A Thousand Moonlight [ON HOLD]

By Amaya13charlize

339 10 8

Halina at tumawa at magenjoy sa story ni leia... isang normal na estudyante na nabubuhay ng normal sa isang n... More

Chapter 1
Chapter 3
Extra

Chapter 2

82 2 1
By Amaya13charlize

... Just give me a reason... just a little bit's enough...

Ang sarap ng tulog ko... ayoko pa bumangon...

... just a second we're not broken just bent...and we can learn to love again...

Kaunti pa... asan na ba yung cellphone ko? bakit di ko makapa?

TOK... TOK... TOK...

"Ya! Gising na!" narinig kong sabi ni Ate Ness sa likod ng pinto.

"Gi-sing n-na aaaaaaaa-kooooooooooo" Please kaunting minuto pa...

"Di ako naniniwala. Hangga't hindi mo binubuksan ang pintuan na ito hindi kita titigilan!"

"A-teeee... please gi-ive meee fi----ive mo-ooooore miii-iiiinutes" buong pagmamakaawa ko. pero di pa rin ako natinag sa aking pagkakahiga.

"Kapag hindi ka lumabas, pangako simula ngayong araw na ito hindi ko na aalagaan yang mga bonsai mo!" at sa mga salitang yun nagising ang diwa ko at agad tumayo para buksan ang pinto.

"Ate naman! Walang ganyanan... Wag niyong idaan sa dahas ang pag-gising niyo po sa akin." bugnot kong sinabi kay Ate Ness na may Rollers pa ang buhok at nakaduster na kulay berde.

"ikaw kasi eh ayaw mo pa gumising~"

"Alam mo Ate... palagi ka pong humahadlang sa pagmamahalan namin ng aking kama. Hindi niyo po ba nakikita ang labis kong pagkalungkot tuwing umaga tuwing lilisanin ko siya?"

"Kung hindi mo siya lilisanin, paano ka papasok ng eskwelahan aber?" nakapamewang na sinabi niya sa akin. "Tsaka may gwapong lalake dun sa baba na naghihintay sayo, Yoh ata yung pangalan niya."

Nanlaki mata ko. Nalimutan ko na pupunta siya para sunduin ako at kumain ng Paella ko.

"Awww... sige ate maliligo na po ako."

Mabilis akong naligo. Medyo masakit pa rin yung balakang ko pero tolerable naman yung pain na nararamdaman ko. Tinignan ko yung tagiliran ko sa harap ng salamin. ANAK NG TIPAKLONG!!! Para akong pasang tinubuan ng kamay, paa at ulo. Ang laki ng pasa sa bandang balakang ko halos 2/3 ng likuran ko ang sakop niya. Anak ng... HAAAAYYYYY... May mga galos din sa aking mukha at mga kamay. May malaking pasa rin sa may bandang siko. Dahil sa mga bakas ng kastupidan ko hindi na ako namili ng damit na susuotin ko. Isinuot ko agad yung unang damit na nakuha ko sa loob ng cabinet. Agad kong sinuot yung contact lens ko. Wow! HD.

Pagkababa, nandun sa may sofa si Yoh. Nakasuot siya ng asul na polo at may gray na necktie na may stripes na itim. Nakagel ngayon ang buhok niya. Mukhang papasok siya ngayon sa kanyang trabaho.

"Good morning, Leia" nakangiting sabi ni Yoh. Halos masilaw ako sa pangtoothpaste commercial na ngiti niya.

"Oi anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

"Nalimutan mo na ba yung pangako mo na Paella?" nakangiting sabi niya.

"Bakit kailangan ganito kaaga? Pwede namang mamaya ka na pumunta eh"

"Baka maubos na mamaya eh kaya pumunta ako ng maaga." Gosh! Ang sakit sa mata ng killer smile niya. "sinabihan din kita na I'll pick you up today."

Isang malakas na tunog mula sa kanyang tiyan ang narinig ko. hahahaha... di pa ata kumakain ang lokong ito.

"Tsaka di pa ako kumakain... narinig mo naman yung kulo ng Tiyan ko" napatawang sabi niya.

"Oh siya, sige! Halika na sa may hapagkainan."

Sinundan ako ni Yoh papunta sa may lamesa. Umupo ako sa kabisera at siya naman sa may kanan ko. Dumating si Ate Ness na dala-dala ang Paella. Inilagay niya yung Paella sa gitna at umupo sa aking kaliwa katapat ni Yoh.

"Yoh, ito pala ang Ate Ness ko. Twelve years ang tanda niya sa akin at siya na rin ang tumayong nanay at tatay ko. Isa siyang Medical Transcriptionist kaya dito lang si Ate madalas sa bahay." With matching kumpas ng kamay ang pagintroduce ko. "Ate, naaalala mo po yung kinwento ko kagabi? Sabi sayo nabunggo ako eh at hindi nahulog ng hagdanan sa school. Siya po yung lalakeng dahilan ng mga galos ko sa mukha."

"ABA! Ang kapal din ng mukha mo at nandito ka ngayon! Paano kung may nangyaring masama sa Bebe Gurl ko?" Wow! Nakakagulat si Ate ah... first time ko siyang narinig na tinawag akong Bebe Gurl.

"Ay! Ate wait... dinala naman po niya ako sa hospital eh tsaka binayaran niya po lahat ng hospital fees pati rin yang Grocery."

"Ganun ba? Hay, pero kahit na! bakit hindi mo man lang ako kinontak?" napatingin sa akin si Yoh. Naku po! Nalimutan ko pala siya itext.

"Pero okay na naman po ako ate eh."

"Naku, sa susunod ha, inform mo ako." Bigla naman siyang lumingon kay Yoh. "Ikaw lalake! Bakit hindi mo man lang ako sinubukan kontakin?"

"Awww... sorry po. Akala ko po kinontak na po kayo ni Leia. Wala rin po kasi siyang dalang i.d. kahapon kaya hindi po namin alam kung sino pwede kontakin..."

"Oi babae bakit di mo na naman dala i.d. mo? Hayyyy~ sa susunod dalhin mo i.d. mo."

"Ano po ako ate? High School?"

"Aba! Sumasagot ka pa! Sumunod ka sa policy ng school tsaka kakailanganin mo yan in case of emergency!"

"Okay po, Dala ko na i.d. ko" Napatingin ako kay Yoh. Nakita kong pinipigilan niyang tumawa.

"Oh siya sige! Kain na nga tayo!" sabi ni Ate sa amin.

Kinuha ni Ate ang Paella at sinandukan si Yoh ng marami. Mukhang natuwa naman siya sa dami ng sinerve sa kanya. Buti na lang pala marami akong binili na ingredients kahapon kaya madami akong naluto. Buti na lang marami pang natira sa niluto ko kagabi at sakto sa amin. May natira pa nga eh.

"Leia, nasaan yung kwintas mo?" nanlalaki ang mata ni Ate Ness at mukhang natatakot siya.

PATAY!!!!!! Nakalimutan ko na yung kwintas!!!!!! Tumingin ako kay Yoh at mukhang wala siyang kaalam alam sa kwintas na yun.

"Naku po. I'm sorry po ate. Bago po kasi ako mabunggo ni Yoh napigtal yung kwintas at nahulog sa sahig. Eh nung pupulutin ko na po nabunggo na po ako ni Yoh." Buong lungkot kong sinabi kay Ate.

"Ya! Alam mo naman ang bilin ko sayo diba simula bata ka pa! sabi ko sayo wag na wag mong ilalayo o iwawala ang kwintas na yun. Mahalaga yun!" OMG! Nakakastrike two na ata ako kay ate. Nakikita ko yung magkahalong takot at galit sa kanyang mga mata.

"Alam ko pong mahalaga po yun at bigay ni mommy yung kwintas na yun pero sa mga naganap po hindi ko naman po nakocontrol yung mga nangyayari sa akin."

"Nadidisappoint ako sayo Leia. Yun na nga lang ang kaisa isang bagay na ibinigay ko sayo para itago at alagaan tapos iwawala mo lang? hindi pala kita kayang pagkatiwalaan. Simpleng bagay lang hindi mo pa magawa!"

Ouch ate, masakit ah. Sa lahat ng pwede ka madisappoint sa akin bakit dun sa pagkakawala ng kwintas pa? hindi ka naman masentimental na tao pero pag sa kwintas na yun iba ka. Yung ibang gamit nina mommy at daddy hindi ka nagdadalawang isip na itapon.

Tumayo ako, kinuha ang bag sa may sala at nagwalk out. Hindi man lang ako pinigilan ni ate. Hmpf! Kainis ha. Bago ako makalabas ng pintuan narinig kong naguusap sina Ate Ness at si Yoh.

Mabilis akong naglakad palabas ng subdivision namin at dumiretso patungo sa sakayan ng mga jeep. Pasakay na sana ako ng may humila ng aking kamay pero hinila ko ulit ang kamay ko. Kung sino mang siraulo itong gustong makipagtag of war, sana hindi yung kamay ko diba? Lumingon ako at nakita ko si Yoh at hinihigit niya ako kaya sumama na ako sa kanya. Napalingon ako sa aking paligid at nakita kong nakatingin sa amin ang mga tao na parang nakakita ng artista pero feelingera ako at di yun totoo. Si Yoh lang talaga yung tinitignan nila. Alam mo naman ang mga Pinoy, kapag may nakikitang foreigner akala nila unknown specie na kailangan titigan hanggang malusaw.

"Uy, ano problema mo?"

"Ihahatid kita sa school mo. Tara, sakay ka na." Nasa harap kami ng isang napakagandang kotse. Isang Silver na Maserati, kagaya ng kotse ni Oyo Boy Sotto. HU-WAW!!! Ang yaman talaga niya ah!

Sumakay ako sa kanyang pangmayaman na kotse. Habang nasa loob napaisip ako. Saan kaya napunta yung Fortuner na kotse niya? Ilang kotse kaya ang pagmamay-ari ni Yoh? Anyways, I don't care. Balang araw magkakakotse rin ako. Tahimik kami buong biyahe except nung tinanong niya kung saan ang school ko. Pagdating sa school gate. Sabi ko sa kanya na doon na lang ako bababa pero nagpumilit siya na pumasok. Nagtalo kaming dalawa pero, in the end, siya yung nagwagi. Nagpark siya malapit sa building ng una kong klase.

"Leia, always watch your back, ha?" Sabi ni Yoh sa akin.

"Sarcasm ba yan? Don't worry babantayan ko na palagi ang likod ko lalo na sa mga kalsada or parking area." Sabi ko sa kanya. "Wag ka mag-alala wala namang sadistang makakabunggo ulit sa akin noh. Mababait ang mga tao dito"

"Hindi ah, I really mean it. No pun intended. Watch your back" Bakit napakacryptic naman niya? Anyways, punta na ako ng classroom ko.

Pagkalabas ko ng kotse, ang daming matang nakatitig sa akin. Bakit sa lahat ng araw na pwedeng dumami ang tao dito ay ngayon pa? Ang dami tuloy mga bubuyog na bulungan ng bulungan sa paligid ko. Pero napagdesisyunan ko na hayaan na lang sila. Marahil naiinggit lang sila kasi nakasakay ako sa Maserati. Alam kong Community college lang ito at hindi sa pangaraw araw na buhay ay makakakita ka ng kotse na pangmayaman dito.

Sa 7th floor ang klase ko pero naghahagdan ako papanik kasi gusto kong mapanatiling malakas ang aking puso. Lol Joke lang, siyempre mageelevator ako noh. Apat na taon na akong nag-aaral dito at tatlong ginintuang leksyon ang naituro sa akin ang elevator. Gusto niyo malaman? Sige ishe-share ko sa inyo.

Lessons I learned in an elevator:

1. Time is Gold

- Dapat isaalang-alang kung anong oras ka sasakay ng elevator. Parang pagsakay yan ng jeep, kapag alam mong malelate ka tapos di mo naabutan yung paalis ng jeep naku iha late ka na talaga! Siyempre yung elevator, mabagal yan umakyat tapos di ka pa nakasiksik sa ride pataas. Yung masakit lang dun, nakita mong pasara pa lang yung pinto tapos kahit anong bilis ng takbo mo hindi ka nakahabol. Kaya ayun habang naghihintay ka padami ng padami ang mga students at professors na sasakay din ng elevator. In the end late ka na sa klase mo dahil naghihintay ka dun. Kailangan agahan para iwas sa mga ganung happening.

2. Teamwork is essential

- Naranasan mo na bang tumunog yung elevator kahit hindi pa niya narireach yung maximum numbers of passengers? Naku, wag magalala nasa balance yan. Kailangan ng teamwork sa pagkakataon na ito. Kailangan yung mga medyo heavy duty nasa may four corners nakapwesto. Sila ang magsisilbing pillars. Yung mga lightweight dapat sa gilid at yung mga average na nilalang dapat nasa gitna. Kailangan balance palagi.

3. There must always be a plan B

- Sabi nga ni Bob Ong, bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo kung pwede ka namang maghagdan. Minsan kasi kailangan mong magbago ng point of view sa buhay. Minsan yung bagay na akala mong mahirap ay yun pa ang magiging mas madali para sayo at yung minsang naging madali sayo ay nagiging mahirap din ayon sa pagkakataon. Kaya minsan, tanging hagdan lang ang pwedeng maging saving grace mo para di ka ma-late.

Mabalik sa aking kwento, ayun sumakay na ako ng elevator. Dahil maaga ako, 4 lang kami na sumakay ng elevator. Wala pang masyadong estudyante at guro. Bumaba sila sa 3rd floor kaya naiwan akong mag-isa. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Yoh sa akin. Bakit naman ang cryptic ng lalakeng yun diba? Pwede namang wag siyang manakot eh. Ano kayang ibig niyang sabihin dun sa mga salitang yun?

*Ting*

Bumukas yung elevator at may sumakay na lalakeng matangkad. Isa siya sa mga foreign students na biglang dumagsa nung nagsimula ang klase. Taga Nigeria ata ito. Nasa sulok ako dun sa may dulo at siya ay pumuwesto sa may pindutan ng elevator. Habang papaakyat yung elevator, napansin kong lumilingon-lingon yung lalake. Nakaramdam ako ng kaba. Parang may karera ng kabayo sa dibdib ko! Hindi ko inaalis ang titig ko sa kanya. Lingon talaga ng lingon. Anong gagawin ko? sinubukan kong alalahanin yung tinuro sa isang seminar na inatenan ko tungkol sa self-defense. May haystack na gumulong gulong sa isip ko.. ANAK NG~ blanko ang isip ko... ano ang gagawin ko?? my gashhhh...!!! nu na gagawin ko sa buhay ko? paano kung may masamang tangka sa akin ang lalakeng ito? Huhuhuhu... I need a knight in shining armor... ang bagal bagal pa ng takbo ng elevator na to. Nasa 5th floor pa lang ito... ambagal... hay nako.. namumutil na yung pawis sa noo ko sa sobrang kaba. Dahan dahang umikot yung lalake at ngumiti sa direksyon ko.

...and then there was darkness...

...tumigil ang paggalaw ng elevator...

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh...."

Umalingawngaw ang aking makapanindig balahibong sigaw dahil sa tindi ng takot na nararamdaman ko. Kung kanina parang karera ng kabayo ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon mas mabilis pa sa speed of light ang bilis niya. Dito na ba matatapos ang lahat? Dito sa elevator na ito ba mawawala ang aking pagkababae? Bigla kong naalala na may pangdepensa pa ako sa sarili ko. Agad kong kinapa sa sidepocket ng bagpack ko yung bolpen. Subukan niyang gumawa ng masama; Lintik lang ang walang ganti.

May liwanag na tumutok sa aking mukha. Hinarangan ko ng aking kamay na may hawak ng bolpen.

"Hey, are you alright miss?"may accent na sabi nung lalake. "You don't have to be afraid"

"Yes, I am fine thank you" sabi ko sa kanya "Will you please remove that away from my face. It hurts my eyes"

"Oh!" inusog niya sa may kanan ko ang ilaw. Cellphone niya yung ginamit niya na flashlight. "By the way, you don't have to worry because I am totally NOT into women. My name is Mufasa."

Mukhang nakita niya yung hawak ko na bolpen kanina. Bigla akong naguilty kasi pinagiisipan ko siya ng masama. Naalala ko tuloy si Ate Ness at ang palagi niyang sinasabi sa akin na: Naku Leia! Diba don't judge a book by its cover? Pero para sa akin kasi basta lalake pare-pareho lahat; hormones muna bago rationality ang pinaiiral sa mga ganitong sitwasyon. I know nangiistereotype ako pero mas mabuti ng laging on guard.

"Sorry. I noticed that you kept looking at me creepily on the way up" sabi ko sa kanya "and I am not comfortable being alone with someone in a closed space. That's why..."

"Don't worry girl. No offense taken. I was deciding whether or not I should talk to you about a job but when I faced you the lights went out and the elevator stopped moving."

"What job?"

"A modeling job."

Bilang gumana na ang elevator at lumiwanag na anng buong kapaligiran. Nakikita ko na siya ngayon. Gay nga siya. Sa kapal ba naman ng pula niyang lipstick sinong magiisip na lalake siya. Nakapilantik pa yung daliri niya habang hawak niya yung cellphone niya.

"Are you nuts? Me? Model?" nagulantang ako talaga sa kanya.

"Yep. You have the perfect face my dear. My friend badly needed a model and he kept postponing the photoshoot to find the perfect person. I think you are the one."

*ting*

Bumukas na yung pinto ng elevator. Bago siya lumabas hiningi niya yung number ko at binigay ko naman. Iniwanan din niya ako ng calling card ng friend niya. Medyo hindi pa rin ako makapaniwala na may magkakagusto sa akin na maging model. Nakakaflatter much ah. Medyo lalo pa tuloy akong naguilty dahil jinudge ko siya agad. Ang bait bait niya tapos pinag-isipan ko pa siya ng masama. anyways, hayaan na nga natin yun. past is past. sa susunod iiwasan ko na magjudge agad.

Continue Reading

You'll Also Like

341K 9.5K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
64.9K 37 47
R18
9.7M 293K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...