When Lesbian Meets the Gangst...

By MissSONE

37.6K 780 142

Georgina Dizon a.k.a George meets the transferee Lark Angelo Suarez a.ka. Lark. Ms. Lesbian meets Mr. Gangste... More

Ms.Lesbian Meets Mr.Gangster
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 1

6.8K 158 9
By MissSONE

"Anak!Georgina! Bumangon ka na at bumaba ka na dito, mahuhuli ka na sa klase mo! "

Tila automatic na bumukas ang talukap ng mga mata ko ng marinig ko na naman ang pagtawag ng magaling kong ama sa buo kong pangalan.

Kusang kumuyom ang mga kamao ko at mariing na-igrit ko naman ang aking mga ngipin dahil sa biglang inis na naramdaman ko.

Umagang-umaga!

Lunes na Lunes, bnibwisit ako!

"Georgina! Anak! Bumaba ka na dito!"

Parang isang bangkay ako na biglang nabuhay at bumangon mula sa morgue. Nagmadali akong tumayo at pagkatapos ay maingay na inilakad ko ang aking mga paa with matching pa-sway-sway pa ng mga nayukom kong mga kamao, na para bang isa akong siga sa kanto na handa ng makipag-ramble-an.

"Anak! Georgi------"

"Utang na loob naman Tay! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na 'wag na 'wag niyo kong tatawagin sa buong pangalan ko! Tay naman talaga oh!"

    reklamo ko sa tatay ko nang makababa na ako sa kusina.

   

Kasalukuyan noong nagluluto sa kalan si tatay na nakasuot ng apron habang ang mga naggagwapuhan ko namang mga kapatid ay tahimik na mga nag-aalmusal na sa lamesa.

Si kuya Geoff, naka-de-kwatrong pose ang binti habang may hawak na dyaryo sa kaliwang kamay at tasa naman ng kape ang hawak ng kanang kamay. Siya ang panganay saming magkakapatid, nagtatrabaho siya ngayon sa isang malaking kompanya bilang Secretary ng CEO. Twenty-four years old and still single.

Sumunod naman sa kanya ay si Kuya Gerald, katulad ni kuya Geoff, nagtatrabaho din siya sa isang kompanya bilang company consultant. Twenty-two years old and he's also single.

Ang ikatlo naman ay si kuya Gerwin. Ang dakilang tambay saming magkakapatid. Tapos na siya ng pag-aaral, ang kaso ayaw pa niyang maghanap ng trabaho kaya ayan, patambay-tambay na lang. Twenty-one years old and he hates girl, especially 'yung maaarte, kaya ang nangyari sa kanya? Ayan, NGSB (No Girlfriend Since Birth).

   

At ang pang-apat, si Kuya Gian. Third Year college student, taking BS Engineering. Twenty years-old and he loves girl, actually he's a womanlover. In short, he's a casanova.

"Oh George, umupo ka na dito at mag-almusal"

alo ni kuya Gerwin.

Binalik ko ang tingin ko sa tatay ko na noo'y naglalagay na sa plato ng pinrito niyang itlog.

"Ganun tay, gayahin niyo si kuya Gerwin, hindi nakakalimot na tawagin akong George."

sermon ko sa tatay ko pagkatapos ay mahinang nagtawanan at napailing na lang ang mga kapatid ko.

Umupo na ako sa upuan para mag-almusal.

"Ewan ko sayo, anak. 

Ikaw na nga lang ang nag-iisa kong anak na babae, nagkaganyan ka pa. Hay naku, kung nabubuhay lang sana ang nanay mo-----"

"Hindi ka niya hahayaang magkaganyan..."

pagpapatuloy ko sa sasabihin sana ni tatay.

Oh lord, sa halos araw-araw na lang yata na ginawa ng diyos paulit-ulit na lang niyang sinasabi sakin 'yun.

*sigh*

   

Anyway,  I'm Georgi--- Aish! Sige na nga!

I'm Georgina Dizon, pero gusto kong tinatawag akong George. Eighteen years old at Grade twelve. Ahhh... naiinis ako sa tuwing naiisip ko na naabutan ako ng K-12 na 'yan. Dapat college na 'ko eh. Mapapahaba pa tuloy ang buhay ko sa schooling. Ok. Bunso ako sa limang magkakapatid ng pamilya Dizon.

Oh diba? ang sipag ng nanay at tatay ko.

Sabi nila tomboy daw ako. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung tomboy ba talaga akong matatawag. Yeah, maybe I'm a lesbian, pero hindi ako 'yung katulad ng ibang lesbian na nakikipag-relasyon sa mga kapwa babae. Siguro kaya lang 

nila akong tinawag na tomboy dahil sa kilos kong panlalaki, sa way ng pananamit at pag-aayos ko, at siguro dahil na rin sa kaya kong makipagsabayan sa mga lalaki pagdating sa mga ramble-an at gulo.

"Tay,alisna 'ko!"

paalam ko sa tatay ko nang makalabas na 'ko sa bahay.

"Mag-iingat ka bunso!"

sigaw ni tatay na noo'y nasa likod-bahay at abalang nagsasampay ng mga nilabhan niyang mga damit.

Simula kasi ng mamatay ang nanay namin dahil sa isang aksidente, ay si tatay na ang tumayong ama at ina saming magkakapatid.Habang pumapasok kami, siya naman ay naiiwan sa bahay para maglinis, ma-malengke, magluto, maglaba at mamlantsa. Ginagawa niya lahat ng naiwang responsibilidad ng nanay namin. Ang sabi niya sa amin 'non, si nanay na daw ang huling babae para sa kanya, kaya naman hindi na siya muling nag-asawa pa ng iba.

Mahal na mahal naming magkakapatid si tatay, sa sobrang pagmamahal nga eh mukang ayaw na yatang mag-asawa ng mga kuya ko dahil ayaw pa nila kaming iwan ni tatay. Kaya naman,kahit ganto lang ako,kahit napaka-basagulera kong bata ay nag-aaral din naman ako ng mabuti para kahit sa gano'y masuklian ko ang lahat ng pagsasakripisyo at paghihirap na ginagawa ng tatay ko para saming magkakapatid at lalo na sa akin.

  Kasalukuyan na 'ko noong naglalakad sa loob ng campus patungo sa building ng classroom ko, at katulad dati, late na naman ako.

  "George!"

Napatigil ako sa paglalakad ng may isang pamilyar na tinig ang tumawag sa pangalan ko, kaya naman agad akong pumihit patalikod para harapin ang taong 'yon.

     

"Oh ano na naman 'yon?"

banas na tanong ko kay Adrian, tropa at classmate ko.

Yeah, wala akong tropang babae, dahil ayoko silang pakisamahan. Puro lang kasi sila pagalingan,pagandahan, paramihan ng mga admirers at boyfriends, maaarte, insecure sa kapwa babae na mas maganda, mayaman at sexy kesa sa kanila.

Kaya naman mas pinili kong magtropa na lang ng lalaki kaysa sa mga babae, atleast ang mga lalaki, totoo sa lahat ng mga sinasabi, walang pakialam kung maka-offend, di tulad ng ibang mga babae na mga plastik.

"Late ka din?"

nakangiti pang tanong ng loko.

"At proud ka pa huh?" 

nakamaang na saad ko.

"Syempre naman, kasama kita eh"

    pagmamalaki niya pagkatapos ay walang pasabing bigla na lang niya akong inakbayan.

Mabilis ko namang siniko ng malakas ang dibdib niya, dahilan kaya napahawak siya ng mariin sa kanyang chest na kahit natatakpan ng kanyang uniporme ay halata ang pag-ka-matipuno 'non na siyang pinagkakaguluhan ng mga malalanding babae dito sa campus.

   

"Ang mean mo talaga kahit kailan."

nagdaramdam na saad niya habang hinihilot niya ang part ng dibdib niya na siniko ko.

"Ulitin mo pa 'yon, etong kamao ko na ang tatama dyan sa mukha mo."

panakot ko sa kanya habang itinututok ko sa kanya ang aking kamao.

Si Adrian Frontera, twenty years old. Gwapo, mayaman, gangster,

hearthrob sa buong campus, hot, bobo, abnormal, at baliw. Actually, apat sila eh, si Nomer, Redkert, at Jepoy, magka-classmate kaming lahat. Magkakaibigan kaming lima since last year, kaya naman minsan kapag lagi silang napapasali sa mga gulo, napapadamay pati ako. 'Till death do us part' nga eh.

"Mr.Frontera and Ms.Dizon, you're late again! "

  sigaw ng Physics teacher namin habang nakapamewang na nakatingin saming dalawa na mga bagong pasok.

Nag-umpisa na pala ang first period class nang dumating kami ni Adrian sa classroom, at katulad dati, sinigawan at sinermonan na naman kami ng masungit na si Ms.Silva.

   

At katulad rin dati, bilang punishment saming dalawa,

eto,

squatt na naman kaming dalawa ni Adrian sa likod. Wala namang bago. Sanay na kami dito.

"Mga pare, bakit ba lagi kayong na-le-late? Nag-de-date pa yata kayong dalawa eh."

  pang-aasar ni Nomer na noo'y nasa pinakahuling hanay na upuan at nakatingin saming dalawa. Naka-patong ang siko niya sa sandalan ng desk at masaya kaming pinagmamasdang dalawa ni Adrian.

"Oh baka naman magkasama silang dalawa kagabi?"

sabat ni Redkert habang abala sa kakapindot sa kanyang cellphone. Walang pakialam sa klase.

"Ano 'yon, Bromance?"

ulok ni Jepoy pagkatapos ay malakas silang nagtawanang tatlo dahilan para maagaw nila ang atensyon ng lahat.

Peste 'tong mga 'to ah!

Humanda kayo saking tatlo mamaya!

"What's happening at the back? Mr.Alvarez! Mr.Buenaventura! Mr.Montero! Tungkol san na naman ba 'yang business niyo dyan sa likod! Can you kindly share it here in the front of the class? "

pagtataray na naman ng teacher namin.

"We can't, Ma'am. Rated SPG this eh."

  pamimilosopo ni Redkert pagkatapos ay puro halakhakan na ang nangibabaw sa loob ng classroom pwera lang sa teacher namin na namumula na sa sobrang galit.

Sira-ulo talaga 'to si Redkert!

"MR.BUENAVENTURA!"

nanggagalaiting sigaw ni Ms.Silva kay Redkert.

Tumahimik ulit sa buong classroom.

Maya-maya'y napahawak na ang matanda sa kanyang noo at hinilot-hilot iyon habang masama pa rin siyang nakatitig samin.

"Kayo! Kayong lima!"

pagpapatuloy niya habang dinuduro niya ang direksyon naming lima nina Adrian,Nomer,Redkert, at Jepoy.

"Kayo ang papatay sakin ng maaga! Kayong lima!"

nanggagalaiting sigaw niya saming lima.

Tumingin sa ibang direksyon si Adrian habang nakapikit ng mariin, mukhang iniiwasan ang nakakabinging sigaw ng terror naming

teacher.

"Aish! Grabe, 'yang teacher na 'yan. Nakaka-abnormal ng eardrums ang boses.Akala mo nakalunon ng microphone."

naka-grin ang ngipin na bulong ng katabi ko.

  Unforunately, nakita ni Mam Silva ang pagbuka ng bibig niya.

"Ano na naman 'yang binubulong-bulong mo dyan Mr.Frontera?!"

  halos lumuwa ng ang mata na bulyaw na naman ng matanda.

Kakaibang mag-buena-mano ng sermon 'tong teacher na 'to.Obvious na obvious na malaki nga talaga ang galit nito saming lima.

Tumaas ng kamay si Jepoy.

"Ma'am ako narinig ko yung binulong ni Adrian!"

Napapikit na lang ako.  Jepoy talaga.

"Ang sabi niya.....

Lalo daw kayong gumaganda at sume-sexy kapag nagagalit! Yihieeeeeee!  "

"I-report ko kaya 'yang si Mrs.Silva sa DepEd?"

naka-pout na saad ni Jepoy habang hinihimas ang kanyang ulo na binato ng eraser ni Mam Silva kanina.

Kasalukuyan na kaming nasa canteen at nag-te-take ng recess.Nasa iisang lamesa lang kaming lima at sabay-sabay na kumakain katulad dati.

At katulad muli ng dati,ay pinagtitinginan na naman kaming lima ng ibang mga estudyante especially ng mga babae.

May pa-simpleng sumisilay sa apat,may kinikilig at kahit hindi nila sabihin,alam ko at halata sa kanilang mga mata ang pagkainggit na nararamdaman nila sakin.

Ako lang kasi ang nag-iisang babae na nakakalapit dito sa limang 'to eh. Ako lang din ang nag-iisang babae na lagi nilang kasa-kasama san man sila magpunta.

"Wag niyo na kasi laging binibwisit 'yung matanda, mamaya kayo pa mapaglihihan 'non,"

advice niy Adrian kay Jepoy habang sumusubo ng hawak na burger.

Kow! Nagsalita ang matino!

"Nga pala,san tayo mamaya?"

change topic ni Redkert.

"Cutting class tayo! Binabanas ako dito sa school."

aya ni Nomer.

"Hindi pwede, may report pa ako mamaya sa Math."

pagsalungat ko sa kanila habang sumisipsip sa straw ng softdrinks ko.

Napatingin silang lahat sakin.

"Ang KJ naman nito ni George oh! " 

pagdaramdam ni Jepoy.

"Edi mamaya na lang after ng lunch."

alo ni Adrian.

"Hindi nga pwede."

nagtitimpi ko pang sabi. 

"Kahit tambay lang muna tayo sa billiard-an"

pangungulit ni Nomer.

"May magsalita pa sa inyong apat, ibabato ko na 'tong bote ng softdrinks sa mga pagmumukha niyo!"

 warning ko sa kanilang apat pagkatapos ay nagsitahimikan na rin sila.

Alam kasi nila kung pano ko magalit eh, actually, kaya nga kami naging magkaka-ibigang lima kasi na-sample-an ko na sila minsan.

'Nung first day kasi ng klase last year lagi nila akong niloloko, akala yata nila porque mga gwapo sila at malalakas ay wala ng papatol sa kanila sa mga ginagawa nilang pang-bu-bully, hindi lang sakin, kundi pati na rin sa ibang mga estudyante dito. Kaya naman ng mapuno na ko, ay pagkatapos na pagkatapos noon ng klase inabangan ko na silang apat sa labas ng school,at sa unang araw rin ng pasukan, ay nakatikim sila mula sa akin. Doon isa-isa ko silang pinag-bubu-bugbog gamit ang hawak kong kahoy sa harapanng mga estudyante ng school. Naaalala ko kung pano sila mag-una-unahan sa pagkaripas ng takbo ng nakahanay. And after that, hindi na sila naging maangas at mayabang sa loob ng school, at dahil din 'don kaya naging malapit silang apat sa akin.

Mababait naman pala ang mga loko eh, di nga lang halata sa mga pagmumukha kasi akala mo kung maglakad parang mga siga, na kung magsalita parang pagmamay-ari nila ang mundo at kung kumilos parang mga.............. mga gangster.

Actually, gangster talaga sila, at kasali ako 'don.

 

Yeah, I'm a gangster, too.

Sumali ako, hindi dahil gusto kong mapalapit sa mga away at gulo, kundi dahil gusto kong magkaron ng maraming kaibigan.

Mga kaibigan na tutulong sakin para mahanap ang taong pumatay saking ina. Ang taong, nang-hit-and-run sa kanya, na ayon sa mga pulis at imbestigador ay hindi isang aksidente ang naganap, kundi sinadya at pinlano para mapatay si nanay. Hanggang sa ngayon, hindi pa rin nahuhuli ang taong 'yon at wala pa ring nakakaalam sa motibo ng pagpatay niya saking ina.

At kung sino at ano man 'yon.... 

ay iyon ang aking aalamin sa tamang panahon.

Pagkatapos ng klase ngayong araw ay dumaretso na 'kong umuwi sa bahay namin, hindi ko na pinansin pa ang pangungulit ng apat na mokong 'kong kaibigan na tumambay daw muna kami sa bahay nina Adrian.

Hindi ako sumama kasi alam kong magyayaya na namang mag-inuman 'yung mga 'yon.

"Anak,pwede bang ibili mo muna ko sa grocery store ng pang-ahit? Humahaba na kasi ang bigote at balbas ng tatay mo oh."utos sakin ni tatay habang nakaharap siya sa salamin at hinahagod ng kanyang mga daliri ang mahahaba na nga niyang mga balbas at bigote.

Kahit tinatamad pa at abalang nanonood sa sala ay pinilit ko na ring tumayo sa sofa para sundin ang inuutos ng tatay ko. Kahit ganto lang kasi ako, eh masunurin pa rin naman akong anak.

At isa pa, hindi pa kasi dumarating ang mga kuya ko kaya ako lang ang mauutusan dito sa bahay.

Kinuha ko lang ang pera pambili at pagkatapos ay lumabas na 'ko ng bahay. Kailangan ko pang maglakad ng malayo dahil nasa labas pa ng subdivision namin ang grocery store.

Pagpasok ko pa lamang sa tindahan ay nagpunta agad ako sa stall ng mga make-ups at mga razor.

May nakita akong pang-ahit sa katabi ng mga make-up. Tila mukang naghihintay na damputin ko iyon dahil nag-iisa na lang siyang pang-ahit.

Mukang ako yata ang nakatadhanang makabili 'non ngayong gabi.

Ngumiti ako at pagkatapos ay inilapit ko na ang kamay ko doon para damputin iyon ngunit nabigla ako ng may isang kamay ang biglang sumulpot sa harap ko at mabilis na kinuha ang pang-ahit na sana'y kukuhanin ko.

Aba, bastos to ah!

Nandidilim ang paningin kong hinarap ang taong umagaw ng pang-ahit na dapat ay para sakin.

Aba! Nauna kaya ako!

"Hoy! bakit mo kinu------"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko sana nang makita ko ang itsura ng lalakiang nasa harap ko.

Mahaba ang buhok niya na humaharang sa kabilang side ng kanyang noo tapos nakatali yung buhok niya sa likod na nagpa-hot sa looks niya,

matangos ang ilong,maputi, makinis ang balat, may pagka-maangas ang mukha, chinito, mahaba ang eyelashes. In short, gwapo siya.

Oo, gwapo. Pero wala akong pakialam!

Kailangan kong mabawi yung pang-ahit!

Lark's POV

Tiningnan ko ang babaeng nasa harap ko..

Teka? babae ba 'to o tibo?

Naka-short siya ng mahaba na hanggang ilalim ng tuhod, nakasuot ng mahabang t-shirt, nakapony-tail at naka-cap.

Napangibit na lang ako habang tinititigan ko siya na noo'y akala mo'y kaya niya kong kainin ng buo dahil sa sama ng pagtitig niya sakin.

"Hoy! Sira-ulo ka noh? Alam mo namang AKO ang unang dadampot ng pang-ahit na 'yan, inunahan mo pa ako! Ibalik mo nga sakin 'yan!"

maawtoridad na utos niya na para bang may hindi magandang mangyayari sakin kapag hindi ko binalik agad sa kanya ang hawak kong pang-ahit.

Aba, aba, matapang 'tong isang to ah.

Lumapit ako sa kanya, at tinitigan ko siya ng buong pang-aakit katulad ng ginagawa ko sa ibang babae para makuha ko sila.

"Miss, kita mo naman diba? Ako na ang may hawak nito, it means ako ang unang nakadampot. "

mahinahon kong saad sa kanya pagkatapos ay nginitian ko siya.

"'Wag mo 'kong ma-Miss-Miss dyan, baka gusto mong ma-miss 'yang mukha mo! "

matapang na saad niya habang nakaduro 'yung isang daliri niya sakin.

Aba't!!

Wala pang kahit sinong babae ang nakakapanduro sakin ng ganyan.

"Teka nga lang Miss, wina-warning-an mo ba 'ko?"

nagsisimula na 'kong mapuno.

   

"No. I'm threatening you."

deretso lang siyang nakatingin sa mga mata ko na para bang leon na handa ng manunggab ng tao, at base sa kanyang itsura ay alam kong may hindi magandang mangyayari.

"Aanhin mo ba 'to?"

curious na tanong ko sa kanya.

Tumingin ako sa braso at mga binti niya.Maputi siya at nakikita ko namang wala siyang mahahabang balahibo sa katawan.

"Eh bakit ikaw! Wala ka namang bigote at balbas ah! Anong gagawin mo dyan?!"

pinagtataasan pa rin niya ko ng boses.

Nakakahiya. Nang dahil sa isang pang-ahit pinagtitinginan na kami ng mga ibang customer.

Bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Bakit? Bigote at balbas lang ba ang inaahit sa lalaki? "

I smirked at her, lalo na ng nakita ko siyang namumula.

How cute. Hahaha! Dinuduro niya pa rin ako pero this time wala nang lumalabas na salita mula sa kanyang bibig.Nginitian ko lang siya ng nakakaloko at pagdaka'y mabilis na 'kong tumalikod at naglakad patungo sa cashier para magbayad. Iniwan ko siyang kulay cherry ang mukha.

 

"I'm sorry Miss, pero ang sakin ay sakin. Wala sa vocabulary ko ang salitang 'pagpaparaya'."

nakangiting saad ko sa kanya habang wina-wagayway ko sa ere ang hawak kong pang-ahit.

Pagkatapos 'non ay hindi na niya 'ko kinulit pang muli. Buti naman.

Pagkabayad ko sa cashier ay lumabas na agad ako ng grocery store, kailangan ko pa kasing ahitan si Max, 'yung alaga kong poodle. Nasira kasi ,yung razor namin.

 Madilim na sa paligid ng lumabas ako, gumabi na pala.

Naglakad ako patungo sa parking lot na pinagparadahan ko ng sasakyan ko kanina. Kahit gusto ko pang gumala hindi pwede, may pasok pa kasi ako bukas sa bago na NAMANG school na papasukan ko.

I sighed.

Nakakailang lipat na ba 'ko sa mga schools ngayong taon? Tatlo? apat?

 Lagi kasi akong na-da-dropped-out sa mga dating school na pinasukan ko at kung bakit? Iyon ay dahil sa gang na pinamumunuan ko.

Yeah, I'm a leader of a gang.

I'm a 'Black Spade's gang leader.

Inaalagaan ko ang grupong ito higit sa pag-aalaga at pag-iingat ko sa sarili ko.  Itinayo ko ang 'Black Spades' dahil sa dalawang napaka-importanteng rason, at tanging sarili ko lamang ang nkakaalam n'on.

Akma ko na sanang pipindutin ang unlock keypad ng RKS ng kotse ko nang biglang may matigas na bagay ang tumama sa likod ng ulo ko.

Sh*t! Ang sakit!

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang napapikit ako ng mariin dahil sa sobrang sakit. Ang lakas ng impact ng pagkatama ng bato sakin, mukhang sinadya 'yon.

"Hoy mestisong shokoy!"

Mabilis akong napalingon nang marinig ko na naman ang pamilyar na tinig na iyon. Nagtangis ang aking mga bagang nang bumungad sa harapan ko ang mukha ng babaeng naka-kompronta ko kanina sa grocery store.

Hindi pa rin ba siya titigil!! At ano? Anong itinawag niya sakin?

"Hoy Ms.Tibo! Ano bang problema mo?! "

sigaw ko sa kanya.

Punong-puno na ko dyan! Kanina pa yan!

Nung una, sinigawan niya ko sa harap ng mga customer, pangalawa dinuro-duro niya ko, pangatlo binato niya ko ng bato at ang pang-huli, tinawag niya kong mestisong? Mestisong shokoy!

Biglang tumikom ang mga kamao ko. Sa tanan ng buhay ko, wala pang gumagawa 'non sakin! Etong babaeng 'to lang. Siya lang!

    

"Problema ko?! Ang problema ko, ikaw! Ibalik mo na sakin 'yang pang-ahit kung ayaw mong may mangyaring hindi maganda dyan sa mukha mo!"

banta niya sakin.

"Bakit ba pinagpipilitan mo pa ring makuha 'to, eh ako na nga ang nakabili! Pumunta ka na lang sa ibang tindahan at 'don ka bumili ng iba!"

sigaw ko ulit sa kanya.

"Malayo pa ang kabilang grocery store mula dito! May sasakyan ka naman diba, edi ikaw na lang ang bumili 'don tutal ikaw naman ang nakaisip!"

  mas malakas ang sigaw niya sakin, habang nakataas ang noo at dibdib sakin na para bang nanghahamon ng away. Ang lapit-lapit namin sa isa't-isa pero kung makasigaw kami parang nasa magkabilang bundok ang pagitan namin, pinagtitinginan na naman kami ng mga iilang taong nadaan. 

Kumukulo na dugo ko sa tibong 'to!

"Siguro may gusto ka sakin noh? Ginagamit mo lang 'tong pang-ahit para makuha mo ang atensyon ko! I'm sorry Miss pero hindi ang katulad mo ang type ko."

pang-lalait ko sa kanya.

Lumapit siya sakin.

"Ah gusto pala huh?! Oo gusto kita! Gusto kitang suntukin!"

Pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita ay nagulat na lang ako ng may kamao ang biglang tumama sa kabilang pisngi ko dahilan para mapahiga ako sa sahig.

    

Nabitawan ko ang ang mga hawak ko kasama na 'yung pang-ahit.

"Sa susunod, kikilalanin mo muna kung sinong kakabanggain mo huh para hindi ka na nasasaktan ng ganyan! Tsk. Ang kulit kasi eh."

iiling-iling na huling sinabi niya sakin pagkatapos ay kinuha niya 'yung pang-ahit na nahulog at itinapon niya sakin 'yung fifty pesos na buo na bayad niya sa kanyang kinuha.

"Keep the change."

'Yun lang at tumalikod na siya para umalis.

Natulala na lang ako habang pinapanood ko siyang maglakad palayo.

Hindi ko alam kung hahanga ba 'ko o magagalit sa ginawa niya.

Grabe! Pano nakakasuntok ng ganong kalakas ang isang babae?

Mabilis na 'kong tumayo mula sa kinabagsakan ko at baka may makakita pa saking kakilala at isipin pa nila na ang isang leader ng isang gang eh napatumba lang ng isang babae.

Pinulot ko lang sandali ang RKS na nahulog kasama na 'yong fifty pesos na bayad sakin ng tibo na 'yon at pagkatapos ay naglakad na 'ko palapit sa kotse ko habang sapo-sapo ng isang kamay ko ang bahaging sinuntok 'nung amasanonang 'yon.

   

Ngunit bago 'yon ay may nabuong plano sa isipan ko. 

Ako si Lark Angelo Suarez, leader ng isang kilalang gang.

Wala pang sinuman ang nang-agrabyado sakin na hindi ko pa natuturuan ng leksyon.

Ngayon, nang dahil lang sa isang babae, nagkapasa ang mukha ko? Kahit sino, wala pang nakakasakit sakin physically, pero 'yung babaeng 'yon?

" Hilingin mong 'wag na sana tayong magkita pa ulit. Dahil kapag nagkataon...,."

I smirked.

 "Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo."

Continue Reading

You'll Also Like

542K 27.1K 55
The Badass Babysitter Volume 3, the final kick 04/02/2020 - 06/17/2021
477K 23K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
97.5K 8.2K 40
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
185K 6.9K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...