1234

Por einsteinetteofficial

928 33 1

Musika ng Pluma presents 1234. Einsteinette © 2013 PROLOGUE Love is blind. No matter how many times it will b... Más

1234 - Hindi ako TORPE!
1234 - Hindi ako si MEICO!
Hindi ako nagtata-hmmmm!
1234 - Hindi ako kinikilig!
1234 - Hindi ako pakipot!
1234 - Hindi ako magpapatalo!
1234 - Hindi ako nagseselos!
1234 - Hindi ako handa!
1234 - Hindi ako killjoy!
1234 - Hindi ako sweet. Swear.
1234 - Hindi kami susuko!
1234 - Hindi Ako Predictable!
1234 - Hindi ako Sanay!
1234 - Hindi Ako Duwag!
1234 - The Other Sides
1234 - Baby Steps
1234 - Oh Well
1234 - Scarlet
1234 - Bro Code
1234 - Anchor
1234 (FINAL)

1234 - Hindi ako tameme!

41 2 0
Por einsteinetteofficial

1234 - Hindi Ako Tameme!

Ilang santo rin ang tinweet ko para gabayan nila ang isang mahabang byahe habang magkatabi kami ng pinakamamahal kong si Aica. Dahil medyo maliit yung tricycle ay dikit na dikit sya sa akin. Gusto ko na syang ibag at iuwi sa amin. <(ˍ ˍ*)>

"Oy," sabi nya at ngumiti pa. "Ayos ka lang? Natahimik ka na naman dyan!" At natawa pa sya. Hindi ko na alam kung paano ako sasagot dahil ang naiintindihan ko na lang ay mahal ko ang babaeng ito at hindi ko pa rin masabi sa kanya. Bakit ba hindi ko masabi? Bakit ba hindi ako makapagsalita ng dalawang salita na hindi ko napagdududahan? Sigurado ako. Diba?

"Oo," na lang ang sabi ko. Wala lang. the shorter, the safer. Mamaya, ugh na lang masasabi ko.

"Then bakit tense ka? Hahaha, natatae ka no? Hahaha!" Sabi nya at natawa ng malakas. Halakhak na parang may sinabi akong joke na sobrang nakakatawa. Ano ba yun?

"H-hindi ah!" Pero pramis, parang natatae nga ako. Kinakabahan na ako eh! Halaaaaa!

"Wooo! Yung totoo?" Sinundot-sundot nya pa yung tagiliran ko at parang lalo lang akong natense. Hinawakan nya ang T-shirt ko. Waw.

"H-hindi," nauutal na sabi ko. Tae, bat ngayon pa nag-traffic? Natetense ako dito! Para akong hihimatayin!

"Woo, kapag bumaho, alam na!" At natawa na naman sya. Nyets, parang gusto ko na lumabas ng tricycle at kumaripas ng takbo pauwi! Kinakabahan na ako! Natatae na ako!

Nasa kalagitnaan na ako ng pagdedesisyon kung paparahin ko yung tricycle o hindi nang bigla nya hinawakan yung braso ko.

Oo, hinawakan nya. Hinawakan. Ni. Aica. Ang. Braso. Ko. "Biro lang."

Kusang bumilis ang hininga ko, hindi makapaniwalang hawak nya ako. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya, nag-iinit ang mukha.

Nakangiti lang sya sa akin, 'yung mata nya na nakakalaglag-boxers habang lalong lumalapad yung ngiti nya.

Doon ko naramdaman na malaki ang kasiguraduhan kong mahal ko talaga ang babaeng ito. Kahit hindi ko masabi o kahit hindi nya alam, mahal ko sya. Kahit hindi ko naipapakita, mahal ko sya. Kahit na torpe ako, mahal ko sya. Seryoso. Mahal ko si Aica. Mahal ko si Aica.

"Ma-"

⊙__________⊙

Muntik na! Muntik ko na masabi! Agad syang napalingon sa akin, nakataas ang kilay. Halatang narinig kung ano ang sasabihin ko. Anak ng gravy! Kill me now! "Hmm?"

Hala! Anong palusot na sasabihin ko? Anong kasinungalingan? Hindi ko kaya magsinungaling. Wag ka na lang umimik, Meico! Magaling ka naman dyan, diba? Or else, bakit hindi nya pa rin alam? Napabuntung-hininga ako, saka umiling.

"O. Bakit ka naman nalungkot?" Bakas rin sa mukha nya ang pagpapalit nya ng emosyon. Adorable. ♥

Since hindi ko naman masabi na mahal ko sya, ang sasabihin ko na lang ay yung nararamdaman ko dahil di ko masabi sa kanya. Napabuntung-hininga ulit ako. "Nakakainis lang na yung mga bagay na hindi natin masabi.. Ay yung mga bagay na matagal na natin gustong ipagsigawan."

Halata namang nagulat sya. O natakot dahil may katabi syang may diperensya sa utak. Either way, napangiti pa rin sya. Ang hilig nito ngumiti no? "Baka kasi dahil hindi mo pa kailangan sabihin yun. Or yung mga bagay na gusto mo sabihin ay balak mo isigaw sa ibang tao kahit na nararapat ito sa iba."

Napapikit ako. Naiintindihan nya ba ang sinasabi ko? Bakit parang may sinasabi sya? Bakit parang alam nya? Mahal nya rin ba ako? "Ha?"

Napailing lang sya, napatingin sa daan na masyado nang madilim. "Hay nako, Mico. Ang gwapo mo."

⊙へ⊙) What did she just say? Nahawahan na ba ako ng kabingihan ni Rico? O ng katangahan ni Jason? Sino ang sunod na iimpluwensya sa akin? Totoo ba ang narinig ko? O tanga ako? Baka bingi! Or both?

Pero.. sinabi nga ba ni Aica na gwapo ako?

Napatingin ako sa kanya. Okay, Sai. Alang-alang sa pagpapalit mo ng pangalan, itanong mo na. "Aica-"

"Para!" Sabi nya at nagbayad na sa napakaperpektong timing. Halos isumpa ko na ang tadhana! "Muntik na pala tayong lumagpas? Hahaha!"

Nauna ako lumabas, nasa tapat ng Mcdo dahil dito ang sakayan ni Auca pauwi, at nagbayad nang sapat para sa aming dalawa. Alam nya naman siguro na nagpapa-impress ako dahil hindi naman sya umangal. O masyado akong badtrip para mapansin?

"Aish, kelangan ko na umuwi! Sorry ha? Bawi na lang ako bukas!" At dali-dali na syang umalis, kumakaway kahit tumatakbo. Badtrip na ako para kumaway pabalik. Napalakad ako sa loob ng Mcdo, inihagis ang bag ko sa isang empty table at bumalik sa counter para umorder ng isang Monster Apple Float, McSpicy, large fries at ang aking favorite na Hashbrown. Masyado akong naiinis kaya hindi na ako masyado kinausap nung clerk. Mukha yata akong kapatid ni Gollum, yung "My Precious" ng Lord Of the Rings. Itatakwil ako ng school ko nyan!

Umupo na ako dun sa chair kung saan ko ibinalibag yung bag ko. Naiinis talaga ako! >0<

Dinahan-dahan ko ang kain dun sa McSpicy, gada kagat ay nanginginig sa galit. Sasabihin ko na di'ba? *munch

Nakatyempo na ako, di'ba? *munch munch

Bakit kelangan na dumating na agad dito? Hindi ba pwedeng nagtraffic muna ng konti? Pucha, nakakarumi talaga! *munch munch!

Napansin ko na lang na may isang gorilla ang umupo sa tapat ko dala ang isang strawberry float at hashbrown. Hindi naman talaga KingKong, medyo malaki kasi. Okay, muscular. Na gorilla. -___-

"Ano?!" Singhal ko kaagad sa kanya kahit bubukas pa lang yung bibig nya. Napatigil sya, nabigla sa nagambalang tuko. Ay, wait. Nagambalang GWAPO pala.

Parang iimik pa rin sya kaso inunahan ko na. Ayoko naman na ipamukha sa akin ng isang stranger na torpe ako at iniiwan ng babae. Kaya ako na ang aako. "Oo na! Hindi ko na nasabi! Pero at least sinubukan ko! Hindi kagaya dati! Nasubukan ko naman!"

Napangiti sya ng ninenerbyos at nagpalinga-linga pero, pramis, nasa mood akong mag-inarte. Sorry na lang, Kuya Hashbrown. "Promise, hindi matatapos ang..." Hanggang kelan ang adjustment stage ko? Abot ba ng one week? lagpas? "Ang buwan na'to na hindi ko pa nasasabi! Promise! Magkikita tayo sa susunod na 21 at mapapatunayan ko sa iyong nasabi ko na! Ano?" Iniextend ko ang kamay ko as a sign na nakikipagnegotiate ako.

Lumingon muna sya sa kaliwa at kanan, saka kinuha yung kamay ko at ngumiti ng konti.

"Deal," sabi ko naman sa kanya. Nagulat ako nang bigla nyang hinatak paalis yung kamay nya, kumuha sa tray ko ng isang french fry at lumakad na paalis ng mabilis, papunta sa isang babaeng utas katatawa na mukhang baliw. Namumula yung lalaki habang lumilingon ng ilang beses sa akin. Parang kilala ko yung mga yun ah.. Anyare? -____-a

"Ah, ewan ko sa inyo," sabi ko sa sarili ko. Napalingon ako sa paligid, naghahanap ng pwedeng makausap. Merong isang lalaki na nagsusulat ng sobrang bilis, tensyonado at halos kadikit na ng mukha yung papel nya. Meron syang hati sa buhok, geeky-glasses at braces. Surely, di yan ang pwede ko kausapin.

Merong babae sa tabi ko na nagbabasa ng Harry Potter and the Goblet of Fire. Halatang natatawa-tawa sya doon. Hindi rin sya. Busy ee.

Meron ring magjowa sa kaliwa ko na masyadong seryoso at magkatabi, nagngingitian at halatang inlove. Sino ba ang mga ito? -___-

Instead, tiningnan ko na lang ang phone ko. Aysh, mga GM na hindi karapat-dapat basahin. Naki-WiFi na lang ako at nagTwitter.

"Love is changing not for your benefit but for hers." Sino bang admin ng account na ito? Bakit may pinaghuhugutan?

"It was never meant to be hidden. That choice was made by you." Sino ka na namang admin ka?! Bakit ka nagpapatama?!

Nakakunot akong nagscroll down. Coincidence lang 'yan. Di'ba?

"Ano pa bang kelangan mo para maniwalang ikaw ang may mali?"

That's it! Inihagis ko yung phone ko sa bag at nagconcentrate sa pagkain. Pero hindi ko nagets kung bakit kelangan sumilip nung mga tweets sa utak ko habang kumakain.

Not for my benefit? Hers? Anong advantage nya dun? Hindi nya nga alam diba? Naiinis akong kumagat sa Mc Spicy ko.

Pero hindi naman ako inutusang itago ang nararamdaman ko diba? Wala namang nagbawal na umamin ako diba? Then bakit torpe ako?

Oo na! Ako na ang mali! Ako na! Ako, ako, ako! Agad kong inubos lahat ng inorder ko, sa sobrang init ng ulo. Nagsakay pauwi at bumaba sa labas ng subdivision. Dumaan ako dun sa bahay na pinagtagaan ko ng pangako.

May ilaw sa second floor. Pero wala sa ground floor. Baka naman nagpapahinga na. Inakyat kong muli yung gate at tinanaw ang aking piso sa ilalim ng pond na nangngulintab dahil sa liwanag nung kwarto.

Para san ka pa? Hindi ko rin naman matupad ang pangako ko sayo. Hindi ko pa rin masabi...

Kinuha ko yung piso ng biglaan at hindi ko inakalang malalim pala yung pond kaya na out if balance ako at medyo nahulog sa pond. Taena, ang lansa ng amoy! Nabasa tuloy ang jersey ko, anak ng tae.

Inayos ko ang sarili ko dahil promise, mukha akong ulaga. Sheesh, nasan na naman ba ang ninja-skills ko? Kainis naman. -___-

"Sinong tao dyan?!" Narinig kong may sumigaw at kita sa tubig na may nakasilip sa bintanang isang...

Isang....

"Waaaaaaaaaah!" Hindi ko na alam pero nakatalon na ako ng gate at nakatakbo in a record-breaking time at kumaripas ng takbo pauwi na parang naglalaro ng Olympics.

Hapong-hapo akong dumiretso sa kwarto at inilock yun sa sobrang takot. Napaupo ako sa kama, suot pa rin ang bag ko habang nakatingin sa salamin sa tapat ko. Mukha akong nagsha-shabu, sa totoo lang. Pero para akong addict sa realization ko...

... may mumu sa bahay na yon! Pano ang piso ko?!

~~~

Pasensya na suuuuuuuper tagal na update sa 1234 dahil sa tambak na gawain sa school. Who would've thought na ganito kastressful ang college? Well, akala ko exagerration lang yung sinasabi nilang mahirap ang college kesa high school. Now I know why they say that. -___-

Oo nga pala, I think postponed na yung story ng collectiboys dahil wala talaga akong oras na gawin yun. Baka nga i-cancel ko na at gawing mga one shots na lang. Please dont hate me. :(

Love yeh always.

∞Einsteinette

Seguir leyendo

También te gustarán

481K 10.2K 57
"I can't wait. Naiinip na ako." Bulong sa'kin ni Ericjan habang pareho na kaming nakatayo sa harap ng altar. Napabungisngis na lamang ako dahil sa it...
179 0 13
PROLOGUE How can I say goodbye to someone I never had? How can I say I love you to someone I don't exist And why do tears fall for someone who was ne...
339K 7.5K 22
published under PHR 2013 (Modified version) Why did I kiss you? Dahil gusto ko... Because I'm dying to kiss you every time I see you. Batang pasli...
4.8K 244 13
PROLOGUE "Bakit andito ka Carmen?" Galit na bulyaw ni Owen. "K-kasi magdadalawang Buwan ka nang hindi nagpapakita sa akin e... nag-aala...
Wattpad App - Desbloquea funciones exclusivas