Dare with the Beast [COMPLETE...

By LetMeBeThatGirl

5.1M 95.8K 2.8K

COMPLETED More

Dare with the Beast
SIMULA
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
KABANATA XXVI
KABANATA XXVII
KABANATA XXVIII
KABANATA XXIX
KABANATA XXX
KABANATA XXXI
KABANATA XXXII
KABANATA XXXIII
KABANATA XXXIV
KABANATA XXXV
KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVIII
KABANATA XXXIX
KABANATA XL
WAKAS

KABANATA V

142K 2.8K 104
By LetMeBeThatGirl

KABANATA V

"Maupo ka nga muna rito, Thyrile." tawag sa akin ng Mommy pero saglit ko lang syang tinignan at ipinagpatuloy ulit ang paglalakad sa living room namin.

Paulit ulit lang ang daang tinatahak ko. Pagdating sa dulo ay tatalikod at maglalakad ulit pabalik at ganoon din sa kabila.

"You look really nervous. 'Wag mong sabihing ganyan ka rin mamaya kapag nagkita na kayo?" natatawang tuya sa akin ni Trigger.

Pinanlisikan ko lang sya ng mata at nilubayan na rin ng tingin.

And what if I'm nervous? Oo, kinakabahan nga ako na tipong hindi ko kayang ipanatili ang sarili kong nakaupo sa couch namin. I am so fucking nervous that I feel on backing out right now. Parang gusto kong mauna na agad pauwi sa probinsya namin.

"Trigger, why not accompany Thyrile to go back in the province? Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Mr. Hendricks na nauna nang makaalis si Thyrile dahil kailangan nito?" tinignan ko si Mommy na kausap na si Trigger ngayon.

Napahinto ako sa paglalakad. I don't know if I am liking this idea pero hindi ko rin gusto ang ideyang iyon.

Naguguluhan na ako. It's like, I wanted to be with Klaude for a second and on the other hand, I don't want to be with him because the nervousness is killing me.

"I'm good with that. No problem Tita Francia." tumayo na si Trigger at pinasadahan ako ng tingin bago umiling iling ng natatawa.

What's with that? Alam kong mukha akong tanga ngayon but it's not the right time to make fun of me.

"Let's go, Thyrile." aya nya sa akin.

Bumuntong hininga ako at mariin na pumikit. Pagka-dilat ko ay muli kong tinagpo ang mata ni Trigger at umiling sa kanya.

"No, I can handle this." wika ko at nagpatuloy na ulit sa paglalakad sa loob ng living room namin.

Nagkatinginan si Mommy at ang pinsan ko. Nakita kong nagkibit balikat lang si Trigger at muling umupo sa sofa. And in a matter of minute, may narinig na kaming busina ng sasakyan sa labas ng bahay.

Mabilis na tumayo si Mommy para salubungin ang bisita while I'm stuck here with Trigger. Nanigas ang buong katawan ko. Hinila ako ni Trigger paupo sa sofa at mahina akong binulungan ng ilang mga salita.

"Stay calm, Thyrile. If anything happens, just text me." napalunok nalang ako ng laway bago unti unting luminaw ang pigura ni Klaude papasok sa bahay namin.

He's wearing a casual clothes. An olive colored pants, white shirt and a brown leather jacket. He looks amazing. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Shit! How not to fall inlove with him? Looks palang pamatay na!

Tumayo si Trigger sa tabi ko at kinamayan si Klaude. "Trigger Sante Niego, Thyrile's cousin." bumigat ang paghinga ko.

Nang iangat ko ang mukha ko ay nagtama ang mga tingin namin ni Klaude. He's looking at me kahit na nakikipag-kamay si Trigger sa kanya.

Saglit lang ang tinging iyon bago nito ibinalik ang tingin sa pinsan ko. "Klaude Hendricks."

"Would you like to have some coffee, Mr. Hendricks? Bago man lang kayo umalis ng anak ko?" paanyaya ni Mommy sa kanya.

Ngumiti naman ito sa Mommy ko bago sumagot. "No thanks, Mrs. Sante Niego. Kumain na rin ako bago umalis sa amin." muli akong tinignan ni Klaude. His stare was intense. Para akong tinutunaw nito ng buhay.

"I've already talked to my daughter about the products that you wanted to have. And in the end, pag-usapan nalang natin kung gaano karami ang gusto nyong i-supply namin sa inyo."

My Mom and Klaude talked about business for a minute habang naglalakad kami palabas ng bahay. Kasabay ko naman si Trigger na buhat ang bag ko sa likuran nila.

"Ngayon ko lang sya nakita ng malapitan. He's not bad. Pwede na ring sunod sa akin." natatawang bulong ni Trigger sa akin.

Inirapan ko lang sya at nakita kong sumulyap sa amin si Klaude. Panay ang tingin ni Klaude sa akin kanina pa.

"Manahimik ka nalang please?" humagikhik lang ito at nanahimik na rin.

"Mom, we're going." hinalikan ko sa pisngi si Mommy at niyakap sya ng saglit.

"Ok, natandaan mo yung mga dapat mong gawin ha?" muling paalala ni Trigg sa akin.

Tinanguan ko nalang sya. Hinalikan nito ang noo ko at ginulo ang buhok ko.

Nginusuan ko lang sya bago ako pinagbuksan ni Klaude ng pinto ng kanyang sasakyan.

"Aalis na po kami." wika nito kay Mommy bago naglakad papunta sa driver's seat ng kanyang sasakyan.

Pagkasara ng pinto ay agad na rumagasa ang kaba sa dibdib ko.

Narinig ko ang paghinga nito ng malalim bago pina-andar ang engine ng kanyang AMG GL, Mercedes-Benz. I'm kinda familiar with this car dahil ito sana ang bibilhin ng pinsan kong si Tryck dati but he choses G-Class Greymatic instead.

"You're so silent, Thyrile." basag ni Klaude sa katahimikan.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang umaandar ang sasakyan.

Bigla nyang hininto ang takbo nito at pinarada sa gilid ng daan. Naramdaman ko ang paglapit nito sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Unti onti ko nang naaamoy ang nakaka-addict nyang pabango. His hair is messy though it looks good on him.

He stopped when our faces are just inches away from each other. Hindi ko nilubayan ng tingin ang mata nya hanggang sa bumaba ito sa perpektong tangos ng kanyang ilong. Napahinga ako ng mabigat. Nakagat ko ang ibabang labi ko ng makita ang labi nya. It is perfectly curved lalo na ng ngumisi nya.

Bumilis lalo ang takbo ng puso ko ng makita kong nakatitig ito sa mga labi ko. Lalo pa nitong inilapit ang sarili sa akin.

"K-klaude..." I uttered his name like I was in pain.

"Better." he whispered through my breath at may kinuha sa gilid ko. Hinila nya ang seatbelt at isinarado iyon bago umayos ng upo at pinaandar ulit ang sasakyan. "Talk, Thyrile. I don't want us to be awkward."

Napatikhim ako at hinagilap ang mga salitang sasabihin ko. "Uhhh, a-ano..." hinawakan ko ang seatbealt ng mahigpit. "K-kamusta?" muli kong kinagat ang labi ko sa katangahang lumabas sa bibig ko.

Narinig ko ang mala-musika nitong tawa. Mahina at saglit lang iyon bago nito isinandal ang kaliwang kamay sa bintana at inayos pataas ang kanyang buhok.

"I'm okay." nakangisi nitong sagot.

Binalot ng init ang buong mukha ko hanggang sa aking leeg. Pakiramdam ko ay namumula na ang aking pisngi dahil sa kahihiyan. I can't find the right words to start a conversation! I even planned to have a script ng pag-uusapan namin ngayon but I was too occupied by happiness kaya nawala iyon sa isip ko.

"Kaka-graduate mo lang sa college?" tanong sa akin ni Klaude.

Mabilis ko syang nilingon. Diretso lang ang tingin nito sa daan.

"Yeah, kaya wala pa ako masyadong alam sa paghahawak ng business. I am planning to take up my Masteral next year para mahasa ng husto ang utak ko." napatango si Klaude sa sinabi ko. "How 'bout you?"

"I'm already done with that. Hinahawakan ko ang ilang business ng pamilya namin. My brother is the one who is incharge of the big ones. I don't wanna compete with him. He's more focused in handling works than I am."

Nakilala ko ang mga kapatid nya through internet pero hindi ko na inalam isa isa ang mga details sa kanila. All I know is apat silang magkakapatid na puro lalake.

"I think it's ok. Parehas naman kayong successful so there's no need for competition. Unlike sakin na wala pang napapatunayan."

Napayuko ako at nilaro ang mga daliri ko sa kamay.

"Because you're still young." kalmado nitong sabi.

Tumaas ang dalawa kong kilay at ngumiti. Yeah, I'm still young and I don't think Klaude will see me as his girl. Masyado syang mataas para sa akin. Ngayon ko lang napagtanto.

"Kapag tumanda na ako, magiging successful din ako katulad mo." tinignan ko ang reaksyon nya.

Napangiti ito sa sinabi ko. Naging pula ang stop light kaya nagkaroon ito ng rason para tagpuin ang mata ko.

"I'll wait for you, Thyrile. I'll wait for that to happen." nginisian ko rin sya kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko.

Klaude, wait for me. Kapag kasing taas na kita, sisiguraduhin kong magiging bagay din tayo.

"Just see." muli nang ipinagpatuloy ni Klaude ang pagmamaneho.

"Pagkarating sa bayan ay pwede naman tayong doon nalang mag-lunch. Maybe 12 or 1 tayo makakarating doon." tinignan ko ang relong suot ko.

I estimated the time of our arrival in the province. Nandoon na kami by 3pm or 4pm.

"Sure. Ituro mo nalang sa akin ang daan."

Pinagmasdan ko ang mga lugar na nadadaanan namin at tumingin sa langit. The sun's hiding. Makulimlim rin ang langit.

"Mukhang uulan." wika ko.

"May bagyo." simpleng turan ni Klaude.

Hindi ako nakapanood ng balita kagabi kaya hindi ko alam kung may bagyo ba o wala. Napatango nalang ako.

"Hindi kaya abutan tayo ng ulan sa daan?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang ito.

Ipinahinga ko nalang ang ulo ko at pumikit. I haven't slept early last night. Sobrang excitement ata at kaba ang nagpagising sa akin buong gabi. Mabuti nalang talaga at hindi nangitim ang eyebags ko ngayon.

"Thyrile..." tawag sa akin ni Klaude.

Hindi ko na idinilat ang mata ko para sumagot. "Hmmm?"

"You're wearing a too short shorts." napadilat ang mata ko at tumingin agad sa shorts na suot ko.

I am wearing a maong shorts. Yes, maiksi nga ito dahil style nya ang nakalabas ang bulsa sa ibaba. My upper is a plain white three fourths polo shirt at nakasabit sa dibdib ko ang aviator ray ban ko.

"I'm not really comfortable in wearing pants dahil nangangati ang legs ko." alam kong halos lahat naman ganoon kapag hinuhubad ang pants nila pero for me, mainit din kasi sa pakiramdam ang pants kaya mas prefer ko talaga ang shorts.

"It's okay to wear shorts, huwag lang ganyan ka-iksi. You'll be attracting lots of eyes, Thyrile." hindi ko narinig ang huling sinabi nya dahil parang ibinulong nalang nya iyon sa sarili nya. Pero based sa pagkakabasa ko sa binibigkas ng labi nya ay para itong nagmumura ng paulit ulit.

"Ano nga ulit?" lumapit ako ng kaunti sa kanya kaya napalingon sya saglit sa akin at umiling.

"Nothing." seryosong wika nito. Humalukipkip nalang ako sa gilid ng sasakyan.

"May dala ata akong jacket dito. I can cover my legs kung nadi-distract ka." nakatitig lang ako sa kanya para hintayin ang isasagot nya pero nakita ko ang pagpula ng tainga nya sa sinabi ko. Lalong naging seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa daan. "You can stop the car sa gilid, kukunin ko lang ang bag ko sa likod."

Hindi na sya sumagot pa at mabilis na inihinto ang sasakyan sa gilid. Bababa na sana ako ng hubarin nito ang leather jacket na suot at iniabot iyon sa akin. Tahimik ko namang kinuha iyon at pinatong na sa hita ko.

"Don't ever wear that kind of shorts again, Thyrile. Lalo na't hindi ako ang kasama mo." puno ng igting nitong sabi.

"Okay... And, thank you." mahina kong sagot.

Napalunok ako ng laway ng muli nyang paandarin ang sasakyan. Ako naman ngayon ang nadi-distract because of his biceps! Darn!

Continue Reading

You'll Also Like

20.3K 1.1K 22
Raphael Martinez and Celestine Sandoval.
5.2M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
6.1K 113 1
The Mauricio "Mawi" Mackelroy Story
393K 9.9K 39
(Completed) WARNING: SPG | Mature Content |R-18| "Alam mong hindi puwedeng mahalin pero minahal mo pa rin. Alam mong maraming tutol sa inyo sa huli p...