Nagtitili ang kalooban ni Vice ng iwanan sia ni Karylle, agad niang niyakap ang kanyang unan, at nagtitili para di makarinig ng kasambahay nia.
“Tutoy….”
Napatingala si Vice sa pagkakayakap sa unan ng tingnan nia ang tumawag sa kanya. Nagulat sia ng makitang Lolo nia ang nakatayo sa paanan nia.
“L-lolo? Anong ginagawa mo rito.” Tumayo sia at nagmano sa lolo nia. “Sinong kasama mo rito?” sunond-sunod na tanong nia.
Ngiti lang ang tugon ng lolo nia. Malakas pa naman ang lolo nia, kahit matanda na ito, kahit na nahihirapan itong maglakad hindi ito nag dedepende sa wheelchair. Nong inamin nia na bakla sia ay buong pusong tinanggap sia nito at minsan pa nga ito ang nagbibigay ng Pera pang lalaki nia. Ito ang matalik niang kaibigan, dito nia sinasabi ang lahat ng mga problema nia, kaya nong nagkaroon sia ng tym ay agad niang kinuha ang lolo nia sa probinsya, gusto nia itong makasama hanggang sa pagtanda nia.
Dahil nga iniispoiled nia to, lahat ng gusto ng matanda ay binibigay nia, sa sobrang pang sspoiled nia ay parang bumalik ito sa pag kabata nito. Nang humiling ito na pumunta sila sa Boracay ay pinagbigyan nia ito.
Simula ng dalhin nia ang lolo nia sa kanilang bahay, ay nanumbalik ang sigla nito. Lagi itong nakangiti at gabi-gabi ay hinahanap sia nito.
“Anong meron Lolo at nakangiti ka jan?” Inalalayan nia itong maupo sa gilid ng kama nia.
“Sabi ng mga maid mo, may babae ka daw dito, kaya napasugod ako agad..”
Napakamot sia. “kahit kailan talaga yang mga babaing iyon chismosa”. “Kaibigan ko lang po un lolo, dinalaw ako kasi may sakit ako.”
“ah! Ganun ba? So ok kana?” nag-aalalang tanong nito.
“Ako pa!” sabay kembot nia.
“hmm.. sino ung babae tutoy?” maya-mayay tanong nito.
“Ah, si Karylle poh un.”
Biglang naglaki ang mata nito. “Si Karylle? As in si K?”
“Opo,…”
“Si k ung ka loveteam mo sa Tv! Ung Vicerylle?”
Tumango sia.Alam pala ng lolo nia ang tungkol sa tandeem na yon kakaloka.
Bigla sumilay ng nakakalokong ngiti ang lolo nia. Napaatras sia. “No!! dat! smile” sigaw ng maliit na boses sa tainga nia. Iyon ang ikalawang beses na nakita nia ang ngiti na iyon, and the first one is very horibble! Halos mabaliw sia sa ngiting iyon. Biglang nag flashback ang pangyayari 17 years ago. (20 years old pa sia nong tym na iyon.)
17 years ago
Pasipol-sipol si Vice pauwi sa bahay nila, nanalo na naman ang team nila sa basketball, as usual ay sia parin ang MVP nang team.
Nakasalubong nia ang lolo nia sa may hagdanan, may hawak itong papel at bz sa pagbabasa. Kasabay ng paglaglag ng bola na hawak nia ay ang pag laglag ng panga nia. Hawak nito ang Loveletter na ibibigay sana nia sa bestfriend nia si Aira na ngayo’y nasa City nag-aaral, kababata nia ito, at ngayon lang sia naglakas loob na ligawan ito sa darating na valentines day ( wow! Na segwey ko rin ang name ko.)
Tumingala ito sa kanya at nakangiting binasa ang loveletter nia.
Hinablot nia ang papel ng matapos basahin ng lolo nia ang sulat.
“Lolo! Naman! Bakit mo to pinakailaman?” nagdadabog sia papusok sa bahay nila.
“Jose, nakita ko lang yan sa ilalim ng unan mo nong nang lilinis ako kanina, akala ko naman grades mo na yan.” Paliwanag nito.
Napakamot sia sa ulo. Useless na kahit mag deny sia dahil alam na ng lolo nia. Hindi naman nia magawang magalit sa matanda.
“Jose!” biglang tawag nito sa kanya.
Nakasimangot na lumingon sia rito. Bigla itong ngumiti, ngiting napakalaki na halos makita ang lahat ng ngipin nito.
“l-lolo! Anong nangyayari sau.”
Nagkibit balikat lang ito at inakbayan sia.
“Gusto mo ba talaga ang babaeng yan?”
“o-opo” pag-aamin nia.
Sunod-sunod ang tango nito. “Magbihis ka, may pupuntahan tayo…”
Nanginginig ang tuhod ni Vice ng makikilala kaninong bahay ang pinuntahan nila ng lolo nia. Ito lang naman ang boarding houz ng dalaga. Napalingon sia nang biglang pinatugtug nito ang dalang gitara.
“lolo? Bat may dala kang gitara? Saan ba talaga ang punta natin?” tanong ni Vice sa lolo nia habang nagbubutunes.
“ipapatuno ko lang sa kumpare ko” sagot nito, sabay ngiti.
“yong totoo lolo! Ayaw ko sa ngiti mo, ngiting demonyo.” Aniya nia rito.
.
.
.
“Hoi, kumanta ka! Nilalamok nako dito” siniko sia ng lolo nia.
Napatingala naman sia bintana, nakita nia ang pagbukas ng ilaw sa kwato.
“lolo! Hindi ako handa!!” bulong nia rito.
“Kaya mo yan!” wika nito.
O, Ilaw
sa gabing madilim
Wangis mo’y
bituin sa langit
Bigla siang napalingon si Vice sa lolo nia. Narinig niang nagtawanan ang mga tambay sa kalsada. Sia naman ay napahilamos ng mukha.
“Lolo!!”
Tumigil ang lolo nia at tiningnan sia nito.
“Bakit?” tanong nito.
“Ang baduy! Ng kanta mo..”
“Eh! Ayaw mong kumanta, edi ako nalang, kaysa magmukha kang tanga..”palatak nito.
Napabuga sia ng hangin. Lumapit sia sa lolo nia at bumulong ng kakantahin nia. Napapikit sia at nagsimulang kumanta.
Itanong mo sa akin
Sinong aking mahal
Itanong mo sa akin
Sagot ko’y di magtatagal…
Nakarinig sia ng tilian ng mga babae sa gilid ng kalsada kasama ang mga tambay.
Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo’y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang tunay na aking nararamdaman…
Nagpalak-pakan lahat ng matapos siang kumanta. Hinintay niang dumungaw si Aira sa bintana. Napahugot sia ng hininga ng makitang dahan-dahan bumubukas ito.
“Wala dito si Aira! Umuwi sa bahay nila!” sigaw ng matandang babae sa kanila.
Napikit sia, Lingo pala ngayon at nasa bayan nila ang dalaga. Tiningnan nia ang lolo nia na nagpipigil ng tawa. Narinig din nia ang tawanan ng mga kalalakihan sa kalsada.
Gusto niang maglaho sa lugar na iyon, hiyang-hiya sia. Nagdadabog siang nagmarcha palayo sa lugar na iyon.
Bigla siang nagbalik sa kasalukuyan, nakangiti parin ang lolo nia sa kanya.
“Manang!!” tawag nia sa kasambahay nia. Dumungaw naman ang katulong nia sa may pinto. “Bakit po sir?” tanong nito.
“Napainom nio po ba ng gamot si Lolo? nababaliw na naman oh.”
“Magbihis ka, may pupuntahan tau..” biglang wika nito.
Napalingon sia rito. “Naku, lolo! kong si karylle ang pupuntahan natin, nasa singapore sia, besides di mo kayang mag-isa. At di na ako papayag sa plano mo”
Tumayo ito. Lumapit naman ang kasambahay nia para alalayan ito . “Basta magbihis ka, aalis tau.”
“Saan naman tayo pupunta, aber?”
“Batangas..” sabay ngiti nito na nakakaloko.
Tumaas ang balhibo nia sa batok.
“anong gagawin namin sa batangas?” mahinang usal nia sa sarili.
jose marie viceral @vicegandako17 Jul
On the road to Batangas. Taking my Lolo to the beach. I dnt really need my voice now. I just need my hands to hold him. Love moves.
Senya! walang Vicerylle moment! in this Chapter, peace, basta, bear with me guys...
Expect the Unexpected..