Off Limits (Boyxboy) (Editing)

By Iamjaelopez

263K 2K 166

[EDITING] Unang beses pa lang na nakita ni Yuki si Rio ay may kung anong naramdaman na siya para rito. Lalo s... More

Off Limits
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5

Chapter 4

5.7K 234 10
By Iamjaelopez

Posted in Dreame
June 21, 2019

Yuki

"YUKI! Handa na ang almusal. Pinapatawag na kayo sa baba." Sigaw ni Ate Loida mula sa labas ng kwarto ko.

"Sige po ate. Susunod na ako."

"Sige Yuki." Wika pa nito bago ko narinig ang mga yabag nitong paalis.

Kagigising ko lang at sakto ang pagtawag sa akin ni Ate Loida. Bumangon na ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Lumabas agad ako ng kwarto at bumaba.

Pagdating sa dining area, nadatnan ko silang nasa mesa na.

"Good morning!" Bati ko sa kanila.

Pagkatapos kumain, bumalik ulit ako ng kwarto para maligo. Aalis ako ngayon. Pupunta akong mall para bumili ng mga materials na gagamitin para sa project ko.

Nang matapos mag-ayos, pumunta ako sa office ni mommy. Magpapaalam ako sa kanya at hihingi ng perang panggastos.

Wala pa kasi akong credit card dahil na rin ayaw akong bigyan ni mommy. Saka na lang daw kapag nasa tamang edad na ako.

Pagbukas ko nang pinto ng opisina niya ay agad kong narinig ang pag-uusap ng dalawang tao. Si Mommy at Kuya Rio.

Nag-iexpect ako na magrereact katulad ng palaging reaksyon ko whenever I see the latter. This time, I just got nervous and its not the same as before. Marahil nagiging komportable na ako sa kanya at nakatulong pa iyong pagturo niya sa akin kahapon sa pagsagot ng assignment ko.

I greeted them. They greeted me too. Umupo agad ako sa upuan sa harap si Kuya Rio. Pumuno sa akin ang mabangong amoy niya. Napatitig ako sa kanya.

Ang gwapo talaga kahit kailan. Bumagay sa kanya ang kulay abong damit at maong pants. lumalabas ang pagiging manly niya. Kahit ano naman sigurong ipasuot sa kanya ay gwapo pa rin siya. Kahit nga siguro basahan, lalabas pa rin ang angking kagwapuhan.

"So, what are you doing here Yuki?" Napabaling ako ng tingin kay mommy nang magsalita siya mula sa pagpapantasya ko kay kuya Rio.

Pagpapantasya talaga?

"Ah! Yes mom. Ahm... magpapaalam lang po sana ako na pupunta ng mall ngayon. I have to buy some materials for my project. Atsaka hihingi na rin po ako ng pambili." Hayag ko. "Pakidagdagan na lang din 'Mmy dahil may bibilhin pa po akong iba," hirit ko pa.

"How much do you need?" She said while getting her wallet on the drawer.

"I think mga 1,000 lang ang project ko. Ikaw na po ang bahala doon sa isa. Sana lakihan mo mom."

Napatawa lang si mommy sa sinabi ko. Si Kuya Rio naman ay nakangiting nakikinig lang sa amin.

"Here..." Sabi ni mommy sabay abot sa akin ng pera. "Tama na ba iyan?"

"Really mom? 5000? Ang laki naman nito?" Gulat na sabi ko. Nag-iba naman ang ekspresyon ng kanyang mukha kaya agad kong binawi ang sagot ko. "Y-Yeah, kasya na'to mom. Tamang-tama lang ito. Huwag niyo na pong bawiin."

Napailing na lang si mommy dahil sa inakto ko.

"Thanks ulit 'Mmy." sabi ko sa pinakamalapad na ngiti.

"You're always welcome son."

"Aalis na ako mommy." Pagpapaalam ko at tumayo na.

"Kuya." Tumango lang si kuya Rio.

"O Rio, 'di ba may sasabihin ka?" Rinig kong sabi ni mommy kay kuya nang makatalikod na ako.

"Magpapaalam lang po sana ako na uuwi sa amin Ma'am. Kukunin ko kasi iyong mga dokumento ko bilang requirements para sa enrollment." Napahinto ako sa paglalakad papunta sa pinto nang marinig ko ang sinabi ni kuya Rio.

Biglang may pumasok na kagagahan---pwede ring kalandian sa utak ko.

"No problem hijo. You can go." Pagpayag naman agad ni mommy.

"Salamat po Ma'am."

Humarap ako sa kanila at medyo lumapit ng kunti. Sabay naman silang napatingin sa akin.

"May nakalimutan ka ba anak?"

"Mom. 'Di ba wala si kuya Arnold? And I forgot na nag-change pala siya ng day-off ngayon. Sino pong magdadrive sa akin? Natatakot din po kasi akong mag-taxi. You know that mom."

Ginamit ko pa talaga ang nangyari sa akin noon. Ang totoo kasi niyan, malapit na akong kidnapin nang sumakay ako minsan ng taxi. Pauwi na ako noon galing sa isang birthday party ng kaklase ko nang mangyari iyon. Mabuti na lang hindi naituloy dahil nakapagtext agad ako kay mommy nang magdeklara ng kidnap iyong drayber. Kinutuban ako lalo na sa ibang direksyon na ang tinatahak namin. Nakatawag naman agad ng pulis sina mommy at nasundan ako. Nakatulong na bukas ang GPS ng cellphone ko kaya madali akong na-track nila mommy. Sa pangyayaring iyon ay may trauma na ako sa pagsakay ng taxi.

"I forgot about that. Sorry. Sinong magdadrive sa'yo anak? Aalis din kasi itong si Rio eh."

"Sasabay nalang po ako sa kanya 'Mmy. 'Di ba malayo iyong sa kanila? Kapag uuwi na lang kami ni Kuya Rio bibili ng materials para sa project ko. I want to visit also our factory there. Matagal ko na po iyong hindi nakikita mom eh, pwede po ba?"

'Yan lang naman ang kalandiang naisip ko.

Oh 'di ba, may moment naman kami ni kuya Rio. Galing ko talaga.

"Yeah sure. But you have to ask Rio first."

Agad namang nagsalita si kuya. "Okay lang po iyon Ma'am. Walang problema kung iyon ang gusto ni Sir Yuki."

My heart sank.

Bigla tuloy uminit ang pisngi ko. Kinilig din ako. Pero syempre ang kilig ay sa loob ko lang.

"You can use the van. Okay na rin iyon Rio para hindi ka na magcommute pa."

Yes! Success!

NAKASAKAY na kami sa van ni kuya Rio at dalawa lang kaming nandito. Solong-solo ko na naman ulit siya. Pero sobra akong kinakabahan ngayon. Nagwawala ang aking sistema.

Hindi ko naman kasi iyon maiiwasan dahil ilang oras ko siyang makakasama ngayong araw ng kaming dalawa lang.

Papalabas kami ng subdivision nang naglakas loob akong magtanong sa kanya.

"Ahm, Kuya Rio. Can I ask you some questions?"

Lumingon siya sa akin. Nagtataka. Pero agad din naman siyang sumagot.

"Sige sir." Pagpayag niya at muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Ilan po kayong magkakapatid?" Tanong ko.

I want to know him better by asking him first about his family.

"Apat kaming magkakapatid sir. Dalawang lalaki, isang babae at isang binabae." Natawa ako sa huling sinabi niya.

Binabae?

So may kapatid din pala siya na katulad ko?

"You mean, gay?" Tanong ko.

"Oo Sir. Si Rain. Bunso namin, walong taong gulang. Tapos iyong sinundan niya ay si Roxy at ang sunod sa akin ay si Ria."

"Wow! Parehong nagsisimula sa R ang mga first letter ng names niyo. Same with us, Y nga lang."

"O nga po eh." At doon nagsimula ang walang katapusang pag-uusap namin. I didn't expect na magiging komportable ako sa kanya ng ganito. Himala na hindi ako nauubusan ng itatanong kaya hindi naging tahimik ang buong byahe namin. He asked me some questions too pero ako pa rin ang may pinakamaraming tanong.

Dahil sa walang tigil na pag-uusap namin, hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa kanila. I didn't noticed that we're traveling for two and half hours already.

Napag-usapan na rin namin ni Kuya Rio na pupunta muna kami sa kanila bago sa factory namin then sa mall para isahang byahe na lang.

Huminto kami sa isang maliit na bahay na kalahati ay semento at ang kalahati naman ay kahoy.

Naunang bumaba si kuya Rio at sumunod naman ako. Nang makababa, inaya niya akong pumasok sa bahay nila.

Malinis at maayos ang mga gamit ng bahay though it was small. And I noticed one thing with the house. Nararamdaman ko ang saya.

"Sus maryusep kang bata ka! Bakit hindi ka man lang kumatok o nagpasabing darating ka!" Sabay kaming napalingon ni Kuya Rio sa nagsalita.

Isang matandang babae na mukha kalalabas lang sa isang silid. Sa tingin ko ay ito na ang Mama ni Kuya Rio.

Lumapit dito si Kuya Rio at nagmano sa ina.

"Kawaan ka ng Diyos anak. Bakit pala naparito ka?"

"Kukunin ko lang kasi ang mga requirements ko." Paliwanag niya.

"Bakit? Aahin mo iyon anak?" Nagtatakang tanong nito.

"Matutuwa po kayo sa sasabihin ko. Pagpapaaralin ako sa kolehiyo ng amo ko Nay." Natutuwang pahayag ni Kuya sa nanay niya.

The woman gasped in shock.

"T-talaga anak?"

"Opo nay. Hindi ko talaga inasahan iyon. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila Ma'am Fiona. Makakapag-aral na po ulit ako ng kolehiyo."

"Ang bait naman ng amo mo anak. Pagpalain sila ng Maykapal." Niyakap nito si Kuya Rio sa tuwa.

"Oo nga Nay eh." Dahil sa nakaharap sa akin ang nanay ni Kuya mula sa pagkakayap ay nakita ako nito. Napahiwalay ito ng yakap at nagtatakang tinitingnan ako.

"May kasama ka pala Rio. Kaibigan mo ba siya, anak?"

Lumapit naman sa akin si Kuya Rio. "Ah Nay, si Sir Yuki nga ho pala. Anak ng amo ko." Bumaling ng tingin sa akin si kuya. "Sir Yuki, Nanay ko."

"Nice meeting you po." Magalang na bati ko sa matandang babae at lumapit ako rito para magmano.

"Magandang araw sa inyo Sir. Iginagagalak kitang makilala. Pasensya ka na rito sa bahay namin. Nakakahiya naman sa inyo at pumunta pa kayo rito." Bumaling ito ng tingin kay kay kuya Rio. "Rio, paupuin mo naman ang amo mo. Hinyaan mo lang siyang nakatayo riyan."

"Naku okay lang ho at saka Yuki na lang ang itawag niyo sa akin. Huwag na po ang Sir."

"Sige Yuki. Kumain ka na ba? Tamang-tama kakaluto ko pa lang."

Dahil sa sinabi nito ay nakaramdam tuloy ako ng gutom. Mahaba-haba rin ang binyahe namin. Hindi na ako tatanggi pa sa biyaya.

"S-Sige po."

"Rio, halika na. Dalhin mo ang Sir mo sa hapagkainan nang makapananghalian na kayo."

Bago pa man makapagsalita si Kuya Rio ay may sumigaw ng bata at nagtatakbong tinungo ang direksyon niya.

"PAPA!" Sigaw ng bata na ikinagulat ko.

W-What does the kid call him?

Papa?

Papa ng batang ito si Kuya Rio?

Ibig sabihin...

Oh my God!

***

Continue Reading

You'll Also Like

5.8M 285K 65
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
2.2M 79K 165
Sml? An epistolary.
2.1M 98.8K 38
[NOW A FREE STORY] PeƱablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.