When We Fall

By frustrated01Writer

98.1K 1.7K 495

NOTE: Read at your own risk. I tried editing this work 7 years ago but I failed. I am truly sorry that I can'... More

When We Fall
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9*
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13- Weird
Chapter 14- He's back
Chapter 15- No Secrets Anymore
Chapter 16- No For Revenge
Chapter 17- A day with Sir Perez
Chapter 18- Reconciliation
Chapter 19- Tragic
Chapter 20- Its Another Chapter
Chapter 21- Hey
Chapter 22- Raped (RATED SPG)
Chapter 23- Christopher and Jerome
Chapter 24- F*cked Up
Author's Break
Chapter 25- With you
Chapter 26- We're Brothers
Chapter 27- This is not?
Chapter 28- Professor Park
Chapter 29- Choose
Chapter 30- Started and ended here
Chapter 31- Users
Chapter 32- The Kiss
Chapter 33- F*ck This Feeling
Chapter 34- Goodbye
Chapter 35- Trip to Batangas
Chapter 36- Camping
Chapter 37- Mission Failed
Chapter 38- Break out
Chapter 39- Tragic Nightmare
Chapter 40- The Wedding
Epilogue
Author's Kaartehan
To The Readers I loved

Chapter 1

6.9K 112 43
By frustrated01Writer

Yna Velasquez's POV

This is my first day in my new school but for others it is not. Look, I'm a second quarter transfery here, right? Got kicked out you know? But I don't care, I love this school. I could even throw a party for me being proud entering here.

"This university is much better," sabi ni Skylyn ng makapasok kami sa gate ng bago naming school.

Nagkibit balikat ako at nagsalita, "Yeah you're right. Mas maganda nga dito kesa sa dati nating pinapasukan. Look at the students, they look more cool and bad ass," sabi ko naman habang nakangiting nakatingin sa kaniya.

Kasalukuyan naming tinitingnan ang kabuohan ng paaralan. Ito na kasi ang papasukan namin simula ngayon. Sabay kami ngayong dalawa dahil iyon ang gusto ni Dad. He wants Skylyn and me to be best friends which will never happen not unless she changes her clothing and everything about her because she's too boring and too jologs.

"Why do bullies exist?" tanong sa akin ng nakatulalang si Skylyn.

"I don't know...maybe it's because you're a lozer," I said. But of course that's a big joke. I will never dare to say that because she might cry inside the comfortroom for days.

"Hindi ko rin alam Sky...pero huwag kang mag-alala po-protektahan kita kahit na anong mangyari," sabi ko at ngumiti sa kanya. If you're going to take a look at this angle, napakabait ko hindi ba? So that's not really me. This is what her Dad wants. He ask me to protect her daughter because she is too weak to defend herself.

He looked at me, "thanks pero huwag na. Mapapa-away ka na naman. People will hate you. They could hurt you too as much as what they are going to do with me. Mapapahamak ka lang," She looks worried. Ako naman, nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Ewan ko ba kung bakit siya nalang lagi ang napapagtripan ng mga studyante sa dati naming paaralan. Tsk, ayaw niya kasing lumaban eh. Either it is physical or verbal bullying ang ginagawa sa kaniya, hindi siya nagsusumbong o gumaganti manlang. Kaya ang tingin sa kaniya ngayon ay isa siyang lozer. At dahil sa insidenteng nangyari over a week ago, our dads decided na dito na kami sa St. John University mag-aaral. Which is why I'm very thankful to her.

"Alam mo Sky, you need a change. As in magbago na halos hindi ka na makikilala bilang ikaw dati," sabi ko. Then she looked at me.

"Tingin mo?" Tss..sasabihin ko ba kung hindi 'yun ang tingin ko? Idiot.

Magkaklase kami ni Sky since Kinder, since then lagi kong nakikita ang struggle niya sa pagkakaroon ng kaibigan. Weirdo kasi siya kaya walang gustong lumapit. Paano naging weirdo? Mahilig siya sa anime tapos 'yun ang lagi niyang topic, buti sana kung naiintindihan namin ang ikinukuwento niya pero hindi e, dahil hindi naman kami nanunuod nun. Nagsasalita rin siya ng Japanese kapag naiinis siya tapos kinakausap niya 'yung drawing niya. Oo mahilig siyang mag-drawing...ng anime. Tumatawa rin siya ng mag-isa. Totally weird, right?

"Oh shit!" Narinig ko ang sinabi ng taong nasanggi ko pero just like always and just like me, wala akong pake kaya dumeretso lang ako sa paglalakad.

"Hey, you! Hindi ka ba marunong tumingin sa nilalakaran mo?!" Napalingon ako sa kaniya sa sobrang lakas ng boses niya. Actually, hindi lang ako e, lahat ng nandito sa surrounding namin napalingon sa kaniya.

I looked at him and raised my eyebrow. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. May hawak pala siyang hot chocolate at natapunan siya nito.. Talaga nga namang iinit ang ulo niya dahil nasira porma niya. Wearing only a white shirt and a black jagger pants. It's also his fault, hindi rin naman siya tumitingin sa dinadaanan niya.

"Whatever," sabi ko sa kaniya. Nakita kong nainis siya sa inasal ko pero wala akong pake if he's expecting me to say sorry, well, that's not me. Tumalikod lang ako sa kaniya at naglakad.

"Hindi ka ba hihingi ng tawad?" sabi ni Sky na namumula ang mukha.

"Hindi." Hindi ba obviuos sa kaniya?

"To all the students, please proceed to the gymnasium now. Again, to all students please proceed to the gymnasium now, thank you," sabi nung public address ng school.

This school is quite bigger than ours before. We almost consumed an hour of our time in following the mass of students going upstairs. One big WOW. Ang ganda ng gymnasium nila. Sa sobrang laki, pwede na maglaro ng olympics dito e. Kaya lang nakalimutan yata nilang buksan ang aircon. It's too hot.

Hmm ano kayang meron ngayon? Hindi kami na-inform.

"Good morning everyone, today we will have a short program for our beloved Natasha Medrana, our principal," blah blah blah ang daming sinasabi, hindi ba pwedeng hanggang bati nalang ng happy birthday? Or iwelcome niya kami tapos proceed to the program na? Nakakaaksaya ng oras at panahon. Isa pa birthday lang naman pala ng principal na 'yun eh bakit kailangan may program pa?

"Miss, kakastart palang ba ng program?" A random guy asked me pero nakatingin lang ako sa stage as if I'm listening.

"Oo" Sagot ko.

"Ha! Buti na lang talaga akala ko late na ko eh by the way thank you ah," he said and that's the time na napatingin ako sa kanya. He looks handsome but...not my type. He smiled. Tsk, pa-cute.

"Anong grade mo na?" Tanong niya. Oh my bakit ipapahanap ko ba ako?

"Grade 10."

Balak pa niya sanang makipag-usap pero ibinaling ko na ang tingin ko kay Skylyn.

"Let's go Skylyn we need to find our classroom. Mukhang hindi pa matatapos magsalita itong speaker na ito at aabutin tayo ng Bandila ng ABS-CBN kung mamaya pa tayo maghahanap ng classroom.

What you heard a while ago was right. Grade 10 na kami at magpasa-hanggang ngayon magkakalase pa rin kami. While we are walking at the corridor, napapansin ko sa bawat classroom kahit gaano pa ito kalaki laging may crucifix sa dingding. Talagang catholic school nga ang pinasukan namin ngayon pero mukha namang may mga sungay ang mga estudyante.

At ilang sandali pa ay nahanap na namin ang room namin. Hay, buti nalang hindi kami nahirapan sa paghahanap. We decided to go inside and the airconditioned classroom welcomed us.

"Oh I didn't expect na may papasok pa sa klase ko. Di ba may program sa gymnasium? Bakit kayo nandito?" sabi noong lalaking nakaupo sa Teacher's table.

"Ah maaga po kaming umalis so that marami pa kaming time if ever na na lost kami," conyong sagot ni Sky. Itong babaeng ito o, sabi ko baguhin niya ang sarili niya wala naman akong matandaan na sinabihan ko siyang magnilandi a.

"Hanggang second period pa yang program na yan. You shouldn't be here," sabi noong masungit na lalaki.

"E, ikaw bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya.

"Teacher ako kaya puwede akong pumunta kahit saan ko gusto at hindi makinig sa walang kuwentang program." Ngumiti siya sa amin, "pero dahil nandito na kayo, just stay here. Para naman may kasama ako."

"Yes! Thank you po," sabi ni Sky at umupo sa harap ng guro namin. Ako naman, kuntento na akong dito na lang sa likod umupo.

"By the way, I'm Jerome Perez, 22 years of existance. And I will be teaching you in Mathematics," pa-cool niyang sabi.

"Woah, ang galing naman. Ako nga po pala si Skylyn Tuazon but you may call me Sky." Tsss.. may pa 'you can call me pa siya riyan ah'.

"Hmm Yna, right?" tanong ng teacher namin.

"Y-Yes Sir, paano niyo nalaman?"

He smiled wider, "kailangan raw namin supilin ang ugali mong hindi maganda Miss Velasquez. Tell me what are the things that we should be aware of you."

I told him everything I did before, even my attitude, even the things that I like at sa tingin ko, na-amazed siya sa akin. Marami rin kaming napag-usapan na labas sa akin tulad ng mga patakaran ng mga eskuwelahan na hindi naman sinusunod ng mga estudyante. Sa peripheral vision ko, nakita kong naglabas na ng papel si Skylyn at nag-drawing. There she goes again.

*KRING!*

Hudyat na ng second period. Nagpaalam na si Sir na mauuna na raw siya sa amin dahil may gagawin pa siya. Kami naman, napagdesisyonan namin na lumabas muna para hindi kami mahalata na umalis kami kanina sa gym. We went to buy something at the canteen. Everything is fine not until Skylyn got tripped. She got her nose bleed dahil tumama ang mukha niya sa pader. Tsk lampa! Kaya hayun, dinala ko siya sa clinic at dahilan kung bakit ako nalate. Pinagstay siya sa clinic kaya wala na siyang hassle. Sa kasamaang palad pa, mainit ang ulo noong techer namin na parang kumukulong kape.

"WHY ARE YOU LATE?!" 'Yan ang bungad sa akin ng professor ko pagpasok ko. Parang nakita ko na siya eh..kanina lang. Kanina ba yun? Oh seriuosly? Siya yung natapunan ng hot choco kanina... Crap this! Malay ko bang teacher siya rito?

"Um because-" I tried to explain pero ayaw niya. He didn't allow me.

"Take your seat, I don't wanna hear any excuses! Bago ka pa lang rito pero ganiyan ka na," at patuloy pa sa pagrarant ang teacher na ito.

Ito ba ang magiging prof ko sa General Science buong taon? Gosh...makaupo na nga lang.

"At dahil naiinis ako ngayon, we will have our first quiz for the second quarter kahit na wala pa tayong nadi-discuss," pagkatapos sabihin 'yun ni Mr. Hot Choco, ang sama ng tingin sa akin nung mga babae sa unahan. Pwe! Akala niyo naman kung sino kayong maganda! Over decorated ladies.

"My goodness naman, di ako nag aral in advance," sabi nung katabi ko ng makita niyang ipinamimigay na yung quiz paper.

"50 ITEMS?!" Napalakas ang boses ko ng makarating sa akin ang papel. Kabigla-bigla naman kasi.

"Yes, it is 50 items, this is what you get when you are late at ang parusa para isa ay parusa rin ng lahat," he said while smirking.

"But Sir-" I started to protest but he cut me.

"I said, I don't wanna hear any excuses!"

"Edi 'wag. Kailangang sumigaw? Hindi naman ako mage-excuse, masyado ka lang assuming," sabi ko sa kaniya at nagsimula ng magsagot.

"Hey, remember this?" bulong niya malapit sa tenga ko sabay bukas niya ng jacket niya at ipinakita sa akin ang stain sa white shirt niya.

My eyes were stuck over the stain on his shirt or rather on his body because of his abs. Haist! What am I thinking? Am I attracted to him?

"Ano tapos mo na bang titigan?" tanong niya na para bang nang aasar tapos isinara na niya ang jacket niya. "Remember this miss, I'm Jc Medrana and I will make your life a living hell.. Lahat sila niluluhuran ako bilang rispeto, samantalang ikaw binastos mo 'ko kaya humanda ka sa akin," sabi niya. Such a childish man.

Nagkibit balikat na lamang ako at nagsagot na. Madali lang naman itong quiz ah, bakit 'yung iba parang nangangamote yata? Sa sobrang dali, natapos ko ito agad. Naidlip na lang ako para pamatay ng oras.

"Miss, gising na.." gising sa akin ni kuyang naka-grey na t-shirt.

Nag-unat muna ako ng buto at tumingin sa paligid..

"Seriously?" Nanlaki ang dalawang mata ko sa nakita ko.

Wala ng tao sa classroom at janitor pala ang gumising sa akin. Ilang oras ba ako nakatulog? Grabe naman iniwan nila ako dito! Peste naman oh! Baka pinagtatawanan nila ako kanina. Biweset! Dapat pala hindi ako nanuod ng City Hunter ni Lee Min Ho kagabi.

Author's Note

Halu halu guys nagustohan niyo ba ang prologue ng story? COMMENT, VOTE and SHARE nalang.

Continue Reading

You'll Also Like

21M 515K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
24.4K 170 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
220K 13.2K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...