"SHOULDER BAG" BY: DARK

By JLDark

140 5 1

More

"SHOULDER BAG" BY: DARK

140 5 1
By JLDark

ISANG single mother si Elisa. Mag-isa nya lang tinataguyod ang kanyang sampung taong gulang na anak na si Ely. Hindi sya pinanagutan noon ng kanyang boyfriend ng malaman nito na buntis sya. Tanging mga magulang lamang nya noon ang katuwang nya sa pagpapalaki sa anak. Pero di nagtagal ay nagkasakit ang kanyang ama at namatay noong tatlong taong gulang pa lang ang anak nya. Hindi rin nagtagal ay sumunod na rin ang kanyang ina.

Hindi mawari ni Elisa kung bakit sunod-sunod na lamang ang kamalasan ng kanyang buhay. Wala syang nagawa kundi ang buhayin mag-isa ang anak. Pinasok nya ang lahat ng trabaho para sa anak. Namasukan sya bilang katulong, labandera, tagaluto at kung anu-ano pa. Sa awa ng diyos ay nakakaraos naman sila sa araw-araw na gastusin. Pero habang lumilipas ang mga taon ay nagbabago si Elisa. Unti-unting nagbago ang pakikitungo nya sa anak. Lagi na lang mainit ang kanyang ulo at si Ely ang lagi nyang napagbubuntunan ng galit. Hindi lilipas ang araw na hindi nakakaranas si Ely ng malalakas na hagupit ng pamalo mula sa ina. Simpleng pagkakamali lang nito ay hindi matatawarang palo at bugbog na ang mararanasan nito. Hindi titigil si Elisa sa pagpapahirap sa anak hanggat hindi humuhupa ang galit nya. Si Ely ang sinisisi nya kung bakit nagkandamalas-malas ang kanyang buhay. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi natupad ang mga pangarap nya noon. Sa edad na 18 ay naging ina na sya. Habang nakikita nya rin ang hitsura ng anak ay naaalala nya ang ama nito na nambalewala sa kanya noon kaya labis labis na lamang ang galit nya para sa anak. Para sa kanya ay sumpa si Ely sa buhay nya.

Kahit binubugbog si Ely ni Elisa, mahal na mahal pa rin siya ng anak. Lagi pa rin nitong sinusuklian ng kabutihan ang ginagawa ng ina. Sa mura nitong edad ay alam nito kung bakit ganun na lamang ang galit ni Elisa para dito. Iniisip ni Ely na sumpa talaga sya sa buhay ng ina kaya ginagawa nya ang lahat para mapasaya ang ina. Sa katunayan ay nag-iisip na sya noon ng ireregalo nya para sa birthday ng ina.

***

"Sana matuwa si Inay sa regalo ko." aniya habang hawak ang isang nakabalot na kahon na naglalaman ng kanyang regalo. Anim na buwan nang pinag-ipunan ni Ely mula sa kanyang baon ang regalo nyang iyon.

Makalipas ang ilang oras ay umuwi na rin si Elisa mula sa trabaho nya sa palengke bilang tindera ng mga damit.

Masama ang timpla ng kanyang mukha dahil naiwan nya ang ilang pera sa bahay na ipambabayad nya sana ng utang kanina. Nabulyawan tuloy siya ng kanyang pinagkakautangan matapos na hindi sya makapagbayad. Mabilis nyang tinungo ang aparador kung saan naalala nyang doon nakatago ang pera. Isa-isa nyang sinalansan ang mga damit kung saan nakaipit ang pera. Ilang beses na nyang hinawi ang mga damit pero hindi nya makita ang hinahanap.

"Nasaan na 'yon? Alam ko dito ko lang nilagay 'yon eh?!" ilang beses pa nya itong tinignan pero hindi talaga nya makita ang pera.

Nakangiti naman syang sinalubong ng anak nang makita sya.

"Inay, nandito na po pala kayo." magalang nitong bati.

Hinarap naman nya ang anak pero kaagad na nagbago ang timpla ng kanyang mukha ng makita ang malaking nakabalot na kahon na hawak nito.

"Uhm, inay... Para sa inyo po." nahihiyang tugon ni Ely. Inabot nito ang regalo sa ina.

Kinuha ito ni Elisa at matamang pinagmasdan.

Tila napaisip na siya kung saan napunta ang ang perang hinahanap.

Sa isiping iyon ay biglang nag-init ang kanyang ulo. Naging sukdulan ang pagngingitngit nya ng galit para sa anak.

"SAAN MO KINUHA ANG PERANG PINAMBILI MO NITO?!" asik nya.

"Inay..."

"TINATANONG KITA!! Saan mo kinuha ang perang pinambili mo nito?!" sabay hagis sa hawak at sinugod si Ely. Hinawakan nya ito ng madiin sa pisngi.

"Magsalita kang hinayupak ka!!" sabay mahigpit na kinapit si Ely sa braso.

"I-inay, inipon ko po ang perang pinambili k-ko ng regalo p-para sa inyo..." maluha-luha nitong pahayag.

"Sinungaling!! Kung di ko lang alam, sa mga walang kakwenta-kwentang bagay lang napupunta ang mga perang binibigay ko sa iyo! Sigurado akong ikaw ang kumuha ng pera ko dito! Walang hiya ka, pinapa-aral na nga kita, pinapalamon, pinapatira sa bahay na ito tapos ito pa ang igaganti mo sa akin?! Ang pagnakawan ako?!" gigil na sigaw nya.

"Hindi po t-totoo yon, Inay. H-hindi po ako ang n-nagnakaw sa i-inyo..."

"Aba't nagmamaang-maangan ka pa! Tayong dalawa lang ang naririto! Imposibleng may ibang kumuha niyon!" sabay malakas na sinampal si Ely. Napasadsad ito sa sahig.

Di pa nakuntento si Elisa kinuha nya ang kanyang pamalo. Walang habas nyang pinaghahataw ang anak.

"Umamin ka na!! Ikaw ang nagnakaw ng pera dito!!" aniya na patuloy pa rin sa pagpalo sa anak. Walang nagawa si Ely kundi tanggapin ang mga palo sa kanya. Hindi sya tinantanan hanggat hindi sinasabi na sya ang nagnakaw.

Dahil sa labis na takot ay umamin na lang sya sa kasalanang hindi naman talaga nya ginawa.

"N-nay, p-patawad po. D-di ko na po uulitin.

Hin-di ko na po ka-kayo pagnanakawan."

Sa sinabing iyon ni Ely ay lalong nag-init ang ulo ni Elisa kaya hinataw pa nya ang anak.

"Sinasabi ko na nga ba!! Walang hiya ka talaga!! Alam mo bang ipambabayad ko iyon sa utang natin tapos nanakawin mo lang?! Demonyo ka talagang bata ka! Ikaw ang sumpa sa buhay ko, alam mo ba iyon?! Nang dahil sa iyo kaya minalas ang buhay ko! SANA NAWALA KA NA LANG SA LANDAS KO!!" aniya kasabay ng malalakas pang palo sa anak.

Nang magsawa ay iniwan na nyang lupaypay si Ely. Lumabas na lang siya ng bahay upang magpalipas ng init ng ulo habang si Ely ay naiwang umiiyak sa isang sulok.

Masakit ang buo nyang katawan pero walang galit na mababakas sa mukha nya. Sa halip ay nalulungkot sya para sa ina dahil sa mga pinagdaanan nito ng dahil sa kanya. Dinibdib nya rin ang mga huli nitong sinabi sa kanya.

MAKARAAN ang ilang oras ay nagpasya nang umuwi si Elisa. Hindi pa rin masyadong humuhupa ang galit nya.

Nang makauwi ay nabungaran nya sa loob ang malaking kahon na regalo ni Ely sa kanya para sa birthday nya.

Tila nakaramdam sya ng munting kurot sa puso matapos maalala ng anak na ngayon pala ang kanyang kaarawan. Maging sya ay hindi natandaan na ngayon nga pala ang kanyang kaarawan.

Ngunit hindi pa rin maialis sa isipan nya na si Ely ang kumuha ng kanyang pera.

Kinuha niya ang regalo ni Ely sa kanya. Bunga ng kuryosidad ay inusisa nya ang laman ng regalo.

Tumambad sa kanya ang isang bulaklaking shoulder bag nang buksan nya ito. Hindi malaman ni Elisa ang iisipin, kung magagalit pa ba sya o matutuwa dahil nagustuhan nya ang regalo sa kanya ni Ely.

May nakatuping papel na nakaipit mula sa bulsa ng shoulder bag. Binasa nya ang nakasulat dito.

------

Dear Inay,

Sana magustuhan nyo ho ang regalo ko sa inyo. bago sya umalis. Ibig sabihin ay walang kasalanan si Ely.

Nakaramdam ng awa si Elisa sa anak dahil napagmalupitan nya ito. Sa loob ng mahabang panahon na naging masamang ina sya kay Ely ay laging pagmamahal ang isinusukli nito sa kanya. Tumayo sya at tinungo ang kwarto nito.

Naratnan nya roon si Ely na nakahiga sa kama habang nakatalukbong ng kumot. Marahil ay nagdaramdam pa rin ito sa nangyari.

Lumapit siya at hinaplos ang ulo ni Ely habang nakatalukbong ng kumot.

"Anak, pasensya na kung naging malupit sa'yo si Nanay, ha? Pero promise ko, magiging mabuting nanay na ako sa'yo. Sorry sa lahat ng nagawa ko. Hindi mo naman talaga kasalanan ang mga nangyari sa akin noon. Alam mo ba, nung ipinanganak ka, tuwang tuwa kami ng lolo't lola mo dahil dumating ka sa buhay namin. Pero nung nawala sila, parang gumuho na rin ang mundo ko. Pakiramdam ko ay nag-iisa na lamang ako. Hindi ko alam kung paano kita bubuhayin. Kaya siguro minsan ay laging mainit ang ulo ko at laging ikaw ang napagbubuntunan ko ng galit. Pero kahit anong pagmamalupit ko sa'yo, pinaramdam mo pa rin sa akin na hindi ako nag-iisa. Minahal mo pa rin ako. Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko anak. Mahal na mahal kita." maluha-luhang sabi nya. Hinalikan nya sa ulo si Ely. "Saka nga pala, yung shoulder bag na regalo mo sa akin, nagustuhan ko sya. Iyon na ang pinakamagandang regalo na natanggap ko. Salamat sa'yo, Ely." sabi pa nya.

Napansin naman ni Elisa na hindi kumikibo si Ely.

"Ely, Anak?" niyugyog nya ito pero hindi kumikilos.

Hinawi nya ang kumot na nakatalukbong kay Ely at nagitla sya sa tumambad sa kanya.

Bumubula ang bibig ni Ely habang hawak nito sa isang kamay ang isang bote ng clorox.

"ELY! ANAK KO! HUHU!" niyakap nya ang anak habang walang tigil sa paghagulgol.

"TULONG!! Tulungan nyo kami!!" paghingi nya ng saklolo, umaasang maisasalba pa ang anak. "ELY! Pakiusap, kailangan mong mabuhay! Ipinapangako ko, magbabago na ako. Mamahalin na kita ng buong puso na hindi ko pa naipadama sa iyo noon. Pakiusap, Ely, magpakatatag ka. Hindi ko makakayanan kapag nawala ka.." mangiyak pa nyang sabi habang yakap ang anak.

Dumating naman ang ilang mga tao matapos marinig ang paghingi ng tulong ni Elisa.

Dinala nila si Ely sa ospital...

.

.

.

Pero...

.

.

.

Huli na ang lahat...

.

.

.

WALA NA SI ELY...

Hindi nakayanan ng mura nitong katawan ang lasong tinamo. Labis Labis ang paghihinagpis ni Elisa sa nangyari. Sinisisi nya ang sarili kung bakit nagawang kitilin ng anak ang sariling buhay. KASALANAN NYA ANG LAHAT!

***

Makaraan ang isang araw ay ibinurol na si Ely sa kanila.

Maraming nagsidatingan upang makiramay. Ang ilan naman ay personal pang nakiramay kay Elisa.

Isang may edad na babae ang lumapit sa kanya.

"Napakabuting bata ang iyong anak." wika nito. "Alam mo ba, sya lang ang tanging tumulong sa akin nung natapilok ako sa may kalsada. Maraming taong dumaraan noon na mas malalaki pa sa kanya pero tanging sya lamang ang umalalay sa akin upang makatayo. Napakabuti nya at maaalahanin sa kapwa."

"Maging ako man ay natulungan nya rin," ani naman ng isa pang babae. "Ibinalik nya sa akin noon ang aking wallet na nahulog. Hinabol pa nya talaga ang tricycle kung saan ako nakasakay upang ibalik ang aking wallet. Lubos ang pasasalamat ko sa kanya noon. Ni hindi nga niya tinanggap ang perang binigay ko sa kanya bilang pasasalamat. Aniya'y, sapat na sa kanya ang makatulong." saad pa nito.

"Sya nga pala, Elisa," ani naman ng isa pang babae sabay abot ng konting abuloy sa kanya. "Ako nga pala yung tindera ng Shoulder bag na binili sa akin ni Ely nung isang araw. Naalala ko pa nga yung pangungulit niya noon sa akin na huwag ko raw ibebenta sa iba ang shoulder bag na iyon. Para daw iyon sa iyo kaya pinag-ipunan nya talaga ito upang iregalo sa birthday mo. Halos magtitinalon nga siya sa tuwa matapos nya itong mabili. Napakagiliw talaga nya kaya naman ako na ang personal na nagbalot ng regalo na para sa iyo. Natutuwa kasi ako sa anak mo. Napakamasiyahin nya. Kaya naman... Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na ang batang iyon." naiiyak na ring sabi nito.

Sa narinig na iyon ni Elisa ay lalo syang napahagulgol. Pinagbintangan kasi nya ang anak sa kasalanang hindi naman talaga nito ginawa. Kung hindi sana nya pinagdudahan si Ely, kung hindi na sana nya bnitiwan ang mga masasakit na salitang iyon, hindi na sana nagdamdam pa ang kanyang anak. Kasama pa nya sana ito. Lalo nyang sinisi ang sarili sa kasalanang nagawa.

Walang tigil sa paghagulgol ng iyak si Elisa. Gusto nyang magsalita pero walang lumalabas sa kanyang bibig. Nangangatal ang kanyang mga labi.

Inakap naman ng matandang babae ang kanyang balikat.

"Isang mabuting bata ang iyong anak. Naging maayos ang pagpapalaki mo sa kanya. Alam kong masaya na siya kasama ang ating panginoon. Papatnubayan ka ng iyong anak mula sa langit." wika ng matanda. Walang humpay ang pagbalong ng mga luha mula sa mga mata ni Elisa. Puno ng pagdadalamhati ang kanyang kalooban. Paano ba nya napalaking mabuting bata ang anak gayong pagkasuklam lang ang naranasan nito mula sa kanya.Ni hindi nga nya napansin ang mga mabubuting katangian ni Ely.

Napayakap na lamang sya sa kabaong ng anak.

"Ely, sana ay mapatawad mo ako sa mga naging pagkukulang ko sa'yo. Patawarin mo ako, anak." umiiyak na sabi nya.

Bigla siyang nakaramdam ng malamig na hangin. Wari'y niyayakap siya nito. Parang pinapahid ng hangin ang kanyang mga luha.

Niyakap ni Elisa ang sarili. Alam niyang kasama niya si Ely at dinadaluhan siya.

***

MAG-ISANG nakatunghay si Elisa sa puntod ng anak na kalilibing lang. Umalis na ang lahat ng taong nakipaglibing at sya na lamang ang tanging naiwan.

Nag-alay sya ng mga bulaklak sa puntod nito

"Anak, patawad kung hindi man lang kita nagawang mahalin tulad noon. Patawad kung hindi ako naging mabuting ina sa'yo. Sana masaya ka na kung saan ka man naroroon. Kasi ako, sobrang lungkot ko sa paglisan mo. Miss na miss na kita. Mahal na mahal kita anak."

Muling naramdaman ni Elisa ang malamig na hangin, kasunod ay ang pag-agos ng kanyang kanyang mga luha. Tuluyan siyang napahagulgol.

Pero sa gitna ng kanyang pagdadalamhati ay isang pamilyar na boses ang narinig nya.

"Inay..."

Napalingon sya sa pinanggagalingan ng boses at nakita nya mula roon si Ely.

"Ely, Anak ko!"

"Salamat sa iyo inay. Mahal na mahal ko ho kayo."

"Anak, mapapatawad mo pa ba ako sa mga naging kasalanan ko sa'yo?"

Niyakap sya ni Ely upang iparating na kahit kailan man ay hindi ito nagalit sa kanya. Niyakap na rin ni Elisa ang anak habang walang tigil sa pag-iyak.

"Inay, wag ka nang umiyak. Gusto kong makita kang nakangiti bago ako umalis." anito saka pinahid ang mga luha ni Elisa.

"Anak..."

"Sige ka, gusto mo ba akong maging malungkot bago umalis?"

Ngumiti na rin si Elisa para sa anak.

"Yehey! Masaya na ako dahil nakita kong ngumiti si Inay."

"Alam mo ba anak, nagustuhan ko ang shoulder bag na niregalo mo sa'kin. Napakaganda nya. Promise ko, iingatan ko iyon."

"Tuwang tuwa ako dahil nagustuhan nyo po ang regalo ko. Masaya na ako dahil napasaya kita, inay." unti-unti nang naglalaho si Ely sa harapan ni Elisa.

"Ely, huwag mo kong iwan..." sumamo nya.

"Inay, kahit kailan ay hindi ko ho kayo iiwan. Palagi ko kayong babantayan. Hindi ka na mag-iisa, inay. Hindi ko kayo hahayaang maging malungkot muli."

"Ely..."

Nagmistulang usok na lamang si Ely na tinangay ng mga hangin. Pero bago ito tuluyang naglaho ay narinig pa nya ang boses nito.

"Inay, mahal na mahal kita. Alam ko at ramdam ko na minahal nyo rin ako. Salamat sa lahat, Inay." anito bago tuluyang naglaho.

Tuluyang napawi ang mga ngiti ni Elisa. Napaluhod siya at muling umiyak. Hindi niya alam ang gagawin ngayong wala na ang anak.

Matagal na nasa ganoong ayos si Elisa bago nya ipinasyang lisanin ang lugar.

Walang katiyakan kung ano ang mangyayari sa kanya matapos ang lahat.

***

MAKALIPAS ang ilang buwan:

IPINAGPATULOY ni Elisa ang buhay kahit wala na si Ely. Alam nyang hindi magugustuhan ng anak kung palagi na lamang syang at malulungkot.

Nasa pamilihan si Elisa ng mga oras na iyon. Dala-dala nya ang shoulder bag na regalo sa kanya ni Ely. Pakiramdam nya ay kasama nya si Ely kapag nasa kanya ang bag na iyon.

Habang naglalakad ay may biglang humablot sa kanyang bag.

Nabigla siya sa pangyayari pero magkaganun pa man ay hinabol nya ang magnanakaw.

"ANG BAG KO!" sigaw nya na pumukaw naman ng atensyon sa mga tao roon.

Isang lalaki ang humabol sa magnanakaw.

Mabilis itong tumakbo kaya naabutan agad nito ang magnanakaw na napahinto dahil may humarang dito.

Si Elisa naman ay napaluhod. Kahit mawala na ang lahat ng laman nito, maibalik lang ang bag sa kanya.

Halos mangiyak na sya noon nang may nag-abot ng bag sa kanya. Ang Shoulder bag nya.

"Ah, miss, sa'yo ba 'to?" sabay abot ng bag. "Wag kang mag-alala, nahuli na ang magnanakaw. Maraming salamat do'n sa batang lalaki na humarang sa kriminal. Dahil sa kanya kaya ko naabutan ang magnanakaw."

Lubos-lubos naman ang galak ni Elisa matapos maisauli ang bag.

Niyakap nya ang shoulder bag. "Maraming salamat. Utang ko sa inyo ang lahat. Napakahalaga talaga nito sa akin kaya hindi ko alam kung paano ko kayo mapapasalamatan..." napatingin sya sa mukha ng lalaki at ganun na lamang ng kanyang pagkabigla ng makita nya ito.

Maging ang lalaki ay nabigla rin ng makita sya.

"E-Elisa?" wika nito sa kanya.

Si Elisa naman ay hindi makapaniwala. Hindi nya alam ang sasabihin nang makitang muli ang dating nobyo na nambalewala sa kanila noon. Ang ama ni Ely.

"Lando?" tanging nasambit nya.

"Elisa, ikaw nga." natutuwang sabi nito. "Alam mo bang matagal na kitang hinahanap?"

"Hinahanap? Para ano pa? Hindi ba't pinabayaan mo na ako noong nagbubuntis pa lamang ako?"

Lubos ko iyong pinagsisisihan. Hindi pa ako handa nung mga panahon na iyon. Pero, hindi pala kaya ng konsensya ko na pabayaan ang mag-ina ko. Hinanap kita pero wala ka na roon sa dati mong tinutuluyan. Walang nakakaalam kung saan ka nagpunta. Inalam ko rin kung saan nakatira ang mga magulang mo at nagbabakasakaling doon kita mahahanap pero tanging probinsya nyo lamang ang nalaman ko. Hindi ko na alam kung saan kayo sisimulang hanapin, kaya naman lubos akong natutuwa ng makita kita ngayon. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya. Sa loob ng sampung taon ay nakita uli kita, Elisa."

Bumalong ang mga luha ni Elisa sa narinig. "B-bakit ngayon pa, kung kelan huli na ang lahat,"

"Hindi pa huli ang lahat. Magsisimula uli tayo. Bubuuin natin ang ating pamilya. Hindi ko na kayo muling pababayaan. Magsasama tayo ng masaya, ikaw at ang anak natin." niyakap nito si Elisa.

Lalo naman syang napahagulgol.

Huli na ang lahat, Lando..."

"Huwag mong sabihin 'yan, Elisa..."

"Patawad. Ang anak natin..."

"Bakit? Nasaan ang anak natin? Gusto ko siyang makita." tila may pangamba na rin sa tono nito.

Isang impis na iyak na lamang ang pinakawalan ni Elisa sa mga bisig nito.

***

NAPALUHOD na lamang si Lando matapos makita ang puntod ng anak. Hindi nya mapaniwalaan ang lahat. Puno ng hinagpis ang kanyang sarili.

"Anak! Patawarin nyo ako kung hindi nyo ako nakasama sa mahabang panahon. Naging duwag ako. Sana ay nakasama pa kita. Gusto kitang makayakap, anak! Kung hindi sana ako naging duwag, buo pa sana ang pamilya natin. Napaka-iresponsable kong ama! Sana ay mapatawad mo ako, anak." patuloy nitong paghihinagpis sa harap ng puntod ni Ely.

Napaluha na rin si Elisa matapos makita ang pagdadalamhati ni Lando. Dinaluhan nya ito at niyakap mula sa likod habang umiiyak.

Bigla na lamang nilang naramdaman ang malamig na hangin. Tila ba dumadamay rin ito sa kanila. Alam ni Elisa na si Ely iyon. Nakayakap ito sa kanila. Alam nyang si Ely rin ang dahilan ng muli nilang pagkikita ni Lando. Patuloy silang ginagabayan nito.

***

MULING nagsama sina Elisa at Lando.

Makalipas lamang ang isang taon ay biniyayaan uli sila ng isang anak. Pinangalanan nila itong Lisa.

Naging masaya ang kanilang pamilya matapos dumating ni Lisa sa kanilang buhay.

***

MAKALIPAS ANG SAMPUNG TAON:

ABALA ang mag-amang Lando at Lisa para sa surpresang gagawin nila para sa birthday ni Elisa.

Nakahanda na ang mga inihain nilang pagkain at regalo. Si Elisa na lamang ang hinihintay nila.

Makaraan ang ilang sandali ay dumating na rin si Elisa.

Pagkapasok pa lang nya ng pinto ay kaagad na bumungad sa kanya ang mag-ama.

"SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY!" sabay na sabi ng dalawa.

"Aba! Ginulat nyo ako dun ah!" nasurpresang sabi nya.

Iginiya nila si Elisa papunta sa mesa kung saan naroon ang mga pagkain.

"Nay, kami po ni Itay ang naghanda nyan para sa inyo." wika ni Lisa.

"Aba, kayo pa talaga ang naghanda nito?"

"Syempre naman, mahal. Ito ang iyong espesyal na araw kaya naman pagsisilbihan ka namin ngayon."

Pinaupo nila si Elisa sa silya.

" Siya nga pala, heto ang regalo ko, mahal." sabay abot ni Lando ng isang maliit na kahon.

Unang tingin pa lang ay alam na ni Elisa na alahas ang laman no'n.

"Naku, nag-abala ka pa, mahal."

"Sige na! Para sa iyo talaga iyan. Buksan mo na."

Binuksan nga ni Elisa ang kanyang regalo at tumambad sa kanya ang isang kwintas na may makinang na hugis puso sa gitna.

"Lando, sobra naman yata itong regalo mo."

"Walang katumbas na halaga ang pagmamahal ko sa iyo. Para sa iyo talaga iyan."

Niyakap ni Elisa ang asawa.

"Nagustuhan mo ba?" tanong nito.

"Oo naman. Maraming salamat sa iyo."

"Nay heto naman po ang regalo ko sa inyo." wika naman ni Lisa sa kanya.

"Ay naku, ang dalagita ko. Nag-abala din pala ng regalo sa akin." inakap nya ang anak. "Ano ba itong regalo mo sa akin?"

"Buksan nyo na lang ho." natutuwang sabi nito.

"Sige nga."

Binuksan ni Elisa ang regalo. 

Tumambad sa kanya ang isang bulaklaking shoulder bag. Doon ay may bigla syang naalala.

"Bagay ho kasi sa inyo ang bulaklaking disenyo niyan. Mas lalo kayong magiging maganda kapag gamit nyo iyan." sabi pa ni Lisa.

Tuluyan namang napaluha si Elisa nang makita ang regalo ng anak. Kaparehas rin itong regalo ng yumao nyang anak na si Ely.

Ang huling regalo ni Ely na hanggang ngayon ay iniingatan nya pa rin.

Bahagyang lumungkot ang mukha ni Lisa matapos makita ang naging reaksyon ng ina.

"I-inay? Hindi nyo ho ba nagustuhan ang regalo ko sa inyo??" malungkot nitong tanong.

"H-hindi anak." kaagad nyang tugon. "Alam mo ba, napasaya mo ako ng husto dito sa regalo mo. Maraming salamat sa'yo, anak."

"Hay, akala ko ay hindi nyo ho nagustuhan eh."

"Pwede ba yun? Kahit na ano pang iregalo mo sa akin ay magugustuhan ko. Para sa akin ay isa iyong kayamanan." niyakap nito ang anak.

"Salamat rin, inay. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal rin kita anak."

"Ehem.. Si Lisa lang?" medyo may tampong sabi naman ni Lando.

"Pwede ba naman yun, mahal?" niyakap nya uli si Lando. Nagyakapan silang tatlo.

"O siya, bago ang lahat, mag birthday wish ka muna." inilahad nito ang cake na may kandila kay Elisa.

Pumikit si Elisa bago nya inihipan ang cake.

"Ano ho ang Wish nyo, inay?" excited na tanong ni Lisa.

"Wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang isang masayang pamilya na kasama kayo."

Sandaling nagkatinginan ang mag-ama bago nila sabay na niyakap si Elisa.

"WISH GRANTED!" wika nila.

Lumuluhang niyakap ni Elisa ang pamilya nya.

Sa wakas ay nagkaroon ng katuparan ang inaasam na masayang pamilya ni Ely.

Kahit na anong pagmamalupit at pagkukulang ni Elisa noon sa anak ay ang kasiyahan pa rin ng ina ang inasam nito. Isang wagas na pagmamahal ng anak sa magulang.

TINATANAW ni Ely mula sa di kalayuan ang nagyayari sa kanyang pamilya. Masaya na ang mga ito. Tapos na ang kanyang misyon.

MULA naman sa bintana ay natanaw ni Elisa ang isang pamilyar na imahe. Si Ely.

Nakangiti ito sa kanila at halatang masaya.

Kumaway ito sa kanya bago nagpaalam.

Ngumiti na rin si Elisa bago sya bumulong ng 'SALAMAT SA LAHAT! MAHAL NA MAHAL KITA!'

Nagpasalamat sya sa lahat ng nagawa ni Ely para sa kanya. Nang dahil sa shoulder bag ay nagkita silang muli ni Lando. At ngayo'y biniyayaan sila ng isang anak sa katauhan naman ni Lisa. Wala sa syang mahihiling pa.

"Nay sino po ang tinitignan nyo sa labas?" puna ni Lisa sa kanya.

"Ang guardian angel natin."

"Guardian angel ho?"

Nginitian ni Elisa ang anak.

"Mamaya pagkatapos nating kumain, dadalawin natin ang Kuya Ely mo, ha."

"Sige po, nay! Para po mas maging buo ang pamilya natin." nakangiti ring sabi ni Lisa.

"Tara na, kumain na tayo para naman madalaw na natin agad ang kuya Ely mo." Tugon rin ni Lando.

"Sya nga, mukhang masasarap nga itong inihanda nyo ah?" ani Elisa.

"Opo, inay. Kami po ni Itay ang nagluto ng iba dyan."

"Iba?"

"Yung mga nasunog po, si Itay ang nagluto, yung iba, inorder ho namin."

"Naku! Bakit mo naman ako ibinuking?"

Nagtawanan sila. Habang masayang pinagsasaluhan ang mga pagkain.

~>WAKAS . . .

Continue Reading

You'll Also Like

161K 9.3K 79
[rental series #1] in which jihoon rented soonyoung's room. date started: 09-29-17 date ended:02-01-20 language: filipino and english
55.9K 70 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
331K 8.2K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...
82.4K 2.4K 62
This story was all about the obsession of Miss Amora Ellie Jimenez to the girl she have taken.