MILK / seventeen

By saltypastry

219K 9.7K 5.8K

In which Park Soonbyul applied as Seventeen's personal assistant to get closer to Vernon, only to find out th... More

000
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
Epilogue
Postscript
♥♥♥
♡♡♡

033

2.9K 119 114
By saltypastry

' Bat ko papakasalan yun eh hindi naman ikaw yun ? '

--

Milk's POV

Masyado akong na-carried away sa mga pangyayari kaya ngayon ko lang na-realize na hindi ko pa nasasabi sa SquadBalls na totoo na yung relationship namin ni Joshua.

Paniguradong aasarin nila ako !

Diba palagi nilang sinasabi na sa ganito din hahantong yung fake relationship namin ni tahong ?

Tapos ayaw ko pang maniwala kasi hindi naman ganun ka-cliché ang buhay.

Pumasok ako sa dorm nila at nakita ko silang tatlo na nakaupo sa sala habang nanonood ng Spongebob. Juice ko.

' Mga bading '- pagtawag ko sa kanila.

Agad naman silang napalingon sakin.

See ? Alam nilang sila yon.

' A-Ano, may sasabihin ako sa inyo '- sabi ko.

' BUNTIS KA ?! '

I can feel myself facepalming internally.

' Hinde ! Anoㅡ '

' MAY STAGE 4 CANCER KA ?! '

Juics colored.

' Makinig kase kayㅡ '

' TOMBOY KA ?! '

Bwiset ayoko na nga.

Tumayo ako at naglakad palayo.

Hindi ba nila kayang magseryoso kahit sandali lang ?

' Uy Noona joke lang ! '- sabay-sabay na sabi nila tapos hinila nila ako pabalik.

Sinamaan ko lang sila ng tingin.

' Seryoso na Noona. Anong sasabihin mo ? '- tanong ni Hoshi.

Iirapan ko sana sila kaso napangiti ako bigla.

Ganito ba kapag inlove ?

Bigla ka nalang mapapangiti ng walang dahilan ?

Or baka nababaliw na ako ?

' Naks naman Noona ! Yung mga ganyang ngiti may ibig sabihin yan eh ! '- sabi ni Seungkwan.

' Inlove ka no ? Ayieeee '- sabi ni DK.

Napakamot nalang ako ng ulo. Medyo nakakahiya pala to.

' A-Ano kase .. kami na talaga '- nakayukong sabi ko.

Natimik sila kaya napatingin ako sa kanila.

' Kayo na talaga ? '- tanong ni Hoshi kaya napatango ako.

' NI JOSHUA HYUNG ?! '

Hindi naman sila OA nyan ?

Tumango ulit ako.

' OHMYGAWD ! '- sabi nila tapos bigla nila akong niyakap.

Okay ? Nabading na ba sila ng tuluyan ?

' Sabi na nga ba eh ! Dyan din ang hantong nyang fake relationship nyo ! '- sabi ni Seungkwan.

' Alam mo kase Noona, ganito yan .. '- sabi ni DK kaya napatingin ako sa kanya.

' Umpisa palang ng pagiging PA mo, nahalata na naming may gusto sayo si Joshua hyung. Kahit na alam naming gusto mo si Vernon, mas boto kami kay Joshua hyung kaya pinlano namin to. Kunwari tinutulungan ka namin kay Vernon pero ang totoo, pinaglalapit namin kayo ni Joshua hyung '- sabi ni Seungkwan.

H-Ha ?

' Papansin ka eh no ? Ako dapat ang magke-kwento eh '- sabi ni DK sabay batok kay Seungkwan.

Seryoso talaga sila ?

' Joke ba yan ? '- tanong ko.

' Seryoso kami Noona. Pero hindi namin kasabwat si Joshua hyung dito ah. Wala nga yung kaalam-alam eh. Kaming SquadBalls lang talaga ang nagplano nito. Si Seungkwan ang master mind '- sabi ni Hoshi.

Grabe.

' So hindi nyo ko suportado kay Vernon dati ? '- tanong ko.

Nagkatinginan silang tatlo.

' Hindi naman sa ganon Noona. Ang cute nyo lang kasi talaga ni Joshua hyung kapag nag-aaway. Bagay kayo. Tsaka kapag kasi si Vernon nakatuluyan mo parang ang bata nyo pa parehas. Eh si Joshua hyung gurang na so kayang-kaya kang alagaan nun '- sabi ni Seungkwan.

Maka-gurang to. Three years lang naman tanda sakin ni tahong ah ?

' Galit ka Noona ? '- tanong sakin ni DK.

' Hindi naman. Ano .. nagulat lang ako. Concerned pala kayo sakin '- sabi ko.

' Malamang concerned kami sayo Noona ! '- sabi ni Hoshi.

Napangiti ako. Ang swerte ko talaga sa kanila.

Hinila nila ako paupo sa lapag tapos pinilit nila akong manood ng Spongebob.

Naalala ko sila Mingyu dito sa palabas na to eh. SquadWard kase diba.

Habang nanonood kami, kung ano-ano lang pinagke-kwentuhan namin. Kanina yung topic namin bakit daw tinawag na hamburger yung hamburger eh wala namang ham yun tapos ngayon naman bakit kulay blue yung representation ng dugo sa mga commercial ng sanitary napkin.

Ang weird lang namin diba ?

Masaya pala yung ganito lang yung bonding namin ng SquadBalls. Hindi na kailangan lumabas at gumastos. Simple lang pero masaya.

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. Kailangan ko na palang magluto ng hapunan.

Iniwan ko na sila doon. Habang papunta ako ng kusina, narinig kong pinagtatalunan nila kung bakit daw tinawag na pocketbook yung pocketbook eh hindi naman daw kasya sa bulsa. Hays.

Nakita ko sa kusina si Dino na umiinom ng gatas sa may lababo.

Siguro dapat ko din sa kanyang sabihin na hindi na fake yung relationship namin ni Joshua no ?

' Dino may sasabihin ako sayo '- sabi ko sa kanya.

' Ano yun Noona ? '- tanong nya habang hinuhugasan yung baso.

Napangiti na naman ako bigla !

Ganun ba talaga yun ? Kapag ike-kwento mo yung boyfriend mo sa ibang tao, mapapangiti ka ?

' Ano kase .. wala na yung fake relationship namin ni Joshua '- sabi ko.

Mukhang nagulat sya.

' Hindi na kayo magkukunwari ? '- tanong nya.

Imagination ko lang ba or kuminang talaga yung mata ni Dino habang nagtatanong sya ?

' Hindi na kami magkukunwari. Kasi totoo na '- sabi ko sabay ngiti.

Kung kanina parang ang saya-saya nya, biglang nagbago yung expression nya.

Parang na-disappoint ?

' T-Totoo na ? '- tanong nya kaya tumango ako.

Napaiwas sya ng tingin tapos napayuko sya. Eh ?

' Uy Dino. Ayos ka lang ? '- tanong ko.

' Ayos lang ako Noona. Punta lang ako sa sala '- sabi nya sabay alis.

Weird.

Nagkibit balikat nalang ako tapos sinimulan ko nang magluto.

--

Third Person's POV

Naglalakad si Joshua papunta sa kusina kaso napatigil sya sa harap ng kwarto ni Seungcheol nang may marinig syang nag-uusap dun.

' Dino lalakasan ko na talaga ang loob ko. Sinabi ko nang magtatapat ako next next week kaya wala nang urungan to '

' Boses ni Vernon yun ah ? Kanino sya magtatapat ? '- isip-isip ni Joshua.

Dahil may dugo syang chismoso, lumapit pa sya sa pinto para marinig ng maayos ang pinaguusapan nila.

' Hyung sa tingin ko hindi maganda ideya yan '

' Dino, matagal ko na tong pinaghahandaan. Kung dati pakiramdam ko mali to kasi sila ni Joshua hyung, ngayon medyo nagkaroon na ako ng lakas ng loob '

Napayuko si Joshua pero patuloy padin syang nakinig sa usapan ni Dino at Vernon.

' Pero kasi hyung iba na yung sitwasyon ngayoㅡ '

' Basta. Magtatapat na ako sa kanya kapag nakahanap ako ng tiyempo. Akala ko ba suportado mo ko ? '

Narinig ni Joshua na bumuntong hininga si Dino.

' Oo hyung. Suportado kita '

Umalis na si Joshua dun at dumeretso sa kusina.

Magkahalong kaba at inis ang nararamdaman nya.

Kaba dahil baka may nararamdaman padin si Milk kay Vernon.

Inis dahil syempre, sino bang hindi maiinis kung may magko-confess sa girlfriend mo ?

' Nakabusangot ka ? '- tanong sa kanya ni Milk nang makarating na sya sa kusina.

Umiling sya at niyakap si Milk palikod. Pinatong nya yung baba nya sa balikat ni Milk.

' Ano na namang kadramahan yan tahong ? '- tanong sa kanya ni Milk.

Napangiti si Joshua at hinalikan si Milk sa pisngi.

' Paano kung may mag-confess sayo na gusto ko nya kaso may boyfriend ka na ? '- tanong ni Joshua kay Milk.

Natigilan si Milk sa tinanong ni Joshua. Ganun din kasi yung tinanong ni Vernon sa kanya, diba ?

' Sasabihin ko sa kanyang mag-move on nalang sya kasi masasaktan lang din naman sya. Ano bang meron sa tanong na yan ? Tinanong din sakin yan ni Vernon eh '- sabi ni Milk.

Umiling lang si Joshua.

' Uso kasi sa Twitter '- sagot nya.

' Sus. Twitter na naman '- sabi ni Milk.

Natawa si Joshua tapos ginulo yung buhok ni Milk.

' Selos ka sa mga fans ? '- tanong nya.

' Hindi ah ! '- defensive na sabi ni Milk.

Tumingin si Joshua sa cellphone nya nang maramdaman nyang mag-vibrate yun.

' May nag-tweet oh. Pakasalan ko na daw sya '- natatawang sabi ni Joshua.

' Edi pakasalan mo '- sabi ni Milk habang tinatapos na yung niluluto nya.

' Bat ko papakasalan yun eh hindi naman ikaw yun ? '- sabi ni Joshua.

Inirapan lang sya ni Milk pero napangiti din ito.

' Yieee kinilig sya '

' Oo na. Tulungan mo nga ko dito. Puro ka kalandian eh '- sabi ni Milk.

Nang maihanda na nila yung hapunan, tinawag na ni Milk yung ibang members.

Habang kumakain, tahimik lang yung ibang members habang pinagmamasdan si Milk at Joshua na naglalandian.

Napansin ni Milk na nakatitig sila kaya napatingin sya sa kanila.

' Ayos lang kayo ? '- tanong nya.

' Nakakapanibago lang kayo Noona '- sabi ni Jun.

' Paanong nakakapanibago ? '- tanong ni Joshua.

' Dati kasi parang pilit yung mga pinapakita nyo na sweetness samin '- sabi ni Wonwoo.

Nagkatinginan si Milk at Joshua tapos natawa sila parehas.

' Talaga ? '- tanong ni Milk.

' Pero ngayon Noona hindi na. Mas nakakatuwa kayong pagmasdan '- sabi ni Jeonghan.

Napangiti si Milk.

' Ako kaya kailan magkaka girlfriend ? '- tanong ni Seungkwan kaya napatingin silang lahat sa kanya.

' Nandyan naman si Vernon eh '- sabi ni Mingyu.

' Tigil-tigilan mo ko Mingyu ah. Jombagin kita dyan eh '- sabi ni Seungkwan.

Nababading na naman sila.

' Shini-ship kaya kayo ng fans '- sabi ni Milk kay Seungkwan at Vernon.

' Kadiri '- sabay na sabi ni Vernon at Seungkwan.

' Kadiri daw pero gustong-gusto naman '- sabi ni Seungcheol.

' Gustong-gusto mo nga din yung Jeongcheol eh '- sabi ni Seungkwan kay Seungcheol.

' Nadamay pa ko. Si Jun at Minghao nga eh ..'- sabi ni Jeonghan.

' Ano na naman ? '- sabay na sabi ni Jun at The8.

Asaran lang sila ng asaran habang kumakain. Turuan pa sila ng turuan eh pareparehas naman silang bading.

Continue Reading

You'll Also Like

228K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
192K 3.8K 48
(COMPLETED) Hera is a strong and independent lady who grew up in the US. Sa murang edad, natutunan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. But her l...
4.1K 407 47
This is the first installment of No Name Series. Pain. Grief. Anger. Frustration. Who wouldn't feel those if you found out that someone you love, som...
2.5K 355 33
Nathaniel never expected that he'd accidentally caught a creature he never thought would exist. Will it be Nathan's luck or his misfortune? *** Natha...