Fool Me Twice -Editing - (Com...

By turning_japanese

1.6M 17.6K 2.9K

Ito ay kwento ng masalimuot at kumplikadong love story ni Jessica, ang bestfriend ni Haley. Will she give Amb... More

Prologue
Chapter 1: Ambrose
Chapter 2: How it All Started
Chapter 3: Twice a week
Chapter 4: Carl
Chapter 5: The Reason
Chapter 6: The Transferee
Chapter 7: Another Transferee
Chapter 8: The Decision
Chapter 9: Stripes
Chapter 10 : White Christmas
Chapter 11: Kazi
Chapter 12: Fhaye
Chapter 13: Missed Call
Chapter 14: All Gone
Chapter 15: I should go.....
Chapter 16: The Mystery Guy ( Part 1)
Chapter 17: The Mystery Guy (Part 2)
Chapter 18: Homecoming
Chapter 20: Again
Chapter 21: Deja Vu (With External Link)
Chapter 22: Revealation
Chapter 23: One-sided
Chapter 24: Here's To Us
Chapter 25: Still
Epilogue
FMT: Jess and Ambrose (Restricted)
Fool Me Twice : Deja Vu ( Restricted)

Chapter 19: Is it over?

41.6K 638 113
By turning_japanese

Jessica's POV

~~~~~~~~~~

Ang lakas ng kaba ko. Hindi ko alam kung bakit. Huminga ako ng malalim. Hindi na dapat ganito. It's just him. Ano naman ngayon kung magkikita kami. At isa pa tapos sa amin ang lahat. Pero bakit ganito pa rin ang pakiramdam ko. And I hate this feeling of excitement and anticipation .Nakakainis.

Kanina bago ako umalis hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. Ilang beses din akong nagpalit ng damit. Then I decided to settle for a white cotton polo shirt. Fit ito. I let few buttons open on top. Para presko at magaan sa pakiramdam. I paired it with black skinny jeans and pumps. Nakailang ikot din ako sa salamin.

Tumingin ako sa relo ko. It's five to 7 am. I'm five minutes early. Wala pa siya. Baka isipin niya na atat ako sa pagkikita namin. Hindi nga ba? Hindi naman masyado. Ganito lang talaga ako laging maaga. Alam ng mga kasama ko sa shop yan. Ayoko ng late sa mga appointment. Kaya madalas ako talaga ang nauuna sa meeting place. Ibig sabihin hindi lang sa kanya ako ganito.

Bago ko pag aksayahan ng oras ang pag iisip ng mga walang kabuluhang bagay, sinimulan ko na ang aking trabaho. Sinuyod ng mga mata ko ang venue. Nilista ko ang mga details na kailangan kong idagdag para sa proposal ko sa plano. Malaki ito sa usual na size ng isang resto. It's a two-storey. Sa tantya ko ay humigit kumulang 300 na guests ang kasya. This resto started two years ago. Halos kasabay ng unang branch ng flower shop tinayo ko. Pero ngayon halos 20 branches na ito nationwide.

Ibig sabihin halos sabay kaming dumating dito sa Pilipinas. Ano kayang nangyari bakit siya umuwi? Kaya ako umuwi dito para iwasan siya.  Pero heto ako at nag aantay sa kanya. He set an appointment para sa package na kinuha niya for the resto opening. Of all the flower shops bakit sa shop ko pa sila napadpad ng gabing yun. Parang nananadya ang pagkakataon.

Maraming tanong ang sumasagi sa isip ko. Ano kayang nangyari sa kasal nila nung babaeng linta? Natuloy kaya ang kasal nila? Siguro. Kasi base sa huling nakita ko nung nasa coffee shop sila sa New Jersy masaya ang mga ito. They looked good together.

Isang malalim buntong hiniga ang pinakawalan ko nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan. He's here. Isang gray ng latest model ng Lexus ang pumarada sa tapat ng main door entrance. He did not change car brand. Yung modelo lang ang pinalitan niya. But he has an SUV type this time.

The car door opened at iniluwa nito si Ambrose. Ngumiti ito nang makita ako. Hindi ko alam kung gaganti rin ako ng ngiti. I had the chance to assess him. He's wearing a crew neck plain grey shirt ang faded jeans. Ganito ang mga gusto niya isuot kahit dati pa. His shirt is loose fit kaya makikita mong medyo bakat ang mga muscles niya sa braso at dibdib. Pumuti siya lalo. Parang tumangkad siya at lumaki ng konti.

His shoulders are broader. I still remember how those powerful muscles felt around me. Pumukit ako ng madiin. Bakit ako nag iisip ng ganito? Ito ang lalaking nanakit sa damdamin ko few years back. Ipinagtabuyan niya ako at hiniwalayan. Hindi kami nagkita ngayon para mag usap at magbalikan. Ito ay isang business meeting lang.

Huminto siya saglit nang humarap ako sa kanya. He scrutinized me from head to toe. Do I see admiration from his eyes? I think so. Well, I can tell believe me. And my heart leaped. He smiled and walked towards my direction.

" Hi!" bati nito habang kinukuha ang mga susi sa bulsa niya. " Sorry nalate ako ng konti. May dinaanan pa kasi ako."

I gathered myself together. Ayokong mahalata niya na  hindi ako komportable. Napansin ko ang paperbag ng Starbucks na dala niya. I declined his offer to have breakfast with him. Sabi ko kasi saglit lang yung meeting namin at may iba pa akong appointment. Kaya siguro dumaan ito sa coffee shop.

" It's ok. You're just on time. Napaaga lang ako." sagot ko.

Binuksan niya ng main door ng store. I gave a quick glance. Isa ito sa paraan para ilayo ko ang atensyon ko sa kanya. I can't stop but to stare at his face. Naninibago kasi ako. Hindi siguro ako sanay. His hair is short and black. Parang mas bagay ito sa kanya. He maintain that serious look. His facial features are now accentuated. Lalo na ang kanyang mga mata at ilong.  

Back to work Jess. I tried to focus on the interior of the resto. I took few mental notes kung ano ang mga details na kailangan ko pang idagdag na wala sa proposal na ginawa ko. It's ready for soft opening. Kaya pala minamadali na ang blessing nito. Gusto ni Ambrose next week na agad ang opening.

Nilapag nito ang paperbag na dala niya sa isang apatang mesa na malapit sa pinto.

" I hope you don't mind. These are just coffee and sandwiches. I always start my day with a breakfast."

Iniisip niya na mabilis lang namang kainin ang mga ito since I don't have much time. And since when he wanted to start his day with a breakfast. Sa pagkakaalam ko nung hindi pa kami nagsasama ang unang meal niya sa maghapon ay lunch.

"It's ok. " maikli kong sabi at nilapag ko na rin ang ibang gamit na dala ko sa mesa.

Isang malaking tote bag at makapal na folder ng mga brochures at design ang dala ko. I smelled his unfamiliar scent when he offered me a frappe. Just the way I want it. Hindi ako mahilig sa hot coffee.

Sumunod niyang nilagay sa harap ko ang sandwich. Air brushed into my nose and his smell lingers to my senses once again. It smells of sweet citrus and musk.  I sipped my drink to divert my attention. Napatingin ako sa kanya. It's cookie crumble. He glanced at me. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

" Is there something wrong? Ayaw mo ba nung binili ko?" nag aalangang tanong nito.

Actually, it's one of my favorites. Of course he knows it. At ayoko namang bigyan ng ibang kahulugan ito. Na naalala pa niya ang mga bagay na gusto.

Umiling ako. "Let's start." sabi ko at binuksan ko ang folder na dala ko.

Ayoko ng tumagal pa ang meeting na ito. Binigyan ko rin siya ng copy ng proposal na ginawa ko. Saglit lang niya itong tiningnan. I pushed the catalog of the first design sa harap niya.

"I'd like to have the flowers in tree stumps at the counter. Siguro mga two or three, Depende kung ano ang gusto mo. May mga sizes din dyan. But I would suggest two, sa magkabilang dulo lang. Pero ikaw pa rin ang masusunod. "

Napansin ko na umusod siya palapit para makita ang nasa brochure. I smell more of him. He changed his brand of perfume. Iniisip ko kung anong brand ito. I just couldn't tell kung ano. At hindi ko pa ito naamoy kahit kanino.

" Of course, hindi mawawala ang classic na garlands. It will be laid gently on the sides. Maganda kung puro carnation ang gagamitin at konting leaves lang. White and green ang effect."

Pinakita ko pa yung ibang flower arrangement. At yung iba ko pang suggestions. At kung ano yung mga pwedeng mga flowers na ipalit just in case ayaw niya yung mga nasa catalog. At nagsimula na akong mailang. Madalas siyang nakatitig sa mukha ko. 

I tried to ignore it.  I showed him all the catalog baka may iba siyang gusto at pati mga ibang plano. Kung ilang pirasong mga bulaklak at anong mga klaseng bulaklak ang gagamitin. Pwede siyang mamili. I can customize the plan.  Pero napansin ko na parang wala siyang naririnig at hindi niya iniintindi ang mga sinasabi ko. May time na hindi na niya inaalis ang tingin sa mukha ko. Bukod sa naiilang ako, nagsimula akong mainis.

 " Do you mind if I smoke?" biglang tanong nito.

At nilabas ang isang lighter at isang silver rectangular case sa bulsa niya.

Napahinto ako saglit. He hates smoking. And he knows I despised it as well. He really changed. At wala na rin akong karapatan na pagbawalan siya. Nagkibit balikat ako. Just to show that I don't mind at all. That I don't care.

Nakahinga ako ng maluwag nung mapunta kami sa last part ng plano. Nakakadistract siya tingan habang naninigarilyo. Especially the way he puffed the stick and slowly blow the smoke into the air. Damn. Bakit ang hot at sexy niya tingan samantalang nandidiri ako sa iba na naninigarilyo.

He met my gaze. Bakit siya ganun. Parang nananadya siya na makipag titigan sa akin. Yumuko ako. Pero muli akong nag angat ng tingin. Hindi ako dapat magpaintimidate sa kanya. Konti na lang at matatapos din ito. Makakalis din ako. At aalis agad ako once na matapos ito.

Lalo akong hindi makapag salita ng maayos nang halos hindi na niya inaalis ang tingin sa mukha ko. At halos magkadikit na kami sa sobrang lapit niya sa akin. I close my eyes at the soothing smell of the blend of cigar and his perfume. Pagdilat ko nakita ko na nakatitig siya sa lips ko. O guni guni ko lang. Huminto ako at huminga ng malalim. Ayokong magalit.

" I think I'm wasting my time here." madiin kong sabi.

 I closed the folder. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. He leaned forward to my side.

" Why do you say so?" tanong nito at parang pinipigilan pa ang mapangiti.

" I'm a busy person. At sa tingin ko hindi mo inintindi ang mga sinasabi ko. Hindi ka nakikinig. " hindi ko na naitago ang inis sa tono ko. "Hindi mo man lang tiningnan yung mga brochures. You didn't even pay attention to the details."

Pero ang gusto ko talagang sabihin ay nakatingin na siya sa akin simula nung magsalita ako.

 " That what? The trimmings should be minimal only. Few laces and ribbons. Gusto mo mas accentuated ang mga flowers. That you want 4 large glads in front. Combination of white tulips and some daises. The centerpiece should be in peaches and greens. That you prefer roses and cockscombs. Some sweet peas and freesias in pots which will be on all corners.  " kampanteng sagot nito. At sinabi pa nito ang iba pang detalye ng mga plano. "What did I miss?"

I think I need to close my mouth. I even heard him  laugh softly.

Wow! I was amazed. He said it almost exactly as I said it. Medyo ginaya pa nga niya yung tono ko at way ng pananalita ko. Which I might find funny and sweet if we were probably on a different situation. Siguro kung kami pa matutuwa ako. He knows I like flowers so much. And I never thought he would remember the types of flowers that I love. At yun ang mga gusto kong gamitin sa mga arrangement.

But he mentioned the names of the flowers like he knew those by heart. And the details, I never expected that he would digest all of it. Ang bilis ko pa ngang magsalita kung tutuusin dahil gusto ko ng matapos agad ang meeting namin.

" Why?" mahina kong sabi.

Kumunot ang noo nito. I can't believe I said those words loudly. Nasa isip ko lang ang tanong na yun.

" What do you mean why? " natatawang sabi nito.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko.

" I mean....." hindi ko tuloy alam kung paano ko ipapaliwang kung bakit ko natanong yun.

" Paano ko alam ang mga details since hindi ako nakikinig?" nakangising tanong nito.

Hindi ako makasagot. That's true. He even remembered the names of the flowers na hindi common. Which is not common sa isang guy. Of course I've mentioned those to him before.

" Because some of the details were from....our wedding. This is a resto opening. But I love the plan. " nakangiting sabi nito.

I ignored about him mentioning our wedding. How could he. May gana pa siyang banggitin ito. He ended it. Hinablot ko sa harap niya ang mga plano.

" Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Kung sa tingin mo hindi original ang mga ideas ko, you can get another planner. "

I can't believe he said it. Our wedding. And he's correct. Some of the details were from our wedding. Our wedding was simple but I made sure that I had the best and some of the most expensive flowers na alam ko. That how I planned this opening to be. A grand one.

Tumawa siya ng mahina. " Ididnt mean to make you feel that way. Sinasabi ko lang naman kung ano ang napansin ko. Tsaka masama bang mag reminisce paminsan minsan."

" Reminisce?! Well save it when Im gone!" napalakas ang boses ko. " W'ere here to discuss business."

Hindi ko alam kung nang aasar siya o gusto niyang ipaalala ang mga nangyari noon. At ito ang kinakatakutan ko. Ang pag usapan ang nakaraan. Sinilid ko na sa bag ko ang mga brochures at tumayo na ako. Hawak ko ang bag ko nang tumayo na rin siya at awatin ako.

" Okay fine." sabi nito at hinawakan nito ang kamay ko na nakahawak sa bag ko.

I know that his intention is to restarin me na wag umalis. Pero iba ang epekto sa akin ng simpleng hawak niya na yun. Parang napaso kong tinabig ang kamay niya. Kinilabutan ako. There was a strong connection from the touch itself to my heart. And it beats real fast.

" Just don't go." pakiusap nito.

Nanghihina ang mga tuhod ko at gusto kong umupo. I pushed his hand gently from mine. I can't stand the feeling of his hand touching me. Isa pa ayoko na rin namang magtagal pa sa lugar na'to. I can't stand having this feeling with him around.

" You know this meeting was even a big mistake. Dapat hindi ako nakipagkita sa'yo. I should've declined your request. "

Sana sinabi ko na lang na puno na ang schedule ko. Na busy kami. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit pumayag ako nung tumawag siya. Malamang sa ibang shop sila kukuha ng package. Pero nung tinawagan niya ako hindi ko nagawang tumanggi. Narinig ko na lang ang sarili na nagtatanong kung kelan at anong oras ang meeting namin.

" Why.....do you hate me that much?"

Gusto kong tumawa ng malakas sa tanong niya. Nabaligtad pa ata ang sitwasyon.

" I should be asking that to you. Sa totoo lang nagtataka ako kung ba't sa shop ka pa kumuha ng package. The last time I remember ayaw mo akong makita. " may panunumbat sa tono ko.

Napayuko ito at hindi malaman kung ano ang isasagot sa sinabi ko.

 " Look, that was few years back. Do you think I will still be that same person?"

I can't believe he's now asking me that. Buong buhay ko simula noong naghiwalay kami wala akong ibang inisip kundi siya. Kung paano naging miserable ang buhay ko habang naiisip na hindi na niya ako mapapatawad habang buhay. At ngayon heto siya sa harap ko at sinasabi ang mga bagay na'to.

" I don't know. Should I answer that? How will I know?" balik-tanong ko sa kanya.

Sa puntong ito gustong sumambulat ng mga luha ko. I wasted so much tears with this guy. Wasted so much time grieving. And I can't believe we are having this conversation since may kanya kanya na kaming buhay.

" I juts wanted us to talk.... " mahinang sabi nito.

Tumingin ako sa kanya. Talk? Sa loob ng napakahabang panahon na lumipas gusto niyang mag usap kami.

" Isn't too late for that?"

Kung sana pinakinggan niya ako, sana...hindi kami nagkahiwalay.

" I know. But I guess it's never too late if....." hindi nito tinuloy ang sasabihin. " Look,  I don't want you to remember me as that asshole few years back. "

Napailing ako. Is that his other way of saying sorry? Na binabawi niya lahat ng mga sinabi niyang masasakit.

" Don't worry I hardly remember it." pasaring ko sa kanya.

He stared at me in disbelief. Tila hindi siya naniniwala na limot ko na nag nakaraan.

" I even tried to avoid you that's why Im here. And here you are? Can you imagine that?"

He was avoiding me? Just like me. I was avoiding him that's why Im here.

" I think I saw you somewhere in New Jersey....." nag aalangang sabi nito.

He saw me in New Jersey. God, sa cofee shop. Nakita rin kaya niya ako doon? Or sa ibang lugar pa. Why was he avoiding me?

" I moved , then after few years I saw you there..." naiiling na sabi nito.

I saw him too. Pero hindi ko na sinabi. This is not the time to talk about it. Tumingin siya taas parang hindi niya alam kung ano ang susunod na sasbihin. Marami akong gustong itanong sa kaya. Pero ano pang silbi ng mga sagot niya. Lumipas ang napakahabang panahon nang hindi man lang nagkausap.  Nagkahiwalay kami ng ganun na lang. At ngayon, sa tingin wala na kaming dapat pag usapan pa.

" I'm really sorry....."

We stared at each other. Hindi ko mabasa kung ano ang laman ng isip niya. What was he saying sorry for? Sa mga nasabi niyang masasakit na salita? O dahil nagkahiwalay kami dahil hindi siya nakinig sa akin? O sa mga panahong nasayang na dapat magkasama kami.

" Jess....." hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinisil ang mga ito.

Binawi ko ang mga ito. What was he trying to do? I now have Ian and I think he married that lynch. No, hindi na dapat kami nag uusap tungkol sa mga nangyari noon. We're through. Then Ian's smiling face crossed my mind. .

" Let's not talk about it. I don't wanna talk about it. I dont' wanna hear anyhting about it, ok!?"

Namanhid at bahagyang nanginig ang buong katawan ko At habol ko ang aking paghinga. Tumakbo ako paalis sa sa lugar na yun at dumerecho ako kung saan nakapark ang kotse ko.

" Jess!"

Hindi na ako lumingon pa.  Mabilis ko itong pinaandar. Huminto ako sa tapat ng isang bookstore. Doon ko ibinuhos ang laman ng damdamin ko.

Unti unting tumulo ang mga luha ko. Bakit ganun? Hindi pa rin nawawala ang sakit na naramdaman ko noon. Nasasaktan pa rin ako. Anong kailnagan kong gawin?

May gana pa siyang ipaalala sa akin ang lahat. Gusto ba niya talaga akong parusahan. Ayaw niya akong patahimikin. Is this his own way of punishing me. Makikipaglapit siya at ipapaalala ang lahat. Ano pa ang kasunod, ipaalala niya ng tungkol sa anak namin. Kung paano ito nawala. At ipapamukha ulit sa akin na kasalanan ko ang lahat.

Sa totoo lang naninibago ako nung una ko siyang makausap sa telepono. He was extra friendly. I was expecting him  to be more professional and more serious. Pero kung kausapin niya ako parang hindi siya nagalit sa akin ng todo noon. Napatawad na ba niya ako? Has he moved on as well?

Bukod sa sakit na naramdaman, wala akong makapang ibang emosyon. Bukod sa....

Hindi. I was over him years ago. Pumikit ako ng madiin. Hindi pwede ito. Ayoko ng maskatan ulit. Masaya na ako kung anong meron ako ngayon.  But am I really happy? Or I just thought I'm happy? I maybe happy with Ian but with Ambrose...... it's different.

Parang ......namiss ko siya. Kanina nung makita ko siya gusto siyang yakapin. I just wanted to be in his arms again. Gusto kong imemorize ang amoy ng bago niyang perfume. Gusto kong maranasan ulit kung paano makulog sa mga bisig niya.

Hindi. Normal lang sigurong mag isip ako ng ganito kasi may nakaraan kami. We're not just ordinary lovers. We were married. He was my husband. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. At hindi na dapat ako nag iisip ng mga bagay na ganito. May kanya kanya na kaming buhay. I now have Ian. And I love him so much. And I think Ambrose married that lynch. Everything was over between us.

But when I look into his eyes....I saw something else. Pareho rin kaya kami ng iniisip. Namiss din niya kaya ako? It  semeed like he wanted to say something. Pero hindi ako dapat magpadala sa sitwasyon. Baka kaya ako ganito kasi matagal kaming hindi nagkita at ito ang una naming pag uusap.  Matindi ang pinagdaanan ko para lang kalimutan siya. Maraming tao ang nadamay at nalungkot. I have to be strong. At hindi ko pwede basta basta na lang itapon ang sakripisyong ginawa ko.

Hindi dapat ako umalis. Kailangan ko siyang harapin. But I really can't stand it. Pumikit ulit ako. I'll talk to him one of these days. But not today. Hindi ako matatahimik kung ganito na lang ang nararamdaman tuwing nakikita ko siya. Tuwing lumalapit ako sa kanya. And I'm sure hindi ito ang huling pagkikita namin. I will prove to myself and to him na wala nang natitira pa para aming dalawa.

fujeeko x




Continue Reading

You'll Also Like

21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
1.3M 42.7K 27
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #2 (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********* Nilait-lait ni Markus alias MarkydeLurky si Alexis sa YouTube dahil sa...
1.3M 23.6K 38
Hindi naniniwala si Min sa love. Walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang maiahon ang pamilya niya sa hirap. Kaya naman nang makilala niya si Lee...
153K 5.3K 46
Imbyernang-imbyerna si Marian sa mahaderang may-ari ng kakompetensiya niyang funeral parlor na si Aling Poleng. Tumitindi ang kompetensiya sa pagitan...