First Love kong.. Aswang?

By yangyang_22

40.1K 1.1K 33

May isang dalagang bagong salta sa bayan ng Mapayapa. Maraming nagkakagusto sa taglay niyang kagandahan at ka... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
17 (part 2)
19
EPILOGUE

18

1.4K 49 1
By yangyang_22

Mahina ang katawan ko. I can feel how tired my body is. Mabuti nalang at parang komportable ako sa paghiga.

PAGHIGA??!

Minulat ko ang mga mata ko at blurry pa ang paligid. All i can see is white.
White ceiling, white walls, white table, white blanket.

Am i in a hospital?





"Sam?"
"Gising na si Sam. Tawagin nyo si Doc."
"Ayos ka lang ba?"
"Are you okay Dear?"
"May masakit ba?"





Thats what i hear as i scan the room. I see my Mom and my friends but my eyes are looking for someone.

"Si Naldo?"



Natahimik naman silang lahat.




"Asan si Naldo?"pag-ulit ko at nagkatinginan lang sila.




Then realization hit me, galing kami sa gubat. Carlos supposed to shoot him but i intervene. I was shot.
I scan myself. I remove the covers at nakita ko naman agad na may bandage sa may balikat ko.

Sa balikat pala ako natamaan.




"Dear, how are you feeling?" my mom hug me.

"Im fine mom, but my body is weak."


She looked at me with pity. "Dont worry.Tapos na ang kasamaan ni Carlos anak. He is totally out of our lives. He is now in his cell. That's where he belong. Pareho lang sila ng Tatay niya na may masamang budhi."

I smiled a bit. Atleast may good news akong narinig maliban sa lahat ng nangyari. He deserve it. Sa lahat ng ginawa niya, dapat ay silya elektrika siya pinaupo. Kung sana ibalik lang ang parusa na iyon.




"Where's dad?"



"He is on his way. Nandito siya magdamag at binantayan ka.Kanina lang ay may emergency meeting kaya napilitan siyang umattend." my mom explained.

I look behind her and saw my friends.
Lumapit sakin si Jovie.




"Ayos na ba ang pakiramdam mo?"she asked.

"Medyo. Nanghihina lang. Si N--"



She cut me off. " Alam mo bang nasolve na ang kaguluhan sa bayan natin. Nagsampa na din ng kaso ang pamilya ni Linda kay Carlos."




"I guess, hindi na makakalabas pa ng kulungan ang hayop na yun sa patong-patong niyang kaso." sabi naman ni Lucas.



"Mabuti nga iyon babe at mabulok siya sa kulungan!" sabi naman ni Laila na nakakapit kamay pa sa nobyo. Ang sweet lang talaga nila.



"Alalang-alala kami sayo, alam mo ba iyon. Akala ko talaga nandun ka sa loob ng bahay." sabi naman ni Aaron.




"Marunong ka palang mag-alala." Phoemela rolled her eyes in disbelief.




"Hoi, bakit? Hindi ba kita tinadtad ng text tuwing gabi ka na makakauwi sa kakagala mo? Hindi ba kita tinatawagan kung ayos ka lang ba? Hindi ba--"



Tinakpan ni Phoem ang bibig nito."Oo na, oo na. Ang Oa na."


Napatawa nalang kami sa dalawa.


"Akala namin wala ka na. Kawawa nga si Manang Lucia dahil iyak siya ng iyak habang nakatanaw sa bahay niyong nilalamon ng apoy." sabi ni Jovie.


"Asan ba siya?" tanong ko. Nasa labas nga pala siya ng bahay nung nagkasunog.


" Nagpapahinga. Stressed out siya at baka tumaas ang BP niya kaya pinahinga muna namin." sabi ni Macoy.

"Maraming Salamat sa pagpunta niyo ha." tinignan ko silang lahat with a warm smile. "Alam niyo ba kung nasan si---"

"Goodmorning." pumasok bigla ang nakaputi all over na lalaki in his mid 30's at nakasuot ng salamin.




Kinuha niya ang board sa gilid ng kama ko at binuklat iyon.
"Miss Suarez, you're asleep for almost 24 hours. Now that you're awake, how are you feeling?"



Wala talagang manners ang mga taong ito. Hindi man lang ako pinapatapos sa tanong ko. Nakakainis.



"Mabutibuti na po. " sagot ko sa doctor.

"That's good."




Nilapitan niya ako sabay labas sa stethoscope niya at chineck ang heart beat ko. After a while he looked at me and smiled.



"Aside from your injury, okay naman ang vital stat mo. Your record is fine and you recovered fast. I guess, everythings back to normal at makakauwi na kayo in a short while."



"Thats good to hear doc." Sabi ni mommy.


"Magpagaling ka Miss Suarez ha. Dont give full force sa left arm mo. Magpahinga ka ,Okay?"



"opo" yun lang nasagot ko.



"You can now settle your account and discharge, Maam. Have a Good day." sabi niya kay Mommy at tuluyang umalis.



"Makakaalis ka na Sam !" Gigil na sabi ni Jovie.



"Alalahanin mo iyong sinabi ng doctor sayo." paalala pa ni Phoem.


"Bibili ako ng maraming fruits para sayo."sabi ni Sophie.



"Gala tayo minsan kapag ayos ka na ha." sabi pa ni Leo.





Sunod-sunod lang ang pagyango ko.

Marami pa silang paalala sakin pero wala akong maintindihan maliban sa isang bagay.Kanina ko pa napapansin na iniiwasan nila ang tanong ko.





"Galing niyo ding umarte noh?"

Natigilan na naman silang lahat.



"What do u mean dear?" mom asked.

I placed a hand to stop her. "Not you mom." nilingon ko ang mga kaibigan ko. "Do you think i didn't notice that you're avoiding my questions?"



Yumuko ang ilan, nagtinginan  naman yung magnobyo.
Bakit parang iba ang kutob ko sa tinginan nila?

"Where is he?" i asked with conviction.



They looked each other.





Kaagad akong tumayo at nagbihis matapos nilang sabihin sakin kung asan siya. Pupuntahan ko si Naldo.
Damn them ! Kaya pala iniiwasan nila ang tanong ko. Nagmamadali akong pumunta sa elevator para makaakyat ako sa kwarto niya. Nag-unahan naman ang mga luha ko sa pag-agos at halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Wala na akong pakialam kung sabihin nilang baliw ako.

Kinakabahan ako. SOBRA.
Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa kanya. Akala ko nailigtas ko siya sa bala, pero di ko siya nailigtas sa kamay ng gagong iyon. Hayop ka talaga Carlos! Pagsisisihan mong ipinanganak ka pa.





Kaagad kong hinanap ang room number na sinabi nila.
Nahanap ko naman at pumasok agad ako.



Sa halip na makita kong nakahiga si Naldo sa kama, babae ang sumalubong sakin.





"Yes Maam?" sabi nung utility ata. Nagtutupi kasi siya ng kumot.



"Nasan iyong naka-admit dito? Nalipat ba ng room?" tanong ko.



Hindi siya nakasagot.

"Ano?"

Nag-aalangan pa siyang sumagot nang bulyawan ko siya.




"You will answer me or i will cut your tongue.!!"

"W-wala na po." takot niyang saad.




"Anong wala na? Naka-discharge na ba?" lalo akong kinabahan dahil alanganin siya sa pagsagot.





"W-wala na po as in .......D-dead na po siya. "





"Pakilinaw nga ng sinabi mo?!" nabingi ba ako sa narinig ko?





"Sabi ko po, Namatay po si Sir kaninang umaga. Hindi na daw po kinaya ng sistema niya yung----"






Hindi ko na narinig ang ibang sinabi niya dahil umalis agad ako sa silid.
Humagulhol ako sa sakit ng nararamdaman ko.
Nanghihina ang mga tuhod ko kaya napakapit ako sa dingding.



HE IS DEAD.



Paano? Hindi na kinaya ng sistema? Ewan.
Paulit-ulit sa isipan ko ang mga sinabi nung babae.




Wala na po





Wala na po






Wala na po







Wala na po






Wala na po





Ganun na lang ba iyon? Ganito nalang matatapos ang love story namin? Kakaumpisa pa nga lang , tapos na agad. Parang kanina lang sabi niya sakin na mahal niya ako, tapos ngayon wala na siya? Ang daya naman! Bakit ba parang ayaw naman akong pasayahin ng pagkakataon? Bakit iniwan niya ako? Bakit may Carlos pa na gumugulo? Bakit?!

Napaupo ako sa sahig dahil nanghihina ako. Tanging ang pagiyak ko lang ang naririnig ko.





Ang sakit.

Ang sakit sakit.



"Anak, stand up." sabi nung boses sa likod ko.

Hindi ko siya pinansin. Iyak lang ako ng iyak.




"Anak, tahan na." tiningala ko siya and only to find out that its my dad.

Niyakap ko siya saka humagulhol.

"Daddy!!"



"Anak, Tahan na.Patawarin mo sana ako sa nagawa ko. Kung hindi ako naniwala sa mga hayup na iyon, hindi sana ito mangyayari. Patawad anak."

"Napatawad na po kita. Matagal na."

Nilayo ako ng bahagya ni Dad para maharap ko siya.








"why are you crying? May masakit ba?" pinunasan niya gamit ang likod ng palad niya, ang ilalim ng mata ko.




"Dito Dad. Masakit dito." Tinuro ko ang dibdib ko.

"Anong nangyari anak?"



"Iyong kasama ko. Wala na siya Dad. Wala na." napaiyak na naman ako.







He give me a hand to pick me up. Tinanggap ko iyon saka umayos ng tayo. Hinapuhap niya ang likuran ko habang pinalakad. Kung saan? Hindi ko alam. Baka pauwi.







"Mahal mo ba siya?"tanong niya malipas ang sandali.

Tumango ako pero nakayuko pa rin.
Ayokong may makakita sakin na parang inagawan ng candy ang mukha dahil basang basa sa pawis at luha. Im grieving for goodness sake.

"Mahal na mahal ko po iyon. Hindi ko alam kung saan nagsimula. Kung nung unang pagkikita ba namin *singhot*  o iyong pagpalipas niya ng gabi sa bahay , *singhot*  o dun sa school, *singhot* sa beach. Hindi ko alam. Ang alam ko lang, ayoko siyang mawala sa akin kasi .....   *singhot*  Mahal ko siya. But its too late."



Napatigil siya ng lakad kaya tiningala ko si Dad.

"Narinig mo iyon ha. Kaya wag na wag mo akong bibiguin."


Nagtaka naman ako sa sinabi ni Daddy kaya napatingin ako sa tinitignan niya.....


HolyCow!!



________________________________



MARAMING SALAMAT AT UMABOT TAYO SA 1.16K READS.
Hindi niyo alam kung gaano niyo ako napasaya kahit na mabagal ang pag-update ko. Sana patuloy niyo akong suportahan.

Sa nagVote at nagcomment...
Maraming salamat ha, kahit papano, nagboost ang confidence kong ipagpatuloy ang pagsulat nito.

Actually, nagka Writer's Block ako..  isa din iyon sa rason kung bakit matagal ang update ko.

KONTI NA LANG..
MATATAPOS NA ANG KWENTO, since nakuha ko din naman iyong plot, hindi ko na lalagyan ng maraming twists.


Watch out for my next update....
:* 

-yangyang

Continue Reading

You'll Also Like

490K 10.8K 41
[COMPLETED] *BOOK 2 IS STILL ONGOING* Isang babaeng matalino makulit,mapagmahal,mabait pero nagiging matapang para sa mga importante sa kanya hindi s...
Paraluman By casshew

Mystery / Thriller

1.3K 29 11
Ang kwento ukol sa mga aswang ay nagpasalin-salin sa henerasyon ng mga ninunong Pilipino ito'y hinggil sa kakaiba at hindi ordinaryong mga nilalang...
164K 3.5K 14
"I'll wait forever if I have to." Published Under PHR 2016 xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox ...
7.2K 70 34
"Ang ate niya at ang boyfriend nito ay magkahawak-kamay na tumalon malapit sa direksyon niya. Medyo lumayo siya dahil sa impact. Ang buhok niya ay na...
Wattpad App - Unlock exclusive features