The Devil's Angel |Montoya Se...

Per LoveMishap

2.2M 56.6K 1.2K

COMPLETED (Highest Rating so far #10 as of Oct. 19, 2016) Warning: Contains mature scenes and it's in Tagalo... Més

COPYRIGHTS
❖Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Wakas

Kabanata 17

43.2K 1.2K 32
Per LoveMishap

|Chantal Leigh POV|

"Tapos kana bang nag-empake, Chantal?" Nakaupo parin ako sa bed ko na half nakatulala while my half thougts were lost. It's been a week and yet walang nagpakitang Tristan or kahit man lang text. I gave him chance na magpaliwanag yet wala paring ni anino ng Tristan na nagpakita.

Kinuha ko ang phone ko at tinext ito. Nilunok ko na ang pride ko para kahit papano malaman ko ang side niya. 

Hi. How are you?

Then I hit send. I clutch on my phone and check it every minute. 

"Chantal!" Narinig ko na naman ang boses ni mommy. Medyo lumakas na ang boses niya. Since I wasn't myself for the past days, kaya napagpasyahan nila mommy at daddy na isama na ako sa Brazil. They had done all the papers for transfer ng di ko nalalaman just until last night. 

"Yes, mom," walang-ganang saad ko. 

Ilang minuto na ang lumipas wala paring text. I decided to call him.

The number you had dialed is not in service. Please try again later. 

"Honey, umiiyak kana naman," Pinahid ko ang luha ko ng maramdaman ko ang kamay ni mommy na pumatong sa balikat ko habang kagat-kagat ang labi. Nakatitig pala ako sa monitor ng cellphone ko habang tumutulo ang luha ko. 

"Mom, please ... Can I see him for once?" Tumitig ako kay mommy na hindi na ako nag-abalang punasan ang mga luha ko. Nagsusumamo ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. 

Naging malamig bigla ang mga mata ni mommy pagkasabi ko ng mga salitang iyon. "Anak, if hindi ka niya tinatawagan or tinexan man lang that's means to say, he doesn't really care. Wag ka ng mag-aksaya ng panahon. You will learn to forget him, I promise. It's just a matter of time," mom cajoled and she pulled me to her and hug me real tight saka ito bumungtung-hininga ng pagkalalim-lalim.

Lalong namalisbis ang mga luha ko at hindi ito maampat sa pagtulo. Parang unti-unti akong pinapatay sa loob. Ano na kaya nangyari sa kanya? Wala na ba talaga akong kwenta sa kanya?

"Please mom, just once? Promis, just this once. I want to know the truth," pagsusumamo ko ulit. 

Tinitigan ako ni mommy. Hinawi nito ang buhok kong nakatabing sa mukha ko saka niya pinunasan ang mga luha ko. "Bakit sa dinami-dami ng mga lalake, sa anak pa ni Seb ka nagmahal anak?" Parang wala sa sariling nasambit nito. Titig na titig lang din ako sa mga mapupungay na mata ni mommy. Medyo may hawig pala kami.

Siguro ang ganda ni mommy nung dalaga siya, dahil hanggang ngayon, maganda parin naman siya. Parang hindi siya tumatanda.

"Mom,"tawag ko ng makita kong parang naiiyak siya.

"Sige, tara na. Magpahatid na tayo kay Francis habang si daddy mo may kameeting pa." 

Dali-dali naman akong tumayo at hindi na nag-abalang magbihis. Naka sweatpanst parin ako saka naka tee lang at flipflops.

Not long, pumarada na ang Lincoln na sinakyan namin ni mommy. Ang mataas na gate ay sakto namang bumukas at pumasok ang isang pulang Lamborghini. Kumabog ang puso ko. Baka si Tristan ang nagdadrive. Mahilig naman kasi ito sa sports car.

"Follow that red car, Francis!" Mom ordered our driver and Francis acquiescently obliged. Ng pumarada ang pulang sasakyan sa harap ng mansyon, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Naghaharumentado sa bilis. 

Pumarada sa likuran ng Lambo ang sasakyan namin at pinanood naming lumabas ang isang matipuno at matangkad na lalake sa harapan ng manibela. Tumingin ito sa sasakyan namin at inalis nito ang sunglasses niya. 

Lalo akong nanggalaiti ng makilala ko ito. Ang bwiset na ama ni Tristan. Nakakunot ang noo nito lalo ng lumabas si Francis na kasing tangkad lang naman nito at kasing-katawan rin saka binuksan ang pintuan sa side ko. Una akong lumabas. 

Inantay kong lumabas si mommy ng pinagbuksan siya ni Francis. Parang nag-aalanganing lumabas si mommy. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha nito at halatadong-halatado ito kasi maputi siya. 

Ng tingnan ko si Mr. Montoya, parang nakakita ito ng multo. Nakatitig ito kay mommy. 

Inantay ko kung sino sa kanila ang unang magsalita pero parang parehong tumigil ang mundo ng dalawa. Ano bang nangyayari dito?

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Unti-unting nawala ang shock sa mukha ni Mr. Montoya at napalitan ito ng galit. "Anong ginagawa niyong mag-ina dito? Pwede ko kayong kasuhan ng tresspassing," nakapamulsang pahayag nito at malamig na tumitig parin kay mommy. Si mommy naman parang naestatwa. 

"Mom," tawag ko kay mommy.

"Ha?.. ah eh," saka lang parang nagising si mommy sa mahimbing na tulog. "My daughter just want to talk to your son just for a few minutes," sabi ni mommy sa kaswal na boses.

Lumakad si mommy palapit sa akin saka tumayo sa tabi ko. 

Tumaas ang kilay ni Mr. Montoya.

"My son is not here. He flew yesterday to the US together with his fiancee to finish their studies there. Kaya makakaalis na kayo. Hindi namin kailangan ng mga pulubi dito!" Nagtatagis bagang na saad ni Mr. Montoya na ikinakulo ng dugo ko.

"Hindi mo kai-" Pinatong ni mommy ang kamay niya sa balikat ko. Nagtatakang tumingin ako sa kanya at di ko na natapos ang dapat kong sabihin sa malditong matanda na ito.

"Look, Sebastian," mom walked closer to him at nakita ko kung papanong mas lalong nagtatagis ang ngipin nitong nakatitig kay mommy. Maraming emosyon ang nakabalot sa mga mapupungay nitong mga mata. "whatever is going between our kids, let's not meddle. Let them talk, hindi naman  kami magtatagal kasi aalis narin naman kami and we will leave your son at peace," malumanay paring sagot ni mommy.

"Anak ko siya, kaya gawin ko kung anong nararapat sa kanya! At hindi ang anak mo ang karapat-dapat sa kanya. Hindi ko hahayaang lolokohin din ng anak mo ang anak ko," matalim ang tinging pinukol nito kay mommy. Paminsan-minsan lang akong tapunan ng tingin ni Mr. Montoya.

"Whatever happened between us is over. It's been years, long years that I couldn't even remember, Sebastian. Malalaki na ang mga anak natin, let's just bury it." Napakakaswal parin ni mommy. Napatigil ako sa sasabihin ko sana. 

Sa narinig ko, saka ko narealized na parang may something kina mommy at Mr. Montoya nuon. Lumapit ako ng konti para marinig ko ng klaro ang pinag-uusapan nila. "Not until I get a revenge, Shayla. Hinding-hindi kita mapapatawad!" Madilim nitong sambit saka ito tumalikod at paakyat sa porch papasok sa mansyon.

"Hindi kita niloko, Sebastian, pero hindi mo ako pinaniwalaan dahil mas pinaniwalaan mo ang traydor kong kaibigan at ng mga kaibigan mo. Inalok ako ng mommy ng pera para layuan ka at kasabwat ang mga kaibigan mo at ang kaisa-isang kaibigan ko na akala ko nagmamalasakit sya pala ang ahas," matigas na sabi ni mommy na ikinatigil sa paghakbang ni Mr. Montoya. 

Lumipad ang mga mata ko kay mommy. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Parang pakiramdam ko, magkapareho kami ng kapalaran ni mommy. Umiiling-iling pa si mommy. 

Tiningnan ko si Mr. Montoya na tumingin ulit kay mommy ng may panggigil sa mga mata. "Ang sabihin mo, mukhang pera ka lang talaga. Hindi mo kailanman ako minahal. Pera ko lang talaga ang habol mo!" Nanggigil na pahayag niya saka pa nito dinuro-duro si mommy.

Mas lalo tuloy kumulo ang dugo ko. Humakbang ako palapit sa kanila. "You have no right to point at her, Mr. Montoya! Tama ka nga, we don't deserve any of you, dahil mga wala kayong puso!" Madiin kong pahayag saka ko binalingan si mommy. "Let's go mom. Let's not waste our time to this condescending ass!" Wala na akong pakialam kung nawalan na ako ng respeto sa kanya. Galit na galit kong hinila si mommy.

Hindi nagpahila sa mommy sa akin. Nagulat ako ng lumapit ito kay Mr. Montoya saka ito sinampal ngpagkalakas-lakas. "Yan para sa panloloko sa akin," napanganga ako sa pagsampal ni mommy. Pati si Mr. Montoya parang nagulat din. "Ito para sa panloloko niyo sa akin ng ahas kong kaibigan!" Saka nito sinampal ang kabila. Hinawakan ni Mr. Montoya ang kamay ni mommy saka niya hinila ito at nilamukos ng halik. 

Para naman akong naestatwa sa bilis ng pangyayari. 

Parang nanonood ako ng movie, saka ko narealize na hinahalikan ng hinayupak na Montoya ang mommy ko. Ng maihakbang ko ang mga paa ko, saka naman sya pinakawalan ni mommy.

Lalong nagsiklad ang galit ko sa kanya. Dali-daling ko siyang nilapitan at balak na suntukin ang mukha niya ng biglang sinampal ulit siya ni mommy ng pagkalakas-lakas. "Wake up, Sebastian. Everything is over. Let's just move on!" Saka ako kinaladkad ni mommy pabalik sa sasakyan. 

Parang wala sa sariling sumabay nalang ako sa yapak ni mommy. Ramdam na ramdam ko ang galit nito. Alam ko kung bakit at pati ako galit na galit din sa walang-hiyang matandang Montoya na iyon.

Ng makasakay kami sa sasakyan, wala na ang hudyong matanda sa harap ng mansyon. Siguro pumasok na ito. Tahimik lang din si mommy sa sasakyan ng bumalik na kami. Gusto ko sanang magtanong, pero alam kong hindi tamang pagkakataon. 

Ang rason ng pagpunta namin sa mansyon ng Montoya ay nawala na sa isip ko. Pati ang sakit ng malaman ko na tumulak ng US si Tristan at ang masakit kasama si Tamara ay nawala narin sa sistema ko dahil sa bilis ng pangyayari, sa mga natuklasan ko.

"Start forgetting that son of that asshole. He doesn't deserve you and I don't want you to do the same mistake I did before. Loving the wrong guy!" Nakatingin sa labas ng bintana na saad ni mommy. Nakatitig lang ako sa kanya. Marami akong gustong malaman pero hindi ko alam kung saan ako mag-umpisang magtanong. "I'm sorry, I didn't tell you all about this, kasi hindi naman siya magandang story. It's a nightmare na ayaw ko ng ungkatin pa. Ayaw ko ng isipin pa. Ilang taong pinilit kong kalimutan ang mga sakit na idinulot ng pamilyang Montoya sa akin, the reason why I left Philippines." Parang naiiyak na sabi ni mommy. Tumingin ako sa harapan at parang wala namang pakialam ang driver. 

Tumingin ulit ako kay mommy. Parang wala sa sariling nagkukwento ng hindi naman ako nagtatanong. Tumingin ulit ito sa bintana saka bumuntunghininga. "I fell in love with him nung unang sinama ako ni mama sa trabaho niya. Wala siyang kasamang kumakain sa lamesa ng makita niya ako saka niya ako tinawag na sabayan ko raw. Dahil nahihiya naman ako at anak siya ng amo ni mama, tumanggi ako pero ipapafire daw niya si mama pag hindi ako sumabay. Yun na ang simula ng pagkakilala namin. I was like your age. Nahulog ako ng husto sa kanya kasi napakasweet niya saka hindi matapobre. Lagi rin niya akong pinagtatanggol kapag binabully ako sa skul na pag-aari nila, yung skul mo nga ngayon. Tumagal naman kami, then ng ipakilala ako sa family niya on his 18th birthday, dun na nagsimula ang kalbaryo sa relasyon namin." Pumikit si mommy saka ito isinandal ang likod sa upuan. "His mom hated me to the bones. She did all the possible things para paghiwalayin kami, at pati ang mga kaibigan ni Sebastian, at ang kaisa-isang kaibigan ko, binayaran niya to go against me at siraan ako kay Sebastian," Pinahid ni mommy ang pisngi niya saka iminulat ang mga mata nito pero nakatitig siya sa kisame ng sasakyan, "I left the next day, ng makipagreak sa akin si Sebastian, hinusgahan niya ako at naniwala sa nanay niya. Ang perang inoffer sa akin ng nanay niya, kinuha ko nalang since naniwala naman na siya. Yun na ang ginamit ko pag-abroad pagkagraduate ko sa London." Tumingin si mommy sa akin. "Then, I met your dad," Ngumit si mommy at alam kong genuine ito.

"Mahal mo ba ang daddy, mom?" kinakabahang tanong ko. Nung makita kong hinalikan ni Mr. Montoya si mommy, parang nakita kong parang nagustuhan ito ni mommy o baka guni-guni ko lang. Pero gusto kong malaman. 

"Yes, anak. I love your dad. He made me happy again, and I learned to trust love again." Nakangiting sabi ni mommy.

Ngumiti narin ako. Saka ko naalala si Tristan. Naramdaman ko na naman ang mga luhang nag-aambang bumagsak. So tumakbo na pala ang damuho. Kahit man lang konting explanasyon wala. Umalis itong walang-paalam. Pa I love you pa ang hudyo, pinaniwala ako. Pare-pareho silang manloloko!

Sana nga makalimutan ko si Tristan at babalik ako para pagbayarin silang mag-aama sa panloloko sa amin ni mommy. I will comeback ... Ipapakita ko sa kanila kung anong pinakawalan nila!

.............................................

A/N: Ayan na sa mga humingi ng update.. I should be in bed two hours ago. Five pa kasi ako magising tom kasi maaga akong papasok.. Hoping magustuhan niyo ito!!

Ayan umpisa na ang lap ng time sa susunod na kabanat. Hindi na sila tinedyer sa susunod na chapter!



Continua llegint

You'll Also Like

1M 17.1K 47
kunin ang puso nya........ sa kahit anong paraan... yaan ang misyon ko bago ko napagtanto na sa una naming pagkikita ay nahulog na ko sakanya...
130K 8.4K 25
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
4.5M 49.3K 53
Si LEYLA NAVARRO ay isang probinsyana, mahinhin at tahimik na dalaga. Sa kagustuhang mag aral sa maynila ay nilisan niya ang kanyang probinsya. Ngun...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend