_________________________________________________________
I dedicate this Chapter to Ms. A!!! Hi Ms. A!!! (^__^)
__________________________________________________________
The Payong Love Story
Part 3
"Sukob Na"
"What if I ask you to marry me, would you say yes???"
"What?!" Bulaslas ko. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinambit niya. Naglalakad kami ngayon pauwi. Hindi din naman kalayuan ang tinitirhan niya sa amin. kaya madalas din kami nagkikita at arw-araw din niya ako hatid sundo sa schoolmat sa bahay. Actually, sobrang kilala na nga kami sa school ko at sa school niya, "couple of the century" daw kami.
"Will you say yes kapag tinanong ko na pakasalan mo ako?" Inulit niyang tanong sa akin. Kasalakuyang binabagtas namin ang kalye ng village at nakasukob sa isang payong. Halos dikit na dikit ang mga katawan namin. Tulad lang nung dati, nung una kaming nagkita. Aun ang pinaka memorable at pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Ang makilala ko siya... Ang tao na alam kong iibigin ko hanggang dulo...
Na ngayon ay nagpropropose sa akin???
"Seryoso ka ba??? Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Eh kung sa hindi ako maniwala sa mga sinasabi niya eh! Pero mantakin niyo, parang kabayo na nangangarera ang puso ko ngayon sa sobrang kaba! "Baka naman binibiro mo lang ako..."
"No, im not. I'm really serious about this Kristine." Sabi niya sa akin at sumilip ang isang pilyong ngiti sa napakagwapo niyang mukha. Masuwerte ako sa kanya, sobra pa nga eh, gwapo na nga, mabait na, matalino na dahil scholar siya dun sa elite school na yun at higit sa lahat mahal niya ako. Pano ko nasabi? Hahaha, he shows me how he loves me so much, EVERY SECOND! EVERY MINUTE! EVERY HOUR and EVERYDAY... Kahit sa simpleng paraan lamang na pagsesend sa akin ng isang text ay napapangiti na niya ako... Napapasaya niya ako... Napapakilig niya ako.
And I love him the same why he does to me---no, i love him more than he loves me...
Pero parang biglaan naman ata ang pagtatanong niya sa akin ng ganitong bagay?
"H-huh? Sigurado ka ba sa bagay na yan? lance, this is a serious matter, hindi dapat ito binibigla, dapat pinagiisipan mo to ng mabuti..." Sabi ko. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya kaso ayaw ko ng padalos-dalos na desisyon...
Tahimik lang siya... At patuloy pa din kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa bahay ko. Pinatuloy ko muna siya saglit tapos umalis din siya nang tumila na ang ulan. Hindi na niya ako muling tinanong tungkol sa proposal niya na yun na i'm sure pag-iisipan niya ng mabuti.
Wala pa kaming isang taon. 5 months pa lang ata kami mag-on? Hahaha, sorry, hindi kasi sa amin uso ang monthsary... Ang importante kasi sa aming dalawa ay yung magkasama kami palagi. Hindi na namin napapansin yung mga oras, araw, linggo o buwan na dumadaan. Masiyado kaming occupied sa kasiyahan na nadarama namin.
Noong una, medyo nahirapan ako mag-adjust lalo na siya ang pinaka-unang nobyo ko. Nahihiya man ako aminin sa sarili na NO-BOYFRIEND-SINCE-BIRTH ako pero proud naman ako sabihin sa lahat na i'm no longer an NBSB dahil I already found the person whom i'm going to love for the rest of my life at si Lance na yun. Alam ko siya na talaga kahit alam kong maaga pa sabihin pero my feelings for him is real. Na-love at first sight nga ako eh.
Talaga lang naman nakakabigla ang tinanong niya sa akin. Hindi ko expected yun. Well, hindi naman sa pagiging makapal ang mukha pero expected ko na talaga na one day magpropropose din siya sa akin pero hindi naman sa ganitong kaagang panahon. Akala ko hihintayin niya muna makapagtapos kami at makapaghanap ng magandang trabaho bago magpakasal.
Na-meet ko na pala yung Auntie niya na nag-aalaga sa kaniya at kung saan siya nakatira ngayon. Tinatanong ko naman kay Lance kung nasaan ang parents niya pero hindi niya ako sinasagot kaya naman hinahayaan ko na, personal matter niya yun, alam ko din naman limits ko.
Then, na-meet na din pala ni Lance yung Parents ko din. Natatawa nga ako sa unang meeting nila. We had dinner outside tapos medyo na-late si Lance ng dating dahil may basketball practice pa daw siya. Yung ate at kuya ko naman, hindi magkanda ugaga, naiinis na daw sila kasi late daw yung boyfriend ko. Buti pa si Mama at Papa, chillax lang. Haha. Nga pala, parehas na may work yung mga kapatid ko pero single pa din tska 1 year lang ang gap namin sa isa't-isa kaya medyo close kami.
Tapos nung dumating na si Lance with full grand entrance pa with jersey jacket and pants, with matching wet hair dahil mukhang nagmadali talaga siya sa pag-shower niya, i saw ate's reaction like: ( O q O ). Halos lumuwa na ang mata niya tapos kulang na lang ay tumulo ang laway. i know why she's like that, na sobrahan sa coolness at kagwapuhan ang boyfriend ko kaya naman nagkakalat ng pheromones sa buong restaurant. Kahit yung mga katabing tables namin ay napapatingin sa kanya. Dali-dali naman tumabi sa akin si Lance at ni-ngitian. That made my heart melt. Si kuya naman, parang nabato sa kinauupuan niya while mama was smiling the whole time at si papa na ang nagsimula mag interrogate. Above all, naging masaya naman yung dinner, nagbehave naman si Ate, hindi siya naging wild pero pagdating namin sa bahay, dun na niya ako pinutakte ng tanong.
"How the hell you got a hot guy?!!!"
(Hindi ko nga din alam?)
"Paano mo nakilala yun?!"
(Paano kung sabihin ko ng dahil sa isang payong, maniniwala ka?)
"May mga kaibigan ba yun na kasing hot niya?"
(Alam kong sasabihin mo yan, yes, marami siyang kaibigan na hot pero mas hot pa din siya, and for pete sake ate! You're 21!)
"Pag nag-break kayo, akin na lang siya ha"
(That made me loose control, nasabunutan ko ng wala sa oras. Kahit ate ko pa siya)
Then sa school naman, puro panunukso ang ginagawa sa akin ni Niks but there are some girls that are very mean to me. Mga isang buwan din nila ako hindi nilubayan. They played a lot of pranks on me like drenching my clothes with red dye (nahirapan ako labhan yun-actually bumili na ako ng bagong set dahil hindi ko na natanggal) , they would junk my things to the garbage can or you know, yung mga mababang uri nang pagbubully like tripping me while i was walking. Hindi ko na lang sila pinansin kasi I know how much they admire Lance tapos napunta sa akin ang attention ng kanilang apple-of-the-eye.
Pero may hangganan ang lahat. Hindi ko na alam kung ano ang sumapi sa akin pero I woke up one day na hindi na ako pumapayag sa pang-aapi nila. I fought back. Hindi ko sila haayaan na ipagpatuloy ang pagkaya sa akin. i might be a silent type of person, or should i say, i'm a dominant volcano but can also an active one if i got the urge to.
Anyways, so much for that. Balik tayo sa usapang naganap kanina sa pagitan namin ni Lance.
When he asked me to marry him.
Na shock ako. Hindi ko naman inaasahan na tatanungin niya ako bigla ng ganun. Well, like i said earlier, masyado pang maaga to ask for that question. Ewan ko ba sa kanya, nagmamadali. Pero sa totoo lang, hindi naman niya ako kailangan tanungin ng ganun eh. Alam na niya ang sagot ko dun.
KINABUKASAN....
Okay. Hindi po ako sinundo ni Lance, mga kaibigan!!!!
Teka, nagtampo ba siya sa akin? Wala naman ako ginawang masama ah...
Hala naman oh... Promise, as far as I can remember, ang tangng sinabi ko lang naman sa kanya kahapon ay pag-isipan niya ng mabuti yung tinanong niya sa akin, baka nagpadalos-dalos siya.
Tsss... Naku Lance Rivera, binabaliw mo ako ah, muntanga lang ako dito sa lrt papuntang school, umagang-umaga, nakabusangot ang maganda kong mukha! At hindi mo din sinasagot ang tawag ko... Naman eh....
(TT___TT)
Hindi ko namalayan na nasa station na ako kung saan dapat na akong bumaba. Sobrang nag-emote ang lola niyo kaya muntikan ng lumagpas.
Bumaba na ako, sakto naman na nakita ko si Niks na palinga-linga kung saan kaya naman tinawag ko. Sino naman kaya hinahanap ng isang ito?
"Niks!!! Niks!!!! " sigaw ko. Mukhang narinig naman niya ako kaya lumingon siya sa akin at tumkbo na palapit sa kinaroroonan ko. Napatigil din kasi ako maglakad buhat ng mapansin ko ang pagdilim ng kalangitan.
Hello... Alas-otso pa lang po ng umaga, usually maaraw na sa gaitong oras pero makulimlim ang kalangitan. Nagbabadya na naman ang isang ulan...
"Haaaay! Kanina pa kita hinihintay! Bakit ngayon ka lang?!" Sigaw din niya. Galit ba to?
"Sorry naman Niks, hinintay ko pa kasi si Lance. Akala ko susunduin niya ako sa bahay, hindi pala, naghintay ako sa wala, Niks, walang dumating..." Sabi ko habang paunti-unti nang naiipon ang luha sa aking mga mata.
"Haaay naku, tama na ang drama. Umagang umaga. Tara na! Baka malate tayo!" Sabi niya sa akin at hinigit niya na ang braso ko. Nagpapahila naman ako.
"Anong malalate? 8:30 pa pasok natin. 8 palang kaya. Tsaka nandiyan lang naman yung school sa ibaba eh." Sabi ko. Eh kung sa malapit lang yung school eh, kaunting kembot lang nasa loob na kami ng campus.
"Ewan ko sayo, basta sumama ka na nga lang, tara na!" Hinigit pa niya lalo yung braso ko kaya hinayaan ko na lang na tangayin niya ako.
Pagbaba namin ng lrt ay naglakad na kami papunta sa school, kaso biglang bumuhos yung napaka lakas na ulan.
A/N: PLEASE PLAY THE VIDEO ON THE SIDE WHILE READING THIS PART! :)
"Wrong timing naman oh!" Sigaw ni Niks na nagmamadali kuhanin yung payong niya sa bag gayundin ako. Medyo nauulanan na din kasi kami eh. Nang mailabas na namin yung mga kanya-kanyang payong namin ay patuloy pa din sa paglalakad ng mabilis si Niks na parang nagmamadali. May lakad? May lakad?
"Ano ba Niks, may hinahabol ka ba? Sa pagkakaalam ko ay mamaya pa yung klase natin. Bakit ka ba nagmamadali?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Mahuhulas na yung make up ko sa pinag gagawa niya eh. Light na nga bka mas maging light pa or much worse, mabura na! Naku, baka hindi na ako magustuhan ni Lance niyan. "uy... Bagalan mo naman. Hinihingal na ako sayo eh" sabi ko pa ulit. Saka lang siya tumigil at hinarap ako.
"Huwag kang maarte Kristine. Para sa kapakanan mo ito. Baka pasalamatan mo pa ako pagkatapos nito eh..." Sabi nya sa akin tapos ngumisi siya.
"Teka, ano ba kasing meron???" Nalilito na talaga ako huh. Ano ba ang kaganapan at nagkakaganito si Niks?
Nagsimula na ulit siyang hatakin ako hanggang makarating kami sa open grounds ng school kung saan...madaming estudayante na nakapalibot? Lahat sila naka payong, iba-ibang kulay, may yellow, may pink, my lavander, may baby blue tapos pare-parehas lang yung design...wait... Favorite colors ko ito ah. Pero mas maraming pink kasi yun ang pinaka paborito ko sa lahat.
"Ay, anong meron Niks? May event?" Tanong ko. Alam ko walang naka-schedule na event ngayon eh, so anong meron? Umuulan din kaya?
Naramdaman ko na hinawakan niya ako sa likod at marahang tinulak papalapit sa gitna ng open ground. Umuulan nang medyo may kalakasan kaya naman nagpuputik na yung sapatos ko pero hindi ko ininda kasi kakaiba yung mga nangyayari sa harapan ko tapos parang kinikilabutan ako? Hindi sa lamig ah, pero sa ibang dahilan na hindi ko malaman...
"Wish you all the best Kristine... Ikaw ang best friend ko sa lahat! i love you kaya kung saan ka masaya, dun din ako... i wish for you happiness... " sabi niya sa akin tapos umiiyak siya--ay anong meron talaga?--- niyakap niya din ako bago niya ako tuluyan iniwan sa gitna.
Tatawagin ko pa sana siya ulit kaso biglang may lumitaw na isang tao sa may gilid ko. Naka payong ito na kulay Pink. Kaparehas sa hawak-hawak ko ngayon... Kaparehas nung payong na ipinahiram ko sa kanya kaya kami nagkakilala.
"L-Lance..." Sambit ko. Nagsimula na din kasi ako kabahan. Hindi ko alam kung bakit. Parang may magaganap na hindi ko inaasahan.
Lumapit siya sa akin at tumindig nang diretso. Noong una, parang nahihiya pa siyang tingnan ako sa mata pero ng makabawi ay ngumti na din siya sa akin. While ako naman ay shock pa din sa mga nagaganap.
Bakit siya nandito???
"Sorry kung hindi kita nasundo kanina. May ginawa lang kasi ako..." Sabi niya tapos lumihis yung tingin niya sa ibang direksyon. May tinatago ba siya sa akin?
Luminga-linga ako sa mga taong nakapaligid. Nandun pa din sila tapos ang cute cute tingnan nung mga payong nila... Para bang may pattern? Kasi may mga odd na designs eh, hindi ko lang mawari.
"Bakit ka nandito? Di ba dapat nasa school mo ikaw ngayon?" Tanong ko.
Hindi niya ako sinagot, imbes ay mas nilapitan pa niya ako at halos isang dangkal na lamang ang lapit niya sa akin. Titig na titig siya sa mga mata ko. pakiramdam ko ay parang nilulunod niya ako sa bawat pagtitig niya. Parang may hinahanap siya sa kaibuturan ko.
"Remember what i asked you yesterday?" Tanong niya. Hindi pa din niya pinuputol ang tingin niya sa akin.
Tumungo lang ako.
"Then you said that i should think it over again because getting married is a serious matter."
Tumungo lang ulit ako.
"Well, i thought about it ever since i took you home. Pagdating ko sa bahay, yun kaagad ang inisip ko. Kung tama nga ba na magmadali ako or we take things slowly...pero---" sabi niya. Dahan dahan din niyang hinawakan ang kamay ko.
Kaming dalawa lang ngayon sa gitna ng napakalaking open grounds samantalang yung mga tao naman ay patuloy lang sa panunuod na animoy isang pelikula. Naalala ko tuloy na parang ito din yung naganap nun nung nagkita kami sa harap ng school.
"Pero I realized that, my first decision is right. " sabi niya.
"Ha?" Tanging nasagot ko lang. Anong first decision yun?
"It doesnt matter how long we are in a relationship, as long as our feelings with each other is mutual, thats what matters the most Kristine. All my life, I let my parents decide for myself. I let them run my life for 17 years not until I got my freedom when I step into college. Dun ko nalaman how life is beautiful at kung gaano ka importante mag desisyon para sa sarili. And now, I'm 19, nakabuo ako ng isang desisyon na sigurado ako hindi ko pagsisishan kailanman..." Sabi pa niya sa akin. Ngumiti siyang bahagya at napansin ko kaagad ang mga naging rekasyon ng aming audience. Halos lahat ng mga babae ay nag: "haaaaaayyy"
"Ano yung desisyon na yun, Lance?" Tanong ko sa kanya.
Saglit siyang napatigil at tumingin kung saan nag kumpulan ang mga tao na may hawak-hawak na kakaibang payong. Ilang saglit pa ay pumorma na ang mga ito. Sa puwesto kasi namin, aakalain mo na isang simpleng payong lang ang mga ito pero nung bahagyang itinapat na nila ito sa amin, dun ko na nawari kung bakit ito kakaiba, kasi sa tuktok ng mga ito ay may mga letra na nakasulat.
"Ang ayain ka magpakasal sa akin." Sabi niya at sabay lumuhod sa harapan ko, sa harap ng maraming tao.
Yung iba nariring ko kong tumitili na at nagchecheer na sa amin pero hindi ko na talaga kinakaya yung mga pangyayari lalo na't ng mabasa ko yung mga nakasulat sa mga payong na iyon.
Nag-init ang pisngi ko at tuluyan ng dumaloy sa aking mga mata ang luha na kanina ko pa pilit pinipigilan...
'Will you marry me, Kristine?' Yan ang nabasa ko na mas lalo pang nagpaiyak sa akin.
So hindi pala siya nagbibiro?
"I'm not joking. i want you to be my wife, to be the mother of my children and the one I'm going to grow old with. I want to be with you forever Kristine....Marry me..." Sabi niya at inilabas na niya ang isang napakagandang singsing mula sa isang asul na kahon. Inilahad niya sa akin ito at unti-unting nanlalabo ang paningin ko buhat sa mga luhang naiipon sa mata ko pero bumabagsak din ito di kalaunan.
Magpapatumpik tumpik pa ba ako?
Siyempre di na!
"Y-yes... I'm going to M-marry you!!!" Sigaw ko at saka niya inilusot ang singsing sa aking daliri at tumayo siya para yakapin ako.
Hindi ko na marinig ang sinisigaw ng mga tao. Ang tanging nariring ko lang ay yung bawat paghikbi ko at ang mabilis na pagtibok nang aking puso. Yung mga bawat patak ng ulan sa aking payong. At ang mga sinasambit ni Lance sa aking tenga...
"I love you Kristine... And i thank god that you came into my life..."
....
Nang dahil sa isang payong, ayun ang magiging dahilan para makilala ko ang taong nakatadhana sa akin....
Nang dahil sa isang payong ay magkikita kaming muli...
At nang dahil sa payong...
Panghabang buhay ko na siyang makakasama dahil kami ang para sa isa't-isa....
THE END <3
_____________________________________________________________
Go Ara as Kristine Anne Dela Cruz
L of Infinite as Lance Uy Rivera
_____________________________________________________________
Thank you po for reading The Payong Love Story!!!
Maraming Maraming salamat po sa nagsupport!
______________________________________________________________
westprincess1793(c)
______________________________________________________________