Indubitable Love [HunHan FF]

By realheartss

8.1K 438 178

INDUBITABLE LOVE, where Sehun and Luhan's love for each other is a true and genuine one. A love that can neve... More

Indubitable Love
Prologue
[ I L ] Diary
[ I L ] Math
[ I L ] Rule
[ I L ] Soccer Event
[ I L ] Night Changes
[ I L ] Baby
[ I L ] Eksolusyon Park
[ I L ] Party 8.1
[ I L ] Broken Promise
[ I L ] Passed Out
[ I L ] Explanations
[ I L ] Problem
[ I L ] Issue
[ I L ] Confirmation
[ I L ] Call
[ I L ] Excited
[ I L ] Baguio
[ I L ] Quarrel
[ I L ] Apology
[ I L ] SOOphisticated

[ I L ] Party 8.2

240 19 12
By realheartss

***


Luhan's POV




"AHHHHHHHH!"








Jusko Lord, kayo na po ang bahala sakin. Madami pa po akong pangarap sa buhay. Gusto ko pong sumunod sa yapak ni Pia Wurtzbach pero hindi na ata ito matutupad huhuhu. Napapikit na lamang ako. Inaantay kong lumagpak ang katawan ko sa malamig nilang sahig pero hindi ko yun naramdaman. Isang pares ng malambot at mainit na kamay ang naramdaman ko sa katawan ko.








Pagmulat ko ay nakita ko ang mata ni Sehun na punong puno ng pagaalala sakin. "Sabi ko naman kasi sayong ako na eh. Pano ka kaya kung wala ako dito?" Oo nga Sehun, pano na kaya ako kung wala ka dito. Na-fall ako pero buti na lang sinalo niya ko. Luhh.








Parang may nagwawala nanaman sa loob ng tiyan ko. Pamilyar ito pero mas matindi ito ngayon kesa sa noon. Juice colored kelan pa ba ako naging madrama sa buhay?










Matapos non ay binaba na niya ako sa sofa. Take note ah, bridal style ang pagkakasalo niya saken. Parang bagong kasal lang ah? Tapos diretso honeym-- okay wala akong sinabi.












"Diyan ka na lang muna baka mapahamak ka nanaman." Aniya at ginulo ang buhok ko. Tinanguan ko na lang siya.








Pagkalipas ng ilang minuto, natapos na din sa pagdedecorate sina Chanyeol at Sehun. Nagsidatingan na rin ang mga kaibigan ni Mrs.Oh at kasama na dun ang Mama ko. Nginitian niya ako at nakipag chikahan na din sa mga kumare nya. Ineentertain din ito ni Sehun dahil lahat ito ay Tita niya. ABA! MAGALING NGA ITONG SI SEHUN.










Sumilip naman si Chanyeol sa bintana at nagulat na para siyang nakakita ng multo. "Mama is here already! Sehun, hawakan mo yung cake. Luhan, ikaw yung magpaputok ng party poppers tapos pwesto ka dun sa may pinto then kayo po mga Tita pumwesto na po kayo sa gitna with Sehun." Pumwesto naman ang lahat habang si Sehun ay dahan dahan na lumalakad sa gitna at may sindi na yung kandila sa cake.








Binigay naman sakin ni Chanyeol yung party poppers. Ay grabe! Talagang paputok yung akin ha? HAHAHAHA.

Bumukas ang pintuan kasabay nun ay ang pagpapaputok ko at sumigaw ang lahat ng "HAPPY BIRTHDAY!"










Gulat na gulat naman si Tita at halos mangiyak-ngiyak na sa sobrang tuwa. Litaw na litaw ang ganda niya ngayon dahil suot-suot niya ang kanyang mga ngiti. Dahil sa sobrang saya ni Tita ay nabitawan na nga nito ang kanyang mga bitbit na prutas. Kawawang mga saging. Halos saging lang ang binili ni Tita eh hihihi alam na dis?










"Grabe! Wala akong masabi ngayon. I'm really out of words. Akala ko nakalimutan niyo na talaga ang Birthday ko. Thank you so much. Na-appreciate ko to. Mahal ko kayong lahat." Hindi na napigilan ni Tita ang sarili niya at napaiyak na habang sinasabi ito.








"Wala daw masabi pero may nasabi naman" hinampas ni Tita si Mama dahil sa pangaasar nito at nagtawanan naman kami. Grabe ibang klase talaga sila, parang mga bata pa din kung magtratuhan. Nakigroup hug na ang lahat. Humalik naman sa pisngi si Chanyeol at si Sehun na sabay pang binati ang kanilang Mama. Binati ko na rin ito at pinasalamatan ako.










Dun na nagsimula ang celebration ni Tita. Tuwang tuwa siya dahil sa wakas ay nabuo na daw silang magkakaklase. More like, reunion na ito sa mansyon ng Oh.




Hindi na namin nakita si Chanyeol dahil sa sobrang dami ng tae ESTE tao pala. Pero ang masasabi ko lang sa nakikita ko ngayon ay naging successful naman ang plano namin. Pati si Mama na ngayon ko lang din ulit nakitang ganung kasaya. Hindi naman sa hindi siya masaya samin sa bahay pero iba talaga to. Iba talaga yung pakiramdam kapag kasama mo mga kaibigan mo.






Napansin ko naman na wala na pala akong katabi. Hinahanap ko si Sehun pero hindi ko siya makita. "Asan na ba yong kumag na iyon?" Bulong ko sa sarili ko. Habang lumilingon ako para hanapin siya ay may biglang humatak sa pala-pulsuhan ko at nakita kong si Sehun pala.








"Oy! San ka naman nanggaling ha?" Medyo galit kong sabi sa kanya pero nginitian niya lang ako at sinabing, "Pinagkaguluhan ako ng mga Tita ko kase ang gwapo ko daw." Aba't tingan mo ito ang yabang talaga. Pero sigi na gwapo naman talaga itong bestfriend ko eh. Shet Lehen eng lende lende me nemen.








Binatukan ko siya dahilan para mapaaray siya "Ayan, tsk tsk napala mo sa sobrang kayabangan HAHAHAHAHHA." Hindi siya sumagot pero nakangiti pa din siya. Ay grabe, naabnoy na ata ito. Pakilayo ako sakanya pls baka kung ano pa magawa nito sakin.








Hawak hawak pa din ako ni Sehun sa pala-pulsuhan at hindi ko alam kung san niya ako dadalhin. Rereypin niya ba ako? HINDI KO PA PWEDENG ISUKO ANG MANHOLE KO. MAWAWALA ANG PAGKABERHEN KO. NO NO NO NO WAAAAYYY!










"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Sehun ng mapadpad kami sa Pool Garden nila. Yung pool nila ay napapaligiran ng mga halaman at bulaklak na halata mo sa hitsura na sosyal. Yung tipong pang mga mayaman lang yung merong ganito. Meron ding cottage sa gilid kung saan pwede ka tumambay, kumain o magpakarelax- relax lang muna.










Sa wakas at binitawan na din ako ni Sehun at sinuot ang kanyang kanang kamay sa kanang bulsa ng kanyang pantalon. "Sihon? Bakit nga tayo nandito?" Tanong ko sa kanya habang dinadama ang hampas ng mainit na hangin sa aking balat.










Inilabas na ni Sehun ang kanyang kamay sa bulsa niya na may hawak na dalawang papel na parang pamilyar sakin. "TADA!" Winasiwas nya ito sa may mukha ko. OO LITERAL NA SA MUKHA KO.








"Teka ano ba ito Sehun--AHHHHHHHHH!! OMG!" Napatakip naman ako sa bibig ng marealize ko na ticket pala ito para dun sa Soccer Event at para sa Meet and Greet.






"S-sehun.. T-totoo na ba 'to?" Mangiyak ngiyak na ako sa nakikita ko ngayon.








"Oo eggnog." Ngiti nya habang inaabot sakin ang ticket. Nanginginig pa ang kamay ko habang inaabot sakin to. Luhan ikalma mo ang kamay mo!








"GRABE ANG SAYA KO SEHUN TINGINI KA" hindi ko na napigilang magmura pero wala na akong pake dahil sobrang saya na nararamdaman ko.








"Alam ko namang masaya ka, pero kailangan mo pa ba akong murahin?" Pangaasar niya sakin.








"Thankyou talaga, Sehun. No words can explain what I am feeling right now." Wait, nagenglish ako. Iba talaga kapag sobrang saya mo, kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig mo.








Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko habang humahampas sa balat namin ang simoy ng mainit na hangin. "1 point" Bumitaw na ako sa yakap pagkasabi niya nun. Kahit kailan talaga lagi na lang nito pinuputol kasiyahan ko.








Napabuntong hininga na lang ako at umiling-iling na siyang tinawanan lang niya "Oo na tara na nga sa loob"


---


Pagpasok namin ni Sehun sa loob ay nakita namin sina Mama at Tita na naguusap na mukhang may problema kaya naman nilapitan agad namin sila. "Ma, Tita okay lang po ba kayo?" Gulat na napalingon sila Mama sa amin na parang nakakita ng halimaw at muntik pa nga mabitawan ni Tita yung hawak niyang baso. Anong meron?








"Oh nandito na pala kayo." Napakamot si Mama sa ulo niya. "Kanina pa ba kayo?" Hindi ko magets pero parang medyo kinakabahan si Mama nung tinanong niya sakin yun.








"Hindi naman po, kakadating lang din po namin. Ano po yung pinaguusapan niyo?" Bago niya kami sagutin ay ininom muna ni Tita ang hawak niyang baso na wari ko'y red wine ang laman nun. Taray, lakas maka-red wine. Samantalang samin hanggang juice lang. Yung dalandan, atleast real na real.








"Huh? Naku wala naman kaming pinaguusapang mahalaga. Diba Mars?" Siniko ng bahagya ni Tita si Mama. "Oo wala yun baby tungkol lang sa work nitong si Mars" Nagkatinginan kami ni Sehun na parehas na may bahid ng pagtataka ang mga mukha sa kung ano ang nangyayare sa aming mga ina. Naiwan lang namin sila ng ilang minuto at ganito na ang nangyari. Para kasing may tinatago sila eh.








"San nga pala kayo nagpunta? Baka kung saan mo dinala itong si Luhaen ha, Sehun?"pagiiba ni Tita ng topic. "Mom sa pool garden lang po, may binigay lang ako sakanya" Kinuha ni Sehun yung juice na nasa table at nilagok ito ng isang inuman. Di naman siya uhaw no?






"Ano yun?" pagtatanong ni Mama. Lumingon sakin si Sehun at pinakita ko naman sakanila ang tickets na hawak ko. "Aba! Diba yan yung nginangawa mo lagi sakin gabi gabi?" Tumawa sila at sinamaan ko ng tingin si Mama dahil nabuking pa ko dito ng wala sa oras.

Paano ba naman kase lagi kong sinasabi kay Mama yung tungkol dito at gusto kong umutang sakanya pero ayaw ako pautangin ni Mama dahil ang gastos ko na daw masyado. Hindi naman kase kuripot si Mama pagdating samin ni Baek, pero nagsimula kase 'to nung nakita niya yung Hello Kitty collections ko at yung eyeliner collections naman ng kapatid ko. Parehas naming tinago yun sa kailaliman ng aming mahiwagang baul para lang hindi makita ni Mama pero nakita niya pa din 'yon at walang tigil na sermon ang inabot namin ni Baek. Iba talaga kapag nanay, ang galing maghalukwat ng gamit.






"Opo Ma at sasamahan ako ni Sehun. Yay!" Liningon ko si Sehun at wala din siyang nagawa kundi tumango at sumangayon sakin. Good boy.




---

Natapos na din ang party. Nagsialisan na din ang mga bisita. Binati ko ulit si Tita para damang dama niya talaga na Birthday niya at nagpasalamat ulit siya sakin. Nagpaalam na din kami sakanila lalo na kay Sehun na sobra akong pinasaya ngayon.






Napatingin ako sa selpon kong punong-puno ng messages galing sa kapatid ko.


From: Baekhyuna

SIS! Im here na sa mansyon. San na kayo ni Mader?? :)

Matagal pa ba kayo sis? Bakit walang pagkain dito like srsly.

Omg so sad naman here sa bahay i cri :(

Asan na ba kase kayo ha iniwan niyo na ba ko? Di niyo na ba ko mahal? Anong ginawa ko? Crispin? Basilio?? Nasan na kayo huhuhu T__T

Napakunot ang noo ko ng mabasa ang text ng kapatid ko. Pinabasa ko din ito kay Mama at umiling lang si Mama dahil sa kabaliwan ni Baek.


To: Baekhyuna

Tumigil ka na jan. Pauwi na kami bro. Okay?


At nakatanggap naman ako ng "K" sa reply niya. Ugh isa pa tong batang to talaga, magsama sila ni Sehun sa K na yan!



***

GUYS GUYS GUYSSSS YUNG UPDATE NI SEHUN GRABE #NOCHILL NA SA TWITTER KANINA I MEAN HANGGANG NGAYON GANUN PA DIN HUHUHU GRABE KASE TALAGA NUNG UNANG TINGIN KO AKALA KO KUNG SINO HINDI KO NAKILALA NA SI SEHUN YUN TAS DUN NA KO NAGTAKA KUNG BAKIT GANUN NAGTAKA PA AKO SA BABA NIYA BAT HINDI MAHABA LOL. HANGGANG SA NAGSILABASAN NA ANG MGA SELU DETECTIVES AT DUN NA TALAGA AKO NAGWALA SHET LANG MGA BEH SI LUHAN NGA KAYA TALAGA YUN? TAPOS YUNG ISA PA NA UD NI SEHUN KASAMA SI VIVI(HIS DOG) YUNG JACKET NIYA SAME SILA NI LUHAN ZHDNSHSHSNHHGGGFF OK SORRY PERO KAILANGAN KO LANG TALAGA MAILABAS ANG FEELS KO KINGINA PO KASE NG SELU EH LAGI NA LANG TAYO PINAPAHIRAPAN HAYS.



Thank you for reading!

-realheartss&Selusian-


Continue Reading

You'll Also Like

815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
186K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
45.9K 1.4K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine