Indulgent Geoff (TTMT #3)

Por FGirlWriter

4M 110K 10.1K

Geoffrey Lucas "Geoff" Martin was forced to marry Zoey. Ngunit pursigido naman si Zoey na ma-in love sa kany... Más

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Fourteen

114K 3.3K 263
Por FGirlWriter

CHAPTER FOURTEEN

SIGURO ngang tama lang na pinagtitiyagaan ni Zoey na pumunta sa psychiatrist niya kada linggo. In a span of three months, napababa nito ang sobrang hype niya kapag masaya siya.

Hindi pa rin siya nagsi-shift ng malalang depressive mood, since then. Although, may mga pagkakataon na bigla na lang siyang nalulungkot pero kalmado naman siya. Normal na matamlay lang.

She was well taken care of. Lalo na ang baby niya. So, kahit labag sa loob niyang mag-psychotherapy at uminom ng gamot, ginagawa na lang niya para sa baby niya.

"Lumalaki na ang tiyan mo!" nakangiting sabi ni Jona habang nakatingin si Zoey sa salamin. Nakatagilid siya at nakikita ang umbok ng tiyan niya. Halatang-halata na iyon!

Six months na agad! Ang bilis ng mga araw. Last trimester na siya. Last three months!

"Ang bigat na nga, eh," aniya habang hinahaplos ang tiyan. Ramdam na ramdam niya na ang lahat ng pagbabago sa buong katawan. 

Ganoon pala ang pakiramdam nang nagbubuntis, feeling niya sobrang laki niya na. Minsan, na-imagine niyang dambuhala na siya. Huhu.

"Aalamin mo na pala ang gender ng baby next months!"

Napangiti siya at napapalakpak sa excitement. "Yes, yes, yes!"

Excited na siyang malaman kung girl o boy ang magiging anak nila ni Geoff.

Inabutan siya ni Jona ng isang baso ng gatas. "At sana umuwi na si Geoff, ano? Tatlong appointment na sa OB ang hindi ka niya sinamahan."

Lumabi siya. "Okay lang..." 

Pero hindi talaga okay. Nami-miss niya na nang sobra si Geoff. Hindi pa ito umuuwi mula nang birthday ni Tito Gino.

That was three months ago! Minsan, naiiyak si Zoey kapag tatawag si Geoff para ibalita na hindi ito makakauwi. Ayaw naman siyang payagan ni Lola Mina na magbiyahe papuntang Manila para naman makita niya si Geoff.

"Huwag ka nang malungkot, Zoey. Baka umuwi na sa susunod na buwan si Geoff."

Nagkibit-balikat siya. Umupo siya sa gilid ng kama niya at ininom ang gatas niya.

"Bakit daw ba siya hindi umuuwi? Grabe lang, ha? Hindi ka ba niya nami-miss?" anito habang inaayos ang higaan niya.

"Busy kasi siya... Dapat 'yung pinsan nila ni Greg 'yung magli-lead ng company nina Lolo Gus sa Manila. Taga-train lang siya. Kaso daw biglang ayaw na ng pinsan niya. Kaya siya na lang ang biglaang pumalit. Kailangan na kasi talaga mag-retire ni Lolo," pagkukuwento niya.

Actually, hindi si Geoff ang mismong nagsabi niyon. Si Lola Mina pa ang nagkuwento sa kanya.

Binigay niya na ang baso kay Jona nang maubos ang gatas. She tried to smile.

"Miss na miss ko na si Geoff..." sambit niya habang humihiga na sa kama.

"Halata nga. Eh, nagkakausap naman kayo, hindi ba?"

Kung usap ngang matatawag ang isang minutong tawag nito para sabihin lagi na, "I can't go home this week. Sorry, Zoey."

"Nagpapaalam lang siya, eh. Tapos nag-e-end na agad 'yung call. Hindi rin siya nagre-reply sa text messages ko."

Nang makabili siya ng bagong cellphone ay todo text siya kay Geoff araw-araw. Para naman kahit malayo sila sa isa't isa ay nakakagawa siya ng moves para hanap-hanapin siya nito. Kaso, wala yatang epekto iyon dahil ni isang reply, wala siyang natatanggap.

"Baka busy nga lang talaga at hindi na kayang makipag-text pa." Kinumutan na siya ni Jona.

"Kahit isang 'Hello' lang?" nakalabing tanong niya.

Jona shrugged. "Ano ba naman kasi iyang nobyo mo? Alam mo noong birthday ni Tito Gino, sobrang magkadikit kayo at ayaw maghiwalay. Hinalikan ka pa nga niya sa harap ng maraming tao pagkatapos niyang manalo sa palaro. Tapos bigla pa kayong nawala. Nagsarili siguro kayo?"

Humagikgik siya. They made love twice that afternoon. Gabi na nang makababa sila para makisaya ulit sa birthday ng Tito nito. Pagkatapos, doon pa siya natulog. They made love again.

"Pero pagkagising ko kinabukasan, wala na siya, eh..." Hinaplus-haplos niya ulit ang tiyan. "Hindi pa siya nagpaalam. Bakit ganoon? Akala ko..." her voice trailed off.

Akala niya, napo-fall na sa kanya si Geoff dahil napaka-possessive lang talaga nito last time. Ayaw nga nitong dumidikit siya kay Greg.

Akala niya tuluy-tuloy na. Kaso, parang wala naman palang improvement.

Pumikit na lang si Zoey at nag-isip ng positibo. Busy lang talaga si Daddy Geoff. Pero next month, sa susunod na check up niya sa OB, kasama niya na ito at sabay nilang malalaman kung girl o boy ang magiging baby nila.

Pagkatapos ay mamimili na talaga sila ng mga gamit ng baby nila. And they will think of their baby's name...

"Isumbong mo na lang ulit kay Lola Mina para mapauwi si Geoff dito," natatawang sabi ni Jona.

Natawa na rin siya at dumilat. "Oo nga, ano? Kaso naman gusto kong kusang loob uuwi si Geoff dito at hindi lang dahil pinapagalitan siya ni Lola Mina kapag ini-snob niya 'ko."

"Sabagay. Sige na, matulog ka na, Zoey. Maaga pa ang pasok mo bukas sa Zoey's. Kailan ka nga pala magli-leave? Kaya mo pa ba magtrabaho?"

"Kaya pa naman."

Kaso parang lagi siyang tinatamad. But still, she was able to manage the restaurant well. Dahil alam na ng buong staff na buntis siya, hindi siya binibigyan ng sakit ng ulo. Si Joyce yata lahat ang sumasalo ng mabibigat na trabaho para pagdating sa kanya, hindi na mabigat. Amazing.

"Sige. May pasok din ako bukas. Iwan na kita, ha?"

"Okay. Thank you, Jona. Good night!"

Paglabas nito ay kinuha ni Zoey ang cellphone niya. She texted Geoff.

To: Daddy Geoff

Hello, Daddy Geoff! Matutulog na kami ni baby. Miss na kita. Saka yung kiss mo, saka yung...hihihi :"> Good night! Sana makauwi ka na next month. Huhuhu. T.T

Hinintay niya kung magre-reply ba ito. Ngunit limang minuto na ang nagdaan ay wala pa rin. Hindi niya mapigilang mag-text ulit rito.

To: Daddy Geoff

Daddy, medyo malaki na ang tiyan ko. Sabi kasi ni Doktora, ang laki daw ni baby. Very healthy! Next check up, puwede na natin malaman if girl or boy ang baby natin. I'm soooo excited! :D Sana nandito ka na that time para mamimili na tayo ng things ni baby saka let's think together na puwedeng name. What do you think? (^_^)

After five minutes, she texted him again.

Daddy, gusto ko ng ice cream sa Mini stop! Kaso gabing-gabi na. Nakakatakot nang lumabas. :3 Sana nandito ka. Para ikaw uutusan ko. Hihihi. Joke! (^.^) I MISS YOU!!! *flying kiss*

One AM na, I can't fall asleep :( Kumusta ka na, Daddy Geoff? Nami-miss mo rin ba 'ko? Hehehe. I hope you're doing fine. Huwag mo masyadong papagurin sarili mo sa work, ah? (^_^)

Kinabukasan, patuloy pa rin ang pagte-text ni Zoey sa nobyo katulad ng mga nakaraang araw.

To: Daddy Geoff

Goood morning!!! Have a nice day, Daddy Geoff! Je t'aime! :D


To: Daddy Geoff

I had a very long day like yesterday! The restaurant is okay! Excited sila Joyce sa baby natin. :D Kaso kanina, nahihilo na 'ko and gusto ko lang mag-sleep. Part daw iyon ng pregnancy. Daddy Geoff, uwi ka na, ah? Para marami akong energy. Kulang yata ako sa French kiss. Hihihi :">


To: Daddy Geoff

Drank my vitamins already!!! And milk! I felt the baby moved again! Gumalaw siya nang sinabi ko name mo. The baby knows the name of his/her daddy. <3


To: Daddy Geoff

May exercise pala tomorrow na ituturo for pregnant women. Tinawagan ako ni doktora para daw maka-attend ako. Kailangan daw kasama ang partner. Kasi tuturuan kung paano imamasahe ang buntis kapag may back ache. Pero kahit friend, okay lang rin daw. Isasama ko sana si Jona kaso may pasok siya. I told Lola Mina about it, sasamahan na lang daw ako ni Greg. :) Okay lang, Daddy Geoff?


Nakatitig lang si Zoey sa screen ng cellphone niya habang hinihintay kung sasagot ito. Totoo namang may activity tomorrow for pregnant mommies. 

Para kay Zoey ay mahalagang makapunta siya doon dahil recently nga, masyado nang bumibigat ang tiyan na parang nanginginig na ang tuhod niya kapag tumatayo siya.

Madalas na rin siyang magka-back ache at kung anu-ano pa ang sumasakit sa kanya. Normal lang naman daw iyon dahil maraming nagbabago sa katawan niya.

Napabangon si Zoey nang tumunog ang phone niya. Akala niya si Geoff ang tumawag. Si Greg pala.

"Hello, cousin-in-law!" masiglang bati niya. "Tulog na si Jona, eh."

Natawa ito. "Hindi naman siya ang hinahanap ko. Totoo ba ang sabi ni Lola? Sasamahan kita bukas?"

"Yes. Kailangan kasi ng partner sa activity. Para maturo mo na rin kay Geoff kapag umuwi na siya."

"Anong oras ba iyon? May kailangan akong samahan na delivery ng mais at asukal sa Roxas at Ilagan."

"Umaga naman siya. Until lunch time lang."

"Ganoon ba? Mabuti naman. Paano? Susunduin na lang kita bukas ng umaga."

"Alright! Good night, Greg!"

Pagkatapos ng tawag ay nanlaki ang mga mata ni Zoey nang makitang nag-reply na si Geoff!

Napatili siya at pinigilan ang sariling mapatalon.

WHAT? You're going with Greg? No.

Ay, bakit??? :o Kailangan ng partner, eh.

Don't go, then.

I need that, Geoff. Huhu. Madalas nang sumakit ang likod ko.

Pati muscles and joints ko. I need to learn that exercise. Huhu!

Wala ka naman kasi, eh. Huhu! Uwi ka na po, please.

Hindi na ito nag-reply. Pero naghintay pa rin si Zoey. Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog. Pagkagising niya kinabukasan ay wala pa ring reply si Geoff.

Nag-text na lang siya ng "good morning" dito at saka naghanda para sa pupuntahan nila ni Greg.

Maagang umalis si Jona para sa klase nito pero ginawan siya nito ng breakfast. Pagkarating ni Greg ay handa na si Zoey.

"Greg, sobrang busy ba ni Geoff? Hindi na rin ba siya nakakausap nina Lola?"

Nagkibit-balikat ito habang nagmamaneho. "Hindi ko alam. Masyado akong abala sa farm. Pero ang alam ko nga ay maraming inaasikaso para sa paglilipat ng posisyon ni Lolo kay Geoff. Pabalik-balik din siya sa France yata."

Tinitigan ni Zoey ang braso ni Greg. Nagpe-flex ang biceps nito kapag kumakambiyo. Kahit naka-shirt ito ay bakat ang muscles nito. Napahagikgik siya.

Inangat niya ang kamay at pinisil-pisil iyon. "Wow! Totoo pala 'to."

Greg manly laughed. "Tsansing ka."

Tumawa lang siya at hindi tinigilan ang biceps nito. Hanggang sa dumating sila sa isang health center gym ay kulang na lang maglambitin siya sa mga braso nito.

Marami na ang nandoon. Feeling close agad si Zoey sa mga "co-pregnant mommies" niya.

"Asawa mo ang kasama mo?" tanong ng isang buntis na kanina niya pa kausap pero hindi niya pa natanong ang pangalan.

"Si Greg? Pinsan siya ng mapapangasawa ko. Siya muna ang sumama sa'kin kasi busy ang boyfriend ko."

Maya-maya ay nagsimula na ang pagtuturo ng exercise para sa kanila. Iyon ang first part. Ang mga lalaki ay nasa likod lang muna.

Tinuruan na sila kung paano ang dapat na exercise para sa mga buntis. Nag-enjoy si Zoey sa pag-e-exercise dahil pinatugtog pa ang paborito niyang kanta.

"Give it to me, I'm worth it! Baby, I'm worth it. Uh-huh I'm worth it," pagkanta-kanta niya pa habang nagste-stretching. Kundi niya lang napigilan ay baka kumembot-kembot na siya.

Malakas siyang kumanta kaya natatawa sa kanya ang mga kasama niya, pati na ang instructor nila. Ngingiti-ngiti naman siya at pinagpatuloy ang pagkanta habang nag-e-exercise. Maya-maya ay kumekembot na talaga siya.

Aliw na aliw ang mga tao kay Zoey.

"Uh huh, you see me in the spotlight, 'Ooh I love your style'. Uh huh show me what you got 'cause I don't wanna waste my time. Uh huh see me in the spotlight, 'Ooh I love your style'. Uh huh show me what you got now come and make it worth my while." Tinaas niya ang kamay at kinembot na ang balakang.

"Go, Zoey!" the women cheered.

Tinaas niya ang kamay at nagpakita na ng dance moves. But the safe ones only for her baby. "Give it to me, I'm worth it! Baby, I'm worth it. Uh huh I'm worth it!"

Nagpapalakpakan na ang mga tao at nakikita niya si Greg na nagpipigil na nang tawa ngunit malaki naman ang ngisi.

"Ang hyper mo, Zoey!"

"Idol na kita!"

"Sayaw pa, Zoey!"

"Inuuto niyo na 'ko!" natatawang sabi niya.

Natapos na ang exercise at kanta kaya naman pinag-break muna sila. Ang susunod nang gagawin ay ang participation ng partners para sa mga tamang pagmasahe sa buntis.

"Magaling ka pa lang magsayaw," puri ni Greg sa kanya.

She giggled. "Ang first meeting namin ni Geoff, nagsayaw kami! Tapos, bam! Buntis na 'ko."

Ang lakas ng tawa nito. "Iba naman ang sayaw na ginawa niyo."

"Mas nag-enjoy ako doon."

Nagtawanan sila at nag-high five. Uminom siya ng tubig at inabutan siya ni Greg ng face towel.

Habang naghihintay sila ng pangalawang part ng activity ay pinagdiskitahan niya ulit ang biceps nito.

Hindi naman umaangal si Greg. Maya-maya ay may biglang humila sa kanya palayo rito.

Napasinghap nang malakas si Zoey.

"Geoff!"

Salubong ang mga kilay nito habang masamang nakatingin kay Greg.

"Sabi ko, huwag kayong tumuloy, hindi ba?" mariing sabi nito at saka siya niyuko.

Hindi pinansin ni Zoey ang pagka-grumpy nito. Naiyak siya sa tuwa. "Geoff! I missed you! So, so much!"

Niyakap niya ito nang mahigpit. Ngunit malaki na ang tiyan niya kaya't hindi niya ma-itodo.

Tiningala niya ito at lumabi siya. "Sobrang miss na miss na kita, Daddy Geoff! Lagi akong naghihintay ng tawag at texts mo. Lagi akong naghihintay every week kung uuwi ka..." Suminghot-singhot siya at ngumawa.

Hindi siya malungkot. Sobrang saya niya na makita ulit ito.

Pinagtinginan na sila ng mga tao.

"I'm sorry, darling..." Geoff softly whispered. Marahan siya nitong hinila palabas doon.

"Na-miss kita. Akala ko hindi ka na uuwi, ever. Akala ko ayaw mo na 'kong makita, eh..."

Pakiramdam niya last month, baka may alam na si Geoff tungkol sa pagkakaroon niya ng bipolar disorder. Pero paano naman nito malalaman, hindi ba?

Muntik na siyang atakihin ng depressive episode niya. Buti na lang natulungan siyang pakalmahin ng psychiatrist niya.

Geoff cupped her face and wiped her tears away. "Smile now, darling. I'm here."

Suminghot siya. Ngumiti na siya pagkatapos. "Magtatagal ka ba dito?"

Natunaw ang puso niya nang makita ulit ang mga ngiti nito.

"Dinala ko na rito ang mga trabaho. Babalik na lang ako sa Manila isang beses sa isang buwan at uuwi agad dito pagkatapos."

Nanlaki ang mga mata niya. "You mean...?"

"I'll stay here with you."

Napatili si Zoey at napapalakpak. Yes! Yes! Yes! "Why'd you do that? Do you love me now?"

Hinalikan siya nito nang mabilis sa mga labi. "I don't know, Zoey. I don't know. But I want to be with you... no matter what you are."

"Huh?"

Sinagot siya nito nang isang mainit na halik.

***

Social Media Accounts:

FB Page: C.D. de Guzman / FGirlWriter

FB Group: CDisciples

Twitter: FGirlWriter

IG: fgirlwriter 

Seguir leyendo

También te gustarán

132K 3K 71
Started: [08-30-2014] Completed: [12-07-2014] ******* Warning: This is not your typical labstory. :) ******* Si Lexi, isang mayaman, matalino at maga...
328K 19K 33
2nd Book of Valleroso Series. Cypress Olivier Valleroso. Written©️2022
221K 14.5K 33
3rd Book of Valleroso Series. Archimedes Valleroso.
3.7M 88.1K 19
Saan dadalhin ng twelve years age gap ang pagmamahal ng mapaglarong si Haley sa respetadong vice-mayor na si Gideon? Written ©️ 2014 (Published 2017...