Sakura

By LaraMelissa

1.1M 43.7K 6.3K

Sakura Lee is the queen bee of Strafford University. She's beautiful, smart, athletic and overall popular. No... More

Sakura
Chapter 1: I am Sakura
Chapter 2: The Accident
Chapter 3.1: I'm dead?
Chapter 3.2: Rest in Peace Sakura Lee
Chapter 4: First Day
Chapter 5: Alpha Kappa Omicron Fraternity
Chapter 6: Kanluran
Chapter 7: Don't touch her
Chapter 8: Brand
Chapter 9: You like me
Chapter 10: Fiancee
Chapter 11: I will run
Chapter 12: I like you
Chapter 13: Baseball
Chapter 14: Girlfriend
Chapter 15: Good
Chapter 16: Devil Kanluran
Chapter 17: Kriminal
Chapter 19: Inuman tayo
Chapter 20: Pinky Promise
Chapter 21: Serious Kanluran
Chapter 22: Magandang View
Chapter 23: Kinikilig
Chapter 24: Wala Ng Bawian
Chapter 25: Joke Lang
Chapter 26: No Words
Chapter 27: Can you make me happy?
Chapter 28: Don't drink alcohol

Chapter 18: Who are you, Alexei?

26.9K 1.1K 116
By LaraMelissa

Chapter 18: Who are you, Alexei?

Sakura's Point of View

Ang mga matang iyon... parang pamilyar sa akin. May kung anong emosyon ang bumubuo sa loob ko.

Uniwas ako ng tingin at huminga ng malalim. "Kung kriminal nga ako, bakit hindi mo ako ipinakulong?" nakataas na kilay na sambit ko. "Para party party na!" pang aasar na dagdag ko.

Natawa siya na hindi ko nagustuhan para kasing nang iinis lang siya ulit. "Ikaw? Sa kulungan?" at natawa siya ng malakas.

Nakatitig lang ako sa kanya. Okay... Hayahan maging baliw siya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Dinala niya iyon sa kanyang pisngi. "Hindi makatarungan iyon sa akin. Walang excitement akong mararamdaman kapag pinakulong lang kita. Mas gusto ko na makita kang dahan-dahang namamatay. Gusto ko masaksihan ang paghihirap at pagdadalamhati mo. Gusto ko makita na mawala ang lahat sa iyo."

Nangilabot ako sa mga sinabi niya. Para akong nakaharap sa isang demonyo ngayon. Lalo ako nangilabot nang halikan niya ang kamay ko.

"At alam mo bang naeexcite na ako na makita ka kung paano mo patayin ang sarili mo."

Bakit ang taong ito ay puno ng poot sa kanyang dibdib?

Ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni stupid?

"Ano na lang ang gagawin mo kapag nalaman nila na isa kang murderer!"

Hindi pa rin ako kumibo sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya.

Naaawa ako sa lalaking ito dahil nabubuhay siya para maghiganti lang kay stupid. Pero sa kabilang banda naman ay naiinis ako dahil sa pananakot na kanyang ginagawa. Ayaw ko siyang husgahan dahil wala akong alam sa nangyari pero parang hindi lang makatarungan yung ginagawa niya. Marahil nga kung ako si stupid ay ipinakulong ko na lang ang aking sarili para lang malayo sa baliw na ito. Kaya lang... Alam ko na hindi siya makukuntento kapag ganoon. Tsk! Masakit sa ulo!

"Alexei..." mahinang wika ko. "Bitawan mo ang kamay ko baka mahawaan ako ng kabaliwan mo!"

Lalo siya naging seryoso. Nang hindi niya bitawan ay hinila ko ito sa kanya. Hindi naman siya pumalag. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang parte kung saan niya ako hinalikan. Kitang-kita ko kung paano umitim lalo ang kanyang mga mata. Siguro nga, dapat na ako matakot sa kanya ngayon. Pero hindi ko hahayaan iyon dahil hindi ako si stupid at saka wala akong ginagawang kasalanan. Malinis ang konsensiya ko.

"Hindi mo ako matatakot, Alexei. Marahil noon nagsasalita ka pa lang ay nanginginig na ako sa takot at siguro nga kapag sinabi mo iyan sa akin baka  nga pinatay ko na agad ang aking sarili. Honestly, ginawa ko naman ang nais mo, nagpakamatay ako." Tandang-tanda ko na makita ko si stupid sa kalsada para ipasagasa ang kanyang sarili. Ang bobo nga eh, nandadamay pa ng ibang tao. Tinignan ko siya at nangalumbaba ako sa harap niya. "Come to think of it, bakit pa ako binigyan  ng second chance? Ah... Marahil siguro para tapusin na ang kabaliwan mo!"

Namumuhing tinignan niya ako.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy. "I will dare you, Alexei. Kill me now. Dahil kapag hindi mo ginawa iyon baka habang buhay ka maghihintay sa kamatayan ko dahil ibang Sakura na ang kaharap mo ngayon. Wala na ang Sakurang handang magpakamatay para sa iyo—"

"Shut up!" sabay hampas niya sa table namin.

Nagulat ako sa pagsigaw niya, hindi lang ako maging ang mga tao na nasa loob ng cafeteria. Lahat sila ay curious na nakatingin  sa amin ni Alexei ngayon.

"Leave," mariing utos niya.

What?

Sino siya para utusan akong umalis? Ano siya sinusuwerte? Hindi ako aalis!

Galit na tinanggal ni Alexei ang necktie niya. Sa nakikita ko ay nagalit ko nga siya talaga. Hindi pa siya nakuntento at tinanggal niya ang tatlong butones ng kanyang uniform. At nagulat ako na may nakita akong tattoo doon. Nanlaki ang aking mga mata na ma recognize ko iyon. Tattoo iyon ng isang miyembro ng mafia. Hindi ako puwedeng magkamali dahil nakita ko na iyon noong bata ako. Iyon ang alaala na gustong gusto kong kalimutan.

Tandang-tanda ko pa...

Hinahanap ko si nanay kaya lang sa hindi inaasahang pagkakataon ay napunta ako sa isang secret room ng bahay namin. Nagkamali ako ng kuwartong pinasukan, at may nakita akong isang lalaki duguan at nakagapos. Tumawag sa aking pansin ang tattoo niya sa kanyang dibdib. Nawala lang iyon na makita ko na hirap na hirap siya at paulit-ulit niya sinasabi na patayin na lang siya. Sobrang takot ang naramdaman ko at hindi ko alam ang aking gagawin. Gusto ko siyang tulungan. Pero nang makarinig ako ng mga taong paparating ay nagtago ako agad sa likod ng cabinet. Si tatay at mga tauhan ang pumasok. Hindi ko naiintindihan ang kanilang pinag uusapan basta ang alam ko ay abot hanggang langit ang kaba ko.

Nagulat ako sa sumunod na nangyari, kitang-kita ko kung paano nila pahirapan ang lalaking iyon. Pero hindi ko kinaya na makita kong pinatay nila ito. Sinaksak ng isang tao ni tatay and dibdib nito kung saan nakalagay ang tattoo nito. Malakas akong tumili na dahilan na mabuking nila ako.

Simula noon ay nagalit na ako sa kinikilala kong ama. Lalo akong namuhi sa kanya na lagyan niya ako ng tattoo sa likod ko na katulad sa kanya. Doon ko nalaman na hindi ko siya tunay na ama.

I hate him so much!

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"

Napakurap ako na marinig ko ang galit na boses ni Alexei. Oh shit! Nakalimutan ko na siya dahil sa isang masamang alaala na dapat nakalimutan ko na.

Tumingin ako sa kanya. At isang tanong ang umiikot ngayon sa utak ko.

Who are you, Alexei?

Kasapi rin ba siya ng organization na iyon? Nakaramdam ako na pagkirot sa aking ulo. Kailangang umalis na ako.

"Wala na akong sasabihin kaya aalis na ako," at taas noong tumayo ako. Hindi ko na siya hinintay pang sagot at wala sa sarili na lumabas ako sa cafeteria.

Isang palaisipan ang rebelasyon ni Alexei sa akin. Ang nakakapagtaka ay paano naging murderer si stupid? Shit! Hindi ko pa rin nakakalimutan ang puno ng galit sa mga mata ni Alexei. Sagad hanggang buto iyon.

Iniwan ko na siya dahil sa totoo lang ay wala na akong lakas para makipagtalo. Napahawak ako sa dingding na makaramdam ako ng hilo... What the hell! Ano'ng nangyayari sa akin?

Tiniis ko ang sakit ng ulo ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sakura!" rinig ko na sigaw.

Hindi ko pinansin iyon. Tumigil ako sa paglalakad para kalmahin ang aking sarili at ipinikit ang aking mga mata.

"Hey! Girlfriend!"

Bigla ako nagmulat doon. Bakit blurred?

"Sakura!"

"Sakura!"

"Sakura!!!"

Naramdaman ko na lang na may tumamang bagay sa akin at unti-unting nagdilim ang lahat.

***

"Sakura," isang malamyos ma boses ang narinig ko.

"Sakura..."

Stupid?

Pagmulat ko, bumungad sa akin ang mukha ni stupid. Shit! Nasa langit ulit ako?

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin.

"Stupid," ang tanging nasabi ko. Inilibot ko ang aking paningin at doon ko narealize na nandito ako ngayon kung saan kami huling nag usap.

"Patay na ako?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya kumibo at tumingin lang sa malayo.

"Stupid," tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Sino si Alexei sa buhay mo?"

Para siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya nagsalita at isang luha ang pumatak sa kanyang mata.

"I'm sorry," madamdaming wika niya.

At isang liwanag ang bumalot sa aming dalawa.

Fuck! Hindi pa ako tapos!

***

Stupid!

Bumalikwas ako ng bangon. Shit! Panaginip lang ang lahat? Nang tignan ko ang sarili ko ay nagtaka ako kung bakit nasa kama ako.

Nang ilibot ko ang aking mga mata ay doon ko narealize na nasa clinic ako ng school.

Paano ako napunta dito?

Napahawak ako sa ulo ko na makaramdam ako ng sakit. Shit! Bakit ang sakit?!

"Mabuti naman at gising kana."

Mabilis aking nag angat ng tingin at nabigla na makita ko si West sa harapan ko.

"Ano'ng nangyari?"

"Ang tanong Sakura, ano'ng nangyari sa iyo at bakit wala ka sa sarili na naglalakad papunta sa soccer field?"

"Huh?"

"Ilang beses ka tinatawag ng kaibigan mo pero hindi mo pinanpansin pati si Rogue." Napapailing na kuwento niya.

"Sigurado ka na ako iyon?" inis na tanong ko.

Lumapit siya sa akin. Binigyan niya ako ng ice pack. Hindi ko pinansin iyon. Para saan? Nang hindi ko kunin ay inilagay niya sa noo  ko iyon na kinangiwi ko.

"Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako," seryosong wika niya.

Nang tignan ko siya at makitang seryoso siya ay bigla ako naguluhan. Para saan?

"From now on, I will protect you Ms. Sakura Holman."

At sumakit ang puso ko.

Damn!

Continue Reading

You'll Also Like

12.1K 1.3K 200
Ang kanyang kalooban ay matigas at hindi normal katulad ng sa iba. Gayunpaman, dahil ipinanganak siya sa isang maliit na sangay ng pamilya, ang kany...
1.5M 74.1K 21
Ang Ikalawang Serye. A girl dying from Leukemia was given a chance to make a wish, and there she met a mysterious guy who would lead her as she enter...
95.5K 15.2K 59
Ang kasalukuyang tinaguriang pinakamalakas na kabataan sa buong probinsyal ng buong kaharian ng netopia ay lalahok sa kompetesyon at gugulantangin an...
6.9K 693 30
I promise to myself na hinding hindi na ako magtatrabaho na ikakapagod ko ng husto. I promise that I will treat myself better. I promise to myself th...