Indulgent Geoff (TTMT #3)

By FGirlWriter

4M 110K 10.1K

Geoffrey Lucas "Geoff" Martin was forced to marry Zoey. Ngunit pursigido naman si Zoey na ma-in love sa kany... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty

118K 3.1K 372
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY

PARANG nakalutang ang mga paa ni Zoey at tila naglalakad siya sa cloud nine dahil sa sinabi kahapon ni Geoff. May automatic-replay yata iyon sa utak niya!

"I'm falling in love with you, darling."

Napatingin siya sa nobyo na seryoso habang may kinukuhanang litrato sa phone nito. Napangiti si Zoey.

"I'm falling in love with you, darling."

May pinipindot-pindot na si Geoff sa cellphone nito ngayon gamit ang isa nitong kamay. Habang nandoon ang atensyon nito ay hinawakan nito ang kamay niya at naglakad na ulit sila.

Nag-auto-replay na naman.

"I'm falling in love with you, darling."

Hindi niya na napigilang mapatili sa kilig. Napapitlag tuloy si Geoff at napatingin agad sa kanya.

"What's the matter with you?" gulat na tanong nito.

"Ehh! Kinikilig pa rin kasi ako hanggang ngayon. Hindi ako maka-move on sa sayawan kahapon!"

Napapikit siya habang pinipigilan ang kilig. Hinampas-hampas niya ito sa braso. "You naman kasi, Daddy Geoff! Bigla kang nagsasabi na you're falling for me, already!" Nahaplos niya ang tiyan. "Ang saya-saya namin ni baby Zofiya talaga!"

Napailing-iling ito. "Calm down, Zoey. I'm just starting to fall. It's still in the process."

"Kahit na! You're falling. At sa'kin lang ang bagsak mo!" Napatili na naman siya sa kilig at hinawakan ang isang pisngi. "My dreams are coming true. Happiness overload!" Damang-dama niya na sa susunod, "I love you" na ang maririnig niya rito.

Push!

Geoff chuckled. "Walk properly, Zoey. After another round, babalik na tayo sa mansyon."

Sinasamahan kasi siya nito para sa morning walk niya na naging exercise niya tuwing umaga.

She swayed their clasped hands. Dinama niya naman ang malaking tiyan na lalong bumigat kaysa kahapon. Nararamdaman niya rin ang marahang paggalaw ng baby sa loob ng tiyan niya.

Baby Zofiya is very much active! Napatigil siya sa paglalakad nang sumipa ang baby.

Napasinghap siya nang malakas at nataranta si Geoff.

"What happened now?" nag-aalalang tanong nito sabay sapo rin nito ng tiyan niya. "Are you alright?"

Nakakita sila ng kawayang upuan sa ilalim ng isang malaking puno. Inalalayan siya ni Geoff paupo roon.

Napaigik siya nang sumipa ulit nang malakas si Zofiya. "Na-e-excite yata si baby Zofiya..." Huminga siya nang malalim at sumandal sa katawan ng puno. "Ang lakas niyang sumipa!"

"Really?" Nanlaki ang mga mata nito at dalawang kamay na nito ang nasa tiyan niya.

"Here, o..." Kinuha niya ang kamay nito at nilapat sa may gilid ng tiyan niya. Saktong sumipa ulit nang malakas ang baby. Sabay pa silang napasinghap ni Geoff at nagkatinginan.

"T-That's the baby?" di-makapaniwalang wika nito.

Napadaing na naman siya nang sumipa ulit nang malakas si Zofiya. "Hehe! Ang likot niya..."

Nakatutuwang may response na mula sa baby nila pero masakit talaga kapag sumisipa ito. Huhu.Kabayo ka ba, baby Zofiya? 'Di ba, diyosa ka, baby?

Yumuko si Geoff at nilapat ang tainga nito sa tiyan niya. "Bonjour, ma cherie..." bulong nito habang hinahaplOs-haplos ang tiyan niya. "Comment allez-vous? Papa est très heureux de vous voir..." malambing nitong sabi.

Napangiti si Zoey kahit kaunti lang ang naintindihan niya. Na-focus siya masyado sa tinig ni Geoff habang nagpa-Pranses. Ugh! Yummy.

"Ouchie!" daing niya nang sumipa na naman ang baby. "Translate mo sa English, Daddy Geoff! Baka hindi pa naiintindihan ni Zofiya. Hihihi."

Hinaplos nito ang parte kung saan siya nasaktan at kinintilan ng marahang halik. "Hello, my darling. How are you? Daddy is excited to see you..." ulit nito at saka tinapat ulit ang tainga sa tiyan niya.

Hindi niya napigilang haplusin ang kumukulot nang buhok ni Geoff dahil humaba na iyon hanggang batok. Niyuko niya ito habang nakikipag-usap it okay Zofiya.

The OB said that the baby can hear them already. Kaya lagi daw nilang kausapin. Para paglabas ni Zofiya ay magiging pamilyar ito sa boses nila ni Geoff.

"Anong pinapakinggan mo diyan, Daddy?" Mas malambot at madulas pa ang buhok nito kaysa sa kanya. Huhu.

"Baka sumagot siya. Inaabangan ko."

She laughed and pinched his ear. "Nag-joke si Daddy Geoff! Wahaha!"

Napangisi lang ito at saka pinagpatuloy ang pagkausap nito sa anak nila.

Aww! Ang sarap pakinggan talaga. Anak nila... Nai-imagine niya nang baka umiyak si Geoff kapag lumabas na si Zofiya.

Aww! She has to see that moment!

Umayos na si Geoff ngunit nanatili ang mga kamay nito sa tiyan niya. "Malikot pa ba ang baby? Nasasaktan ka pa?"

"Kapag hinalikan mo 'ko, mawawala lahat ng sakit."

Nagkangitian sila habang nakatitig sa isa't isa. Umangat ang mga kamay nito sa magkabila niyang pisngi at saka siya niyuko para halikan.

"Ay, fast kiss lang? Puwedeng French kiss po, Daddy?" hiling niya pa.

Ngumiti ito at pinisil ang ilong niya. "Mamaya na po, Mommy."

Impit siyang napatili. Mommy daw, o! Enebe nemen

Yumakap siya sa braso nito at humilig sa balikat nito. "Talagang napo-fall ka na sa'kin, Geoff? Paano mo nasabi?"

Naramdaman niya ang paghilig rin ng ulo nito sa bumbunan niya. "I can't stop thinking about you. Kahit malayo ka sa'kin, parang naririnig ko lagi ang boses mo. Parang lagi kong nararamdaman ang mga hawak mo. Now, that's creepy. But..."

Humugot ito nang malalim na hininga. "All of my senses are starting to find you... and miss you when you're not around me."

Mas napangiti siya sa sobrang kilig. "Ano pa?"

"Every part of my system gets thrilled when you're this close to me."

"Tumitibok din ba nang malakas ang puso mo?"

A moment of silence came before he answered. "Sa tuwing nakikita ka, oo."

Napatingala siya rito. "In love ka na, eh!"

Bumaling ito sa kanya at halos magtama na ang mga labi nila. "You think so, darling?"

"I believe so!" she positively said. "Tell me you love me already."

He sheepishly smiled. "You love me already."

"Ay, loko ka!"

Ang lakas ng tawa nito at saka pinanggigilan ang magkabila niyang pisngi.

"Ginagantihan mo 'ko, Daddy Geoff, ha!" natatawang sabi niya at saka pabirong hinampas ito sa braso.

The sound of their laughters blended with the wind. Inakbayan siya nito at mas kinabig palapit rito. Yumapos naman siya sa baywang nito at hinilig ang pisngi sa dibdib nito.

Sobrang sarap nang pakiramdam ni Zoey habang nakatitig sa berdeng taniman, sa mga puno, sa mga natatanaw niyang malalayong bundok... at ang background music niya ay ang tibok ng puso ni Geoff.

"Naririnig ko ang tibok ang puso mo," she told him.

"Really, huh?"

"Oo. Sabi pa nga, 'Zoey. Zoey. Zoey.'"

He manly laughed and stood up. "Let's go grab some breakfast. Mukhang nagugutom ka na." Hinawakan nito ang kamay niya at pinaghugpong ang mga daliri nila.

"Zoey..." untag nito nang malapit na sila sa mansyon.

"Yes?"

"You didn't shift moods yet, right? How are you feeling?" he asked, concerned.

"Okay naman ako. Kapag talaga tuloy-tuloy ang therapy sa 'kin, maganda ang takbo ng emotions ko. I'm just happy now, here with you," she sweetly said, smiling dearly at him. "How about you? How are you feeling?"

Diretso ang tingin nito sa nilalakaran nila. "I'm happy, too. Being here with you," sabay sulyap nito sa kanya.

Ngiting tagumpay na naman si Zoey! Tila gusto niyang magpagulung-gulong sa damuhan na nilalakaran nila ngayon. Iba talaga 'tong si Daddy Geoff, eh! In love na talaga 'to. Kaunti na lang. Hihihi.

"Just tell me when you're feeling sad or down or what. Understand, darling?"

"Yes! Mapapansin mo naman iyon, eh." Tiningala niya ito. "Bakit? Anong gagawin mo kapag malungkot ako?"

Nagkibit-balikat ito. "Sasayawan kita."

Nagkislapan ang mga mata ni Zoey. "Talaga?! Yung macho dance, ha?"

Nalukot ang ilong nito. "Sasaya ka ba doon?"

Mabilis siyang tumango.

"Pag-iisipan ko."

Napatili siya. " Sample, please!"

"No."

Napanguso siya. "Please?"

"Ayoko nga," nakangising tanggi nito. "Baka hindi mo kayanin."

May gano'n! Zoey giggled and pinched his cheek. "You're confident, huh? Sabi ko na nga ba, magmula nang makita ko ang sandamakmak mong selfies sa phone mo, alam ko, you love yourself so much! Vain si Daddy Geoff!"

Nilayo nito ang pisngi. "I'm not vain. I just... well, appreciating myself. Most of the times."

"Well, you're gorgeous!"

He shrugged. "I know." Then, he chuckled playfully.

Tumambling-tumbling ang puso ni Zoey. "Hindi ka na suplado sa'kin..."

He wrinkled his nose. "I'm not a snob really. Hindi pa lang ako komportable sa'yo noong mga unang buwan."

"But you always have sex with me—hmp!!!"

Tinakpan ni Geoff ang bibig niya. "We don't talk about that in an open area, darling. At baka marinig ka ni Zofiya."

"Ay, sorry, baby Zofiya," sabay sapo niya sa tiyan. "Wag tularan si Mommy. No, no, no, no."

Nakatitig sa kanya ito. "You're cute."

"I know." Yumakap siyang muli sa mga braso nito at nilambing-lambing ito. Para siyang pusa na kinikiskis pa ang pisngi sa braso nito.

Pagkapasok nila sa komedor ay wala nang kumakain. Tapos na siguro ang agahan. Nagtawag na lang si Geoff nang katulong para mapagsilbihan sila.

"Drink your vitamins. Here," Inabot sa kanya ni Geoff ang tatlong vitamins na iniinom niya para sa baby. Katatapos lang nila kumain.

Tila masunuring bata na ininom nga ni Zoey ang mga iyon. Then, Geoff handed a glass of milk.

"Good girl," anito nang maubos niya ang gatas.

"You like good girls, Daddy Geoff?"

He looked at her. "I like you."

"Kiss me nga!" sabay nguso niya.

Nagulat si Zoey nang halikan nga siya nito!

Omayghad! Napakapit siya sa batok nito nang mas tumagal ang halik at naramdaman niya pa ang mahinang pagkagat nito sa lower lip niya. Sumunod ay bumaba ang mainit nitong mga labi sa gilid ng kanyang leeg.

"Huwag mong gawing almusal si Zoey, Geoff."

Sabay silang napalingon nang nobyo at nakita ang nakangising pinsan nito. Greg is wearing a white sando tucked inside his maong pants, and a pair of brown cowboy boots.

"Get lost, Greg," Geoff lousily said and he put his arms around her.

Ngumisi lang ito at dumampot ng mansanas mula sa lamesa. "May bisita si Zoey sa labas." Bumaling sa kanya ang lalake. "Jona's outside," anito sabay kagat ng mansanas.

"Oh! Okay!" Marahan siyang tumayo at nagpaalam sa dalawa.

"Jona, pasok ka dito! Tuloy ka," aniya sa kaibigan.

"Naimbag a bigat," nakangiting bati nito sa wikang Ilokano. "Dumaan lang ako dito saglit para maghatid ng ilang gamit mo, Zoey. Baka magtagal ka pa dito, hindi pa rin kasi nahuhuli 'yung magnanakaw noong isang gabi."

May maletang hila-hila pala si Jona at nilagay nito iyon sa sala. "Salamat, Jona!"

"Tumawag pala si Ma'am Trisha sa bahay, sabi niya tumawag ka daw sa kanya. Hindi ka daw kasi niya ma-contact," imporma pa nito.

"Okay! Lowbatt kasi ang phone ko. Tinatamad ako mag-charge kasi 'di ko naman nagagamit." Ayaw niyang nagse-cellphone kapag kasama niya si Geoff at madalas ay tulog siya kaya hindi rin niya talaga nagagamit.

"Basta daw tawagan mo si Ma'am Trisha kasi gusto ka niyang makausap."

"Okay! Nag-breakfast ka na ba? Halika muna sa dining room."

"Ay, huwag na. Nag-agahan na kami ni Itay. May pasok pa kasi ako, Zoey. Hinatid ko lang talaga ang mga gamit mo at para na rin mabisita ka." Hinaplos nito ang tiyan niya. "Kumusta kayo ng baby mo?"

"Okay kami. Masaya kami rito. Inaalagaan ako ni Daddy Geoff!" kinikilig na sabi niya at saka bumulong rito. "Ang dami kong kuwento sa'yo. Sabi ni Geoff, he's falling in love with me na!"

Bumilog ang mga mata ni Jona at sabay pa silang impit na napatili sa kilig.

"Iba ka talaga, Zoey! Walang kawala sa charm mo si Geoff!"

She giggled. "Balik ka dito after ng class mo. Nandito lang naman ako buong araw. Bukas pa 'ko dadaan sa Zoey's para mag-check. Kaya kuwentuhan na lang tayo dito."

"Ah, eh, s-sige." Nagpalinga-linga ito.

Zoey playfully smiled. "Nasa komedor si Greg."

"Hindi siya ang hinahanap ko!" tanggi agad nito. "Si Lola Mina sana kukumustahin ko."

"Ay sus!" Sinundot niya ito sa tagiliran. "Kunwari pa. Wala sila Lola. Pumunta sila sa Cauayan ni Lolo Gus."

"Ah." Nagpatangu-tango ito. "Sige, mauuna na 'ko. May klase pa kasi ako."

Paalis na si Jona nang lumabas sina Geoff at Greg mula sa dining room.

"Nalimbag nga adlaw," mahinang bati nito sa dalawa.

"Good morning, Jona," bati ni Geoff habang tumango lang si Greg. "Are you going already?"

"Oo, eh. May klase pa kasi ako. Naghatid lang ako ng mga gamit ni Zoey. Hindi pa rin kasi nahuhuli ang magnanakaw. Ay, oo nga pala..." Mabilis na niyuko ni Jona ang body bag nito at saka may kinuha mula doon. "Nang naglilinis ako ng nabasag na vase nung magnanakaw, nakuha ko 'to... nasaan na ba 'yun?"

Hinalungkat nito ang bag nito.

"Siguro sa'yo 'to, Zoey. Singsing. Naiwan mo siguro sa may sala. Buti kamo at hindi nanakaw."

"Talaga? Anong singsing?" Wala siyang naalala na may nawala sa mga alahas niya na bigay pa ng Papa niya sa kanya.

"Eto, o!" Pagkahugot ni Jona nang singsing ay agad na kumislap ang diamond sa gitna niyon.

Kumalabog nang malakas ang puso ni Zoey at napaatras. Malakas siyang napasinghap.

"That's not mine! Ilayo mo iyan!" sigaw niya bigla at saka tinulak si Jona.

"Z-Zoey—"

"Ilayo mo iyan! Ilayo mo!" Mas malakas niyang natulak si Jona. Natumba ito sa sahig.

"Zoey!" saway ni Geoff at saka siya pinigilan sa braso.

Singsing iyon ni Lucille! Bakit nasa bahay niya?!

"B-Bakit nasa bahay iyan?! H-Hindi akin iyan! Ilayo mo iyan!" 

She can't help but to be hysterical. Nangilabot siya at nag-umpisang manginig.

Natulala sa kanya si Jona. Dinaluhan na ito ni Greg at inalalayang makatayo.

Bakit nandoon ang singsing sa bahay? Hindi siya puwedeng magkamili. Iyon ang engagement ring ng Papa niya at nang madrasta. Paano napunta iyon sa...

Malakas siyang napasinghap. "She found me! She found me, already!" Bumaling siya kay Geoff at kumapit rito nang mahigpit. "Geoff, papatayin niya na 'ko! Nahanap niya na 'ko!"

"Zoey, calm down..." Parang nataranta sa kanya si Geoff.

"Nahanap niya na 'ko!" iyak niya at saka tumakbo palabas.

"Zoey!" habol ni Geoff at pinigilan siya sa braso. "Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan!"

Parang naririnig niya ulit ang boses ni Lucille na sumisigaw sa loob ng ulo niya. "H-Hindi ko sinasadya! Wala akong kasalanan!"

"Please calm down. Darling, the baby might get scared..."

"Hindi ko sinasadya iyon, Geoff!" Naramdaman niya ang pagkirot ng tiyan. Napakapit siya sa mga braso nito. "Believe me, Geoff! Believe me!"

"Zoey..."

Humagulgol na siya at nanginig. "Hindi ko pinatay si Cameron!"

"Geoff, she's bleeding!" sigaw ni Greg.

Napayuko si Geoff at nanlaki ang mga mata nang makita ang dugo na umaagos sa kanyang hita. "No!"

Napahawak siya sa tiyan nang humilab iyon at napasigaw siya sa sakit. Nanlambot ang mga tuhod ni Zoey kasabay nang pagdilim ng buong paligid.

Sorry, Zofiya... Mommy is scared.

***

Social Media Accounts:

FB Page: C.D. de Guzman / FGirlWriter

FB Group: CDisciples

Twitter: FGirlWriter

IG: fgirlwriter 

Continue Reading

You'll Also Like

227K 6.9K 43
| Stonehearts #8 | COMPLETED | A crystal of positive attitude, a ray of growth and a blinding sunshine, Vivienne Peridot Hermoso is one radiant energ...
647K 24.8K 29
Ang mga babaeng Salamanca ay para lamang sa mga lalaking Valleroso. Sina Arc at Lass ay ikinasal dahil sa tradisyon ng kanilang mga pamilya. Sa una p...
1.9M 62.9K 42
Mona likes Felix. Mona has liked Felix ever since she met him. She knew that he's way out of her league, but she still took a chance. Inunahan na niy...
1.7M 33.2K 39
"Hindi mo ba naiintindihan? We can't be together, the stars won't allow it and the heaven is against us. We have dissimilar worlds." - Jasmine Salaza...