Indulgent Geoff (TTMT #3)

By FGirlWriter

4M 110K 10.1K

Geoffrey Lucas "Geoff" Martin was forced to marry Zoey. Ngunit pursigido naman si Zoey na ma-in love sa kany... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Fifteen

116K 3.4K 311
By FGirlWriter

CHAPTER FIFTEEN

NAPAUNGOL si Zoey nang makuha ni Geoff ang tamang spot kung saan stressed ang likod niya.

Nasa bahay niya sila. In her own room, specifically. Doon sila dumiretso pagkatapos ng exercise and workshop.

"You learned a lot from the workshop!" puri niya rito at saka siya napapikit. Ohhh! Ang sarap talaga ng masahe. Bawing-bawi ang pagod niya sa pagdadala ng mabigat na baby.

"Are you feeling better?" tanong nito habang patuloy ang pagmasahe sa likod niya.

Tuwid siyang umupo at sinapo ang tiyan niya. "I'm feeling fine. Thank you, Daddy! I just felt that our baby is very, very heavy na. Naglilikot pa sa loob ng tiyan minsan."

"Mana sa'yo. Malikot."

Napahagikgik siya at niyuko ang tiyan. "Gusto ko na pala ng baby girl, Geoff. Gusto ko ng girl version mo..."

"Oh?" Natapos na ito sa paghilot sa likod niya. Tumabi na ito sa kanya sa gilid ng kama.

"I want a boy. But if that would be a girl, I like a little Zoey running around me."

Napatingin siya rito. Kumislap ang mga mata ni Zoey. "You like a mini version of me? Am I not enough headache to you?"

Nakihaplos ito sa tiyan niya at doon nakatuon ang atensyon. "You're not a headache. Well, at least a different kind of ache on the other head."

Namula si Zoey nang ma-gets ang sinabi nito. Malandi siyang natawa at kunwaring hinampas ito sa braso.

"Enebe? Don't flirt like that! Tatlong buwan pa naman tayong 'di nagkita. Baka dambahin kita dito."

Nilayo nito ang tingin at napangisi. "I'm very willing."

Napatili si Zoey at kinurot ito. "Ang harot mo, Daddy! Pambawi mo ba iyan sa pangsna-snob mo sa'kin sa texts?"

Bahagya itong ngumuso. Ihhhh! Ang cute!

"I'm sorry, Zoey. Believe me, I became very busy. I need to go home to France..." Ang bigat ng buntong-hininga nito. Parang may malaking problema.

"Joke lang naman iyon. I don't mind. Ang mahalaga, kasama naman kita ngayon." Yumakap at humilig siya sa braso nito. "Anong nangyari ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Zoey.

"Nabalitaan mo na sigurong umurong ang pinsan namin ni Greg sa pamamahala ng kompanya ni Grandpa sa Maynila. Ayaw din ni Greg doon. He can't take over. Isa pa, siya na ang namamahala ng Quintero Farm. The responsibility is on me now. I accepted it."

Humarap ito sa kanya. "But I still have a problem in France. Nag-aaway si Papa at ang kapatid niya sa pamamahala ng grapevine farm and wine company. When I was the one who managed it, walang problema dahil magkasundo kami ni Papa sa pagdedesisyon. Ngayon, dahil si Uncle na ang namamahala, hindi sila magkasundo ni Papa sa mga plano." Napailing-iling ito.

"Kaya pala. So you mean, hindi mo kayang pabayaang basta ang wine company niyo sa France kahit hindi na ikaw ang namamahala? But you need to stay here since ikaw na lang ang aasahan nina Lolo Gus sa kompanya nila..." Zoey logically said.

"Yes."

"Kumusta naman? Naayos na ba?"

"Yes," tango nito. "Everything's okay in France and in Manila. Sorry it took a long while." He sighed again. Still heavy.

"Marami ka pang ibang problema?"

Tinukod nito ang mga siko sa magkabilang tuhod. "Hindi naman problema. Marami lang iniisip."

"Ang hirap siguro kapag parehong bigatin ang mga magulang, ano? Mayaman Papa mo sa France tapos 'yung Mama mo dito mayaman din dahil Quintero. Dami mong kompanya!"

Sumampa ng maayos sa kama si Zoey at saka sumandal sa headboard. "Si Papa ko kasi mayaman. Pero dahil hindi naman siya panganay, sa Papa nina Ate Trisha pinamana ang malaking negosyo ng mga Gregorio. Pagkakuha ni Papa ng malaking mana niya, he decided to go to Canada. Doon na siya tumira at doon niya rin nakilala si Mama. Simple lang ang Mama ko. She's a daycare teacher. Nagkakilala lang sila ni Papa sa Vancouver. May festival yata or something? They fell in love after. And here I am! Tenen!"

Tinitigan lang siya ni Geoff habang may munting ngiti sa mga labi nito.

"We lived a simple life. Kahit pa mayaman si Papa. Tinabi niya ang pera niya para sa future ko. Kaya wala akong rich kid problems. Wahaha!" aniya pa. "Sana paglabas ni baby, wala rin siyang rich kid problems. Huwag mo pala siyang pagkukuhanin ng Business Administration sa college, ah? Para lang may papalit sa'yo kapag nag-retire ka na. Dapat ang kukunin niyang course, 'yung gusto niya. Baka artist ang baby natin!"

"Parehong business ad ang course nating dalawa, hindi ba?"

"Yep! Pero kumuha lang ako niyon kasi alam kong may pag-asang iuwi ako dito sa Pilipinas at baka makatulong ako sa negosyo ng relatives ko. Pero... gusto ko talagang kumuha ng ibang course."

"Anong course?"

Ngumiti siya ng matamis. "Psychology."

Because really, she wanted to understand herself more. She wanted to understand why in the world, she has a lifetime mental condition like bipolar disorder.

Gusto niyang malaman kung anong problema ng Auntie Lucille niya at kayang-kaya siya nitong saktan nang hindi nakokonsensya. Kung paanong lahat nang pananakit ay kaya nitong isipin at gawin sa kanya.

She wanted to learn how fucked up a brain could be.

May dumaang emosyon sa mga mata ni Geoff na mabilis ring nawala. Para bang hindi niya na kailangang ipaliwanag sa nobyo kung bakit iyon ang gusto niyang course.

Sumampa na rin sa gitna ng higaan si Geoff at humiga sa tabi niya. "Puwede ka pa namang mag-aral ulit kung gusto mo. Pagkapanganak mo, mag-aral ka ng Psychology. I'll shoulder your tuition and everything that you need."

"Totoo?!" na-e-excite na sabi ni Zoey. That sounds good! "Sino mag-aalaga kay baby kapag pumapasok ako sa school?"

"We'll hire a nanny."

"Ay. Ayoko. Kapag ganon, mas magiging close si baby sa yaya niya." Tumingala siya at nag-isip. "I'm still young. Hintayin ko muna mag-three years old si baby bago ako mag-aral ulit," pagpa-plano niya. "Tapos pagka-graduate ko, tamang-tama, magge-gradeschool na si baby. Magiging full time mom na 'ko."

Inunan ni Geoff ang isang braso nito habang nakahiga ito. "Hindi ka magta-trabaho at gagamitin ang pinag-aralan mo?"

"Gusto ko lang mag-aral. Ayokong magtrabaho. Hihihi. Bubuhayin mo naman ako, eh. Thug life lang ako!" nakangising sabi niya.

Humiga na rin si Zoey at umunan sa braso ni Geoff. Tumingin siya sa labas ng glass window. Mula doon ay kita ang malayong parte ng dagat at ang paglubog ng araw.

Sumabog ang kulay kahel at pula sa buong paligid. She can see wild birds flying on the orange sky. Napangiti siya sa napaka-picture perfect na view.

"What are you thinking?" Geoff asked.

Dito na siya bumaling. "The sunset." Tinuro niya ang labas ng bintana. "Simple yet captivating."

Geoff stared at her. "A lot like you."

Napakurap-kurap siya at sinalubong ang mga mata nito.

He slowly smiled. "Simple yet captivating Zoey."

Napangiti siya sa kilig at hinaplos ang mukha nito. "Ang sweet mo sa'kin ngayon. In love ka na, eh!" she teased him and pinched his cheek.

Pumikit ito at ipinatong ang baba sa bumbunan niya. "Keep on asking. Maybe we'll arrive at a positive answer."

"Paano ba nabibihag ang puso ng isang Geoffrey Lucas Martin? Do I have to take it personally from Eunice?"

He lightly chuckled. "Silly girl. Of course not. Just be... you, Zoey. Maging totoo ka lang sa'kin. I fall in love with a sincere soul, darling."

Zoey grimaced. Patay. Maging totoo rito? So, dapat aminin niya na may bipolar disorder siya?

"Naging honest ba sa'yo si Eunice?"

"She says what she needs to say. Even when the moment she admitted she does not want to have a relationship with me anymore. Hindi niya pinapatagal ang bagay kapag ayaw niya na," simpleng pagkukuwento nito.

Mukhang wala namang halong bitterness sa tono nito.

"Then, you became bestfriends?"

"I offered the friendship."

"Because you can't totally let go of her?"

Narinig niya ang paghikab ni Geoff. "Yeah. Maybe."

"Ang martir mo naman. Dapat apelyido mo na lang yun. Geoff 'Martyr'," she laughed at her own joke. "Ang suwerte na ni Eunice sa'yo, eh. Bakit ka pa niya pinakawalan?"

"So, you can have me?" inaantok na turan nito,

"Oh, oh, oh! Nice idea! Nice, nice!" Zoey giggled. "Paalala mo sa'king mag-'thank you' kay Eunice. Pakilala mo ko sa kanya, ah?"

Hindi na umimik si Geoff. Pagdama niya sa dibdib nito ay pantay na ang paghinga nito. He fell asleep. Marahil ay pagod sa naging biyahe.

Maingat siyang lumayo rito. Geoff was peacefully sleeping on her bed. Zoey kissed his lips and cheeks.

Tinitigan niya ito nang matagal at ramdam na ramdam niya ang mumunting kiliti sa puso niya.

She even felt her baby moved. Hinaplos niya ang tiyan.

"Ang guwapo ni Daddy, 'di ba? Kinikilig ka rin, baby?" kausap niya sa tiyan at saka siya umupo ulit at tinitigan lang si Geoff.

Matagal niya nang makakasama si Geoff mula ngayon. Minsan na lang itong pupuntang Maynila. Natutuwa nang sobra ang puso ni Zoey. He's making her and the baby his priority now...

Dahil hindi inaantok si Zoey ay nanood na lang siya ng TV. Ngunit nainip din siya sa palabas kaya kinalikot niya na lang ang cellphone ni Geoff habang natutulog ito.Walang password iyon kaya mabilis niya lang na-access iyon. His wallpaper is simply the brand logo of his phone.

She scanned through his gallery.

Muntik nang mapatili si Zoey nang makita na maraming selfies si Geoff! Ihhh! Vain din pala ang lalaki! Yay! Ang saya!

May kuha ito habang nasa opisina, nasa bahay, nasa isang coffeeshop, nasa kotse, at nasa kama! Nanginig siya sa kilig.

Ang guwapo!!! May seryosong pose ito, merong naka-look away kunwari, merong kagat nito ang labi habang nakangiti ng pilyo. Ihhh! Nang-aakit sa picture!!!

Parang hihimatayin na siya sa kilig. Napapadyak na lang tuloy siya.

"Mahilig ka pa lang mag-selfie, Daddy Geoff, ha?" natatawang bulong niya sa natutulog na hot Daddy.

"Kunwari suplado, GGSS pala. Selfie pa more! Pero may karapatan ka naman, the camera loves you."

Lahat ng pictures nito ay s-in-end niya sa kanyang phone. Hihihi.

Tumingin pa siya ng ibang pictures. May napansin siyang isang album na nakapangalan kay Eunice. Pagka-open niya niyon ay napakaraming photos ng babae.

Napasinghap si Zoey. "Ay, ang ganda niya talaga!" namamanghang sabi niya.

Tinamaan tuloy siya ng insecurity. "Diyosa yata 'to. Kaya pala 'di maka-move on si Daddy Geoff agad. Huhuhu."

Maganda kung sa maganda si Eunice. Sobrang maputi at halatang makinis. Kahit mukha ay wala man lang blemish o kahit maliit na pimple. Perpekto rin ang pagkakatangos ng ilong.

Ano ba naman yan! Anong laban niya rito? Freckles pa lang niya at medyo tabinging ilong, talong-talo na. Napalabi siya at napatingin kay Geoff.

"Sorry, ah? Pero buti na lang talaga, ayaw niya na sa'yo. Kasi hindi mo na talaga ako mapapansin kapag hindi kayo naghiwalay," pagkausap niya sa tulog. "Pero dapat di ka na nagki-keep ng pictures niya. Delete ko na, ha? Okay?"

She deleted all of Eunice's pictures. Pinalitan niya na lang iyon ng mga pictures niya. Hihihi. Bahalang magalit o sungitan siya ni Geoff kapag nalaman nitong pinakailaman niya ang phone nito.

Ginawa niyang wallpaper ang picture niya sa phone nito pagkatapos. Kontentong binaba niya na ang phone nito.

Nang magising ito pagkatapos ng dalawang oras ay tinignan nito ang phone. Natawa si Zoey nang makita ang nagulat nitong reaksyon nang bumungad ang picture niya bilang wallpaper.

Napatingin ito sa kanya. "What did you do?"

She playfully grinned. "Nothing."

Napailing-iling ito. Nagbunyi ang puso ni Zoey dahil hindi nito pinalitan ang wallpaper. "Nagugutom ka ba?"

"Nope."

Napakunot-noo ito habang nakatingin pa rin sa phone. "You put your photos here?"

"Yep! Ang cute ko, 'di baaaa?" she giggled. "Don't delete it, ha?"

Lalong kumunot ang noo nito. "You deleted an album."

"Huwag ka nang mag-keep ng pictures niya. Gusto ko pictures ko lang nasa phone mo."

Nakahanda na siyang mapagalitan nito. But he didn't get angry. Napakibit-balikat na lang ito. He sighed and put down his phone.

"I'll just use the bathroom. Pupunta tayo kina Grandma. Doon na tayo maghapunan."

She smiled. "Sama natin si Jona?"

"Alright." Tumayo na ito at pumasok ng banyo.

Tinignan niya ang phone nito ulit. Pagpunta niya sa gallery ay nalagyan na pala ni Geoff sa isang album ang mga photos niya.

Napatili siya sa kilig nang makita ang album name:

Mommy Zoey :)

***

MASYADONG natuwa si Zoey sa pananatili ni Geoff sa Isabela. Kaya may nakalimutan siyang problema. Paano siyang pupunta sa psychiatrist niya nang hindi nalalaman ni Geoff?

Ninja moves!

Zoey's going to tell a lot of lies. Huhu. For now lang naman.

Hindi pa kasi siya handa talagang i-reveal ang sakit niya kay Geoff. Hindi niya talaga kasi ma-imagine ang magiging reaksyon ng lalaki.

Kailangan na kailangan niya ngayon si Geoff kaya hindi niya kaya kapag biglang lumayo sa kanya ang nobyo.

Hindi naman sa iniisip niyang ganoong tao si Geoff—but duh? Real talk, hindi ganoon kadaling tanggapin ang sakit niyang habang buhay niyang dala. Kumbaga, hindi lang responsibilidad ni Geoff ang baby nila, pati siya at ang sakit niya.

Kung siya nga, twenty-two years of existence, she hated who she is because she can't accept it, paano pa si Geoff na ilang buwan niya pa lang nakikilala? More than six months?

"Where are you going? You don't have work today, right?" tanong sa kanya ni Geoff the next week that she needs to go to Dr. Prado for a scheduled therapy.

"Ahm, papasok pa rin ako. Joyce called, eh. May kailangan lang ako ayusin," palusot niya. Nilagay niya ang kamay sa likod at nag-crossed fingers.

Humalukipkip ito. "Ihahatid kita."

"Oh, huwag na!" She sweetly smiled at him. "You have a conference business call through Skype, right? Baka hinihintay ka na. I can manage. Parating naman na si Mang Joel."

Kumunot ang noo nito. "I can move the business call. Ihahatid kita sa restaurant at doon rin kita susunduin. Hihintayin na kita kung hindi ka naman ganoon katagal."

"Clingy. Yiee!" tukso niya pero nag-iisip na talaga siya nang palusot pa. "Okay lang talaga, Daddy Geoff. Nandyan naman si Mang Joel. Wala na siyang nagiging trabaho kasi lagi na tayong magkasama. Ikaw na lagi nanghahatid-sundo sa'kin."

"Ayaw mo ba niyon?"

Ngumuso siya. "Gusto. Pero, may trabaho ka, hindi ba? Ayoko nang maabala ka pa. Sobra na ngang sacrifice na nagste-stay ka na dito para mas matutukan ang last trimester ko. Mag-day off ka muna today. Papahatid na lang ako kay Mang Joel."

"Day-off si Mang Joel, remember? Pinagbigyan mo sila ni Jona para makapag-family bonding."

Napangiwi siya. Uh oh

Kinabahan na si Zoey. Paano siya makakalusot?

Sa huli, si Geoff na ang naghatid sa kanya sa restaurant.

"Ahm, balikan mo na lang ako after five hours. Tapusin mo muna ang business call mo. O kaya, I will call you."

Naisip niyang mula sa restaurant ay magta-taxi na lang siya papunta sa psych clinic. Pagkatapos ay saka ulit babalik sa restaurant para doon din siya susunduin nito.

Tinitigan siya ni Geoff nang matagal. Zoey smiled at him. Pinipigilan niya ang mga labing manginig kahit ang lakas na ng tambol ng dibdib niya. Paulit-ulit siyang nagso-sorry sa pagsisinungaling rito sa kanyang isip.

Ngayon lang talaga. Next time, sasabihin niya na. Puro ka naman next time, Zoey. 'Di mo tinutupad.

Maya-maya ay napabuntong-hininga ito. "Alright. Babalikan kita mamaya para sunduin."

"Alright!" Hinalikan niya ito sa pisngi. "See you later!" Mabilis siyang bumaba ng sasakyan nang nasa tapat na sila ng Zoey's.

Kumaway-kaway siya rito hanggang sa mawala na sa paningin niya ang kotse.

"Oh, Zoey! Bakit pumasok ka today?" tanong sa kanya ni Joyce nang makita siya sa labas.

"Ah... dumaan lang ako. Wala lang. Gusto ko lang kayo i-check." Tiningala niya pa kunwari ang restaurant at nag-thumbs up. "Good job! Ganda talaga ng restaurant natin. Very, very nice! Sige, alis na 'ko. Bye!" nagmamadaling sabi niya. Agad siyang nakapara ng taxi.

"Huh? Zoey!" tawag pa sa kanya ni Joyce ngunit nakasakay na siya ng taxi.

Kinawayan niya na lang ito nang paalis na ang sinasakyan. After fifteen minutes, nasa loob na siya ng clinic ni Dra. Prado.

"Whew!" Nagpunas pa siya ng noo. "Ang hirap lumusot. Next week talaga sasabihin ko na kay Geoff," kausap niya sa sarili.

Nang makita siya ng psychiatrist ay agad na silang nag-umpisa. Naitawid naman ni Zoey ang two hour session nang matagumpay.

"Zoey, can you bring your partner, next week? So that, we can start orienting him? Kailangan niya na ring sumama sa therapies para naman he will have enough knowledge how to make you calm, kapag nag-shift ang mood mo," ani ng doktora.

"Ah... o-okay po," sagot niya kahit hindi pa siya sure.

"Nga pala, you're doing great recently, Zoey. Very cooperative ka sa therapies. And I'm glad to know na malusog at malakas ang baby mo. You can control your emotions now, huh? Very good."

"Yes. But I'm too happy pa rin po a lot of times."

Napangiti ang doktor. "It's already part of your personality, Zoey. You are a very cheerful young lady. But please call me if you feel like you're getting too high."

"Yes, doc."

"Okay. You may go now."

Nakangiting lumabas si Zoey nang opisina ng doktor. Hinaplos niya ang umbok ng tiyan. "Baby, very good daw si Mommy, narinig mo? Para sa'yo iyon. Para lalabas kang healthy, well, and... normal."

Nginitian ni Zoey ang nurse na nasa reception at ang iba pang pasyente na madalas niyang nakakasabay ng appointment. Kumaway pa siya sa mga ito. Feeling famous siya dahil kilala na siya ng mga tao doon.

"Hi! Hello!"

Ngunit nag-freeze ang kamay niya sa ere at natunaw ang ngiti niya nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng pintuan ng clinic.

Para siyang maiiyak sa kaba at bibigay sa panginginig ang tuhod niya.

"So, this is your restaurant now?" seryosong sabi nito habang matamang nakatingin sa kanya ng diretso sa mga mata.

Napalunok si Zoey. "G-Geoff..."

***

Social Media Accounts:

FB Page: C.D. de Guzman / FGirlWriter

FB Group: CDisciples

Twitter: FGirlWriter

IG: fgirlwriter 

Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 188K 36
Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? L...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
11.7K 2.5K 26
(Completed) (Under Editing) When disaster paved Katalina's life, a new beginning strike to her. New face of a man, new taste of love, and new way of...
529K 21.7K 19
Delos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapatawad ang isang Santino Pierre Delos Sant...