Euclid Shellingford (Volume 2)

By EuclidAngel

202K 5.9K 843

Euclid Shellingford is back with his partner Nickan Sheedo. Dark Chaos is now out of the picture but it doesn... More

PROLOGUE:
CHAPTER 2: The X-Neck Serial Murder Case
CHAPTER 3: The Last Victim
CHAPTER 4: The Murder Case of a Science Professor
CHAPTER 5: The Dying Message
CHAPTER 6: The Culprit
CHAPTER 7: Shadow Society
CHAPTER 8: When Euclid becomes a daddy
CHAPTER 9: It's a trap
CHAPTER 10: Bloody Introduction
COMMERCIAL
CHAPTER 11: The Disappearance of Nickan Sheedo
CHAPTER 12: Nhie and Dhie
CHAPTER 13: The Body that has Remained Unnoticed (Part 1)
CHAPTER 13.1: The Body that has Remained Unnoticed (Part 2)
CHAPTER 13.2: The Body that has remained Unnoticed (Part 3)
CHAPTER 13.3: The Body that has Remained Unnoticed (Part 4)
CHAPTER 14: The Mystery of the Falling Body (Part 1)
CHAPTER 14.1: The Mystery of the Falling Body (Part 2)
CHAPTER 15: Invitation
CHAPTER 16: K&D Murder Mystery Case: Showdown of the Two Detectives (Part 1)
CHAPTER 16.1: K&D Murder Mystery Case: Showdown of the Two Detectives (Part 2)
CHAPTER 17: Sleep-over
CHAPTER 18: Black Recruit
CHAPTER 19: The Case of the Ruptured Body (Part 1)
CHAPTER 19.1: The Case of the Ruptured Body (Part 2)
CHAPTER 19.2: The Case of the Ruptured Body (Part 3)
CHAPTER 20: Unexpected Visitors
CHAPTER 21: The Shadows that Governed the Youkai Mansion (First Encounter)
CHAPTER 21.1: The Shadows that Governed the Youkai Mansion (Solution)
CHAPTER 22: The Case of the Suspicious Claws (Part 1)
CHAPTER 22.1: The Case of the Suspicious Claws (Part 2)
CHAPTER 22.2: The Case of the Suspicious Claws (Part 3)
CHAPTER 22.3: The Case of the Suspicious Claws (Part 4)
CHAPTER 23: The Serial Case in the 3rd District (Part 1)
CHAPTER 23.1: The Serial Case in the 3rd District (Part 2)
CHAPTER 24: Separated Lives
CHAPTER 25: The Hypnotist's Case
CHAPTER 26: The Case of Mistaken Identity (Part 1)
CHAPTER 26.1: The Case of Mistaken Identity (Part 2)
CHAPTER 26.2: The Case of Mistaken Identity (Part 3)
CHAPTER 27: Akesha's Stalker
CHAPTER 28: It Started with a Riddle (Part 1)
CHAPTER 28.1: It Started with a Riddle (Part 2)
CHAPTER 28.2: It Started with a Riddle (Part 3)
CHAPTER 28.3: It Started with a Riddle (Solution)
CHAPTER 29: And then there were None
CHAPTER 30: Kir and Ten Little Indians
CHAPTER 31: 8th, 7th and 6th Little Indian
CHAPTER 32: Shot and Strangled
CHAPTER 33: Last Two Victims
CHAPTER 34: A Message from Kir
CHAPTER 35: The Coinciding Cases at Elite's Academy (Part 1)
CHAPTER 35.1: The Coinciding Cases at Elite's Academy (Part 2)
CHAPTER 35.2: The Coinciding Cases at Elite's Academy (Part 3)
CHAPTER 35.3: The Coinciding Cases at Elite's Academy (Part 4)
CHAPTER 36: Returnees
CHAPTER 37: The Case of J (Part 1)
CHAPTER 37.1: The Case of J (Part 2)
CHAPTER 37.2: The Case of J (Part 3)
CHAPTER 38: The Case of the Girl in Black (Part 1)
CHAPTER 38.1: The Case of the Girl in Black (Part 2)
CHAPTER 38.2: The Case of the Girl in Black (Part 3)
CHAPTER 39: It Started with a Spark
CHAPTER 40: The Mummy Found in the Coffin
CHAPTER 41: The Case of the Peculiar Patient (Part 1)

CHAPTER 1: Hijacked

8.9K 228 19
By EuclidAngel

Matapos pumila ng halos 20 minutes sa bus terminal, dumating na rin ang bus na magdadala sa'min papuntang Manila. Tiningnan ko ang kasama ko na kasalukuyang naglalaro ng Piano tiles sa cellphone niya habang nasa harapan ko at nakapila.

"Oi tigilan mo muna yan, papasakay na tayo ng bus!" bulong ko sa kanya. Alam ko namang kahit nakaearphone ito, dinig niya ang boses ko.

"Okay!" tinanggal niya ang suot na earphone at pagkatapos ay umakyat na ng bus. Tahimik lang akong sumunod sa kanya at tumabi sa inupuan nitong pandalawahang upuan.

"Yihhh excited na ko!" nakangiting sabi niya sa'kin.

"Tss... umiral na naman pagkachildish mo," kinuha ko yung earphone sa bulsa ko at sinaksak sa cellphone ko. Sa tantya ko, aabutin kami ng mga isang oras at kalahati sa byahe.

"Eh ngayon lang ulit ako nakasakay ng bus ei!" tuwang-tuwa pa nitong sabi.

"Pwede naman kasing ipagdrive na lang kita ng kotse ayaw mo pa," sagot ko sa kanya.

"Mabilis tayo makakarating pag nagkotse tayo noh!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Eh di maganda?" sabi ko sa kanya. Nagpout ito at saka tumingin sa may bintana.

"Namiss lang naman kita ei," mahina nitong sabi na nadinig ko naman. Napangiti ako. Nilagay ko sa tenga ko yung earphone at saka pumikit. Naramdaman kong tumingin siya sa'kin. Naiimagine kong pinaniningkitan niya ko ng mata. Gusto kong tumawa kaso pinigilan ko ang sarili ko. Tinaas ko ang kanang kamay ko.

"Hmm?" rinig kong reaksyon niya.

"Naghihintay yung kamay ko ohh," sabi ko sa kanya. Maya-maya hinawakan niya na yung kamay ko kaya binaba ko na ito.

"Pfft—"

Dinilat ko yung isang mata ko at tiningnan siya. Tinitingnan nito yung kamay naming magkahawak.

"Euclid...." Nakangiti siyang tumingin sa'kin. Pumikit ulit ako. "Hihi ang cute mo," rinig kong sabi niya.

"Tss... kaya ka nga nainlove sa'kin ei," nangingiti kong sabi sa kanya.

"Ehem, ticket niyo ohh," napadilat ako nang magsalita ang konduktor sa tabi namin. Halata namang nagpipigil sa tawa si Nickan. "Ayy manong dalawang ticket po pa-Buendia, estudyante!" sabi dito ni Nickan. Maya-maya binigay na ng konduktor ang dalawang ticket. Tiningnan ko kung magkano at pagkatapos, kumuha ako sa wallet ko at nagbayad na sa kanya.

"Basag-trip si manong noh Euclid? Hahaha," natatawang sabi ni Nickan pakalayo-layo ng konduktor. Sinuot ko yung hood ko at pagkatapos ay pumikit. Jeez nakakahiya yun ah!

Makakatulog na sana ko kung di lang biglang huminto ang bus na sinasakyan namin. Napatingin ako kay Nickan na mukhang bigla ring nagising dahil sa biglaang paghinto nito. Tumingin ako sa labas.

Nasa expressway kami ahh... bakit tumigil yung bus?

Nasagot ang tanong ko nang biglang may pumasok na tatlong lalaking nakaitim at nakabonnet. Nilapitan nung isa yung driver at mukhang tinutukan ng baril. May binulong ito dito at pagkatapos ay dahan-dahan nang umandar ang bus.

"Euclid..." mahinang sabi ni Nickan na napakapit sa braso ko. Mukhang yung mga nasa harap lang ang nakapansin nito. Nasa gawing likod kasi kami ng bus kaya hindi masyadong pansin ng mga nasa likod kung anong nangyayari sa harap hangga't hindi mo talaga titingnan. Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinext si uncle.

"Makinig kayo! Nasa ilalim na ng kontrol namin ang bus na 'to! Ikaw, kunin mo mga cellphones nila! Barilin mo kapag umalma!" utos niya sa isa pa nitong kasamahan. Nagpanic ang mga tao. "Tumahimik kayo! Kundi magsisimula na kong bawasan kayo!" malakas nitong sabi at tinutok sa direkson ng mga tao ang dalawang baril na hawak nito. Mukhang siya ang leader sa tatlo. Tumingin ako sa relo ko. May apatnapu't limang minuto na simula nang magsimula ang byahe namin. Kung ganun, mga 10 minutes pa bago makalabas ng expressway. Mahihirapan silang tumakas kapag nakarating na sa may Alabang ang bus dahil marami na ditong mga commuters na posibleng mamukhaan sila. Kung ganun, plano nilang tumakas bago makalabas ng expressway. Pero yun ay kung ang dahilan lang nila sa paghijack nito ay para kunin ang mga pera at cellphones namin.

"Kayo, cellphone niyo?" tanong samin nung inutusang lalaki. Tahimik lang naming inabot ni Nickan ang cellphones namin. Nang matapos kunin ng lalaki ang cellphones ng lahat ng pasahero, nilagay niya lang sa may isang sulok ang bag na pinaglagyan nito. Mukhang may tinatawagan ang leader nila.

"Hello inspector! Namiss mo ba ko?" bati niya sa kabilang linya. Nawala ang ngiti sa mga labi nito.

"Papaano mo—" binaba agad nito ang tawag at galit na galit na sumigaw.

"Ha!! Sino sa inyo ang nagsumbong sa pulis?" sigaw nito. "Ang lakas ng loob niyong suwayin ako?" kinasa niya yung isang hawak niyang baril. "Walang aamin? Gusto mo munang magbawas ako ng pasahero ahh.."

Tatayo na sana ko pero kinapitan ako ni Nickan ng mahigpit. Tiningnan ko siya habang may pilit na kinukuha sa bag na dala.

"Here!" nanlaki ang mata ko sa pinakita niya. Nagpeace sign lang siya sa'kin.

"Aba't wala talagang gustong umamin?" sigaw ulit ng lalaki.

"AKO!" sigaw ko pagkatapos tumayo. Napatingin sa'kin ang leader nila.

"Ikaw pala ahh... matapang kang bata ka ah! Gusto mo na agad mamatay? Pagbibigyan kita!" dahan-dahan itong naglakad palapit sa'min. Hindi pa man ito nakakalapit sa'kin ay napaluhod na ito. Palihim kong tiningnan ang katabi ko.

Gotcha!

Nabasa kong sabi ng labi niya habang hawak pa sa kaliwang kamay ang tranquil gun. Bumagsak sa sahig ang lalaki.

"Boss! Anong nangyari?" nilapitan agad ito nung lalaking nagsamsam ng mga cellphones. Nakita kong may tumalapid na paa dito kaya nadapa ito at nabitawan ang baril na hawak. Sinipa ko yung baril palayo dito at pagkatapos, binaril ko ng tranquil gun yung lalaking babaril sana sa'kin katabi ng driver. Nang makabawi ang lalaki sa pagkakadapa, tumayo ito at sinugod ako. Sinuntok niya ko at nabitawan ko yung hawak kong tranquil gun. Mahirap din ang posisyon ng lalaki kaya alam kong hindi siya mababaril ni Nickan. Iniwasan ko yung sunod niyang suntok at pagkatapos, sinipa ko siya. Nang makitang wala ng hawak na baril ang lalaki, tinulungan ako nung mga lalaki sa likod para patumbahin yung lalaki. Makalipas ang ilang minuto, tulog na ang tatlo.

"Mabuti naman at agad mong naitext sa amin ang nangyayari dito Euclid," sabi sa'kin ni uncle Dy kasama ang inspector na tinawagan nung leader kanina. May mga pulis na palang nakaabang sa may checkpoint kaya mabilis naming nasurrender sa kanila ang mga suspek.

"Mga takas ang mga ito at sa tingin ko, plano nilang kunin pa ang natitira nilang myembro na hindi nakasama sa pagtakas. Yun siguro ang hihingin sana nilang kapalit sa paghijack ng bus," sabi ng inspector.

"Ahh ganun po pala..." napatangu-tango na lang ako habang tinitingnan ang ibang officers na kumukuha ng mga pangalan ng mga nasa bus.

"Pero ang husay mo hijo, papaano mo napatulog ang tatlong 'to?" tanong ni inspector.

"Ahh gamit po yung tranquil gun, may silencer effect po kasi siya at ang nirerelease nitong bala ay isang capsule na tumatagos sa katawan ng tao para patulugin siya. Invention po ni Dr. Pascal, isa sa mga mentor ko po sa M.I." Yan sana yung gusto kong sabihin kaso naisip kong mas makakabuti na hindi nila alam ang tungkol sa amin. "Sinwerte lang po inspector," magalang kong sagot sa kanya. Matapos ang ilang paliwanagan, nagpahatid na kami ni uncle sa NAIA. Nawala na sa isip kong alamin kung sino yung matapang na nagtalapid sa paa nung isa sa mga hijacker.

"My princess!!!" sigaw agad nung matandang lalaking patakbong lumapit sa'min, walang iba kundi ang daddy ni Nickan.

"Dad! How's L.A? Yieee! Namiss kita!" tuwang-tuwa nitong sinalubong ang ama. Maya-maya pa, bumitaw na sila at napansin na ako ng daddy ni Nickan na nakatingin sa kanila.

"Bakit kasama mo ang lalaking yan Nickan?" seryosong tanong ng daddy nito.

"Ahm kasi dad, b-boyfriend ko na po si Euclid! Euclid, daddy ko!" nahihiyang sagot nito.

"Hello sir, Euclid Shellingford po!" kinamayan ko siya kahit ang sama pa rin ng tingin niya sa'kin.

"You're son of Aristotle right?" tanong niya sa'kin.

"Yes sir," magalang kong sagot sa kanya. Napatangu-tango na lang ito.

"Wag mong isiping boto na ko sa'yo dahil lang anak ka ni Aris ah? Hindi ko pa rin nalilimutang muntik nang malagay sa alanganin ang buhay ng anak ko noong ikaw ang kasama niya! Kapag may nangyaring masama sa anak ko, malalagot ka sa'kin, naiinitindihan mo?" napalunok ako sa sinabi nito. I guess father will always be father, protective as always to their only daughter.

"Ako pong bahala kay Nickan. I'll always take care of her sir," sagot ko sa kanya. Napahawak naman sa braso ko si Nickan.

"Good! Let's go!" napahinga kami ng maluwag nang tumalikod na ito at naunang maglakad papunta sa sasakyan.

*ring ring*

"Wait Nickan!" huminto muna kami sa paglakad at sinagot ang tawag.

"Hello uncle?"

"Euclid, we need you here!"

"What case is it?" tanong ko. Nakarinig ako ng pagkawala ng malalim na hininga sa kabilang linya.

"A serial murder case," seryoso nitong sagot.

"What?"

"There will be a meeting here in an hour, mas mabuti kung aattend ka para mas madaling iexplain,"

"Sige po uncle! Pupunta na ko diyan!" sagot ko at pagkatapos ay binaba na ang tawag. Tiningnan ko si Nickan na nagtatakang nakatingin sa'kin.

"There's a serial murder case Nickan. Uncle Dy needs me there," sabi ko sa kanya.

"Should I help?"

"Nah. Kababalik lang ng daddy mo, mabuti pa asikasuhin mo muna siya. Ako nang bahala sa kaso, I'll call you later okay?"

"Ahh o-okay..," binitiwan niya na yung braso ko at hinawakan yung kamay ko. "Mag-iingat ka ah?" tinanguan ko siya.

"Mag-ingat din kayo sa byahe!" niyakap ko muna siya at pagkatapos ay nagpaalam na. Tumakbo ako papunta sa sakayan at pumara ng taxi papuntang station.

*** To be continued...

A/N:
Picture of Euclid -> media

ES:TROTGD
Vote.Comment.BeAFan
EuclidAngel

Continue Reading

You'll Also Like

Haunted By Ely

Mystery / Thriller

367K 14.6K 41
Zeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darati...
25.8M 641K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
17.5M 655K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...