Second Chance Book 2: Our Des...

By MiarraMaeM

950K 14.9K 3.8K

(2nd book) Sabi nga sa kasabihan "We were born to be true not to be perfect" Lahat ng tao nagkakamali. Ang ta... More

Chapter 1: Ang pagbabalik
Chapter 2: Asar
Chapter 3: Formality
Chapter 4: Argue
Chapter 5: Despedida
Chapter 6: Meet up
Chapter 7: Meeting
Chapter 8: LQ again
Chapter 9: Sakit sa ulo!
Chapter 10: Baboy.
Chapter 11: Next Level
Chapter 12: New home
Chapter 14: Night
Chapter 15: Malas!
Chapter 16: High-tempered
Chapter 17: Jealous
Chapter 18: Balik
Chapter 19: Sermon
Chapter 20: Welcome back!
Chapter 21: Bwiset >.<
Chapter 22: Time
Chapter 23: Special Day
Chapter 24: Lasing
Chapter 25: Bad day
Chapter 26: BV
Chapter 27: Pak dis layp.
Chapter 28: Bulag
Chapter 29: Unfortunate
Chapter 30: Alone
Chapter 31: Fake
Chapter 32: Mean.
Chapter 33: Karma
Chapter 34: Instant
Chapter 35: 1st day workout
Chapter 36: Truth
Chapter 37: Litrato
Chapter 38: Unexpected
Chapter 39: Batangas
Chapter 40: Buking
Chapter 41: OMG.
Chapter 42: Honest
Chapter 43: Over
Chapter 44: Official
Chapter 45: New
Chapter 46: Happy & Satisfied
Chapter 47: Gift
Chapter 48: Parking instructor
Chapter 49: Not again
Chapter 50: Sleep
Chapter 51: Instagram
Chapter 52: John's POV
Chapter 53: Resto
Chapter 54: Paul's POV
Chapter 55: 2 years after
Chapter 56: Unready
Chapter 57: A day to remember
Chapter 58: The Wedding Ceremony
Chapter 59: The Finale

Chapter 13: Together

17.4K 233 35
By MiarraMaeM

Sorry late yung update! :)

___________

"Ayyyy oo! Happy Monthsary John!"

Naka-titig lang sya.

"Oh bakit? Akin na nga yan. Ah eh yung regalo ko, di ko pa nakukuha, pwede bukas?"

Nakatitig pa rin sya at di nagsasalita.

"Tikman mo nga tong niluto ko."

Di pa rin kumikilos.

LAGOT >.<

"Uy!"

J: "Nalimutan mo?"

"Hi-hindi no!"

J: "Para namang hindi ko kilala yang reaksyon mo kapag nagsisinungaling ka."

"Hmmn. Sorry. Eh kasi naman sa dami kong iniintindi...."

J: "Di naman yata reason yun."

"Sorry na, 1st time ko naman malimutan eh."

Ano ga naman yan!

Malas!

Bakit ga nga yon e nawala pa sa isip ko?

Eh samantalang lagi ko naman naalala yon.

J: "Hmmn."

"Sus naman a-re! Sorry na, medyo marami lang siguro inaasikaso kaya nalimutan ko."

J: "Ako din naman, sa dami kong ginagawa sa opisina, di naman ako nakakalimot."

Lagot, mainit na ulo nyan.

"Sorry na nga."

J: "Hmmn."

Kumuha na ako ngtagayan at nagsalin ng aroscaldo.

Pinatong sa table.

Tapos tinulak ko sya ng dahan-dahan paupo sa upuan.

"Kalma lang, kumain ka muna."

J: "Hindi na ako nagugutom."

"Sige na! Eto naman, eto na nga eh, bumabawi na nga e"

Naka-simangot pa rin sya.

Hmmmn.

Kinuha ko yung kutsara, at kumuha ng konting aroscaldo sa tagayan.

Tapos inalok sa kanya.

"Tikman mo."

J: "Wag na nga, busog na ako."

"Eto naman, titikman lang e. Pinaghirapan ko naman yan."

J: "Eto din naman, pinaghirapan kong itago sa kotse" tinutukoy nya yung bulaklak.

Binitiwan ko na ung kutsara.

"Sorry na nga, eto naman. OA msyado."

 J: "OA? Pinasa mo na naman sakin Jam."

 "Sorry na kasi, kumain ka na late na masyado oh, di ka pa kumakain."

J: "Di pa nga sabi ako gutom."

Arrrrg.

Daming arte nitong si John.

Minsan sarap din sarap sapakin eh, one time lang! >.<

Tumalikod na lang ako para di maipakita na naiinis ako sa kanya.

Bigla kong narinig ang kalam ng sikmura nya.

At di ko alam, pero napatawa ako ng bongga! HAHAHA.

Lumingon ako sa kanya, at napatingin din sya sakin.

Di ko napigilan ang tawa ko.

At napatawa din sya.

"Busog pala ha?"

J: "Busog naman talaga. Pero sige titikman ko to."

Sumubo sya ng isang kutsara.

"Well. Anong lasa?"

J: "Lasang Aroscaldo."

"Pilosopo talaga to. Ano nga?"

J: "Teka, di ko nalasahan."

Tumikim pa sya ng isang kutsara.

"Sus! Nagustuhan mo lang eh."

Ngumiti sya.

J: "Mapapagtyagaan na."

"Ui! Kapal mo no! Masarap yan alam ko!"

J: "Tatanong ka, tapos kapag sinagot, di ka maniniwala?"

"Oo na nga sige na."

Tumalikod ako at maghuhugas ng mga ginamit ko sa pagluluto.

J: "Ako na bahala jan, iwan mo na."

"Kumain ka na lang jan, pambawi ko na yan sayo. SIguro naman super bawing bawi na ko!"

J: "Nope!"

"Nope?! Nope ka jan! Eh daig pa natin ang pumunta sa 5* Carinderia nyan." pabiro ko.

J: "Pero di pa rin yan sapat dahil nalimutan mo ung dapat hindi kinakalimutan."

"Honest mistake naman yun ah!"

J: "Pagkakamali pa rin! You owe me something"

"Ano na naman yang something na yan?!"

Ngumiti sya.

J: "Ano ba yung alam mo na ikakasaya ko?"

Nanlisik ang mga mata ko.

"Kalokohan na naman yan! Uy! Wag ka ngang ganyan mag-isip."

J: "Teka, ano ga ang iniisip ko? May sinabi ga naman ako?"

"Alam ko yang mga mapanuksong ngiti mong yan e."

J: "Green-Minded?"

"Hindi ga yun ang totoo mong ibig sabihin?"

J: "Jam, kahit kelan nakakatawa ka!"

"Hoy! Seryoso ako!"

J: "Kung ano nasa isip mo, why not! Basta sasabihin ko, ikaw ang namilit sakin." tumawa sya.

"Ang kapal mo! Loko talaga to! Hindi yun. Arrgggg Nevermind!"

Tawa lang sya ng tawa.

"Anong nakakatawa don aber?"

J: "Wala..." sabay tawa ulit.

"Nakaka-inis!"

J: "Oh tingnan mo to, Pikon!"

"Hindi ako pikon!"

J: "Gusto ko lang naman ng cake, ikaw naman!"

"Cake?!"

J: "Pag-bake mo ko ng cake bukas."

"Galit ka pa?"

J: "Hmmmn. Basta pagbe-bake mo ako, susubukan ko na hindi."

"Wow ha?"

J: "Just kidding. Alam mo naman na gustong gusto ko yung mga niluluto mo."

"No choice?"

J: "You're the best CHEF in the WORLD! I mean, in my world." sabay ngiti.

Yun yun e! Totoo talaga na

The way to a man's heart is through his stomach <3

"Ang mais mo. Sige na. Bilisan mo na para mahugasan ko na ang plato mo."

J: "Ako na yung maghuhugas."

"Ay nako! Wag ka na nga makipagtalo."

J: "Kelan kaya ako mananalo sayo?"

"Never!"

J: "You're the boss.."

I smiled.

Nilinis ko na ang ibang ginamit ko.

Marami pa kami lilinisin sa totoo lang.

Hindi naman lahat, pero yung mga gamit gamit namin mismo.

Kasi okay na yung arrangement and furnitures.

J: "Kumain ka na?"

"Busog pa ako."

J: "Sumabay ka na sakin."

"Wag kang mag-alala. Hindi ako nagpapagutom. Kumain na talaga ako."

J: "Paano?"

"Basta. Kumain ka na lang dyan."

J: "Nasan yung singsing mo?"

 Ay oo nga pala.

Tinanggal ko muna nung nagluto ako.

Kasi baka maya-maya matanggal yung mga bato dun e. Sayang naman,

Tinuro ko sa kanya yung sa tabi nya.

J: "Wear it all the time okay?"

"Eh nagluto lang naman ako tsaka maghuhugas ako ng pinggan kaya kailangan ko tanggalin."

J: "Baka ma-misplace mo. Mawala."

"No. Don't worry."

J: "Tsaka, baka para alam nila na taken ka na."

"Umaarte ka na naman John."

J: "Bakit? Totoo naman?" he smirked.

"Paulit-ulit?"

J: "Basta kahit anong mangyare wag mong tanggalin yan until makasal tayo ha?"

"Eh baka nga..."

J: "Hindi yan. I know pahahalagahan mo yan. Di mo hahayaang masira yan, o mawala. Basta, gusto ko nasa kamay mo lang yan."

"Ahmmm. Okay sige."

_____

Nasa kwarto kami.

At parehas nag-aalwas ng iba pang natitirang gamit sa maleta at boxes.

Medyo pagod na nga kami e.

Super LOOOOOONG DAY!

Umupo ako sa may couch.

"Grabe! Ang haba ng araw na to."

J: "Tired already?"

"Anong tired already ka jan? Bakit hindi ka pa ga naman napapagod?"

J: "Hindi. Ginanahan ako sa pinakain mo."

"Ay nako John, wala ako sa huwisyo makipag-bolahan sayo. Pagod ako."

J: "Eto naman, hindi na malambing."

Umupo sya sa tabi ko.

J: "Are you okay?"

I nodded.

J: "Mag-rest ka na kung gusto mo?"

"Hindi, okay lang. 5 mins lang okay na ulit ako. Tapusin na natin para bukas wal ang intindihin."

J: "Mahaba pa naman ang araw at linggo eh. Bakit hindi na lang ipagpabukas? Pagod ka na."

Kinuha nya yung kamay ko.

At minasahe.

Aww :">

"Kaya ko pa promise!"

J: "Are you sure? Pwede naman na ako na lang ang mag-lagay nitong lahat."

"Kahit undergarments ko?" pagbibiro ko.

J: "Pwede!"

Tumingin ako sa kanya at pinisil yung ilong nya.

"Ulul. Ayoko nga."

J: "Seriously. You need some rest."

"Konting upo lang to promise!!!!"

J: "Okay sige."

Mina-massage pa rin nya yung kamay ko.

Pumikit ako saglit.

Grabe kasi nakakapagod.

J: "I hope we'll have a good time"

"Oo naman." tipid kong sagot.

J: "Do you think we can survive?"

I chuckled.

"Takot na takot ka yata?"

J: "Hindi naman sa ganon, kaso baka maya-maya sumuko ka sakin."

"Bakit naman?" naka-pikit pa rin ako.

Nakaka-relax kasi.

J: "May ibang ugali ako pagdating sa bahay."

"Then change it for me." pabiro ko.

J: "I'll try."

"Kapag pinahirapan mo ko....."

ZzZ

Zz
Z
Z
Z
Z

Z
Z

Z


Z
Z

Z


Z
Z

_____

Yung sikat ng araw yung nakapag-pagising sakin.

Unti-unti kong binuka yung mga mata ko.

Ramdam ko na parang may mabigat na naka-patong sakin.

Paglingon ko.

Yung isang paa pala nitong si John naka-daklay sakin.

OMG.

Sa couch pala kami nakatulog.

Yung ulo ko nasa balikat nya.

Tapos naka-yakap sakin ang isang kamay.

Sweet na sana, kaso pinatungan ako ng isa paa.

Loko to ah :D

Nako, yung ginagawa ko nga pala. 

Badtrip naman oh.

Tinanggal ko yung paa nya sakin.

Tapos balak ko tanggalin yung kamay nya sa pagkakaakbay sakin.

Peor napansin ko na lahat ng gamit ko.

Okay na?!

So ibig sabihin, tinapos nya kagabi?

Kaya siguro pagod na pagod to.

:">

Niyakap ko na lang sya ng mahigpit.

Ang sarap kapag alam mong may taong ganyan sa tabi mo.

Hindi ko ma-explain, pero wala. Ang saya :">

Tapos naramdaman ko na lang yung pagyakap nya rin sakin.

Tumingin ako sa kanya.

"Gising ka na pala?"

He nodded.

"Pagluluto na kita."

Tipong tatayo na ako.

Pero hinigpitan nya yung yakap pa sakin.

"John! Kailangan natin ng breakfast."

J: "I prepared it for you already."

"Huh?"

J: "Katatapos ko lang mag-luto at tapusin ang lahat ng to mga 3 hrs ago."

"What?!"

J: "Para wala ka ng alalahanin."

"May office ka pa mamaya diga?"

J: "I can sleep on my office" pabiro nya.

Hinampas ko sya ng mahina sa dibdib.

"Sira ulo!"

J: "Don't worry. Okay lang ako, absent ako today."

"Bakit?"

J: "I want to spend our first day here.. together."

Gusto ko yoooon!!! :D

Bumitaw ako sa pagkakayakap nya

Tumayo ako at medyo nag-unat.

Ngumiti lang  sya.

"Ano na naman?"

J: "Tama yung sabi nila, makikita mo ang totoong ganda ng isang babae kapag bagong gising sila."

"Ikaw nakakarami ka na ha? Nambobola ka agang aga! Di pa nga tayo nakakapag-toothbrush."

J: "I'm just telling the truth"

Kumuha ako ng towel sa gamit ko.

Then dumaretso sa may CR.

"Tumayo ka na jan at kapoy lang yan."

Ang ganda ng CR kainis! :D

Kahit dito na ako tumambay okay na okay yan sakin!

Pumunta ako sa may lababo.

Nag-toothbrush at naghilamos.

Ngumiti ako sa may salamin.

J: "Kaya pala ang tagal mo, nagpapa-cute ka pa sa salamin."

Nagulat ako. Anak ng tokwa.

Sanay naman kasi ako sa bahay na hindi nila-lock ang CR sa kwarto ko, mag-isa lang ako dun e.

"Ano ka ga naman, hindi man laang kumakatok eh."

J: "Eh ang tagal mo kaya!"

"Nanalamin lang eh."

J: "Nanalamin? Pero pa-smile smile?"

"Tinitingnan ko lang yung ngipin ko, kung okay na."

Isa sa pinaka-nakakahiya kaya iyon.

Yung may makakita sayo na nagpapa-cute ka sa salamin.

J: "Eh bakit parang nagulat ka kanina?" pang-aaasar nya.

"Mang-asar pa!"

Pinipigilan nya yung pag-ngiti nya.

Naglakad nga ako papunta sa kanya sabay tulak ng mahina.

"Che! Tabi ka nga jan, lalabas ako."

J: "Guilty" sabay tawa ng malakas.

"Ikaw! Kagabi ka pang nag-aasar ha!"

J: "Hindi kita inaasar, its just that...... You're so funny!"

"At ano namang nakakatawa?!" na-mey-awang ako.

J: "I dunno. Basta! Hindi ako ma-bobored sa bahay ah. Kapag uuwi ako dito."

"Bakit? Dahil pagtitripan at pagtatawanan mo ko lagi?"

J: "Ang sama naman ng term mo, hmmmn. Sabihin na lang natin na may MAGPAPASAYA sakin sa bahay" he smiled.

"Gayon din na rin yon eh!"

J: "Hindi ah... Magkaiba ang spelling."

WTH >,<

"Spelling? Spelling. Ganon? Pinipilosopo mo na ko?"

J: "Sige na, magtu-toothbrush na ako. Kakain pa tayo." may pahabol pang tawa.

"Humanda ka sakin! Lalasunin kita!"

J: "Bring it on!"

Arggg.

Nakakainis tong lalaking to!

Dumadalas yung pang-aasar na-re ah.

Masasapak ko na talaga tong lalaksot na to!

Bumaba na ako.

Aba nga naman.

At ayos na ayos.

May bread and butter.

Hotdog, ham & cheese.

Sa dami nito, parang ilang linggo akong hindi kumakain ah, at gusto nya akong salpakan ng pagkakaraming agahan.

Naglagay ako ng mga plato.

Kutsara, tinidor at baso.

Medyo messy yung lababo.

May mag bula-bula pa.

Halatang hindi gaano sanay maglinis, pero at least nagta-try hahaha.

J: "Ayos?"

"Pwede na! Umupo ka na dito!"

Habang pababa ng hagdan.

J: "Ubusin mong lahat yan ha."

"Anong tingin mo sakin, patabaing baboy?"

J: "Hindi nga ga? Oink oink!" 

Wooo.

Jam, kalma!

Nasa harap ng pagkain.

Nag-inhale exhale na lang ako

Bago sya umupo sa harapan ko.

Ay sinundot nya muna ang tagiliran ko.

Kaya napatalon ako, may kiliti ako dun e.

Anak ng teteng naman >.<

Hinampas ko nga!

Tumatawa lang sya.

"Ano gang problema mo?"

Tumawa lang sya ng tumawa.

Parang nag-eenjoy pa kapag naiinis ako.

Yung mukha nya, parang walang umaga. WAGAS!!

J: "I love you!" tapos kumindat pa.

"Hoy John! Wag mo ko pairalan ng mga ganyan mo! Sasapakin na kita jan!"

J: "Hanggang ngayon ga naman, sadista ka pa rin?"

"Oo! Bakit? Papalag ka?"

J: "You're so funny."

Kinuha ko yung isang tinapay/

"Kapag di ka umayos jan ibabato ko to sayo!"

J: "Sige ka, ma-busong ka nyan. Tsk tsk" pang-aasar pa ulit.

Nanginig na ako sa inis!

Arggggg. >.<

Umupo na lang ako ng padabog.

Nakonsensya yata.

Lumapit sakin.

J: "Uy, joke lang."

Di ko pinapansin.

Kinain ko na lang yung tinapay na hawak ko.

Sinundot nya ang tagiliran ko, pero wa-epek na sakin.

J: "Sorry. Eto naman. Masaya lang ang tao eh."

Di ko pinapansin.

Umupo na sya sa may upuan katapat ko.

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.

Pero sa sobrang kakulitin nya, hinaharang nya yung ulo nya kung saan ako tumitingin.

Sinusundan nya talaga.

Tapos naka-ngiti.

"Nang-aasar ka ga talaga? Ano sapakan na lang!"

J: "Kalma lang Jam. Masaya lang ako."

"Masaya?! Pinagti-tripan mo na ako e."

J: "Seriously, I'm just happy. Pagpasensyahan mo na ako. Ngayon lang kasi ako natulog at gumising ng naka-ngiti. Yung parang wala ng bukas. Ganon."

"Halata nga! Pati pang-aasar, parang walang bukas!"

J: "Ang pikon mo."

Inirapan ko na lang.

J: "Let's just eat." nakangiti pa rin sya.

Ano kayang meron at high na high mokong na to.

Pagkatapos namin kumain.

Sya na yung nag-insist mag-hugas ng pinggan.

Dumaretso na lang ako sa may salas.

At ninanamnam ang sofa.

Ang ganda kasi.

Tapos binuhay ang 36" Flat screen TV.

Ngayon lang ako nakaranas ng mga to eh.

Pagkabuhay ng TV.

Kinuha ko ang remote.

Bakit ayaw?

Pinindot-pindot ko yung channel, pero walang lumalabas.

Di ako marunong mag-set up neto.

Ano ga naman yan >.<

J: "Ako na."

Naka-ngising aso na naman to.

Tumakbo sya papunta sa sofa at umupo ng walang pakundangan.

Kinuha ang remote sa kamay ko, tapos sinet-up yung TV.

Biglang naging okay na.

Nuod lang ng TV.

Ngumiti sya at tumingin sakin.

Sabay akbay.

J: "Hay. Ang sarap talaga kapag ganito lang ang buhay. Naka-upo, nagre-relax at walang stress."

Siniko ko sya.

Kaya tinanggal nya yung pagkaka-akbay nya.

J: "Galit ka pa rin?" 

"Hindi! Tuwang tuwa ako sayo!" ngumiti ako sabay inirapan.

J: "Dapat hindi ka pikunin, kapag ganyan. Mag-aaway tayo parati" kalmado pa rin sya.

"Napaka mo kasi!"

J: "What?"

"Basta!"

Inakbayan nya ulit ako.

"Aray ha! Bigat ng braso mo!"

J: "Sorry Sorry." patawa pa nyang sinabi.

J: "Jam, habaan mo ang pasensya mo sakin pwede? Alam mo naman na 1st time ko din to, at ikaw din. Kaya mag-adjust tayo sa isa't isa, kapag sa simpleng asaran lang di na tayo magkasundo, eh siguro yung 6months na yon. Lalo pang mapapa-ikli. Right?"

May point naman sya, pero nakakabwisit kasi yung mukha nya kapag nang-aasar!

"Hmmn."

J: "Sige na, promise, hindi na ako mang-aasar."

Tinaas ang kanang kamay, at parang nanunumpa pa.

Tumingin ako.

"Weh?"

J: "Hmmn. Slight lang siguro." he smiled.

I nodded.

Sinundot nya ko sa tagiliran.

"Yan ka na naman eh! Para kang bata, tanda tanda na natin e."

J: "Anong matanda? Ikaw lang! Kaga-graduate lang kaya natin ng college."

"Excuse me! Mas matanda ka sakin!"

J: "Fine fine! Baka mapikon ka na naman."

Dinampi nya yung labi nya sa pisngi ko.

Di ko pa rin pinapansin.

Tapos isa pa.

Di ko pa rin pinapansin.

Tapos isa pa, isa pa, isa pa, isa pa.

Pinunasan ko yung pisngi ko.

"Iwww! Yung laway mo!"

He chuckled.

J: "I can't imagine my life without you."

"Dumadrama ka na naman ha."

J: "Tsk. Seryoso! Kahit na ang dali uminit ng ulo mo, kahit na lagi mo kong hinahampas at kahit na gusto mo akong lasunin."

Napatawa ako ng konti.

J: "Oooops! I saw you smiling!"

"Feelingero!"

J: "Sus! Nagde-deny ka pa. Anyways! Gusto mo lumabas? Umikot ikot?"

"Wag na, medyo pagod pa ko."

J: "Sorry na nga eh. Promise hindi na ako mang-aasar ng sobra."

"Pagod nga ako! Hindi naman dahil sa badtrip ako sayo eh. "

J: "Pagod ka? Gusto mo matulog ulit?"

Yung tingin nya nakaka-asar.

I giggled.

Sabay palo ng throw pillow sa ulo nya.

"Kanina ka pa talaga!"

Biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Napatigil kami, sabay nagka-tinginan.

J: "Ehem, masarap matulog. Malamig."

"Matulog ka mag-isa mo!" sabay bato ng unan.

J: "Teka! Yung cake ko!"

"Anong cake?"

J: "Yung utang mo sakin!"

"Sa pagkakaalala ko, inasar mo ako. So tabla na tayo."

Napakamot sya sa ulo.

J: "What the?"

Tumayo na lang sya at hinigit ako pa-tayo.

Pero kumapit ako sa may sofa kaya nahirapan sya.

Para kaming mga batang mahaharot.

J: "Com'on. Masarap ang cake kapag umuulan. Ipag-bake mo na ako."

"Ayoko!! Pagod nga ako e."

J: "Sige na! You promised me!"

"Nag-pinky swear ga? Hindi naman" ako naman yung nang-asar.

J: "Damn! You're stronger than I do!" sumuko na sya sa paghila sakin.

Umupo na lang sa tabi ko.

Nakabusangot yung mukha.

I laughed.

J: "Ganon? Ako naman ang pinagti-tripan mo?"

"So, alam mo na ang feeling."

Di sya sumagot.

Hinila ko na lang sya at nagpasama sa kitchen.

"Assistant kita ngayon."

J: "Me? Eh prito nga lang ang kaya kong lutuin."

"Kaya nga tuturuan kita."

J: "No Jam. Ikaw na lang, tutal yan naman ang natapos mong kurso e. Okay na ako sa papers and presentation sa office. Baking? Nah! It's not for me."

"OA?! Tutulungan mo lang naman ako, di ko naman sinabi na ikaw nag mag-bake."

J: "Ganon na rin yun, ano ka ga."

"Wala kang maggawa. Kapag di mo ko tinulungan, wala kang cake. Tsaka, para matuto ka na rin, na kapag gusto mo, kaya mong gumawa."

J: "Why do I have to? Eh hindi ko naman kailangan matuto, kasi nandyan ka."

"Paano kung mawala ako? o TAYO? Eh di hindi ka marunong!"

J: "Shhhh! Your mouth! Di mangyayari yan.."

"Bibiro lang eh. Kunwari lang."

J: "Pero you're the best chef. So di ko na kailangan mag-aral."

"Pumwesto ka jan! Tigilan mo ko, wag kang umarte! Kung mga gawaing bahay nga napapagtyagaan mo, eto pa kaya!"

J: "Kaya ko pa yun, pero baking & cooking? Hindi msyado."

"Pinagluto mo nga ako ng agahan kanina eh."

J: "Di mo ga alam na naka-tatlo akong try mag-fried ng egg and bacon kasi sunog. Kinain ko na lang yung mga nasunog." hiyang-hiya sya nung sinabi nya yun.

"Talaga? Pero tingnan mo, naging okay naman! Kaya mo yan! Sa pagkakakilala ko sayo. Hindi ka reklamador na tao."

J: "Minsan lang."

"Shhh! Tama na ang pagsasalita. Simulan na natin."

Eh d yon.

Tinulungan ko sya mag-measure ng ingredients.

Nilista ko na rin yung ingridients para sa Dark Chocolate Fudge Cake.

Paborito nya kasi yun, tsaka ayaw nya ng sobrang tamis.

Alam ko yung panlasa nya sa cake.

Kaya madalang sya bumili sa labas dahil natatamisan ito msyado.

Medyo matagal ang preparation, kasi syempre di sya sanay.

Pero dahil meydo malahok na ang kitchen namin.

Naglilinis linis ako.

Nagkalat yung mga flour, egg whites and dark choco.

J: "I give up! Ikaw na!"

"Malapit na nga matapos e! Ilalagay na lang sa oven. Konting tyaga pa!"

J: "Para namang hindi magiging masarap to eh."

"Yan yung ginagamit kong recipe ano ka ga!"

J: "Sabi mo, ikaw ang gagawa? Tutulong lang ako."

Ay oo nga pala HAHAHA.

Pinabayaan ko kasi sya, hinayaan ko na sya ang mag-measure, tinitingnan ko lang.

Tapos tinuturo ko lang kung paano hahaluin ang mga ingredients.

"Wag ka na kasi magreklamo, kaya mo yan."

Natatawa na ako sa itsura nya.

Parang mas na-stress pa sya sa pagbe-bake kesa sa napaka-raming paper works sa office.

Tumutulo na yung pawis nya.

Kaya kumuha ako ng kitchen towel at pinunasan ito.

"Ano okay ka lang?"

J: "Hinding hindi mo na ako maasahan sa pagbe-bake next time"

"Sumusuko ka kaagad eh. Kayang kaya mo yan!"

J: "Pero..."

"Shhhh! Bilisan mo! Na-set ko na yung oven."

-

-

--

At natapos din.

Nailagay na rin sa oven sa wakas.

Tinanggal namin yung apron, hairnet at gloves namin.

Sabay napahiga sya sa sofa.

Iniintay namin dun para maluto na ang cake.

Tawang tawa ako sa itsura nya.

"Oy maglilinis pa tayo. Ang dami mong kalat."

J: "Mamaya na lang. Please?"

"Ako na lang."

Bigla syang tumayo.

J: "Wag! Masama yung pagod yung kamay tapos magbabasa ng kamay. Papasmahin ka."

"Hindi naman msyadong pagod yung kamay ko e."

J: "No. Basta. Mamaya ako na ang bahala"

"Sipag mo yata ah."

J: "I have to, kailangan masanay na ako. Though medyo marunong naman ako ng household chores, Kailangan ko pa rin sanayin ang sarili ko, especially sa pagluluto."

"Ako nga din, di naman ako msyadong marunong mamalantsa at maglaba."

J: "Ayaw mo kasi pumayag na papuntahin yung mga maids." 

"Hep hep! Tumigil ka jan sa topic na yan. Gaya nga ng sinabi mo, sanayin lang ang sarili."

Humiga na ulit sya sa may couch.

J: "So tired!"

"Para yun lang eh!"

J: "Ang sakit sa paa at braso."

"Para ka lang nagdyi-Gym."

J: "Yun na nga eh, its been a long time since I went to the gym. College pa nga yata tayo nun e."

"Di mo naman kailangan mag-gym. Okay naman yang katawan mo."

J: "Ikaw, you need to! Ang baboy mo na. Oink oink!"

"Yan ka na naman ha!"

J: "Oh, peace! Eto naman.Pagod na nga yung tao eh."

"Intayin mo pa ma-bake yon. Check mo kung okay na mamaya."

J: "Paano ko naman maggawa yun? Ikaw na lang!"

"Tusukin mo ng toothpick sa may gitna. Kapag may liquid pa, di pa luto yun."

J: "Oh please Jam. Ikaw na."

"Ay bahala ka! Pano ka matututo nyan."

J: "I don't have to learn.."

"Ako nag-utos! So kailngan matuto ka."

J: "Sabi na, its a bad thing na binili ko tong condo na to." pabiro nya.

"Nagsisisi ka na agad, ganon?"

Bigla syang umayos.

J: "Biro lang, biro lang ulit. Kahit ilang cake pa ipaggawa mo sakin. Kayang kaya! Pwe! Sisiw!"

"Good!"

_____

*ting!*

Naka-subasob lang si John sa may sulok ng sofa.

AKo nanonood ng TV.

Sinipa ko yung paa nya.

"Ready na yata yung cake. Check mo."

J: "Ikaw na pleae? Sakit ng katawan ko."

"Agad agad? Eh 30 mins pa lang nakakaraan ah?"

Tumayo sya na parang gulay.

At dumaretso sa kitchen.

HAHAHAHA.

Buti nga sayo!

Ilang segundo lang ang nakakaraan ay narinig ko syang sumigaw.

J: "Shi* Aray!!! Wooo!" 

"Anong nangyari jan? Nakakagulat ka naman e."

Narinig ko yung splash ng water.

Na-paso siguro yun.

Tumayo ako at sinundan sya sa may kitchen.

Bukas yung pinto ng oven, kaya sinaraduhan ko muna.

Nilapitan ko sya sa may lababo.

At nakita ko na napaso nga yung kamay nya.

"Masakit?"

He nodded.

"Maliit lang yan."

Kumuha ako ng yelo tapos nilagyan ito.

Pinatay ko na ang gripo.

At umupo kami sa may sofa.

"Mag-ingat sa susunod ha?"

J: "Nabigla lang ako sa sobrang init. Nagising yung diwa ko."

"Okay lang yan, marami din akong natamasang ganyan dati."

Hawak hawak ko yung kamay nya.

Tapos dinadampian ng yelo.

Nakita ko sa mukha nya na parang pagod na pagod.

Sa pagbe-bake lang yan ha.

HAHAHA.

Pero di sya masyadong mareklamo, slight lang :">

Tumatagaktak yung pawis nya.

Na-touch naman ako sa effort nya :D

Biglang nangamoy!

J: "Yung cake!"

Tumakbo sya dali dali at sinundan ko sya.

Pagbukas ng oven, lumabas ang medyo makapal na usok.

At napa-ubo kaming dalawa.

Hinila nya ako sa may tagiliran.

J: "Dito ka lang, masyado mausok. Baka makasama pa sayo yan."

Nagtakip sya ng towel sa ilong.

Tapos lumapit, para paypayan yung usok.

Mabuti naman at hindi gaano yung usok, kaya nawala din ito.

Sabay sumilip kami sa may oven.

Kumuha sya ng pot holder.

At pinatong sa table.

Dark naman nga, kasi dark chocolate.

HAHAHA.

Kumuha ako ng kutsilyo at hinati ko yung cake.

Pero nabigo ako.

Ang tigas nung cake!

Nagpunas ng pawis si John.

Nagkatinginan kami at tumawa.

J: "Worst chef ever."

HAHAHA.

Sayang yung effort, pero okay lang yan.

THE GREATEST FAILURE IS TO FAIL TO TRY sabi nga :D

_______

Will update if there would be at least 40 votes and 30 comments :)

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 218 24
"I'm always be that one girl who's already hated by love." Kylie Hernandez, a girl who hates love and miserably love loaths her as well. While enteri...
41K 799 49
They say that best things comes to those who wait. Also, unexpected things are the best. He came into her life unexpectedly. He became the front man...
81.6K 628 5
One shot: Break rules. First published under (c) 2012-2013 lalice0610 uncivilized stories. Edited version published under (c) 2015-2016 lalice0610 ci...
163K 2.6K 36
Hindi sa lahat ng buhay natin napagbibigyan tayo ng pagkakataon na ipamalas ang taglay nating kagandahan; lalo na kung wala ka naman talagang ganda...