HATBABE?! Season1

Par hunnydew

885K 20.3K 4.2K

*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may... Plus

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
END...
Published by Life Is Beautiful (LIB)

Thirty-Nine

13K 314 50
Par hunnydew

“HIIIIIIIIIIIRRRRRRRRRRRRRROOOOOOOOOOOOOOOO!!!”

Laging ganyan ang linya ko tuwing umaga simula nang makitulog siya sa bahay namin. Kung hindi kasi niya dino-drowingan ang mukha ko habang tulog ako, iniiwan niyang nakatengga sa lababo ‘yung mga pinggan na dapat siya naman ang maghuhugas. O kaya, pinagdidiskitahan niya ‘yung mga baby pictures ko. Si Mama kasi eh, pinakita pa talaga ‘yung album namin!

“Hahahaha!!! Ampanget mo talaga!” Ang lagi niyang pang-aasar sa’kin kapag maaalala niya 'yung mga baby pichures ko o kaya kapag maiiwan kami sa bahay dahil may pasok sila Mama at may pinuntahan naman ‘yung mga kuya ko.

Kapag ganun, binabato ko siya ng unan. “Eh ano naman ngayon? At least maganda na ako ngayon! Bleh!”

Wala talagang mapayapang araw sa bahay namin dahil halos pasigaw talaga kaming nag-uusap. Nakakaasar na nga eh, pero sa pinaggagagawa kasi ni Hiro, hindi kinakaya ng kalooban kong makipag-usap sa kanya nang matino.

Pwera na lang kapag sinasabihan niya ako na bibilhan niya ako ng ice cream, o kaya igagawa ng origami, ganun, hehehe. Alam niyang ‘yun ang pampakalma ko eh, hehe. Madalas niyang gawin ‘yun kapag ayaw niyang hugasan ‘yung mga pinggan o kaya kapag alam niyang malapit na siyang pagalitan ng mga kuya ko lalo na ni Kuya Marcus kapag pinagtitripan niya ako.

Isa pa yon. Enko kila Kuya bakit hinihintay pa nila ‘yung panahon na mangiyak-ngiyak na ako bago nila sabihan si Hiro. Parang tuwang-tuwa sila sa pagbabangayan namin. Hindi kaya nakakatuwa yon! Si Mason naman, hindi ko alam kung naiinis ba kay Hiro pero wala namang ginagawa para ipagtanggol ako dahil lagi naman siyang nakatingin sa’min. Tss.

Masyado kong naituon ang pansin sa kontrabidang si Hiro.

Hindi ko napaghandaan ang muli naming pagtutuos ng isa pang kontrabida.

Oo, the evil witch Ate Nica.

Graduation nun ni Kuya Marcus at ang usapan, sa Saisaki Megamall kami kakain para maiba naman daw at para special dahil parehas na ise-celebrate ‘yung pagtatapos nila ni Mason lalo na parehas silang honor student. Cum laude kasi si ‘Ya Marcus eh. Galing nila ‘no? Sana mahawaan nila ako, hehehe.

Dun kami sa magarang sasakyan ni Hiro sumakay –Toyota Fortuner. Hindi kasi kami kasya sa Innova namin. Nauna na kami nila Kuya Chino, Kuya Mac-Mac, Kuya Chad, Mason at Hiro.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa Saisaki, namilog na talaga ang mga mata ko! “HUWAAAWWW! Ang daming pagkain!” Hindi ko alam kung saan ako titingin! Doon lang ako nakakita ng napakaraming pagkain sa buong buhay ko! Gusto ko talagang maiyak sa tuwa. Sa totoo lang, nanginginig pa nga yata ako kasi gusto ko nang lumamon!

Napansin yata ‘yun ni Kuya Chino kasi nung nakaupo na kami sa mahabang mesa at halos maglaway na, sinabihan niya ako na mag-chillax lang ako, kasi kahit gaano raw karami ang kainin ko, ayos lang daw dahil bayad naman. Kaya mas lalo akong na-eksayt dahil paniguradong mabobondat na naman ako sa busog! Muhahaha.

Tapos, nilapitan ako ni Hiro nang nakangiting-aso. Palihim niya akong binigyan ng isang plastik ng Ziploc. Punuin ko raw ng Tempura.

Ako namang si uto-uto-basta-pagkain-ang-usapan, sinunod ko siya at sinundan ko si Mason sa nakapila na at pumipili ng pagkain.

“Bakit plastic ang dala mo? Eto plato o,” mahinang sabi sa’kin ni Mason at inabutan ako ng blue na plato.

Tinanggihan ko naman ‘yun at sinabihan ko siyang namimili ako ng ite-take out pagtapos naming kumain. Nagpatulong pa nga ako kung sa’n makikita ‘yung Tempura eh.

Kaso nagulat ako sa sinabi niya. “Bawal mag-take out dito. Ano ka ba?”

At dahil naguluhan ako, nagtanong ako dun sa server kung totoo ngang bawal mag-take out. Bawal nga! Aaarrrggh!!! Tapos lumapit sa’min si Hiro na may buhat na blue plate saka siya nagmalinis.

“O, bakit may dala kang Ziploc? Bawal mag-take out dito! Nakakahiya ka naman!” sabi niya.

Kung pwede ko lang dambahin si Hiro nun, ginawa ko na. Kaso sempre pinagbawalan na naman ako ng mga kapatid ko. Hindi daw dapat sumisigaw ang babae, nakakahiya daw. Tas, mas malawak pa ang ngiting-aso ni Hiro nung sinabihan niya akong itago ‘yung Ziploc kahit sa kanya naman galing ‘yon. Nakakahiya daw ako. Nakakahiya, nakakahiya… PAULIT-ULIT  pa talaga nilang sinabi ‘yon! Badtrip talaga! Grr!

Nung nakabalik na kami sa mesa namin, simula na ng paglamon, hehe. Siya ring pagdating nila Mama at Papa kasabay ni Kuya Marcus. Sabay-sabay naming sinalubong ng pagbati ang panganay namin.

“Congratule—BAKIT NANDITO YAN?!” Nakakapit kasi kay Kuya si evil witch eh!

“Charlotte! ‘Di ka na gumalang sa Ate Nica mo,” pagsaway ni Mama bago sila nagsiupuan.

Pinanlisikan ko ng mata si evil witch habang nakangiti lang siya nang malapad sa’kin na parang nang-aasar pa. Mas lalo pa siyang kumapit kay Kuya kahit nakaupo naman na. “’Di ko siya Ate. ‘Di ko naman siya kapatid,” pangangatwiran ko sa sobrang inis dahil naalala ko na naman ‘yung pagtatampuhan namin ni Kuya dahil lang kinagat niya ang sarili niya at ako pa ang pinagbintangan. Tss.

“Charlotte,” pagbabawal ni Kuya Marcus. Tss. Siya na naman ang kinampihan. Lagi na lang siya! Ano bang gayuma meron ang mangkukulam na ‘yon?!

Ashusual, umepal na naman si Hiro na tumayo pa at inakbayan si Kuya at si evil witch para i-congratulate sila. Dun ko nalaman na Cum Laude rin pala si Ate Nica. Tss. Gaya-gaya talaga.

“Wow, galing mo rin pala Ate Nica. Maganda na, matalino pa. Beauty and brains. Di tulad nitong isa, wala na ngang beauty, bagsak pa ang brain,” pagpaparinig pa ni Hiro at parehas na sila ni evil witch na nakangiting-aso! Nagsanib-pwersa pa talaga ang kalaban!

At dahil wala pang kapangyarihan si Super Charlie nung panahong ‘yon, nagtimpi na lang ako at nag-ipon ng lakas. Dalawa sila eh, hindi ko kakayaning mag-isa. Dibale, kapag nakauwi na sila besprens Louie at Chan-Chan. Kumpleto na kami! Kumpleto na ang Power Puff Girls! Bahaha, joke lang.

Habang abala sa pag-uusap at pagkain ang lahat, ako, sempre, kain lang ng kain. Pakialam ko ba sa mga pinag-uusapan nila. Kailangang sulitin ang bayad, hehehe. Sa kalagitnaan ng pagkain ko, may napansin ako. Lahat sila kapag kumakain ng sashimi o kaya sushi, may kinukuhang kulay green na mukhang avocado tapos ihahalo nila dun sa sawsawan na parang toyo.

Kinalabit ko si Hiro na katabi ko. “Ano yun? Ano yun?” tanong ko sa kanya sabay turo dun sa hugis dahon na mukhang laman ng avocado kung saan kumukuha sila kuya.

Ay! Masarap yan! Alam mo ba, paborito yan ng mommy ko,” eksaytment niyang sabi sa’kin. “Maraming nutrients daw kasi. Pampabilis tumakbo. Teka, diba nagso-softball ka? Kailangan mo pala yan! Parang mayonnaise lang na nilalagay sa Japanese food. Sige na, dali na. Mas marami, mas masarap!”

At dahil madalas nga niya akong pinagtitripan, hindi ako agad naniwala. Hinamon ko siyang maunang kumain nun. Nakita ko namang parang nasarapan din siya at binigyan pa ako ng thumbs up. Kaya naisip ko noon na baka masarap nga.

Edi ako naman, eksaytment na rin at kumuha ng isang kutsara nung mukhang avocado at nakalabas pa ang dila kong pinahid ‘yun sa California Maki. Tinignan ko pa si Hiro bago ko sinubo ‘yung pagkain.

Nakakatatlong nguya pa lang ako, naramdaman ko na ang pag-akyat nung anghang sa ilong ko. Pati ‘yung sentido ko, sumakit. At yung dila ko, parang masusunog na. Agad na akong tumayo at tumakbo papunta sa banyo. Dun ko nalamang wasabi pala ang pinakain sa’kin. Huhu. Simula noon, hindi na ako kumain non.

Aaarrrggghh! Habang nagmumumog ako sa banyo, sinumpa ko si Hiro. Masyado na niyang inaapi ang bida! Pagdating talaga ng leader ng Power Puff Girls, makakatikim siya. Hindi na ako makapaghintay na umuwi si Louie para ipaghiganti ako!

Binatukan ko talaga si Hiro nung makabalik ako sa upuan. Kulang pa nga yon eh! Dapat sa kanya tino-tombstone o kaya 619! O kaya Stone-Cold Stunner nang makabawi man lang sa mga ginagawa niya sa’kin.

“O, last plate na ah,” paalala ni Kuya Chuck. “Charlotte, kung gusto mo pang kumain, kuha ka na.”

Ngumuso ako. “Kukuha na lang ako ng ice cream. Kulang ‘yung tubig,” sabi ko. Kasi kulang talaga. Kahit nakailang baso na ako ng tubig, namamanhid pa rin ‘yung dila ko na parang nasunog sa dami nung wasabing nalasahan ko.

Nung maglalakad na ako papunta sa ice cream, sakto namang dumaan si evil witch at natapakan ko ‘yung mahaba niyang gown. Magso-sorry dapat ako pero hinila niya ‘yung gown niya kaya dumulas ako at nadapapa. Ang masama pa, nabasag ‘yung maliit na blue plate na bitbit ko!

Narinig ko ‘yung mahinang paghiyaw nung mga nakakita at alam kong tumayo ‘yung mga kapatid ko para tulungan ako pero naunang lumapit sa’kin si evil witch. Okay ka lang? Nasaktan ka ba?” Tapos ‘yung ngiti niya, mapang-asar.

Inirapan ko talaga siya at dali-daling tumayo bago pinagpag ‘yung damit ko. “Hoo! Plastik!” di ko naiwasang sumbat.

Ang malas lang dahil si Kuya Marcus na naman ang naunang nakalapit sa’min at narinig niya ‘yung sinabi ko kaya napagalitan na naman ako. Kesyo concerned lang daw si Ate Nica sa’kin. HINDI AKO NANINIWALA! Planado nila ni Hiro yon! Lagi na lang ako ang pinagtitripan nila! Huhu.

“Tignan mo nga, nakabasag ka pa,” pagbabawal ni Kuya sa’kin habang agad na pinulot ng mga waiters ‘yung pira-piraso nung plato.

“Kuya…’di ko naman nibabasag ‘yon kung ‘di niya hinila ‘yung gown niya eh,” pangangatwiran ko. Bakit kasi hindi siya nagpalit ng damit? At bakit kasi ang haba-haba ng gown niya! Diba mga kinakasal lang ang may mahabang gown?!

 

Tapos lumapit na ‘yung manager at sinabihan pa yata sila Papa na kailangang bayaran yung nabasag na plato! Aangal dapat ako eh kasi dapat si evil witch ang magbayad non!

Pero laking gulat ko nung tumayo si Hiro at nag-alien language! Ang bilis kasi ng English niya, wala akong naintindihan. Tas naglabas siya ng parang card at napanganga lahat pati ‘yung manager na kinuha ‘yung card at umalis. Ako, nakanganga kasi wala pa rin akong naintindihan sa mga nangyari.

“Anak, ‘wag na. Kami na lang—“ putol ni Papa pero inakbayan siya ni Hiro at may sinabi na namang English sentence.

Tas sabay-sabay na nagpasalamat lahat sa kanya nung bumalik siya sa upuan.

“Charlotte! Magpa-thank you ka kay Hiro!” utos ni Mama sa’kin.

Kumunot naman ‘yung noo ko. Bakit ako magpapasalamat kay Hiro eh nag-speech lang naman siya? Ano ba dapat ang ipagpasalamat ko? Pero dahil utos ni Mama, kinalabit ko si Hiro. “Hoy, thank you daw.”

Pero nang-asar na naman si Hiro at sinabihan akong i-translate ‘yung mga sinabi niya. Eh malay ko ba? Hindi ko nga naintindihan lahat ng pinagsasabi niya tas ipapa-translate niya sa’kin? Boplaks pala siya eh! “Enkosayo! Hmp.” At dahil gusto ko rin namang malaman, kinalabit ko si Mason. “Ano ba ‘yung sinabi niya?”

Si Kuya Chino ‘yung tumatawang sumagot sa tanong ko. “Nagpapasalamat daw dahil kinupkop natin siya.”

Hmp! Dapat talaga hindi nalang namin siya kinupkop! Dapat tinaboy namin siya! Dapat pinagtanggol ko ang pagiging bunso ko dahil inaagaw niya sa’kin yon! Peeling niya siya ang bunsong Pelaez! Huhuhu.

Pero sempre, hindi ko na nasabi yon noon dahil nag-ring bigla ‘yung selpon ko. Agad ko ‘yung sinagot dahil si Louie ang tumatawag. At dahil si Louie lang ang kakampi ko, alam kong maiinggit na naman si Hiro, hehehe.

“BESPREEEEN! Grabe miss na miss na talaga kita! Kailan ka ba uuwi? Bukas? Talaga?!” Talagang malakas ang boses kong nagsalita para dinig na dinig ni Hiro at mangisay siya sa inggit, mehehehe.

Pagkatapos naming mag-usap, naalala ko. Lumagpas na pala ‘yung bardey ni bespren. Nag-isip ako kung ano kaya ang magandang regalo para sa kanya na mura lang, hehehe. Sempre hindi ko sinabi kay Hiro 'yung tungkol sa bardey ni bespren! Baka mamaya, agawin na naman niya ang moment ko.

Naagaw na niya ang atensiyon nila Mama at Papa at nila kuya. Pero hindi ako papayag na pati si Louie maagaw niya sa’kin! Bwahahahaha!

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

The Coldest Heart Par Zamiel

Roman pour Adolescents

973K 23.5K 56
"Even the coldest heart has a beat." Laarni Saldivar's life was simple and she is contended for what she is having now. But her life will change when...
17.9K 1.1K 42
[ AVAILABLE!!! | COMPLETED ] Crush na crush ni Cass si Ansel, ang unsociable na kakambal ng best friend niyang si Greta. Kahit kulang ito ng kabutiha...
Chasing My Cure Par venn

Roman pour Adolescents

134K 8.4K 34
PUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING.
Btw, He's my Bestfriend Par Cali

Roman pour Adolescents

6.4K 384 30
Since birth, Euphoria and Franzean is inseparable. Their friendship is stronger than any relationships. But as they say, feelings can ruin friendship...