Juliya habang kinakausap ang babae na pinagaksayahan niya ng pera para sa overseas call. Wala naman yun sa kanya. Ang mahalaga eh malaman nito agad ang mga pangyayari.

"I. am. Busy. Siguraduhin mong what you'll say will be worth my precious time sweetheart."May steadfastness sa boses ng ina nagpakaba sa kanya. Alam niyang ayaw nitong marinig ang sasabihin niya. Pero alam niya ring mas lalo siyang malalagot kung hindi niya agad ito sasabihin dahil malalaman at malalaman din nito ang lahat.

"He is..." She trailed off. "...seeing someone."

"WHAT!?" Alam niyang naintindihan agad siya ng ina kahit hindi siya magsabi ng pangalan. "Why? Sino? Hindi pwedeng mangyari yun!"

"Well mom, it happened."

"That's what I'm telling you, Juliya Alona!" Napalayo ng kaunti si Juliya mula sa receiver ng phone niya nang biglang lumakas ng todo ang boses ng ina.

"Tell me what did I drill in your brain?! Ang sabi ko kasi sa'yo hwag ka nang umalis! Ano naman ngayon kung may pinagsamahan kayo ng kapatid niya. You and the crown prince should be end game no matter what! O kahit umuwi ka na lang sana agad! Sabi ko sa'yo, don't waste time loitering around! What did you do? Eh di ngayon—"

"Mommy naman! Alam mo naman kung anong meron kami ni Fire!" gusto niyang sumigaw pero naalala niyang nasa loob pa rin siya ng fine dining resto.

"Kung anong meron kayo ng kapatid niya, wala na 'yun ngayon. You know that this Fire Jasper already knew who you chose." matigas na sabi ng mommy niya.

"This Fire Jasper is also a prince, mom." Pinaalalahan niya ang nanay niya.

"Whatever. Besides, nung nag-18th birthday ang kapatid niya, sinabi mo na sa kay Fire na si Ice ang gusto mo. Hindi ba?"

"Mommy!! Hindi ko sinabi sa kanya! Nakita niyang--"

"Gawan mo ng paraan 'yan! Above and beyond, ipinaalam ko na naman sa lolo mo ang sitwasyon. They can arrange your wedding earlier. Si Ice ang mas matanda kaya siya ang crown prince. Don't settle for less, sweetheart."

Ilang saglit pa. Wala na siyang kausap. Tinignan niya na lang ang glass of wine sa harap niya. Iniisip niya kung dapat ba isang bote na ng table wine ang inorder niya.

Don't settle for less.

Yun ang palaging sinasabi ng nanay niya. Don't. settle. For. Less.

Whatever that means, sumusunod na lang si Juliya. Tama naman ang mommy niya palagi eh. Sa sobrang daming kamalian na nagawa niya sa buhay niya, her mom just proves na tama ito palagi. 

Childhood friends sila ni Fire. Na minsan umabot na rin sa pagiging more than friends ang turingan nila. No words. Pero alam nilang nagkakaintidihan sila ni Fire Jasper. He really trusts her. Maraming beses niya nang napatunayan ang tiwalang 'yun. But she ultimately has proven how much he trusts her nang sabihin sa kanya nito ang tunay nitong pagkatao. Na anak ito ng hari. Ikalawang anak.

*

"Second son?" Sabi ng mommy niya ng di niya natiis sabihin ang totoo sa sariling ina.

"Yup! Isn't that cool mom? I, Juliya Alona Palafox, the only granddaughter of Menandro Palafox, is good friends with the King's son." Isa ang bansa nila sa Constitutional Monarchy.

"Stupid!" Sagot ng ina. "If he's the second son, you better look for the first... the crown prince."

*

Hanggang ngayon, yun pa rin ang nakatatak sa isip niya. Ang crown prince. Prince Ice.

Tinignan niya na lang ang telepono habang at pinipigilan ang eagerness para tumawag sa kaibigan. Kay Fire. Pero kailangan niya ito. Kailangan niya ng mapaglalabasan ng mga bumabagabag sa kanya.

***

"Aray naman!!" sigaw ni Dew Lia matapos siyang itulak ni Ice pagka-lampas nila sa street kung saan nandoon ang restaurant na pinanggalingan nila.

Tinignan lang siya nito at naglakad palayo. Nagsabi pa yata ito ng mahinang pasasalamat pero hindi alam ni Dew Lia kung guni-guni niya lang 'yun dahil sobrang hina talaga. 

"Aba!!" Ang totoo, medyo naiinis siya. Hindi naman talaga siya nito tinulak ng malakas. Nakaakbay kasi sa kanya ito simula sa loob ng restaurant at nawalan siya ng balance nang bigla siyang bitiwan nito pagka-lagpas ng unang kanto.

Dew Lia being Dew Lia, hinabol niya ito. Medyo hirap siya kahit mabilis ang paglakad niya dahil sadyang malalaki ang hakbang ng prinsipe. Kumpara naman sa maliliit na hakbang ng midget niyang biyas.

"Excuse me lang prinsipe, ha."

Tumigil ang lalaki. Tinignan siya sumadali at hinila sa kalapit na eskinita.

"Anong gagawin mo sa'kin?" Niyakap pa ni Dew Lia ang sarili niya.

"Mukha kang tanga."

"Wow." Napabalik sa realidad si Dew Lia. "Nagmumura din pala ang mga prinsipe."

"Mura ba ang tanga? Pero teka... Akala ko ba hindi mo ako kilala." Magkalapit na magkalapit ang mga mukha nila para mapansin ni Dew Lia ang kulay ng mga mata nito. Gray. Dark gray na parang ordinaryong itim lang kung di tititigan. Pansamantala siyang nadistract.

"A—ahh. Oo nga hindi kita kilala kanina. Kanina 'yun."

"Pinaglololoko mo ba ako."

"Hindi nga kasi! Yung mukha mo di ko kilala. Pero yung pangalan mo, syempre, di naman ako nakatira sa kweba. Narinig ko na ang pangalan mo. So ikaw pala 'yun. Kilala na kita." Nakatingin pa rin siya sa mata nito.

Halatang hindi pa rin naniniwala sa Ice. Naningkit ang mga mata nito.

Nainis naman lalo si Dew Lia dahil sa tingin niya ay kasalanan ang pagtitig dito.

"Ako ang niloloko mo eh!" Tinulak niya ng kaunti ang lalaki. "Ang lagay eh... sasabihin mo dun sa babae na girlfriend mo ako tapos bigla mo na lang akong itatapon ng ganun-ganun na lang?" tinapangan niya ang boses. Kailangan hindi siya masindak dito.

"Bakit?" Nilapit pa ni Ice ang mukha niya sapat na para maamoy ni Dew ang hininga niya. "Hwag mong sabihing umasa ka 'don?" Napapikit siya dahil sa awkward na sitwasyon. Parang gusto niyang kagatin ang unang parte ng katawan nitong nakaexpose sa sobrang tensed niya. "'Ni hindi nga tayo magkakilala."

Kagatin ko kaya siya sa ilong? No Dew Lia. Pigilan mo yang sarili mo. Magyosi ka na lang pagkatapos.

"HOY! Kayo diyan! Anong ginagawa niyo diyan!" maya-maya ay may sumigaw sa 'di kalayuan.

Nagulat si Dew Lia at tinulak palayo ang prinsipe. Si Ice naman ay kalmadong isinuot lang muli ang sumbrero at wayfarers. Isang nagro-rondang Royal Guard ang nakapansin sa kanila sa eskinita. Mukha nga naman silang may ginagawang kung ano.

"Nahihilo kasi..." iginiya siya ni Ice palabas. "... itong buntis kong asawa."

"Bunti—" Hindi na naituloy ni Dew Lia ang sasabihin ng niyakap siya ng mahigpit ng prinsipe. 

"Malapit na tayo honey. Ang hirap talaga ng morning sickness..." Inakay pa siya nito ng mabilis hanggang makalayo sila sa guard.

Morning sickness? Ayan na naman siya! Ginagamit na naman niya ako.

Halos hingalin si Dew Lia para masabayan lang ang malalaking hakbang ng prinsipe. Kahit inaakay siya nito, halos mamatay-matay pa rin siya. Pag liko nila sa unang kanto, 'tsaka lang sila tumigil.

"That was close."

"Aba ikaw talaga..." Hinahabol ni Dew Lia ang hininga. "Hanggang kelan mo ba ipapagpipilitan na buntis ako para makatakas ka sa mga kasalanan mo? Kanina ka pa sa CRT eh! Pati yung mga gwardiya niyo niloloko mo, bakit di mo sabihin na ikaw yung prinisipe nila para lumhod sila sa harapan mo?"

Hindi ito nagsalita. Tinignan lang siya at hawak-hawak pa rin ang braso niya.

"Bakla ka ba? Bakit ka ba nangiirap?"

"Bakla ka ba?" inulit ni Prinsipe Ice ang sinabi niya. "Hindi ba 'yan ang sinasabi ng mga babae na gustong magpahalik?" kalmado, maayos, pero malamig nitong sabi. "I don't know if it's real... these things I see on TV, pero ganun ba talaga? Gusto mo bang mahalikan?"

"WHAT?!"

"I am just asking."

Gustong kilabutan ni Dew Lia. Parang demonyo na nagtatago sa katawan ng anghel ang Prinsipe. Maayos, pero maangas. Para siyang binuhusan ng tubig sa pagkapahiya.

"KUNG GANUN, BITIWAN MO NA AKO!" kumalas si Dew Lia sa pagkakahawak ni Ice. Sa tindi ng pagkakahila niya sa sarili, nawalan siya ng panimbang at napaatras palabas ng sidewalk. Dinig na dinig naman ang busina ng mga paparating na sasakyan.

'Di alam ni Dew Lia kung pipikit ba siya muna o sisigaw. Pero naagapan ng may humila sa kanya.

"That was very romcom." Komento ni Prince Ice. "Now I understand."

"Hindi ko 'yun sinadya! Wala akong sinasadya. Bakit ba ang sama mo?"

"Kesa umaangal hindi ba dapat nagpapasalamat ka na lang?" 'di mabasa ni Dew Lia kung may concern ba ito dahil ang boses nito ay ganun pa rin. Monotonous, pero tunog ruthless. Di niya lalo makita ang mukha nito dahil nakalubog na ang ulo niya sa dibdib nito.

"Salamat. Ice Jason Sosa Varela Arias Avery."

"What in the world." Gulat na gulat si Ice. "We don't even use that. Hindi mo pala ako kilala ah pero alam mo 'yan."

"Nalaman? Ah, eh.. sa magazine—"

Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay. Pero para lang pala ilayo ang katawan niya sa katawan nito. "Di mo nga ako kilala ha?" Binigyan na naman siya nito ng pamilyar na sa kanyang rotten smile bago naglakad palayo.

***

"'Di namin naabutan eh. We're very sorry, Your Grace."

"Baliw ka Voltaire. Anong your grace pinagsasasabi mo?" binato niya ito ng librong binabasa."Pag may nakarinig sa'yo diyan sa tabi eh! Upakan kaya kita."Mainit ang ulo ni Fire. Pinapahanap niya pa rin sa mga kaibigang Royal Guard si Juliya. Alam niya kasing una itong magpapakita kay Ice. At 'yun sana ang ayaw niyang mangyari. Kaya nga akala niya mai-intercept niya ito sa airport arrival. Nagkataon lang na nadelay ang flight nito at na-reroute pa sa provincial flight.

"Nahihiya kasi ako. Maabutan na kasi sana namin ni Gino kanina. Kung wala siguro akong nakabangga sa supermarket, baka naabutan pa namin." Naupo ito sa sofa. "Anyway Jas, parang ang linis linis ngayon ng bahay mo ha. Wag mong masamain 'to, alam kong malinis ka, pero mas malinis yung ngayon eh. Kulang na lang, kuminang yung mga pinggan at bintana diyan. Nagpalinis ka ba dahil dumating 'yung reyna o sumipag ka na ng sobra?"

Napatingin si Fire sa paligid. Ngumiti siya. Masyado ngang naging malinis ang paligid.

"Hindi ako may gawa niyan." Natatawa si Fire.

"Dumating dito si Lady-in-waiting Mea? Siya ang naglinis?"

"Gagu. Papaglinisin mo si Lady Mea? Malamang nasa palasyo lang 'yun, baka pinapadede si Ice Jason."

Halos mamatay-matay si Voltaire sa kakatawa. "Iba 'yung naimagine ko sa pinapadede eh! Haha! Ang sama mo sa kapatid mo."

"Siya 'yun."

"Pero seryoso nga. Nagpalinis ka ba sa cleaning service?"

"Hindi nga..."

"Aha! Ngumingiti si Prinsipe Fire? Wag mo sabihing tama ang hinala ko? Babae? Babae ang naglinis niyan ano? May babae dito?"

"Oo."

"HAH?! Weh? 'Di nga?"

"Tatanong-tanong 'pag sinagot, hindi maniniwala?" pagkatapos ng libro, baso naman ang ibinato niya dito na agad naman nitong nasalo. Dapat lang dahil baka ipatanggal niya ito sa Chief Royal Guard kung kahit baso lang ay hindi nito masalo. "Sinunod ko lang naman ang payo mo nung nakaraan. Ang sabi mo 'diba, kumuha ng katulong. Eh 'di kumuha ako. Ang gulo mo rin eh. May pahula-hula ka pa, eh ikaw naman nagrekomenda. Dapat alam mo na 'yun agad."

"Katulong?" Parang na-disappoint naman si Voltaire sa narinig. "Kala ko pa naman, babae na talaga. Matanda naman pala."

"Hindi 'yun matanda. Ano bang prejudice mo sa katulong? Parang 'di ka gwardiya ah."

"Sorry naman."

"Tska ano bang balak mo?" Nakakunot na ang ulo ng prinsipe. "Ano naman kung may babae dito?"

"Hmm... Hindi pala matanda..." Nagningning naman ang mata ni Voltaire. "Oo nga pala. Sabi ko kumuha ka ng chickababe na katulong so, uhm... hot ba?" umakto pa ito na tine-trace ang coca-cola body sa hangin.

"Yun lang. Malayo sa hot ang nakuha ko. Wag ka ng mangarap. Katulong. Basta katulong."

"Ano ba naman yan Jas oh!" lakas ng pagreklamo ni Voltaire. "Kukuha na nga lang ng babae eh! Ang hina natin."

"Bakit balak mo bang kumuha ng karelasyong katulong? Ano ba naman Voltz. Tska... Bakit ako kukuha ng magandang magandang katulong? Distraction lang yun, at destruction."

"Ewan ko sa'yo Fire."

"'Tska mamaya-maya nandito na ulit 'yun. Kaya tigil-tigilan mo na pagtawag sa'kin ng Prinsipe, Your Grace. O Fire. Sanayin mo na Jasper na lang habang nandito si Dew Lia."

"Juliya?" namilog ang mga mata ni Voltaire. "Nandito na si Lady Juliya?" Hindi pa nito naiintindihan. 

***

"Eto na! Dito! Dito yung school nila."

"Waaaw!"

Parang mga fail na spies ang ayos nila Dew Lia, Nikki at Marie. At long last, nagkita-kita at nagkasama rin naman sila kahit madaming nangyari kay Dew.

Gusto man, hindi mabanggit-banggit ni Dew Lia sa mga kaibigan ang eksaktong mga detalye ng mga side trips niya dahil baka hindi pa maniwala ang mga ito na nakasakay niya si Prinsipe Ice sa CRT, at ipinakilala pa siya nitong girlfriend sa kung sinong babae. Isang babaeng katunog ng pangalan niya, na maraming beses niya nang narinig simula ng tumuntong ang mga paa niya sa Capital Commons.

Juliya? Sa eroplano pa lang. Pagkababa hinahabol na ako ng mokong na Jasper na 'yun dahil sa isang nagngangalang Juliya. Sa supermarket naririnig ko rin 'yung pangalan na 'yun. Pati ba naman yung Prinsipe Ice konektado din sa isang Juliya? Iisang tao lang ba lahat ng hinahanap nila o nagkataon lang na common 'yung pangalan ko?

"Hoy Dewdew! Anyare sa'yo?" nagulat  si Dew Lia ng hawakan ni Marie ang balikat niya. Masyado na palang napapalalim ang nasa isip niya.

"Mars, naniniwala ka ba sa fate?"

"Woah! Nikki! Si Dewdew nagtatanong tungkol sa fate! Haha!" Siniko ni Marie ang isa pa nilang kaibigan. Very unlike Dew Lia Vinayagan daw ang nagtatanong sa mga ganitong ka-cheesy na bagay.

"Fate -fate ka diyan? Naku Dewdew? Anyare sa'yo? Kaya ka ba na-late dahil nakilala mo na ang the one?"

Nakuha pang magtawanan ng dalawa bago mapansing medyo seryoso si Dew Lia.

"Joke lang. 'Eto naman. Nakakapanibago lang. 'Di ko lang alam ang isasagot." Salo naman agad ni Marie.

"Nako. 'Wag na nga... 'Wag niyo na sagutin."

"'Eto naman oh!" Kinurot ni Marie ang pisngi ni Dew. "Niks, ikaw na nga ang sumagot. 'Diba naniniwala ka sa fate? Sa destiny?"

"Aba oo. Basta ang alam ko, hindi mo kayang pigilan ang tadhana. Gaano man ang gawin mo, mangyayari ang dapat mangyari." Si Nikki na ang sumagot matapos ang mahabang pagiisip.

"Imbento mo lang 'yata 'yan eh." Nag-cringe si Dew.

"Hindi ah!"

'Di na lang nakipagtalo si Dew Lia at pinili na lang tumahimik habang balik na naman sa royal family fan girling ang dalawa. Ang totoo, nakakahiyang nasa may bakod sila ng eskwelahan at may dala-dala pang binoculars ang dalawa na paminsan-minsang itinatago kapag may rumorondang gwardya.

"Sana naman makita natin siya. Kahit sulyap lang. Makita ko lang siya kahit sa malayo, solve na ako Mars."

"Ako din! Pero syempre mas gusto ko ng makita siya ng malapitan. Ano kayang itsura niya? Makinis kaya ang mga balat niya? Ano kayang mga kulay ng mga mata niya?" Lumulutang na tanong ni Marie.

"Malamang black or brown. Ano pa gusto mo blue? UK tayo friend? Prince Charles lang ganern?" Punong-puno ng sarcasm ang boses ni Nikki.

"Grey. Sobrang gandang grey." Wala sa sariling sagot ni Dew Lia.

"Ha?" Napalingon tuloy ang dalawa.

Hala! Oh no! Ano bang pinagsasasabi ko?

Gusto niyang sampalin ang sariling bibig.

"W-wala ano. Ang ganda kako ng Fifty Shades of Grey. Oo. 'Yun nga. Christian Grey.'"

"Ha? Nagbabasa ka ba 'nun?"

"Alam mo parang kakaiba ka ngayon Dew? Iba ba nagagawa ng hangin dito sa Capital sa'yo?"

Masyado na siyang na-off guard at nagsindi siya ng yosi.

"Ano. Medyo ano. Medyo masama pakiramdam ko." Nagpaalam na lang siya sa mga kaibigan bago niya pa masabi lahat ng weird ng nangyari sa kanya. Nagtataka naman ang mga ito pero hinayaan din siya dahil alam naman ng mga kaibigan ang disinteres niya sa mga dugong bughaw.

"Ingat ka Dew! Ikamusta mo na lang kami sa kuya mo."

"Onga! Bye! Kitakits tayo next time Dew Lia! 'Yung yosi mo! Bawas-bawasan mo! Kapag nakita ka ng kuya mo!"

"OO!" nilingon niya ang mga ito sabay kaway. Napawi ang lahat ng ngiti niya ng maglakad. Kahit pala ang tungkol sa kuya niya at sa bahay nila, hindi niya pa nasasabi sa mga kaibigan. Hindi nila alam na wala na talaga silang bahay, at totoo ang sinasabi ni Marikit. Wala rin silang alam sa existence ng demonyong Jasper sa buhay niya.

Dahil lumulutang ang utak niya. Hindi niya na napansin ang makakabanggang lalaki.

"Ay jusko. Sorry. Sorry." Pinagpag niya pa ang jacket ng kaharap.

"Woah." Sabi ng lalaki.

Unti-unti namang nagregister kay Dew ang mukha ng kaharap.

"I-ikaw na naman?!" gusto niyang sumigaw ng makilala ang lalaki. Kahit hindi kita ang mga mata, kilala niya na na ito. 

"Anong ako na naman? School ko 'to. Ikaw ang bakit nandito? And do you know this is a no-smoking zone?" si Prince Ice.

Simple pa rin ang mga damit pero kapag tinitigan ay mga signature. May naalala tuloy siya. Signature brands. Nilingon niya ang mga kaibigan pero busy ang mga ito sa pagmamasid sa loob ng school. Ni wala man lang kamalay-malat ang mga ito na ang hinahanap nila ay nasa likod lang nila. At ang itsura nito at pananamit? Wala sa hinagap nila.

"Um, ah m-may kinatagpo lang ako. Tsaka pakialam mo ba?"

"Yun ba?" turan nito sa weird na ginagawa ng mga kaibigan niya. Spot on ito. Lumingon ulit siya para tignan kung napapansin ba sila nina Nikki at Marie pero laking gulat niya sa ginawa ni Ice pagkaharap niya.

***

"Wow..." hindi makapaniwala si Soapy sa narinig. "Just wow..." Hindi alam ni Dew Lia kung bakit mas komportable pa siyang sabihan ng mga nangyari ang bagong kaibigan kaysa ang mga kaeskwela. Siguro dahil minsan, mas madaling mag-open sa mga hindi mo pa masyadong kilala. 

"Alam mo. Kahit hindi ka maniwala Soapy. Gusto ko lang talagang may mapaglabasan ng sama ng loob." Naglalakad sila pauwi. Maswerteng nakasabay na naman niya ito habang nilalandas niya ang street na tutumbok sa bahay nila. May isang kanto lang din silang paghihiwalayan pero isa lang talaga ang way nila ng bagong kaibigan.

"Ano ba! Syempre naniniwala ako!!! Pero OMG lang ah! Tama naman ang prinsipe natin. Very romcom ang mga pangyayari."

"Oo. Pero siya 'yung anti-romcom diyan. Tapos alam mo ba kanina, ginupit niya pa 'yung yosi ko. May tinuro lang siya sa likod ko, 'pag harap ko, aba may gunting na siya. Saan nanggaling ang gunting niya 'diba? 'Yun na lang ang naitanong ko. Tapos wala nang natira sa yosi ko."

"Ang cool ni Prince Ice!!"

"Cool ba yun? Daming paandar kamo."

"Cool nga eh? Going into that weird lengths... Tska 'don sa Juliya? Parang hindi prinsipe."

"Sinabi mo pa."

"Alam mo girl. Destiny na yan! Biruin mo! 'Yung mga kaibigan mo, hanap ng hanap kay Prince Ice, ta's ikaw, na ayaw na ayaw sa mga dugong bughaw, eh dalawang beses na siyang nakita, nahawakan at nakausap pa. Bonus pa na ginupit 'yung sigarilyo mo!"

"Grabe! Para namang santo kung pagusapan eh mga normal na mga tao lang naman sila na maswerteng ipinanganak na dugong bughaw. Hindi naman sila ganun kakaiba, feeling ko. Pareparehas lang naman tayong lahat na pinanganak sa lupa. Lahat naman tayo tumatae. Lahat naman ng tae natin mabaho. Buti sana kung iba 'diba?"

"Hahahahahaha! Iba ka friend! Ikaw ang iba, friend!"

"Ewan ko sa'yo. Ewan ko sa inyo." Natatawa siya sa mga reaksyon nito. "Buti na lang talaga, may extra pa akong pamasahe kanina kung hindi, hindi na ako makakauwi sa dami ng mishaps na nangyari. Kung maliligaw ako ngayon, malamang sa malamang, hindi na ako makakauwi!"

"Naku, hayaan mo na yan! Everything happens for a reason Dew. Pati yang pagkaiwan mo sa wallet mo. Fate yan. "

"Grabe ka! Ikaw pala 'tong very romcom eh. Lahat ng bagay, fate pa rin?" natatawa si Dew Lia.

"Basta ang alam ko, pustahan pa tayo. Fate na yan. Destiny! I believe that anything that happens once does not necessarily happen again. But everything that happens twice is likely to happen for the third time as well."

"So?"

"Eh 'di magkikita ulit kayo! Pustahan pa tayo? Ano? Pusta na!"

"'To naman. Alam na ngang naghihirap ako."

"Eh 'di ayaw mo pumusta? Ibig sabihin feeling mo rin magkikita pa kayo ni Prince."

"Sus." Pagtanggi niya. Pero napaisip si Dew Lia sa mga nangyayari. Parang gano'n din kasi ang mga naganap sa pagitan nila ni Jasper.  Nakita niya itong una sa airport. Pangalawa sa bahay. At ngayon, hindi na siya makawala dito. 'Eto na ba 'yung sinasabi ni Soapy?

***

"Juliya? Gulat na gulat si Fire ng makita ang babae sa may pinto. Hindi niya talaga inaasahan na sa lahat ng lugar, sa mismong bahay niya lang pala makikita muli si Juliya Alona.

"Lady Juliya?!" Maging si Voltaire ay napraning sa nangyayari.

"Yes, it's me." Nanatili lang itong nakatayo sa may pintuan na para bang naghihintay pa na paupuin ito.

"Ano Jas? Alis na ba ako? O pumunta muna ako sa kwarto mo, ayusin ko kama mo. Magsabog ako petals at magsindi ng scented candles? Tatalon na lang ako sa bintana." Bulong ni Voltaire.

"Gago ka talaga!" Halos mamula si Fire Jasper sa sinasabi ng squire.

"Ehem." Umubo kunwari si Juliya dahil medyo matagal na rin itong hindi pinapapasok.

"Ah, sige, pasok ka. Juls." Pinaupo niya ito sa kalapit na sofa pero pumunta agad siya kay Voltaire.

"Halika dito." Hinila ni Jasper palayo ang kaibigan para bumulong. "Listen. Kahit anong mangyari, kapag dumating si Dew Lia, wag mong papapasukin. Baka makita siya ni Juliya at kung ano pa ang isipin."

"Huh? Wala akong nagets Jas! Juliya? Juliya? Anong pinagsasasabi mo?" nagkakamot itong bumulong din. Puro Juliya lang ang lumalabas sa bibig ni Jasper sa pandinig niya. 

"Basta! Magabang ka sa labas. Kapag may babaeng papasok dito, na petite, wag mong papasukin. Itapon mo. Iligaw mo, kahit ano. Ikaw na bahala."

"Um, Fire?" Kaway na naman ni Juliya na parang inip na at nawi-weirdohan sa pagbubulungan ng magkaibigan.

"Ah... May ibinilin lang Lady Juliya. Maiwan ko na kayo!" humarurot palabas na si Voltaire para maiwan ang dalawa.

***

"Tignan mo nga naman. Mahirap talaga hanapin ang ayaw magpakita. Mabuti nabawasan ako ng alalalahanin." Natatawa na lang si Voltaire habang nakatayo sa labas. Like a proper guard. Itinuturing niya kasing malaking concern ang mga bagay na iniuutos ni Fire. Bilang kaibigan, at bilang gwardya ng palasyo na handang sundin ang lahat ng inuutos nito.

Aalis na sana siya ng maalala niya ang isa pang bilin si Fire.

Basta! Magabang ka sa labas. Kapag may babaeng papasok dito, na petite, wag mong papasukin. Itapon mo. Iligaw mo, kahit ano.

Napailing na naman siya dahil hindi niya talaga maintindihan ang binibilin nito. Babae? Pero siguro ito 'yung katulong ni Fire Jasper.

"Baka nga... Baka 'yung katulong."

Hindi naman naghintay ng matagal si Voltaire dahil ilang saglit lang, may babaeng dire-diretso sanang papasok sa gate.

"Wait lang. Miss. Miss!" Pigil niya dito bago tuluyang makapasok sa loob.

"Baki--"

"IKAW?!" Sigaw nito sa harap niya.

Kung umasta 'yung babae eh parang magkakilala sila. Inisip niya at mukhang pamilyar pero hindi niya mamukhaan.

"'Di mo matandaan kasamaan ng ugali mo?!"

Napakamot si Voltaire ng ulo. Ang dami-dami ng nakikita niya sa araw-araw, paano niya matatandaan?

"Ako lang naman 'yung binangga mo sa supermarket. Tinapon mo lang naman 'yung kinakain ko."

"Ah!" Sa wakas. Nag-click din ang image nito. 

"Ah ka diyan. Anong ginagawa mo dito?! Juskong fate 'yan." Akmang papasok na naman ito sa loob. 

"Hoy!" Pigil niya ulit dito. "Fate fate ka diyan. Dito ka lang at hwag kang pumasok!" kinabahan siya dahil baka makapasok ang babae at malalagot siya sa Prinsipe sa loob.

"Bakit? Anong problema mo?"

"Basta. Bawal ka daw pumasok diyan." Hinila niya ito palayo. Kahit lumaban ang babae, nagawa niya itong isakay sa patrol car.

"Aw! Masamang tao! Saan mo ba ako dadalhin?! Tulong! Tulong!" sigaw ng babae habang tinatahak nila ang daan palayo. Ang totoo, hindi alam ni Voltaire kung saan ito dadalhin. Ang mahalaga ay makalayo muna mula sa bahay.

"Hwag kang malikot kung ayaw mong tumalsik diyan. Magseatbelt ka!"

"Anong gagawin mo sa'kin?" Nagkakawag ito.

"Ano ngang gagawin ko sa'yo." Napapakamot na naman siya habang mabilis na minamaneobra ang sasakyan paalis sa kanto nila. Naalala niya na naman ang sinabi ni Jasper.

...wag mong papasukin. Itapon mo. Iligaw mo, kahit ano.

"Tulong! Tulong!" Walang humpay ang sigaw ni Dew Lia. "Kinidnap ako! Tulong!"

"Kinidnap ka diyan."

"Ibaba mo ako!" Hindi pa rin ito tumitigil sa pagkalampag sa bintana ng sasakyan. "Kidnapper! Pulis! Pulis! Tulungan niyo ako! Ibaba mo na ako!"

"Oo na! Oo na!" Mabilis naman inihinto ni Voltaire ang sasakyan. "Fine. Bumaba ka na.

"Alam mo. Isusumbong kita sa pulis!" Sigaw ni Dew Lia ng makababa.

"Pulis ka ng pulis. Royal guard ako 'diba? Diyan ka na nga!" Humarurot na naman si Voltaire palayo sa babaeng naiwang nakanganga.

***

At saka lang nag-sink in kay Dew ang pangyayari. Nasa isang lugar siyang hindi kilala. At. Wala ang wallet niya. Wala na siyang kapera-pera. Hindi niya alam kung paano siya uuwi.

"Lintek na lalaki 'yon! Binaba nga ako!"

"Phone. Phone?!" Hinanap niya ang telepono niya para makahingi sana ng tulong.

Pero isang malaking problema na wala na rin pala siyang charge.

"Ano ba 'yang mga mishaps na 'yan! Humanda talaga sa'kin 'yung lintek na royal guard na 'yun! Hwag na hwag lang siyang magpapakita sa'kin ulit, papatayin ko siya." Sinipa niya na lang ang isang coke in can sa harap niya sa sobrang galit.

***

Dumaan muna si Voltaire paikot sa palasyo. Nagreport kay Chief Luna nang mga ginagawa niya sa prinsipe at nakakuha ng mga bagong trabaho mula sa pinakamataas na tao sa departamento nila. Nagkataong kasabay pa nga niya ang squire ni Prince Ice na saktong papasok pagdating niya.

"Hwag na hwag mong pababayaan ang Prinsipe Fire, Voltaire." Huling bilin ni Chief Luna. "Hindi matatapos ang trabaho mo kahit sa pagtulog at kahit nasa loob na ng palasyo ang prinsipe, tandaan mo 'yan."

Napakamot na lang ulit siya ng ulo dahil hindi naman ganito kahigpit sa bilin si Chief sa squire ni Ice. Medyo kinabahan tuloy siya na baka hindi niya nagagawa ng maayos ang trabaho niya na kailangan pa ng katakot-takot na bilin.

Malalim na 'yung gabi nang dumating siya sa bahay ni Fire Jasper. Wala na rin si Lady Juliya at naabutan niya ang kaibigang prinsipe sa labas na para bang nagaabang.

"Sup? Masyado ba akong matagal? 'Di mo naman ako kailangang antayin bruh."

Kumunot ang noo ni Fire.

"Bro ka diyan."

"Tara na pasok na tayo." Naalala niya ang palaging bilin ng chief at naging over protective na naman sa kaibigan. Inakbayan niya ito papasok sa loob.

"Anyway." May naalala siya. "Nagawa ko na!" Proud pa siya eh. At least naman kasi sa dami ng inutos ni Fire simula noong isang araw, etong pinaka-huli ang nagawa niya ng mabilis at maayos.

"Ang alin?"

"Naitapon at nailigaw ko siya."

"Sino?" Parang naguguluhan pa rin ang prinsipe.

"'Yung sinasabi mo. Nailigaw ko na siya. Na parang pusa!"

"Sino nga?" Nagtatakang tanong ni Fire na tumitingin-tingin pa rin sa may labas kahit na nakapasok na sila. Ngayon niya lang din napansin na may hawak itong pambabaeng purse.

"'Yung babae! Yung papasok dito kanina. Yung inutos mo! Hindi ko man nahanap si Lady Juliya, nagpunta naman siya ng kusa dito. At yung isa mong utos, nagawa ko naman ng maayos."

"N-niligaw mo? Itinapon mo?" nanlalaki ang mga mata ngayon ni Fire.

"Yung babae? Oo! Sabi m—"

"Anak nang tokwa!" Dali-daling lumabas muli si Fire Jasper.

"Hoy! Jas!" Wala siyang choice kundi sumunod. "Sabi mo kaya!"

"Para ka talagang ugok diyan! Nililiteral mo lahat ng bagay. Ang sabi ko lang hwag mong papasukin. O libangin mo muna sana. Ano ba naman 'yung itapon. Bagay ba 'yon."

"Hindi ko naman alam eh."

"Naiwan niya pa naman yung wallet niya."

Maya-maya nagsimulang umulan.

"Ayan umuulan pa!"

"Kaya nga pumasok na tayo!" Katwiran ni Voltaire.

"Anong papasok? Wala ka talagang kwenta. Pahiram akong susi!"

*later*






Continue Reading

You'll Also Like

29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
21.5M 701K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
7.9M 201K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...