Happening #5
"basketball game"
2 weeks na ang nakalipas nung mag open up kami sa isa't isa. Nung tanungin namin si Ex-O kung anong problema niya. Ang sagot niya lang.
" wala lang ako sa mood, kalimutan niyo na yun"
Pero parang may problema talaga siya eh. Bakit ayaw niayng sabihin sa amin. Bakit-
Bakit ko ba siya pinoproblema ha?????
Baka sasabihin niya rin sa tamang panahon.
[ dismissal time]
" Fri sabay kayo?"
(referring to me and shinee)
" ako oo"
"ikaw Fri??"
" ah hindi mag memeeting pa kami mamaya ng mga ka group ko sa foods eh. Magluluto kami sa makalawa. Una na kayo."
" sure ka ah."
" oo Hey kaya niya sarili niya. Tayo jinojomabag niya eh."
" gusto mo gawin ko??"
" asan pala Mga Boys??"-Shinee
" wala may nag aya yata ng laban sa kanila ng basketball, kaya nauna na sila. "-Hayle
"ahh sige, baka hinihintay na nila ako."
" sige bye, ingat ka baby k ah"-Hayle
( baby k- baby Kc. Ako kasi pinaka bata eh)
" sige bye"
" hoy umuwi ka agad ah baka mamaya kung ano mangyare sayo. Sige na bye"
" opo nay Shinee"
Sana ganyan din ang nanay ko sa akin.
Dumeretso na ako sa park dahil dun ang meeting place namin.
Rain's POV
2nd to the last subject inaya kaming magbasketball ng mga lalaki sa emerald. Matagal tagal na rin naman kaming walang nakakalaban kya pumayag na kami.
At eto kami ngayon malapit na sa Basketball court at tanaw na namin sila.
" oh nandyan na pala ang mga VIP, tagal ah"-pambungad sa akin ni Prince.
" game na daming satsat eh"- i answered coldly
Nagsimula na kami. Lamang kami ng 3 points. Siyempre galing kami eh.
"ARAY!!!NANANADYA KABA?"bigla kasi akong tinulak nung si Mark Lester na dahilan para matumba ko at magkamali ng bagsak. TANG*NA. may pilay ata ako.
" sorry at hindi kita nakita.."
" tol.."inoffer sa akin Ex-O yung kamay niya para tumayo. Kinuha ko naman. Tumigil ang laban at ung Mga Boys pumunta sa likod namin. Ganun din sila.
" oh bat ganyan ka makatingin??"-lester
" eh anong pake mo??"
" uy baka naman nagkakagusto kana rin sa akin. Hindi lang babae ngayon ang kinokolekta mo. Pati na lalaki. Pero wag kang mag alala hindi ako papatol sayo."
Talagang nangaasar talaga to ah. Tapos nag apiran pa sila at nagtawanan. Pwera lang si Prince.Namuo ang kamay ko sa fist. Pero hinawakan yun ni Darryl, nung tumingin ako sa kanya.
" relax pre.."
" uy at meron na ngang pumatol. Darryl pang ilan ka sa mga lalaking nakolekta niya??"---Eugene
Isa rin tong kupal na to eh..
" Guys tara na, baka mag away pa kayo.."-pag aawat ni Prince. Buti na lang hindi siya nahahawa ng mga demonyong to.
" ano kaba ini interview lang naman natin sila ah. May masama ba?? Di ba mga BAKLA!!"
" EH G*GO PALA TO EH.."
*BOOOOOGGGGGGGSSSSHHHHHH*
(sound effect ng suntok. Corny eh..)
Sinuntok ni Darryl si Lester at natumba siya. Gumanti naman si Lester at siyempre rumesbak na din kami...one on one pero si Prince wala siyang kasuntukan dahil anim silang pumunta dito. Nakatingin lang siya. Tama lang yan. Kung ayaw mong masira mukha mo..
Hindi kami tumigil hanggang sa may dugo na nanggagaling sa mga sugat namin. Ganito pala gusto nila ah. Sige.
Fritz's POV
" sige sige uwi na ako. See you na lang ingat sa pamamalengke. "
Nag paalam na ako sa kanila dahil 3:00p.m na at hindi pa ako kumakain. Pero may dala naman akong chcocolates and lollipop kaya okay lang. kasalukuyan akong kumakain ng lollipop nung makarinig ako ng nag aaway.
" SA SUSUNOD WAG NA WAG MO KAMING IINSULTUHIN.."
*BOOOOGGGSSSHH*
Si Rain ba yun?? Nag panic na ako at hinanap kung nasaan sila. Lumingon ako sa Left at wala naman tao ...Pag lingon ko sa right nandun sila sa covered court at---
NAG SUSUNTUKAN...
Tumakbo ako agad at pumunta kung nasaan sila...tinapon ko na rin yung lollipop na kinakain ko. At binitawan yung bag ko kung saan.
" HOY ANO BA TUMIGIL NGA KAYO.."
Hindi nila ako pinansin, hihilahin ko na sana si Lester palayo kay Darryl kaso tinulak niya ako. Ng pagkalakas lakas. Reason para tumilapon ako at masugatan din..
" WAG KA NGANG MAKEALAM!!"
tumayo ako ulit at sinubukang pigilan, kahit ika ika na ako dahil tumagilid yung pag katulak sa akin ni Lester..halos duguan na sila..
" HOY TUMIGIL NGA KAYO!!!"
" SINABI NG WAG KANG MAKIALAM EH.."
Tumayo yung si Eugene at tinalikod niya ako at-------
TINULAK!!!!!!! DAIG KO PA NADAPA..
Nag kagasgas yung mga tuhod ko at siko at sa ibang parte ng katawan ko...at lalo pa atang nasaktan yung right foot ko. Patay ako sa tita ko niyan. Buti nalang hindi siya uuwi ngayon. Tinry kong tumayo pero hindi ko kaya...
" nakealam ka pa kasi.."
Napatingin ako kung sino yung nagsalita at nakita ko si Prince.
Inalalayan niya akong tumayo. Tapos pinagpagan niya yung palda ko.
" ARAY!!!SUGAT KO TINAMAAN MO. "
" ah sorry sorry sorry"matara-tarantang sabi niya.
" sandali nga. Awatin mo na nga sila. Baka mag patayan pa sila eh."
" psh. Hayaan mo nga sila. Mag sasawa din yung mga yan."
" kung ayaw mo edi wag!!"
Napaka sama niya. Parang hindi si lalake. Nung akmang hahakbang na ako at aawatin sila ulit.
" makulit din ang lahi mo noh??sinabi ng bayaan mo na sila. Hindi mo ba nakikita yung nanyare sa yo??nasugatan ka na tapos sasali ka pa."
" pero---"
" bumili na ako ng band aid at iniwan ko na dun sa tabi ng gamit nila. Bahala na silang kumuha."
" pe---"
Tinalikuran niya ako at nilagay niya yung kamay niya sa bulsa niya.
" hayaan mo na yung mga walang kwentang halang ang kaluluwang mga estudyanteng yan wala kang mapapala diyan.."
Parang nawala yung sakti nung mga sugat ko at hinabol siya at hinila paharap sa akin..
*BOOOGGGGGGSSSSHHHH*
Oo sinuntuk ko siya. Anong karapatan niyang sabihan na walang kwenta at halang ang mga kaibigan ko.
" SA SUSUNOD WAG NA WAG KANG MAGKAKAKMALING TAWAGAN NA WALANG KWENTA AT HALANG ANG KALULUWA NG MGA KAIBIGAN KO.."
Nagulat siya sa ginawa ko. At nakahawak pa rin sa Left Cheeks nya nakita ko na may gasgas yun dahil may suot akong singsing sa right hand ko na siyang pinanuntok ko..
Napansin ko din na tumigil na sila sa pag susuntukan at nakatingin lang sila sa amin.
" TAPOS NA KAYO??. SA SUSUNOD PAG DADALA KO KAYO NG KUTSILYO PARA NAMAN HINDI NA MATAGAL ANG PAGSUSUNTUKAN NIYO..!!"
Kinuha ko na yung bag ko sa lapag at sinakbit sa isa kong shoulder at umalis na...
At sa kamalasang palad may guidance councilor pa na nakakita sa amin. Pero hindi lang siya lumapit at tinitignan lang kame. Hindi ko na siya pinansin at nag dire diretso na akong umuwi.