''Noli Me Tangere''

By BrotherofBieber

222K 1.1K 33

More

1. Isang Pagtitipon
2: Si Crisostomo Ibarra
4: Erehe at Pilibustero
5: Bituin sa Gabing Madilim
6 : Si Kapitan Tiyago
7. Suyuan sa Azotea
8. Mga Alaala
9 : Mga bagay-bagay ukol sa Bayan
10 : Ang bayan ng San Diego
11 : Ang mga Makapangyarihan
12. Araw ng mga Patay
13 : Mga babala ng bagyo
14 :Ang Baliw o ang Pilosopo
15 : Ang Mga Sakristan
16 : Si Sisa
17 : Si Basilio
18 : Mga Kaluluwang Nagdurusa
19 : Mga Suliranin ng Isang Guro
20 : Ang Pulong sa Tribunal
21 : Kasaysayan ng isang ina
22 : Liwanag at Dilim
23 : Ang Pangingisda
24 : Sa Kagubatan
25 : Sa Tahanan ng Pilosopo
26 : Bisperas ng Pista
27 : Sa Pagtatakipsilim
28 : Ilang Sulat
29 : Ang Kapistahan
30 : Sa Simbahan
31 : Ang Sermon
32 : Ang Panghugos
33 : Malayang Pag-iisip
34 : Ang Pananghalian
35 : Mga Kuro - kuro
36 : Ang Unang Suliranin
37 : Ang Kapitan-Heneral
38 : Ang Prusisyon
39 : Si Donya Consolacion
40 : Ang Karapatan at ang Lakas
41 : Dalawang Panauhin
42 : Ang Mag-asawang de Espadaña
43 : Mga Balak Ni Badjao
44 : Pagsusuri ng Budhi
45 : Ang mga Inuusig
46 : Ang Sabungan sa San Diego
47 : Ang Dalawang Senyora
48 : Ang Talinhaga
49 : Ang Tinig Ng Mga Pinag-uusig
50 : Ang Mga Kaanak Ni Elias
51 : Mga Pagbabago
52 : Ang Baraha ng Patay at Ang Mga Anino
53 : Ang Mabuting Araw Ay Nakikilala Sa Umaga
54 : Pagbubunyag
55 : Ang Pagkakagulo
56 : Ang Mga Sabi at Kuro-kuro
57 : Vae Victis
58 : Ang Sinumpa
59 : Pag-ibig Sa Bayan At Kapakanang Sarili
60 : Ikakasal Si Maria Clara
61 : Ang Barilan Sa Lawa
62 : Ang Pagtatapat Ni Padre Damaso
63 : Ang Noche Buena
64 : Katapusan

3: Ang Hapunan

8.1K 55 1
By BrotherofBieber

Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sibyla samantalang banas na banas naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa tenyente sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang buhok.

Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.

Sa tingin ni Pari Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.

Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan. Pero, tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari.

Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang kapitan sabay sabing “huwag mo akong alalahanin.”

Si Crisostomo ibarra ay isang mabait at magarang tao sya ay ginagalang ng maraming tao ang kagalit nya ay si padre damaso ngunit kaibigan ng ama ni ibarra si Padre damaso. Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos ng damdamin ni Pari Damaso, ang ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para kay Ibarra.

Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.

Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.

“Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon”, tugon naman ni Ibarra.

Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupunntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran.

Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito.

Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.

Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling madalas na pumunta sa kanila si Pari Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso.

Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din.

Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na makapag-aral sa Espanya.

Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.

Continue Reading

You'll Also Like

43.5K 114 3
Full Story & Script
4.1K 25 1
Credits to Ms. Nica Guieb :) Hindi po sa akin to. For Educational purposes only :>
11.1K 79 1
Jose Rizal's classic, Noli Me Tángere, translated into English by Charles Derbyshire (1912)
444K 1K 8
Ang Buod ng "Ibong Adarna" I'm not a writer but i just want to help myself. Di po ako ang nagbuod nito. Chapters are taken from http://ibongadarnap...