A Thousand Moonlight [ON HOLD]

By Amaya13charlize

339 10 8

Halina at tumawa at magenjoy sa story ni leia... isang normal na estudyante na nabubuhay ng normal sa isang n... More

Chapter 2
Chapter 3
Extra

Chapter 1

156 4 5
By Amaya13charlize

Suklay! Nasaan ka na suklay?! Kailangan kita sa aking mga kamay! Anak ng tipaklong, sino ba kasi gumalaw ng mga gamit ko? Nakaw si ate ata! Huhuhuh… malelate na ako… Ayun pala!

            Matapos kong magsuklay, kinuha ko yung kwintas na alaala ng aking ina sa loob ng aking jewelry box. Tinignan ko ang cute na cute kong pink Hello kitty watch: 7:30 na! 30 minutes na lang ang natitirang oras. Ok magtatransform na ako at magiging si Darna at lilipad ng mas mabilis pa sa bala pero sa imagination ko lang yun. Kung di ko kayang lumipad, tatakbo na lang ako hanggang sakayan ng jeep.

            Pagdating dun sa sakayan. Haggard na Haggard na ang itsura ko at kung minamalas ka nga naman oh! Walang jeep! tinignan ko ulit yung watch ko, 7:45 na. hala.. may pre-quiz pa naman kami ngayon. Hindi na naman ako makakapagpre-quiz. Anong gagawin ko? Baka asarin na naman ako ng prof ko, puro 0 yung pre-quiz ko huhuhuhu… sana may kotse ako tulad nitong Fortuner na nasa likod ko. Hay! Ang ganda talaga niya, hanggang sa mga brochures lang siya pwedeng maging akin.

            Habang nageemote ako, ayun na pala, may jeep ng parating. One in a million lang yang jeep na yan kasi puro pa-bayan yung mga ibang jeep. Oh Panginoon! Maraming salamat po. Mas aagahan ko na po talaga bukas. Thank you po.

            Wala pang sakay yung jeep. Ibig sabihin makakaupo ako sa dulo. Kailangan kong gamitin ang natutunan ko sa star wars, ang the FORCE, para hawiin ang mga taong sasakay. Agad kong pinara ang jeep, ayun mukhang marami rin ang nakaabang at nagsulputan bigla ang mga tao kaya medyo malayo pa lang huminto na yung jeep para magsakay. Mukhang mauubusan ako ng upuan.

Papunta na ako doon sa may jeep. Habang naglalakad, hinawi ko yung buhok ko kasi nararamdaman kong namamawis na yung leeg ko. Sa aking katangahan nahigit yung kwintas ko kaya nahulog. Hinanap ko kung saan siya nahulog at ayun nandun sa may pwesto ko kanina. Yumuko ako para pulutin yung kwintas ng ~anak ng Kalabaw~ bigla kong naramdaman na parang may malaking pader na bumunggo sa likod ko. Ang sakit! Alam mo yung feeling na nagslow motion lahat ng bagay sa paligid mo? Yung tipong pati yung sigaw mo parang isang milyong taon ang nagdaan bago matapos? Yung salamin ko biglang nawala sa mata ko kaya ang paligid naging Malabo. Imbis na ako ang gumamit ng the force… ako ang nakaramdam ng hagupit ng The Force. Tsk. Hindi ko pa nagagawa nilapitan agad ako ni mareng karma. Ang huling natatandaan ko biglang sumulpot yung mga stars at parang gusto ng sahig ng hug kaya ayun binigay ko with matching kiss pa.

Pagkagising ko medyo malabo yung kapaligiran ko. Lumingon ako sa kanan at naaninag ko ang isang side table. Kinapa ko kung nandun yung salamin ko. Pero di ko makapa. Inilapit ko yung mukha ko para tignan pero Malabo pa rin. Lumapit pa ako at inusog ang katawan ko. Malabo. Umusog pa ako ng kaunti. Malabo pa rin. Narinig kong bumukas ang pinto. Ayun umusog pa ako ng kaunti at…

BOOM! Araguy! nahulog ako sa kama.

“Hey! Ano ginagawa mo?” sabi nung pumasok. Boses ng lalake.

“heto, nakikipagwrestling sa sahig.. Duh!” nagulat ako dahil sa sobrang inis ko nasagot ko siya ng ganun. Medyo hirap ako tumayo, masyadong madulas ang sahig. Medyo masakit din ang balakang ko. Tumawag siya ng nurse sa labas.

“Harhar, Funny” lumapit siya sa akin para tulungan ako. May pagkabrown ang buhok niya. Medyo blurry ung face niya sa akin. Kailangan ko talaga ang salamin ko.

“Hay nako, nakita mo na kasing nahulog ako tatanungin mo pa kung anong ginagawa ko?” nakahiga na ulit ako sa kama pero ang sakit talaga ng katawan ko lalo na yung balakang ko. “hinahanap ko kasi salamin ko. nakita mo ba, stranger?”

“Aww, sorry hindi ko napansin kanina nung dinala kita dito sa ospital. Pero yung bag mo nandito. Ayun oh nasa may sofa.”

“Hindi ko nga Makita diba? Ituturo mo pa”

“At least sinabi ko sayo” aba. Gusto mo ba ng debate? Pasalamat ka at wala ako sa mood. Ang sakit talaga ng katawan ko. “Ano? May sumasakit pa rin ba sayo?”

“Oo ang sakit ng likuran ko lalo na sa may parteng balakang” hinawakan ko yung balakang ko ang sakit at sa kabila ng sakit na iyon may naalala ako na mas masakit pa sa hagupit ng pader na tumama sa akin kanina “Anak ng kalabaw! Yung pre-quiz ko! hindi na ako nakapasok! Kailangan ko magtext!”

Kinuha ko agad yung phone sa breast pocket ko at tinext si Ma’am Eli na nasa hospital ako.

Pumasok na ang doctor at nurse. Kung anu-ano ginawa nila sa akin na mga test. Tinanong kung ano pangalan ko, age, kung nasaan ako, kung anong araw na ngayon at marami pang iba. May pinainom sa akin yung nurse na painkiller. Oo lang ako ng oo sa lahat ng mga sinasabi ng doctor hanggang umalis na siya.

“Mamaya pa makukuha yung resulta ng X-ray mo kaya wait ka lang”

“Uy! Ikaw.. ano pala nangyari? Lumindol ba kanina kaya may malaking pader na humampas sa akin?” tanong ko dun sa lalakeng brown ang buhok.

“First of all, hindi stranger and uy ang pangalan ko. Everyone calls me Yoh. I’m Yoh Concepcion. Hindi lumindol kanina. Yung akala mong pader? Likod yun ng sasakyan. Nung umatras kasi yung fortuner saktong nandun ka kaya ayun ang nangyari. After nun dinala na kita dito. Ano pala pangalan mo?”

“Leia Dela Riva. Sabihin mo, yung iniisip ko bang nakabunggo sa akin ay yung taong nasa harapan ko ngayon?”

“Um~hehehehe ako nga…”

“Di mo ba naisip na may magandang kinabukasan pang naghihintay sa akin? Tapos bubungguin mo lang ako? I need a lawyer!”

“awww.. speaking of that.. I’m sorry for what happened. I really am. I’m ready to pay for any expenses wag lang sana makarating sa korte. Please.”

“Paano kung na-Deds ako? Anong magagawa ng sorry mo?”

“Please I’m sorry” lumapit siya sa gilid ng kama ko at hinawakan ang kanang kamay ko “I’ll pay for everything promise. Please.”

“Hay nako! Pati salamin ko palitan mo. 650 yung grado ng salamin ko”

“ok ok I will. Kukuha agad ako ng salamin.”

Hindi ako makapaniwala na talagang sa dinami dami ng mga tao sa Pilipinas. Ako talaga yung sumalo ng lahat ng kamalasan nung naisipan ni God na magsaboy ng kamalasan kaninang umaga. What a great way to enjoy my day, huh?

“Sino pala pwede kontakin sa family mo para malaman nila kung ano nangyari sayo”

“Ay si Ate. Sige ako na bahala.” Pero hindi ko pa rin tinext si Ate.

“Well ok sige ikaw bahala” umalis na siya sa tabi ko at umupo dun sa may sofa. “Bale hintayin na lang natin yung resulta ng xray mo para malaman kung kailangan mo pa magstay or hindi na.”

“Ok sige. Matutulog muna ako. Kailangan ko matulog.”

Dapat magtutulog-tulugan lang ako pero in the end nakatulog talaga ako. Napanaginipan ko ang isang puting mabalahibong aso na lumapit sa akin. Ayun siya sa paanan ko at biglang nanigas ang aking buong katawan. Ayoko sa aso. Bigyan niyo na ako ng insekto wag lang ng aso. Mas maaatim ko pa humawak ng insekto kaysa hawakan yan. Hindi ko na matandaan ang dahilan kung bakit ayoko ng aso basta ang alam ko ayoko sa kanila at ayaw din nila sa akin. Dinilaan nung mabalahibong halimaw yung paa ko at naramdaman ko ang paggapang ng kuryente sa aking buong katawan.

“hoy aso. Lubayan mo ko. wala akong ginagawang masama sayo kaya. Choo!” lahat ng tapang na nagtatago sa aking katawan ay inilabas ko sa oras na yun

“Ipapaimpound kita kung hindi ka lalayo sa akin” buong tapang kong sinabi sa kanya kahit na hindi ako makagalaw sa tindi ng takot.

“Lulu, come here, girl” isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Inisip kong mabuti kung sino yung nagsalitang iyon. Naramdaman kong parang mamasa masa ang aking pisngi. Parang may ipinahid na basang basahan sa aking pisngi ng paulit-ulit.

“Lulu, Come"

Iminulat ko ang aking mga mata at nanlaki ito ng makakita ako ng puting halimaw sa aking tabi.

~AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH….~

Nagsipasukan ang mga nurse sa loob ng kwarto ko at nakita nila ang dahilan ng aking pagsigaw. Yung aso sa panaginip ko sinundan ako hanggang sa realidad ng aking buhay. Dagliang kinuha ni Yoh yung aso palayo sa akin at nilagyan ng collar sa leeg.

“Ilayo mo yang Aso na yan! May pagkamaligno ba yan? Kanina lang nasa panaginip ko siya tapos ngayon nasa harap ko na, buhay at humihinga!”

“Ma’am kalma lang po” sabi nung isang nurse

“Ilayo mo yan!!! Ihahagis ko yan sa labas ng bintana kapag hindi mo inilayo yang halimaw na yan!” siguro hanggang labas ng kwarto rinig yung boses ko; halos dalawang minuto siguro ako nagsisisigaw ng ganun.

“Turukan mo na” sabi nung doctor. Apat na nurse ang humawak sa akin. Kinuha nung nurse yung kanang kamay ko at itinurok niya ang injection dito. Unti-unting umikot at nagdilim ang aking kapaligiran at  ayun nakatulog uli ako.

Pagkagising ko tinanong ko agad kung nasaan yung aso. Sabi ni Yoh nakatali siya dun sa sulok malayo sa akin at natutulog daw. Mukhang lumabas na yung Xray ko at nandun yung doctor at sabi niya wala naman daw akong fracture kaya pwede na daw ako umuwi. Medyo may mga kaunting galos nga lang daw pero magiging ok naman daw ako. Kung sakaling may maramdaman, agad daw pumunta sa kanya. Kailangan ko din ng follow up check-up next week. Umalis na yung doctor.

Lumapit sa akin si Yoh at may pinakilalang lalake.

“Leia, this is my friend Dr. Hans. He is a good friend of mine. May dala siyang Contact lens. Hindi pa kasi makukuha yung salamin mo. Overmorrow mo pa kasi siya makukuha. Tuturuan ka niya magsuot at magtanggal ng Contact lens.”

Lumapit yung Dr. Hans sa akin at tinuruan ako kung paano magsuot, magtanggal at pangalagaan ang contacts ko. Good for 1 year daw yung ibibigay niya sa akin. Habang sinusuot ko yung contacts ko may mga sinabi pa siya na iba pero di ko na pinakinggan kaya bahaala na si batman kung mahalaga man yung mga sinabi niya.

Nung nasuot ko na yung contact lens ang linaw ng paligid ko. wow! Ang ganda pala ng room kung saan ako nakaconfine. Sa tingin ko pang VIP itong lugar na to. Kaya siguro dito ang kwartong pinili ni Yoh para makonsensya ako at hindi na magsampa ng kaso kasi ang mahal ng binabayaran niya. Nako! Matalino itong lalakeng ito ha. Wais!

Napatingin ako kay Dr. Hans. May itsura at mukhang nasa 35 pa lang siya. Ang ganda ng hubog ng bibig niya. Siguro dahil palangiti itong taong ito. Napatingin naman ako kay Yoh. Aba aba! Akalain mo yun mukha siyang foreigner. Ang tangos tangos ng ilong niya. Yung tipong parang matutusok ako sa sobrang tangos pero in a good-looking way naman yung pagkatangos ng ilong niya. Yung itsura niya parang yung typical high school star player ng football team sa mga napapanood kong mga American movies. Ang ganda rin ng buhok niya mukhang alaga ng salon at mamahaling brand ng shampoo. Yung ngipin niya pwede pangcommercial ng mga toothpaste. Kung ako ay normal na babae siguro tumulo na yung laway ko sa kagwapuhan niya pero sorry I am not one of the average girls here.

“Yung salamin mo dadalhin ko na lang sa bahay mo, ok ba yun?” sabi ni Yoh

“Sige” sabi ko.

Kami ay umalis na ng ospital. Pinasakay niya ako sa kotse niya na dahilan ng aking masakit na balakang. Yung big white scary dog niya nakaseatbelt dun sa may likod kaya hindi yun makakalapit sa akin.. How Ironic Anorexic! Hahahaha. Naalala ko na kailangan ko pala bumili ng Grocery kaya sinabi ko kay Yoh na kailangan ko dumaan ng Hypermarket at dinala niya ako dun. Bumili ako ng mga sangkap na gagamitin ko sa pagluluto ng Paella.

“Whoa! Marunong ka magluto ng Paella?” buong gulat na tanong ni Yoh sa akin.

“Oo naman. Ano akala mo sa akin? Babae ako kaya kailangan marunong akong magluto.”

Nung nasa Cashier na kami sinabihan ako ni Yoh na siya na daw ang magbabayad.

“Hoy! Bakit ikaw magbabayad?! Ayoko magkautang na loob sayo noh! Tsaka nabayaran mo na yung hospital fee ko tapos nagagree ka na rin na bayaran yung medical fees sa mga future check-ups ko noh! Hindi naman tiyan ko ang nabunggo mo para pati yang grocery ko babayaran mo.”

“Alam mo nakokonsensya kasi ako kaya gusto ko ipakita kung gaano ako ka-sorry sa nangyari kanina dahil sa kapabayaan ko”

“Haaaay~ hindi na nga kita idedemanda eh. Kaya stop ka na okay?” pagtingin ko sa wallet ko walang lamang pera. Nalimutan ko yung pang grocery sa bahay sa sobrang pagmamadali ko.  Napansin ni Yoh kaya iniabot na niya yung credit card niya. Grabe, nahihiya ako sa lalakeng ito.

“Let’s go”

Sa harap ng bahay sa loob ng kotse ni Yoh.

“Leia, Sorry talaga sa nangyari, I am deeply sorry.”

“Ok na. no hard feelings. Sige, byebye na” at ako ay bumaba na ng sasakyan niya dala-dala ang mga pinamili ko. “Salamat pala kanina sa grocery. Thank you”

“Anytime. Um~ pwede ko bang matikman yang Paella mo? Paborito ko kasi yan eh.”

“Sige, pero pwede bukas na lang? kasi gabi na. Masama naman kung may makakita sa mga kapitbahay ko na may pinapasok akong lalake sa bahay ng gabi. Baka kung ano pa isipin nila noh?”

“Ah sige, so I’ll pick you up tomorrow.”

“ok.” At bigla na siyang umalis.

Mga ilang minuto siguro ang lumipas bago naproseso ng utak ko yung sinabi niya.

“WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAATTTTTTTTTTTT????????????????”

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 37.1K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
45.2K 3K 9
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
119K 4.2K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...