My Stupid Mistake (published...

By aLexisse_rOse

3.5M 49.9K 4.8K

It all started with one stupid mistake and since then Hope's life has never been the same again. Pahamak kasi... More

Prologue:
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Epilogue:

Chapter Thirteen:

161K 2.9K 345
By aLexisse_rOse

Sorry po sa matagal na UD... sad to say hindi ko na na-retrieve ang mga compilation ko sa na-corrupt kong USB. At kahapon gusto ko ng maiyak sa sobrang frustration. Mabuti na lang din at may back-up files ako sa laptop ko na naiwan ko sa haws namin.


Katulad ng pangako ko, last two episodes na lang po at matatapos na ang MSM. Pagtiyaan nyo na lang kung ito lang ang nakayanan ng utak kong madalas na tinatamad. At sana ay magustuhan ninyo.


Enjoy reading ^_____^



CHAPTER THIRTEEN

Hope's POV

"You again?" Gulat na sabi ni Jason nang bigla na lang akong lumitaw sa opisina niya. As usual wala na namang nagawa ang supladita niyang sekretarya para pigilan akong makapasok sa loob. Akala siguro ng babaing iyon ay hindi ko siya kayang balyahin. Dati yata akong varsity ng basketball!

"This is tresspassing! Alam mo bang pwede kitang ireklamo sa Student Affair?"

Nginitian ko lang siya para ipakita sa kanya na hindi ako natatakot sa banta niya. Ngunit sa aking pagtataka nang bigla na lang niya iligpit ang laptop niya sa mesa. Gayun din ang bagong cellphone niya at inilagay iyon malayo sa kinaroroonan ko.

"Don't worry Jason, wala akong balak na sirain ang mga gadgets mo. I'm harmless." Pinigilan ko ang sarili ko na matawa dahil sa inakto niya. Marahil ay natakot siya na baka magaya ang mga iyon sa blackberry niya na nag-swimming sa aquarium.

Binigyan niya ako ng matalim na tingin. "Why are you here, Hope?"

"Narito ako para makipag-deal sa'yo."

Umangat ang isang kilay ni Jason. "Deal?"

Tumango ako. "Let say... parang truce. Mananahimik ako sa mga nalaman ko kapalit ng pagbawi sa reklamo mo kay Warren."

Nangingiting umiling siya pagkatapos. "Hanggang ngayon umaasa ka pa rin na babawiin ko ang mga isinampa kong kaso laban sa boyfriend mo."

"Kaya nga Hope ang pangalan ko di ba? Punung-puno ako ng pag-asa."

"Kahit anong gawin mo hindi magbabago ang isip ko. My decision is final!"

"Not until you see this video." Inilapag ko sa tapat niya ang hiniram kong tablet ni Sarah at pinakita sa kanya ang tinutukoy ko.

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. "T-this... i-is impossible!" Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Where did you get this video? T-that is not me!" Nakita ko ang takot sa mga mata niya at bigla siyang namutla.

Inaasahan ko na magde-deny si Jason. Kunsabay, wala naman yatang kriminal ang umamin sa sarili niyang kasalanan.

Nang tangka niyang hahawakan ang tablet ay mabilis ko iyong binawi. "I-delete mo ang video!" Mariin niyang utos sa akin.

Ano ako bale?

I smirked. At sa halip ay i-zi-noom ko pa ang nasabing video at iniharap iyon sa mukha niya. "Kung hindi ikaw ang lalaki sa video, eh sino? Maliban na lang kung mayroon kang kakambal."

"M-maaaring kamukha ko ang lalaking nasa video. Pero sinisiguro ko sa'yo na hindi ako iyan!" Pasinghal na sabi niya sa akin at nag-isang linya ang kanyang mga mata. Unti-unti ay nawala ang pinagmamalaki niyang composure. Akala ko pa ay susunggaban niya ako. Yun pala ay balak niyang agawin sa akin ang hawak kong tablet.

"Hep!" Pigil ko sa binabalak niyang pagsira doon. "Don't you ever dare! Mas mahal pa ito sa buhay mo!" Siguradong malalagot ako kay Sarah kapag nasira ang tablet nito. At wala akong pambayad para palitan iyon.

"I-delete mo sabi ang video!" Naghi-hysterical na sabi niya.

Hindi ko inaasahan ang biglang pagbabagong anyo ni Jason. Kulang na lang ay may lumitaw na sungay sa ituktok ng ulo niya. Malayung-malayo siya sa imahe na alam ng lahat. Bagaman natakot ako ay pilit ko pa ring pinalalakas ang loob ko. Hindi ako pwedeng sumuko.

"Why I would do that? Katulad ng sinabi ko, narito ako para makipag-deal sayo."

"This is blackmailing!" He gritted his teeth. "Hindi ako makapaniwala na magagawa mo sa akin ito!"

Ang totoo, hindi ko rin naman ginusto na gawin ito sa kanya o kahit na kaninuman. "You gave me with no another choice, Jason." Malungkot na sabi ko. "Ito lang ang naisip kong paraan para malinis ang pangalan ni Warren." Kung nakinig lang siya sa akin nung una pa lang. Hindi aabot sa ganito ang lahat.

Hindi siya nagsalita. Pero halos bumaon sa akin ang mga mata niya.

"Ako lang ang nakakaalam ng tungkol sa video na ito. And I promise you na idi-delete ko ito kaagad sa oras na pumayag ka na iatras ang mga reklamo mo laban kay Warren."

"And if I wont?" Halos hindi iyon lumabas sa bibig niya.

Napabuntong-hininga ako. "Mapipilitan akong ipaalam sa buong campus ang tungkol sa video. At sa isang iglap ay masisira ang iniingatan mong imahe."

"You bitch!"

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. "You should decide now, Jason."

Narinig kong humugot siya ng malalim na paghinga at mabilis na tumalikod sa akin. Pulang-pula ang mukha niya kanina. Marahil ay sa sobrang galit sa akin. Gayunpaman gusto kong bumilib sa kanya dahil kung ibang tao iyon ay sinaktan na siguro ako.

Ang matagal na pananahimik ni Jasok ay tila palatandaan na sumasang-ayon na siya sa deal naming dalawa. Katulad ko, wala rin siyang ibang choice. 

Humakbang ako palabas ng silid. Ngunit bago ko buksan ang pintuan ay lumingon ako sa kanya. "Ayokong husgahan ka sa kung anuman ang nakita ko nang gabi iyon. Maniwala ka, Jason. Walang akong intensyon na gamitin ang nakunan kong video para sirain ka. Gusto ko lang gawin ito para sa kapakanan ni Warren."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita at tuluyan na akong lumabas ng opisina niya.

Kinabukasan, mabilis na kumalat ang balita sa buong eskuwelahan ang tungkol sa ginawang pagbawi ni Jason sa mga isinampa nitong reklamo kay Warren. Nangyari iyon bago pa lumabas ang final decision ng mga Student Affair officials para sa kaso ng binata. Lahat ay nagulat. Marami ang hindi makapaniwala. Mayroong natuwa, mayroon din namang nadismaya. Lalong lumala ang usap-usapan ng bigla na lamang mag-resign si Jason bilang Student Council President. At may balita pa nga na nagbabalak daw itong magpa-transfer sa ibang eskuwelahan sa susunod na semester. 

Hindi na rin nagpapakita si Jason. Hindi na ito mahagilap. Walang nakakaalam kung nasaan na ito ngayon. At nanatiling palaisipan sa lahat ang tunay na dahilan ng binata kung bakit bigla na lamang nagbago ang isip nito at nagdesisyon na umalis.

"Tama lang na maglaho siya noh? He's so kadiri kaya!" Maarteng sabi ni Aileen.

"Kung mayroon mang mas dapat mandiri ay si Julie iyon." Nakakalokong sabi ni Sarah. "Imaginin mo, nag-pretend pala silang magdyowa eh yun pala pareho lang silang may pusong babae." At sabay na nagtawanan ang dalawa maliban sa aming dalawa ni Julie.

"Walang hiyang bruha na iyon! Ginamit lang ako para mapagtakpan ang tunay niyang kulay. Kapag nakita ko siya, sasabunutan ko talaga siya." Nanggigil na sabi ni Julie.

"Guys! Baka may makarinig sa inyo." Saway ko sa kanila. "Napag-usapan na ito di ba? Walang pwedeng makaalam ng tungkol dito maliban sa ating apat."

"Sorry!" Sina Sarah at Aileen. Pero hindi naaalis ang nakakalokong ngiti sa mga labi nila.

Hindi ko alam kung hanggang kailan nila maitatago ang sikreto namin. Pero may tiwala pa rin ako na hindi nila iyon ipagsasabi sa iba. It's a top secret. No one will know. Dahil sa oras na may mag-leak na information galing sa kanilang tatlo ay maukulang parusa. Iyon ang napag-usapan naming apat.

At isa pa nakapangako ako kay Jason na walang ibang makakaalam ng tunay nitong pagkatao. Iyon ang parte ng deal namin dalawa kapalit ng ginawa nitong pag-atras sa mga reklamo nito kay Warren. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang naging desisyon nito na magbitiw at magpa-transfer sa ibang school. 

"Pero alam nyo ba, kung hindi pa natin siya nabuko hindi natin malalaman ang tunay niyang pagkatao." Mukhang ayaw talagang paawat ni Aileen. Ngunit sa pagkakataon na ito ay mas mahina ang tinig nito. 

"Ang cheap naman kasi niya." Panggagatong ni Sarah. "Mamimik-ap lang siya ng callboy dun pa sa park na iyon. Tapos dun pa sila naglampungan sa kalsada. Kung hindi ba naman siya tanga, eh sana mag-motel na lang silang dalawa!"

"Stop it, na guys! Please... kinikilabutan ako kapag naaalala ko ang gabing iyon." Reklamo ni Julie.

"Tama si Julie, tumigil na kayo!" Sabat ko. "At isa pa hindi kasalanan ni Jason kung bakit siya..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. "Basta wala tayong karapatan na husgahan siya. Hindi rin naman niya siguro ginusto na maging ganon siya. Just leave him alone. "

"Hindi ko naman kinukuwesyon ang pagkatao niya." Si Sarah. "Hindi naman big deal sa akin kung becki siya. Actually marami akong kaibigan na tulad niya. Pero ang punto ko rito, sana hindi na lang siya nanggamit ng ibang tao para lang mapagtakpan ang totong kulay niya. He used his charms and looks to gain popularity, lalo na sa mga girls. At sinamantala niya ang kahinaan nating mga babae para makuha niya ang mga gusto niya. Di ba napaka-unfair nun?"

"Tomoh!" Sang-ayon naman ng dalawa.

Hindi na ako kumibo. Ayoko rin namang makipagtalo sa kanila. Lalo lamang hahaba ang usapan. 

"Hope, may balita ka na ba kay Warren?" Out of nowhere biglang tanong ni Aileen. At hindi ko iyon napaghandaan.

"Kinukulit ko nga ang bestfriend niyang si Jeric, pero kahit siya wala siyang maibigay na information kung nasaan na ang kaibigan niya." Sabi naman ni Julie.

"Binawi na ang suspension sa kanya di ba? Bakit hindi pa rin siya pumapasok?" Komento naman ni Sarah ng tumingin sa direksyon ko.

"Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ng lalaking iyon!" Sabi ko sabay tayo. "May kukunin lang akong gamit sa locker ko. Mauna na ako sa inyo."

Hindi naman nila ako pinigilan at hinayaan nila ako na makaalis. Marahil ay alam nila ang kalungkutan na nararamdaman ko sa tuwing mababanggit nila sa akin si Warren.

Walang hiyang lalaking iyon! Mukhang wala talaga siyang balak na pumasok pa!

Oh, I hate him!

I hate him for missing him too much.

Paliko na ako ng pasilyo nang bigla na lang may sumulpot sa harapan ko. Mabuti na lang at mabilis akong nakapagpreno. Gayunpaman ay bahagya ko pa rin siyang nabangga.

"Opps! Sorry po Sir-" Nahigit ko ang hininga nang makilala kung sino ang nasa harapan ko... ang lolo ni Warren!

"It's okay Hija." Bahagya siyang ngumiti na ipinagtaka ko. Ito ang unang pagkakataon na na-encounter ko siya. At ayon na sa mga naririnig ko ay masungit raw ito at suplado. Dito nga raw yata nagmana ng ugali ang apo nito na si Warren. Pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang mali naman sila.

Nakalagpas na si Mr. Buenaventura nang muli siyang lumingon sa akin. "Ikaw ba si Hope Santillian?"

Tumango lang ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi ako maka-get over sa presensya niya. Pero paano niya nalaman ang pangalan ko?

Nakita kong ngumiti siya ulit. Ngunit sa pagkakataon na iyon ay mas malapad ang mga ngiti niya. "Ikaw pala ang girlfriend ng apo ko. Nice meeting you, Iha." Iyon lang at muli siyang naglakad palayo.

Naiwan akong tulala at nakatanaw lang sa kanya.

Dalawang linggo na ang nakakaraan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok si Warren. Dalawang linggo na lang din at malapit nang matapos ang semester period. Malabo na para sa kanya ang makahabol sa finals. No dice! Hindi na siguro talaga siya papasok katulad nang sinabi ng kaibigan niya na si Jeric. At nawawalan na ako ng pag-asa na makita siyang muli. 

Siguro hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya dahil sa mga nangyari. Mas marami kasi ang humusga sa kanya kaysa sa naniwala. Bagaman iniatras ni Jason ang mga reklamo nito ay hindi nangangahulugan na nalinis na ang pangalan ni Warren. Hanggang ngayon kasi ay marami pa rin ang nagtataas ang kilay at nagtataka sa tunay na dahilan ng naging desisyon ni Jason.

Hindi ko napigilang mapangiti nang makita ang smiley sticker na nakadikit pa rin sa pintuan ng locker ko. It only reminds me of him. Kinuha ko iyon at saka inipit sa loob ng hawak kong libro para naman mayroon akong remembrance galing sa kanya. Ito na kasi ang huling pagkakataon na magagamit ko ang locker na iyon. Nakapagdesisyon na ako. At nangako ako kay Honey na makikipagpalit ako sa kanya ng locker.

Iyon lang kasi ang naisip kong paraan para makapag-move on. Dahil sa tuwing may kukunin ako sa locker na iyon ay lagi ko na lang siyang naaalala. Maraming nangyaring unforgetable moments sa pagitan namin ni Warren at tangging ang mga locker namin ang naging piping saksi roon.

I could also still remember that stupid mistakes of mine. Kung hindi niya ako nahuli habang nilalagay ang loveletter ni Honey sa locker niya, malamang hindi kami magkakaroon ng pagkakataon na mapalapit sa isat-isa.

Hay... Kahit ano pa siguro ang gawin ko ay hindi ko makakalimutan ang isang tulad niya. Sinanay niya kasi ako na lagi ko siyang nakikita at lagi siyang nariyan sa tabi ko. At ngayon, kailangan ko naman sanayin ang sarili ko na wala na siya sa buhay ko.

Sa pagbukas ko ng locker ko ay nagulat na lang ako ng bigla na lang sumambulat ang mga laman noon. Isang katutak na ibat-ibang klaseng sobre ang nanggaling mula roon sa loob.

Tama bang gawing mailbox ang locker ko?

Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. 

Now what? Nakapameywang na tinitignan ko ang mga nagkalat sa paligid ko. Sino pa bang magliligpit ng mga iyon kundi ako?

"Wala ka bang balak na linisin ang mga kalat mo?"

I stiffed when I heard that familiar voice.

"Hey! Linisin mo nga ang mga kalat mo. Hindi mo ba alam na nakakaistorbo ka sa daraaanan ko!"

Napausod tuloy ako at wala sa loob na napalingon sa lalaking nasa tabi ko. There he is, smiling widely at me.

Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Baka kasi bigla na lang siyang maglaho sa paningin ko at ilusyon ko lang pala ang lahat. Pero nanatili pa rin siya sa kinatatayuan niya habang patuloy na nakangiti sa akin. Hindi ko inaasahan na magpapakita pa siya ulit sa akin. Parang gusto ko tuloy maiyak.

Pero teka? Bakit ko naman iiyakan ang isang tulad niya? Tama na yung pinaiyak niya ako ng isang beses. At saka pagkatapos niyang hindi magpakita at magparamdam sa loob ng tatlong linggo, may gana pa siyang magpakita sa akin na parang walang nangyari

Biglang tumalim ang mga mata ko at inirapan siya. Walang salita na kinuha ko ang ilang mga gamit ko sa loob ng locker at basta na lamang inilagay iyon sa bitbit kong paperbag.

"Huy! Hindi mo ba ako na-miss?" Naramdaman kong kinalabit niya ako sa balikat. Pero dedma pa rin ako.

"Galit ka ba sa akin?" Si Warren ulit. At patuloy siya sa pagkalabit sa balikat ko na lalo kong ikinairita. Isang salita lang naman ang hinihintay kong marinig sa bibig niya. "Hope.." Parang bata na tawag niya sa akin.

Sa wakas ay natapos na din ako. Paalis na sana ako ng bigla na lang siyang humarang sa daraanan ko. At sa pagkakataon iyon ay seryoso na ang reaksyon ng mukha niya. Inabot niya ang kamay ko at ikulong iyon sa mga kamay niya. "I know that I'm such a jerk and asshole, but can you forgive me?" He said it with regret on his eyes. "I'm sorry, Hope. I'm really really sorry."

Akala ko ay hindi na maririnig iyon mula sa kanya. At sa akin pagkamangha nang bigla na lamang siyang yumuko at dumampot ng ilang sobre sa sahig. Binuksan niya iyon at binasa. "I'm sorry." Muli siyang nagbukas ng sobre at muli iyong binasa. "I'm sorry." At ganun din ang ginawa niya sa pangatlo hanggang sa panlimang sobre.

"S-sa iyo nanggaling ang mga ito?" Hindi ako makapaniwala na tanong ko sa kanya.

Ngumiti si Warren at tumango. "I wrote them all. At kung kinakailangan ko pang magsulat kahit isang libong sorry letter ay gagawin ko para mapatawad mo lang ako."

Hindi pa rin ako makapaniwala. At wala sa loob na tinignan ko ang nakakalat sa paligid ko.

"I never really meant what I said that day." Pagpapatuloy niya. "I was consumed by too much anger and jealousy. Nakita mo kung anong ginawa ko kay Jason. At inisip ko na mas paniniwalaan mo siya kaysa sa akin. It broke my heart that I wanted to slam my head to the nearest wall. I knew how much you like him. For you, he is the perfect guy that you wanted to your boyfriend. Kung nalalaman mo lang ang tunay niyang pagkatao, siguradong hindi mo magugustuhan ang isang tulad niya."

Ako naman ngayon ang ngumiti sa kanya. "I already know about it!" At ikinuwento ko kay Warren ang mga natuklasan namin ng mga kaibigan ko nang gabing iyon.

"Matagal ko nang gustong sabihin sayo ang tungkol sa kanya. Pero ayokong isipin mo na sinisiraan ko si Jason sa'yo. Kung naaalala mo, I gave you some signs. But you were blinded by his looks and charms." Marahan niya akong pinitik sa noo. "Katulad ng ibang babae na ginamit lang niya para maitago ang totoong kulay niya."

"Of course not! Never akong nagpagamit sa kanya!" Pangangatwiran ko.

Muli niya akong pinitik sa noo. "Pero muntikan na kung hindi lang ako dumating." Ang tinutukoy niya ay ang pagsulpot niya ng umagang iyon habang nag-iisip ako kung papayag ba ako na maging pretend girlfriend ni Jason. At mabuti na lang din at sumulpot siya sa eksena.

"What really happenned that day, warren?" I wanted to know his side of story. I want to know the truth. 

Nakita kong nag-alinlangan siyang sumagot nung una. Hanggang sa tuluyan din siyang umamin. "Matagal ng bad shot sa akin si Jason. Kung hindi nga lang siya presidente ng Student Council, matagal ko siyang binugbog. But that day, sinagad niya ang pasensya ko." A muscle in his face jerked sa huling sinabi niya. "He tried to blackmail me. Kahit ako hindi makapaniwala na magagawa niya iyon. Ganon siya kadesperado na makuha ako."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "A-anong ibig mong sabihin?"

"He wants me to be his lover." Halos hindi iyon lumabas sa bibig niya. Napasinghap naman ako sa narinig.

"He deserved it!" Naisip kong sabihin pagkaraan. "Kung ako ang nasa posisyon mo, hindi lang suntok ang matatanggap ni Jason sa akin, bubugbugin ko pa siya hanggang sa tuluyan siyang maging lalaki." 

"Iyon din sana ang balak ko. Kaya lang bigla kang dumating sa eksena. And you caught me in the act. Alam mo bang hiyang-hiya ako sa sarili ko at hindi ko alam kung paano ka haharapin? Isa iyon sa mga side ko na ayokong makita mo. People misjudged me most of the time-"

"At inakala mo na isa ako sa mga iyon?" Agap ko sasabihin niya.

Nahihiyang tumango si Warren. "I'm sorry, Hope. I was wrong. Hindi sana kita hinusgahan kaagad. Sana nakinig ako sa mga sasabihin mo ng araw na iyon. Sana hindi ko pinairal ang katigasan ng ulo ko. Oh, I'm so sorry." Kinabig niya akong bigla at saka niyakap ng mahigpit. "I'm so sorry kung pinaiyak kita. Hindi ko sinasadya na saktan ka. I'm sorry dahil nadamay ka ng dahil sa akin."

"Would you stop it!" Bahagya ko siyang itinulak palayo sa akin. "Naririndi na ang tenga ko sa kaka-sorry mo!"

Ngunit sa halip ay iba ang sinabi niya. "Thank you, Hope!"

"Para saan?"

"Salamat dahil sa kabila ng mga ginawa ko sayo naniwala ka pa rin sa akin. Salamat dahil hindi ka katulad ng iba. At higit sa lahat, maraming salamat sa ginawa mo para linisin ang pangalan ko. You're my savior. Now I know na importante pala ako sayo... na mahal mo rin pala ako." Ang lapad ng ngisi ng loko.

Magpo-protesta sana ako nang maunahan ako ni Warren. "Don't you dare to deny it! I know that you love me and I love you too." 

He loves me?

Sinapo niya ng mga kamay ang mukha ko at itinaas iyon. "I love you, Hope. Marahil ay noon pa. Akala ko noon ay simple pagkaka-crush lang ang nararamdam ko para sayo. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na sinusundan kita kahit saan ka magpunta. Hindi nakukumpleto ang araw ko na hindi kita nakukulit at napagsusungitan. Pero ang hindi mo alam, pam-front ko lang iyon para makuha ang atensyon mo. Dahil ang totoo, sa'yo lang ako na-torpe ng ganito."

Nangingiti na tumingala ako kay Warren. Gustong sumabog ng dibdib ko sa matinding kaligayahan. Hindi na ako magpapakipot pa. At mabilis kong ikinawit ang mga braso sa leeg ng binata. "Ang dami mo namang sinabi, ba't hindi mo na lang ako halikan?" At hinabaan ko ang nguso ko.

He chuckled as he touched his forehead to mine. I closed my eyes and wait for his kisses. Pero sa aking pagkadismaya ng mag-landing ang mga labi nito sa tungki ng ilong ko.

Naman! 

Lalo siyang tumawa nang makita ang pagkadismaya sa aking mukha. Magwo-walk out na sana ako, when suddenly he claimed my surprised mouth. It felt so good that it almost took my breath away. 

Its official... we're now a couple!

No need to say anything. Basta understood na iyon na kami na. 

Ang importante... he loves me and I love him too!

Hindi man nagdya-jive ang mga personality namin, but at least nagkakasundo ang aming mga puso.

At sinong mag-aakala na mauuwi sa  magandang love story ang isang pagkakamali na likha ng aking katangahan?

Ang love nga naman.... pakalat-kalat lang!

 

Continue Reading

You'll Also Like

18.5M 331K 87
Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at total Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at naging mapaglaro sa mga babae. Malaya n...
3.7M 133K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
330K 5.3K 26
[NO SOFTCOPIES] Sa bawat taon na inilagi ni Ionna sa eskuwela ay walang palya na kaklase niya ang kumag na si Sung Min ang pakialamero, daldalero at...
1.1M 25K 33
"O pag-ibig, pag pumasok ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." Hindi naman kasi lahat ng nakikita totoo,madalas palabas lang ito. Roxann...