MILK / seventeen

Autorstwa saltypastry

219K 9.7K 5.8K

In which Park Soonbyul applied as Seventeen's personal assistant to get closer to Vernon, only to find out th... Więcej

000
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
Epilogue
Postscript
♥♥♥
♡♡♡

036

2.5K 124 76
Autorstwa saltypastry

' DY, MM, S, DJ '

--

Milk's POV

Maaga akong gumising ngayon. Day off kasi ng Seventeen ngayon at excited akong makita sila.

Ilang araw ko na kasi silang hindi nakakasama. Busy kasi sila these past few days gawa nung ISAC 2016, mga tv guestings tsaka dun sa concert nila kahapon.

Tapos ako, sinabihan ni Manager na huwag munang sumama sa mga event ng SVT para matulungan ko sya sa mga paperworks nya. Ang dami kasing gustong i-guest ang Seventeen sa kung saan-saan. Syempre hindi pwedeng payag kaagad. May schedule sila na dapat sundin.

So ayun, busy kaming lahat.

Nakaka-proud din na makitang dumadami na yung mga fans nila. Dagdag na naman ng mga sasaeng at mga kaagaw ko kay Joshua lol.

Hindi ko naman pinagdadamot si Joshua sa fans. Kanila na. Sakin din naman uuwi yan sa gabi. Ay chos.

Pagkapasok ko ng dorm, nakita ko si Seungcheol na nakaupo sa sala at seryosong nakatingin sakin.

' Soonbyul '

Nagulat ako.

First time na may tumawag sakin ng Soonbyul dito sa dorm bukod kay Joshua.

Palagi kasing Noona tawag nila diba ? Nakakatakot tuloy. Ang seryoso kasi ng aura ni Seungcheol ..

' B-Bakit ? '- kinakabahang tanong ko.

' Magluto ka na ng almusal '- ma-awtordidad na sabi nya.

Wala sa sarili akong napatango. Nakakatakot si S.Coups. Seryoso.

Dumeretso ako sa kusina. Nag-isip nalang ako ng mabilis iluto na almusal kasi baka mapagalitan ako ni Seungcheol kapag nagtagal ako.

Bat kaya ang seryoso nya ? Ayos lang kaya sya ?

' Shit '- mahinang sabi ko nang mabitawan ko yung pinggan na hawak ko dahil sa pagmamadali kaya nabasag yun.

' Ano ba yan. Tatanga-tanga kasi eh '

Napalingon ako sa nagsalita.

S-Si Jeonghan ?

Kailan pa nagsalita ng ganun si Jeonghan ?

Hindi ko nalang pinansin yun at kumuha ako ng walis at dustpan para linisin yung bubog.

Binilisan ko na yung pagluluto. Pagkatapos kong ihanda yung almusal, pupunta na sana ako sa kwarto nila para gisingin sila kaso nakita kong isa-isa na silang lumabas.

' Eto na naman ang almusal ? '- tanong ni Jun na ikinagulat ko.

Hindi naman sya nagrereklamo kahit na palagi ganito yung almusal namin ah ? Naalala ko nga noong isang beses, sinabi pa nyang hindi daw nya to pagsasawaan ..

' M-Magluluto nalang ako ng bago '- sabi ko at akmang tatayo na sana.

' Wag na. Magtatagal pa. Tsk '- sabi ni Hoshi.

Bakit sila ganito ? Ano bang problema nila ?

Hindi ako makakain ng maayos. Parang lahat kasi sila pinapakiramdaman ako. Hinintay ko nalang silang matapos para mahugasan ko na yung mga pinggan.

Habang naghuhugas ako, may part sakin na naghihintay para may tumulong sakin na member.

Nakasanayan ko na kasing may lalapit sakin para tulungan ako tuwing naghuhugas ako. Minsan nga nag-aagawan pa sila.

Pero natapos na ako't lahat, walang lumapit kahit sino. Nakakapanibago tuloy.

May mali talaga ngayong araw.

' Soonbyul, nakita mo ba yung polo ko na black ? '- cold na tanong sakin ni Wonwoo.

Ang lalim ng boses nya tapos ang lamig pa ng pagkakasabi nya. Nakakakilabot, seryoso.

Hindi nya din ako tinawag na Noona ..

' H-Hindi ko pa napa-plantsa .. '- kinakabahang sabi ko.

' Diba sinabi kong isusuot ko yun ? Bakit hindi mo pinlantsa ? '- galit na tanong nya.

Nagulat ako.

' P-Pasensya na. S-Sandali lang .. '- sabi ko.

Kinuha ko sa basket sa may banyo yung polo ni Wonwoo tapos pinlatsa ko yun.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako sa inaasta nila.

' Matagal pa ba yan ? Iisang polo lang yan tapos hindi ka pa din tapos ? '

Napalingon ako kay Woozi.

' Magwalis ka pagkatapos mo dyan '- sabi nya sabay hagis sakin nung walis tapos umalis na.

Sinabit ko na yung damit ni Wonwoo saka ko pinulot yung walis at nagpunta sa sala.

Habang nagwawalis ako, hindi padin mawala sa isip ko yung mga inasta nila sakin kanina.

Maayos naman kami noong huling nagsama-sama kami ah ? Wala naman kaming pinag-awayan ..

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Nagulat nalang ako nung biglang may tumulong luha sa mata ko.

Pinunasan ko yung mata ko at pinigilan ko yung sarili kong umiyak. Baka makita pa nila ako at sabihing ang drama ko.

' Nagwawalis ka ba talaga ? Ano tong mga dumi dito ? '

Si DK ..

' Sorry '- sabi ko nalang tapos winalis yung mga dumi.

Pagkatapos kong magwalis, lalabas na sana ako ng dorm kaso hinarang ako ni Mingyu.

' Saan ka pupunta ? Di pa tapos trabaho mo '- sabi nya habang inaabot sakin yung isang basket ng damit.

' Labhan mo lahat yan. Tapusin mo agad at marami ka pang gagawin '- rinig kong sabi ni Minghao sa likod ko.

Napayuko nalang ako bago ko kinuha yung mga damit.

Kahit kakatapos ko lang plantsahin yung damit ni Wonwoo, naglaba na kaagad ako kasi baka mapagalitan pa nila ako. Bahala na kung mapasma.

After a few hours, nakatapos na din akong maglaba. Ang hirap seryoso. Thirteen kaya sila kaya malamang sobrang dami nung mgadamit na yun.

Nakaupo ako sa sala habang nagahabol ng hininga.

To be honest, ngayon lang ako napagod ng ganito sa history ko ng pagiging PA nila.

' Soonbyul, mag-ayos ka. Magpupunta tayo ng Pledis '- sabi sakin ni Seungkwan.

' Bilisan mo ah. Wag kang babagal-bagal '- sabi ni Dino.

Napabuntong hininga nalang ako bago ako nagpunta ng apartment ko para mag-ayos.

--

Pagkadating namin sa Pledis, bigla nalang silang nawala. Hindi ko naman alam kung saan ako pupunta kaya naupo nalang ako dun.

Dumaan si Manager Yumi sa harap ko at parang may hinahanap. Nang makita nya ako, lumapit sya sakin.

' Milk isuot mo to '- sabi nya habang may inaabot sakin na paperbag.

' P-Para saan po ? '- tanong ko.

' Para sa event ng Seventeen mamaya. Magbihis ka na ngayon para maaga tayong makarating dun '- sabi nya.

Kahit medyo naguguluhan ako, kinuha ko padin yung yung paperbag na inaabot nya.

Nang makaalis na si Manager, tiningnan ko yung laman ng paperpag.

Blouse na longsleeve at palda. Kulay red yung palda tapos white yung blouse.

Para saan kaya to ? Anong event yun ?

May nalaglag na papel mula dun sa blouse kaya kinuha ko yun at binasa yung nakasulat.

Hi Noona ♥♥♥

- DY, MM, S, DJ

Huh ? Sino to ?

Imposibleng galing to sa Seventeen. Ang cold nga nila sakin diba ?

Pero teka ..

DY ?

MM ?

S ?

DJ ?

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa naisip ko. Hindi kaya ..

Wait, hindi Milk. Imposible yang iniisip mo.

Aish basta. Magbibihis na ako. Baka pagalitan pa ko nung Seventeen kapag nahuli ako.

Kakalabas ko palang mula sa CR ng girls dito sa Pledis nang may biglang humila sakin na dalawang stylist.

' A-Anongㅡ '

' Utos po ito ni Manager Yumi. Ayusan daw namin kayo '- sabi nung isang stylist.

Hindi na ako nagreklamo. Mahirap na baka mapagalitan pa ako ni Manager.

Yung isang stylist, inayos yung buhok ko. Yung isa naman, sa makeup ko.

Nang matapos akong maayusan, sakto na dumating si Manager Yumi.

Sinabi nyang sumunod daw ako sa kanya kaya ginawa ko naman.

Sumakay kami sa van ng Seventeen pero nagtaka ako kung bakit wala yung mga members dun. Kaming dalawa lang ni Manager yung nandun tapos yung driver.

' Ay shit '

Napatingin ako kay Manager.

' May naiwanan kasi ako. Mauna ka nalang Milk. Susunod nalang ako dun '- sabi nya at akmang baba na.

' S-Saan po ba tayo pupunta ? '- tanong ko.

Kinakabahan ako, seryoso. Mamaya ibenta ako neto sa mga arabo para gawing prostitute.

' May event nga tayong pupuntahan. Nauna na Seventeen dun. Manong, kayo na bahala kay Milk ah '- sabi ni Manager tapos bumaba na sya.

Ohmygawd.

Kaya pala ang cold sakin ng Seventeen kanina kasi nalaman nilang gagawin na akong prostitute ni Manager !

Andwae ! Marami pa kong pangarap sa buhay ! Papakasalan ko pa si Joshua !

' Kalma lang po kayo Miss Soonbyul '- sabi ni Manong.

' Saan po ba kasi yung pupuntahan natin ? '- tanong ko.

' Secret po pero alam kong magugustuhan nyo dun '- sabi nya.

CONFIRMED

IBEBETA NA NGA NI MANAGER ANG KATAWAN KO

ANDWAEEEE !

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
2.5K 355 33
Nathaniel never expected that he'd accidentally caught a creature he never thought would exist. Will it be Nathan's luck or his misfortune? *** Natha...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
4.2M 91.3K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...