IF I LET YOU GO(1)-(Completed)

By Wild_Amber

446K 13.3K 122

Para sa'yo, ano nga ba ang LOVE? Madaling sabihin ang katagang LOVE pero mahirap bigyan ng tamang kahulugan. ... More

TEASER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 5

13.9K 429 1
By Wild_Amber

LUMIPAS ang mga araw at naging malapit sa isa't isa sina Yugene at Aslea Dennisse. Masaya sila kahit hindi nila inaamin sa kanilang sarili kung ano ang tunay na stadu ng relasyon nila.

"Princess, saan ba tayo pupunta at kailangan mo pa kaming isama ng mommy mo?" Tanong ni Aljhon sa bunsong anak.

"Tama ang daddy mo anak, saan mo ba kami dadalhin?" Tanong naman ng ina ni Aslea Dennisse habang binabaybay nila ang daan lulan ng LEXUS new edition sports car nito kasama ang magulang.

"Basta malalaman niyo Mom and Dad. Malapit na po tayo." Sagot ni Aslea Dennisse sa magulang.

Makalipas ang ilang minuto ng marating nila ang lugar kung saan niya gustong dalhin ang ama't ina. May kalakihan rin ang istableseminto na nakatayo kung saan inihinto ni Aslea Dennisse ang sasakyan nito. Agad niyang inipark ang kotse bago siya bumaba ng sasakyan at inakay ang magulang papasok. Ang mag-asawa naman ay nahihiwagaan sa kanikilos ng kanilang anak ngunit nagpatianod na lang sila sa kagustuhan ng anak. Pagpasok nila sa loob ay bumungad kay Aljhon ang mga kaibigan niya mula noong siya ay binata pa. At kasama ng mga ito maging ang kanilang mga pamilya. Kaya ng makalapit si Aljhon sa mga ito ay agad siyang na nakipag kamay sa mga ito.

"Anong mayron mga bro at mukhang kumpleto tayong lahat dito?" Nakangiting tanong ni Aljhon sa mga ito.

"Yan din ang tanong ko bro, kung ano bang mayron at bigla na lang kaming pinilit ng triplets na pumunta dito ni Kate." Aniya naman ni Xander.

"Maybe, isa itong friends reunion." Sabat naman ni Sean na ipinagkibit balikat nilang lahat.

Maya't maya ay bigla nilang nakita si Aslea Dennisse na pumunta sa gitna ng stage na naroon habang hawak-hawak nito ang microphone. Natuon naman ang lahat ng tingin nila dito kung saan siya nakatayo.

"Mm-hmm! I know all of you here are asking why you here today. Um. Kaya po namin kayo pinapunta dito ay dahil gusto namin kayong maging bahagi sa pagbubukas ng lugar na ito ngayon," ani Aslea Dennisse. Ang mga kaibigan naman niya ay dahan-dahan nilang binuksan ang natatabingan ng puting kurtina. Ng tuluyang mabuksan ito ay ang bawat isa ay agad nilang binasa ang nakasulat na "WELCOME to Ambers Resto BAR."

"Dad, you remember when I told you that I need money?" Ani Aslea Dennisse sa ama. "Ginamit ko po ang perang yun para dito. Pinag isipan po naming magkakaibigan kung paano namin maitatayo ito. Ginawa po namin ito not only for us but for all you, as our parents. Hindi naman po lingid sa kaalaman naming lahat kung ano ang sinimulan niyong samahan dati at nagkawatak-watak lang kayong lahat ng maging busy na kayong lahat in your own life, family and business," saad nito sa kanila.

"Itong lugar ay mismong mga anak ng AMBERS CLAN and QUADRO-X ang nagdesign at nag-invented. Ginawa namin ito para ipagpatuloy ang samahan niyo noong kabataan niyo pa, hindi ko po sinasabing matanda na kayo ha! Kasi po mga gwapo parin ang mga Daddy namin at magaganda parin ang mga Mommy namin. Kung baga po wala parin kayong mga kupas." Ani Aslea Dennisse na kinatawa nilang lahat sabay iling.

"That's all. And once again, welcome to Ambers Resto Bar." Ang huling ani Aslea Dennisse bago siya umalis sa stage.

"I think your daughter is following your step, bro." Ani Darren sa kanilang magkaibigan.

"Yeah! That's true, napansin ko ngang kuhang kuha ng bunso mo ang ugali mo noon." Ang natatawang saad naman ni Marco.

Habang nag-uusap ang mga magulang nila ay biglang naagaw ang atensyon nila ng biglang nagkaroon ng tugtug. Kaya ang bawat isa ay napalingon sa pinagmumulan ng tugtug. At doon ay nakita nila ang anak ni Xander na si Alexander habang kinakalabit nito ang guitara. Ang kasama nito ay ang anak ni JM na si Jhamaicah at may hawak na microphone.

_Time
I've been passing time watching trains go by
All of my life
Lying on the sand, watching seabirds fly
Wishing there would be
Someone waiting home for me
Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you
All of my life

Habang kumakanta sina X at Jham ay agad nakita ni Aslea Dennisse na pasimpleng lumapit ang pinsan niyang si Austin sa kaibigan niyang si Hyacinth. Kaya lihim siyang napangiti ng hawakan ng pinsan niya ang kamay ng kaibigan niya.

Maya't maya ay agad ipinulupot ni Austin ang dalawang kamay nito sa baywang ni Hyacinth. Kitang-kita naman nilang magkakaibigan ang pagkabigla nito dahil sa ginawa ni Austin.

"A-austin. What are you doing?" Mahina nitong tanong kay Austin. Si Kathryn at Sam naman ay agad na nagsikuan na siyang kinailing ni Sheryn Lleu.

"Nothing. I just want to hug you. Please pagbigyan muna ako kahit ngayon lang." Sumamo nito sa dalaga. Tila nakaramdam naman ng awa dito si Cynth. Dahil hindi na rin ito nagprotesta pa, hindi rin naman sila makikita ng parents nilang nasa ganun sila. Dahil may kadiliman ang kinatatayuan nilang magkakaibigan.

_Looking back as lovers go walking past
All of my life
Wondering how they met and what makes it last
If I found the place
Would I recognise the face
Something's telling me it might be you
Yeah it's telling me it might be you

Lumipas ang minuto habang nakatuon parin ang lahat ng mga mata nila sa stage kung saan kumakanta si X at Jham ay panay naman ang tingin ni Aslea Dennisse sa tawagang hawak-hawak. Agad naman itong kinalabit ng pinsan niyang si Jeanne.

"Hinihintay mong tawagan ka niya or nagbabakasakali kang magmessage siya?" Saad nitong kinakunot ng noo ni Aslea Dennisse. "Kung ako sa'yo ay lumabas ako dito at puntahan ko ang aking Prince Charming na naghihintay sa labas." Dagdag pa ng pinsan nito.

"Wag mo nga ako pinagluluko dyan, kundi makakatikim ka sa'kin ng sapak." Anito sa pinsan.

"Ayaw mo maniwala, di bahala ka." Ani Jeanne sabay talikod nito sa kanya. "I'm serious, I saw him. Kaya puntahan muna." Seryuso nitong aniya ng muling lumingon sa kanya.

_So many quiet walks to take
So many dreams to wake
And we've so much love to make
Oh, I think we've gonna need some time
Maybe all we need is time

"Tingnan niyo si kuya X at ate Jham," hagikgik ni Arabelle. "Bagay sila diba?" Dagdag pa nito.

"Shhhh! Wag kang maingay bunso." Saway sa kanya ni Kathryn. "Opssss! Sorry naman ate Kath." Sabay peace sign nitong nakangiti.

_And it's telling me it might be you
All of my life

Napapangiti ang lahat habang pinapanood nila ang dalawang umaawit. Ngunit si Aslea Dennisse ay tila nawala ang atensyon niya dito. Kaya habang pinapaikot-ikot niya ang tawagan sa ibabaw ng mesa ay bigla itong magvibrate. Dali-dali niya naman itong binuksan.

Yugene,
Can I see you?

Aslea Dennisse,
Sure! Where?

Yugene,
Lumabas ka ng Ambers Resto Bar at hihintayin kita dito.

Pagkabasa niya sa message ni Yugene ay pasimple siyang tumayo at lumabas.

_I've been saving love songs and lullabies
And there're so much more
No one's ever heard before
Something's telling me it might be you
Yeah, it's telling me it must be you
And I'm feeling it'll just be you
All of my life

Pagkalabas ni Aslea Dennisse  ay agad nitong natanaw ang bulto ni Yugene habang nakasandal ito sa kanyang kotse. Kaya mabilis niya itong nilapitan.

"Hey! Kanina ka pa ba dito? Bakit dika tumuloy sa loob?" Sunod-sunod nitong tanong sa binata. Ngunit sa halip na sagotin ng binata ang tanong ni Aslea Dennisse ay pinagbuksan siya nito agad ng pinto nang sasakyan.

Di man alam ni Aslea Dennisse ang iniisip ng binata pero pumasok parin ito sa loob ng kotse ni Yugene. Ng makasakay ang dalaga sa loob ay agad naman gumawi sa drivers seat si Yugene.

Pagkaupo ni Yugene sa driver seat ay akala ni Aslea Dennisse ay aalis sila ng binata. Ngunit nagkamali atah siya dahil agad na inabot ng binata ang kamay niya at hinalikan ito sa halip na start ang sasakyan.

"I miss you. Hihiramin lang kita ng ilang minuto sa kanila." Ani Yugene na titig na titig sa mukha ng dalaga.

Agad namang nag-iwas ng tingin ang dalaga. Hindi nito kasi matagalan ang bawat titig ng binata sa kanya.

"M-may dumi ba ako sa mukha?" Tanong nito sa binata para ilayo ang atensyon nito sa kanya.

"Nothing." Mabilis nitong sagot. "Um. K-kung ganun but ganyan ka makatingin?" Kagat labi nitong tanong sa binata.

"Hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili kung hindi ka titigan. Ang ganda mo kasi at hindi nakakasawang tingnan ang mukha mo." Nakangiti nitong aniya sa dalaga sabay gagap ng kamay nito. Bigla naman namula ang mukha ng dalaga sa tinuran nito.

"Bawat minuto, oras at araw na hindi kita nakikita Miss Aslea Dennisse Vergara ay pakiramdam ko ay hindi buo ang araw ko." Saad pa nito sa dalaga.

"Humuhugot ka atah! Mr. Belmonte." Ani Aslea Dennisse. "Don't bite your lips, kundi hahalikan kita dito." Agad naman napaupo ng tuwid si Aslea Dennisse.

NATAPUS naman ang pagbubukas ng Ambers Resto Bar ng maayos. Naging masaya ang lahat dahil parang reunion narin ng magkakaibigan ang nangyari.

"Kailan mo pa naisipan ang Ambers Resto Bar, anak?" Tanong ni Weng kay Aslea Dennisse ng makauwi silang lahat.

"That time na naikwento ni Daddy ang tungkol sa AMBERS CLAN at QUADRO-X, Mom." Sagot naman nito sa ina.

"Kumusta naman kayo ni Belmonte?" Maya ay tanong ni Axel sa kapatid pagkatalikod ng kanilang ina na kinapula ng mukha ni Aslea Dennisse.

"Sinong Belmonte, Princess?" Tanong naman ng nakakunot ang noong si Aljhon sa bunsong anak.

"Eehhh! Daddy, friend ko lang po yun." Nahihiya nitong sagot sa tanong ng ama. Agad naman itong inakbayan ni Alex. "Talaga lang bunso ha! Dahil kung hindi uupakan ko talaga yun." Seryuso namang ani Alex.

"Yeah! Pero, bakit namumula yang mukha niya?" Aniya naman Axel. " Ayan oh! Nagkulay kamatis na ang mukha niya." Sabay sundot pa nito sa tagiliran niya.

"Momyyy!"

Tili ni Aslea Dennisse. Kaya napasugod ang ginang mula kusina kung saan ang mag-aama niya. "Anak bakit?" Tanong nito sa bunsong anak.

"Mommy, ginigisa po kasi nila ako dito." Sumbong ni Aslea Dennisse sa ina. "Mommy, hindi ako." Agad na ani Alex ngunit ang kamay ay itinuturo ang ama.

"Mas lalong hindi ako." Sigunda naman ni Axel na gaya ni Alex ay ang ama rin ang itinuturo. "Si Daddy." Turo ni Aslea Dennisse sa ama sabay yakap niya dito.

"Ang daya niyo naman." Ani Aljhon sa mga anak na kinatawa nilang mag-anak.

KINABUKASAN habang nakadapa si Aslea Dennisse sa kanyang kama at nakakababad siya sa FACEBOOK ay biglang tumunog ang tawagan niya. Dali-dali naman niya itong tingnan. At napangiti agad siya ng makitang si Yugene ang nagmessage sa kanya.

Yugene,
Hi. Busy ka ba ngayong araw?

Aslea Dennisse,
Uh! hindi naman. Bakit?

Yugene,
Gusto kasi sana kitang ayaing lumabas.

Aslea Dennisse,
Mm-hmm! Okay! What time?

Agad namang napangiti si Yugene ng mabasa niya ang reply ni Aslea Dennisse sa kanya. Kaya agad nitong sinabi kung anong oras sila magkikita. Para sa binata kung pwede lang na hindi na mawala sa kanyang paningin ang dalaga ay ginawa na niya. Kaya napapailing na lang ito sa isiping isang Aslea Dennisse Vergara lang halos di siya makatulog sa kakaisip dito.

Habang nakahiga si Aslea Dennisse  sa kanyang kama at hawak-hawak parin ang tawagan ay biglang tumunog ito. Dali-dali niya itong tiningnan sa pag-aakalang si Yugene ulit. Ngunit ng tingnan niya ay ang kaibigan pala niyang si Samantha ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.

"Hello! May lakad ka ba ngayong araw?" Tanong agad sa kanya ni Samantha matapus niya itong sagutin. "Bakit?" Taka niyang tanong dito.

"Wala lang, gusto ka lang namin ayain." Ani Samantha. "Saan?" tanong nito.

"Sa hacienda ng lolo nila kuya Alexander. At ang buong barkada ay pupunta." Saad sa kanya ng kaibigan.

"Kailan ba yan?" Muli nitong tanong dito na agad naupo mula sa pagkakahiga sa kanyang kama. "Ngayong araw." Ani Samantha sa kanya na kinasimangot niya.

"Hoy! I know may lakad kayo ni Yugene, isama mo na lang siya para may taga maniho ka." Nakagikhik na ani Samantha.

"Maka hoy ka wagas. Tsk! ayaw ko nga baka boatlagin niyo lang at paakyatin sa puno ng saging." Ani Aslea Dennisse sa kausap na kinahagalpak naman ni Samantha ng tawa. "Hoy! Tumigil ka sa pagtawa at baka mautot ka." Nakangisi nitong aniya sa kaibigan.

"Your funny girl," natatawa paring ani Samantha. "Basta kita kits na lang tayo dun girl kung ayaw mong ulanin ng tukso ng barkada." Anang kaibigan nito sabay patay ng tawagan.

Napailing nalang si Aslea Dennisse  sa inasal ng kaibigan niya. "Loka-loka talaga ang bruhang yon." Iiling-iling nitong aniya sa sarili.

TBC.

Continue Reading

You'll Also Like

25.5M 908K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
580K 21.6K 43
Siya na ang pinaka mabait na anak kapag kaharap niya ang mommy at daddy niya. Ngunit kung nakatalikod na ang magulang ay siya naman ang hari ng kapil...
401K 13K 23
CHASE Sylvan BELMONTE-Namulat sa maling paniniwala. Kinamuhiaan niya ang pamilyang siya pala niyang totoong pamilya. Ang mali niyang paniniwala ay ma...
6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...