Everything changed...because...

By xienjane

50 0 0

More

Everything changed...because of desperation!
Prologue
Chapter 1-how they met?
Chapter 2- The first step

Chapter 2 -entry 1

6 0 0
By xienjane

Alam niyo kasi... na trauma ako nung highschool ako. Hindi pa ako mataba. Sabi nga nang lahat sa akin ay perfect shape daw ang katawan ko. Sumasali din ako sa mga pageants sa school... Marami din nangliligaw sa akin at nagpapapansin. Pero parang wala lang sa akin ang lahat nang yon ...siguro nga dahil nagfo-focus ako sa pag-aaral ko. Gusto kong matulungan ang pamilya ko ... Hindi naman kasi kami mayaman... katamtaman lang. Nakakain 3 beses sa isang araw.

Pauwi na ako nun galing eskwela nang may na-iinuman sa may kanto. Medyo gabi na rin ako nakauiwi kasi may tinapos pa akong research sa school. Malayu-layo pa  rin ang bahay namin sa lugar na yon. Naglalakad lang ako papasok sa amin kasi walang masyadong sasakyan na pumapasok dun kasi nga malayo nga!. No choice naman ako kaya naglalakad ako. Nang biglang lumapit at hinawakan nang isang lalaking lasing ang braso ko.

"Hi misshh... ang gahnda-gahnda "hjik"  mohh namahhn..". sabi nang lasing. Nagpumiglas ako. Natatakot na rin ako.

"Bitawan mi nga ako! bastos! ". Pero parang wala siyang narinig. Sa halip ay hinigpitan niya ang pagkahawak niya nang braso ko at hinihimas-himas ito. Nangangatog na ako sa takot.

"Wag ho... maawa po kayo sa akin..". napupumiglas pa rin ako. Naiiyak na rin ako. Hindi pa rin niya ako binitawan. Sumisigaw na rin ako. Pero parang walang makakarinig sa akin kasi malayo ang mga kapit-bahay sa lugar namin... Halos mawalan na ako nang boses sa kasisigaw.

"Ka...hit "hik!" sumigaw ka pa...nang shumigaw wa-lang ma-kakariinig sha-yo ditoo.." sabay hagikhik nang mga kasama niyang parang mga halang ang kaluluwa.

Ang napabigla sa akin ay may biglang sumuntok sa lasing na lalaki at nabitawan ako nito. Sa lakas nang pagkakabitaw sa akin ay natilapon ako sa gilid. Medyo msakit rin ang ulo ko sa kaiiyak at kasisigaw . Nahilo din ako sa lakas nang empact ko sa lupa. Bago ako nawalan nang malay ay nakita ko pang tumatakbo papunta sa akin ang lalaking tumulong sa akin. Pero naging Blurred ang mukha niya sabay nawala ang ulirat ko.

Pagkagising ko ay nasa bahay na ako. Tanghali na rin pala!. Absent na ako  Medyo masakit pa ang braso ko sa higpit nang hawak sa akin nang manyakis na lasing na yon! nawala na rin ang hilo ko. Bigla kong naalala ang lalaking tumulong sa akin at kung siya ba ang nagdala sa akin pauwi. Nag-iisip pa rin ako nang biglang pumasok si mama sa kwarto ko may dala itong pagkain.

"Oh.. anak! gising ka na pala.. salamat naman at walang nangyaring masama sa yo!". Inilagay ni mama ang pagkain sa mesa na malapit sa hinihigaan ko. Sabay yakap sa akin. Umiiyak na rin ito. pero saglit lang yon.

"Ma? sino po ba ang tumulong sa akin?". Tanong ko nang lumayo nang bahagya sa akin si mama.

"Oo nga pala anak! nakalimutan kong itanong kasi nagmamadali siya kagabi at nataranta na rin ako... inihatid ka lang niya dito at sinabi niya ang nangyari sa yo! " -. si mama.

Hindi na rin ako nakapagsalita kasi pinakain na ako ni mama. Nag-iisang anak lang kasi ako. Si mama naman nasa bahay lang. Si papa naman ay OFW sa Riyadh. Paminsan-minsan lang umuuwi si papa kaya si mama ang palagi kong kasama sa bahay. Tapos na akong kumain at lumabas na rin sa kwarto si mama.

Iniisip ko parin ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung sino ang nagligtas sa akin. Hindi nga ako nakapagpasalamat eh. Pero pano niya nalaman na dito ang bahay namin? weird... Stalker ko kaya yon? pwede rin... Ay! ang kapal ko... heheh ^___^

Bumangon na rin ako at naligo. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang lalaking yon...

Nang dahil sa nangyari nang gabing yon... Sinusundo na ako ni mama kapag uwian na. Takot na rin ako maglakad mag-isa noh. At nang dahil sa nangyari ay napagdesisyunan ko na ibahin ang itsura ko para wala na ring mga manyakis na nagnanasa sa akin... ~____~

Ilang taon na rin ang lumipas pero hindi ko na nakita ulit ang knight in shining armor ko. hhehe OA! Lumipat na rin kami sa isang subdivision malapit sa pinapasukan ko sa college. Malaki-laki na rin kasi nang naipundar ni papa kaya nakapagsimula kami nang maliit na negosyo. Madaling lumipas ang mga taon at nakapagtapos ako nang college at nakapagtrabaho. Nawala na rin sa isip ko ang knight in shining armor ko dahil sa naging busy na ako...

Continue Reading
Wattpad App - Unlock exclusive features